355. Patungong Gadara.

Disyembre 10, 1945.

Si Jesus ay nasa kabila na ng Jordan. At mula sa aking naiintindihan, ang bayan na aking nakikita sa tuktok ng isang berdeng burol, ay ang Gadara at ito ang unang bayan na kanilang narating pagkatapos na makadaong sa timog-silangan na baybayin ng lawa ng Galilee. Sa katunayan doon sila dumaong, dahil hindi sila bumaba s Hippo, kung saan sila pinangunahan ng mga bangka na siyang nagdala sa mga taong marahas kay Jesus. Sa aking palagay bumaba sila sa katapat ng Tarichea, kung saan ang Jordan dumadaloy nang palabas ng lawa.

«Alam mo ang pinakamaikling daan patungo sa Gadara, hindi ba? Naaalaala mo?» tanong ni Jesus.

«Siyempre alam ko! Kapag tayo ay nasa mainit na mga bukal na, malapit sa ilog Yarmuk, ang tanging ating gagawin ay sundan ang daan» tugon ni Pedro

«At saan mo makikita ang mga bukal?» tanong ni Tomas.

«O! Ang iyong ilong ay sasabihin sa iyo kung nasaan sila. Nakaaamoy iyan nang isang milya!» bulalas ni Pedro itinitingala ang kanyang ilong sa pagkainis.

«Hindi ko alam na namomroblema ka ng mga kirot...» wika ni Judas Iskariote.

«Mga kirot? Ako? Hindi kailanman!»

«Hoy! Kung alam-na-alam mo ang mainit na mga bukal sa Yarmuk, maaaring napunta ka roon.»

«Hindi ako kailanman nangailangan ng mainit na mga bukal upang makondisyon! Ang lason sa aking mga buto ay laging lumalabas sa pamamagitan ng pawis ng aking tapat na pagtatrabaho... maging ano pa man, sa dahilan na nagtatrabaho ako nang higit pa kaysa sa kalugdan ang aking sarili, laging napakakaunti ang lason sa loob ko...»

«Ang isang iyan ay para sa akin, hindi ba? May kagagawan ako ng lahat...» sabi ni Judas nang galít.

«Sinong kumagat sa iyo? Tinanong mo ako at ako ay sumagot, katulad na tutugon ako sa Guro o sa isang kasamahan. At sa palagay ko wala sa kanila, ni si Mateo... na dating mapaghanap ng mga kasayahan, ay mamasamain iyon.»

«Bueno , minamasama ko!»

«Hindi ko alam na napaka maramdamin ka. Ngunit humihingi ako ng paumanhin sa inakalang pagpapahiwatig. Alang-alang sa Guro, alam mo. Labis na Siyang natitigatig ng mga estranghero na wala nang pangangailangan para sa atin na buwisitin pa Siya lalo. Sa halip na tingnan mo ang iyong sariling pagkamaramdamin, tingnan mo Siya, at makikita mo kung gaano Siya nangangailangan ng kapayapaan at pagmamahal.»

Si Jesus ay hindi nagsasalita. Simple lamang Niyang tinitingnan si Pedro at ngumingiti nang nagpapasalamat.

Si Judas ay hindi tumutugon sa makatarungan na winika ni Pedro. Siya ay walang-imik at naiirita. Ibig niyang lumabas na mabait, ngunit ang kanyang galit, masamang gana, at ang pagkabigo ng kanyang puso ay kitang-kita sa kanyang mga mata, tinig at hitsura, at kahit na sa kanyang aroganteng paglakad, habang binabagsak niya nang galít ang kanyang paa sa lupa upang maihinga ang kumukulo sa loob niya.

Ngunit nagsisikap siyang magmukhang kalmante at maging mabait, bagama't hindi magtagumpay, ngunit nagsisikap... Tinanong niya si Pedro: «Bueno, kung gayon, papaano mo nalalaman ang mga lugar na ito? Baka napunta ka rito para sa iyong asawa?»

«Hindi, naparaan kami rito nang sa buwan ng Ethanim pumunta kami sa Hauran kasama ang Guro. Dinala ko ang Kanyang Ina at ang mga babaeng disipulo sa pag-aaring lupa ni Chuza. Pumupunta daan ng Bozrah, naparaan kami rito» tugon ni Pedro nang sinsiro at mahinahon.

«Nag-iisa ka ba?» tanong ni Judas nang kakatwa.

«Bakit? Sa palagay mo ba kung ako’y nag-iisa hindi ako kasing galing ng ilang mga tao kapag kailangan mong ipakita kung gaano ka kagaling, at may mahalagang gawain na kailangang magawa at ginagawa ito ng isa nang buong kabutihang-loob?»

«O! Gaano kang mapagmalaki! Gusto kitang makita nang ganyan!»

«Nakakita ka sana ng isang seryosong tao sinasamahan ang mga banal na babae.»

«Ngunit totoo bang nag-iisa ka?» tanong ni Judas na may tunay na aktitud ng isang imbestigador.

«Kasama ko ang mga kapatid ng Panginoon.»

«Ah! Nagsisimula ka nang gumawa ng mga pag-amin!»

«At nagsisimula ka nang makinis sa akin! Maaari bang sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari sa iyo?»

«Totoo iyan. Nakakahiya» sabi ni Tomas.

«Panahon na na itigil mo iyan» pagsang-ayon ni Santiago ni Zebedeo.

«Hindi tama para sa iyo na simangutan mo si Simon» sabi ni Bartolomeo nang nangangaral.

«Kailangan na tandaan mo na siya ay ang Ulo nating lahat» hinuha ng Zealot.

Si Jesus ay tahimik.

«O! wala akong sinisimangutan na sinuman, at walang nangyayari sa akin. Ibig ko lamang siyang biruin nang kaunti...»

«Iyan ay hindi totoo! Ikaw ay isang sinungaling! Nagtatanong ka ng tusong mga tanong sapagkat ibig mong may marating kang isang kongklusyon.  Ang isang tusong tao ay iniisip na ang lahat ay tuso. Kami ay walang mga lihim. Kaming lahat ay naroroon, at pare-pareho ang aming ginawa: kung ano ang sinabi sa amin ng Guro. At wala nang iba pa. Malinaw ba iyan?» sigaw ng isa pang Judas na totoong nagagalit.

«Manahimik. Katulad ninyo ang palaaway na mga babae. Mali kayong lahat. At ikinahihiya Ko kayo» sabi ni Jesus nang mahigpit.

Nagkaroon ng ganap na katahimikan habang papalapit sila sa bayan sa itaas ng burol. Sinira ni Tomas ang katahimikan bumubulalas: «Anong baho ng amoy!»

«Iyan ang mga bukal. Iyan ang Yarmuk at ang mga gusaling iyon ay ang mga Paliguang Mainit ng mga Romano. Sa kabila niyan ay nandiyan ang magandang daan na magdadala sa isa sa Gadara. Ang mga Romano ay gustong maglakbay nang maginhawa. Ang Gadara ay maganda» sabi ni Pedro.

«Mas maganda pa nga dahil hindi tayo makakakita ng ilang... mga bagay dito, hindi marami man lamang sa kanila» bulong ni Mateo sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

Tinawid nila ang tulay sa ibabaw ng ilog sa maanghang na amoy ng asupreng tubig. Dumaraan sila malapit sa Mainit na Paliguan, sa pagitan ng mga sasakyan ng mga Romano, at kinuha nila ang isang magandang daan, na may mga tablang bato, na magdadala sa bayan sa tuktok ng burol.

Si Juan ay nilapitan ang Guro at nagtanong: «Totoo ba na noong matagal nang mga araw ang isang isinumpang kaluluwa ay itinatapon sa mga bituka ng lupa kung saan naroroon ang mga tubig na iyan? Iyan ang madalas sabihin sa amin ng aming ina nang kami ay maliliit pang bata upang maintindihan namin na ang isa ay hindi kailangan na magkasala dahil kung hindi ang impiyerno ay bubukas sa ilalim ng mga paa ng isang isinumpa ng Diyos at lalamunin ang makasalanan. At pagkatapos bilang alaala at babala, ang mga bitak sa lupa ay mananatili sa pamamagitan nito kung saan ang amoy, ang init at ang tubig ng impiyerno ay lalabas. Matatakot akong maligo diyan...»

«Matatakot ng ano, bata? Hindi ka niyan mahahawahan. Mas madali pang makahawa ang mga tao na ang impiyerno ay nasa loob nila mismo at hinihinga ang baho at ang lason ng impiyerno. Ngunit ang nahahawahan lamang ay ang mga nakakiling na mahawahan nila mismo.»

«Mahahawahan ba ako?»

«Hindi. Ni hindi ka mahahawahan kahit na kung ikaw ay nasa pagitan ng pulutong ng mga dimonyo.»

«Bakit hindi? Ano ang mayroon siya na iba sa lahat ng ibang mga tao?» tanong kaagad ni Judas ng Kerioth.

«Siya ay puro sa bawat paraan at sa gayon nakikita niya ang Diyos» tugon ni Jesus at si Judas ay tumawatawang may-malisya.

Si Juan ay nagtanong muli. «Kung gayon ang mga bukal na iyon ay hindi mga bunganga ng impiyerno?»

«Hindi. Sa kabaligtaran iyan ay mabubuting bagay na ginawa ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Ang impiyerno ay hindi nakapaloob sa lupa. Iyan ay nasa ibabaw ng lupa, Juan, sa loob ng mga puso ng mga tao. At iyan ay lumalawak nang mas malayo diyan.»

«Ngunit ang Impiyerno ba ay totoong naririyan?» tanong ng Iskariote.

«Ano ang sinasabi mo?» tanong ng kanyang mga kasamahan na ganap na naiiskandalo.

«Nagtatanong ako: iyan ba ay totoong naririyan? Hindi ako naniniwala na iyan ay naririyan, at hindi lamang ako ang nag-iisa.»

«Pagano!» sumisigaw sila na may takot.

«Hindi. Israelita. Marami sa atin sa Israel ang hindi naniniwala sa kalokohang ganyan.»

«Bueno, papaano ka makapaniniwala sa Paraiso?», «At sa katarungan ng Diyos?», «Saan mo ilalagay ang mga makasalanan?», «Papaano si Satanas?» marami sa mga apostol ang tumututol na sumisigaw.

«Sinasabi ko kung ano ang naiisip ko. Kani-kanina pa lamang ako ay pinagbintangan ng pagiging isang sinungaling. Pinatutunayan ko na ako ay sinsiro, kahit na kung ang aking sinasabi ay nakakapag-iskandalo sa inyo at nagagawa kayong mapootin sa inyong mga mata. Maging ano pa man hindi lamang ako ang nag-iisa sa Israel, mula ng ang Israel ay umunlad sa kaalaman sa pamamagitan ng pakikipaghalubilo sa mga Helenista at mga Romano, na ang kaninong mga opinyon ay ganyan. At ang Guro, na ang Kaninong opinyon lamang ang aking nirerespeto, ay hindi ako masisisi o ang Israel, dahil pinoprotektahan Niya ang mga Romano at mga Griyego at hayagan na kanilang kaibigan... Ibinabasi ko ang aking sarili sa sumusunod na konseptong pilosopo. Kung ang lahat ay kontrolado ng Diyos, ang lahat ng ating ginagawa ay dumidepende sa Kanyang kalooban, at kailangan na gantimpalaan natin ang lahat ng ating mga sarili nang pare-pareho, sapagkat tayo ay mga robot lamang na pinagagalaw Niya. Tayo ay mga nilikha na walang kalooban. Ang Guro Mismo ay sinasabi ito: “Ang Kalooban ng Kataastaasan. Ang Kalooban ng Ama”. Iyan lamang ang natatanging Kalooban. At ito ay napakawalang-hangganan na dinudurog at sinisira nito ang limitadong kalooban ng mga nilikha. Samakatuwid, kapwa ang Mabuti at ang Masama, na tila lumalabas na siyang ginagawa natin, ay ginagawa ng Diyos, Na ipinapatupad sa atin. Sa gayon hindi Niya tayo parurusahan para sa masasamang gawain at ang Kanyang katarungan ay gagalaw nang ganyan, sapagkat ang ating mga kasalanan ay hindi kusa bagkus ipinatutupad Niya na siyang ating dapat gawin, upang kapwa ang mabuti at ang masama ay sana nasa sa lupa. Siya na masama ay ang pamamaraan ng pagbabayad-kasalanan para sa mga hindi napakasama. At siya ay naghihirap sa loob niya mismo sapagkat hindi siya matingnan bilang mabuti, at kung gayon nagagawa niya ang kanyang pagbabayad-kasalanan para sa kanyang bahagi sa kasalanan. Sinasabi ito mismo ni Jesus. Ang impiyerno ay nasa lupa at nasa loob ng mga puso ng mga tao. Hindi ko nararamdaman si Satanas. Siya ay wala naman. Minsan naniwala ako na siya ay naririto. Ngunit matagal-tagal na na nakumbinsi ako na ito ay isang malaking kalokohan. At ang isa ay nagkakaroon ng kapayapaan sa gayong paniniwala.

Si Judas ay nililinaw ang gayong... teoriya nang may labis na pasiklab na ang iba ay nakatayong di-makahinga sa pagkagulat... Si Jesus ay tahimik.

«Hindi.» Ang Kanyang «hindi» ay napakatalas na ito ay nakakatulad ng isang pagsabog.

«datapwa't... hindi ko maramdaman si Satanas, ni hindi ko matanggap ang malayang kalooban o ang Kasamaan. At ang lahat na mga Saduseo ay pareho ng aking opinyon pati na rin ang maraming tao sa Israel. Hindi, si Satanas ay wala naman.»

Si Jesus ay tinitingnan siya. Ang Kanyang titig ay komplikadong-komplikado na hindi ito mauunawaan. Ito ay isang titig ng isang Hukom, ng isang Doktor, ng isang namimighating nagtatakang tao... Ang lahat ay naroroon sa titig na iyon...

Si Judas, na napasubo na, ay naghinuha: «Baka ito ay dahil mas magaling ako at mas perpekto ako kaysa sa iba, na napanaigan ko ang takot ng mga tao para kay Satanas.»

At si Jesus ay tahimik. Ngunit si Judas ay binibiro Siya: «Magsalita! Bakit hindi ako natatakot?»

Si Jesus ay nananatiling tahimik.

«Hindi ba Kayo tutugon, Guro? Bakit? Natatakot ba Kayo?»

«Hindi. Ako ay Karidad. At ang Karidad ay pinipigil ang opinyon nito hanggang sa ito ay mapipilitan na ibigay ito... Iwanan Ako at umalis ako» sinabi Niya sa wakas, sapagkat si Judas ay sinisikap na yakapin Siya, at nang Siya ay nahawakan nang sapilitan sa loob ng mga kamay ng tagapaglapastangan, ibinulong Niya sa kanya: «Niyayamot mo Ako! Hindi mo nakikita o nararamdaman si Satanas, sapagkat siya ay lahat nakakapareho mo. Layas, ikaw na dimonyo!»

Si Judas ay hinalikan Siya nang may kakapalan ang mukha at tumatawa, na tila ang Guro ay lihim na pinapurihan siya. Binalikan niya ang iba na ganap na nanghihilakbot na sila ay tumigil at sinabi niya sa kanila: «Kita ninyo? Alam ko kung papaano buksan ang puso ng Guro. At nagawa ko Siyang masaya sa pagpapakita ko sa Kanya ng aking pagtitiwala at natuto ako. Kayo sa halip!... Hindi kayo kailanman naglakas-loob na magsalita sa Kanya. Sapagkat kayo ay mapagmalaki. O! Mas marami pa akong malalaman tungkol sa Kanya kaysa sa sino pa mang iba. At ako ay makapagsasalita...»

Narating nila ang mga geyt ng bayan. Lahat sila ay pumasok nang sabay-sabay, sapagkat si Jesus ay hinintay sila. Ngunit habang patungo sa pamasukan na bulwagan, si Jesus ay nag-utos: «Aking mga kapatid at Simon, mauna na at ipunin ang mga tao.»

«Bakit hindi ako, Guro? Hindi na ba Ninyo ako bibigyan pa ng anumang misyon na gagawin? Hindi na ba ito kinakailangan ngayon? Binigyan Ninyo ako ng dalawa, na magkakasunod, at ito ay tumagal nang maraming buwan...»

«At ikaw ay nagreklamo at nagsabi na ibig kitang makalayo. Nagrereklamo ka ba ngayon dahil ibig kitang mapanatiling kasama Ko?»

Si Judas ay hindi malaman kung ano ang kanyang itutugon at nananahimik. Siya ay umuna kasama si Tomas, ang Zealot, si Santiago ni Zebedeo at si Andres. Si Jesus ay tumigil upang maparaan sina Felipe, Bartolomeo, Mateo at si Juan, na tila ibig Niyang maiwang nag-iisa. Sila ay hindi nakikialam.

Ngunit ang mapagmahal na puso ni Juan, na ang kaninong mga mata ay madalas nagniningning na may mga luha sa loob ng mapaglapastangang pakikipagtalo ni Judas, ay napilit ang apostol na lumingon pagkaraan nang kaunti, tamang-tama sa sandali na makita si Jesus na idinidiin ang Kanyang noo sa Kanyang mga kamay, nang may hitsura ng pamimighati, at yumuyukong paharap katulad ng isa na may nararamdamang napakasakit. Si Jesus ay ginagawa ito iniisip na wala sa Kanyang nakakakita sa loob ng isang malungkot na kalsada, na madilim din dahil sa maraming arkong naka-arko sa kalsada. Ang may magandang-buhok na si Juan ay iniwan ang kanyang mga kasamahan at binalikan ang Guro: «Ano ang nangyayari, aking Panginoon? Naghihirap ba Kayong muli katulad nang makita namin Kayo sa Achzib? O! Aking Panginoon!»

«Walang anuman ito, Juan! Tulungan mo Ako ng iyong pagmamahal. At huwag magsalita ng kahit ano sa iba. Magdasal para kay Judas.»

«Oo, Guro. Siya ay lubos na di-masaya, hindi ba? Siya ay nasa kadiliman, at hindi nag-aalam. Akala niya naabot na niya ang kapayapaan... Iyon ba ay kapayapaan?»

«Siya lubos na di-masaya» sabi ni Jesus nang pinanghihinaan ng loob.

«Huwag malungkot nang labis. Guro. Isipin kung gaano karami ang mga makasalanan na naging mabuti, bagama't napatigas sila sa pagkakasala. Ganyan din ang mangyayari kay Judas. O! Tiyak na maililigtas Ninyo siya! Gugugulin ko ang buong gabi sa pagdarasal para diyan. Sasabihin ko sa Ama na gawin akong makapagmahal lamang, wala na akong gustong iba pa. Umaasa akong maibigay ko ang aking buhay para sa Inyo o gawin ang Inyong kapangyarihan na magningning sa pamamagitan ng aking gawa. Ngayon hindi na ito ganyan. Tinatanggihan ko ang lahat. Pinipili ko ang pinakaaba at pangkaraniwang buhay at hihingin ko sa Ama na ibigay anuman ang akin kay Judas... upang magawa siyang masaya... upang siya ay sana magbago patungo sa kabanalan... Panginoon... kailangan kong sabihin sa Inyo ang isang bagay... sa palagay ko alam ko kung bakit si Judas ganyan.»

«Pumunta ka ngayong gabi. Magdarasal tayong magkasama at mag-uusap.»

«At makikinig ba sa akin ang Ama? Tatanggapin ba Niya ang aking sakripisyo?»

«Pagpapalain ka ng Ama. Ngunit maghihirap ka...»

«O! Hindi! Sapat na para sa akin ang makita Kayong masaya... at na si Judas... at na si Judas...»

«Oo, Juan. Tingnan, tinatawag nila tayo. Tumakbo tayo.»

Ang maliit na kalsada ay naging napakaganda, adornado ng mga portiko at mga pontanya. At ito ay nadekorasyunan ng magagandang liwasan: ang bawat isa bilang mas maganda pa kaysa sa iba. Tinatawid nito ang isa pang pangunahing kalsada, na kasing ganda nito, at sa dulo nito ay may isang malaking bukas na lugar-tanghalan. Ang ilan na mga maysakit ay nagka-ipun-ipon na sa isang sulok ng mga portiko hinihintay ang Tagapagligtas.

Si Pedro ay lumapit kay Jesus: «Nanatili sila sa pananampalataya na sinabi namin sa kanila tungkol sa Inyo noong buwan ng Ethanim. Sila ay pumunta kaagad.»

«At gagantimpalaan Ko ang kanilang pananampalataya kaagad. Tayo na.»

At habang lumulubog ang araw at nakukulayan nito ng pula ang mga gusali, pumunta Siya upang pagalingin ang mga naghihintay para sa Kanya na may pananampalataya.

090710/200712



Sunod na kabanata