356. Ang Gabi sa Gadara at ang Sermon Tungkol sa Diborsiyo.

Disyembre 11, 1945.

Ang magagandang bituin ng isang malinaw na gabi ng buwan ng Marso ay nagniningning sa silanganing kalangitan at napakalalakí at maniningning nito na ang kisame ng langit ay tila yumuko katulad ng isang kulandong sa ibabaw ng terasa ng bahay na tumatanggap kay Jesus. Ito ay isang napakataas na bahay, nakatayo sa isa sa pinakamatataas na mga lugar ng bayan, upang ang walang-katapusan na orisonte ay nasa paningin ng mga tumitingin sa lahat na direksiyon. At kung ang lupa ay mawawala sa kadiliman ng gabi, na hindi naliliwanagan ng buwan, dahil ang buwan ay papaliit, ang kalawakan ay nagkikislapan sa di-mabilang na mga bituin. Ito ay totoong ang pananagumpay ng papawirin, na mapanagumpay na pinakikita ang mga hardin ng mga bituin nito, ang Galatea na mga damuhan, ang mga higanteng mga planeta at ang mga kakahuyan ng mga konstelasyon kontra sa naglalahong mga tanim sa lupa, na, kahit na kung ito ay matatanda na, ito ay isang oras pa rin lang ang edad, kompara sa mga naririyan na mula nang ginawa ng Diyos ang papawirin. At kung ang isa ay mawawala sa pagtingin sa itaas doon, at ang kanyang paningin ay maglalagalag sa magagandang abenida, kung saan ang mga punungkahoy ay ang mga bituin, tila maririnig niya ang mga tinig at mga awit ng maririkit na mga kakahuyan,  ng dambuhalang organo ng pinaka makalangit na katedral, kung saan ibig kong isipin na ang mga hangin ng nag-uunahang mga bituin ay mga atungal at mga talaan at ang mga bituin na sumisibad ay mga tinig. At ang isa ay tila madarama ang lahat na ito, lalo na dahil ang katahimikan ng gabi, habang natutulog ang Gadara, ay ganap. Walang pontanya ang bumubulong, walang ibon ang umaawit. Ang mundo ay tulog, pati na rin ang lahat na mga nilikha. Ang mga tao, na hindi kasing inosente ng iba pang mga nilikha, ay natutulog nang humigit-kumulang mapayapa sa kanilang madidilim na tahanan.

Ngunit ang isang mataas na madilim na anino, na makikita lamang dahil sa kaibhan ng maputing mukha at mga kamay sa madilim na kasuutan, ay lumabas mula sa pintuan ng silid na nagbubukas patungo sa mas mababang terasa, sa katunayan ay may isa pang mas mataas na terasa sa mas mataas na silid, at sinusundan ito ng isa pang mas maikling anino. Sila ay naglalakad nang marahan at walang ingay upang hindi sila makapanggising ng sinuman na baka natutulog sa silid sa ibaba at kanilang inaakyat nang marahan ang maliit na hagdanan na nasa labas, na magdadala sa kanila sa terasa sa tuktok. Pagkatapos naghawakan sila ng kamay at sila ay lumakad at naupo sa upuan na nasa tabi ng parapet na pumapaligid sa terasa. Ang mababang upuan at ang mataas na parapet ay naitatago sa kanilang mga mata ang lahat. Kahit na kung naging maliwanag ang sinag ng buwan sa mundo, wala silang makikita. Sapagkat ang bayan ay ganap na natatakpan at ang maiitim na anino din ng kalapit na mga bundok ay naitatago ng kadiliman ng gabi. Tanging ang kalangitan lamang ang makikita kasama ang tagsibol na mga konstelasyon nito at ang magagandang bituin ng Orion: ng Rigil at Betelgeuse, ng Aldebaran, ng Perseus, Andromeda at Cassiopeia at ang mga Pleiade na magkasama katulad ng magkapatid na babae. At ang Sapphirine Venus puno ng mga brilyante, at ang Mars ng maputlang ruby, at ang topaz ng Jupiter ay ang mga hari ng mabituin na populasyon at sila ay pumipintig na tila ibig nilang bumati sa Panginoon, pinabibilis ang kanilang mga pagpintig ng liwanag para sa Liwanag ng mundo.

Si Jesus ay itinitingala ang Kanyang ulo upang sila ay tingnan at isinasandal ito sa mataas na pader nawawala sa pagtingin sa itaas doon kung saan ang mundo ay makakalimutan... Pagkatapos sinabi ni Jesus: «At ngayon na ang kontemplasyon na ito ay nalinis tayo, tayo ay magdasal.» Siya ay tumayo at si Juan ay ganito rin ang ginawa. Isang mahaba, tahimik, marubdob na panalangin, binigkas kasama ang lahat ng kanilang mga kaluluwa, ang kanilang mga kamay nakaunat nang pa-krus, na ang kanilang mga mukha nakatingala sa silangan, mula kung saan ang unang mahinang pahiwatig ng liwanag ay lumalabas. At pagkatapos ang «Ama Namin» ay binigkas nang magkasabay sila, dahan-dahan, hindi lamang minsan bagkus tatlong beses, na may lumalaking pamimilit sa paghingi, na kitang-kitang sa pamamagitan ng kanilang mga tinig. At ang kanilang pakiusap ay napakainit na naihihiwalay nito ang kanilang mga kaluluwa mula sa kanilang mga katawan, pina pupunta ito sa mga daan ng Walang-Hangganan.

Pagkatapos nagkaroon ng katahimikan. Naupo sila sa dati nilang kinaroroonan, habang pinapuputi ng buwan nang higit at higit pa ang natutulog na lupa.

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang braso sa balikat ni Juan at kinabig siya sa Kanyang sarili nagsasabing: «Kung kaya't sabihin mo sa Akin ang sa pakiramdam mo kailangan na sabihin mo sa Akin. Ano ang nakita ng Aking Juan, sa tulong ng espirituwal na liwanag, sa malungkot na kaluluwa ng kanyang kasamahan?»

«Guro... ikinalulungkot ko na nasabi ko iyon sa Inyo. Makagagawa ako ng dalawang kasalanan...»

«Bakit?»

«Sapagkat mapamimighati ko Kayo binubunyag sa Inyo ang hindi Ninyo nalalaman, at... dahil... Guro, kasalanan ba ang magsalita tungkol sa kasamaan na nakikita natin sa ibang mga tao? Kasalanan ito, hindi ba? Kung gayon, papaano ako makapagsasalita ng tungkol dito, makasasakit laban sa karidad!...» si Juan ay nalulungkot.

Si Jesus ay pinaliliwanagan ang kanyang kaluluwa: «Makinig, Juan. Ayon sa iyo, sino ang mas mahalaga, ang Guro o ang isang kapwa-disipulo?»

«Ang Guro, Panginoon. Kayo ang pinakamahalaga.»

«At ano Ako ayon sa iyo?»

«Ang Simula at ang Katapusan. Kayo ang Lahat.»

«Dahil Ako ang Lahat, sa palagay mo ba nalalaman Ko ang lahat?»

«Oo, aking Panginoon. Iyan kung bakit may malaking kalinawan sa akin. Sapagkat sa palagay ko nalalaman Ninyo at Kayo ay naghihirap. At dahil din naaalaala ko na isang araw sinabi Ninyo sa akin na kung minsan Kayo ay ang Tao, tanging ang Tao lamang, at kung gayon pinaaalam sa Inyo ng Ama kung ano ang maging isang tao, na kailangan na kumilos ayon sa rason. At sa akin ding palagay ang Diyos, dala ng awa para sa Inyo, ay maaaring itinatago sa Inyo ang di-magandang katotohanan na ito sa Inyo...»

«Manatili sa idea na iyan, Juan, at magsalita nang nagtitiwala. Hindi kasalanan na ipagtapat ang iyong nalalaman sa Kanya Na siyang “ang Lahat” para sa iyo. Sapagkat Siya na “ang Lahat” ay hindi maiiskandalo, hindi magbubulung-bulong o magkukulang sa karidad, ni sa pamamagitan ng isip, sa di-masayang tao. Magiging isang kasalanan kung sasabihin mo ang iyong nalalaman sa isang walang kakayahan na maging punó ng pagmamahal, sa iyong mga kasamahan halimbawa, na magsasalita sa likuran at mamimintas nang walang-awa, sinasaktan siya at ang kanilang mga sarili mismo. Kinakailangan kung gayon na maging maawain, mas lalo pang maawain, habang mas kaaba-aba ang kaluluwa na nasa harapan natin, na apektado ng mga sakit. Ang isang doktor, ang isang maawaing nars, ang isang ina ay hindi masyadong balisa kung ang isang tao ay hindi malala ang sakit at hindi sila nakikipaglaban nang hiráp upang siya ay mapagaling. Ngunit kung ang isang anak, ay malala ang sakit, at ang kanyang buhay ay nanganganib, dahil sa ganggrena o paralisis, gaano sila magsisikap na mapagaling siya tinitiis ang pagkasuklam at ang pagod. Hindi ba’t ganito ito?»

«Oo, ganyan iyan, Guro» tugon ni Juan na kinuha ang dati niyang pusisyon na ang kanyang braso nakaikot sa leeg ni Jesus at ang kanyang ulo nakasandal sa Kanyang balikat.

«Bueno, hindi lahat ang may alam kung papaano maging maawain sa may sakit na mga kaluluwa. Dahil dito ang isa ay kailangan na maging maingat sa pagbubunyag ng kanilang mga problema, upang ang mundo ay hindi siya iwasan at saktan sa pamamagitan ng panunuya. Ang isang may-sakit na tao na nadarama na siya ay minamaliit, ay nagiging malungkutin at lalala ang kalagayan. Kung sa halip siya ay inaalagaan na may kaaya-ayang pag-asa, baka siya gumaling sapagkat ang puno-ng-pag-asa na mabuting pag-iisip ng mga nag-aalaga sa kanya ay mapasisigla siya at mapagagana ang bisa ng mga gamot. Ngunit nalalaman mo na Ako ay Awa at hindi ko ipahihiya si Judas. Kung kaya't makapagsasalita ka nang walang pag-aalinlangan. Ikaw ay hindi isang espiya. Ikaw ay isang anak na may nagmamahal na pananabik ay ipinagtatapat sa kanyang ama ang kasamaan na natuklasan sa isang kapatid upang ang ama ay sana mapagaling siya. Sige na...»

Si Juan ay huminga nang malalim, pagkatapos itinungo pa nang lalo ang kanyang ulo, pinabababa ito nang kusa sa dibdib ni Jesus, at nagsabi: «Gaano nakapagpapalungkot ang magsasalita tungkol sa maruruming bagay!... Panginoon... Si Judas ay mahalay... at tinutukso ako na makagawa ng maruruming bagay. Walang anuman sa akin kung minamaliit niya ako. Ngunit napamimighati ako na siya ay pupunta sa Inyo, nanggigitata sa kanyang mga pambababae. Mula nang siya ay dumating, tinukso niya ako nang makailang beses. Kapag kami ay nataon na nag-iisa – at sinasamantala niya ang lahat ng pagkakataon – wala siyang ginagawa bagkus ang magsalita tungkol sa mga babae... at ako ay nasusuklam nito na tila ako ay nakalubog sa ilang mabahong bagay na gustong makapasok sa aking bunganga...»

«Labis ka bang nababalisa niyan?»

«Ano? Balisa? Nangangatog ang aking kaluluwa. Ang katuwiran ay sumisigaw laban sa gayong mga panunukso... Ayaw kong maparumi...»

«papaano tumutugon ang iyong katawan?»

«Nangunguluntoy ito sa pagkasuklam.»

«Wala nang iba?»

«Wala, Guro, at ako ay umiiyak sapagkat akala ko si Judas ay hindi makagagawa ng mas malala pang pamiminsala sa isang tao na ikinunsagra ang kanyang buhay sa Diyos. Sabihin sa akin: iyan ba ay makapagpápasamà sa aking alay?»

«Hindi. Hindi mas mahigit pa sa isang dakot na putik na itinapon sa isang plaque ng diyamante. Hindi nito maaapektuhan ang plaque o matatagos ang plaque. Ang isang kopa ng malinis na tubig na ibinuhos dito ay sapat na upang malinis ito. At ito ay magiging mas maganda kaysa dati.»

«Linisin ako, kung gayon.»

«Ang iyong karidad at ang iyong anghel ay nililinis ka. Wala nang natira sa iyo. Ikaw ay isang malinis na altar kung saan bumababa ang Diyos. Ano pa ang ginagawa ni Judas?»

«Panginoon, siya... O! Panginoon!» ang ulo ni Juan ay dumalusdos pa nang mas mababa.

«Ano?»

«Siya... Hindi totoo na ang pera na kanyang binibigay sa Inyo para sa mahihirap ay galing sa kanya. Iyon ay pera ng mahihirap na kanyang ninanakaw, upang mapuri sa pagiging mapagbigay, na hindi totoo. Siya ay naging aliwas sapagkat nang Kayo ay bumalik mula sa bundok ng Tabor, kinuha Ninyo ang lahat na pera sa kanya. At sinabi niya sa akin: “May mga espiya sa pagitan natin”. Tumugon ako: “Mga espiya ng ano? Nagnakaw ka kaya?”. “Hindi” tugon niya sa akin, “ngunit malayo ang aking paningin at may dalawa akong lukbutan. May nagsabi sa Guro at sinabi Niya sa akin na ibigay ang lahat, at napakalakas ng Kanyang utos na ako ay napilitan na ibigay ang lahat”. Ngunit hindi totoo, Panginoon, na ginagawa niya iyon dahil siya ay matipid. Ginagawa niya iyon upang magkaroon siya ng pera para sa kanyang sarili. Saksi ako diyan at halos nakatitiyak ako na ang masasabi ko ay katotohanan.»

«Halos nakatitiyak! Ang di-nakatitiyak na iyan ay totoong isang maliit na diperensiya. Hindi mo siya maaakusahan ng pagiging isang magnanakaw, kung hindi ka lubos na nakatitiyak. Ang mga kinikilos ng mga tao kung minsan ay lumalabas na may diperensiya, samantalang iyon ay mabubuti.»

«Totoo iyan, Guro. Hindi ko na siya aakusahan muli, ni hindi sa aking sariling isip. Ngunit totoo na siya ay may dalawang lukbutan, at ang isang sinasabi niya na pag-aari niya at kanyang ibinibigay sa Inyo, ay sa halip sa Inyo at ginagawa niya iyon upang mapuri. Hindi ko gagawin iyan, sapagkat sa pakiramdam ko hindi iyan tama.»

«Tama ka, ano pa ang mayroon kang sasabihin sa Akin?»

Si Juan ay itinaas ang kanyang natatakot na mukha, ibinuka ang kanyang bunganga, pagkatapos isinara ito at pagkatapos bumagsak sa kanyang mga tuhod itinatago ang kanyang mukha sa loob ng tunika ni Jesus, Na nagpatong ng kamay sa kanyang ulo.

«Kung gayon, magsalita! Baka nahusgahan mo nang mali ang mga bagay. Tutulungan kita na tingnan ito nang maayos. Kailangan din na sabihin mo sa akin ang pinaka dahilan ng paggawa ng kasalanan ni Judas.»

«Panginoon, ang pakiramdam ni Judas ay wala siya ng lakas na gusto niya upang makagawa ng mga himala... Nalalaman Ninyo na iyan ang lagi niyang ambisyon... Naaalaala ba Ninyo ang Endor? Sa halip... siya ito na nakagagawa ng mas kakaunting mga himala. Mula nang siya ay bumalik, wala na siyang magawang kahit isa... at sa gabi umuungol siya sa kanyang mga panaginip, na tila ito ay masasamang panaginip at... Guro!»

«Sige na, sabihin mo sa Akin ang lahat.»

«At siya ay nagmumura... at nagsasanay ng panggagaway. Ito ay hindi kasinungalingan at walang pagdududa tungkol diyan. Nakita ko siya mismo. Pinipili niya akong kasama, sapagkat natutulog ako nang malalim. Hindi, bagkus, madalas akong matulog nang malalim. Ngayon, kailangan kong tanggapin ito, binabantayan ko siya at ang aking tulog ay hindi masyadong malalim, sapagkat napapakinggan ko siya kaagad kapag kumilos siya... Baka nagagawa ko ang maling bagay. Ngunit nagkukunwari akong tulog upang makita ko kung ano ang ginagawa niya. At dalawang beses ko siyang nakita na gumagawa ng nakatatakot na mga bagay. Hindi ako isang eksperto sa panggagaway, ngunit iyon ay iyon.»

«Ginagawa ba niya iyon nang kanyang sarili lamang?»

«Kung minsan ginagawa niya, kung minsan hindi. Sinundan ko siya sa Tiberias. Pumasok siya sa isang bahay. Nagtanong ako pagkaraan kung sino ang nakatira roon. Iyon ay isang lalaki na nagsasagawa ng panggagaway kasama ang ibang mga tao. At nang si Judas ay lumabas, halos umaga na, naintindihan ko mula sa mga salitang kanilang sinasabi na sila ay magkakakilala at sila ay marami.. at hindi lahat mga estranghero. Hinihingi niya sa dimonyo na ibigay sa kanya ang Kapangyarihan na hindi Ninyo ibinibigay sa kanya. Iyan kung bakit tinatalikuran ko ang aking bahagi upang sana maibigay ito ng Ama sa kanya at hindi na sana siya magkasala.»

«Kailangan na ibigay mo sa kanya ang iyong kaluluwa. Ngunit ni ang Ama o Ako ay hindi iyan ipahihintulot...»

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Pagkatapos si Jesus ay nagsabi sa pamamagitan isang pagod na tinig: «Tayo na, Juan. Bumaba na tayo. Magpapahinga tayo hanggang pagsikat ng araw.»

«Nagmumukha Kayong mas malungkot kaysa dati, Panginoon! Hindi ko dapat sa inyo sinabi!»

«Hindi. Alam Ko na iyan. Ngunit naalis mo sa dibdib mo ang isang pabigat... at iyan ang mahalaga.»

«Panginoon, kailangan ko ba siyang iwasan?»

«Hindi. Huwag kang matakot. Si Satanas ay walang magagawang masama sa mga taong katulad ni Juan. Tinatakot niya sila, ngunit hindi niya maaalis ang grasya na patuloy na ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos. Tayo na. Magsasalita Ako sa umaga at pagkatapos pupunta tayo sa Pella. Kailangan na magmadali tayo, sapagkat ang ilog ay malaki na gawa ng natutunaw na niyebe at ng mga ulan ng mga nakaraang araw. Mamaya lamang ito ay biglang laki, lalo na dahil sa ang buwan na may limbon ay nagbabadya ng malakas na ulan...»

Sila ay bumaba at nawala sa loob ng silid sa ilalim ng terasa.

--------------------

Ngayon ay umaga. Isang umaga sa buwan ng Marso, kung kailan ang kalangitan ay lumilinaw at nagiging maulap nang salit-salitan. Ngunit ang mga ulap ay natatalo ang pagiging malinaw, nagsisikap na masakop ang kalangitan. Ang mga hinga ng mainit na ere ay nagagawa ang ere na maging mabigat na may mga alikabok na maaaring nanggagaling sa maliit na kapatagan.

«Kung hindi magbabago ang hangin, magkakaroon ng ulan» wika ni Pedro lumalabas ng bahay kasama ang iba.

Si Jesus ay lumabas sa wakas; nagpapaalam Siya sa mga kababaihan ng bahay, habang ang maybahay na lalaki ay sinasamahan . Sila ay nagpapatungo sa isang liwasan.

Pagkaraan ng mga ilang hakbang, sila ay pinatigil ng isang di-nakatalagang opisyal na Romano na may kasamang ibang mga sundalo. «Kayo ba si Jesus ng Nazareth?»

«Oo, Ako.»

«Ano ang ginagawa Ninyo?»

«Ako ay magsasalita sa mga pulutong.»

«Saan?»

«Sa liwasan.»

«Isang talumpating sedisyon?»

«Hindi. Mga alituntunin ng birtud.»

«Mag-ingat! Huwag magsinungaling! Sawa na ang Roma tungkol sa mga huwad na diyos.»

«Kung pupunta ka rin, makikita mo na hindi Ako nagsisinungaling.»

Ang lalaki na nagbigay kay Jesus ng pag-aruga ay nararamdaman na kailangan niyang magsalita: «Kailan pa na ang isang rabbi ay tinatanong nang napakarami?»

«Siya ay inakusahan bilang tagasulsol.»

«Tagasulsol Siya? Nagkakamali ka, Marius Severus. Siya ang pinaka mababang-loob na tao sa lupa. Matitiyak ko sa iyo.»

Ang opisyal ay ikinibit ang kanyang mga balikat at tumugon: «Mas mabuti pa para sa Kanya. Ngunit iyan ang akusasyon na tinanggap ng senturyon. Makakalakad na Siya. Siya ay inaabisuhan.» At siya ay tumalikod at umalis kasama ang kanyang mga sundalo.

«Sino ang gumawa niyon? Hindi ko maintindihan!» marami sa mga taong naroroon ang nagsasabi.

Si Jesus ay tumugon: «Hindi na bale. Walang anuman iyon. Tayo na habang marami ang mga tao sa liwasan.  Pagkaraan tayo ay aalis din, dito.»

Ang liwasan ay nagmumukhang isang kalakalan na lugar. Ito ay hindi isang palengke, ngunit hindi masyadong malaki ang pagkakaiba sa isang palengke, sapagkat may mga bodega sa paligid nito, na may laman ng maraming uri ng mga bagay. At ito ay nagsisiksikan sa tao. Kung gayon maraming tao rin sa liwasan, at sa dahilan na ang ilan sa kanila ay itinuturo si Jesus, ang isang pulutong ay pagkaraan nag-ipun-ipon sa paligid ng «Nazareno». Sa loob ng pulutong ay naroon ang lahat ng klase ng mga tao at ng bawat lalawigan. Ang ilan ay naroroon dala ng pagpipitagan, ang ilan dala ng pag-usyoso.

At si Jesus ay gumawa ng pahiwatig na Siya ay magsasalita na.

«Makinig tayo sa Kanya!» sabi ng isang Romano na lumalabas mula sa isang bodega.

«Mapapakinggan ba natin ang isang lamentasyon?» tugon ng kanyang kasama.

«Huwag kang maniwala diyan, Constant. Hindi Siya nakakasawa katulad ng ating pangkaraniwan na mga orador.»

«Kapayapaan sa mga nakikinig sa Akin! Ito ay nakasulat sa Ezra, sa panalangin ni Ezra: “Ano na ang aming sasabihin ngayon, aking Diyos, pagkatapos ng nangyari? Sapagkat, hindi namin sinunod ang Inyong mga utos, na Inyong iniutos sa pamamagitan ng Inyong mga lingkod...”»

«Tigil, Kayo na nagsasalita. Ibibigay namin sa Inyo ang paksa» sigaw ng isang maliit na grupo ng mga Pariseo na ipinilit ang kanilang mga sarili sa loob ng pulutong. Ang alalay ay lumitaw halos kaagad at tumigil sa pinakamalapit na sulok. Ang mga Pariseo ay ngayon nasa harapan na ni Jesus. «Kayo ba ang Galilean? Kayo ba si Jesus ng Nazareth?»

«Ako nga!»

«Purihin ang Panginoon na natagpuan namin Kayo!» Ang kanilang pangit na mga mukha ay napaka hinanakitin na hindi ito nagpapakita ng labis na kaluguran sa pagkikita...

Ang pinakamatanda ay nagsalita: «Sinusundan namin Kayo nang ilang mga araw, ngunit lagi Kayong nakaalis na kapag kami ay dumarating.»

«Bakit ninyo Ako sinusundan?»

«Sapagkat Kayo ang Guro at ibig namin na kami ay maturuan Ninyo tungkol sa isang madilim na pasahe ng Batas.»

«Walang madidilim na pasahe sa Batas ng Diyos.»

«Hindi sa Batas. Bagkus, eh! eh!... “sa mga dagdag”, ayon sa sinasabi Ninyo, eh! eh!, na idinagdag sa Batas at nakagawa ng kalabuan.»

«Isang malabong liwanag, sa karamihan. At sapat na ang ibaling ng isa ang kanyang isip sa Diyos upang ito ay mawala,«

«Hindi lahat ang makagagawa niyan. Kami, halimbawa, ay naiiwan sa loob ng malabong liwanag. Kayo ang Rabbi, eh! eh! Kung gayon tulungan kami.»

«Ano ang ibig ninyong malaman?»

«Ibig naming malaman kung tama para sa isang lalaki na iwanan ang kanyang asawa para sa anumang rason. Ito ay isang bagay na madalas mangyari at lagi itong gumagawa ng kaguluhan sa tuwing mangyari ito. Ang mga tao ay nagtatanong sa amin kung ito ay tama. At kami ay tumutugon ayon sa bawat kaso.»

«At kayo ay sumasang-ayon sa nubenta pursiyento ng mga kaso. At ang natitirang sampung pursiyento, na hindi ninyo sinasang-ayunan, ay may kaugnayan sa mahihirap o sa inyong mga kaaway.»

«papaano Ninyo nalalaman?»

«Sapagkat ganyan ang nangyayari sa lahat na pantaong mga bagay. At magdadagdag Ako ng ikatlo grupo ng mga tao: ang mga na mas karapat-dapat nito, kung ang diborsiyo ay ipinahihintulot: ibig sabihin, tunay na mga kaawa-awang mga kaso, katulad ng walang-pagkagaling na ketong, pagkakakulong nang habang-buhay, o di-mababanggit na mga sakit...»

«Kung gayon, ayon sa Inyo, hindi ito kailanman ipinahihintulot.»

«Hindi ni ayon sa Akin, o ayon sa Kataastaasan, o ng sinuman na may matuwid na kaluluwa. Hindi ba ninyo nabasa, na ang Tagapaglikha, sa simula ng mga panahon, ay nilikha ang lalaki at babae? At nilikha silang lalaki at babae; at hindi kinakailangan para sa Kanya na ito ang gawin, sapagkat makapaglilikha Siya ng ibang paraan ng pagkakaroon ng anak para sa hari ng Sangnilikha, na Kanyang ginawa sa Kanyang larawan at pagkakatulad, at maaaring ito ay naging isang mabuting paraan, kahit na kung ito ay naiiba sa bawat iba pang natural na paraan.  At sinabi Niya: “Para sa dahilan na ito ang lalaki ay iiwan ang kanyang ama’t ina at isasama ang kanyang sarili sa kanyang asawa at sila ay magiging iisang katawan”. Kung kaya't ang Diyos ay pinagsama sila sa iisang pagsasama. Sa gayon hindi na sila “dalawa”, bagkus “isa” na katawan lamang. Kung gayon, kung ano ang pinag-isa ng Diyos, sapagkat nakita Niya na “ito ay isang mabuting bagay”, hindi kailangan ng tao na paghiwalayin ito, sapagkat kung ito ang mangyari, hindi na ito magiging isang mabuting bagay.»

«Bakit kung gayon sinabi ni Moses: “Kung ang isang lalaki ay nag-asawa, ngunit ang babae ay hindi magustuhan ng lalaki gawa ng isang bagay na nakakahiya, bibigyan niya ang babae ng isang kasulatan ng pagpapalayas at paaalisin niya siya sa kanyang bahay”?»

«Sinabi niya iyon dahil sa katigasan ng inyong mga puso, upang maiwasan, sa pamamagitan ng kanyang utos, ang napaka malalang mga kaguluhan. Iyan kung bakit pinahintulutan kayong talikuran ang inyong mga asawa. Ngunit hindi ito ganito sa simula. Sapagkat ang isang babae ay mas mahalaga pa kaysa sa isang hayop, na ayon sa kapritso ng panginoon nito o sa malayang mga sirkunstansiya ng kalikasan, sisiping sa lalaking ito o iyon, isang walang-kaluluwang katawan na sumisiping para sa pagkakaroon ng anak. Ang inyong mga asawa ay may mga kaluluwa, katulad na mayroon kayo, at hindi makatarungan na yapakan ninyo sila nang walang-awa. Kung sa kondemnasyon ng babae sinabi: “Mapapailalim ka sa kapangyarihan ng iyong asawa at maghahari siya sa iyo”, iyan ay kailangan na mangyari ayon sa katarungan at hindi nang may arogansiya nananakit laban sa mga karapatan ng isang malayang kaluluwa na karapat-dapat ng respeto. Sa pagtakwil sa inyong mga asawa, na hindi ipinahihintulot sa batas, sinasaktan ninyo ang kaluluwa ng inyong kasa-kasama, ang kakambal na katawan na idinugtong sa inyo, ang kabuuan ng babae, na inyong pinakasalan, humihingi ng katapatan sa kanya, habang kayo, o mga sinungaling, ay hindi matapat, baldado, kung minsan kontaminado, kapag kayo ay pumupunta sa kanya, at nagpapatuloy kayo na ganyan, sinasamantala ang bawat pagkakataon na masaktan siya at bigyan ng mas malawak na saklaw ang inyong walang-kasiyahang kahalayan. Mga tagapagpahamak ng inyong mga asawa! Walang dahilan na makahihiwalay kayo sa babae na idinugtong sa inyo ayon sa Batas at pagpapalà. Tanging sa kaso lamang na hinipo kayo ng grasya, at naintindihan ninyo na ang babae ay hindi isang pag-aari bagkus isang kaluluwa, at kung gayon may parehong mga karapatan katulad ng inyo na kikilalanin bilang bahagi ng lalaki at hindi isang bagay para sa kasiyáhan ng lalaki, at tanging sa kaso lamang na ang inyong puso ay napakatigas na hindi maitaas ang babae sa dangal ng asawang babae, pagkatapos na kasiyahán siya bilang isang puta, upang maalis lamang ang iskandalo ng dalawa na namumuhay nang wala ng pagpapalà ng Diyos sa pagsasama, mapa-aalis ninyo siya. Sapagkat sa kasong iyan ang inyo ay hindi pagsasama bagkus pornikasyon, madalas hindi napararangalan ng pagkakaroon ng mga anak, sapagkat sila ay pinipigil laban sa kalikasan o pinalalayas bilang isang kahihiyan. Sa walang iba pang kaso. Sapagkat kung kayo ay may mga anak sa labas sa inyong kulasisi, katungkulan ninyo na tapusin ang iskandalo sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanya, kung kayo ay malayo. Hindi Ko tinitingnan ang kaso ng pangangalunya na ginagawa sa ikapapahamak ng di-nagmamalay na asawa. Sa kasong iyan ang mga bato ng pambabato at ang apoy ng Sheol ay banal. Ngunit para sa kanya na nagpapalayas ng kanyang legal na asawa dahil nagsawa na siya sa kanya, upang kumuha ng iba, ay may iisang sentensiya lamang: siya ay isang  mangangalunya. At siya na kumuha sa pinalayas na asawa ay mangangalunya rin, sapagkat kung inangkin ng tao ang karapatan na paghiwalayin kung ano ang pinagsama ng Diyos, ang pagsasamang matrimonyal ay nagpapatuloy sa mga mata ng Diyos, at isinumpa ang lalaki na kumuha ng ikalawang asawa na hindi naman siya isang balo. At isinumpa siya na, pagkatapos palayasin ang kanyang asawa at iabandona sa mga panganib ng buhay, na siyang tumulak sa kanya na magpakasal muli upang siya ay may makain, ay kukunin siya ulit kung siya ay naging balo sa ikalawang asawa. Sapagkat, bagama't siya ay isang balo, siya ay isang mangangalunya sa kagagawan ninyo, at pinalalaki ninyo ang kanyang pangangalunya. Naintindihan ba ninyo, mga Pariseo, na nanunukso sa Akin?»

Sila ay umalis na ganap na napahiya, walang sinasabi.

«Siya ay isang mahigpit na tao. Kung Siya ay nasa Roma makikita Niya na ang dumi roon ay mas mabaho» sabi ng isang Romano.

Ang ibang mga mamamayan ng Gadara ay pabulung-bulong din: «Mahirap na maging mga tao, kung ang isa ay kailangan na maging napaka basal!...»

At ang iba ay nagsasabi sa mas malalakas na tinig: «Kung ganyan ang sitwasyon ng isang lalaki sa kanyang asawa, mas mabuti pang huwag nang mag-asawa.»

At ang mga apostol ay gumagawa ng gayon ding mga puna habang nagpapatuloy sila sa pagpunta sa kabukiran, pagkatapos na iwanan ang mga puna ng Gadara. Ganyan ang sinasabi ni Judas nang mapanuya. Si Santiago ni Zebedeo ay nagsasalita nang may paggalang at konsiderasyon, at si Jesus ay tumutugon sa kapwa sa kanila: «Hindi lahat naiintindihan iyan nang maayos. Ang iba sa katunayan ay mas gustong manatiling walang-asawa upang maging malaya sa pagpapakasasa sa kanilang mga bisyo. Ang iba ay iniiwasan ang posibilidad ng pagkakasala, bilang hindi mabubuting asawa. Ngunit kakaunti lamang ang pinagkalooban na maintindihan ang kagandahan ng pagiging malaya sa sensuwalidad at sa matapat na mithiin sa babae. At sila ang mga pinakabanal, ang pinaka malaya, ang pinaka anghelikal sa balat ng lupa. Tinutukoy Ko ang mga naging mga eunuko para sa Kaharian ng Diyos. Ang ibang mga lalaki ay ipinanganak na ganyan. Ang iba ay nagawang ganyan. Ang una ay mga kababalaghan na kailangang kaawaan, ang huli ay mga kaabusuhan na kailangang mapigilan. Ngunit may ikatlong kategoriya: ang kusang pagiging mga eunuko, na habang walang ginagawang kahit anong karahasan sa kanilang sarili, at kung gayon may dobleng merito, ay sumusunod sa hinihiling ng Diyos at namumuhay na katulad ng mga anghel, upang ang napababayaang altar sa lupa ay magkaroon pa rin sana ng mga bulaklak at insenso para sa Panginoon. Pinagkakaitan nila ng kasiyahan ang kanilang panloob na bahagi, upang sana ang kanilang mas superyor na bahagi ay mas lumago pa at mamulaklak sa Langit sa mga taniman ng mga bulaklak sa pinakamalapit sa trono ng Hari. At sasabihin Ko sa inyong totoo na wala kahit na anong bahagi ang inalis sa kanila, sa kabaligtaran sila ay pinagkalooban ng kung ano ang kakulangan ng karamihang lalaki. Sila kung gayon ay hindi ang layon ng kalokohan na pangungutyang mga salita, bagkus ng dakilang pagpipitagan. Gawing maintindihan iyan ng mga kailangan na makaintindi niyan, at magrespeto niyan, kung magagawa nila.»

Ang mga may-asawa sa pagitan ng mga apostol ay nagbubulungan sa isa’t isa.

«Ano ang nangyayari sa inyo?» tanong ni Jesus.

«At papaano kami? Hindi namin nalalaman ang tungkol diyan, at kami ay nag-asawa. Ngunit ibig namin na maging ayon sa Inyong sinasabi...» sabi ni Bartolomeo sa katauhan ng lahat.

«Hindi kayo pinagbabawalan na gawin iyan magpasimula ngayon. Mamuhay na nag-aabstensiya, tinitingnan ang inyong kasa-kasama bilang isang kapatid na babae at magkakaroon kayo ng malaking merito sa mga mata ng Diyos. Ngunit bilisan ninyo ang inyong mga hakbang, upang makarating tayo sa Pella bago magsimulang umulan.»

100710/040812

 

 

 



Sunod na kabanata