359. Ang Rosas ng Jericho. Ang Himala sa Jordan na Nasa Pagbaha.

Setyembre 17, 1944.

Sa wakas maisusulat ko kung ano ang kinaaabalahan ng aking isip at lagi kong naririnig mula pa nang madaling araw ngayon, na ginagawa akong maghirap sa pakikinig sa ingay ng makamundong mga bagay mula sa labas at sa loob ng bahay, habang kinakailangan kong makita at marinig ang mga bagay ng Diyos, at ginagawa akong maging walang pasyensiya tungkol sa lahat na iba kaysa sa nakikita ng aking espiritu.

Gaanong pasyensiya ang kinakailangan... na hindi mawala ang aking pasyensiya habang hinihintay ang sandali na masabi kay Jesus: «Naririto ako! Ngayon makapagpapatuloy na Kayo!»  Sapagkat – nasabi ko na nang makailang beses at uulitin ko ito kapag hindi na ako makapagpatuloy o makapagsulat ng aking nakikita, ang tagpo ay tumitigil sa pinaka simula o kung ako ay naiistorbo, at magpapatuloy muli kapag ako ay libre nang masundan ito. Sa palagay ko ito ang gusto ng Diyos upang wala akong makaligtaang kahit anong detalye o makagawa ng kahit maliit na pagkakamali, na maaaring siyang mangyari kung gagawin kong magsulat pagkaraan nang matagal na sandali pagkatapos ng bisyon.

Matitiyak ko sa inyo nang totoo na ang aking sinusulat, dahil nakikita o naririnig ko ito, ay sinusulat ko habang nakikita o naririnig ko ito.

Kung gayon naririto ang aking nakikita mula pa nang umagang ito, at ang aking nasa-loob na tagapag-ulat ay sinasabi sa akin na ito ang simula ng isang magandang mahabang bisyon.

Sa loob ng napakamasalimuot na panahon si Jesus ay naglalakad sa isang napaka maputik na pangkabukiran na kalsada. Ang kalsada ay isang maliit na ilog ng manilaw-nilaw na malagkit na putik, na tumitilamsik sa bawat hakbang, kasing dulas ito ng nalusaw na sabon, kumakapit sa mga sandalyas, sumisipsip katulad ng panipsip at sumisingit sa loob ng mga sandalyas, ginagawa ang paglalakad na maging napakasakit.

Maaaring naging patuloy ang pag-ulan sa loob ng mga araw na iyon. At ang kalangitan ay nangangako ng mas marami pang ulan, natatakpan katulad nito ng mabababang maiitim na ulap na pinapadpad ng sirocco o ng hilagang-silangang mga hangin, na nagagawa ang ere na maging napakabigat na ito ay nagkakalasa, sa bunganga ng isa, ng nakakasukang tamis, katulad ng isang matamis na pamahid. Walang binibigay na kaginhawahan ang hangin na humahampas pinahahapay ang mga damo at ang mga sanga ng punungkahoy, pagkatapos ito ay titigil at ang lahat ay magiging walang-galaw na kaalinsanganan ng masalimuot na panahon. Paminsan-minsan ang isang malaking ulap ay sasabog at ang malalaking mainit na patak, na tila nanggagaling sa isang mainit na shower ng paliguan, ay babagsak sa lupa nagiging mga bula sa putik na tumitilamsik sa mga damit at lalo na sa mga paa.

Bagama't si Jesus at ang mga apostol ay nalilis nila ang kanilang mga tunika, binabalumbon ito sa kanilang mga baywang natatalian ng kanilang mga sinturon, ang ibaba ng kanilang mga tunika ay ganap na natilamsikan ng putik, na basa sa ibaba ngunit halos tuyo sa itaas. Ang kanilang mga manta rin, bagama't dinadala nila nang napakataas hangga't maaari, at nakalupi, upang manatili itong malinis at maipangsanggalang laban sa maikli ngunit malakas na ulan, ay ganap nang narumihan. Ang kanilang mga paa, hanggang sa kalahatian ng kanilang mga lulod, tila sila nakasuot ng magaspang na delanang mga pambabaeng medyas, na sa halip ay putik na nakakapit sa mga paa.

Magpahanggang ngayon ganito ang simula. Ngayon ito ay nagpapatuloy.

Ang mga disipulo ay nagrereklamo nang kaunti tungkol sa panahon at tungkol sa daan, at maaari din nating sabihin, tungkol sa hindi maganda pagkakagusto ng Guro na maglagalag sa loob ng ganitong panahon.

Si Jesus ay tila hindi nakaririnig. Ngunit nakaririnig Siya. At dalawa o tatlong beses Siyang lumingon nang kaunti – sila ay naglalakad nang isang linya lamang sa kaliwang parte ng daan, na mas mataas nang kaunti kaysa sa kanan na parte at kung gayon hindi masyadong maputik – upang sila ay tingnan. Ngunit wala Siyang sinasabi kahit ano.

Sa huling pagkakataon ang pinakamatanda sa mga disipulo ang siyang nagsabi: ««O! kaawa-awang ako! Sa pagkabasa na ito na natutuyo sa katawan ko pahihirapan ako ng kirot! Matanda na ako! Hindi na ako tatlumpung taong gulang!»

At si Mateo ay bumulong-bulong din: «At papaano ako? Ako ay hindi sanay sa ganito... Kapag umuulan sa Capernaum, alam-na-alam mo, Pedro, hindi ako lumalabas. Inilalagay ko ang mga katulong sa mesa ng pagbubuwis at dinadala nila sa akin ang mga tao na magbabayad. Inayos ko ang mabuting pagseserbisyo para diyan. Siyempre... sino ang maglalakas-loob  sa panahong ganyan? H’m! Isang malungkot na tao lamang, ngunit wala nang iba pa. Ang mga palengke at pagmamartsa ay ginagawa sa loob ng magandang panahon...»

«Manahimik, sapagkat mapapakinggan ka Niya!» sabi ni Juan.

«Hindi, hindi Niya tayo mapapakinggan! Siya ay nag-iisip at kapag Siya ay nag-iisip... tayo ay parang wala rito» sabi ni Tomas.

«At kapag may natagpuan Siyang idea sa Kanyang ulo, walang kahit ano ang makaaalis sa Kanya sa Kanyang determinasyon. Gagawin Niya ang gusto Niya. Wala Siyang ibang pinagkakatiwalaan bagkus ang Kanyang Sarili at iyan ang Kanyang magiging kasiraan. Kung Siya lamang ay humihingi ng kaunting payo sa akin... napakaraming bagay ang aking nalalaman!» sabi ni Judas na may pansariling katiyakan ng isang «mautak na tao na mas magaling kaysa sa sino pa mang iba».

«Ano ang nalalaman mo?» tanong ni Pedro kaagad at siya ay naging kasing pula ng ugat ng rimulatsa. «Alam mo ang lahat! Anong klaseng mga kaibigan ang mayroon ka? Ikaw kaya ay isang sikat na tao sa Israel? Umalis ka rito! Ikaw ay isang kaawa-awang tao katulad ko at ng iba pa... Guwapo lang nang kaunti... Ngunit ang kaguwapuhan ng kabataan ay isang bulaklak na tumatagal nang isang araw! Ako ay dating guwapo rin!»

Ang masarap na tawa ni Juan ay napalinaw ang atmospera. Ang iba din ay tumatawa at pinagbibiruan ang mga kulubot ni Pedro, ang kanyang mga paa, na magkahiwalay-na-magkahiwalay katulad ng mga paa ng bawat mandaragat, ang kanyang dilát na mga mata na napapula ng mga hangin sa lawa.

«Maaari kayong tumawa, ngunit iyan ay ganyan. Gayunman, huwag akong udlutin. Sabihin sa akin, Judas. Anong mga kaibigan ang mayroon ka? Ano ang iyong nalalaman? Kung alam mo ang ibig mo na paniwalaan namin na nalalaman mo, maaaring may mga kaibigan ka sa mga kaaway ni Jesus. At ang may mga kaibigan sa mga kaaway, ay isang traydor. Hoy, bata, mag-ingat, kung mahalaga sa iyo ang iyong kaguwapuhan! Sapagkat kung totoo na ako ay hindi na guwapo, totoo pa rin na ako ay malakas pa rin at hindi ako mahihirapan na bigyan ka ng palo» sabi ni Pedro.

«Anong asal ng pananalita! Pananalita ng isang garapal na mangingisda!» sabi ni Judas na may pag-alimura ng isang nasaktang prinsipe.

«Oo, ginoo, ipinagmamalaki ko ito. Isang mangingisda, ngunit kasing sinsiro katulad ng aking lawa, na, kung ito ay magiging masalimuot, hindi ito nagsasabi: “Ako ay magiging kalmanteng-kalmante”, bagkus ito ay magigising at maglalagay ng gayong mga ulap bilang mga saksi sa kisame ng langit, na kung ang isa ay hindi tanga o lasing. Makikita niya ang ibig sabihin nito at kikilos nang naaayon. Ikaw...  nakakamukha mo ang putik na ito na tila matigas, ngunit tingnan» (at sa pamamagitan ng biglang igkas ng kanyang paa pinatilamsik niya ang putik sa babà ng guwapong Iskariote).

«Pedro! Ang iyong asal ay nakasusuklam! Ang mga salita ng Guro tungkol sa karidad ay may magandang epekto sa iyo!»

«Ganyan din sa iyo tungkol sa Kanyang mga salita tungkol sa kababaang-loob at sinseridad. Sige na. Ilabas mo ito! Ano ang nalalaman mo? Totoo ba na alam mo o nagpapasiklab ka upang maniwala ang mga tao na may malalakas kang kaibigan?

«Alam ko ang nalalaman ko, at hindi ko sasabihin sa iyo upang masimulan ang away, na gusto mo, bilang isang Galilean. Uulitin ko na kung ang Guro ay hindi masyadong matigas ang ulo, magiging mas mabuti pa. At kailangan Niya na maging hindi masyadong marahas. Ang mga tao ay pagod na sa sila'y sinasaktan.»

«Marahas? Kung Siya’y marahas, kailangan ka Niyang itapon sa ilog, kaagad. Kailangan ka Niyang paliparin sa mga punungkahoy na iyon. Sa gayon mahuhugas ang putik na nagpaparumi sa iyong katauhan. Sana makatulong ito sa iyo na mahugasan ang iyong puso, na, kung hindi ako nagkakamali, ay mas matigas pa kaysa sa maputik kong mga paa.» Dahil si Pedro, sa katunayan, ay mabuhok at maikli, ang kanyang mga paa ay punung-puno ng putik. Kapwa ang kanyang mga paa at ang kay Mateo ay tila gawa sa putik hanggang sa kanilang mga tuhod.

«Maaari bang itigil ninyo iyan!» sabi ni Mateo.

Si Juan, na nakapuna na binagalan ni Jesus ang Kanyang paglakad, ay nagsospetsa na maaaring nakapakinig Siya, at binilisan niya ang kanyang paghakbang, nilalampasan ang dalawa o tatlo niyang mga kasamahan, inaabutan niya si Jesus at naglakad nang katabi Niya.

«O! Juan! Inabutan mo Ako!» sabi ni Jesus ngumingiti sa kanya.

Si Juan, pinag-aaralan ang Kanyang mukha nang may pagmamahal at pananabik upang malaman kung Siya ay nakarinig, ay tumugon: «Oo, aking mahal na Guro. Kailangan Ninyo ako?»

«Lagi kitang kailangan. Gusto Ko kayong lahat, na may mga pusong katulad ng sa iyo! Ngunit kung magpapatuloy kang maglakad sa kinaroroonan mo ngayon, mabababad ka sa tubig.

«Walang anuman ito, Guro! Walang anuman ang lahat, basta’t malapit ako sa Inyo!»

«Gusto mo ba laging makasama Ako? Hindi mo ba iniisip na Ako ay padalus-dalos at baka makapagbigay din Ako sa iyo ng problema? Hindi mo ba iniisip na nasasaktan kita dahil hindi Ako nakikinig sa iyong payo?»

«O! Guro! Napakinggan Ninyo!» si Juan ay dismayado.

«Napakinggan Ko ang lahat. Mula pa sa pinaka-unang mga salita. Huwag mabalisa tungkol diyan. Wala sa inyo ang perpekto. Alam Ko mula pa nang pinili Ko kayo. At hindi Ako umaasa na kayo ay magiging perpekto nang mabilis. Kailangan ninyong magbago mula sa pagiging mga aliwas hanggang maging maaamong nilalang sa pamamagitan ng dalawang pagpapatubo ng usbong.»

«Alin, Guro?»

«Ang isa ay dugo, ang isa pa ay apoy. Pagkatapos kayo ay magiging mga bayani ng Langit at mapapagbago ninyo ang buong mundo, nagsisimula sa inyong mga sarili.»

«Dugo? Apoy?»

«Oo, Juan. Dugo: Akin...»

«Huwag, Jesus!» Si Juan ay pinutol Siya nang may malalim na ungol.

«Maging kalmante, Aking kaibigan. Huwag mo Akong putulin. Maging siyang una na makinig sa katotohanang ito, sapagkat karapat-dapat ka nito. Ang Dugo ay Akin. Nalalaman mo na. Iyan kung bakit Ako naparito. Ako ang Tagapagtubos... Isipin ang mga propeta. Wala silang kinalimutan kahit katiting sa pagsasalarawan ng Aking misyon. Ako ang magiging ang Tao na sinasabi ni Isaiah. At ang Dugo, na padadaluyin Ko, ay pabubungahin kayo. Ngunit hindi Ko patitigilin ang Aking Sarili diyan. Kulang-na-kulang kayo at mahina, mapurol at mahiyain, na Ako, nakaupo nang maluwalhati sa tabi ng Ama, ay ipadadala sa inyo ang Apoy, ang Lakas na nagmumula sa Aking pagkatao sa pamamagitan ng paglikha ng Ama at siyang nag-uugnay sa Ama at sa Anak sa isang walang paglahong samahan, ginagawang Tatlo ang Isa: ang Pag-iisip, ang Dugo, ang Pagmamahal. Kapag ang Espiritu ng Diyos, hindi, bagkus, ang Espiritu ng Espiritu ng Diyos, ang Perpeksiyon ng Dibinong Perpeksiyon, ay dumating sa inyo, hindi na kayo magiging katulad ninyo katulad ngayon. Bagkus kayo ay magiging bago, malakas, banal. Ngunit para sa isa sa inyo ang Dugo at Apoy ay walang magagawa. Sapagkat ang Dugo ay magkakaroon para sa kanya ng kapangyarihan ng kapahamakan at malalaman niya magpakailanman ang isa pang apoy, sa loob kung saan siya ay mamumuhay dumidighay ng dugo at lumulunok ng dugo, sapagkat dugo ang makikita niya saan man niya ibaling ang kanyang materyal o espirituwal na mga mata, bilang nagtaksil sa Dugo ng isang Diyos.»

«O! Guro! Sino ito?»

«Malalaman mo isang araw. Pansamantala, kalimutan mo ito. At alang-alang sa karidad ni huwag kang mag-usisa tungkol dito. Ang pag-uusisa ay nagpapalagay ng pagsususpetsa. Hindi ninyo kailangang pagsuspetsahan ang inyong mga kapatid, sapagkat ang pagsususpetsa ay pagkukulang na ng karidad.»

«Magiging kontento na ako kung titiyakin Ninyo sa akin na hindi si Santiago o ako ang magtataksil sa Inyo.»

«O! Hindi ikaw! O si Santiago. Ikaw ang Aking kaginhawahan, Aking mabuting Juan!» at nagpatong ng kamay si Jesus sa kanyang mga balikat, idinidikit siya sa Kanyang sarili at naglakad sila nang ganyan.

Tahimik sila sa loob ng mga ilang sandali. Ang iba rin ay tahimik. Tanging ang pagkaluskos lamang ng kanilang mga paa sa putik ang maririnig. Pagkatapos nakarinig sila ng ibang ingay. Ito ay ang lumalagaslas na lumalagukgok na ingay, sasabihin ko ito ang malalim na paghilík ng isang tao na may pamamaga ng lamad sa loob ng ilong. Ito ay isang paulit-ulit na pag-atungal napuputol lamang paminsan-minsan ng magagaang bagsak.

«Naririnig mo ba iyon?» sabi ni Jesus. «Ang ilog ay malapit na.»

«Ngunit hindi tayo makakarating doon bago gumabi. Mamaya lamang ay madilim na.»

«Matutulog tayo sa isang kubo kung saan. At tatawirin natin ang ilog bukas. Mas gusto Kong makarating doon nang mas maaga, sapagkat ang pagbaha ay lumalaki bawat oras. Makinig! Ang mga bangkawan sa mga pampang ay napuputol sa lakas ng malaking tubig.»

«Naantala nila Kayo nang matagal sa mga nayong iyon ng Decapolis! Sinabi natin sa mga maysakit: “Sa susunod na pagkakataon!!” ngunit...»

«Ang may sakit, ay ibig na gumaling, Juan. At ang naaawa sa kanila, ay pinagagaling sila kaagad, Juan. Hindi na bale. Makakatawid pa rin tayo. Gusto Kong mapuntahan ang kabila bago bumalik sa Herusalem para sa Pentekostes.»

Naging tahimik silang muli. Dumidilim nang napakabilis, katulad ng pangkaraniwan sa basang mga araw. Nagiging pahirap na nang pahirap ang paglalakad sa lumalalim na pagdilim. Ang mga punungkahoy sa tabi ng daan ay napadidilim pa ang daan sa pamamagitan ng kanilang mga dahon.

«Maglakad tayo sa kabila ng daan. Napakalapit na natin sa piyordo. Maghahanap tayo ng isang kubo.»

Sila ay tumawid at sinundan ng iba. Tinawid nila ang isang maliit na maputik na kanal, na mas maraming putik kaysa tubig, na dumadaloy nang lumalagukgok patungo sa ilog. Halos nangangapa sila sa pagitan ng mga punungkahoy, patungo sa ilog, na ang ingay nito ay patakas na nang palakas.

Ang unang sinag ng buwan ay lumalampas sa mga ulap. Lumalampas ito sa pagitan ng dalawang ulap at bumababang ginagawa ang maputik na tubig na magningning, sa isang lugar kung saan ang ilog ay baha at napakalapad. (Kung tama ang aking pagtantsa, ang ilog ay mga limampu o animnapung metro ang lapad. Ako ay isang tanga sa mga pagsukat, ngunit sa palagay ko ang aking bahay ay kakasya nang siyam o sampung beses sa lapad ng ilog at ito ay mga lima at kalahating metro ang lapad). Hindi na ito ang magandang kalmanteng Jordan, na ang tahimik na mababaw na tubig nito ay nailalantad ang pinong mga buhangin sa mga pampang, mula kung saan ang mga palumpong-kurales ay tumutubo at lumalagaslas nang patuloy. Ang tubig ay nailubog na ngayon ang lahat at ang unang palumpong-kurales ay naihapay at nabali at kung gayon hindi na makita, maliban sa isang kakatwang dahon na paalun-alon sa ibabaw ng tubig at tila kumakaway ng pagpapaalam o nanghihingi ng tulong. Ang tubig ay narating na ang paanan ng unang malalaking punungkahoy. Hindi ko alam kung anong mga klaseng punungkahoy ang mga ito. Matataas sila at madadahon, kasing solido ng pader at maitim sa madilim na gabi. Ang ilan na mga punong willow ay isinasawsaw sa manilaw-nilaw na tubig-baha ang tuktok ng kanilang humapay na mga taluktok.

«Hindi posibleng magtampisaw dito» sabi ni Pedro.

«Hindi rito. Ngunit posible sa banda roon» Kita mo? Sila ay nagtatampisaw pa roon» sabi ni Andres.

Sa katunayan dalawang hayop ang maingat na tumatawid sa ilog. Ang tubig ay umaabot sa tiyan ng mga hayop.

«Kung sila ay nakakatawid, gayon din ang mga bangka.»

«Gayunpaman, mas mabuti nang tumawid kaagad, kahit na kung madilim. Ang mga ulap ay numipis na at may sinag ng buwan. Huwag nating aksayahin ang pagkakataon na ito. Maghanap tayo ng bangka...» at si Pedro ay tatlong beses na sumigaw nang mahabang: “Hoy!»

Walang makuhang katugunan.

«Bumaba tayo, sa mismong piyordo. Sina Melkiah at ang kanyang mga anak ay maaaring naroroon. Ito ang pinakamagandang panahon para sa kanya. Maitatawid niya tayo.

Naglakad sila nang mabilis hangga't magagawa nila sa maliit na landas sa tabi ng ilog, na halos sumasampal dito.

«Ngunit hindi ba’t iyon ay isang babae?» sabi ni Jesus tinitingnan ang dalawang tao na nakatawid na sa ilog nakasakay sa kabayo at ngayon nakatayo na sa landas.

«Babae?» Sina Pedro at ang iba pa ay hindi makapagsabi kung ang tao na nakasuot ng madidilim na damit na bumaba sa kabayo at ngayon naghihintay na, ay isang lalaki o babae.

«Oo. Siya ay isang babae. Siya ay... si Maria. Tingnan ngayon na siya ay nasisinagan ng buwan.»

«Masuwerte ka na nakakakita ka. Pagpalain nawa ang iyong mga mata!»

«Siya ay si Maria. Ano kaya ang gusto niya» at si Jesus ay sumigaw: «Maria!»

«Rabboni! Kayo ba ito? Pagpalain ang Diyos na nakita ko Kayo!» si Maria ay tumakbo nang kasing bilis ng isang gasela patungo kay Jesus. Hindi ko malaman kung bakit hindi siya natatapilok sa di-pantay na daan. Ibinagsak niya ang kanyang mabigat na manta at ngayon papalapit nang suot ang kanyang talukbong at ang magaang manta na nakapaibabaw sa kanyang madilim na damit.

Nang marating niya si Jesus bumagsak siya sa paanan Niya nang hindi inaalaala ang putik. Siya ay humihingal, ngunit masaya. Inuulit niya: «Kaluwalhatian sa Diyos na ginawa Niyang matagpuan ko Kayo!»

«Bakit. Maria? Ano ang nangyayari? Hindi ba’t nasa Bethany ka?»

«Nasa Bethany ako kasama ang Inyong Ina at ang mga babae, ayon sa sinabi Ninyo sa amin... Ngunit pumunta ako upang salubungin Kayo... Hindi makakapunta si Lazarus, sapagkat labis siyang naghihirap... Kung kaya't pumunta ako kasama ang isang katulong...»

«Naglalagalag ka nang nag-iisa, kasama ang isang batang lalaki sa loob ng panahon na ganito?»

«O! Rabboni! Hindi Ninyo sasabihin sa akin na iniisip Ninyo na ako ay natatakot. Hindi ako natatakot noon na gumawa ng labis na kasamaan... Hindi ako natatakot ngayon na gumawa ng isang bagay na mabuti.»

«Kung gayon? Bakit ka pumunta?»

«Upang sabihin sa Inyo na huwag tumawid... Sila ay naghihintay sa kabila upang saktan Kayo... Nalaman ko... Ako ay sinabihan ng isang Herodian na minsan... na minsan ay umiibig sa akin... Kung ako ay kanyang sinabihan dala ng pagmamahal, pa rin, o dala ng kapootan, hindi ko alam... Alam ko na noong isang araw nakita niya ako sa geyt at sinabi niya sa akin: “Ikaw na tangang Maria, naghihintay ka ba para sa iyong Guro? Tama ang ginagawa mo, sapagkat ito ang magiging hulí, sa katunayan kapag Siya ay nakatawid na sa ilog  at nakapasok na sa Judaea, Siya ay kaagad huhulihin. Tingnan Siya nang mabuti at umalis ka sapagkat hindi maganda na manatiling malapit sa Kanya, ngayon...” Pagkatapos... maiisip Ninyo kung gaano... ako nanabik na mag-usisa... Alam na Ninyo... maraming tao ang aking nakikilala... at kahit na kung sabihin nila na ako ay nababaliw o nalulukuban... pinag-uusapan pa rin nila ako... at natuklasan ko na ito ay totoo.  Pagkatapos kumuha ako ng dalawang kabayo at pumunta ako na walang sinasabing anuman sa Inyong Ina, upang hindi Siya mapag-alala... Bumalik Kayo kaagad, Guro. Kung malaman nila na Kayo ay naririto, sa kabila ng Jordan, pupunta sila rito. Si Herodes din ay naghahanap para sa Inyo... at napakalapit na Ninyo sa Machaerus ngayon. Umalis Kayo, alang-alang sa awa. Guro!...»

«Huwag umiyak, Maria...»

«Natatakot ako, Guro!»

«Ano? Ikaw natatakot? Hindi, naging napakatapang mo na tawirin ang bumabahang ilog sa gabi!...»

«Ngunit iyan ay isang ilog, samantalang sila ay mga tao at sila ay Inyong mga kaaway at kinapopootan nila Kayo... kinatatakutan ko ang kanilang kapootan sa Inyo... Sapagkat minamahal ko Kayo, Guro.»

«Huwag matakot. Hindi pa nila Ako mahuhuli. Hindi pa ito ang oras Ko. Kahit na kung maglagay sila ng mga sundalo sa lahat ng mga daan, hindi nila Ako mahuhuli. Hindi pa ito ang oras Ko. Ngunit gagawin Ko ang ayon sa ibig mo. Babalik Ako...»

Si Judas ay bumulong-bulong sa pagitan ng kanyang mga ngipin at si Jesus ay tumugon: «Oo, Judas. Eksakto sa sinabi mo. Ngunit ayon sa unang bahagi lamang ng iyong pangungusap. Pinakikinggan Ko siya, siyempre pinakikinggan Ko siya. Ngunit hindi dahil sa siya ay isang babae, ayon sa iyong pinakakahulugan, bagkus dahil siya ay ang isa na nakagawa ng labis na pag-unlad sa pagmamahal. Maria, umuwi ka na, habang magagawa mo pa at tumawid... saan mo man ito magagawa, at pupunta Ako sa Galilee. Pumuntang kasama ang Aking Ina at ang iba pang mga babae sa Cana, sa bahay ni Susanna. Sasabihin Ko sa inyo soon kung ano ang kailangan na gawin. Humayo sa kapayapaan at pagpalain ka sana. Ang Diyos ay kasama mo.»

Ipinatong ni Jesus ang Kanyang kamay sa kanyang ulo, pinagpapalà siya. Kinuha ni Maria ang mga kamay ni Jesus, hinahalikan ang mga ito, tumayo at pagkatapos bumalik. Si Jesus ay pinagmamasdan siyang umaalis. Nakita Niyang pinupulot niya ang kanyang mabigat manta at isinusuot; pagkatapos kanyang kinukuha ang kanyang kabayo, sumasakay dito at pumunta sa piyordo at tinatawid ang ilog.

«At ngayon tayo na» sabi Niya. «Ibig Kong makapagpahinga kayo, ngunit hindi Ko magagawa. Iniisip Ko ang inyong kaligtasan, ngunit hindi ganito ang nasa isip ni Judas. At maniwala sa Akin, kung kayo ay babagsak sa mga kamay ng Aking mga kaaway, mas  lalong makasasama ito sa inyong kalusugan nang higit pa sa magagawa ng tubig at putik...»

Lahat sila ay itinutungo ang kanilang mga ulo dahil naintindihan nila ang pinakakahulugan na paninita dahil sa kanilang nauna nang paguusap-usap.

Naglakad sila nang buong gabi sa loob ng pabagu-bagong panahon, sa panaka-nakang ulan. Sa loob ng nakakabiglang madaling-araw natagpuan nila ang kanilang sarili na malapit sa isang napaka maralitang nayon, na ang maputik na mga kabahayan nito ay nasa malapit sa ilog. Ang ilog ay mas makitid kaysa ito ay sa piyordo. Ang ilan na mga bangka ay isinadsad hanggang sa layo ng mga kabahayan upang maprotektahan ito sa baha.

Si Pedro ay sumigaw: «Hoy!»

Ang isang maskuladong lalaki ay lumabas mula sa isang kubo. «Ano ang kailangan ninyo?»

«Mga bangka upang makatawid.»

«Imposible. Ang baha ay mapanganib-na-mapanganib... Ang agos...»

«Hoy ikaw! Sinasabi mo ba sa akin? Ako ay isang mangingisda mula sa Galilee.»

«Ang dagat ay isang bagay... ngunit ito ay isang ilog... Ayaw kong mawala sa akin ang aking bangka. Maging ano pa man... Iisa lamang ang aking bangka at kayo ay napakarami.»

«Ikaw na sinungaling! Sinasabi mo ba sa akin na iisa lamang ang iyong bangka?»

«Mabulag sana ako kung ako ay nagsisinungaling, ako...»

«Mag-ingat baka nga maging bulag ka. Ito ay ang Rabbi mula sa Galilee Na nagbibigay ng paningin sa mga bulag at mapagbibigyan ka na maging bulag...»

«O! Maawa! Ang Rabbi! Patawarin ako, Rabboni!»

«Oo, pinatatawad kita. Ngunit hindi ka dapat kailanman magsinungaling. Mahal ng Diyos ang sinsirong mga tao. Bakit sasabihin na iisa lamang ang iyong bangka kung ang buong nayon ay mapasisinungalingan ka? Ang magsinungaling at ang mabisto ay isang malaking kahihiyan para sa tao! Maibibigay mo ba sa Akin ang iyong mga bangka?»

«Lahat iyon, Guro.»

«Ilan ang kailangan nating, Pedro?»

«Sa pangkaraniwan ang dalawa ay magiging sapat na. Ngunit na ang ilog nasa pagbaha mas mahirap imanyobra ang mga bangka at mangangailangan tayo ng tatlo.»

«Kunin ito, mangingisda. Ngunit papaano ko ito makukuha muli?»

«Sumakay ka sa isa rito. Wala ka bang mga anak na lalaki?»

«Mayroon akong isa, dalawang manugang na mga lalaki at ilan na mga apong lalaki.»

«Dalawa sa bawat isang bangka ay sapat na na maibalik ito.»

«Tayo na.»

Ang mamâ ay tinatawag ang iba pa at sa tulong nina Pedro, Andres, Santiago at Juan tinutulak nila ang mga bangka sa ilog. Ang agos ay malakas at nagbabantang tangayin ang mga bangka. Ang mga lubid na pumipigil sa mga bangka nakatali sa mga puno ng kahoy ay kasing hikit ng mga pana at umiingit sa banat. Si Pedro ay tumitingin. Tinitingnan niya ang mga bangka, ang ilog at iniiling ang kanyang ulo, kinukusot niya ang kanyang mapuputing buhok at tumitingin nang may pagtatanong kay Jesus.

«Natatakot ka ba, Pedro?»

«Bueno!... halos...»

«Huwag matakot. Manampalataya. At ikaw din, lalaki. Ang nagdadala sa Diyos at sa Kanyang mga mensahero ay hindi kailangan na matakot. Sumakay tayo sa mga bangka. Pupunta Ako sa pinaka-una.»

Ang may-ari ay nagpapakita ng pagkilos ng pagpapaubaya. Maaaring iniisip niya na ang katapusan ng kanyang mga kamag-anak at ang kanya ay dumating na. Maaaring iniisip man lamang niya ang mawala ang kanyang mga bangka o hahantong ito sa kung sino ang nakaaalam.

Si Jesus ay nasa loob na ng bangka. Siya ay nakatayo sa unahan. Ang lahat na iba pa ay sumakay, ang ilan sa parehong bangka, ang iba sa dalawang iba pa. Tanging isang matandang lalaki ang nananatili sa dike, baka isang katulong, binabantayan ang mga lubid.

«Lahat na ba tayo nakasakay?»

«Oo, lahat.»

«Nakahanda na ba ang mga sagwan?»

«Handa na.»

«Pakawalan ang mga lubid, ikaw, na nasa pampang.»

Ang matanda ay pinakawalan ang mga lubid sa mga kapirasong kahoy na pumipigil sa mga ito  nakatali ang mga dulo sa isang punungkahoy. Nang ang mga bangka ay nakawala, ito ay tumagilid nang sandali pagawing timog papalapit sa gitna ng agos.

Ngunit ang kapangyarihan ng himala ay nagniningning sa mukha ni Jesus. Kung ano ang Kanyang sinasabi sa ilog ay hindi ko alam. Alam ko na ang agos ay halos tumigil. Ang Jordan ay umaagos nang dahan-dahan katulad ng kung ito ay wala sa pagbaha. Ang mga bangka ay natawid ang ilog nang walang anumang kahirapan, hindi lang iyan, bagkus napakabilis na ang may-ari ay nagtataka.

Sila ay nasa kabila na ngayon. Sila ay bumaba nang walang hirap at ang agos ay hindi nagbabantang iagos nang palayo ang mga bangka kahit na kung ang mga sagwan ay walang ginagawa.

«Guro, nakikita ko na Kayo ay totoong makapangyarihan» sabi ng may-ari ng mga bangka. Pagpalain ang Inyong lingkod at alalahanin ako, isang makasalanan.»

«Bakit makapangyarihan?»

«Eh! Iyon ay hindi basta-basta! Pinatigil Ninyo ang agos ng Jordan na nasa pagbaha!...»

«Si Joshua ay ginawa na ang himalang iyan, at mas malaki pa nga iyon, sapagkat ang tubig ng ilog ay nawala upang makaraan ang Arko...»

«At ikaw, mamâ, ay itinawid mo ang totoong Arko ng Diyos» sabi ni Judas na may sobrang tiwala sa sarili.

«Kataastaasang Diyos! Oo, pinaniniwalaan ko ito! Kayo ang totoong Mesiyas! Ang Anak ng Kataastaasang Diyos. O! sasabihin ko sa mga nakatira sa tabi ng ilog ang tungkol sa Inyong ginawa at ang nakita ko! Bumalik Kayo, Guro! Napakaraming may sakit sa aking abang nayon. Pumunta Kayo at pagalingin sila!»

«Pupunta Ako. Pansamantala magpahayag sa ngalan Ko tungkol sa pananampalataya at kabanalan upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Paalam, mamâ. Humayo sa kapayapaan. At huwag matakot tungkol sa inyong pagbabalik.»

«Hindi ako natatakot. Kung ako ay natatakot hihingin ko sa Inyo ang magkaroon ng awa sa aking buhay. Ngunit naniniwala ako sa Inyong kabutihan at ako ay aalis na walang hinihinging anuman. Paalam.»

Sumakay siya sa bangka, nagmamanyobra at umalis. Nakatitiyak siya sa kanyang sarili at nakarating kaagad sa kabila

Si Jesus, Na nananatiling walang galaw hanggang nakita Niya na siya ay nasa kabila na, ay gumagawa ng pagpapalà. Pagkatapos Siya ay umalis patungo sa daan.

Ang ilog ay nagpatuloy sa maipu-ipong agos nito... At ang lahat ay nagtatapos nang ganito.

240810/170812

 

 

 



Sunod na kabanata