359. Ang Rosas ng Jericho.

Disyembre 14, 1945.

Ang kapatagan ng silangang pampang ng Jordan ay katulad ng isang danaw dahil sa patuloy na pag-ulan, lalo na sa lugar na kinaroroonan ngayon ni Jesus at ng mga apostol. Katatawid pa lamang nila sa isang ilog na dumadaloy mula sa isang makitid na bangin sa katabing mga burol, na tila pumoporma ng isang napakalaking dike, mula sa hilaga hanggang timog, sa tabi ng Jordan, napuputol paminsan-minsan ng makikitig na lambak kung saan ang mga tubig ay siyempre dumadaloy. Nakakamukha ito na tila ang Diyos ay naglagay dito ng isang kabit-kabit na mga burol, pinormang katulad ng isang malaking gilid ng kabibi, bilang isang harang sa malaking lambak ng Jordan. Sasabihin ko na ito kung baga ay isang nakakasawang gilid-ng-kabibi, dahil ang mga pausli nito, ang aspekto nito at ang mga distansiya nito ay lubos na magkakatulad. Ang apostoladong grupo ay nasa pagitan ng huling dalawang umaagos na tubig, na umapaw sa kanilang mga pampang at kung gayon mas malapad, lalo na ang nasa gawing timog, dahil malaking tubig ang dala nito mula sa mga bundok at umaatungal ito nang marahas patungo sa Jordan. Mapapakinggan din ang atungal ng ilog, lalo na sa mga kurbada, na masasabi ko na katulad ng isang patuloy na mga pagliit ng daluyan, o ng mga pagtatagpu-tagpo ng malalakas na agos, na gumagawa ng mga pagsalungat sa daloy ng ilog. Bueno, si Jesus ay nasa tinapyasan na triyanggulo na ito, naporma ng tatlong daanan ng mga tubig-baha, at hindi madaling maglakad sa ganitong kumunoy.

Ang pag-iisip ng mga apostol ay mas malabo pa kaysa sa panahon. At nasasabi nito ang lahat. Ang bawat isa ay ibig na sabihin ang kanyang opinyon. At ang lahat na sabihin nila ay nagpapakahulugan ng paninita, bagama’t sinasabing bilang payo. Ito ang sandali ng mga pangungusap na katulad ng: «Sinabi ko na sa iyo», o «Kung ginawa Ninyo ang aking minungkahi» atbp. na nagpapainis nang labis sa sinuman na nakagawa ng pagkakamali at na namomroblema na sa pagkakamaling nagawa.

Ang ilan ay nagsasabi: «Naging mas mabuti pa sana kung tinawid ang ilog sa lugar ng Pella at nagpatuloy sa kabilang tabi, na hindi masyadong napakasama», o «Kinuha sana natin ang bagon! Ibig natin na maging magaling, at pagkatapos...», at ang ilan ay nagwiwika: «Kung tayo ay nanatili sa itaas ng mga bundok, wala sana ang lahat na putik na ito!»

Si Juan ay nagsabi: «Kayo ay mga propeta ng nakaraan nang pangyayari. Sino ang nakakita ng lahat ng ulan na ito?»

«Ito ang panahon nito. Nakita sana ito» wika ni Bartolomeo.

«Nang mga nakaraang taon hindi ito ganito bago ang Paskuwa. Pumunta ako sa inyo at ang Kidron ay tiyak na wala sa biglang pagbaha at nang nakaraang taon nagkaroon tayo ng maikling sandali ng tagtuyot. Kayo ay nagrereklamo, at nakalimutan na ninyo kung gaano tayo naghirap sa pagka-uhaw sa kapatagan ng Philistine!» sabi ng Zealot.

«Eh! Siyempre! Ang dalawang marunong ay nagsalita at sinasalungat tayo!» sabi ni Judas ng Kerioth nang mapanuya.

«Kailangan na manahimik ka. Magaling ka lang sa paninita. Subalit sa tamang sandali, kung kailangan ang isa ay dapat na magsalita sa isang Pariseo o sa katulad niya, ikaw ay laging tahimik, na tila ang iyong dila ay natalian» sabi ni Tadeo sa kanya nang galít.

«Oo. Tama siya. Bakit hindi ka nagsalita ng isang salita sa tatlong mga ahas na iyon sa huling nayon? Nalalaman mo na galing tayo sa Giscala at sa Meiron, na tayo ay naging magalang at na ang Guro Mismo ang nagustong pumunta roon, dahil nirerespeto Niya ang dakilang patay na mga rabbi. Ngunit wala kang sinabi na kahit na ano! Nalalaman mo kung gaano Niya tayo inaasahan na igalang ang Batas at ang mga pari. Ngunit wala kang sinabi kahit isang salita! Ngunit ikaw ay nagsasalita na ngayon, sapagkat naririyan ang pagkakataon na makapagsalita nang may panunuya sa pinakamabubuti sa atin at pinupuna mo ang ginagawa ng Guro» pagpilit ni Andres, na sa pangkaraniwan ay mapasensya, ngunit ngayon ay bugnutin.

«Maaari bang manahimik ka! Si Judas ay mali, siya na siyang kaibigan ng marami, napakaraming Samaritano...»

«Ako? Sino sila? Banggitin ang kanilang mga pangalan, kung magagawa mo.»

«Oo, mahal ko! Ang lahat na mga Pariseo, mga Saduseo at malalakas na tao na ang kaninong pakikipagkaibigan labis mong ipinagmamalaki at tiyak na nakikilala ka. Hindi ako kailanman kanilang binabati. Ngunit binabati ka nila!»

«Ikaw ay naninibugho! Ngunit ako ay isa sa mga taga-Templo, ikaw ay hindi.»

«Salamat sa Diyos, ako ay isang mangingisda. Oo, at akin itong ipinagmamalaki.»

«Napaka-tangang isang mangingisda na ni hindi mo nakita ang panahon na ito.»

«Hindi! Sinabi ko: “Kung ang bagong buwan ng Nisan ay basa, malakas na ulan ang maaasahan ng isa”» tugon ni Pedro.

«Ah! Nahuli kita! At ano ang masasabi mo, Judas ni Alfeo? At ikaw, Andres? Si Pedro din, ating Ulo, ay pinupuna ang Guro!»

«Wala akong pinupunang kahit sino. Binanggit ko ang isang kawikaan.»

«Na isang pamumuna at paninisi para sa isang nakaiintindi rito.»

«Oo... ngunit hindi sa palagay ko iyan makakatulong na matuyo ang lupa. Tayo ngayon ay naririto na at kailangan natin na manatili rito. Huwag natin sayangin ang ating hininga upang maialis natin ang ating mga paa sa kuminoy na ito» sabi ni Tomas.

At ano ang tungkol kay Jesus? Si Jesus ay tahimik. Siya ay nauuna nang kaunti sa lahat, naglulublob sa putik o naghahanap ng mga takip na damo. Ngunit pati ito ay nagsasaboy ng tubig hanggang sa hita ng isa, kapag ito ay matapakan kaagad, na tila ito ay mga pantog at hindi mga takip na damo. Siya ay tahimik at pinababayaan silang magsalita, hindi kontentong katulad nila, umaasal ng katulad lamang ng mga tao, hindi hihigit pa sa mga tao, na ang pinakamaliit na kahirapan ay nagagawa silang maging bugnutin at di-makatarungan.

Ang pinaka nasa timog na mga ilog ay ngayon malapit na, at nang makita ni Jesus ang isang lalaking nakasakay sa isang asno na dumaan sa tabi ng bahang pampang, Siya ay nagtanong: «Nasaan ang tulay?»

«Sa banda pa roon. Tatawid din ako roon. Ang isa pang tulay, ang isang nasa ibaba pa ng lambak, ang tulay ng Romano, ay nasa ilalim na ng tubig.»

Lahat sila ay nagsimulang magbulung-bulungan muli... nang magkakasabay. Ngunit nagmamadali silang sundan ang lalaki na nakikipagusap kay Jesus.

«Ngunit mas mabuti pang sundan Ninyo ang landas sa bundok» sabi niya. At naghinuha siya: «Bumalik sa kapatagan kapag makita Ninyo ang ikatlong ilog pagkatapos ng Yaloc.  Mapapalapit na kayo sa bantilan. Ngunit magmadali. Huwag tumigil. Sapagkat ang ilog ay tumataas oras-oras. Anong teribleng panahon! Pagyeyelo una, pagkatapos ulan. At napakalakas! Ito ay kaparusahan ng Diyos. Ngunit ito ay makatarungan! Kapag hindi natin binabato ang mga tagapaglapastangan ng Batas, ang Diyos ay pinarurusahan tayo. At napakarami natin nito! Kayo ay isang Galilean, hindi ba? Kung gayon makikilala Ninyo ang Isang taga-Nazareth, Na iniiwan na ngayon ng mabubuting tao sapagkat Siya ang dahilan ng lahat ng problema. Ang Kanyang mga salita ay nakakakuha ng mga kidlat! Ganyang mga kaparusahan! Mapakinggan sana Ninyo kung ano ang sinasabi ng mga nakakasama Niya tungkol sa Kanya. Tama ang mga Pariseo sa pang-uusig sa Kanya. Maaaring siya ay isang malaking magnanakaw. At maaaring natatakot niya ang mga tao na tila siya ay si Beelzebub. Ibig kong pumunta at pakinggan Siya, sapagkat dati mataas ang kanilang mga sinasabi sa Kanya. Ngunit... ang mga tao na kanyang kabarkada ang nagsasalita nang ganito. Mga tao na walang alinlangan katulad Niya. Ang mabubuting tao ay ngayon iniiwanan na Siya. At tamang tama. Hindi na ako pupunta upang makita Siya. At kung nagkataon na matagpuan ko Siya, babatuhin ko Siya, dahil ito ang ating katungkulan sa mga tagapaglapastangan.»

«Batuhin mo Ako, kung gayon. Ako si Jesus ng Nazareth. Hindi Ako tumatakbo, ni hindi kita sinusumpa. Ako ay naparito upang tubusin ang mundo sa pagpapadaloy ng Aking Dugo. Maaari mo Akong isakripisyo, ngunit maging isang makatarungan na tao.»

Si Jesus ay sinasabi ito na ibinubukas ang Kanyang mga kamay nang medyo patungo sa lupa, nagsasalita nang dahan-dahan, mapagpakumbaba at nalulungkot. Ngunit kung isinumpa Niya ang lalaki, hindi Niya sana siya naapektuhan nang higit pa; sa katunayan nahatak niya nang bigla ang mga renda na ang mola ay kumiling at muntik nang mahulog mula sa binundok na lupa patungo sa ilog na bumabaha. Si Jesus ay hinawakan ang bokado at pinigilan ang hayop, tamang-tama lamang upang mailigtas ang lalaki at ang mola.

Ang lalaki ay walang ginagawa bagkus ang ulit-ulitin: «Kayo! Kayo!...» at nakikita ang ikinilos na siyang nagligtas sa kanya, siya ay sumigaw: «Ngunit sinabi ko sa Inyo na babatuhin ko Kayo... Hindi ba Ninyo naintindihan?»

«At sinasabi Ko sa iyo na pinatatawad kita at na maghihirap din Ako para sa iyo, upang matubos ka. Ganyang ang Tagapagligtas.»

Ang lalaki ay tinitingnan Siyang muli, pinaabante niya ang kanyang mola at umalis... siya ay lumilipad nang pag-alis... Si Jesus ay itinutungo ang Kanyang ulo.

Ang mga apostol ay naramdaman na kinakailangan na kalimutan nila ang putik, ang ulan at ang lahat na iba pang mga paghihirap, upang mapaginhawahan Siya. Pinaikutan nila Siya at nagsabi: «Huwag mamighati! Hindi tayo nangangailangan ng mga bandido. At iyan kung ano siya. Sapagkat tanging isang masamang tao lamang ang maniniwala sa gayong paninira at matakot sa Inyo.»

«Ngunit» sinasabi rin nila «gaanong kamangmangan Ninyo, Guro! At kung Kayo ay kanyang sinaktan? Bakit sabihin na Kayo ay si Jesus ng Nazareth?»

«Sapagkat iyan ang katotohanan... Magpatuloy na tayo patungo sa mga bundok ayon sa kanyang minungkahi. Mawawalan tayo ng isang araw, ngunit makakaalis kayo sa kuminoy.»

«At Kayo din» wika nila.

«O! Hindi Ako nababahala nito. Ang kuminoy ng patay na mga kaluluwa ang nagpapabahala sa Akin» at mga luha ang bumababa sa Kanyang mukha.

«Huwag umiyak, Guro. Kami ay bumubulung-bulong, ngunit minamahal namin Kayo. Kung masasalubong natin ang mga naninirang-puri sa Inyo, maghihiganti kami sa kanila.»

«Magpapatawad kayo, katulad ng ginagawa Ko. Ngunit hayaan Akong makaiyak. Ako ang Tao, matapos man ang lahat! At napamimighati Ako ng Ako ay pinagtataksilan, ikinakaila, inaabandona!»

«Tingnan kami, isipin kami. Kami ay kakaunti ngunit mabubuti. Wala sa amin ang magtataksil o mag-aabandona sa Inyo. Maniwala sa amin, Guro.»

«May mga bagay-bagay na hindi na ni hindi kailangang sabihin! Ang kaisipan na baka namin Kayo pagtaksilan, ay isang pag-insulto sa aming mga kaluluwa!» bulalas ng Iskariote.

Ngunit si Jesus ay namimighati. Tahimik na mga luha ang bumababa sa maputlang mga pisngi ng Kanyang pagod na numipis na mukha.

Lumalapit sila sa mga bundok. «Aakyat ba tayo diyan o rito lang tayo sa paanan? May mga nayon sa kalahatian ng pataas patungo sa mga burol. Tingnan. Sa tigkabilang tabi ng ilog» tinuturo nila sa Kanya.

«Dumidilim na. Subukan natin na marating ang isang nayon, kahit alin na nayon na lamang.»

Si Judas Tadeo na ang kaninong mga mata ay napakabuti, ay tinitingnan ang panabi ng mga bundok. Nilapitan niya si Jesus at nagsabi: «Pagdating sa pangangailangan may mga bitak sa mga bundok. Nakikita ba Ninyo ang mga ito roon? Makapaninilungan tayo sa mga iyan. Mas mabuti na iyan kaysa tayo ay nasa putik.»

«Magpapadikit tayo ng apoy» sabi ni Andres upang mapaginhawahan ang lahat.

«Ano? Sa pamamagitan ng basang mga kahoy?» tanong nang may panunuya ni Judas ng Kerioth.

Walang sinuman ang tumutugon sa kanya. Si Pedro ay bumulong: «pinagpapalà ko ang Eternal na Ama na hindi namin kasama ang mga babaeng disipulo at si Marjiam.»

Tinawid nila ang tulay, isang napakatandang tulay, sa paanan ng lambak at nagpatuloy silang maglakad sa kabila sa timog, sa daanan ng mga mola, patungo sa isang nayon. Napakabilis ang pagdilim, na sila ay nagpasya na manilungan sa loob ng isang malaking yungib upang maiwasan ang bagsak ng malakas na ulan. Ang gruta ay maaaring ginagamit bilang panilungan na lugar ng mga pastol, sapagkat may mga dayami rito, may sukal at isang magaspang na paapuyan.

«Walang pakinabang ito bilang higaan. Maliban sa makapagpadikit ng apoy...» sabi ni Tomas itinuturo ang maruruming patpat nakakalat sa lupa kasama ang tuyong mga dahon at mga sanga ng sidra t katulad na mga tanim. Iniipon niya ito sa pamamagitan ng isang patpat patungo sa paapuyan, at nang makaipon siya ng isang tumpok, sinindihan niya ito.

Ang usok at isang mabahong apoy ay tumaas mula sa apoy kasama ang amoy ng mga resina at sidra. Subalit ang init ng apoy ay kaaya-aya at pinaikutan nila ito, kumakain ng tinapay at keso sa pakurap-kurap na liwanag ng mga apoy.

«Sinubukan sana natin na makarating sa isang nayon» sabi ni Mateo, na namamaos at sinisipon.

«Ano? Upang danasin ang gayon ding problema katulad ng nakaraang tatlong gabi? Walang magpapalayas sa atin dito. Mauupo tayo sa mga troso na iyon doon at pananatilihin natin ang apoy hanggang gusto natin. Nakikita na natin ngayon na marami ritong kahoy! Tingnan! At pati mga dayami! Ito ay isang kulungan ng mga tupa, na kanilang ginagamit sa tag-init o kung sila ay dumadayo. At ano ito? Saan ito patungo? Kumuha ng isang sanga, Andres, dahil gusto kong makita ito» sabi ni Pedro, na paikut-ikot nang mausisa. Si Andres ay sumunod. Pumuslit sila sa isang makitid na bitak sa isang pader ng gruta.

«Tiyakin na walang delikadong mga hayop diyan!» sigaw ng iba. «O mga ketongin» sabi ni Tadeo.

Pagkaraan ng isang sandali ang boses ni Pedro ay maririnig: «Halikayo, halikayo rito. Mas maganda rito. Malinis at tuyo at may mga kahoy na upuan dito at pangkatong. Ito ay isang palasyo para sa atin! Magdala ng ilang may apoy na mga sanga, upang makapagpadikit kaagad tayo ng apoy.»

Maaaring ito ay isang silungan para sa mga pastol. At ito ang gruta kung saan ang iba ay natutulog habang ang iba pa, na mga nakatalagang maging mga tanod ay binabantayan ang mga tupa. Ito ay isang hinukay sa bundok, mas maliit kaysa sa una, at baka ginawa ng tao, o kung man lamang pinalaki at pinatibay sa pamamagitan ng mga poste na nagsusuporta sa pinaka bubungan. Ang isang napakalumang pangkabukiran na tsiminea ay nakabaluktot sa hitsura ng isang pangkawit papalabas nang kuweba, upang mahigop ang usok na kung hindi’y walang lalabasan. Ang magagaspang na mga upuan at mga dayami ay nakalagay sa tabi ng mga pader, kung saan may ilan na mga kawit para sabitán ng mga lampara, mga damit at mga bag.

«Maganda! Gumawa tayo ng isang malaking apoy! Maiinitan tayo at ang ating mga manta ay matutuyo. Ibigay ninyo sa akin ang inyong mga sinturon: pagdudugtungin natin ang mga ito at isasampay natin dito ang ating mga manta» sabi ni Pedro, habang inaayos niya ang mga upuan at mga dayami. At naghihinuha siya: «At ngayon tayo ay matutulog at magpapalit-palitan tayo sa pagpapanatili ng apoy, upang tayo ay may liwanag at maiinitan. Anong grasya ng Diyos!»

Si Judas Iskariote ay bumulong-bulong sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Si Pedro ay tumalikod nang nagagalit. «Ito ay isang maharlikang palasyo, kompara sa gruta sa Bethlehem, kung saan pinanganak ang Panginoon. Kung Siya ay pinanganak doon makapagpapalipas tayo ng gabi rito.»

«At iyon ay mas maganda pa kaysa sa mga gruta sa Arbela. Walang maganda roon, maliban ang ating mga puso, na mas mababait noon» sabi ni Juan at siya ay nawawala sa kanyang makalangit na pag-alaala.

«At mas mabuti pa iyon kaysa kung saan ang Guro ay nanatili upang maihanda ang Kanyang sarili para sa Kanyang tungkulin ng isang tagapagturo» sabi nang seryoso ng Zealot, tinitingnan ang Iskariote na tila ibig niyang sabihan siya na itigil iyon.

Si Jesus ang huling nagsalita: «At iyon ay mas mainit at mas komportable kaysa sa kung saan Ako gumawa ng pagpapakasakit para sa iyo, Judas ni Simon, sa buwan na ito ng Tebeth.»

«Pagpapakasakit para sa akin? Bakit? Walang pangangailangan niyan!»

«Talaga, ikaw at Ako ay kailangan na mamuhay sa pagpapakasakit upang makalaya ka sa kung ano ang nagpapabigat sa iyo. At maging gayunpaman... ito ay hindi sasapat.»

Ang pangungusap, binigkas nang kalmante ngunit may katiyakan, ay dumating katulad ng isang kidlat sa natulalang grupo... Si Judas ay itinungo ang kanyang ulo at pumunta sa isang sulok. Hindi siya maglakas-loob na tumugon.

«Mananatili Akong gising at babantayan Ko ang apoy. Maaari na kayong matulog» utos ni Jesus pagkaraan ng ilang sandali.

At pagkaraan nang kaunti, ang mabigat na paghinga ng pagod na Labindalawa, nakahiga sa mga upuan sa pagitan ng mga dayami, ay humahalo sa paglagitik ng apoy. At kapag ang mga dayami ay naaalis sa katawan ng sinuman, naiiwan ito na walang takip. Si Jesus ang bumabangon at tatakpan itong muli na may mapagmahal na pangangalaga ng isang ina. At Siya ay lumuluha habang pinagninilayan ang ermitanyong mga mukha ng ilang natutulog na mga apostol, ang ilan sa katunayan ay payapa, ang ilan nag-aalala. Tinitingnan Niya ang Iskariote, na tila ngumingisi din sa kanyang tulog, na may pangit na hitsura at nakakuyom ang mga kamao... Tinitingnan Niya si Juan na natutulog na ang isang kamay nasa ilalim ng kanyang pisngi, habang ang kanyang malarosas na mukha ay natatakpan ng kanyang magandang buhok, at nagmumukhang kasing tahimik ng isang bata sa loob ng isang kuna. Tinitingnan Niya ang matapat na mukha ni Pedro, ang mahigpit na mukha ni Natanael, ang may butas-butas na mukha ng Zealot, at ang aristokratikong mukha ng Kanyang pinsan na si Judas. At pinagninilayan Niya nang matagal si Santiago ni Alfeo na katulad-na-katulad ng isang napakabatang si Jose ng Nazareth. Ngumingiti Siya sa pagkakarinig sa mga pagsasalita-sa-sarili nina Tomas at Andres, na nagpapakita na nakikipagusap sa Guro. Tinatakpan Niya nang maingat si Mateo na nahihirapan na huminga, at kumukuha Siya ng mas marami pang dayami upang matakpan ang kanyang mga paa matapos na mapatuyo ang dayami malapit sa apoy. Ngumingiti Siya napapakinggan si Santiago na nagpapahayag: «Maniwala sa Guro at magkakaroon kayo ng Buhay»… at nagpapatuloy sa pagsasalita sa mga tao sa kanyang panaginip. At yumuko Siya upang kunin ang isang bag kung saan tinatago ni Felipe ang kanyang mga alaala, at inilagay Niya ito nang maingat sa ilalim ng kanyang ulo. At sa mga pagitan ng mga sandaling ito Siya ay nagninilay-nilay at nananalangin…

Ang Zealot ang unang nagising. Nakita niya si Jesus malapit sa apoy ng kaaya-ayang mainit na gruta. At mula sa tambak ng mga kahoy na ngayon halos wala nang natitira, naintindihan niya na maraming oras na ang nakaraan. Bumangon siya mula sa kanyang dayaming higaan at nilapitan ang Guro nang patingkid. «Guro, hindi ba Kayo matutulog? Ako ang magbabantay.»

«Madaling araw na, Simon. Nasa labas Ako kani-kanina pa lamang at nakita Ko na ang kalangitan ay nagsisimula nang lumiwanag.»

«Bakit hindi Ninyo kami tinawag? Pagod din, Kayo!»

«O! Simon! Kinakailangan Kong mag-isip... at magdasal nang labis» at isinandal Niya ang Kanyang ulo sa dibdib ng apostol.

Ang Zealot, na nakatayo malapit sa Guro, Na nakaupo, ay hinahaplos Siya at nagbubuntung-hininga. Nagtanong siya: «Upang isipin ang ano, Guro? Walang kailangan na Kayo ay mag-iisip, Guro, dahil nalalaman Ninyo ang lahat.»

«Hindi Ko kailangan na isipin kung ano ang Aking sasabihin, ngunit kailangan Kong isipin kung ano ang kailangan Kong gawin. Nawawalan Ako ng armas laban sa tusong mundo, sapagkat wala Ako ng kasamaan ng mundo o ng katusuhan ni Satanas. At natatalo Ako ng mundo... At pagod-na-pagod Ako...»

«At namimighati. At tumutulong kami sa pagpapalaki sa Inyong kapighatian, mahal na Guro, Na hindi nararapat sa amin.

«Labis Ko kayong minamahal... naghihirap Ako nang labis... Bakit hindi ninyo Ako unawain nang madalas?»

Ang kanilang pagbubulungan ay nakagising kay Juan, na siyang pinakamalapit sa kanila. Iminulat niya ang kanyang asul na mga mata, tumitingin sa kapaligiran nang nagtataka, pagkatapos kanyang naalaala at siya ay tumayo kaagad, at pumunta siya sa likuran ng dalawa na naguusap. Napapakinggan niya ang mga salita ni Jesus: «Ang inyong pagmamahal at ang inyong pag-unawa ay magiging sapat na upang ang lahat na kapootan at di-pagkaintindi ay maging bagay na walang kabuluhan, na Aking mababata nang madali... Sa halip, hindi kayo makaintindi... At iyan ang Aking unang pasakit. At isang napakabigat na pasakit! Ngunit hindi ninyo ito kagagawan... Kayo ay mga tao... Pagsisisihan ninyo na hindi ninyo Ako naintindihan, kapag hindi na kayo makagagawa ng pagtutuwid... At sa dahilan na gagawa kayo ng pagbabayad para sa inyong kababawan ng pag-iisip, kaimbihan at kapurulan, pinatatawad Ko kayo at sasabihin Ko bago pa man ang oras: “Ama, patawarin Ninyo sila, dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa o ang kapighatian na kanilang ginagawa sa Akin”.»

Si Juan ay lumuhod patungo sa harapan, niyayakap niya ang mga tuhod ng kanyang namimighating Jesus at nasa punto na siyang umiyak nang siya ay bumulong: «O! Aking Guro!»

Ang Zealot, na sa kaninong dibdib ang ulo ni Jesus ay nakapatong pa rin, ay yumuko upang halikan ang Kanyang buhok nagsasabing: «Gayunpaman labis namin Kayong minamahal! Ngunit inaasahan namin sa loob Ninyo ang abilidad na maipagtanggol ang Inyong Sarili at kami at ang magtagumpay. Nawawalan kami ng lakas-ng-loob na makita Kayo na isang tao, napangingibabawan ng tao, ng masamang panahon, ng kahirapan, ng kasamaan, ng mga pangangailangan ng buhay... Kami ay tanga. Ngunit ganyan iyan. Sa ganang amin Kayo ang Hari, ang Nananagumpay, ang Diyos. Hindi namin maintindihan ang Inyong dakilang sariling-pagpapakasakit sa lahat ng iyan alang-alang sa amin. Sapagkat Kayo lamang ang nakapagmamahal. Kami ay hindi...»

«Oo, Guro. Tama si Simon. Hindi kami makapagmahal katulad ng nakapagmamahal ang Diyos: katulad ng nakapagmamahal Kayo. At napagkakamalan namin na kahinaan ang kung ano ang walang-hangganang kabutihan at walang-hangganang pagmamahal at pinagsasamantalahan namin ito. Dagdagan ang aming pagmamahal, dagdagan ang Inyong pagmamahal, at sa dahilan na Kayo ang pinanggagalingan nito, gawin itong umapaw, katulad ng mga ilog na ngayon umaapaw, ibabad kami rito, tigmakin kami nito, katulad ng mga parang sa tabi ng lambak. Walang karunungan, walang kung gaano karami o ka-unti ang kakailanganin upang maging perpekto katulad ng ibig Ninyo sa amin. Sapat na ang pagmamahal... Panginoon, at kinukumpisal ko, sa katauhan din ng lahat, na hindi namin alam kung papaano magmahal.»

«Kayo, ang dalawang nakaiintindi, ay inaakusahan ninyo ang inyong mga sarili. Kayo ay kababaang-loob. Ngunit ang kababaang-loob ay pagmamahal. Tanging isang pantakip lamang ang pumipigil sa iba na maging katulad ninyo. At aalisin Ko. Sapagkat Ako ay Hari, Panalunan at Diyos magpakailanman. Ngunit ngayon Ako ay ang Tao. Ang Aking noo ay napabibigatan na ng pagpapasakit ng Aking korona. Ito ay laging naging isang pagpapasakit na korona  ang maging ang Tao... Salamat sa inyo, Aking mga kaibigan. Napaginhawahan ninyo Ako. Sapagkat ito ang kalamangan ng pagiging mga tao: ang magkaroon ng isang nagmamahal na ina at matatapat na kaibigan. Tawagin na natin ang ating mga kasamahan. Hindi na umuulan. Ang ating mga manta ay tuyo na at ang ating mga katawan ay nakapagpahinga na nang mabuti. Makakakain na kayo at pagkatapos umalis na tayo.»

Unti-unti Niyang tinataas ang Kanyang tinig hanggang sa ang mga salitang «umalis na tayo» ay naging isang utos. Lahat sila ay bumangon at ikinalulungkot ang pagiging laging tulog habang si Jesus ang nagbabantay. Inaayos nila ang kanilang mga sarili, kumain nang kahit ano, kinuha ang kanilang mga manta, pinatay ang apoy, at lumabas patungo sa basang landas at nagsimulang bumaba patungo sa daan ng mga asno na nagpapanabi sa burol, at hindi isang kumunoy dahil sa katarikan nito. Ang liwanag ay malabo pa rin dahil ang kalangitan ay maulap at walang sinag ng araw. Ngunit sapat nang makakita.

Sina Andres at ang dalawang anak ni Alfeo ay nauuna sa kanilang lahat. Sa isang sandali sila ay tumigil, tumitingin at tumakbong pabalik. «May isang babae. Tila siya ay patay! Nakaharang siya sa daan.»

O! Anong kaabalahan! Ito ay isang masamang simula. Ano na ang ating gagawin ngayon? Kakailanganin natin na padalisayin ang ating mga sarili!» Ito ang unang pagbulung-bulong ng araw.

«Puntahan natin at tingnan kung siya ay patay» sabi ni Tomas kay Judas Iskariote.

«Ako ay tiyak na hindi pupunta» tugon ng Iskariote.

«Sasamahan kita, Tom» sabi ng Zealot at siya ay umuna.

Nilalapitan nila ang babae, pagkatapos sila ay yumuko at si Tomas ay tumakbong pabalik sumisigaw.

«Maaaring siya ay pinatay» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«O siya ay namatay sa lamig» tugon ni Felipe.

Ngunit si Tomas ay sinamahan sila at sumisigaw: «Nakasuot siya ng punit-punit na damit ng mga ketongin...»  at siya ay takot-na-takot na tila nakita niya ang dimonyo.

«Ngunit siya ba ay patay?» tanong nila sa kanya.

«Sino ang nakaaalam? Tumakbo ako.»

Ang Zealot ay tumayo at pumunta kaagad kay Jesus. Sinabi niya: «Guro, isang kapatid na ketongin. Hindi ko alam kung siya ay patay. Hindi sa palagay ko. Ang kanyang puso ay tila tumitibok.»

«Hinawakan mo ba siya?!» sigaw ng marami sa kanila, lumalayo.

«Oo, hinawakan ko. Hindi na ako natatakot sa ketong mula nang makasama ko si Jesus. Naaawa ako sa kanya sapagkat alam ko kung ano ang maging isang ketongin. Baka ang kaawa-awang babae ay hinampas, sapagkat ang kanyang ulo ay dumudugo. Baka siya ay bumaba rito sa paghahanap ng makakain. Nakapangingilabot, alam ninyo, ang mamatay sa gutom at kailanganin na labanan ang mga tao upang makakuha ng ilang tinapay.»

«Siya ba ay tinugis?»

«Hindi, at hindi ko malaman kung bakit napasama siya sa mga ketongin. Wala siya ng mga langib, o mga sugat o ganggrena. Baka hindi pa siya nagtatagal. Halikayo, Guro, pakiusap. Maawa sa isang kapatid na ketongin katulad na nagkaroon Kayo sa akin!»

«Tayo na. Bigyan Ako ng ilang tinapay, keso at kaunting alak na natitira pa.»

«Paiinumin Ninyo siya kung saan tayo umiinom!» sigaw ng Iskariote na nahintakutan.

«Huwag matakot. Iinom siya mula sa Aking kamay. Halika, Simon.»

Sila ay lumakad... ngunit ang pag-uusyoso ay nadala silang sumunod sa kanila. Na hindi naiinis sa tubig sa mga dahon at bumabagsak sa kanilang mga ulo mula sa nagagalaw na mga sanga, at hindi pinapansin ang matubog sa mga lumot, inaakyat nila ang tabi ng burol upang makakita nang hindi napápalapít sa babae. At nakikita nila si Jesus na yumuyuko, itinataas ang babae hawak sa mga kilikili at ginagawa siyang maupo nakasandal sa isang bato. Ang kanyang ulo ay nakayukong nakalawit, na tila siya ay patay.

«Simon, hawakan mo ang kanyang ulo nang tuwid na sana mabuhusan Ko ang kanyang bunganga ng kaunting alak.»

Ang Zealot ay sumunod nang walang takot at si Jesus, hinahawakang nakataas ang lalagyan ng alak ay pinatutulo ang ilang patak ng alak sa pagitan ng medyo nakabukang namumutlang mga labì.

«Kung siya ay hindi ketongin, madadala natin siya sa kinaroroonan natin dati» sabi ni Andres na labis na naaantig.

«Iyan ang magiging huling bagay patungo sa ating kasiraan!» bulalas ni Judas.

«Ngunit kung siya ay hindi ketongin! Wala sa kanya ng tanda ng ketong.»

«Nasa sa kanya ang kasuutan. Sapat na iyan.»

Ang alak pansamantala ay nagkaka-epekto. Ang babae ay nagbubuntung-hininga nang pagod-na-pagod. Nagbubuhos pa si Jesus ng ilan tinitiyak na ito ay nalulunok niya. Ang babae ay ibinubuka ang kanyang nalalabuan na natatakot na mga mata. Nakita niya ang mga kalalakihan. Nagsisikap siyang tumayo at tumakbong palayo sumisigaw: «Ako ay nahawahan!» Ngunit ang kanyang lakas ay hindi siya mahawakan. Tinakpan niya ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang mga kamay umuungol: «Huwag ninyo akong batuhin! Ako ay bumaba dahil ako ay nagugutom... Walang sinuman ang naghagis sa akin ng kahit ano sa loob ng tatlong araw...»

«May tinapay at keso rito. Kainin ito. Huwag matakot. Uminom ng kaunting alak mula sa Aking kamay» sabi ni Jesus nagbubuhos ng kaunting alak sa loob ng Kanyang nakaukang palad at ibinibigay ito sa kanya.

«Ngunit hindi ba Kayo natatakot?» sabi ng kaawa-awang sawing-palad na nagtataka.

«Hindi Ako natatakot» tugon ni Jesus. At Siya ay ngumingiti tumatayo, ngunit nananatili Siyang malapit sa babae na kinakain niya ang tinapay at keso nang gutom-na-gutom. Kamukha niya ang isang namamatay-sa-gutom na hayop. Humihingal siya sa kasabikan na mapakain ang kanyang sarili.

Pagkaraan, matapos na mapapayápa ang nangangatngat na kagutuman ng kanyang sikmura, siya ay tumitingin sa kapaligiran... nagbibilang siya sa malakas na tinig: «Isa... dalawa... tatlo... labintatlo... Kung gayon? O! Sino ang Nazareno? Kayo, hindi ba? Kayo lamang ang tanging naaawa sa isang kaawa-awang ketongin...» Ang babae ay lumuluhod nang may kahirapan dahil sa kanyang kahinaan.

«Oo, Ako nga. Ano ang gusto mo? Ang mapagaling?»

«Iyan din... Ngunit kailangan na sabihin ko muna sa Inyo ang isang bagay... May nalalaman ako tungkol sa Inyo. Sinabi sa akin ng ilan na mga naglalakbay kamakailan... Matagal na ba? Hindi. Iyon ay noong taglagas. Ngunit sa isang ketongin... ang bawat araw ay isang taon... Ginusto kong makita ko Kayo noon. Ngunit papaano ako makapupunta sa Judaea, sa Galilee? Tinatawag nila ako “ang ketongin na babae”. Ngunit may iisang sugat lamang ako sa aking suso at nakuha ko ito mula sa aking asawa, na pinakasalan ako nang ako ay isang birhen at malusog pa, ngunit siya ay hindi malusog. Ngunit siya ay isang malakas na tao... at magagawa ang kahit ano, kahit na ang sabihin na siya ay aking pinagtaksilan dahil ako ay may sakit nang siya ay aking pinakasalan. Ako kung gayon ako ay kanyang hiniwalayan upang makuha ang ibang babae na kanyang naibigan. Pinaratangan niya ako bilang isang ketongin at sa dahilan na ibig kong mapawalang-sala ang aking sarili, ako ay pinagbabato. Makatarungan ba iyon, Panginoon? Kagabi ang isang lalaki ay dumaan sa pamamagitan ng Bethjabbok nagsasabing darating Kayo at na siya ay naparoon upang Kayo ay palayasin. Ako ay naroroon... Ako ay bumaba hanggang sa layo ng mga kabahayan dahil ako ay nagugutom. Nangalkal sana ako sa loob ng mga basurahan upang makakita ng makakain... Ako, na dating “ang binibini”, ay nakapagnakaw sana ng panis na patuka sa manok mula sa manukan...»

Siya ay lumuluha... Pagkatapos siya ay nagpatuloy: «Ang aking pananabik na matagpuan Kayo, upang sabihin sa Inyo sa Inyong kapakanan: “Umalis Kayo!”, at sa aking kapakanan: “Maawa sa akin!”, gawin Ninyong makalimutan ko na, salungat sa ating batas, ang mga aso, mga baboy at mga manok ay pinababayaang mamuhay malapit sa mga kabahayan sa Israel, ngunit ang isang ketongin ay hindi makababa upang makahingi ng kaunting tinapay, ni hindi kung ang isang babae ay isang ketongin kahit sa pangalan lamang. At ako ay bumaba nagtatanong kung nasaan Kayo. Sa dahilan na ako ay nasa lilim hindi nila ako kaagad nakita at sinabi nila sa akin: “Siya ay darating daraan sa tabi ng pimpin ng ilog”. Pagkatapos nakita nila ako at ako ay kanilang binigyan ng mga bato sa halip ng mga tinapay. Lumayas ako sa gabi upang pumarito at tagpuin Kayo at matakasan ang mga salbahe. Ako ay gutom, giniginaw at natatakot. Bumagsak ako kung saan Ninyo ako nakita. Dito lang. Akala ko mamamatay na ako. Sa halip natagpuan ko Kayo. Panginoon, ako ay hindi isang ketongin. Ngunit ang langib na ito sa aking suso ay napipigilan akong makabalik kasama ang mga buháy. Hindi ko hinihingi na ako ay maging ang Rosas ng Jericho muli katulad ng mga araw ng aking ama, bagkus ang makapamuhay man lamang muli kasama ang mga tao at ang makasunod sa Inyo.  Ang mga taong nagsalita sa akin noong Oktubre ay nagsabi na mayroon Kayong mga babaeng disipulo at na Kayo ay nakakasama nila... Ngunit bago ang lahat iligtas Ninyo ang Inyong sariling buhay. Huwag mamatay, napakabuti Ninyo!»

«Hindi Ako mamamatay hanggang sa dumating ang Aking oras. Pumunta ka sa banda roon, sa batong iyon. Doon ay may isang ligtas na gruta. Magpahinga at pagkatapos pumunta ka sa pari.»

«Bakit, Panginoon?» tanong ng babae nanginginig sa pananabik.

Si Jesus ay ngumingiti: «Maging ang Rosas muli ng Jericho na namumulaklak sa disyerto at laging buháy, kahit na kung lumalabas na ito ay patay. Ang iyong pananampalataya ay napagaling ka.»

Ang babae ay binuksan nang kalahati ang kanyang damit sa ibabaw ng kanyang suso, siya ay tumingin at sumigaw: «Wala na ito ngayon! O! Panginoon, aking Diyos!» at pinagpatirapa ang kanyang sarili sa lupa.

«Bigyan siya ng tinapay at ilang pagkain. At ikaw, Mateo, bigyan mo siya ng isang pares ng iyong mga sandalyas. Bibigyan Ko siya ng isang manta. Makapupunta siya sa isang pari, pagkatapos na siya ay makapag-ayos ng sarili. Bigyan din siya ng alay para sa puripikasyon, Judas. Maghihintay tayo para sa kanya sa Gethsemane upang ibigay siya kay Eliza, na nakikiusap sa Akin para sa isang anak na babae.»

«Hindi, Panginoon, ayaw kong magpahinga. Pupunta ako kaagad, ngayon na.»

«Bumaba papunta sa ilog kung gayon. Hugasan mo ang iyong sarili at isuot ang manta...»

«Panginoon, bibigyan ko ng isa ang aking ketongin na kapatid. Hayaan Ninyong gawin ko ito at dadalhin ko siya kay Eliza. Mapapagaling ako sa ikalawang pagkakataon dahil makikita ko ang aking sarili sa kanya at ako’y magiging napakasaya» sabi ng Zealot.

«Gawin ang ayon sa ibig mo.  Ibigay sa kanya ang kakailanganin niya. Babae, makinig sa akin nang mabuti. Ikaw ay lalakad at madadalisay, pagkatapos pupunta ka sa Bethany at hahanapin mo si Lazarus, at hihingi ka sa kanya ng pag-aruga hanggang sa Ako ay dumating. Humayo sa kapayapaan.»

«Panginoon! Kailan ko mahahalikan ang Inyong mga paa?»

«Hindi magtatagal. Lakad. Ngunit kailangan na malaman mo na tanging ang kasalanan lamang ang kinasusuklaman Ko. At patawarin mo ang iyong asawa, sapagkat sa pamamagitan niya natagpuan mo Ako.»

«Iyan ay totoo. Pinatatawad ko siya. Ako ay lalakad na... O! Panginoon! Huwag Kayong tumigil dito kung saan Kayo ay kanilang kinapopootan. Alalahanin na ako ay naglakad nang buong gabi, bagama't ako ay patang-pata, upang ako ay makapunta at masabihan Kayo at na kung nakatagpo ako ng ibang mga tao, sa halip na matagpuan Kayo, ako ay baka kanilang pinagbabatong katulad sa isang ahas.»

«Aalalahanin Ko. Lakad, babae. Sunugin mo ang iyong mga damit. Sumama sa kanya, Simon. Susundan namin kayo at sasamahan kayo sa tulay.»

Sila ay umalis.

«Ngayon kailangan nating lahat na madalisay. Lahat tayo ay hindi malinis.»

«Iyon ay hindi ketong, Judas ni Simon. Matitiyak Ko sa iyo.»

«Bueno, padadalisayin ko ang aking sarili. Ayaw ko ng di-kalinisan sa aking sarili.»

«Anong kaputiang niyebe na liryo!» bulalas ni Pedro. «Kung ang Panginoon ay hindi nakararamdam ng di-kalinisan, papaano ka nakararamdam ng ganyan?»

«At dahil sa isang babae na sinasabi ng Panginoon na hindi isang ketongin? Ngunit ano ang nangyari sa babae, Guro? Nakita ba Ninyo ang kanyang langib?»

«Oo. Bunga ng kahalayan ng lalaki. Ngunit iyon ay hindi ketong. At kung ang lalaki ay naging matapat, hindi sana niya siya hiniwalayan, sapagkat ang lalaki ay mas apektado ng sakit kaysa ang babae. Ngunit ang mahahalay na tao ay sinasamantala ang lahat upang mabigyan ng kasiyahan ang kanilang katakawan. Judas, kung ibig mo, makakalakad ka. Magkikita tayo sa Gethsemane. At padalisayin mo ang iyong sarili! Ngunit ang unang puripikasyon ay ang sinseridad. Ikaw ay isang ipokrito. Tandaan iyan. Ngunit makakalakad ka.»

«Hindi, ako ay mananatili. Kung iyan ang sinasabi Ninyo, pinaniniwalaan ko Kayo. Kung gayon ako ay hindi di-malinis at mananatili akong kasama Kayo. Ang ibig sabihin Ninyo ako ay mahalay at aking sinasamantala ang sitwasyon upang... Pinatutunayan ko na sa Inyo ngayon na Kayo ang aking pag-ibig.»

Bumaba silang mabilis sa burol.

--------------------

Ika-15 ng Disyembre

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang bisyon tungkol sa “Himala sa Jordan na nasa pagbaha”, na nagkaroon ka noong Setyembre 17, 1944.»

150810/170812

 

 



Sunod na kabanata