358. Sa Bahay ni Matthias sa Kabila ng Jabesh-Gilead.

Disyembre 13, 1945.

Ang malalim na kakahuyan na lambak kung saan ang Jabesh-Gilead nakatayo ay umuugong na may bahang maliit na agos ng tubig, na dumadaloy na bumubulâ patungo sa kalapit na Jordan. Ang malabong dapit-hapon at walang siglang araw ay pinalalala ang malungkot na tanawin ng mga kakahuyan at ang nayon kung gayon ay nagmumukhang malungkot at di-mapag-aruga sa unang tingin.

Si Tomas, na laging mapagpatawa, sa kabila na ang kanyang mga damit ay kasing basa na tila kakukuha pa lamang nito mula sa isang labahan na timba at puno ng putik mula ulo hanggang paa, ay nagsabi: «H’m! Ayaw kong ang nayon na ito ay maghiganti sa atin para sa di-magandang sorpresa na tinanggap nito mula sa Israel. Bueno, tayo na at maghirap para sa Panginoon.»

Ang mga tao ay hindi sila pinatay, totoo iyan, ngunit pinalayas nila ang mga apostol sa kung saan-saan, tinatawag silang mga magnanakaw at malalalang pangalan, at sina Felipe at Mateo ay kinailangan na tumakbo nang kasing bilis na magagawa nila, upang maiwasan ang isang malaking aso, na ginamit ng isang pastol para sa kanila, nang sila ay kumatok sa pinto ng kanyang kulungan ng mga tupa, humihingi ng matutuluyan para sa gabi «sa ilalim man lamang ng panilungan ng mga tupa».

«Ano ang ating gagawin ngayon?»

«Tayo ay walang tinapay.»

«At walang pera. At kung walang pera ang isa ay walang makikitang tinapay at walang makikitang matutuluyan.»

«At tayo ay basang-basa hanggang sa balat, naninigas sa lamig at nagugutom.»

«At dumidilim na. Tayo ay magandang tingnan bukas na umaga, pagkaraan ng isang gabi sa loob ng kakahuyan.»

Ang pito sa Labindalawa ay hayagan na pabulung-bulong, tatlo ang malinaw na di-kontento, kahit na kung hindi nila ito sinasabi. Si Simon Zealot ay nagpapatuloy sa paglakad na ang kanyang ulo nakatungo at ang ekspresyon ng kanyang mukha ay di-maiintindihan. Si Juan ay lubos na napapahiya at may nakapagpapalungkot na hitsura na sumusulyap nang salit-salitan kay Jesus at sa mga pabulung-bulong. Si Jesus ay nagpapatuloy nang Siya Mismo sa pagkatok mula sa isang pinto patungo sa isa pa, dahil ang mga apostol ay ayaw na gawin ito, o natatakot na gawin ito, at matiyaga Siyang naglalakad sa maliliit na kalsada, na naging madudulas na mabahong mga putikan. Ngunit pagtanggi ang Kanyang natatagpuan kahit saan.

Sila ay nasa katapusan na ng nayon, kung saan ang lambak ay lumalapad sa mga pastulan ng kapatagan ng Trans-Jordan. May kaunti pang mga bahay... at ang bawat isa ay isang kabiguan...

«Tumingin tayo sa mga bukid. Juan, makaka-akyat ka ba sa puno ng olmo na iyan? Mula sa tuktok niyan makakakita ka.»

«Oo, aking Panginoon.»

«Ang puno ng olmo ay madulas dahil sa ulan. Hindi niya maaakyat iyan at masasaktan niya ang kanyang sarili. At sa gayon magkakaroon pa tayo ng isang kasamang napinsala» pabulong ni Pedro.

At si Jesus ay tumugon nang mapagpakumbaba: «Aakyatin Ko iyan, kung gayon.»

«Tiyak na hindi!» sumigaw sila nang sabay-sabay. At ang mga mangingisda ay mas malakas ang sigaw kaysa sa iba, nagdadagdag: «Delikado iyan para sa amin na mga mangingisda, ano ang Inyong maaasahan na magawa kung hindi ni minsan Kayo naka-akyat sa itaas ng mga palo o mga lubid?»

«Gagawin Ko sana iyan para sa inyong kapakanan, upang makakita ng matutuluyan para sa inyo. Walang anuman sa Akin, hindi ang ulan ang nagpapa-alala sa Akin...» Gaanong kalungkutan! Anong lungkot na pakiusap para sa mapagmahal na pag-unawa ang nasa Kanyang tinig!

Ang iba ay nakikinig at naging tahimik. Sina Bartolomeo at Mateo ay nagsabi: «Huli na na gumawa ng kahit ano. Ginawa sana ang pasya nang mas maaga pa.»

«Siyempre! At hindi nagabayan ng kapritso, sa pagpasyang umalis sa Pella, nang umuulan na. Kayo ay naging matigas ang ulo at padalus-dalos at ngayon tayong lahat ang nagbabayad dahil diyan. Ano na ang Inyong magagawa ngayon? Kung ang ating lukbutan ay naging punó, ang lahat ng mga bahay ay sana naging bukas para sa atin! Ngunit Kayo!... Bakit hindi Kayo gumawa ng himala, kahit isang himala man lamang para sa Inyong mga apostol, sa dahilan na gumagawa Kayo ng mga himala kahit para sa di-karapat-dapat na mga tao?» sabi ni Judas ng Kerioth, pakaway-kaway katulad ng isang baliw; napaka agresibo niya na ang iba, bagama't humigit-kumulang sumasang-ayon sila sa kanya, ay naramdaman na kinakailangan na paalalahanan siya na igalang ang Guro.

Si Jesus ay nagmumukha nang katulad ng Nahatulan nakatinging mapagpakumbaba sa mga tagabitay sa Kanya. At Siya ay tahimik. Ang katahimikang ito, na nang mga nakaraang araw ay nagiging mas madalas, nagbabadya sa Kanyang «dakilang katahimikan» sa harapan ng Sanhedrin, ni Pilato at ni Herodes, ay nagagawa akong napakalungkot para sa Kanya. Nagpapaalaala ito sa akin tungkol sa tahimik na mga pagtigil ng pagpapakahulugan ng isang namamatay na tao, na hindi dahil sa nawawalang kirot, bagkus panimula patungo sa kamatayan. Ang katahimikan ni Jesus ay tila mas mahusay magsalita kaysa sa mga salita, dahil nasasabi nito ang lahat ng Kanyang kapighatian dahil sa kakulangan ng pag-unawa at pagmamahal ng mga tao. At dahil sa Kanyang pagpapakumbaba na hindi kumikilos at sa Kanyang nakatungong ulo, nagmumukha Siyang tila kinabitan na ng mga kadena at naibigay na sa kapootan ng mga tao.

«Bakit hindi Kayo magsalita?» tinatanong nila Siya.

«Sapagkat makapagbibigkas Ako ng mga salitang hindi ngayon maiintindihan ng inyong mga puso... Lumakad na tayo. Maglalakad tayo upang hindi tayo manigas sa lamig... At patawarin Ako...»

Lumiko Siya nang mabilis, pinangungunahan ang grupo, habang ang ilan sa mga miyembro nito ay kinaaawaan Siya, ang ilan inaakusahan Siya, ang iba kinokontra ang kanilang mga kasamahan.

Si Juan ay nananatiling mabagal sa likuran, sinasadyang iwasan ang puna ng sinuman. Pagkatapos pinuntahan niya ang isang napakataas na punungkahoy, isang puno ng poplar, sa palagay ko, o isang ash-tree, at pagkatapos na maghubad ang kanyang manta at tunika, nagsimula siyang akyatin ito, halos hubad katulad niya, nang may kahirapan, hanggang sa unang sanga na nagawa ang kanyang pag-akyat na mas madali. Umakyat siya nang kasing bilis ng isang pusa. Kung minsan nadudulas siya, ngunit mabilis siyang nakapanunumbalik at halos nasa tuktok na siya. Tinatanaw niya ang orisonte sa huling liwanag ng araw, na mas maliwanag dito sa bukas na kapatagan, kaysa ng sa lambak, at dahil din na ang maitim na mga ulap ay numipis. Tumitingin siya nang mabuti sa bawat direksiyon at sa wakas ang hitsura niya ay naging masaya. Nagpadalusdos siya nang mabilis sa puno, isinuot ang kanyang mga damit at nagsimulang tumakbo. Inabutan niya ang kanyang mga kasamahan, nilampasan at pagkaraan nasa tabi na ng Guro. Humihingal dahil sa hirap ng pag-akyat at pagtakbo sinabi niya: «May isang kubo, Panginoon... isang kubo sa silangan... Ngunit kakailanganin natin na bumalik... Umakyat ako sa isang puno... Halikayo...»

«Lalakad Akong kasama si Juan sa gawing ito. Kung ibig ninyong sumama, gawin ninyo, kung hindi magpatuloy hanggang sa susunod na nayon sa ilog. Magkikita tayo roon» sabi ni Jesus nang seryoso at matatag.

Basang-basa ng ulan, lahat sila ay sumunod sa Kanya patungo sa mga bukid.

«Ngunit tayo ay bumabalik sa Jabesh!»

«Wala akong makita kahit na anong bahay...»

«Ano kaya ang nakita ng bata!»

«Baka isang salambi.»

«O ang kubo ng isang ketongin.»

«Maliligo tayo nang husto. Ang mga bukid na ito ay katulad ng mga espongha» pabulong ng mga apostol.

Ngunit hindi isang salambi o isang kubo ng ketongin ang tila lumalabas sa likuran ng isang grupo ng mga punongkahoy. Ito ay isang kubo, isang mababang malapad na kubo katulad ng isang kaawa-awang kulungan ng mga tupa, ang kalahatian ng bubong ay mga damo at ang mula-sa-putik na mga pader ay halos hindi makasuporta sa apat na haligi na gawa sa magaspang na mga bato. Nababakuran ito ng mga bagay na nakatambak sa paligid at sa loob ay may mga gulay na may mga tubig na tumutulo.

Si Juan ay sumigaw. Ang isang matandang lalaki ay lumitaw. «Sino kayo?»

«Mga peregrino na patungong Herusalem. Bigyan kami ng matutuluyan sa ngalan ng Diyos!» sabi ni Jesus.

«Walang duda. Iyan ay aking katungkulan. Ngunit hindi Kayo masuwerte. Maliit na silid lamang ang mayroon ako at walang mga kam.»

«Walang anuman iyan. Mayroon man lamang kayong apoy.»

Ang mama ay naging abala sa geyt at binuksan ito. «Pasok kayo at kapayapaan sa inyo.»

Dumaan sila sa munting pangkusinang-hardin. Pumunta sila sa nag-iisang silid na siyang ang kusina at silid higaan din. Ang apoy ay nakasindi sa paapuyan. Dito ay may kaayusan at karukhaan, at walang kasangkapan na higit pa sa kinakailangan.

«Kita ninyo! Tanging ang aking puso lamang ang malaki at batbat ng dekorasyon. Ngunit kung ibig ninyong pakinabangan ito nang husto... Mayroon ba kayo kahit anong tinapay?»

«Wala.  Sandakot na mga olibo lamang...»

«Wala akong sapat na tinapay para sa lahat. Ngunit maghahanda ako ng kahit ano kasama ng gatas. Mayroon akong dalawang tupa. Sapat na sila para sa akin. Pupunta ako at gagatasan sila. Maibibigay ba ninyo sa akin ang inyong mga manta? Isasampay ko ito sa kulungan, sa likod.  Matutuyo sila nang kaunti at bukas gagawin natin ang iba pa sa apoy.»

Ang mamâ ay lumabas puno ng basang mga damit. Lahat sila ay nakatayo malapit sa apoy kinalulugdan ang init nito.

Ang mamâ ay bumalik may dalang isang magaspang na banig, na kanyang nilalatag sa sahig. Alisin ninyo ang inyong mga sandalyas. Lilinisin ko ang mga putik niyan at ibibitin ko iyan para matuyo. At bibigyan ko kayo ng ilang mainit-init na tubig upang mahugasan ninyo ang inyong mga paa. Ang banig ay magaspang, ngunit iyan ay malinis at makapal. Mararamdaman ninyo na mas komportable iyan kaysa sa malamig na sahig.»

Kinuha niya ang isang kaldero na puno ng maberde-berde na tubig, kung saan ilan na mga dahon ay pinakuluan, at ibinuhos ang kalahati nito sa isang palanggana at ang kalahati sa isang balde. Pagkatapos nagdagdag siya ng malamig na tubig at nagsabi: «Iyan ka na. Magpapaginhawa iyan sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong sarili. Ito ay isang malinis na basahan.»

Pansamantala inaabala niya ang kanyang sarili sa paapuyan. Inaayos niya ang apoy, ang gatas sa palayok, na kanyang inilalagay sa ibabaw ng apoy. At nang ito ay nagsimulang kumulo naglagay siya ng ilang mga buto ng gulay, na nagmumukhang giniling na sebada o pinalitan na mga buto, at kanyang hinahalo ito.

Si Jesus, Na isa sa unang nakapaghugas ng sarili, ay nilalapitan siya: «Harinawang pagkalooban ka ng Diyos ng grasya para sa iyong karidad.»

«Ibinabalik ko lamang ang tinanggap ko sa Kanya. Ako ay isang dating ketongin. Ako ay isang ketongin mula sa aking ika tatlumpu’t pito hanggang sa aking ika limampu’t isang taong edad. Pagkatapos ako ay gumaling. Ngunit sa nayon nalaman ko na ang aking asawa at mga kamag-anak ay namatay at ang aking bahay ay nilooban. Maging ano pa man ako ay ang dating “ketongin”... Kung kaya't ako ay pumunta rito. At itinayo ko ang aking bahay dito, nang ako mismo at sa tulong ng Diyos. Sa una ginawa ko ito sa pamamagitan ng mga damo, pagkatapos sa kahoy. Pagkatapos itinayo ko ang mga pader... isang bagong bagay bawat taon. Nang nakaraang taon itinayo ko ang kulungan ng mga tupa. Nabili ko ang mga tupa sa pagbebenta ng mga banig at mga kahoy na kagamitan. Mayroon akong puno ng mansanas, puno ng peras, ng igos at isang baging. Nagpapatubo ako ng mga gulay sa harapan ng bahay at mayroon akong isang maliit na bukid ng sebada sa likuran. May apat akong pares ng mga kalapati at dalawang tupa. Magkakaroon ako ng mga kordero bago magtagal. At sana ngayon sila ay mga babaeng kordero. pinagpapalà ko ang Panginoon at wala na akong hinihingi pang iba. Sino Kayo?» 

«Isang Galilean. Ikaw ba ay mayroong masamang palagay laban sa kanila?»

«Wala, bagaman may lahi akong Judaean. Kung ako ay nagkaroon ng mga anak, nagkaroon sana ako ng isang katulad Ninyo... Ngayon ako ay tumatayong ama sa aking mga kalapati... Nasanay na ako na nag-iisa.»

«At sa mga Kapistahan?»

«Pinupuno ko ang mga sabsaban at ako ay lumalakad. Umuupa ako ng isang asno, gagawin ko ang kailangan kong gawin at babalik. Hindi man lamang ako nanakáwan ni kahit isang dahon. Ang Diyos ay mabuti.»

«Oo, kapwa sa mabubuti at sa masasama. Ngunit ang mabubuting tao ay nasa ilalim ng Kanyang mga pakpak.»

«Oo, iyan din ang sinasabi ni Isaiah... Prenotektahan Niya ako, prenotektahan Niya.»

«Ngunit kayo ay naging ketongin» wika ni Tomas.

«At ako ay naging mahirap at naiwang mag-isa. Ngunit, ito ay isang grasya ng Diyos, ang maging isang tao muli at magkaroon ng isang bubungan at tinapay. Si Job ang aking modelo sa kasawiang palad. Umaasa akong marapatin ko ang pagpapalà ng Diyos, katulad niya, hindi sa kayamanan, bagkus sa grasya.»

«Matatanggap mo ito. Ikaw ay isang makatarungang tao. Ano ang pangalan mo?»

«Matthias.» Inalis niya ang palayok sa apoy at inilagay ito sa mesa. Nagdagdag siya ng mantikilya at pulot at ibinalik niya ito sa apoy at nagsabi: «Mayroon lamang akong anim na piraso ng pinggan at mangkok. Kailangan ninyong kumain nang halinhinan.»

«At papaano kayo?»

«Ang punong-abala ang huling pakakainin. Una ang mga kapatid na pinadala ng Diyos. Naririto ka na. Handa na ito. At ito ay makakabuti sa inyo.» At nagbubuhos siya ng sanduk-sandok ng malapot na sabaw sa apat na pinggan at dalawang mangkok. Walang kakulangan sa mga kutsarang gawa sa kahoy.

Pinapayo ni Jesus ang mas bata na kumain.

«Hindi, kailangan Ninyong kumain, Guro» sabi ni Juan.

«Hindi. Mas mabuti pang kumain sa Judas, upang mamalayan niya na laging may pagkain para sa mga anak.»

Nagbago ang kulay ng Iskariote ngunit siya ay kumain.

«Kayo ba ay isang rabbi?»

«Oo, Ako nga, at ito ay ang Aking mga disipulo.»

«Madalas akong pumupunta kay Juan Bautista, nang ako ay nasa Bethabara. May nalalaman ba Kayo na kahit ano tungkol sa Mesiyas? Sinasabi nila na Siya ay naririto at na Siya ay itinuro ni Juan Bautista. Kapag ako ay pumupunta sa Herusalem lagi akong umaasa na makikita ko Siya.  Ngunit hindi ako kailanman naging matagumpay. Tinutupad ko ang ritwal at hindi ako tumitigil doon. Baka iyan ang dahilan kung bakit hindi ko man lamang Siya nakita. Ako ay nakahiwalay dito at pagkatapos... Ang mga tao sa Perea ay hindi mabubuti. Nakipagusap ako sa ilan na mga pastol na pumupunta rito upang magpastol. Kilala nila Siya at sila ay nagsalita ng tungkol sa Kanya. Anong gandang mga salita! Iniisip ko kung gaano kagandang mga salita ito kung ito ay binibigkas Niya!...»

Si Jesus ay hindi binubunyag ang Kanyang Sarili. Panahon na Niya ngayon na kumain at ginagawa Niya ito nang mapayapa malapit sa mabuting matandang lalaki.

«At ngayon? Ano ang ating gagamitin para sa mga higaan? Binibigay ko sa inyo ang aking higaan. Ngunit nag-iisa lamang ito... pupunta ako sa kulungan ng mga tupa.»

«Hindi, kami ang pupunta roon. Ang dayami ay sapat na mabuti para sa mga pagod.»

Ang pagkain ay tapos na at nagpasya silang mahiga upang makaalis sa pagsikat ng araw. Ngunit ang matanda ay namimilit at si Mateo na may sipon ang natulog sa higaan.

--------------------

Ngunit sa pagsikat ng araw ang ulan ay napakalakas. Papaano sila makakaalis sa gayong kalakas na ulan? Nakinig sila sa matanda at sila ay nanatili. Sa pansamantala pinapagpag nila ang kanilang mga damit at pinatutuyo, nilalangisan nila ang kanilang mga sandalyas at sila ay nagpapahinga. Ang matanda ay nagluluto na muli ng sebada sa gatas para sa lahat at naglalagay siya ng ilan na mansanas sa ilalim ng mga abo. Iyan ang kanilang pagkain at ito ay kanilang kinakain nang makarinig sila ng isang tinig mula sa labas.

«Isa pang peregrino? Ano ang ating gagawin?» sabi ng matandang lalaki. Ngunit siya ay tumayo, binabalot ang sarili sa pamamagitan ng isang delanang blanket na panlaban sa ulan at lumabas. Mainit sa kusina, ngunit walang mabuting pakiramdam sa loob. Si Jesus ay tahimik.

Ang matanda ay bumalik na nanlalaki ang kanyang mga mata. Tinitingnan niya si Jesus at pagkatapos ang iba. Siya ay tila natatakot... siya ay nagmumukhang hindi makatiyak at mapagtanong. Sa wakas siya ay nagsabi: «Ang Mesiyas ba ay kasama ninyo? Sabihin sa akin, sapagkat ang sambayanan ng Pella ay hinahanap Siya upang Siya ay sambahin, dahil sa isang malaking himala na Kanyang ginawa. Buong gabi silang kumakatok sa mga pintuan ng lahat ng mga bahay hanggang sa layo ng ilog, hanggang sa layo ng unang nayon... Ngayon, sa kanilang pagbabalik, naisip nila ako. May nagturo ng aking bahay sa kanila. Sila ay nasa labas, sa mga bagon. Isang malaking pulutong!»

Si Jesus ay tumayo. Ang Labindalawa ay nagsabi: «Huwag Kayong pumunta. Kung sinabi Ninyo na mabuting umiwas sa pananatili sa Pella, walang katuturan ang ipakita ang Inyong Sarili ngayon.»

«Kung gayon! pinagpalà! Kayo ay pinagpalà at Siya Na nagpadala sa Inyo sa akin. At tinanggap Kayo! Kayo ang Rabbi na si Jesus, Na... O!» ang lalaki ay nasa kanyang mga tuhod, na ang kanyang noo nasa sahig.

«Oo, Ako. Ngunit hayaan Akong makapunta sa mga naghahanap para sa Akin. Pagkatapos pupunta Ako sa iyo, Aking mabuting lalaki.» Pinalaya Niya ang Kanyang mga buol sa pagkakahawak ng matandang lalaki at lumabas sa binabahang pangkusinang-hardin.

«Naririto Siya! Hosana!» Tumatalon silang papalabas sa mga bagon. May mga kalalakihan at mga kababaihan, naroroon ang binatilyong bulag na pinagaling kahapon at ang kanyang ina, at ang babaeng Gerasene. Sila ay lumuluhod, na hindi pinapansin ang putik at sila ay nakikiusap: «Bumalik Kayo sa amin sa Pella.»

«Hindi, sa Jabesh» sigaw ng ibang mga tao, halatang mula sa lugar na iyon. «Gusto namin Kayo! Ikinalulungkot namin na Kayo ay aming pinalayas!» sigaw ng mga mula sa Jabesh.

«Hindi, sa Pella kasama namin, dahil ang Inyong himala ay buháy pa roon. Nagbigay Kayo ng liwanag sa kanilang mga mata. Bigyan ng liwanag ang aming mga kaluluwa.»

«Hindi Ako makapupunta. Papunta Ako sa Herusalem. Makikita ninyo Ako roon.»

«Nagagalit Kayo dahil pinalayas namin Kayo.»

«Kayo ay nainis sapagkat pinaniwalaan namin ang paninirang-puri ng isang makasalanan.»

Ang ina ni Markus ay tinatakpan ang kanyang mukha umiiyak.

«Jaia, pakiusap na sabihin sa Kanya, Na nagmamahal sa iyo, na bumalik.»

«Makikita ninyo Ako sa Herusalem. Humayo at magpursige. Huwag maging katulad ng mga hangin, na umiihip sa lahat na direksiyon. Paalam.»

«Hindi. Halikayo. Dudukutin namin Kayo, kung hindi Kayo sasama.»

«Hindi kayo magbubuhat ng kahit isang kamay laban sa Akin. Iyan ay idolatriya, hindi pananampalataya. Ang pananampalataya ay naniniwala kahit na kung walang nakikita. Ito ay nagpupursige kahit na kung ito ay inuusig. Ito ay mas lumalago pa kahit walang mga himala. Ako ay mananatiling kasama si Matthias, na naniwala nang walang nakikitang anuman at isang makatarungan na tao.»

«Tanggapin man lamang ang aming mga regalo: pera at tinapay. Kami ay napagsabihan na binigay Ninyo ang lahat na mayroon Kayo kay Jaia at sa kanyang ina. Kunin ang bagon. Makapaglalakbay Kayo diyan. Iiwanan Ninyo iyan sa Jericho, kay Timon, ang tagapamahala ng otel. Kunin Ninyo. Umuulan ngayon at uulan pa. Mapoprotektahan Kayo at makapaglalakbay Kayo nang mabilis. Bigyan kami ng tanda na hindi Ninyo kami kinapopootan.»

Sila ay nasa kabila ng bakod, si Jesus nasa loob: nagtitinginan sila sa isa’t isa at ang mga nasa labas ng bakod ay puno ng pananabik. Sa likuran ni Jesus ay naroon ang matandang si Matthias, nakaluhod, na ang kanyang bunganga nakanganga, at pagkatapos ang mga apostol, na mga nakatayo.

Iniunat ni Jesus ang Kanyang kamay nagsasabing: «Tatanggapin Ko ang inyong mga alay para sa mahihirap. Ngunit hindi Ko tatanggapin ang bagon. Ako ang Mahirap na Isa sa pagitan ng mahihirap. Pakiusap na huwag mamilit. Jaia, at ikaw, babae, at ikaw mula sa Gerasa, halikayo, upang mabigyan Ko sana kayo ng espesyal na pagpapalà.» At nang nilalapitan nila Siya, dahil binuksan ni Matthias ang bakod, hinahaplos Niya sila, pinagpapalà at pinauuwi. Pagkatapos Kanyang pinagpapalà ang lahat sa pulutong na nagsisiksikan sa geyt upang bigyan nila ang mga apostol ng pera at mga pagkain at pinauuwi Niya sila.

Bumabalik Siya patungo sa bahay...

«Bakit hindi Kayo nagsalita sa kanila?»

«Ang himala sa dalawang bulag na tao ay ang Aking sermon.»

«Bakit hindi Ninyo tinanggap ang bagon?»

«Sapagkat mas mabuting pang maglakbay nang naglalakad.» At Kanyang sinasabihan si Matthias: «Nabigyan sana kita kanina ng Aking pagpapalà. Makapagdadagdag na Ako ngayon ng kaunting pera upang mabayaran ang mga ginasta mo...»

«Hindi, Panginoong Jesus... hindi ko kailangan iyan. Ginawa ko iyon nang buong puso. Ginagawa ko na ito ngayon upang mapaglingkuran ang Panginoon. Ang Panginoon ay hindi nagbabayad. Hindi Siya obligadong magbayad. Ako ang nakatanggap, hindi Kayo! O! ang araw na ito! Sasamahan ako nito, kasama ang mga alaala nito, hanggang sa susunod na buhay!»

«Tama ka! Makikita mo ang iyong awa sa mga peregrino na nakasulat sa Langit, pati na rin ang iyong agarang pananampalataya... Kapag humupa na ang ulan, maiiwan kita. Ang mga taong iyon ay baka bumalik. Sila ay mamimilit hanggang sa gisingin sila ng mga himala, pagkatapos sila ay magiging manhid katulad ng dati, o magiging marahas pa. Ako ay magpapatuloy. Magpahanggang ngayon Ako ay tumigil sa pagsisikap na mapanampalataya sila. Ako ngayon ay naririto at dumaraan, nang hindi tumitigil. Ako ay patungo sa Aking kapalaran, na nagtutulak sa Akin. Ang Diyos at ang tao ay tinutulak Ako at hindi na Ako makakatigil. Ang pagmamahal at kapootan ay pinaaabante Ako. Hayaan ang mga nagmamahal sa Akin na sundan Ako. Ngunit ang Guro ay hindi na maghahabol sa mahihirap turuan na mga tupa.»

«Hindi ba nila Kayo minamahal, dibinong Guro?» tanong ni Matthias.

«Hindi nila Ako naiintindihan.»

«Sila ay masasama.»

«Ang kamunduhan ay nagagawa silang mapurol.»

Ang matandang si Matthias ay hindi na maglakas-loob na maging kasing mapagtiwala-sa-sarili katulad nang dati. Siya ay tila nakatayo sa harapan ng isang altar. Si Jesus, sa kabaligtaran, sa dahilan na hindi na Siya ang Di-Kilalang Isa, ay hindi na masyadong nagpipigil at nagsasalita sa matanda na tila siya ay isang kamag-anak.

Ang mga oras ay dumaan nang gayon hanggang sa dapit hapon. Ang mga ulap ay nagsimula nang mawala, nangangako ng katapusan ng ulan. Ibinigay ni Jesus ang utos ng pag-alis. At habang ang matandang lalaki ay lumalakad upang kunin ang tuyong mga manta, naglalagay si Jesus ng ilang barya sa isang maliit na kahon at naglagay ng ilang tinapay at keso sa paminggalan sa kusina.

Ang matanda ay bumalik at pinagpapalà siya ni Jesus. Pumunta Siyang muli sa daan, lumilingon paminsan-minsan upang tingnan ang maputing buhok na nakasandal sa ibabaw ng madilim na bakod.

200710/040812

 

 

 



Sunod na kabanata