354. Si Nicolaus ng Antioch. Ikalawang Pagpapahayag Tungkol sa Pasyon.

Disyembre 9, 1945.

Si Jesus ay nag-iisa sa ibabaw ng terasa ng bahay ni Tomas sa Capernaum. Ang bayan ay tahimik sa araw ng Sabbath at ang populasyon nito ay nabawasan na nang malaki, dahil ang mga pinaka masigasig sa pagsasabuhay ng kanilang relihiyon ay nakaalis na patungong Herusalem, pati na rin ang mga pumupunta roon kasama ang kanilang mga pamilya at may mga bata na hindi makapaglalakad nang malalayong distansiya at kung gayon napipilitan ang mga adulto na gumawa ng mga pagtigil at maiikling paglalakbay. Ang isa kung gayon ay ikinalulungkot ang pagkawala ng maniningning na nota ng masayahing mga bata, mas lalo na sa kung baga maulap na araw. Si Jesus ay nag-iisip. Siya ay nakaupo sa isang mababang bangkito sa isang sulok malapit sa parapet, na ang Kanyang likod nakaharap sa hagdanan, halos naitatago ng parapet; nagpapahinga Siya na ang isang siko nakapatong sa Kanyang tuhod at nakatungo ang Kanyang ulo sa Kanyang kamay na may pagod halos masakit na hitsura.

Siya ay nagambala sa Kanyang pagninilay-nilay ng pagdating ng isang maliit na batang lalaki na ibig na magpaalam sa Kanya bago umalis patungong Herusalem. «Jesus! Jesus!» tumawag  siya sa bawat hakbang, dahil hindi niya makita si Jesus sapagkat naitatago Siya ng mababang pader sa paningin ng kahit sino na nasa ilalim. At si Jesus ay labis na lulong sa pag-iisip na hindi Niya napapakinggan ang magaang tinig o ang hakbang ng bata, na kasing gaan ng mga hakbang ng kalapati... upang nang ang bata ay nakarating sa terasa, Siya ay nasa gayon pa rin na masakit na pusisyon. At ang maliit na bata ay natakot. Siya ay tumigil sa pamasukan, naglagay ng isang daliri sa pagitan ng kanyang mga lábi at nag-iisip... pagkaraan nagpasya siya at unti-unting lumapit... siya ngayon ay halos nasa likuran na ni Jesus... yumuko siya upang tingnan kung ano ang Kanyang ginagawa... at nagsabi: «Hindi, magandang Jesus! Huwag umiyak! Bakit? Dahil sa masasamang pangit na mga lalaking iyon kahapon? Ang aking ama ay nagsasabi kay Jairus na sila ay hindi karapat-dapat sa Inyo. Ngunit hindi Kayo kailangan na umiyak. Minamahal ko Kayo. At ang aking kapatid na babae, at si Santiago at si Toby, at si Johanna, at si Maria at si Micah at ang lahat na mga bata sa Capernaum, lahat sila ay minamahal Kayo. Huwag nang umiyak pa...» at niyakap niya ang leeg ni Jesus hinahaplos Siya at naghihinuha: «Kung hindi iiyak din ako at iiyak ako sa buong paglalakbay...»

«Hindi, David, hindi na Ako umiiyak. Napaginhawahan mo Ako. Nag-iisa ka? Kailan kayo aalis?»

«Pagkatapos ng paglubog ng araw. Mamamangka kami hanggang sa layo ng Tiberias. Sumama Kayo sa amin. Ang aking ama ay minamahal Kayo, alam Ninyo?»

«Oo, alam Ko, Aking mahal. Ngunit kailangan Kong pumunta sa ibang mga bata... Salamat sa pagpunta mo para magpaalam sa Akin. pinagpapalà kita, maliit na David, Magpalitan tayo ng pagpapaalam na halik at pagkatapos babalik ka sa iyong ina, nalalaman ba niya na ikaw ay naririto?...»

«Hindi, hindi niya alam. Tumakas ako sapagkat hindi ko Kayo nakitang kasama ang Inyong mga disipulo at naisip ko na Kayo ay baka umiiyak.»

«Hindi na Ako umiiyak, katulad ng nakikita mo. Bumalik ka na sa iyong ina, na baka naghahanap para sa iyo at nag-aalala. Paalam. Panuurin ang mga asno ng mga karabana. Kita mo? Tumitigil sila kahit saan.»

«Talaga bang hindi na Kayo umiiyak?»

«Hindi. Hindi na Ako namimighati. Napaginhawahan mo na Ako. Salamat sa iyo, Aking anak.»

Ang bata ay tumatakbong pababa sa mga baytang habang pinagmamasdan siya ni Jesus. Pagkatapos iniiling Niya ang Kanyang ulo at bumalik sa Kanyang lugar sa gayon din na nakapamimighating pagninilay-nilay katulad kanina.

Mga ilang panahon ang nakaraan. Ang lumulubog na araw ay pasulput-sulpot kapag ang maulap na kalangitan ay nagiging malinaw.

Ang isang mabigat na hakbang ay naririnig na tumataas sa hagdanan. Si Jesus ay tumingala. Nakikita Niya si Jairus na papalapit sa Kanya. Binati Niya siya. Si Jairus ay tumugon nang magalang.

«Papaano na naririto ka, Jairus?»

«Panginoon! Baka nagawa ko ang maling bagay. Ngunit dahil nakikita Ninyo ang mga puso ng mga tao nalalaman Ninyo na walang masamang kalooban ang nasa akin. Hindi ko Kayo inanyayahan na magsalita sa sinagoga ngayon. Ngunit naghirap ako nang labis para sa Inyo kahapon, at nakita ko Kayo na naghirap nang labis... na ako ay hindi nangahas. Ako ay nagsalita sa Inyong mga disipulo. Sinabi nila sa akin: “Ibig Niyang mag-isa”... Ngunit kani-kanina pa lamang si Philip, ang ama ni David, ay pumunta sa akin nagsasabi na nakita Kayo ng kanyang anak umiiyak. Sinabi niya na pinasalamatan Ninyo siya para sa kanyang pagpunta upang makita Kayo. Kung kaya't ako ay pumunta rin. Guro, ang mga tao na naririto pa rin sa Capernaum, ay malapit nang magkita-kita sa loob ng sinagoga. At ang aking sinagoga ay sa Inyo, Panginoon.»

«Salamat sa iyo, Jairus. Ibang mga tao ang magsasalita roon ngayon. Pupunta Ako bilang isang simpleng naniniwala...»

«At hindi Kayo inuobliga na pumunta. Ang mundo ay ang Inyong sinagoga. Talaga bang hindi Kayo pupunta, Guro?»

«Hindi, Jairus. Mananatili Ako rito kasama ang Aking espiritu sa harapan ng Ama na nakauunawa sa Akin at walang makitang pagkakamali sa Akin.» Ang malulungkot na mata ni Jesus ay nagniningning na may mga luha.

«Ni ako ay walang makitang pagkakamali sa Inyo... Paalam, Panginoon.»

«Paalam, Jairus.» At si Jesus ay naupo muli, nagninilay-nilay.

Ang anak na babae ni Jairus, nakasuot ng puting damit, ay umaakyat sa hagdanan nang kasing gaan ng isang kalapati. Siya ay tumitingin-tingin sa paligid... Pagkatapos tumawag siya sa mababang tinig: «Aking Tagapagligtas!»

Si Jesus ay tumingin sa paligid, nakita siya, ngumiti at nagsabi: «Lumapit ka sa Akin.»

«Oo, aking Panginoon. Ngunit ibig kong dalhin ko Kayo sa iba pa. Bakit ang sinagoga kailangan na maging tahimik ngayon?»

«Naroon ang iyong ama at ang iba pa upang punuin iyon ng mga salita.»

«Ngunit sila ay mga salita... ang Inyong ay ang Salita. O! Aking Panginoon! Sa pamamagitan ng Inyong salita naibigay Ninyo akong muli sa aking ina at ama, at ako ay patay na. Ngunit tingnan ang mga iyon na patungo sa sinagoga! Marami sa kanila ang mas patay pa kaysa sa akin dati. Halikayo at bigyan sila ng Buhay.»

«Aking mahal na anak, karapat-dapat ka niyon; sila... Walang salita ang makapagbibigay ng buhay sa mga na ang pinipili ay kamatayan para sa kanilang mga sarili.»

«Oo, aking Panginoon. Ngunit pumunta pa rin. May ilan din na nabubuhay nang mas marubdob kapag napapakinggan Kayo... Halikayo. Ibigay Ninyo sa akin ang Inyong kamay at tayo na. Ako ang saksi ng Inyong kapangyarihan at nakahanda rin ako na magbigay saksi sa harapan ng Inyong mga kaaway, kahit na kung ako ay mapagkaitan ng ikalawang buhay na ito, na maging ano pa man ang kaso ay hindi na sa akin. Ibinigay Ninyo ito sa akin, aking mahal na Guro, dala ng awa para sa isang ina at sa isang ama. Ngunit ako...» ang bata, isang magandang batang babae, halos isang dalaga na, na may malalaking mata at isang purong matalinong mukha, ay tumigil nabubulunan ng mga luha, na mula sa kanyang mga pilikmata ay bumababa sa kanyang mga pisngi.

«Bakit ka na umiiyak ngayon? Tanong ni Jesus ipinapatong ang Kanyang kamay sa kanyang buhok.

«Sapagkat... ako ay nasabihan na sinabi Ninyo na Kayo ay mamamatay...»

«Ang lahat ay kailangan na mamatay, aking batang babae.»

«Ngunit hindi ayon sa Inyong sinasabi!... Ako... o! ngayon hindi ko na sana ginustong maibalik sa buhay, upang hindi na makita iyon, ang hindi mapunta roon kapag...ang nakakatakot na bagay na iyon ay mangyari...»

«Kung gayon, hindi ka na rin sana napunta rito upang paginhawahan Ako katulad ng iyong ginagawa ngayon. Hindi mo ba nalalaman na ang isang salita, kahit iisang salita lamang, ng isang purong kaluluwa na nagmamahal sa Akin, ay nakaaalis ng lahat ng kapighatian sa Akin?»

«Nakaaalis ba? O! Kung gayon hindi Kayo kailangan na mamighati sapagkat minamahal ko Kayo nang higit pa sa pagmamahal ko sa aking ama, sa aking ina at sa aking sariling buhay!»

«Iyan ay ganyan.»

«Kung gayon halikayo. Huwag mag-isa. Magsalita para sa akin, para kay Jairus, para sa aking ina, para sa maliit na si David, para sa mga nagmamahal sa Inyo. Kami ay marami, at magiging mas marami pa kami. Ngunit huwag mag-isa. Nagagawa Kayo nito na malungkot» at sa pamamagitan ng makainang buyo, katulad ng bawat tapat na babae, nagtatapos siya nagsasabing: «Walang sinuman ang mananakit sa Inyo kung ako ay malapit sa Inyo. Maging ano pa man ang mangyari, ipagsasanggalang ko Kayo.»

Si Jesus ay tumayo at pinagbibigyan siya. Na ang Kanyang kamay nasa kanya, tinawid nila ang kalsada at pinasok ang sinagoga sa pamamagitan ng pintuan na nasa tabi.

Si Jairus, na nagbabasa ng isang rolyo sa malakas na tinig, ay tumigil sa págbabasa at yumuyukong mababa ay nagsabi: «Guro, pakiusap na magsalita sa mga na ang kaninong mga puso ay matutuwid.. ihanda kami para sa Paskuwa sa pamamagitan ng Inyong banal na salita.»

«Binabasa mo ang Aklat ng mga Hari, hindi ba?»

«Oo, Guro. Nagsisikap akong tingnan nila na ang mga humihiwalay sa totoong Diyos ay nagiging mga idolatra ng gintong mga guya.»

«Tamang-tama ka. Mayroon bang sinuman na ibig na magsalita?»

Ang mga tao ay nagsimulang magbulung-bulungan. Ang iba ay ibig na si Jesus ang magsalita, ang iba ay sumisigaw: «Kami ay nagmamadali. Ating sabihin ang mga panalangin at pauwiin ang kongregasyon. Papunta naman kami sa Herusalem sa ano’t anuman at mapapakinggan namin ang mga rabbi roon.» Ang mga sumisigaw nang gayon ay ang mga tumiwalag na napigilan sa Capernaum dahil sa Sabbath.

Si Jesus ay tinitingnan sila nang may malalim na kalungkutan at nagsabi: «Kayo ay nagmamadali. Totoo iyan. Ang Diyos din ay nagmamadali na mahusgahan kayo. Makakaalis na kayo.» Pagkatapos tinutukoy ang mga tao na lumalapit sa kanila Siya ay nagsabi: «Huwag silang kagalitan. Ang bawat puno ay nagkakaroon ng kanyang sariling bunga.»

«Guro! Ulitin ang pinakita ni Nehemiah! Dahil Kayo ang Mataas na Pari, magsalita laban sa kanila!» sigaw ni Jairus nang galit at ng mga apostol, ng matatapat na disipulo at ang sambayanan ng Capernaum ay sumali sa kanya.

Iniunat ni Jesus ang Kanyang mga kamay nang pa-krus; Siya ay maputlang-maputla at ang Kanyang hitsura ay labis na nakapamimighati, bagama't napakamay-kabaitan habang Siya ay sumisigaw: «Alalahanin Ako, Aking Diyos! Alalahanin Ako nang mapagkandili! At alalahanin sila nang mapagkandili din! Pinatatawad Ko sila!»

Ang sinagoga pagkaraan ay nawalan ng mga tao, tanging ang mga matatapat lamang kay Jesus ang nanatili... May isang estranghero sa isang sulok. Isang malakas na lalaki na walang nakapuna at kung kanino walang nakikipagusap. Sa kabilang dako hindi siya nakikipagusap kaninuman. Tinititigan niya si Jesus, labis-labis na si Jesus ay tiningnan siya at tinanong si Jairus kung sino siya.

«Hindi ko alam. Maaaring siya ay naparaan lamang.»

Si Jesus ay tinanong siya: «Sino kayo?»

«Si Nicolaus, isang proselito mula sa Antioch. Ako ay patungo sa Herusalem para sa Paskuwa.»

«Sino ang hinahanap ninyo?»

«Kayo, Panginoon, Jesus ng Nazareth. Ibig kong makipagusap sa Inyo.»

«Halikayo kung gayon.» At nang siya ay lumapit, si Jesus ay lumabas kasama siya patungo sa pangkusinang-hardin sa likuran ng sinagoga, upang makinig sa kanya.

«Nakausap ko sa Antioch ang isang disipulo Ninyo, na ang kanyang pangalan ay Felix. Matagal ko na Kayong ibig na makilala. Sinabi niya sa akin na Kayo ay madalas nasa Capernaum at na ang Inyong Ina ay naninirahan sa Nazareth. At na Kayo ay pumupunta sa Gethsemane o sa Bethany. Ang Eternal na Ama ay pinagkalooban ako na makita ko Kayo sa unang lugar. Ako ay naririto kahapon... At malapit ako sa Inyo ngayong umaga, habang Kayo ay umiiyak at nagdarasal malapit sa pontanya... Minamahal ko Kayo, Panginoon, sapagkat Kayo ay banal at mapagpakumbaba. Naniniwala ako sa Inyo. Ang Inyong mga kilos at mga salita ay nakuha na ako. Ngunit ang Inyong awa ng kani-kanina lamang, sa mga may kagagawan ng masama, ay nakumbinsi ako sa wakas. Panginoon, tanggapin ako sa lugar ng mga umiwan sa Inyo! Pupunta ako sa Inyo kasama ang lahat na mayroon ako: ang aking buhay, ang aking kayamanan, lahat.» siya ay nakaluhod na habang sinasabi ang huling mga salita.

Si Jesus ay tinititigan siya... pagkatapos sinabi Niya: «Halika. Magmula ngayon pag-aari ka na ng Guro. Tayo na sa iyong mga kasamahan.»

Sila ay bumalik sa sinagoga kung saan naroroon ang mga disipulo at mga apostol nakikipagusap nang pakaway-kaway kay Jairus.

«Naririto ang bagong disipulo. Ang Ama ay pinaginhawahan Ako. Mahalin siya bilang inyong kapatid. Tayo na at pagsaluhan ang ating tinapay at asin kasama siya. Pagkatapos, sa loob ng gabi, kayo ay aalis patungong Herusalem kasama siya at tayo ay pupunta sa Hippo sa pamamagitan ng bangka... at huwag sabihin kaninuman kung saan Ako daraan upang Ako ay hindi sana mapigilan.»

Sa pansamantala ang Sabbath ay tapos na at ang mga ibig na umiwas kay Jesus ay nag-ipun-ipon sa baybayin nakikipagtawaran sa presyo ng mga bangka patungong Tiberias. At sila ay nakikipag-away kay Zebedeo na ayaw na paupahan ang kanyang bangka, na naihanda na para sa pag-alis ni Pedro sa gabi kasama si Jesus at ang Labindalawa.

«Pupunta ako upang tulungan siya!» sabi ni Pedro na naiinis.

Upang maiwasan ang malaking pag-aaway, si Jesus ay pinigilan siya nagsasabing: «Tayong lahat ang pupunta, hindi lamang ikaw mag-isa.»

At sila ay pumunta... At dinanas nila ang isang malaking kabiguan nakikita ang mga tumiwalag na umaalis na wala kahit isang tango, iniiwasan ang lahat na klase ng kontakto upang makalayo kay Jesus... at nakarinig sila ng hindi magagandang tawag at masasamang payo sa matatapat na disipulo...

Si Jesus ay tumalikod upang bumalik sa bahay pagkatapos na makaalis ang marahas na pulutong, at sinabi Niya sa bagong disipulo: «Napakinggan mo ba sila? Iyan ang kailangan na asahan mo kung sasama ka sa Akin.»

«Alam ko. Iyan kung bakit sasama ako. Nakita ko Kayo isang maluwalhating araw nang ang mga pulutong ay pinapalakpakan Kayo at pinagbubunyi Kayong “hari”. Ikinibit ko ang aking mga balikat nagsasabing: “Isa pang nangangarap nang gising! Isa pang salot sa Israel!” at hindi ko Kayo sinundan sapagkat nagmumukha Kayong isang hari at kinalimutan ko ang lahat tungkol sa Inyo. Ngayon ay susundan ko Kayo sapagkat nakita ko ang pinangakong Mesiyas sa Inyong mga salita at kabaitan.»

«Talagang mas makatarungan ka kaysa sa iba. Ngunit sa muli binabalaan kita. Siya na nag-aakalang Ako ay isang makalupang hari ay kailangan na huwag sumunod. Siya na nararamdaman na ikahihiya niya Ako sa harapan ng mundo na nag-aakusa sa Akin, ay kailangan na huwag sumunod. Siya na maiiskandalo nakikita Akong tinatratong gumagawa ng masama ay kailangan na huwag sumunod. Sinasabi Ko sa iyo upang maaari ka nang umalis bago mapasubo sa mga mata ng mundo. Gayahin ang mga tumatakas na iyon sa mga bangka, kung sa iyong pakiramdam hindi mo makakayanan na bumahagi sa Aking daranasin sa kahihiyan, upang magkaroon ng bahagi rito saka na sa kaluwalhatian. Sapagkat ito ang malapit nang mangyari: ang Anak ng tao ay malapit nang akusahan at ilagay sa mga kamay ng mga tao, na papatay sa Kanya bilang isang kriminal at maniniwala na natalo nila Siya. Ngunit magagawa nila ang kanilang krimen nang walang kabuluhan. Sapagkat pagkaraan ng tatlong araw Ako ay babangon mula sa kamatayan at magtatagumpay. Pagpalain ang mga makapananatiling kasama Ko hanggang sa katapusan!»

Narating na nila ngayon ang bahay at si Jesus ay ipinagkakatiwala ang bagong-dating sa mga disipulo, at umakyat sa itaas sa dati Niyang kinaroroonan. Pumasok Siya sa nasa itaas na silid at naupo nagninilay-nilay.

Pagkaraan ng kaunting sandali ang Iskariote ay umakyat kasama si Pedro. «Guro, si Judas ay nagawa akong mag-isip tungkol sa ilang mga bagay na sa akala ko ay tama.»

«Sabihin sa Akin.»

«Tinanggap Ninyo ang Nicolaus na ito, isang proselito, na ang kaninong nakaraan ay hindi natin nalalaman. Nagkaroon na tayo ng labis na problema... at dinadanas pa natin ito. At ngayon? Ano ang ating nalalaman tungkol sa kanya? Tamang-tama na sinabi ni Judas na siya ay maaaring isang espiya na pinadala ng ating mga kaaway.

«Siyempre! Isang traydor! Bakit ayaw niyang sabihin sa atin kung saan siya nanggaling at kung sino ang nagpadala sa kanya? Tinanong ko siya, ngunit sinasabi lamang niya: “Ako si Nicolaus mula sa Antioch, isang proselito”. Nagsususpetsa ako nang labis.»

«Paaalalahanan Ko kayo na siya ay sumama sapagkat nakita niya na Ako ay pinagtaksilan.»

«Maaaring kasinungaling iyan! Iyan ay maaaring panlilinlang!»

«Siya na nakakakita ng kasinungalingan at panlilinlang kahit saan, ay isang kaluluwa na may kakayahan na gawin ang mga bagay na ganyan, sapagkat kinukumpara niya ang kanyang sarili sa kanyang modelo» tugon ni Jesus nang seryoso.

«Panginoon, sinasaktan Ninyo ako!» sigaw ni Judas nang galít.

«Iwanan Ako, kung gayon, at sumama sa mga nag-aabandona sa Akin.»

Si Judas ay lumabas binabagsak ang pinto nang walang-galang.

«Ngunit, Panginoon, si Judas ay hindi ganap na nagkakamali... Maging ano pa man, hindi ko magugustuhan ang lalaking iyon... na banggitin si Juan. Maaaring si Felix, ang mamâ ng Endor, ang nagpadala sa kanya sa Inyo...»

«Siya ngang tiyak ang nagpadala. Ngunit si Juan ng Endor ay isang marunong na tao at ipinagpatuloy niyang gamitin ang kanyang dating pangalan. Huwag kang mag-alala, Simon. Ang isang tao na nagiging isang disipulo sapagkat nabatid niya na ang Aking pantaong ipinaglalaban ay natalo na, ay walang iba bagkus isang matuwid na espiritu. Ibang-iba kaysa sa kanya na kalalabas pa lamang at sumama sa Akin sapagkat umaasa siya na maging isang prinsipe ng isang makapangyarihang hari... at hindi niya makumbinsi ang kanyang sarili na Ako ay Hari lamang para sa espiritu...

«Pinagsususpetsahan ba Ninyo siya, Panginoon?»

«Hindi Ko pinagsususpetsahan ang sinuman. Ngunit sasabihin Ko sa iyong totoo na ang apostol na si Judas ni Simon, isang Israelita at isang Judaean, ay hindi mararating ang mararating ni Nicolaus, isang disipulo at proselito.»

«Panginoon, ibig kong tanungin si Nicolaus tungkol... kay Juan.»

«Hindi, huwag mong gawin. Si Juan ay hindi siya pinagkatiwalaan ng kahit na anong gawain, sapagkat siya ay marunong. Huwag maging ang di-marunong na isa.»

«Hindi, Panginoon, tinatanong ko lamang Kayo...»

«Tayo na sa ibaba at madaliin ang hapunan. Sa kalaliman ng gabi tayo ay aalis... Simon... minamahal mo ba Ako?»

«O! Guro! Ano ang tinatanong Ninyo?»

«Simon, ang Aking puso ay mas madilim pa kaysa sa lawa sa mabagyong gabi at kasing masalimuot dahil ito...»

«O! Aking Guro!... Ano ang sasabihin ko sa Inyo, kung ako ay mas nalulungkot at masalimuot kaysa sa Inyo? Masasabi ko lamang: “Naririto ang Inyong Simon. Kung ang aking puso ay makapagpapaginhawa sa Inyo, kunin Ninyo ito”. Iyan lamang ang bagay na mayroon ako, ngunit iyan ay sinsiro.»

Sa isang sandali ipinahinga ni Jesus ang Kanyang ulo sa malapad na malakas na dibdib ni Pedro at pagkatapos tumayo at bumaba kasama siya.

040710/200712

 

 

 



Sunod na kabanata