36. Ang Banal na Pamilya sa Ehipto.

Enero 25, 1944 (Hatinggabi)

¹Ang matamis na bisyon ng Banal na Pamilya. Ang lugar ay nasa Ehipto. Wala akong duda sapagkat nakikita ko ang disyerto at ang isang piramide.

Nakikita ko ang isang bahay na may isang palapag, ang pinaka-sahig na palapag, ganap na puti. Isang maralitang bahay ng napaka-maralitang mga tao. Ang mga pader ay plaster lamang at pininturahan ng puti. May dalawang pintuan, magkalapit, patungo sa tanging dalawang silid ng bahay na, sa pansamantala hindi ko pinapasok. Ang maliit na bahay ay nasa gitna ng isang piraso ng mabuhangin lupa, nababakuran ng isang bakod na mga tubô na itinusok sa lupa, isang napakahinang proteksiyon laban sa mga magnanakaw; nakapagpoprotekta lamang ito laban sa mga pusa at ligaw na mga aso. Sa kabilang dako, sino ba naman ang mag-iisip na magnanakaw kung saan kitang-kita na wala roon ni anino ng mga kayamanan?

Ang maliit na kapiraso ng lupa, nababakuran ng tanim na tubô, ay matiyagang binukid bilang isang maliit na hardin, sa kabila na ang lupa ay tuyò at hindi maganda. Upang ang bakod na tanim ay maging mas makapal at hindi masyadong madalang tingnan, nagtanim sila ng mga gapáng na tanim na tila lumalabas na katamtaman na convolvuli, tanging sa isang tabi lamang may isang palumpong ng hasmin na nasa ganap na pamumulaklak at isang palumpong ng pangkaraniwan na rosas. Sa pangkusinang-hardin may nakikita akong ilang katamtamang mga gulay sa gitna ng ilalim ng isang mataas na tanim na hindi ko alam ang pangalan at nagbibigay ng ilang lilim sa tuyong lupa at sa maliit na bahay. Ang isang itim at puting kambing ay nakatali sa tanim at nangangalkal sa mga dahon ng ilang mga sangang itinapon sa lupa.

²At malapit sa banig na nasa lupa ay naroon ang Batang si Jesus. Sa palagay ko Siya ay maaaring dalawang taong gulang, o dalawa’t kalahating taong gulang hindi hihigit. Naglalaro Siya ng ilang maliliit na piraso ng inukit na kahoy, na nagmumukhang maliliit na tupa o maliliit na kabayo, at may ilang malinis na pinagkataman ng kahoy, hindi masyadong kulot katulad ng Kanyang ginintuang buhok. Sa pamamagitan ng Kanyang bilugang mga kamay sinisikap Niyang ilagay ang pinagkatamang-kahoy na kuwintas sa mga leeg ng Kanyang maliliit na hayop.

Siya ay tahimik at ngumingiti. Napakaganda. Ang Kanyang maliit na ulo ay isang masa ng napakakapal na maliliit na ginintuang mga kulot, ang Kanyang balat ay maliwanag at medyo malarosas, ang Kanyang mga mata ay buháy at maningning, ng isang malalim na asul na kulay. Ang pinakikita ng mukha ay, siyempre, iba, ngunit nakikilala ko ang kulay ng mga mata ng aking Jesus: dalawang magandang madilim na mga sapiro. Nakasuot Siya ng isang klase ng isang mahabang puting kamiseta na maaaring tiyak na Kanyang tunika, na may maiikling manggas. Sa kasalukuyan walang nakasuot sa Kanyang mga paa. Ang Kanyang munting mga sandalyas ay nasa banig at sila rin ay ginagamit bilang laruan ng Bata, Na inilalagay ang Kanyang maliliit na hayop sa banig, pagkatapos hinihila ang sandalyas sa istrap na tila ito ay isang kariton. Ang mga sandalyas ay simpleng-simple: isang suwelas na may dalawang istrap ang isa nanggagaling sa dulo at ang isa sa sakong ng suwelas. Ang isang nanggagaling sa dulo ay naghihiwalay sa isang punto at ang isang karugtong ay dumaraan sa isang mata ng nanggagaling sa sakong, pagkatapos iikot at pagkatapos itatali sa isa pang istrap, napoporma kung gayon ang isang singsing sa bukung-bukong.

³Sa malayu-layo nang kaunti, nakaupo rin sa lilim ng púno, ay naroon ang Ating Ginang. Naghahabi Siya sa isang pangkabukiran na habihan at binabantayan ang Bata. Nakikita ko ang Kanyang maputing balingkinitan na mga kamay na umaatras at umaabante sinisingit nang mabilis ang lansadera sa pahalang na tela habang ang Kanyang paa, nakasandalyas, ay pinagagalaw ang pedal. Nakasuot Siya ng isang tunika ang kulay ng malbarosang mga bulaklak: isang malarosas na biyoleta katulad ng mga amatista. Walang takip ang Kanyang ulo, at kung gayon nakikita ko ang Kanyang buhok na may hati, napoporma ang dalawang simpleng mga tirintas na nagtatagpo sa Kanyang batok. Ang Kanyang mga manggas ay mahahaba at kung baga makipot. Siya ay walang ibang palamuti bagkus ang Kanyang kagandahan at ang Kanyang napakatamis na hitsura ng mukha. Ang kulay ng Kanyang mukha, ng Kanyang buhok at ng Kanyang mga mata, ang porma ng Kanyang mukha ay laging ganoon pa rin sa tuwing nakikita ko Siya. Nagmumukha Siyang napakabata ngayon. Nagmumukha Siyang mga dalawampung taong gulang.

Sa isang punto Siya ay tumayo, niyukuan ang Bata, isinuot ulit ang Kanyang mga sandalyas at itinali ito nang maingat. Pagkatapos Kanyang tinapik-tapik Siya at hinahalikan ang Kanyang maliit na ulo at ang Kanyang magandang mga mata. Ang Bata ay dumaldal at Siya ay tumugon. Ngunit hindi ko naiintindihan ang mga salita. Pagkatapos bumalik si Maria sa Kanyang habihan; tinatakpan Niya ang káyo at ang tela ng isa pang kapiraso ng tela, pinulot ang bangkito na Kanyang inuupuan at dinala ito sa bahay. Ang Bata ay sinusundan Siya ng Kanyang mga mata nang hindi si Maria inaabala nang Siya ay Kanyang iniwanan nang mag-isa.

Halatang ang Kanyang gawain ay tapos na. Kinuha Niya si Jesus sa kamay at binuhat Siya mula sa banig. Ang Bata ay sumunod nang walang pagtutol. Habang pinupulot ng Kanyang Ina ang Kanyang mga laruan at ang banig at dinadala ito sa bahay, Siya ay paampang-ampang sa Kanyang magagandang paa patungo sa kambing at niyapos Niya ang leeg nito. Ang maliit na kambing ay humuni at kinukuskos ang kanyang ulo sa balikat ni Jesus.

Si Maria ay bumalik. Ngayon Siya ay may suot ng mahabang belo sa Kanyang ulo at may dalang isang amphora sa Kanyang kamay. Hawak Niya si Jesus sa kamay, at kapwa sila nagsimulang maglakad, iniikutan ang maliit na bahay patungo sa kabilang tabi.

Sinusundan ko sila hinahangaan ang kagandahan ng larawan. Isinasabay ni Maria ang Kanyang hakbang sa bilis ng Bata, at ang Bata ay pahakbang-hakbang at patiyad-tiyad sa tabi Niya. Nakikita ko ang malarosas na mga sakong ni Jesus tumataas at bumababa nang may tipikong galaw ng mga hakbang ng mga bata, sa buhangin ng maliit na landas. Napuna ko na ang kanyang tunika ay hindi umaabot sa kanyang mga paa, bagkus sa kalahatian lamang ng kanyang binti. Ito ay napakalinis at simple at natatalian ito sa Kanyang baywang ng isang maliit na puting bigkis.

Nakikita ko na sa harapan ng bahay ang tanim na bakod may pangkabukiran na geyt, na binubuksan ni Maria upang makalabas sila patungo sa daan. Ito ay isang di-magandang daan sa dulo ng isang bayan o nayon, maging ano pa man ito, kung saan nagtatapos ito na ang kabukiran na naporma rito ay gawa ng buhangin at ng ilan pang ibang mga bahay, na kasing maralita ng isang ito, na may maninipis na pangkusinang-hardin.

Wala akong nakikitang ibang tao. Si Maria ay nakatingin patungo sa bayan hindi patungo sa kabukiran, na tila may hinihintay Siyang sinuman; pagkatapos Siya ay lumalapit patungo sa isang tangke o balon, maging ano pa man ito, na mga sampung metro ang layo sa unahan, at kung saan ang ilang puno ng palmera ay nagbibigay ng isang pulô ng lilim. Sa banda roon makikita ang ilang berdeng mga yerba sa lupa.

⁴May nakikita na akong isang lalaki na papalapit sa daan; siya ay hindi napakataas, ngunit matatag ang pangangatawan. Nakikilala ko si Jose, na ngumingiti. Nagmumukha siyang mas bata kaysa noong nakita ko siya sa bisyon sa Paraiso. Maaaring mga apatnapung taong gulang siya hindi hihigit. Ang kanyang buhok at balbas ay makapal at maitim, ang kanyang balat ay kung baga bilad-sa-araw, ang kanyang mga mata madilim. Isang matapat na mukha ng magbubukid, nakakakuha ng kompiyansa.

joseph jesusNoong makita niya sina Jesus at Maria, binilisan niya ang kanyang hakbang. Sa kanyang kaliwang balikat mayroon siyang isang klase ng lagari at isang klase ng katam, at may hawak siya sa kamay ng iba pang mga gamit sa kanyang trabaho, hindi eksaktong katulad ng ating ginagamit ngayon, ngunit nakakatulad halos. Baka siya ay pauwi pagkatapos ng kanyang pagtatrabaho sa kung kaninong bahay. Siya ay nakasuot ng isang tunika na ang kulay nito ay nasa pagitan ng hazel at kulay-kape: hindi ito napakahaba – ito ay nakakarating nang mataas-taas mula sa kanyang mga buol – at ang mga manggas nito ay maikli. Sa palagay ko nakasuot siya ng isang balat na sinturon sa kanyang baywang. Ito ang tamang tunika para sa isang manggagawa. Sa kanyang mga paa may sandalyas siyang nakatali sa kanyang mga buol.

Si  Maria ay ngumingiti at ang Bata ay napasigaw sa tuwa at Kanyang inuunat ang Kanyang mga kamay na libre. Noong ang tatlo ay nagtagpo, si Jose ay yumuko at inabot sa Bata ang isang prutas na sa palagay ko ay isang mansanas, sa kulay nito at korte. Pagkatapos iniunat niya ang kanyang mga kamay at ang Bata ay iniwan ang Kanyang Ina, at nagpakarga sa mga bisig ni Jose, niyuyuko ang Kanyang maliit na ulo patungo sa sulok ng leeg ni Jose; hinahalikan niya Siya, at hinahalikan siya Niya. Isang tagpo na punó ng nagmamahal na grasya.

Nakalimutan kong sabihin na si Maria ay kaagad kinuha ang mga kagamitan ni Jose, upang maging libre siya sa pagyapos sa Bata.

Pagkatapos si Jose, na nakayukyok sa lupa upang makapantay si Jesus, ay tumayo, kinuha ng kanyang kaliwang kamay ang mga gamit at hinahawakan si Jesus nang madiin sa kanyang dibdib sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay. At siya ay kumilos papalapit sa bahay, habang si Maria ay pumunta sa pontanya upang punuin ang Kanyang amphora.

Pagkatapos na mapasok ang bakuran ng bahay, ibinaba ni Jose ang Bata, ipinasok ang habihan ni Maria sa bahay, pagkatapos ginatasan niya ang kambing. Si Jesus ay pinagmamasdan nang mabuti ang lahat na ginagawang ito at lalo na ang pagkulong sa maliit na kulungan ng maliit na kambing sa isang tabi ng bahay.

Ngayon ay dumidilim na. Nakikita ko ang pula ng paglubog-ng-araw nagiging biyoleta sa mga buhangin na tila nanginginig dahil sa init. Ang piramide ay nagmumukhang mas madilim.

Si Jose ay pumasok sa bahay, patungo sa isang silid na maaaring ang kanyang talyer, ang kusina, ang silid kainan nang sabay-sabay. Ang isa pang silid ay siyempre ang tulugang silid. Ngunit hindi ako pumapasok doon. Ang apoy ay nasindihan na sa mababang paapuyan, dito ay may isang mesa ng karpintero, isang maliit na mesa, ilang mga gamit, ilang mga patungan na may dalawang lampara ng langis at ilang mga gamit ng kusina ang nakapatong. Sa isang sulok, ay naroon ang habihan ni Maria. At isang malaking kaayusan at kalinisan. Isang napaka-maralitang tirahan, ngunit napakalinis.

At ito ay isang pagpuna na gustong kong gawin: sa lahat na mga bisyon tungkol sa pantaong pamumuhay ni Jesus napuna ko na kapwa Siya at si Maria, pati na rin si Jose at si Juan ay laging maayos at malinis kapwa sa kanilang pananamit at sa kanilang mga katawan. Nagsusuot sila ng katamtaman at simpleng mga damit, ngunit napakalinis nito at nagmumukha silang mga maginoo sa mga kasuutan na ito.

⁵Si Maria ay nakabalik dala ang amphora at ang pinto ay isinara sa mabilis na lumalaking dapit-hapon. Ang silid ay natatanglawan ng lampara na sinindihan ni Jose at inilagay sa ibabaw ng mesa ng talyer, kung saan siya ngayon ay nagsisimulang trabahuhin ang ilang maliliit na tabla, habang inihahanda ni Maria ang hapunan. Ang apoy din ay nagpapaliwanag sa silid. Si Jesus, na ang Kanyang maliliit na kamay nakatukod sa mesa at ang Kanyang maliit na ulo nakatingala, ay pinapanood kung ano ang ginagawa ni Jose.

holy family Sila ay naupo sa mesa pagkatapos na masambit nila ang kanilang mga panalangin. Siyempre hindi sila nag-aantanda ng krus, ngunit sila ay nagdarasal. Si Jose ito na siyang nagbibigkas ng mga dasal, at si Maria ang tumutugon. Wala akong naiintindihan na kahit ano. Maaaring ito ay isang salmo. Ngunit ito ay binibigkas sa isang wika na ganap na hindi ko nalalaman.

Naupo sila sa mesa. Ang lampara ay ngayon nasa mesa na. Si Maria ay hinahawakan si Jesus sa Kanyang lapi, at ginagawa Siyang inumin Niya ang ilang gatas ng kambing, kung saan si Maria ay nagsawsaw ng maliliit na piraso ng tinapay na Kanyang hiniwa mula sa isang maliit na bilog na tinapay. Ang balat ng tinapay at pati na rin ang loob, ay napaka-itim, nagmumukha itong rye na tinapay o tinapay na gawa sa sebada. Tiyak na marami itong laman na ipa, kung titingnan ang kulay. Pansamantala si Jose ay kumakain ng ilang tinapay at keso, isang maliit na hiwa ng keso at maraming tinapay. Pagkatapos iniupo ni Maria si Jesus sa maliit na bangkito malapit sa Kanya, at nagdala ng ilang lutong mga gulay sa mesa – nagmumukha itong pinakuluan at ginayakan ng katulad ng ginagawa natin – at kinakain din Niya ang iba nito pagkatapos na makakain si Jose. Si Jesus ay masayang nginangatngat ang Kanyang mansanas, at ngumingiti Siya pinapakita ang Kanyang maliliit na maputing mga ngipin. Ang kanilang hapunan ay nagtatapos sa ilang mga olibo o datiles. Hindi ko masabing eksakto kung alin sapagkat nagmumukha silang napakaputi na maging mga olibo at napakatigas na maging mga datiles. Wala ritong alak. Ang hapunan ng maralitang mga tao.

Ngunit may labis na kapayapaan sa silid na ito na kahit na ang tanawin ng pinaka-solemneng palasyo ay hindi sa akin makapagbibigay ng katulad ng kapayapaan nito. At gaanong pagkakasundo!

⁶Si Jesus ay hindi nagsasalita sa gabing ito. Hindi Niya pinaliliwanag ang tagpo. Naturuan Niya ako sa pamamagitan ng regalo ng Kanyang bisyon at sapat na iyon. Lagi sana Siyang pagpalain nang ganito.

                                                                ----------------------------

Enero 26, 1944.

jesus sinab

⁷Sinasabi ni Jesus:

«Ang mga bagay na nakita mo ay tinuturuan ka at ang iba ng leksiyon. Ito ay isang leksiyon ng kababaang-loob, pagpapasa-Diyos at mabuting pagkakasundo. Isang leksiyon binibigay bilang isang halimbawa sa lahat na mga pamilyang Kristiyano, at lalo na sa mga Kristiyanong pamilya sa espesyal na nakapamimighating panahon na ito.

⁸Nakita mo ang isang maralitang bahay. At kung ano ang mas nakapagpapalungkot pa, isang maralitang bahay sa isang banyagang bayan.

Maraming tao, dahil lamang na sila ay mabuti-buti na rin na mga Katoliko na nagdarasal at tinatanggap Ako sa Banal na Eukaristiya, at sila ay nagdarasal para sa “kanilang” mga pangangailangan, hindi para sa mga pangangailangan ng kanilang mga kaluluwa at para sa kaluwalhatian ng Diyos – sapagkat kakaunti lamang ang nagdarasal na hindi mga makásarilí – maraming tao ang nagkukunwaring may masaganang pamumuhay, masaya, magaan na materyal na pamumuhay, protektadung-protektado kahit laban sa pinakamaliit na kirot.

Si Jose at si Maria ay nasa sa kanila Ako, Totoong Diyos, bilang kanilang Anak, subalit ni wala man lamang sila ng kaunting kasiyahan ng pagiging mahirap sa loob ng kanilang sariling bayan, kung saan sila ay kilala, kung saan naroroon man lamang ang kanilang “sariling” maliit na bahay at ang problema ng isang tirahan ay hindi sana dagdag na panggigipit na kaisipan sa kanilang maraming problema, sa bansa kung saan, ayon sa pagkakakilala sa kanila, mas madali para sa kanilang makakuha ng trabaho at matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamumuhay. Sila ay dalawang repuhiyado sa dahilan lamang na Ako ay nasa sa kanila. Isang ibang klima, ibang bansa, napakalungkot kompara sa matamis na tabing kabukiran ng Galilee, isang ibang wika, ibang mga kaugalian, naninirahan sa pagitan ng mga taong ni hindi sila kilala, at mga taong sa pangkalahatan ay hindi nagtitiwala sa mga repuhiyado at sa mga taong hindi nila kilala.

Sila ay napagkaitan ng mga komportable at mahal na mga kagamitan ng “kanilang” maliit na bahay, ng napakaraming aba at kinakailangan na mga bagay na mayroon sila roon, at noon ay tila hindi masyadong kinakailangan, samantalang dito, sa gitna ng kawalan na nasa kapaligiran nila, ay tila maganda katulad ng mga karangyaang mga bagay na nagagawa ang mga bahay ng mga mayayaman na maging maganda. Kinasasabikan nila ang kanilang bayan at kanilang tahanan, inaalaala nila ang kaawa-awang mga bagay na kanilang naiwan, ang tungkol sa maliit na pangkusinang-hardin kung saan maaaring walang nag-aasikasong sinuman sa kanilang mga baging at kanilang mga igos, at iba pang napakikinabangang mga tanim. At kinakailangan nilang magtrabaho araw-araw para sa kanilang pagkain, mga damit, apoy, at para sa Akin, isang Bata, Na hindi nila mapakakain ng pagkain na kanilang kinakain mismo. At sila ay nalulungkot sa puso: dahil sa kanilang pagkagiliw sa tahanan, dahil sa walang-katiyakan ng kanilang hinaharap, at ng pagkukulang ng pagtitiwala  ng mga tao na nag-aalinlangan, lalo na sa simula, na tanggapin ang alok ng pagtatrabaho ng dalawang di-kilalang tao.

Gayunpaman, katulad ng iyong nakita mismo, ang bahay na iyon ay laganap ng kahinahunan, mga ngiti, pagkakasundo, at sa pagkakaintindihan nagsisikap silang gawin iyon na maging mas maganda pa, kahit sa kasalatan ng maliit na pangkusinang-hardin, na sana iyon ay mas makatulad pa ang mas komportableng isang kinailangan nilang iwanan. Mayroon lamang silang isang naiisip: na ang lupain ay hindi sana maging masyadong ostil at hindi masyadong maging masamâ para sa Akin, dahil Ako ay nagmula sa Diyos. Ito ay ang pagmamahal ng mga naniniwala at ng mga kamag-anak na naibubunyag ang sarili sa maraming mga pamamaraan: mula sa maliit na kambing na kanilang binili sa pamamagitan ng maraming oras ng pagtatrabaho na karagdagan, hanggang a maliit na laruan na inukit sa mga sobrang kahoy, hanggang sa prutas na binili para sa Akin lamang, habang pinagkakaitan ang kanilang mga sarili ng isang subô ng pagkain.

O minamahal kong ama sa lupa, gaano kang minahal ng Diyos, ng Diyos Amang nasa Kataastaasang mga Kalangitan, ng Diyos Anak, Na naging Tagapagligtas sa lupa!

Sa bahay na iyon ay walang biglaang init-ng-ulo, walang pagmumukmok, walang simangutan, ni walang pagsisisihan sa isa’t isa, at lalo na laban sa Diyos Na hindi sa kanila nagtambak ng materyal na kayamanan. Si Jose ay hindi sinisisi si Maria bilang siyang dahilan ng kanyang kawalang-kaginhawahan, ni si Maria ay hindi rin sinisisi si Jose sapagkat hindi niya magawang makakuha ng mas malalaking kagamitan ng mundo. Minamahal nila ang isa’t isa sa isang banal na pamamaraan, iyon lang. At kung gayon hindi nila inaalaala ang kanilang pansariling kaginhawahan, bagkus ang tungkol sa kaginhawahan lamang ng kanilang konsorte. Ang totoong pagmamahal ay hindi makásarilí. At ang totoong pagmamahal ay laging basal, kahit na kung ito ay hindi perpekto sa kabasalan katulad ng pagmamahal ng dalawang birhen na esposo’t esposa. Ang kabasalan na kaisa sa karidad ay nagbubunga ng iba pang mga birtud at kung gayon ang dalawang tao na nagmamahalan nang basal ay nagiging perpekto.

Ang pagmamahal nina Maria at Jose ay perpekto. Kung gayon iyon ay isang pangganyak sa bawat iba pang birtud at lalo na sa karidad sa Diyos, pinagpapala bawat oras, sa kabila na ang Kanyang banal na kalooban ay masakit para sa laman at sa puso, pinagpapala sapagkat, mahigit pa sa laman at mahigit pa sa puso, ang espiritu ay mas buháy at mas malakas sa dalawang santo, at ipinagbubunyi nila ang Panginoon nang may pasasalamat sapagkat sila ay pinili bilang mga tagapag-alaga ng Kanyang Eternal na Anak.

⁹Sa loob ng bahay na iyon sila ay nagdarasal. Kayo ay napakakaunting magdasal sa loob ng inyong mga tahanan, sa mga araw ngayon. Ang araw ay tataas at lulubog, sisimulan ninyo ang inyong trabaho, at kayo ay uupo sa mesa na wala kahit isang kaisipan para sa Panginoon, Na nagkaloob sa inyo na makita ninyo ang isang bagong araw, at pagkatapos mabuhay at makita ang isang bagong gabi, Na nagpala sa inyong trabaho at ginawa itong paraan na mabili ninyo ang inyong pagkain, ang apoy, ang mga damit, ang bahay na kailangang-kailangan para sa inyong pagkataong pamumuhay. Anuman ang nanggagaling sa Mabuting Diyos ay “mabuti”. Kahit na kung ito ay di maganda at kakaunti., ang pagmamahal ay bibigyan ito ng lasa at katawan, ang pagmamahal na nagpapahintulot sa inyo na makita sa Eternal na Tagapaglikha, ang Ama Na nagmamahal sa inyo.

Sa loob ng bahay na iyon ay may pagtitipid at ito ay mapupunta roon kahit na kung marami ang pera. Sila ay kumakain upang mabuhay. Hindi sila kumakain upang masiyahan ang kanilang katakawan, nang walang-pagkabusog ng matatakaw at may mga kapritso ng maseselan sa pagkain na binubusog ang mga sarili hanggang sa sila ay magkasakit at maubos ang kanilang kayamanan sa mga mamahalin na pagkain, nang hindi man lang iniisip ang tungkol sa mga wala o kakaunti ang makakain, nang hindi iniisip na kong sila ay naging mahinahon, maraming tao ang mapagiginhawahan mula matitinding kirot ng pagkagutom.

Sa loob ng bahay na iyon mahal nila ang trabaho, at mamahalin nila ito kahit na kung maraming pera, sapagkat ang nagtatrabahong tao ay sinusunod niya ang utos ng Diyos at napalalaya niya ang kanyang sarili sa mga bisyo, na katulad ng makapit na ivy kinakapitan at sinasakal nito ang mga walang magawang tao, na katulad ng di-magalaw na mga bato. Ang pagkain ay masarap, ang pagpapahinga ay matiwasay, ang mga puso ay masaya, kapag kayo ay nagtrabaho nang mabuti, at kasisiyahan ninyo ang oras ng pagpapahinga sa pagitan ng isang pagtatrabaho at ang susunod. Ni sa mga bahay o sa mga isip ng mga nagmamahal sa trabaho, ay hindi lumalabas ang maraming mukha ng bisyo. At sa ausensiya nito, ang pagmamahal, pagtitinginan, ang pagbibigayan ng respeto ay umuunlad at ang murang mga anak ay lálaki sa isang purong atmospera at sila kung gayon ang panggagalingan ng mga banal na pamilya sa hinaharap.

Ang kababaang-loob ay naghahari sa loob ng bahay na iyon. Anong isang aral ng kababaang-loob para sa mapagmalaki. Si Maria, sa pantaong pananaw, ay may sanlibong mga rason upang maging mapagmalaki at upang sambahin ng Kanyang esposo. Maraming mga babae ang mapagmalaki dahil lamang na sila ay mas mabuti nang kaunti ang napag-aralan, o galing sa mas nobleng angkan, o sa mas mayamang pamilya kaysa sa kanilang mga asawa. Si Maria ay ang Esposa at ang Ina ng Diyos, subalit sa kabila nito sinisilbihan Niya – at hindi umaasang Siya ang pagsilbihan – ng Kanyang kasa-kasama, at Siya ay puno ng pagmamahal para sa kanya. Si Jose ay ang ulo ng pamilya, hinusgahan ng Diyos na labis na karapat-dapat ng pagiging ulo ng isang pamilya, upang pagtiwalaan ng Diyos ng pangangalaga sa Salitang Nagkatawang-Tao at sa Esposa ng Eternal na Espiritu. Subalit sa kabila nito gustung-gusto niya na mapagaanan niya si Maria sa Kanyang gawain, at siya ang gumagawa ng pinaka-abang mga gawain sa loob ng bahay upang si Maria ay sana hindi mapagod, hindi lang iyan, bagkus kung magagawa niya ginagawa niya ang lahat na magagawa niya upang masiyahan Siya at magawa ang bahay na mas komportable at ang Kanyang maliit na pangkusinang-hardin mas maganda.

Sa loob ng bahay na iyon ang kaayusan ay ginagalang: ang sobrenatural, moral, materyal. Ang Diyos ay ang Supremong Ulo at Siya ay sinasamba at minamahal: sobrenatural na kaayusan. Si Jose ay ang ulo ng pamilya at siya ay minamahal, ginagalang at sinusunod: moral na kaayusan. Ang bahay ay isang regalo ng Diyos pati na rin ang mga damit at mga gamit. Ang Kalinga ng Diyos ay makikita sa lahat, ng Diyos na nagbibigay ng lana sa mga tupa, mga balahibo sa mga ibon, mga damo sa mga parang, mga dayami sa mga hayop, mga butil at mga sanga sa mga ibon, ng Diyos na naghahabi sa damit ng liryo ng lambak. Ang bahay, ang mga damit, ang mga kagamitan ay tinatanggap nang may pagpapasalamat, pinagpapalà ang dibinong kamay na nagbibigay ng mga ito, inaalagaan ang mga ito nang may paggalang bilang mga regalo ng Panginoon, nang walang kahit anong masamang katatawanan sapagkat sila ay hindi maganda, nang walang masamang paggamit, nang walang pag-abuso sa Dibinong Tagapag-alaga: materyal na kaayusan.

¹⁰Hindi mo naintindihan ang mga salitang kanilang sinasabi sa wikang-tinubuan ng Nazareth, ni hindi mo naintindihan ang mga salita ng panalangin. Ngunit ang mga bagay na nakita mo ay isang malaking leksiyon. Pagnilay-nilayan ang mga ito, kayong lahat na naghihirap nang labis ngayon sapagkat nagkulang kayo sa napakaraming bagay patungo sa Diyos, sa mga bagay din kung saan ang banal na mag-esposo’t esposa ay hindi kailanman nakalimot, ang mag-esposo’t esposa na Aking Ina at ama.

At ikaw, magbunyi inaalaala ang maliit na Jesus, ngumiti iniisip ang Kanyang maliliit na hakbang ng isang Bata. Sa loob ng kaunting panahon makikita mo Siyang maglalakad sa ilalim ng Krus. At pagkatapos ito ay magiging isang bisyon ng mga luha.»

(187) 180610/032313

Sunod na kabanata.