357. Sa Pella.

Disyembre 12, 1945.

Ang daan na magdadala sa isa mula sa Gadara hanggang Pella ay tumatakbo sa isang matabang lugar sa pagitan ng dalawang hilera ng mga burol, ang isa mas mataas sa isa. Kamukha nila ang dalawang malalaking baytang ng isang hagdanan para sa kamangha-manghang mga higante, upang makaakyat mula sa lambak ng Jordan patungo sa mga bundok ng Hauran. Kung saan ang daan ay tumatakbong mas malapit sa kanlurang terasang-bundok, ang tanawin ay umaabot hindi lamang sa layo ng mga bundok sa kabilang pampang, na sa palagay ko ay mga bundok ng katimugang Galilee at tiyak na mga bundok ng Samaria, ngunit nararating din nito ang magandang kaberdehan na napoporma nito ang dobleng hilera ng mga tanim sa tigkabilang tabi ng asul na ilog. Kung saan, sa halip, ang daan ay mas malapit sa silanganing kabit-kabit na mga bundok, mawawala sa isa ang tanawin ng lambak ng Jordan, ngunit ang berdeng mga tuktok ng kabit-kabit na mga bundok ng Samaria at ng Galilee ay makikita pa rin na nangingibabaw sa kulay-abong kalangitan na sa maaraw na araw ito ay magiging isang magandang tanawin na may kabigha-bighaning maniningning na kulay. Ngunit ngayon ang kalangitan ay madilim na may mabababang ulap, tinutulak ng mahalumigmig na hangin, na palakas na nang palakas at nagtutulak pa ng bagong mga masa ng ulap patungo sa mga dati nang naroroon, ibinababa ang kalangitan na may labis na kulay-abong kusot na mga materyales, at kung gayon ang tanawin ay nawawalan ng maningning na berdeng mga kulay nito, na nagmumukhang pinaputla na tila tinitingnan ito sa loob ng hamog.

Ang isang nayon ay nararating at ang susunod pa at naiiwan na walang kahit na anong kapuna-punang pangyayari. Ang Guro ay tinatanggap at sinusundan ng pagiging walang-pakialam. Tanging mga pulubi lamang ang nagpapakita ng interes sa grupo ng mga peregrinong Galilean at humihingi ng mga limos. At naririyan ang dating mga bulag na ang mga mata sa karamihang kaso ay nasira ng trachoma, o ang halos bulag na mga tao, na naglalakad nang nakatungo, dahil hindi nila matagalan ang liwanag, sa tabi ng mga pader, nag-iisa o may kasamang isang babae o isang bata. Sa isang nayon, kung saan ang daan patungong Pella ay tinatawid ang daang Bozrah-Gerasa patungo sa lawa ng Tiberias, ay may isang pulutong ng mga bulag na sumasalakay sa mga karabana kasama ang kanilang mga daíng, na nakakahawig ang pag-ungot ng mga aso at napuputol paminsan-minsan ng pagngawa. Sila ay mga nakatayo sa mga pader ng unang mga bahay, nakikinig, sa pagitan ng kahirapan, dumi at mga basahan, ngumangatngat ng mga mumo ng tinapay at mga olibo, o natutulog, habang ang mga langaw ay libreng nanginginain sa nagnanaknak na sugat ng mga talukap-mata; ngunit sa unang ingay ng mga paa ng kabayo o paggalaw ng mga paa lahat sila ay tumayo at kumilos katulad ng isang tagpi-tagping koro ng isang sinaunang trahedya, nagbibigkas ng dating mga salita at gumagawa ng dating mga kilos sa mga bagong dating. Kapag ang isang salaping metal o isang mumo ng tinapay ay itinapon sa kanila, ang bulag o medyo bulag na mga tao ay maghahapuhap sa alikabok at dumi para makuha ang itinapon.

Si Jesus ay pinagmamasdan sila at nagsabi kay Simon Zealot at kay Felipe: «Magdala ng ilang pera at tinapay sa kanila. Na kay Judas ang pera, kay Juan ang tinapay.»

Ang dalawa ay umalis kaagad upang gawin ang sinabi sa kanila at sila ay tumigil upang magsalita, habang si Jesus ay lumalapit nang dahan-dahan, dahil Siya ay naantala ng isang linya ng mga asno, na humarang sa daan.

Ang mga pulubi ay namangha sa pagbati at kabaitan na sila ay kinausap at tinulungan ng mga bagong dating at sila ay nagtanong: «Sino kayo, na napakabait sa amin?»

«Ang mga disipulo ni Jesus ng Nazareth, ang Rabbi ng Israel. Siya, Na nagmamahal sa mahihirap at sa di-masasayang tao sapagkat Siya ay ang Tagapagligtas, at Siya ay dumaraan, binabalita ang Ebanghelyo at gumagawa ng mga himala.»

«Ito ang himala» sabi ng isa na ang kaninong mga talukap-mata ay lubhang nawasak. At kanyang dinagukan ang isang piraso ng malinis na tinapay, katulad ng isang hayop na ang iniintindi at binibigyan ng pagpapahalaga ay ang materyal na mga bagay lamang.

Ang isang babae, na dumaraan may hawak na tansong mga pitsel at nakapakinig sa kanya, ay nagsabi: «Manahimik, maruming batugan.» Pagkatapos kanyang kinakausap ang mga disipulo nagsasabing: «Siya ay hindi taga sa aming nayon. Siya ay palaaway at marahas sa kanyang kapwa-tao. Kailangan siyang mapalayas sapagkat pinagnanakawan niya ang mahihirap ng nayon. Ngunit kami ay natatakot na baka paghigantihan niya kami» pagkatapos sa napakahinang tinig, na halos hindi maririnig, siya ay bumulong: «Sinasabi nila na siya ay isang magnanakaw at sa maraming taon siya ay nagnanakaw at pumapatay, at siya ay bumaba mula sa mga bundok ng Caracamoab at Sela, na tinatawag ngayon na Petra ng mga namumuno, ang mga gumagawa ng mga kalsada sa mga disyerto. Sinasabi nila na siya ay isang deserter na sundalo ng Romanong iyon na dumating... upang makilala ang Roma... si Helius, sa aking palagay, at isa pang pangalan... Kung bibigyan mo siya ng maiinom, sasabihin niya sa inyo... Ngayon siya ay bulag at nataon na napapunta rito... Iyon ba ang Tagapagligtas?» nagtanong siya, tinuturo si Jesus, Na umalis nang tuwiran.

«Oo, Siya nga. Ibig mo bang makipagusap sa Kanya?»

«O! hindi!» sabi ng babae nang walang pakialam.

Ang dalawang apostol ay nagpaalam sa kanya at sila ay umalis upang samahan ang Guro.  Ngunit nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga bulag habang napapakinggan ang isang bata na umiiyak. Ilang mga tao ang tumalikod at ang babae na nakita kanina, na ngayon nakatayo sa pintuan ng kanyang bahay, ay nagsabi: «Maaaring iyon ay ang malupit na lalaki kinukuha ang pera mula sa mahihina. Lagi niyang ginagawa iyan.»

Si Jesus ay tumalikod din upang tumingin...

Sa katunayan ang isang batang lalaki, o kung baga isang binatilyo, ay lumabas sa grupo dumudugo at umiiyak at siya ay nagrereklamo: «Kinuha niya ang lahat sa akin! At ang aking ina ay wala nang tinapay!»

Ang iba ay naaawa sa kanya, ang iba ay pinagtatawanan siya...

«Sino siya?» si Jesus ay tinanong ang babae.

«Isang bata mula sa Pella. Siya ay mahirap at pumupunta rito nagpapalimos. Lahat sila ay bulag sa pamilya, dahil nagkahawa-hawa sila. Ang ama ay namatay at ang ina ay namamalagi sa bahay. Ang bata ay nanghihingi ng limos sa mga nagdaraan at sa mga magbubukid.»

Ang binatilyo ay lumalapit dala ang kanyang maliit na tungkod, pinupunas ang kanyang mga luha at ang dugo na bumababa sa kanyang noo sa pamamagitan ng gilid ng kanyang pudpod na manta.

Ang babae ay tinawag siya: «Tigil, Jaia. Huhugasan ko ang iyong noo at bibigyan kita ng ilang tinapay!»

«May pera ako at tinapay para sa ilang mga araw! Wala na ako nito ngayon! Ang Inay ay naghihintay sa akin upang may makain...» reklamo ng di-masayang binatilyo habang pinupunasan ang kanyang noo sa tulong ng tubig ng babae.

Si Jesus ay lumapit at nagsabi: «Ibibigay Ko sa iyo ang mayroon Ako. Huwag umiyak.»

«Ngunit, Panginoon! Bakit! Papaano tayo makakabayad para sa ating tutuluyan? Anong gagawin natin?» tanong ni Judas nang nananabik.

«Pagpapalain natin ang Panginoon sa pagpapanatili sa atin na malusog. Iyan ay isang dakilang grasya.»

Ang binatilyo ay nagsabi: «O! Iyan ngang talaga. Kung nakakakita ako! Ako ay magtatrabaho para sa aking ina.»

«Gusto mo bang mapagaling?»

«Oo, gusto ko.»

«Bakit hindi ka pumupunta sa doktor?»

«Wala sa kanila ang kailanman nagpagaling sa amin. Kami ay napagsabihan na may Isa sa Galilee, Na hindi isang doktor, ngunit nagpapagaling. Ngunit papaano ang isa makapupunta sa Kanya?»

«Pumunta ka sa Herusalem. Sa Gethsemane. Iyon ay isang taniman ng mga punong-olibo sa tabi ng Mount of Olives malapit sa daan patungong Bethany. Ipagtanong si Markus at si Jonah. Ang lahat sa distrito ng Ophel ay sasabihin sa iyo. Makakasama ka sa isang karabana. Marami ang dumaraan na pumupunta. Tanungin si Jonah kung nasaan si Jesus ng Nazareth...»

«Iyan lang! Iyan ang pangalan! Pagagalingin ba Niya ako?»

«Pagagalingin ka, kung may pananampalataya ka.»

«May pananampalataya ako. Saan Kayo pupunta, Kayo na napakabuti?»

«Sa Herusalem, para sa Paskuwa.»

«O! Isama Ninyo ako. Hindi ko Kayo bibigyan ng kahit anong problema. Matutulog ako sa bukas na lugar at ang isang piraso ng tinapay ay magiging sapat na sapat na para sa akin! Pumunta tayo sa Pella... Pupunta Kayo roon, hindi ba? At sasabihan natin ang aking ina, at pagkatapos tayo ay aalis... O! Kung nakakakita ako! Maging mabuti, Panginoon!...» At ang binatilyo ay lumuhod hinahanap ang mga paa ni Jesus upang halikan ang mga ito.

«Halika. Dadalhin kita sa liwanag.»

«Pagpalain sana Kayo!»

Nagpatuloy sila sa paglalakad at ang mga daliri ni Jesus ay hinahawakan ang binatilyo sa braso upang gabayan siya na may direksiyon. At ang binatilyo ay nagtanong: «Sino Kayo? Isang disipulo ng Tagapagligtas?»

«Hindi.»

«Ngunit nakikilala man lamang ba Ninyo Siya?»

«Oo, nakikilala Ko.»

«At sa palagay ba Ninyo pagagalingin Niya ako?»

«Sa palagay Ko.»

«Ngunit... magpapabayad kaya Siya? Wala akong pera. Ang mga doktor ay malaki ang hinihingi! Kami ay namumulubi sa pagpapagaling...»

«Si Jesus ng Nazareth ay walang gusto bagkus pananampalataya at pagmamahal.»

«Napakabuti Niya kung gayon. Ngunit mabuti din Kayo» sabi ng binatilyo at upang makuha ang kamay na gumagabay sa kanya at mahaplos ito, nahipo niya ang manggas ng tunika. «Anong pinong kasuutan ang suot Ninyo! Kayo ay isang maginoo! Hindi ba Ninyo ako ikinahihiya, dahil ako ay mga basahan ang suot?»

«Ikinahihiya Ko lamang ang mga kasalanan, na nagpapahiya sa tao.»

«Ang aking diperensiya ay kung minsan nagrereklamo ako ng aking sitwasyon at gusto ko ng maiinit na damit, tinapay, at higit sa lahat paningin.»

Si Jesus ay hinahaplos siya: «Iyan ay hindi mga nakakahiyang mga diperensiya. Ngunit pagsikapan na iwasan kahit na ang mga imperpeksiyon na iyan at ikaw ay magiging banal.»

«Kung ako ay gumaling, mawawala na sa akin iyan... O...kung ako ay hindi gumaling, at malalaman Ninyo, at ihahanda ba Ninyo ako para sa aking kapalaran, at tuturuan ako na maging banal katulad ni Job?»

«Gagaling ka. Ngunit pagkatapos, higit sa lahat pagkatapos, kailangan na lagi kang maging masaya sa iyong katayuan kahit na kung ito ay hindi ang pinakamagandang mga katayuan.»

Nakarating sila sa Pella. Ang mga pangkusinang-hardin, na laging matatagpuan sa labas ng mga bayan, ay pinakikita ang katabaan ng lupa sa pamamagitan ng mayayabong na tanim. Ang ilang mga babae na nagtatrabaho sa mga bukid o abala sa kanilang paglalaba ay binabati si Jaia at nagsasabi sa kanya: «Maaga kang nakabalik ngayon. Nagkaroon ka ba ng magandang araw?» O: «Nakatagpo ka ba ng protektor, kaawa-awang anak?» Ang isang maedad na babae ay sumisigaw mula sa malayong dulo ng kanyang pangkusinang-hardin: «Jaia! Kung nagugutom ka may isang pinggan ng sopas para sa iyo. O para sa iyong ina. Uuwi ka ba? Dalhin ito.»

«Sasabihin ko sa aking ina na sasama ako sa mabait na ginoong ito patungong Herusalem upang mapagaling. Kilala Niya si Jesus ng Nazareth at dadalhin ako roon.»

Ang daan, malapit sa geyt ng Pella, ay nagsisiksikan sa mga tao. May ilang mga mangangalakal at ilan din na mga peregrino.

Ang isang pinong tingnan na babae, nakasakay sa isang asno, kasamahan ng isang katulong na babae at isang katulong, ay lumingon nang mapakinggan ang Jesus na binanggit, pagkatapos hinatak ang mga renda, pinatigil ang asno, bumaba at lumapit kay Jesus. «Kilala Ninyo si Jesus ng Nazareth? Pupunta ba Kayo sa Kanya? Pupunta rin ako... upang mapagaling ang isang anak. Ibig kong makausap ang Guro sapagkat...» siya ay napaiyak sa loob ng kanyang makapal na belo.

«Anong problema ng inyong anak? Nasaan siya?»

«Siya ay mula sa Gerasa. Ngunit ngayon siya patungong Judea. Naglalagalag siyang katulad ng isang nalukuban... O! Ano ba ang nasabi ko!»

«Siya ba ay nalulukuban?»

«Panginoon, nalulukuban siya noon at siya ay napagaling. Ngayon... mas malala pa siya kaysa dati sapagkat... O! masasabi ko lamang kay Jesus ng Nazareth!»

«Santiago, kunin ang bata sa pagitan mo at ni Simon at magpatuloy kasama ang iba. Maghintay para sa Akin sa kabilang tabi ng geyt. Babae, mapapalakad na ninyo ang inyong mga katulong. Makapag-uusap tayo, tayo lamang dalawa.»

Ang babae ay nagsabi: «Ngunit hindi Kayo ang Nazareno! Sa Kanya lamang ako magsasalita. Sapagkat Siya lamang ang makauunawa at maaawa.»

Sila ngayon ay nag-iisa na. Ang lahat na iba pa ay nauna na nang mag-isa. Si Jesus ay naghintay hanggang sa nawalan ng tao ang daan at pagkatapos nagsabi: «Makapagsasalita ka na. Ako si Jesus ng Nazareth.»

Ang babae ay napaungol nang malalim at luluhod na sana.

«Hindi. Hindi dapat na malaman ng mga tao pansamantala. Tayo na. May isang bahay na nakabukas sa banda roon. Makikiusap tayo na tayo ay pagpahingahin at tayo ay makapag-uusap. Halika.»

Sa pamamagitan ng isang daanan sa pagitan ng dalawang pangkusinang-hardin pumunta sila sa isang bahay ng pangkaraniwang mga tao kung saan ang mga bata ay nagkakatuwaan sa sahig ng giikan.

«Kapayapaan sa inyo. Pahihintulutan ba ninyo Ako na ang babaeng ito ay makapagpahinga rito nang mga ilang sandali? Kailangan Kong makipagusap sa kanya. Kami ay nanggaling sa napakalayo upang magka-usap at ang Diyos ay ginawa kaming magkatagpo bago makarating sa itinakdang lugar.»

«Pasok. Ang isang panauhin ay isang pagpapalà. Bibigyan namin kayo ng gatas at tinapay at ilang tubig para sa inyong mga paa» sabi ng isang matandang babae.

«Hindi na iyan kinakailangan. Ang tanging kailangan namin ay isang lugar na tahimik upang makapag-usap.»

«Halikayo» at dinala niya sila sa isang terasa may gayak ng isang baging na namumulaklak na may esmeraldang berdeng mga dahon.

Sila ay iniwanan na nag-iisa. «Magsalita, babae. Nasabi Ko na na ang Diyos ay ginawa tayong magkatagpo bago sa katapusan ng ating paglalakbay, para sa inyong kaginhawahan.»

«Wala nang kaginhawahan para sa akin! Nagkaroon ako ng isang anak na lalaki. Siya ay nilukuban. Kumikilos siyang katulad ng isang mabangis na hayop sa pagitan ng mga sepulkro. Walang makapigil sa kanya. Walang makapagpagaling sa kanya. Nakita niya Kayo. Sinamba niya Kayo sa pamamagitan ng mga labì ng dimonyo at pinagaling Ninyo siya. Ibig niyang sumama sa Inyo. Ngunit inisip Ninyo ang tungkol sa kanyang ina at pinadala Ninyo siya sa akin, upang maibalik ang aking pamumuhay at isip, na ginawang maging tuliro ng kapighatian ng isang nalukuban na anak. At pinadala rin Ninyo siya upang ituro Kayo, sa dahilan na ibig niya Kayong mahalin. O!... ang maging isang ina muli... at ng isang banal na anak! Ng isang lingkod Ninyo! Ngunit sabihin sa akin! Nang pinadala Ninyo siyang muli sa akin, nalaman ba Ninyo na siya ay...  na siya ay magiging isang dimonyo muli?  Sapagkat siya ay isang dimonyo, na umiwan sa Inyo pagkatapos na makatanggap ng labis na kabutihan, pagkatapos na makilala Kayo, pagkatapos na mapili para sa Langit... Sabihin sa akin! Nalaman ba Ninyo? Ngunit ako ay masatsat! Ako ay nagsasalita ngunit hindi ko pa nasasabi sa Inyo kung bakit siya ay isang dimonyo...  Sa loob ng mga ilang araw siya naging isang katulad ng baliw muli, o! sa loob lamang ng kaunting mga araw! ngunit mas nakapagpapalungkot sa akin kaysa sa mahabang mga taon nang siya ay nalulukuban... At pagkatapos akala ko hindi na ako mapamimighati pa nang mas mahigit kaysa sa noon... Siya ay dumating... sinira niya ang pananampalataya na mayroon ang Gerasa para sa Inyo sa pamamagitan ng Inyong merito at ng kanya, at nagsalita siya nang masama tungkol sa Inyo. At nauuna siya sa Inyo patungo sa bantilan ng Jericho, gumagawa ng kapinsalaan sa Inyo!»

Ang babae, na hindi kailanman inalis ang kanyang belo sa likuran kung saan siya ay umiiyak nang malungkot, ay itinapon ang sarili sa paanan ni Jesus nakikiusap: «Umalis Kayo! Umalis Kayo! Huwag Ninyong pabayaan na Kayo ay kanilang insultuhin! Umalis akong ganap na sinasang-ayunan ng aking may-sakit na asawa, nananalangin sa Diyos na makita ko Kayo. Napakinggan Niya ang aking panalangin! O! Pagpalain nawa Siya para diyan! O! Ayaw ko na Kayo, ang Tagapagligtas, tinatrato nang masama dahil sa aking anak! Hindi ko ipahihintulot iyan! O! bakit ko siya dinala sa mundo? Pinagtaksilan niya Kayo, Panginoon! Pinasásama niya ang Inyong mga salita. Ang dimonyo ay nakuha siyang muli. At... o! Kataastaasan at Banal na Panginoon! Maawa sa isang ina! At siya ay maisusumpa. Aking anak! Dati iyon ay hindi niya kasalanan kung siya ay nilukuban ng mga dimonyo. Iyon ay isang kamalasan, na dumating sa kanya. Ngunit ngayon na siya ay Inyong napagaling, ngayon na nakilala na niya ang Diyos at naturuan Ninyo! Ngayon ay ibig niyang maging isang dimonyo at walang kapangyarihan ang makapagpapalaya sa kanya muli! O!» Ang babae ay nakahiga sa lupa, isang tambak ng mga damit at laman nauuga ng mga hikbi. At siya ay umuungol: «Sabihin sa akin, sabihin sa akin, ano ang aking kailangan na gawin para sa Inyo, para sa aking anak? Upang makagawa ng mga pagwawasto! Upang mailigtas siya! Hindi. Upang makagawa ng mga pagwawasto! Nakikita Ninyo na ang aking kapighatian ay isang pagbabayad-sala. Ngunit ang iligtas siya! Hindi ko maililigtas ang tagapagtatwa ng Diyos. Siya ay isinumpa... At ano iyan sa akin, isang Israelita? Ito ay pasakit.»

Si Jesus ay yumuko. Nagpapatong Siya ng isang kamay sa kanyang balikat. «Tumayo ka, maging mahinahon ka! Ikaw ay mahal sa Akin. Makinig, kaawa-awang ina.»

«Hindi ba Ninyo ako sinusumpa dahil ipinanganak ko siya?!»

«O! hindi! Hindi ka masisisi para sa kanyang pagkakamali, at para sa sarili mong kaginhawahan kailangan na malaman mo na mapapangyari mo ang kanyang kaligtasan. Ang kasiraan ng mga anak ay maitatama ng mga ina. At iyan ang iyong gagawin. Ang iyong kapighatian, dahil ito ay sinsiro, ay hindi baog, iyan ay mamumunga nang marami. Ang kaluluwa na iyong minamahal ay maililigtas sa pamamagitan ng iyong paghihirap. Ikaw ay nagbabayad-sala para sa kanya, at sa pamamagitan ng ganyang makatuwiran na intensiyon na ikaw ay ang indulhensya ng iyong anak. Siya ay babalik sa Diyos. Huwag umiyak.»

«Ngunit kailan? Kailan?»

«Kapag ang iyong mga luha ay matutunaw sa Aking Dugo.»

«Inyong Dugo? Kung gayon totoo ang kanyang sinasabi? Na Kayo ay papatayin sapagkat karapat-dapat Kayo ng kamatayan?... Nakapangingilabot na paglalapastangan!»

«Ang unang bahagi ay totoong totoo. Ako ay papatayin upang magawa kayong karapat-dapat ng Buhay. Ako ang Tagapagligtas, babae. At ang kaligtasan ay ipinagkakaloob sa pamamagitan ng salita, sa pamamagitan ng awa at sa pamamagitan ng holokausto. Iyan ang kinakailangan para sa iyong anak at iyan ang Aking ibibigay. Ngunit... tulungan mo Ako. Ibigay mo sa Akin ang iyong kapighatian. Humayong kasama ang Aking pagpapalà. Panatilihin iyan sa loob ng iyong puso, upang ikaw ay sana maging maawain at matiyaga sa iyong anak, at paalalahanan siya nang ganyan, na may Isa Pa Na naging maawain sa kanya. Lakad, humayo sa kapayapaan.»

«Ngunit huwag Kayong magsalita sa Pella. Huwag magsalita sa Perea. Ginawa niyang kontrahin nila Kayo. At siya ay hindi nag-iisa. Ngunit aking nakikita at sinasabi ang tungkol lamang sa kanya...»

«Ako ay magsasalita sa pamamagitan ng isang gawa. At magiging sapat na iyan upang mawala ang gawa ng iba. Umuwi na may kapayapaan.»

«Panginoon, ngayon na ako ay Inyo nang napawalang-sala sa pagpapanganak sa kanya, tingnan ang aking mukha, na sana malaman Ninyo kung ano ang katulad ng mukha ng isang ina kapag ang kanyang puso ay nadudurog» at kanyang inalisan ng takip ang kanyang mukha nagsasabing: «Naririto ang mukha ng ina ni Mark ng Josiah, ang tagapagtatwa sa Mesiyas at ang tagapagpahirap sa kanyang ina» pagkatapos ibinaba ang kanyang makapal na belo sa kanyang mukha na nasira ng pag-iyak at ng mga pag-ungol: «Walang ibang ina sa Israel ang nasa kasing lalim sa pamimighati katulad ko!»

Iniiwan nila ang mapag-arugang bahay at pumunta muli sa daan. Pinasok nila ang Pella at ang babae ay sinamahan ang kanyang mga katulong at ang mga disipulo ni Jesus. Ngunit ang babae ay sinusundan Siya, na tila siya ay nagayuma, habang si Jesus ay sinusundan ang binatilyo na nagpapatungo sa kanyang silungan, na nasa ilalim ng gusali na nakasandal sa tabi ng bundok, na tipikal sa bayan na ito na itinayo sa ibabaw ng mga terasa ng bundok, upang ang sahig ng kanlurang tabi ay ang unang palapag ng silangang tabi, ngunit sa katunayan, ito ay ang sahig din kahit doon, sapagkat mararating ito ng isa mula sa nasa itaas na kalsada, na nasa gayon ding lebel katulad ng sahig sa itaas. Hindi ko malaman kung kong ako ay maintindihan.

Ang binatilyo ay sumisigaw sa malakas na tinig: «Inay! Inay!»

Ang isang bulag na babae, na bata pa rin at kumikilos sa paligid nang malaya at mabilis, dahil kabisado niya ang kapaligiran, ay lumabas mula sa madilim na kalunus-lunos na kuweba. «Nakabalik ka na ba kaagad, aking anak? Ang mga limos ba ay marami na ikaw ay nakabalik habang mataas pa ang araw?»

«Inay, natagpuan ko ang isa na nakakikilala kay Jesus ng Nazareth, at nagsasabi na dadalhin niya ako sa Kanya upang mapagaling. Napakabait niya. Papayagan ba ninyo ako, inay?»

«Siyempre, Jaia! Kahit na kung kailangan kong mag-isa, makakalakad ka, at pagpalain ka sana at tingnan din ang Tagapagligtas sa katauhan ko!» Ang pahintulot at ang pananampalataya ng babae ay buo.

Si Jesus ay ngumingiti. Sinabi Niya: «Babae, hindi ba ninyo Ako pinagdududahan o ang Tagapagligtas?»

«Hindi, hindi ako nagdududa. Kung kilala Ninyo Siya at Kayo ay Kanyang kaibigan, maaaring Kayo ay mabuti din. At ang tungkol sa Kanya!... Lakad, anak. Huwag magsayang ng sandali. Bigyan mo ako ng halik at lumakad kasama ang Diyos.»

Naghahalikan sila, naghahapuhap...

Si Jesus ay nag-iiwan ng isang piraso ng tinapay sa ibabaw ng mesa at ilang mga salaping metal. «Paalam, babae. Makabibili ka ng tinapay para sa iyong sarili sa pamamagitan ng Aking iniwan dito. Kapayapaan sa iyo.»

Sila ay lumabas. Ang grupo ay nagpapatuloy sa paglalakad habang ang unang mga patak ng ulan ay bumabagsak.

«Hindi ba tayo titigil? Umuulan...» sabi ng mga apostol.

«Titigil tayo sa Jabesh-Gilead. Magpatuloy.»

Itinataas nila ang kanilang mga manta sa kanilang mga ulo at si Jesus ay tinatakpan ang ulo ng binatilyo sa pamamagitan ng Kanyang sariling manta. Ang ina ni Mark ng Josiah, sa ibabaw ng kanyang asno, ay sinusundan Siya kasama ang kanyang mga katulong. Tila hindi siya makahiwalay sa Kanya.

Naiwan nila ang Pella. Nagpapatuloy sila sa berdeng kabukiran, na nagmumukhang malungkot sa maulan na araw.

Pagkatapos ng mga isang kilometro si Jesus ay tumigil. Kinuha Niya ang ulo ng bulag na bata sa Kanyang mga kamay at hinahalikan ang kanyang bulag na mga mata nagsasabing: «At ngayon bumalik ka. Lakad at sabihin sa iyong ina na ang Panginoon ay naggagantimpala sa mga may pananampalataya at sabihin sa mga tao sa Pella na Ako ang Panginoon.» Pinabayaan Niya ang bata na makaalis at lumayo kaagad nang mabilis.

Ngunit wala pang tatlong minuto ang bata ay sumigaw: «Ngunit nakakakita ako! O! Huwag umalis! Kayo ay si Jesus! Tingnan ko Kayo bilang ang unang bagay!» at siya ay bumagsak sa kanyang mga tuhod sa basang lupa.

Ang Gerasenang babae at ang kanyang mga katulong sa isang tabi, at ang mga apostol sa kabila ay tumakbo upang tingnan ang himala.

Si Jesus ay bumalik din, nang dahan-dahan, ngumingiti. Yumuko Siya upang haplusin ang bata. «Lakad, puntahan mo ang iyong ina at maniwala sa Akin... lagi.»

«Oo, aking Panginoon... Ngunit wala para sa aking ina?! Siya ba ay kailangan na mamalagi sa kadiliman, bagama't naniniwala siya katulad ko?»

Si Jesus ay ngumingiti nang mas malaki. Siya ay tumitingin sa paligid at may nakita Siya sa tabing daan ng isang kumpol ng mga daisy na basa ng ulan. Yumuko Siya at pinulot ito at iniabot ito sa bata. «Paraanin iyan sa mga mata ng iyong ina, at makakakita siya. Hindi na Ako babalik. Kailangan Kong magpatuloy. Hayaan ang mga mabubuti na sumunod sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga kaluluwa at magsalita tungkol sa Akin sa mga nagdududa. Magsalita tungkol sa Akin sa mga tao ng Pella, na ang kaninong pananampalataya ay nawawala. Lakad. Ang Diyos ay kasama mo.»

Pagkatapos binalingan Niya ang babae ng Gerasa: «At ikaw sundan siya. Ito ang tugon ng Diyos sa lahat na mga nagsisikap na mapahina ang pananampalataya ng mga tao sa Kristo. At gawin iyan na makapagpalakas sa iyong pananampalataya at sa pananampalataya ni Josiah. Humayo sa kapayapaan.»

Sila ay naghiwalay. Si Jesus ay ipinagpapatuloy ang Kanyang paglalakbay pagawing timog. Ang bata, ang Gerasenang babae at ang mga katulong ay pumunta nang pahilaga. Ang malakas na ulan ay naihihiwalay sila katulad ng isang talukbong ng usok...

110710/040812

 

 

 

 



Sunod na kabanata