353. Ang Tinapay Mula sa Langit.

Disyembre 7, 1945.

Ang baybayin ng Capernaum ay nagsisiksikan sa mga tao bumababa mula sa isang plota ng mga bangka ng lahat ng sukat. At ang unang dumaong ay kumalat sa mga pulutong sa paghahanap sa Guro, o sa isang apostol o sa isang disipulo mang lamang. At sila ay nagtatanong tungkol sa kanila...

Ang isang lalaki sa wakas ay tumugon: «Ang Guro? Ang mga apostol? Hindi, sila ay wala rito. Umalis sila kaagad pagkatapos ng Sabbath at hindi pa bumabalik. Ngunit sila ay babalik, sapagkat ang iba sa mga disipulo ay naririto. Nakakausap ko pa lamang ang isa sa kanila. Siya ay maaaring isang importanteng disipulo. Siya ay nagsasalita nang kasing galing ni Jairus! Siya ay naglakad sa tabi ng baybayin patungo sa bahay na iyon sa mga bukid.»

Ang lalaki na nagtanong, ay ikinalat ang balita at lahat sila ay nagmadali patungo sa bahay. Ngunit pagkatapos ng mga dalawang daang metro nasalubong nila ang isang grupo ng mga disipulo papalapit patungong Capernaum pakaway-kaway nang masigla ang mga kamay. Binati nila sila at nagtanong: «Nasaan ang Guro?»

Ang mga disipulo ay tumugon: «Sa loob ng gabi, pagkatapos ng himala, Siya ay umalis kasama ang Kanyang mga disipulo sa pamamagitan ng bangka patungo sa kabila ng dagat. Nakita namin ang mga panlayag sa liwanag ng buwan patungo sa Dalmanuta.»

«Ah! Hinanap namin Siya sa Magdala, , sa bahay ni Maria, ngunit Siya ay wala roon! Ngunit... sinabi sana sa amin ng mga mangingisda ng Magdala!»

«Baka hindi nila nalalaman. Baka umakyat Siya sa mga bundok ng Arbela upang magdasal. Napunta na Siya roon noon, nang nakaraang taon, bago ang Paskuwa.  Nakita ko Siya noon doon, sa pamamagitan ng dakilang grasya ng Panginoon sa Kanyang abang lingkod» sabi ni Stephen.

«Ngunit Siya ba ay hindi babalik dito?»

«Siya ay tiyak na babalik. Kailangan Niya kaming bigyan ng mga tagubilin bago kami umalis. Ngunit ano ang kailangan ninyo?»

«Ibig namin Siyang mapakinggan muli, upang masundan Siya at maging Kanyang mga disipulo.»

«Siya ay pupunta sa Herusalem. Makikita ninyo Siya roon. At sa loob ng Bahay ng Diyos, ang Panginoon ay magsasalita sa inyo at malalaman ninyo kung kailangan ninyo Siyang sundan.  Sapagkat kailangan na malaman ninyo na, bagama't wala Siyang tinatanggihang sinuman, may mga kiling sa loob natin na tumatanggi sa Liwanag. Ngayon, siya na may napakarami ng mga kiling na ito upang maging hindi lamang tigmak sa mga ito – na hindi isang malaking kasamaan dahil Siya ay Liwanag at kapag talagang nagpasya tayo na maging Kanyang matapat na mga tagasunod ang Kanyang Liwanag ay makapapasok sa atin at pangingibabawan ang kadiliman – bagkus maging lubos na nakakabit sa mga ito, katulad na maging kabahagi ang mga ito ng sariling katawan, diyan mas mabuti pang huwag siyang sumunod, maliban kung nakahanda siyang wasakin ang kanyang dating pagkatao at pormahin ang ganap na bagong pagkatao. Isipin kung gayon kung kayo ay may lakas na magkaroon ng isang bagong espiritu, isang bagong pamamaraan ng pag-iisip at paggusto. Magdasal upang makita ang katotohanan tungkol sa inyong bokasyon. Pagkatapos halikayo, kung ganyan ang inyong magiging pasya. At harinawang ang Kataastaasan, Na siyang gumabay sa Israel sa “pagdaan”, ay gabayan din kayo sa “Paskuwa” na ito, upang sana makasunod kayo sa landas ng Kordero, mula sa disyerto, patungo sa eternal na Lupa, ang Kaharian ng Diyos» sabi ni Stephen, nagsasalita sa katauhan ng lahat ng kanyang mga kasamahan.

«Hindi, hindi! Ngayon na! Kaagad! Walang gumagawa ng Kanyang nagagawa. Ibig namin Siyang sundan» sigaw ng mga pulutong na nagkakagulo.

Si Stephen ay ngumingiti na may ibig-sabihin. Ibinuka niya ang kanyang mga kamay at nagsabi: «Ibig ba ninyong sumunod dahil binigyan Niya kayo ng maraming magandang tinapay? Sa palagay ba ninyo sa hinaharap iyan lamang ang Kanyang ibibigay sa inyo? Pinapangakuan Niya ang Kanyang mga tagasunod ng Kanya Mismong tatanggapin: kapighatian, pang-uusig, martiryo. Hindi mga rosas, bagkus mga tinik; hindi mga haplos, bagkus mga sampal; hindi tinapay bagkus mga bato ang naghihintay sa mga tagasunod ng Kristo. At sinasabi ko ang ganyan na hindi nagiging isang tagapaglapastangan, sapagkat ang Kanyang totoong mga tagasunod ay papahiran ng banal na langis na ginawa ng Kanyang Grasya at ng Kanyang paghihirap; at kami ay “papahiran” upang maging mga biktima sa altar at maging mga hari sa Langit.»

«Bueno? Baka kaya naninibugho kayo? Kung kayo ay naroroon, ibig din namin na mapunta roon. Ang Guro ay pag-aari ng lahat.»

«Sige. Sinabi ko sa inyo sapagkat minamahal ko kayo at ibig kong malaman ninyo kung ano ang ibig sabihin ng maging “mga disipulo”, upang kayo ay hindi sana maging mga taksil pagdating ng araw. Pumunta na tayong lahat ngayon at hintayin Siya sa Kanyang bahay. Ang araw ay lumulubog na at magsisimula na ang Sabbath. Siya ay darating upang dito ipangilin ang Sabbath bago umalis.»

At sila ay naglakad patungo sa bayan, naguusap-usap. At marami ang nagtatanong kina Stephen at Hermas, na sumali sa kanila, ng maraming mga katanungan, dahil kapwa sila napabuti ang katayuan sa mga mata ng mga Israelita, gawa na sila ay paboritong mga iskuwela ni Gamaliel. Marami ang nagtatanong: «Ngunit ano ang sinasabi ni Gamaliel tungkol sa Kanya?», at ang iba: «Pinadala ba niya kayo?», at ang ilan: «Hindi ba siya nalungkot na nawala kayo?», o: «Ano ang sinasabi ng Guro tungkol sa dakilang rabbi?»

Ang dalawang disipulo ay matiyagang tumutugon: «Si Gamaliel ay nagsasalita tungkol kay Jesus ng Nazareth bilang ang pinakadakilang tao sa Israel.»

«Ano? Mas dakila pa kay Moses?» bulalas ng iba, na halos naiiskandalo.

«Sinasabi niya na si Moses ay isa sa maraming prekursor ng Kristo. Ngunit siya ay ang katulong lamang ng Kristo.»

«Kung gayon, ayon kay Gamaliel, ang taong ito ay ang Kristo? Iyan ba ang kanyang sinasabi? Kung sinasabi iyan ng rabbi na si Gamaliel, ang usapín ay tapos na. Siya ang Kristo!»

«Hindi niya sinasabi iyan. Hindi pa siya makapaniwala diyan, nakalulungkot para sa kanya. Ngunit sinasabi niya na ang Kristo ay nasa lupa na, sapagkat siya ay nakipagusap sa Kanya maraming taon na ang nakaraan. Kapwa siya at ang marunong na si Hillel. At naghihintay siya ng tanda na ipinangako ng Kristo sa kanya upang sana makilala niya Siya» sabi ni Hermas.

«Ngunit papaano siya nakapaniniwala na ang taong iyon ay ang Kristo? Ano ang Kanyang ginawa? Ako ay kasing tanda ni Gamaliel, ngunit hindi ako kailanman nakarinig ng tungkol sa sinuman na gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng Guro.

«Nakita niya Siya na pinahiran ng langis ng Karunungan ng Diyos. Ganyan ang kanyang sinasabi» tugon muli ni Hermas.

«Bueno, kung gayon, ano ang isang ito ayon kay Gamaliel?»

«Ang pinaka dakilang tao, guro at prekursor sa Israel. Kung masasabi niya: “Siya ay ang Kristo”, ang marunong at makatarungan na kaluluwa ng aking unang guro ay maliligtas» sabi ni Stephen at naghinuha siya: «At nananalangin ako na sana ito ang mangyari, anuman ang mangyari.»

«Ngunit kung hindi siya maniwala na Siya ay ang Kristo, bakit niya kayo pinadala sa Kanya?»

«Gusto namin pumunta. Pinabayaan niya kami na pumunta nagsasabing iyon ay isang mabuting bagay.»

«Baka ibig niyang malaman ang mga bagay-bagay at iulat ito sa Sanhedrin...» pahiwatig ng isa.

«Mamâ, ano ang iyong sinasabi? Si Gamaliel ay tapat. Hindi siya naglalarong espiya para sa kahit sino, at lalo na para sa mga kaaway ng isang inosenteng tao!» pagtutol ni Stephen at siya ay galit na galit at halos nanlilisik sa banal na galit na siya ay nagmumukhang isang arkanghel.

«Ngunit siya ay maaaring nalulungkot na mawala kayo» wika ng isa pa.

«Siya ay nalungkot at hindi. Bilang isang tao na nagigiliw sa amin, oo. Bilang isang napakamatuwid na espiritu, hindi. Sapagkat sinabi niya: “Siya ay mas dakila kaysa sa akin at mas bata kaysa sa akin. Kung gayon maihihinga ko ang aking huling hininga nang may kapayapaan, tungkol man lang sa inyong hinaharap, dahil nalalaman ko na kayo ay kasama ng ‘Guro ng mga guro’ “.»

«At ano ang sinasabi ni Jesus ng Nazareth tungkol sa dakilang rabbi?»

«O! Siya ay nagsasalita ng bagkus maganda tungkol sa kanya!»

«Siya ba ay hindi naiinggit sa kanya?»

«Ang Diyos ay hindi naiinggit» tugon ni Hermas nang mahigpit. «Huwag gumawa ng mga magpapalagay na mapaglapastangan.»

«Kung gayon Siya ay Diyos ayon sa iyo. Nakatitiyak ka?»

At ang dalawa ay tumugon nang sabay: «Katulad na kami ay nakatitiyak na kami ay buháy ngayon lang.» At si Stephen ay naghinuha: «At paniwalaan mo mismo ito kung ibig mong magkaroon ng eternal na buhay.»

Mula sa baybayin sila ay pumunta sa liwasan, na kanilang tinatawid sa pagpunta sa bahay. Si Jesus ay nasa pintuan hinahaplos ang ilang mga bata.

Ang mga disipulo at ilan na mga mausisang tao ay nagsisiksikan sa paligid Niya nagtatanong: «Guro, kailangan Kayo nakarating?»

«Mga ilang minuto ang nakararaan.» Ang hitsura ni Jesus ay mahestuwusong maringal pa rin, medyo nakakagalak, katulad kapag Siya ay nalululon sa panalangin nang matagal.

«Kagagaling ba Ninyo sa pagdarasal, Guro?» tanong ni Stephen sa isang mababang tinig dala ng paggalang, at sa gayon ding rason siya ay yumukod.

«Oo, sa pagdarasal. Papaano mo naintindihan iyon, Aking anak?» tanong ni Jesus ipinapatong ang Kanyang kamay nang may mabait na haplos sa maitim na ulo ng disipulo.

«Ang Inyong anghelikal na mukha. Ako ay isang abang tao, ngunit ang pinahihiwatig ng Inyong mukha ay napakalinaw na mababasa diyan ng isa ang mga emosyon at mga gawain ng Inyong espiritu.»

«Ang sa iyo rin ay malinaw. Ikaw ay isa sa mga nananatiling mga bata...»

«At ano ang nasa aking mukha, Panginoon?»

«Halika sa tabi at sasabihin Ko sa iyo» at si Jesus ay kinuha siya sa pupulsuhan at pinasunod sa isang madilim na koridor. «Karidad, pananampalataya, kadalisayan, kagandahang-loob, karunungan; ang Diyos ay ibinigay sa iyo ito at napaunlad mo ito at mapa-uunlad mo pa ito nang lalo pa sa hinaharap. Sa huli, sa pag-ayon sa iyong pangalan, mayroon kang korona: ito ay gawa sa purong ginto na may malaking hiyas-na-bato kumikislap sa harapan. Sa ibabaw ng ginto at ng batong-hiyas ay may nakaukit na dalawang ekspresyon: “Katalagahan” at “Maagang Bunga”. Maging karapat-dapat ng iyong patutunguhan, Stephen. Humayo sa kapayapaan dala ang Aking pagpapalà.» At sa muli ipinatong Niya ang Kanyang kamay sa maitim na ulo ni Stephen habang siya ay lumuluhod at yumuyuko upang halikan ang Kanyang mga paa.

Binalikan nila ang iba.

«Ang mga taong ito ay naparito upang makinig sa Inyo...» sabi ni Philip.

«Hindi posible na magsalita rito. Tayo na sa sinagoga. Masisiyahan si Jairus.»

Pumunta sila sa magandang sinagoga ng Capernaum: si Jesus ang nangunguna at sinusundan ng prusisyon ng lahat na iba pang mga tao. Si Jairus ay binati Siya at Siya ay pumasok, nagbibigay ng tagubilin na iwanang nakabukas ang lahat na pintuan, upang ang hindi makakapasok ay sana mapakinggan Siya mula sa kalsada at sa liwasan sa tabi ng sinagoga.

Si Jesus ay pumunta sa Kanyang lugar, sa loob ng mapagkaibigang sinagoga, kung saan, mabuti na lang, ay walang mga Pariseo ngayon. Baka sila ay nakaalis na patungong Herusalem na bihis-na-bihis sa kanilang malalapad na damit. At Siya ay nagsimulang magsalita.

«Sasabihin Ko sa inyong totoo: hinahanap ninyo Ako hindi upang pakinggan Ako o dahil sa mga himala na inyong nakita, bagkus dahil sa tinapay na ibinigay Ko sa inyo upang kainin at mabusog kayo at wala ng kahit na anong gastos. Iyan kung bakit tatlo sa kapat sa inyo ang naghahanap para sa Akin, at dala rin ng pag-uusyoso, at iyan kung bakit kayo ay nagpunta mula sa bawat bahagi ng ating Amangbayan. Kung kaya't walang espirituwal na espiritu sa inyong pagpupursige, na napangingibabawan ng pantaong espiritu kasama ang di-mabubuting pag-uusyoso nito o ang kamusmusan na pag-uusyoso man lamang, hindi dahil ito ay simpleng katulad ng pag-uusyoso ng mga bata, bagkus ito ay ang napinsalang kamusmusan katulad ng katalinuhan ng isang tao na may mapurol na pag-iisip. At nakakabit sa ganitong pag-uusyoso naririyan ang sensuwalidad at ang nasirang pakiramdam. Sensuwalidad, kasing pino ng dimonyo na ang kaninong anak-na-babae ay ito, na nagtatago sa mga hitsura at tila mabubuting gawain, at ang nasirang pakiramdam ay simple ang di-mabuting paglihis ng damdamin, at katulad ng lahat na “isang sakit” ito ay nangangailangan at naghahanap ng mga droga, na hindi mga lisong pagkain, mabuting tinapay, mabuting tubig, wagas na oleo, ang unang gatas na sapat na upang mabuhay at mamuhay nang matino. Ang nasirang pakiramdam ay nangangailangan ng higit pa sa ordinaryong mga bagay upang magising, upang maramdaman ang kilíg ng sarap, ang masakítin na kilíg ng paralisadong mga tao na nangangailangan ng mga droga upang maramdaman ang sarap, na manloloko sa kanila na sila ay maniwala na sila ay malusog pa rin at masigla. Ang sensuwalidad na gustong mabigyan ng kasiyahan ang sariling katakawan nang walang pagtatrabaho, sa kasong ito, sa pamamagitan ng tinapay na hindi pinaghirapan, bagkus ibinigay ng kagandahang-loob ng Diyos.

Ang mga regalo ng Diyos ay hindi pangkaraniwan na ordinaryong mga bagay, sila ay espesyal na mga regalo. Hindi ito maaaring angkinin ng isa o ang isa ay maging tamad at magsabi: “Ang Diyos ay ibibigay ito sa akin”. Ito ay nakasulat: “Kakain ka ng tinapay na pinatuluan ng pawis ng iyong noo”, iyan ang tinapay na kinita sa pamamagitan ng mahirap na pagtatrabaho. Kung Siya Na Awa ay nagsabi: “Naaawa Ako sa mga taong ito, na sumunod sa Akin sa loob ng tatlong araw at wala nang natirang makakain at baka himatayin sa daan bago marating nila ang Hippo sa lawa, o ang Gamala, o ang kahit ano pang ibang bayan”, at Siya ay naglaan ng naaayon, ito ay hindi nagpapahiwatig na Siya ay kailangang sundan dahil lamang diyan. Ako ay kailangang sundan para sa mas mahigit pa kaysa sa isang maliit na tinapay, na nagiging dumi pagkatapos na matunaw sa tiyan. Ako ay kailangang sundan hindi para sa pagkain na pumupuno sa tiyan, bagkus para sa nagpapalakas sa kaluluwa. Sapagkat kayo ay hindi lamang mga hayop, na nangangalkal at nanginginain, o dudumi at magpapakataba. Kayo ay mga kaluluwa! Iyan kung ano kayo! Ang inyong katawan ay ang damit, ang inyong pagkatao ay ang kaluluwa. Ang kaluluwa ang siyang tumatagal. Ang inyong katawan katulad ng mga damit, ay naluluma at natatapos, at hindi sulit na ito ay pangalagaan ng tinapay, na tila ito ay isang bagay na perpekto karapat-dapat ng bawat pangangalaga.

Hanapin, kung gayon, kung ano ang makatarungan na maabot, hindi kung ano ang di-makatarungan. Pagsikapan na makuha hindi ang pagkain na nabubulok, bagkus ang tatagal para sa eternal na buhay. Ang Anak ng tao ay laging ibibigay ito sa inyo, kailanman ninyo ito gustuhin. Sapagkat ang Anak ng tao ay nasa Kanyang pangangalaga ang lahat na nanggagaling sa Diyos, at ibinibigay Niya ito; Siya ang Guro, ang mapagbigay na Guro ng mga kayamanan ng Amang Diyos, Na naglagay ng Kanyang tatak sa Kanya upang ang tapat na mata ay hindi sana malito. At kung nasa inyo ang pagkain na hindi nabubulok, magagawa ninyo ang mga gawain ng Diyos, bilang napakain ng pagkain ng Diyos.»

«Ano ang kailangan naming gawin, upang magawa ang mga gawain ng Diyos? Sinusunod namin ang Batas at ginagalang ang mga Propeta. Kung gayon kumakain na kami ng pagkain ng Diyos at ginagawa namin ang mga gawain ng Diyos.»

«Iyan ay totoo. Sinusunod ninyo ang Batas. O mas mabuti pa: “nalalaman” ninyo ang Batas. Ngunit ang makaalam ay hindi ang magsabuhay. Halimbawa, nalalaman natin ang mga batas ng Roma, ngunit walang matapat na Israelita ang nagsasabuhay nito, maliban sa mga kaso kung saan siya ay napipilitan na gawin ang ganyan bilang isang nasasakupan. Kung hindi, ang tinutukoy Ko ay ang matatapat na Israelita, hindi natin isinasabuhay ang mga paganong kaugalian ng mga Romano, bagama't nalalaman natin ito. Ang Batas na nalalaman ninyo at ang mga Propeta ay, sa katunayan, kailangan na mapakain kayo ng Diyos at magawa kayong magawa ninyo ang mga gawain ng Diyos. Ngunit upang mangyari ito, ito ay kailangan na maging isang bagay na kaisa ninyo, katulad ng hangin na inyong sinisinghot at ng pagkain na inyong kinakain, na nagiging inyong buhay at inyong dugo. Sa halip ito ay katulad ng mga estranghero sa inyo, bagama't pag-aari ito ng inyong bahay, katulad lamang ng isang bagay sa loob ng bahay, na kilala at may pakinabang sa inyo, ngunit hindi makakaapekto sa inyong buhay kung ito ay mawala. Ngunit subukan na huwag huminga nang sandali, o huwag kumain nang mga ilang araw... at makikita ninyo na hindi kayo mabubuhay. At ganyan ang dapat maramdaman ng inyong kaakuhan sa inyong kakulangan ng pagkain at kakulangan ng hangin ng Batas at mga Propeta, nalalaman ninyo ngunit hindi kinakain at sa gayon hindi lahat kaisa ninyo. Ito ang Aking ipinunta upang ituro sa inyo at ibigay sa inyo: ang katas, ang hangin ng Batas at ng mga Propeta, upang maibigay muli ang dugo at hininga sa inyong mga kaluluwa na namamatay gawa ng kagutuman at kakapusan ng hangin. Katulad ninyo ang mga bata na gawa ng sakit ay hindi na makapagsabi kung ano ang makapag-papalakas sa kanila. Marami kayong pagkain sa harapan ninyo, ngunit hindi ninyo nalalaman na ito ay kailangang kainin upang maging isang bagay na mahalaga, ibig sabihin, na ito ay kailangan na talagang maging bahagi natin, sa pamamagitan ng purong bukas-palad na katapatan sa Batas ng Panginoon, Na nagsalita kay Moses at sa mga Propeta sa katauhan ninyong lahat. Katungkulan ninyo, kung gayon, na lumapit sa Akin upang tanggapin ang hangin at ang katas ng eternal na buhay. Ngunit ang katungkulan na iyan ay nagpapalagay ng pananampalataya sa loob ninyo. Sapagkat kung ang isa ay walang pananampalataya, hindi niya mapaniniwalaan ang Aking mga salita, at kung ang isa ay hindi naniniwala, hindi siya makakalapit sa Akin at magsabi: «Ibigay sa akin ang totoong tinapay”. At kung wala kayo ng totoong tinapay, hindi ninyo magagawa ang mga gawain ng Diyos, sapagkat wala kayong kakayahan na magawa ito. Kung kaya't upang mapakain ng Diyos at magawa ang mga gawain ng Diyos, kailangan na gawin ninyo ang batayan na gawain, na siyang ang: maniwala sa Kanya Na pinadala ng Diyos.»

«Ngunit anong mga himala ang ginagawa Ninyo na sana kami ay maniwala na Kayo ay pinadala ng Diyos at makita sana namin ang tatak ng Diyos sa Inyo? Ano ang ginagawa Ninyo, na hindi pa nagagawa ng mga Propeta, bagama't sa mas mabanayad na porma? Hindi, bagkus, Kayo ay nalalampasan ni Moses, sapagkat ang aming mga ninuno ay pinakain niya ng magandang pagkain nang hindi lamang minsan, bagkus sa loob ng apatnapung taon. Ito sa katunayan ay nakasulat na ang aming mga ninuno ay kumain ng manna sa disyerto sa loob ng apatnapung taon, at nakasulat na si Moses ay ibinigay sa kanila ang tinapay ng langit upang kainin, dahil nagagawa niya ito.»

«Nagkakamali kayo. Hindi si Moses bagkus ang Panginoon ang nakagagawa nito. At sa Exodo nababasa natin: “Ngayon magpapaulan Ako ng tinapay galing sa langit. Gawin ang mga tao na lumabas at mag-ipon ng sapat para sa bawat araw, upang Aking masubukan kung susundin ng mga tao ang Aking Batas o hindi. At sa ikaanim na araw mag-iipon sila ng doble, dala ng paggalang para sa ikapitong araw, na siyang ang Sabbath”. At ang mga Hebreo sa tuwing umaga ay nakikita ang disyerto na natatakpan ng “maselan na bagay na iyon na nakakatulad ang binayo sa lusong at katulad ng nagyelong-hamog at butil ng kulantro at may masarap na lasa ng harina na minasa na may pulot”. Kung gayon hindi si Moses bagkus ang Diyos ang nagtustos ng manna. Nagagawa ng Diyos ang lahat. Makapagpaparusa Siya at makapagpapala. Nagkakaloob Siya at nag-aalis. At sasabihin Ko sa inyo na mas gusto Niya ang magpala at magkaloob kaysa magparusa at mag-alis.

Ang Diyos, ayon sa sinasabi ng Aklat ng Karunungan, dala ng pagmamahal para kay Moses – na, ayon sa Ecclesiasticus, “ay minamahal ng Diyos at ng mga tao, nang may banal na alaala, at ginawa ng Diyos na kapantay ang mga nasa kaluwalhatian, at malakas sa ikinatatakot ng kanyang mga kaaway, at nakagagawa ng mga himala at napatitigil sila, at itinaas nang mataas sa paggalang ng mga hari, at siyang Kanyang ministro sa harapan ng mga tao, at nakakita sa kaluwalhatian ng Diyos at nakarinig sa tinig ng Kataastaasan, at siyang ang tagapag-alaga ng mga alituntunin at ng Batas ng buhay at siyensiya” – ang Diyos, sinasabi Ko kanina, dala ng pagmamahal para kay Moses. ay pinakain ang Kanyang sambayanan ng tinapay ng mga anghel at mula sa langit walang-pagod  na pinadadala sa kanila ang tinapay na naihanda na, nilalaman ang lahat na sarap, nagbibigay ng kasiyahan sa bawat panlasa. At alalahanin kung ano ang sinasabi ng Karunungan – na dahil ito ay nanggaling sa langit, mula sa Diyos, at pinakikita ang Kanyang kagiliwan sa Kanyang mga anak, ito ay nagkakalasa ayon sa gusto ng kumakain at nagkakaroon ng mga epekto na gusto ng bawat tao, at kung gayon nagagamit sa mga sanggol, na ang kaninong mga sikmura ay maseselan pa, at sa mga adulto na kinalulugdan ang mabuting gana at pagtunaw ng pagkain, at sa maseselan na mga babae at sa uugud-ugod na matatanda. At, upang mapatunayan na iyon ay hindi gawa ng tao, binaligtad nito ang mga batas ng mga elemento, at ang mahiwagang tinapay, na sa pagsikat ng araw ay natutunaw katulad ng nagyelong hamog, ay hindi naaapektuhan ng apoy. O kung baga – ang Karunungan pa rin ang nagsasalita – ang apoy ay kinalimutan ang sariling kalikasan nito dala ng paggalang para sa gawa ng Diyos, ang siyang tagapaglikha nito, at para sa mga pangangailangan ng makatarungang sambayanan ng Diyos, upang, habang ito ay lumalagablab para makapagpahirap, sa kasong ito ito ay naging malumanay upang makatulong sa mga umaasa sa Diyos. Sa gayon sa pagbabago ng sarili sa maraming pamamaraan, napagsilbihan nito ang grasya ng Diyos, pinakakain ang bawat isa, ayon sa kalooban ng mga nananalangin sa Eternal na Ama, upang ang minamahal na mga anak ay sana matutunan na hindi ang paglitaw ng prutas ang nagpapakain sa mga tao, bagkus ito ay ang salita ng Panginoon na siyang nagpapanatili sa mga naniniwala sa Diyos. Sa katunayan hindi nito nasusunog ang matamis na manna, na kayang gawin nito kapag ito ay lumalagablab, samantalang ang malumanay na sikat ng araw sa umaga ay natutunaw ito, upang ang mga tao ay kailangan na matutunan at maalaala na ang mga regalo ng Diyos ay kailangan na hanapin sa pinaka simula ng araw at ng buhay, at ang isa ay kailangan na asahan ang Liwanag upang tanggapin ang mga regalo, at bumangon at magdasal sa Eternal na Ama sa pagsikat ng araw.

Iyan ang itinuro ng manna sa mga Hebreo. Pinaaalalahanan Ko kayo nito sapagkat ang katungkulan na iyan ay naririyan pa rin at tatagal magpakailanpaman. Hanapin ang Panginoon at ang Kanyang selestiyal na mga regalo nang hindi tumitigil hanggang sa huling mga oras ng araw o ng buhay. Bumangon at purihin Siya bago Siya purihin ng tumataas na araw, at kumain ng Kanyang salita, na nagkokonsagra, nagpapanatili at nagpapasunod sa Totoong buhay. Hindi si Moses ang nagbigay sa inyo ng tinapay ng Langit, bagkus ang Diyos Ama, at ngayon sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng totoong Tinapay, ang bagong Tinapay, ang eternal na Tinapay, na bumababa mula sa Langit, ang Tinapay ng awa, ang Tinapay ng Buhay, ang Tinapay na nagbibigay ng Buhay sa mundo, ang Tinapay na nagbibigay ng kasiyahan sa bawat kagutuman at nag-aalis ng lahat ng pananamlay, ang tinapay na nagbibigay ng eternal na Buhay at eternal na lugod sa mga kumakain nito.»

«Bigyan kami ng ilan ng tinapay na iyan, Panginoon, at kami ay hindi mamamatay.»

«Kayo ay mamamatay katulad na mamamatay ang bawat tao, ngunit kayo ay tataas sa eternal na Buhay, kung kakain kayo nang may kabanalan ng Tinapay na ito, sapagkat ang mga kumakain nito, ay hindi mabubulok. Ang tungkol sa pagbibigay nito, ito ay ibibigay sa mga hihingi nito sa Aking Ama na may dalisay na mga puso, matuwid na mga intensiyon at banal na karidad. Iyan kung bakit itinuro Ko sa inyo na sabihin: “Ibigay sa amin ang pang-araw-araw na Tinapay”. Ngunit ang mga kakain nito nang hindi karapat-dapat, ay magiging mga kuyog ng mga uod ng impiyerno, katulad ng mga basket ng manna na inipon kontra sa mga tagubilin na tinanggap. At ang Tinapay ng kalusugan at buhay ay magiging kapasyahan at kamatayan para sa kanila. Sapagkat ang pinaka paglalapastangan ay magagawa ng mga maglalagay sa Tinapay sa ibabaw ng isang bulok na mabahong espirituwal na mesa at nilalapastangan ito sa paghahalo rito ng tambak ng kanilang walang-pággaling na masimbuyong mga damdamin. Mas mabuti pa kung hindi na lamang sila kumuha nito!»

«Ngunit nasaan ang Tinapay na iyan? Papaano ito matatagpuan ng isa? Ano ang pangalan nito?»

«Ako ang Tinapay ng Buhay. Matatagpuan ninyo ito sa Akin. Ang pangalan nito ay Jesus. Siya na lumalapit sa Akin ay hindi na muli magugutom,  at siya na naniniwala sa Akin ay hindi na muli mauuhaw, sapagkat ang mga ilog-selestiyal ay dadaloy patungo sa kanya papawiin ang lahat na materyal na init. Nasabi Ko na sa inyo. At nakikilala na ninyo Ako sa ngayon. datapwa't hindi ninyo Ako pinaniniwalaan. Hindi kayo makapaniwala na ang lahat ay nasa Akin. Gayunpaman ito ay ganito. Ang lahat na kayamanan ng Diyos ay nasa Akin. At ang lahat na hinggil sa lupa ay ibinigay sa Akin; sa gayon ang maluwalhating mga Langit at ang militanteng lupa ay nagkakaisa sa Akin at kahit na ang nagbabayad-kasalanan at ang naghihintay na masa ng mga namatay sa grasya ng Diyos ay nasa Akin, sapagkat ang lahat na kapangyarihan ay ibinigay sa Akin at nasa Akin. At sasabihin Ko sa inyo: ang lahat na ibibigay sa Akin ng Ama , ay pupunta sa Akin. At hindi Ko tatanggihan ang mga pumupunta sa Akin, sapagkat Ako ay bumababa mula sa Langit hindi upang gawin ang Aking kalooban, bagkus ang kalooban Niya Na nagpadala sa Akin. At ito ang kalooban ng Aking Ama, ng Ama Na nagpadala sa Akin: na sana mawalan Ako ng hindi ni isa ng mga ibinigay Niya sa Akin, bagkus maibangon Ko sana sila mula sa kamatayan sa huling araw. Ngayon ang kalooban ng Ama Na nagpadala sa Akin ay na ang sinuman na nakakikilala sa Anak at naniniwala sa Kanya, ay magkakaroon ng eternal na Buhay at sana maibangon Ko sila sa Huling Araw, nakikita na siya ay pinakain ng pananampalataya sa Akin at nilagdaan ng Aking tatak.»

Ang mga tao ay nagsimulang magbulung-bulungan sa loob at sa labas ng sinagoga dahil sa bagong mahihirap na salita ni Jesus. At ang Guro, pagkatapos na makahinga ay tinitingnan nang nasisiyahang nagniningning na mga mata ang mga tao na mga palakas pa nang palakas ang pagbubulung-bulungan, ibig-sabihin ang mga grupo kung saan ay may ilan na mga Judaean. Nagpatuloy Siya sa pagsasalita.

«Bakit kayo nagbubulung-bulungan sa pagitan ninyo? Oo, Ako ang Anak ni Maria ng Nazareth, ang anak na babae ni Joachim ng sambahayan ni David, isang birhen na ikinunsagra sa Templo at pagkatapos ikinasal kay Jose ni Jacob, ng sambahayan ni David. Marami sa inyo ang nakakikilala sa makatarungang mga magulang ni Jose, isang maharlikang karpintero, at ang mga magulang ni Maria, ang birhen na eredero ng maharlikang lahi. At kung gayon kayo ay nagsasabi: “papaano Niya nasasabi na Siya ay bumaba mula sa Langit?”, at kayo ay naging magduda.

Pinaaalalahanan Ko kayo tungkol sa mga Propeta na siyang naghula tungkol sa Pagkakatawang-Tao ng Salita. At pinaaalalahanan Ko kayo na iyan ay isang dogma, mas para sa atin kaysa sa sino pa mang ibang sambayanan, na Siya, na ang Kaninong pangalan hindi natin pangahasan na bigkasin, ay hindi maaaring maging Laman ayon sa mga batas ng sangkatauhan, at sa naghihikahos na sangkatauhan lalo na. Ang Kapuru-puruhan na Di-Nilikhang Isa, kung ipahihiya Niya ang Kanyang Sarili sa pagiging Tao alang-alang sa tao, ay bagkus pipiliin ang sinapupunan ng isang Birhen Na mas puro pa kaysa sa mga liryo upang maramtan ang Kanyang Dibinidad ng Laman. Ang Tinapay na bumaba mula sa Langit sa mga araw ni Moses, ay inilagay sa gintong Kaban, na siyang sumusuporta sa Luklukan ng Awa at Binabantayan ng Kerubim, sa likuran ng mga kurtina ng Tabernakulo. At ang Salita ng Diyos ay kasama ang Tinapay. Ngunit tama na ito ay ganito, sapagkat ang pinakamalalim na respeto ay kailangan na ibigay sa mga regalo ng Diyos at sa mga mesa ng Kanyang kabanalbanalang Salita. Kung gayon ano ang naihanda ng Diyos para sa Kanyang sariling Salita at para sa totoong Tinapay na darating mula sa Langit? Isang mas imakulada at mamahalin na Kaban kaysa sa gintong kaban, upang suportahan ang mamahaling Luklukan ng Awa ng Kanyang purong kalooban na isakripisyo ang Kanyang Sarili, binabantayan ng kerubin ng Diyos, tinatalukbungan ng pambirhen na kadalisayan, ng perpektong kababaang-loob, makalangit na karidad at ng lahat na kabanalbanalang mga birtud.

Kung gayon? Hindi pa ba ninyo maintindihan na ang Aking Paternidad ay nasa Langit, at, dahil diyan, Ako ay galing doon? Oo, Ako ay bumaba mula sa Langit upang tuparin ang dekreto ng Aking Ama, ang dekreto ng pagliligtas sa mga tao, ayon sa kanyang ipinangako kasabay ng sandali ng kondemnasyon, at Kanyang inulit sa mga Patriyarka at mga Propeta. At iyan ay ang pananampalataya, At ang pananampalataya ay ibinibigay ng Diyos sa mga kaluluwa ng may mabuting kalooban. Wala, kung gayon, ang makapupunta sa Akin, maliban na siya ay pinasunod ng Aking Ama sa Akin, dahil bagama't nakikita Niya na siya ay nasa kadiliman, nalalaman Niya na siya ay naghahanap ng liwanag. Ito ay nakasulat sa mga Propeta: “Lahat sila ay tuturuan ng Diyos”. Kung gayon, iyan ay napagpasyahan na. Ang Diyos ang nagsasabi sa kanila kung saan sila pupunta upang maturuan ng Diyos. Kung gayon, ang sinuman na nakarinig sa Diyos na nagsalita sa kalaliman ng kanyang matuwid na kaluluwa, ay natuto mula sa Ama na siya ay pumunta sa Akin.»

«At sino kailanman ang nakarinig sa Diyos o nakakita sa Kanyang Mukha?» tanong ng marami na nagsisimula nang magpakita ng mga tanda ng iritasyon at iskandalo. At naghinuha sila: «Kayo ay kung hindi nababaliw, Kayo ay nangangarap nang gising.»

«Walang sinuman ang nakakita sa Diyos maliban sa Kanya Na nanggaling sa Diyos: Nakita Niya ang Ama. At Ako Siya.

At ngayon pakinggan ang Kredo ng hinaharap na Buhay, na kung wala ito walang maliligtas.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na siya na naniniwala sa Akin ay may eternal na Buhay. Sasabihin Ko sa inyong totoo na Ako ang eternal na Buhay.

Ang inyong mga ama ay kumain ng manna sa disyerto at sila ay namatay. Sapagkat ang manna ay isang banal ngunit pansamantalang pagkain at nagbigay ng buhay ayon sa kinakailangan upang marating ang Lupang Ipinangako ng Diyos sa Kanyang sambayanan. Ngunit ang Manna Na Ako nga, ay walang limitasyon ng panahon o kapangyarihan. Hindi lamang ito selestiyal, bagkus dibino at gumagawa ng kung ano ang dibino: ang kawalang-pagkabulok at inmortalidad ng kung ano ang nilikha ng Diyos sa Kanyang larawan at pagkakatulad. Ito ay hindi tatagal ng apatnapung araw, apatnapung buwan, apatnapung taon, apatnapung siglo. Bagkus ito ay tatagal hanggang sa katapusan ng Panahon at ibibigay sa lahat na nagugutom para sa kung ano ang banal at kasiya-siya sa Panginoon, Na magbubunyi sa pagbibigay ng Kanyang Sarili nang walang-pagka-ubos sa mga tao, para kung kanino Siya ay nagkatawang-tao, na sana mapasakanila ang Buhay na hindi namamatay.

Maibibigay Ko ang Aking Sarili, mapagbabago Ko ang Aking sustansiya alang-alang sa mga tao, upang ang tinapay ay sana maging Laman at ang Laman sana maging Tinapay, para sa espirituwal na kagutuman ng mga tao, na kung wala ang Pagkain na iyan ay mamamatay sa gutom at sa mga sakit-espirituwal. Ngunit kapag ang Tinapay na ito ay kinain ng isa nang may katarungan, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na Aking ibibigay ay ang Aking Katawan Na isinakripisyo para sa Buhay ng mundo, ay ang Aking Pagmamahal na ikakalat sa mga bahay ng Diyos, upang sana ang lahat na nagmamahal o di-masasayang kaluluwa ay sana pumunta sa Hapag-Kainan ng Panginoon, at makatagpo sana ng konsolasyon sa kanilang pangangailangan na makaisa ang Diyos at kaginhawahan sa kanilang mga kapighatian.»

«Ngunit papaano Ninyo ibibigay sa amin ang Inyong laman upang kainin? Sino sa palagay Ninyo kami? Mga hayop na uhaw sa dugo? Mga mababangis? Mga mamamatay-tao? Ang dugo at krimen ay kinasusuklaman namin.»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang tao ay kadalasan mas malupit pa kaysa sa mga hayop, na ang kasalanan ay nagagawa ang mga tao na maging mababangis, na ang pagmamalaki ay nagagawa silang mga uhaw-sa-dugo na mga mamamatay-tao at na ang dugo at krimen ay hindi makapandidiri sa lahat ng mga tao na naririto. At sa hinaharap din ang tao ay magiging pareho pa rin, sapagkat si Satanas, ang sensuwalidad at ang pagmamalaki ay gagawin siyang ganid. Ang tao kung gayon na may mas malaking pag-iingat ay kailangan na alisin sa kanyang sarili ang nakamamatay ng mga mikrobyo sa pamamagitan ng pagpapapások sa Banal na Isa. Sasabihin Ko sa inyong totoo kung hindi kayo kakain ng Laman ng Anak ng tao at hindi kayo umiinom ng Kanyang Dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa loob ninyo. Siya na kumakain ng Aking Laman nang karapat-dapat at umiinom ng Aking Dugo, ay may eternal na buhay at Akin siyang ibabangon sa Huling Araw. Dahil ang Aking Laman ay totoong Pagkain at ang Aking Dugo ay totoong Inumin. Siya na kumakain ng Aking Laman at umiinom ng Aking Dugo ay nabubuhay sa Akin, at Ako ay nabubuhay sa Kanya. Katulad na ipinadala Ako ng Aking nabubuhay na Ama, at nabubuhay Ako para sa Ama, kung gayon ang sinuman na kumakain sa Akin ay mabubuhay din para sa Akin at pupunta kung saan Ko siya ipapadala, at gagawin kung ano ang gusto Ko, at mamumuhay nang may pagtitipid, bilang isang tao, at kasing init katulad ng isang Serapin, at magiging banal, sapagkat upang makakain ng Aking Laman at makainom ng Aking Dugo, siya ay iiwas sa pagkakasala at mamumuhay na tumataas at matatapos sa kanyang pagtaas sa paanan ng Eternal na Ama.»

«Siya ay baliw! Sino ang mabubuhay katulad niyan? Sa ating relihiyon tanging ang pari lamang ang kailangan na madalisay upang mag-alay sa biktima. Ibig Niya tayong gawing mga biktima ng Kanyang kabaliwan. Ang Kanyang doktrina ay napakasakit at ang Kanyang wika napakahirap! Sino ang makapakikinig sa Kanya at isabuhay ang Kanyang sinasabi?» bulong ng mga taong naroroon at ang marami ay mga disipulo na kilalang ganyan.

Ang mga pulutong ay naghiwa-hiwalay gumagawa ng mga komentaryo. At nang ang Guro ay nag-iisa na lang sa sinagoga kasama ang Kanyang pinaka matatapat na tagasunod, ang bilang ng mga disipulo ay lumiit nang husto. Hindi ko sila mabilang, ngunit masasabi ko na, humigit-kumulang, sila ay mga sandaan. Kung gayon maaaring nagkaroon ng malaki-laking pagtalikod din sa grupo ng dating mga disipulo na ngayon nasa paninilbihan sa Diyos. Kasama sa mga natira ay ang mga apostol, si Juan ang pari at si Juan ang eskriba, sina Stephen, Hermas, Timoneus, Ermasteus, Agapo, Jose, Solomon, Abel ng Bethlehem ng Galilee, at si Abel ang ketongin ng Korazim, kasama ang kanyang kaibigan na si Samuel, si Elias (ang isa na hindi naglibing sa kanyang ama upang sundan si Jesus), si Philip ng Arbela, si Aser at si Ishmael ng Nazareth, at iba pa na ang kaninong mga pangalan ay hindi ko alam. Sila ay naguusap-usap sa mababang mga tinig nagkukumentaryo tungkol sa pagtalikod ng iba at tungkol sa mga salita ni Jesus, Na nakasandal sa isang mataas na atril na ang mga kamay nakatiklop sa Kanyang dibdib.

«Naiskandalo ba kayo sa Aking sinabi? At kung sinabi Ko sa inyo na isang araw makikita ninyo ang Anak ng tao na tumataas sa Langit kung saan Siya naroroon dati, at naupo sa tabi ng Kanyang Ama? Ano ang inyong naintindihan, naunawaan at pinaniwalaan magpahanggang ngayon? At papaano kayo nakinig at nag-unawa? Sa pamamagitan lamang ng inyong pagkatao? Ang espiritu ang nagbibigay buhay at siyang ang importante. Ang laman ay walang kabuluhan. Ang Aking mga salita ay espiritu at buhay. At sila ay kailangan na mapakinggan at maintindihan sa pamamagitan ng espiritu upang magkaroon ng buhay. Ngunit marami sa inyo na ang kaninong mga espiritu ay patay sapagkat sila ay walang pananampalataya. Marami sa inyo ang totoong hindi naniniwala. At sila ay nananatili sa Akin nang walang katuturan. Hindi sila makatatanggap ng Buhay, bagkus Kamatayan. Sapagkat sila ay nananatiling kasama Ko, katulad ng Aking sinabi sa simula, dala ng pag-uusyoso, o para sa pantaong kasiyahan, o mas malala pa, para sa mas walang halagang mga pakay. Sila ay hindi pinasunod dito ng Aking Ama, bilang isang gantimpala sa kanilang mabuting kalooban, bagkus ni Satanas. Walang sinuman ang talagang makakapunta sa Akin, maliban na ito ay ipinagkaloob sa kanya ng Aking Ama. Maaari na kayong makaalis, ikaw na nahihirapan na makapanatili rito, sapagkat ikaw ay nahihiya, sa pantaong pananaw, na iwanan Ako. Ngunit mas nahihiya ka na manatili sa paglilingkod sa Isa Na tila “baliw at mahirap” sa iyo. Lakad. Mas mabuti na para sa iyo na mapalayo, kaysa naririto at makagawa ng pinsala.»

Marami sa mga disipulo ang umalis, kasama sa kanila ay si Juan, ang eskriba, si Marcus, ang nilukuban na Gerasene, na pinagaling ni Jesus at ang mga dimonyo na lumukob sa kanya ay pinapunta sa mga baboy. Ang mabubuting disipulo ay nagkukunsultahan sa isa’t isa at hinabol ang kanilang walang-pananampalatayang mga kasamahan nagsisikap na mapatigil sila.

Sa loob ng sinagoga ay naroon lamang si Jesus kasama ang pinuno ng sinagoga at ang mga apostol... Si Jesus ay hinarap ang labindalawang apostol, na labis na napahiya at mga nakatayo sa isang sulok at nagsabi sa kanila: «Kayo ba ay ibig din ninyo na umalis?» sinasabi Niya ito nang walang kapaitan at walang kalungkutan, ngunit napakaseryoso.

Si Pedro ay tumugon na may nakalulungkot na dating: «Panginoon, saan kami makapupunta? Kanino? Kayo ay ang aming buhay at aming pagmamahal. Kayo lamang ang may mga salita ng eternal na Buhay. Nalalaman namin na Kayo ang Kristo, ang anak ng Diyos. Kung ibig Ninyo, paalisin Ninyo kami. Ngunit hindi namin Kayo iiwanan sa pamamagitan ng aming sariling laya ni hindi kahit iyan... kahit na kung hindi na Ninyo kami minamahal...» at si Pedro ay lumuha ng malalaking patak nang tahimik...

Sina Andres, Juan, ang dalawang anak ni Alfeo ay umiiyak nang lantaran, at ang iba, na kung hindi namumutla ay namumula gawa ng emosyon, ay hindi umiiyak, ngunit malinaw na naghihirap.

«Bakit Ko kayo paaalisin? Hindi ba’t pinili Ko kayong labindalawa?...»

Si Jairus ay mapag-unawang umalis upang maiwanan si Jesus na libre na aliwin o pangaralan ang Kanyang mga apostol. Si Jesus, Na napuna ang kanyang tahimik na pag-alis, ay naupo; Siya ay pagod, naririmarim, namimighati at nalulungkot, na tila ang Kanyang ibubunyag na, ay nagpapahirap sa Kanya nang higit pa sa Kanyang mababata, at sinabi Niya: «datapwa't, ang isa sa inyo ay isang dimonyo.»

Ang Kanyang mga salita ay bumagsak nang dahan-dahan, nakakatakot, sa loob ng sinagoga, kung saan tanging ang liwanag lamang ng mga lampara ang tila masayahin.. at walang nangahas na magsalita. Sila ay nagtitinginan sa isa’t isa na may nakakatakot na pagkasuklam at masakit na pag-uusisa at ang bawat isa ay iniiksamin ang kanyang sarili na may mas malaking pagdurusa at kawalang-katiyakan...

Walang sinuman ang gumagalaw nang sandali. At si Jesus ay nananatiling nag-iisa, sa Kanyang upuan, na ang Kanyang mga kamay nakakrus sa Kanyang mga tuhod at Kanyang mukha nakatungo. Sa wakas Siya ay tumingala at nagsabi: «Halikayo. Ako ay hindi ketongin! O sa palagay ba ninyo Ako?...»

Si Juan ay doon nagmadali papalapit at itinatapon ang kanyang mga kamay sa leeg ni Jesus siya ay nagsabi: «Makakasama Ninyo ako, kung gayon, aking tanging pag-ibig, sa Inyong ketong. Makakasama Ninyo ako sa hatol sa Inyo, sa Inyong kamatayan, kung iyan ang sa akala Ninyo ang naghihintay sa Inyo...»; at si Pedro ay gumapang sa Kanyang paanan, kinuha ang mga paa sa kanyang mga kamay at ipinapatong ito sa ibabaw ng kanyang mga balikat sinabi niya nang humihikbi: «Idiin ito rito, yapakan ako! Ngunit huwag Ninyo akong gawin na isipin ko na hindi Ninyo pinagkakatiwalaan ang Inyong Simon.»

Nang makita ng iba na hinahaplos ni Jesus ang unang dalawa, sila ay lumapit at hinahalikan ang mga damit ni Jesus, ang Kanyang mga kamay at buhok... Tanging ang Iskariote lamang ang nangahas na halikan Siya sa Kanyang pisngi.

Si Jesus ay napatayo at ang Kanyang pagkilos ay biglang-bigla na tila iniiwasan Niya siya nang marahas, at Siya ay nagsabi: «Tayo nang umuwi. Bukas na gabi tayo ay aalis patungong Hippo sa bangka.»

020710/200712

 

 

 



Sunod na kabanata