Top of Form

363. Sa Templo: Ang “Ama Namin” at ang Isang Parabula Tungkol sa Tunay na mga Anak.

Enero 1, 1946, alas 6:35 n.u.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Bumangon, Maria. Ating pabanalin ang araw sa pamamagitan ng isang pahina ng Ebanghelyo. Sapagkat ang Aking Salita ay pagpapabanal. Tingnan mo, Maria. Sapagkat ang makita ang mga araw ng Kristo sa lupa ay pagpapabanal. Magsulat, Maria. Sapagkat ang magsulat tungkol sa Kristo ay pagpapabanal, sapagkat ang ulitin ang sinasabi ni Jesus ay pagpapabanal, sapagkat ang ipahayag si Jesus ay pagpapabanal, sapagkat ang turuan ang ating mga kapatid ay pagpapabanal. Isang dakilang gantimpala ang ibibigay sa iyo para sa karidad na iyan.»

--------------------

Si Jesus ay iniwan ang Ramah (bisyon ng ika 17 ng Disyembre 1945) at nasa tanawin na ng Herusalem. Siya ay nagpapatuloy, katulad ng ginawa Niya nang nakaraang taon, inaawit ang itinalagang mga salmo. Marami sa mga tao sa nagsisiksikan na daan ang lumilingon upang tingnan ang apostoladong grupo na dumaraan. Ang ilan ay binabati sila nang magalang; ang iba ay tumitingin nang patago lamang sa kanila, ngumingiti na may paggalang, at karamihan sa kanila ay babae; ang iba ay pinagmamasdan lamang sila; ang iba ay ngumingiti nang may panunuya at walang pakundangan; panghuli, ang iba ay dumaraan nang may kayabangan at nang may kitang-kitang masamang kalooban. Si Jesus ay naglalakad nang kalmante sa Kanyang pinaka magandang mga kasuutan. Katulad ng lahat Siya ay nagbihis upang pasukin ang banal na siyudad nang desente, at sasabihin ko, eleganteng nakabihis.

Si Marjiam din ay ayon sa sitwasyon sa kanyang bagong mga kasuutan sa taon na ito at siya ay naglalakad sa tabi ni Jesus, umaawit sa tuktok ng kanyang tinig, na, sa katunayan, ay medyo magaspang, dahil hindi pa ito husto sa gulang. Ngunit ang kanyang di-perpektong tono ay nawawala sa todong koro ng mga tinig ng kanyang mga kasamahan at nakakalitaw lamang ito nang kasing linaw ng mala-platang tili sa matataas na nota, na kanya pa ring naaawit sa tuluy-tuloy na tinig ng isang bata. At siya ay masaya...

Sa loob ng sandaling pagtigil sa pag-awit, habang sila ay nasa tanawin na ng Damascus Gate – ibig-sabihin kung saan sila pumapasok upang makarating nang tuwiran sa Templo – sila ay tumigil upang paraanin ang isang kahanga-hangang karabana, dahil nauukupa nito ang buong kalsada nahaharangan ang trapiko. Habang nakatigil ang marurunong na tao sa tabi ng kalsada, si Marjiam ay nagtanong: «Aking Panginoon, maaari bang magkuwento Kayo sa akin ng isa pang parabula para sa isa Ninyong anak na nasa malayo? Ibig kong idagdag iyan sa aking mga naisulat na, sapagkat sa Bethany natitiyak ko na makikita natin ang kanyang mensahero at magkakaroon tayo ng balita tungkol sa kanya. At gustung-gusto ko siyang mabigyan ng kaluguran, na aking ipinangako sa kanya at ito ang minimithi kapwa ng aming mga puso...»

«Oo, Aking anak. Tiyak na magkukuwento Ako sa iyo ng isang parabula.»

«Isang parabula na tiyak na makapagpapaginhawa sa kanya, na magagawang maintindihan niya na siya pa rin ang Inyong minamahal...»

«Gagawin Ko iyan. At magsasaya din Ako, sapagkat iyan ang magiging katotohanan.»

«Kailan Ninyo ikukuwento ito, Panginoon?»

«Hindi magtatagal. Pupunta tayong tuwiran sa Templo, ayon sa ito ay ang ating tungkulin, at Ako ay magsasalita roon bago nila Ako pigilan na magawa ito.»

«At magsasalita ba Kayo para sa kanya?»

«Oo, anak.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon! Maaaring napakasakit na mapahiwalay nang ganito...» sabi ni Marjiam, na ang kaninong maiitim na mata ay nagsisimula nang magningning gawa ng mga luha. Nagpatong si Jesus ng isang kamay sa kanyang ulo at tumalikod upang kawayan ang Labindalawa na lumapit at magpatuloy na muli. Ang Labindalawa, sa katunayan, ay tumigil upang makinig sa ilang mga tao, hindi ko alam kung sila ay naniniwala sa Guro o nananabik na makilala Siya, at sila ay nakatigil dahil sa rason na siyang nagpatigil din kay Jesus at sa Kanyang mga apostol sa tabi ng kalsada.

«Kami ay darating, Guro. Pinakikinggan namin ang mga taong iyon na kabilang sa kanila ay ang ilang mga proselito na mga nanggaling pa sa malayo, at tinatanong nila kami kung saan nila Kayo matatagpuan» sabi ni Pedro lumalapit sa Kanya.

«Bakit ibig nila Akong matagpuan?»

At si Pedro, ngayon nasa tabi na ni Jesus Na naglalakad na muli, ay nagsabi: «Ibig nila Kayong mapakinggan na nagsasalita at mapagaling mula sa ilang mga sakit. Nakikita ba Ninyo ang nakakiling na kariton na iyon, sa likuran nila? May ilang mga proselito mula sa Diaspora sa loob niyan, na mga naparito sa pamamagitan ng dagat o mula sa malalayong bansa, napilitan na gawin ang paglalakbay na ito gawa ng kanilang pananampalataya sa Inyo, bukod sa kanilang paggalang para sa Batas. Ang ilan ay mula sa Ephesus, ang ilan mula sa Perga, ang ilan mula sa Iconium at may isang kaawa-awang mamâ mula Philadelphia, na kanilang tinanggap sa kanilang kariton, karamihan sa kanila bilang mayayaman, dala ng awa, umaasa dahil diyan na makuha nila ang pabor ng Panginoon.» `

«Marjiam, lakad at sabihin sa kanila na sundan Ako sa Templo. At magkakaroon sila kapwa ng kalusugan para sa kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng Aking salita at kalusugan sa kanilang mga katawan, kung magkakaroon sila ng pananampalataya.»

Ang bata ay umalis kaagad nang mabilis. Ngunit ang Labindalawa ay nagtaas ng isang sabay-sabay na di-pagsang-ayon dahil sa “kawalang-kahinahunan” ni Jesus, Na ibig na magawa ang Kanyang Sarili sa Templo na kapuna-puna...

«Tayo ay pupunta roon lalo na upang ipakita na hindi Ako natatakot. Upang patunayan sa kanila na walang anumang pananakot ang makagagawa sa Akin na labagin Ko ang panuntunan. Hindi pa ba ninyo naiintindihan ang kanilang pandaraya? Ang lahat ng kanilang mga pananakot, ang lahat ng kanilang tila mapagkaibigan na payo ay para lamang magawa Ako na magkasala, upang sila ay sana magkaroon ng tunay na bintang laban sa Akin. Huwag maging mga duwag. Manampalataya. Ang Aking oras ay hindi pa dumarating.»

«Ngunit bakit hindi Kayo pumupunta at tiyakin muna muli sa Inyong Ina? Siya ay naghihintay para sa Inyo...» sabi ni Judas Iskariote.

«Hindi. Pupunta muna Ako sa Templo, na hanggang sa itinakdang sandali ng Eternal na Ama para sa bagong panahon, ay ang Bahay ng Diyos. Ang Aking Ina ay hindi masyadong maghihirap sa paghihintay sa Akin kaysa sa ipaghihirap Niya, nalalaman na Ako ay nagtuturo sa Templo.  At sa gayon pinararangalan Ko ang Aking Ama at Ina, sa pag-aalay ng Aking pinaka unang oras sa Herusalem sa Una, at sa pagkakaloob ng katiwasayan sa Huli. Tayo na at huwag matakot. Ang mga natatakot ay makapupunta sa Gethsemane at halimhiman doon ang kanilang takot kasama ang mga babae.»

Ang mga apostol, nasermunan ng huling mga salitang ito, ay hindi na nagsasalita. Sila ay pumila, sa tatluhang tao bawat hanay maliban sa harapan na hanay, kung saan naroroon si Jesus, kung saan sila ay apat na katao, at nang dumating si Marjiam sila ay naging lima, at sa katunayan sina Tadeo at ang Zealot ay ipinuwesto ang kanilang sarili sa likuran ni Jesus, iniiwan Siya sa gitna nina Pedro at Marjiam.

Sa Damascus Gate nakita nila si Manaen. «Panginoon, naisip ko na mas mabuti pa para sa akin na pumarito at alisin ang bawat pagdududa tungkol sa sitwasyon. Matitiyak ko sa Inyo na walang panganib para sa Inyo, maliban sa masamang kalooban ng mga Pariseo at mga eskriba. Makapagpapatuloy Kayo nang walang kahit anuman na takot.»

«Alam Ko, Manaen. Ngunit nagpapasalamat Ako sa iyo. Sumama ka sa Templo sa Akin. Kung ito ay hindi pabigat sa iyo...»

«Pabigat?  Lalabanan ko ang buong mundo para sa Inyo? Gagawin ko ang kahit ano!»

Ang Iskariote ay bumulong ng kung ano.

Si Manaen ay lumingon nang nagdaramdam. Sinabi niya sa isang matatag na tinig: «Hindi, mamâ, iyon ay hindi lamang mga “salita”. Hinihingi ko sa Guro na patunayan ko ang aking katapatan.»

«Wala nang pangangailangan, Manaen. Tayo na.»

Sila ay nagpatuloy sa pagitan ng humaharang na mga pulutong at nang sila ay makarating sa bahay ng ilang mga kaibigan, ibinaba nila ang kanilang mga sako, na iniiwan nina Santiago, Juan at Andres sa katauhan ng lahat sa isang mahabang madilim na bulwagan, at pagkatapos sumama sila sa kanilang mga kasamahan.

Pinasok nila ang bakuran ng Templo dumaraan sa Antonia. Ang mga sundalong Romano ay nagmamasid ngunit hindi sila gumagalaw, naguusap-usap sila sa mabababang tinig. Si Jesus ay tumitingin kung mayroon Siyang nakikilala sa kanila. Ngunit hindi Niya nakikita si Quintilian o si Alexander, ang sundalo.

Ngayon sila ay nasa Templo na, sa loob ng hindi masyadong sagradong pulutong ng unang mga bakuran, kung saan naroroon ang mga mangangalakal at mga tagapalit ng pera. Si Jesus ay tumitingin at nanginginig na may pagkasuklam. Namutla Siya at naglakad nang makahari na tila Siya ay mas mataas tingnan.

Ang Iskariote ay sinusulsulan Siya: «Bakit hindi Ninyo ulitin ang banal na pagkilos? Kita Ninyo? Nakalimutan na nila... at may panlalapastangan pa rin sa loob ng Bahay ng Diyos. Hindi ba Kayo nalulungkot diyan? Hindi ba Kayo mag-aalsa laban sa kanila?» Ang madilim na guwapong mukha ni Judas, na kakatwa at huwad sa kabila ng bawat pagsisikap na maitago ito, ay tuso pa nga, habang sinasabi niya ang mga salitang iyon, yumuyuko nang kaunti, na tila siya ay nagbibigay ng pagpipitagan, tinitingnan si Jesus nang pataas at pababa..

«Hindi ito ang oras. Ngunit ang lahat na iyan ay malilinis. At magpasawalanghanggan!...» sabi ni Jesus nang may paninindigan.

Si Judas ay ngumingiti nang kaunti at  nagpasaring: «Ang “magpasawalanghanggan” ng mga tao!! Hinding-hindi ito tiyak, Guro! Nakikita Ninyo!...»

Si Jesus ay hindi tumutugon sa kanya, abalang katulad Niya sa pagbati mula sa malayo kay Jose ng Arimathea, na dumaraan nababalot ng mararangyang kapa, sinusundan ng iba pang mga tao.

Binigkas nila ang ritwal na mga panalangin at pagkatapos bumalik sila sa Court of the Gentiles, na sa ilalim ng mga balkon nito maraming tao ang nag-iipun-ipon.

Ang mga proselito, na natagpuan kanina sa kalsada, ay laging nakasunod kay Jesus. Isinama nila ang mga maysakit at kanila na silang naipuwesto sa ilalim ng lilim ng mga balkon, malapit kay Jesus. Ang kanilang mga kababaihan, na kanina pa naghihintay sa kanila rito, ay ngayon lumalapit na nang unti-unti. Sila ay mga nakabelo. Ngunit ang isa ay nakaupo na, baka dahil masama ang kanyang nararamdaman, at ang kanyang mga kasamahan ay inilapit siya sa mga may sakit na tao. Mas marami pang mga tao ang nagsisiksikan sa paligid ni Jesus. Nakikita ko na may pagkamangha at kalituhan sa pagitan ng mga grupo ng mga rabbi at mga pari dahil sa lantaran na pagdating at pagpapahayag ni Jesus.

«Kapayapaan sa inyo, sa bawat isa sa inyo na nakikinig sa Akin! Ang Banal na Paskuwa ay dinadala ulit ang matatapat na anak sa Bahay ng Ama. Ang banal na Paskuwa natin na ito ay katulad ng isang ina na iniisip ang kapakanan ng kanyang mga anak at tinatawag sila sa tuktok ng kanyang tinig, na sila ay pumunta mula sa kung saan-saang lugar iniiwan ang lahat na bagay na nakabinbin para sa mas dakilang bagay. Ang tanging dakila at importanteng bagay: ang maparangalan ang Panginoon at Ama. Mula diyan naiintindihan natin na tayo ay magkakapatid, at ang kautusan at pangangalagang mahalin ang ating kapwa bilang ating sarili mismo ay diyan din nanggagaling, sa pamamagitan ng nakakaunawang pagsaksi. Hindi pa ba tayo nagkita dati? Hindi ba tayo nagkakilala? Hindi. Ngunit tayo ay naririto, dahil tayo ay ang mga anak ng Isang Ama Na gusto tayo na nasa loob ng Kanyang Bahay para sa Bangkete ng Paskuwa, kung gayon, pakiramdam natin, kung hindi sa pamamagitan ng ating materyal na mga pandama, bagkus tiyak sa pamamagitan ng ating mas superyor na bahagi, na tayong lahat ay magkakapareho, lahat magkakapatid, na nanggaling sa Isa lamang, at kung gayon minamahal natin ang isa’t isa, na tila tayo ay pinalaking magkakasama. At ang ating pagsasama-sama sa pagmamahal ay isang antisipasyon ng isa pang pagsasama-sama na mas perpektong pagsasama-sama na ating kalulugdan sa Kaharian ng Langit, sa ilalim ng mga mata ng Diyos, ang lahat niyayakap ng Kanyang Pagmamahal: Ako Anak ng Diyos at ng Tao, kasama kayo mga tao, mga anak ng Diyos; Ako, ang Panganay na Anak, kasama kayo, mga kapatid na minamahal nang higit pa sa lahat na sukat na pantao, hanggang sa Ako ay naging ang Kordero para sa mga kasalanan ng mga tao.

Ngunit habang kinalulugdan natin ang ating pangkapatiran na pagsasama-sama sa loob ng Bahay ng Ama, ating isipin ang ating mga kapatid na nasa malayo, ngunit ating mga kapatid pa rin: sa Panginoon o sa pamamagitan ng kanilang pinanggalingan. Gawin silang nasa loob ng ating mga puso. Gawing dalhin natin ang wala ritong mga kapatid sa loob ng ating mga puso sa banal na altar. Tayo’y manalangin para sa kanila, iniipon ang kanilang malalayong tinig sa loob ng ating espiritu, kasama  ang kanilang pag-asam na mapunta rito. At habang iniipon natin ang batid na pag-asam ng malayong mga Israelita, atin ding ipunin ang pag-asam ng mga kaluluwa na nasa mga tao, na hindi nag-aalam ng pagkakaroon ng isang kaluluwa at ng pagiging mga anak ng Isang Ama lamang. Ang lahat na mga kaluluwa sa mundo ay sumisigaw sa Kataastaasan mula sa mga kulungan ng kanilang mga katawan. Sa loob ng madidilim na kulungan dumadaing sila nakatuon sa Liwanag. Tayo ay maawa sa kanila, dahil tayo ay nasa liwanag ng totoong Pananampalataya.

Tayo’y magdasal: Ama namin, Na nasa Langit, harinawang tingnang banal ng lahat ng sangkatauhan ang Inyong Pangalan! Ang malaman ito ay ang maglakad patungo sa kabanalan. Gawin ang mga Hentil at ang mga pagano na malaman ang Inyong pagiging-naririto, o Banal na Ama, at gawin silang lumapit sa Inyo, Ama, katulad ng tatlong mago ng mga nakaraan nang araw na ngunit hindi na walang-nagagawa, sapagkat wala ng nagpapatungkol sa pagdating ng Panunubos ng mundo ang walang-nagagawa, gawin silang lumapit sa Inyo ginagabayan ng Tala ni Jacob, ng Tala sa Umaga, ng Hari at Tagapagtubos ng lahi ni David, ng Anak Na Inyong Pinahiran ng Langis, Na naihandog na at naikonsagra na na maging ang Biktima para sa mga kasalanan ng mundo.

Gawin ang Inyong Kaharian na makarating sa bawat lugar sa lupa kung saan Kayo kilala at minamahal, at kung saan hindi pa Kayo nakikilala. At higit sa lahat gawin itong makarating sa tatlong-beses na mga makasalanan, na nakakakilala Inyo ngunit hindi Kayo minamahal sa Inyong mga gawa at pagpaparamdam ng Liwanag, at nagsisikap na tanggihan at sakalin ang Liwanag na dumating sa mundo, sapagkat sila ay mga kaluluwa ng kadiliman, na mas gusto pa ang mga gawa ng kadiliman at hindi nagmamalay na ang sakalin ang Liwanag ng mundo ay ang saktan Kayo, sapagkat Kayo ang Kabanal-banalang Liwanag at ang Ama ng lahat ng mga liwanag, mula sa Isa na naging Laman at Salita upang dalhin ang Inyong Liwanag hanggang sa mga tao ng mabubuting kalooban.

Harinawang ang Inyong Kalooban, Kabanal-banalang Ama, ay gawin ng bawat puso sa mundo, ibig-sabihin, harinawang ang bawat puso ay maligtas, at gawin na walang maiwan na wala ng bunga ng Sakripisyo ng Dakilang Biktima, sapagkat iyan ang Inyong Kalooban: na ang tao ay maligtas at sana kalugdan Kayo, Banal na Ama, dahil sa kapatawaran na malapit nang ipagkaloob.

Ibigay Ninyo sa amin ang Inyong tulong, o Panginoon, lahat ng Inyong tulong. At ibigay ito sa mga naghihintay para rito, sa mga hindi nagmamalay na hinihintay nila ito, ibigay ito sa mga makasalanan na may pagsisisi na nagliligtas, ibigay ito sa mga pagano sa pamamagitan ng puwersa ng Inyong nanggigising na tawag, ibigay ito sa mga di-masasayang tao, sa mga preso, sa mga naipatapon, sa mga tao na ang katawan o mga espiritu ay may sakit, ibigay ito sa lahat, dahil Kayo ay Lahat, at dahil ang panahon ng Awa ay dumating na.

Patawarin, o Mabuting Ama, ang mga kasalanan ng Inyong mga anak. Patawarin ang mga kasalanan ng Inyong sambayanan, na siyang pinakamabigat, mga kasalanan ng nagugustong magpatuloy sa kanilang pagkakamali, bagaman ang Inyong kagustuhan ay ibigay ang Liwanag sa sambayanan lamang na ito. At patawarin ang pinaglupitan ng tiwaling paganismo na nagtuturo ng bisyo, at nalunod sa idolatriya ng gayong makitid na mabahong pagiging di-binyagan, yayaman din lamang na may mahahalagang kaluluwa sa pagitan nila, na Inyong minamahal bilang nilikha Ninyo sila. Kami ay nagpapatawad, Ako ang unang nagpapatawad, upang Kayo sana ay magpatawad, at nagmamakaawa kami para sa Inyong proteksiyon sa kahinaan ng mga tao, na sana mapalaya Ninyo ang Inyong mga nilikha mula sa Prinsipyo ng Kasamaan, mula kung kanino ang lahat na krimen, idolatriya, mga kasalanan, mga panunukso at mga pagkakamali ay nanggagaling. Palayain sila, o Panginoon, mula sa nakapangingilabot na Prinsipe, upang sila ay sana pumunta sa Inyong eternal na Liwanag.»

Ang pulutong ay sinundan nang may malaking pagpansin ang taimtim na panalanging ito. Ang sikat na mga rabbi ay lumapit din sa grupo at kasama rito ay naroroon si Gamaliel, hawak-hawak nang nag-iisip ang kanyang may balbas na baba... Ang isang grupo ng mga kababaihan ang lumapit din sa kanila, nakasuot sila ng mga manta na may isang uri ng panaklob sa ulo na nagtatakip sa kanilang mga mukha. At ang mga rabbi ay umalis nang may kayabangan... Maraming matatapat na disipulo ang nagmadali roon nang napakinggan na ang Guro at dumating; kasama rito ay sina Hermas, Stephen, si Juan ang pari, pagkatapos si Nicodemus at si Jose, ang hindi maihihiwalay na dalawa, at maraming mga kaibigan nila, na sa palagay ko nakita ko na dati.

Sa sandaling pagtigil pagkatapos ng panalangin ng Panginoon, Na nabubuhos sa pag-iisip, tumitingin nang labis na mabalasik, napakinggan si Jose ng Arimathea na nagsabing: «Bueno, Gamaliel? Hindi mo pa ba maisip na ito ang salita ng Panginoon?»

«Jose, ako ay nasabihan: “Ang mga batong ito ay kakalog sa tunog ng Aking mga salita”» tugon ni Gamaliel.

Si Stephen ay sumigaw nang padalus-dalos: «Gawin ang himala, o Panginoon! Ibigay ang utos, at sila ay babagsak! Iyan ay magiging isang dakilang regalo, kung ang gusali ay bumagsak at ang mga pader ng Inyong Pananampalataya ay tumaas sa loob ng kanilang mga puso! Gawin iyan para sa aking guro!»

«Lapastangan!» sigaw ng isang galít na grupo ng mga rabbi kasama ang kanilang ilang mga iskuwela.

«Hindi» sigaw naman ni Gamaliel. «Ang aking disipulo ay nakapagsalita ng may patnubay ng Langit. Ngunit hindi natin ito matanggap sapagkat ang Anghel ng Diyos ay hindi pa tayo nalilinis ng ating nakaraan sa pamamagitan ng buháy na baga na kinuha mula sa Altar ng Diyos... At baka, kahit na kung ang sigaw ng Kanyang tinig» at tinuturo niya si Jesus «ay matanggal nito ang mga bisagra ng mga pintuan na ito, hindi pa tayo makapaniniwala...» Itinaas niya ang laylayan ng kanyang malapad na niyebeng-kaputian na manta at isinuklob ito sa kanyang ulo, halos natatakpan ang kanyang mukha, at umalis.

Si Jesus ay pinagmamasdan siyang umaalis... Pagkatapos ipinagpatuloy Niya ang pagsasalita at tumutugon sa ilang mga tao na pabulung-bulong sa kanilang mga sarili at tila naiskandalo at upang magawang mas kitang-kita ang kanilang pagka-iskandalo, tinatambakan nila si Judas ng Kerioth ng mga insulto, na tinatanggap naman nito nang hindi gumaganti, bagkus ikinikibit ang kanyang mga balikat na may di-nasisiyahang hitsura.

Sinasabi ni Jesus:

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang tila mga anak-sa-labas ay sa halip ang tunay na mga anak, at ang tunay na mga anak ay nagiging mga anak-sa-labas. Makinig sa parabulang ito.

Minsan ay may isang lalaki na kinailangan na umalis sa tahanan nang matagal dahil sa ilang mga pangangailangan sa pangangalakal, nang ang kanyang mga anak ay maliliit pa. Mula sa lugar na kanyang napuntahan, madalas siyang magsulat sa nakatatandang mga anak upang mapanatili silang may paggalang sa kanilang ama, na nasa malayo, at upang mapaalalahanan sila ng kanyang tinuturo. Ang bunsong anak, na ipinanganak nang makaalis ang ama, ay nasa pangangalaga pa ng isang nars na isang babaeng dating naninirahan sa malayo, sa bayan ng asawa ng lalaki na hindi niya kalahi. Ang asawa ng lalaki ay namatay nang ang bunso ay isa pa lamang sanggol at malayo sa kanilang tirahan. Ang mga kapatid ng bunso ay nagsabi: “Iwanan natin siya sa kanyang kinaroroonan, sa mga kamag-anak ng ating ina. Baka ang ating ama ay makalimutan siya at makikinabang tayo dahil diyan, dahil mababawasan ng isa ang maghahati-hati sa ari-arian, kapag mamatay ang ating ama”. At ginawa nila ito. Ang bunso kung gayon ay pinalaki ng mga kamag-anak ng ina, wala siyang nalalaman tungkol sa mga itinuturo ng kanyang ama, ni hindi niya nalalaman na siya ay may ama at mga kapatid at, ang malala pa, mapait niyang iniisip: “Lahat sila ay ipinagkaila ako na tila ako ay anak-sa-labas”, at iniisip pa nga niya na siya ay anak nga sa labas, dahil masakit-na-masakit ang kanyang loob na siya ay tinanggihan ng kanyang ama.

Nagkataon na nangyari na nang siya ay lumaki at nakita ang sarili sa isang sitwasyon dahil, napasamâ ang loob katulad niya gawa ng mga konsiderasyon na nabanggit, nagkaroon siya ng isang malakas na pagkamuhi din para sa pamilya ng kanyang ina, na kanyang iniisip na may pagkakasala ng pakikiapid – pumunta siya sa bayan na kinaroroonan dati ng kanyang ama. At hindi nalalaman ng ama kung sino siya, nilapitan niya ang kanyang ama at nagkaroon siya ng pagkakataon na mapakinggan ang ama na magsalita. Ang kanyang ama ay isang marunong na tao. Sa dahilan na siya ay hindi nakatatanggap ng kahit anong kasiyahan mula sa kanyang mga anak na nasa malayo – na ngayon ay mga kumikilos nang naaayon sa kung ano ang makapagpapaligaya sa kanila at nasa kinaugalian ng pakikipag-ugnayan sa kanilang nasa-malayong ama, upang mapaalalahanan lamang siya na sila ay “kanyang” mga anak at kung gayon kailangan na tandaan niya ito sa kanyang testamento ng pamana, ang matandang ama ay iniukol ang sarili sa pagbibigay ng mabuting payo sa mga kabataan na kanyang nalalapitan sa lugar ng kanyang kinaroroonan. Ang bunsong anak ay naakit ng gayong pagkamakatarungan, na napaka-makaama para sa maraming kabataan at hindi lamang niya nilalapitan ang matanda bagkus ginagamit niya para sa kanyang sarili ang bawat salita niya, kung gayon napagiginhawahan ang kanyang nasaktang espiritu. Ang matanda ay nagkasakit at kinailangan na magpasyang bumalik sa kanyang amangbayan. At ang binata ay nagsabi sa kanya: “Ginoo, kayo lamang ang tanging tao na nagsalita sa akin nang may katarungan, nagtataas sa aking espiritu. Pahintulutan ninyo ako na sundan kayo bilang inyong lingkod. Ayaw ko nang bumalik sa aking dating masakit na nararamdaman”. “Sumama ka sa akin. Kukunin mo ang lugar ng isang anak, na ang tungkol sa kanya ay hindi ko nababalitaan.” Sila ay bumalik nang magkasama sa paternal na tahanan.

Walang nalalaman ang ama, ni ang mga kapatid na lalaki, o ang bunso mismo na ang Panginoon ay pinagsama-samang muli ang mga tao ng iisang dugo sa ilalim ng isang bubungan. Ngunit ang ama ay kinailangan na lumuha nang marami dahil sa mga anak na kilala niya, sapagkat natuklasan niya na nakalimutan nila ang kanyang itinuturo, sila’y naging sakim at matigas ang mga puso, walang pananampalataya sa Diyos, bagkus napakaraming idolatriya sa kanilang mga puso: pagmamalaki, kasakiman sa pera at kasakiman sa kanilang mga diyos at sila'y hindi nakikinig sa kahit na ano kung ito’y hindi pagkakakitaan. Ang estranghero, ang bunso, sa halip, ay lumalapit pa nang lumalapit sa Panginoon, at siya ay naging makatarungan, mabait, mapagmahal at masunurin. Ang kanyang mga kapatid ay kinapopootan siya, sapagkat siya ay minamahal ng kanilang ama, bagama't siya ay isang estranghero. Ngunit pinatatawad niya sila at minamahal, sapagkat naintindihan niya na ang kapayapaan ay matatagpuan sa pagmamahal.

Isang araw ang ama, na nasusuklam sa asal ng kanyang mga anak, ay nagsabi: “Hindi kayo nagka-interes sa mga kamag-anak ng inyong ina, ni sa inyong kapatid. Napa-aalalahanan ninyo ako ng tungkol sa asal ng mga anak ni Jacob sa kanilang kapatid na si Jose. Ibig kong pumunta sa bayan na iyon upang alamin ang tungkol sa kanya. Baka makita ko siya at mapaginhawahan niya”. At iniwan niya ang kanyang mga anak na kilala niya at ang binatang estranghero, na kanyang binigyan ng ilang pera na sana siya ay bumalik sa lugar na kanyang pinanggalingan at makapagsimula ng isang maliit na negosyo roon.

Nang siya ay makarating sa bayan ng kanyang patay na asawa, ang mga kamag-anak ng kanyang asawa ay nagsabi na ang napabayaan na anak ay nagpalit ng pangalan mula sa pagiging si Moses ngayon siya ay si Manasseh, sapagkat gawa ng kanyang kapanganakan totoong nagawa niya ang kanyang ama na makalimutan na siya ay dating makatarungan, dahil nga inabandona niya ang kanyang anak.

“Huwag ninyo akong masamain! Nasabihan ako na lahat na bakas tungkol sa bata ay nawala, ni hindi na nga ako umaasa na matatagpuan ko ang kahit sino sa inyo. Ngunit sabihin sa akin. Ano ang katulad niya? Siya ba ay lumaking isang malakas na lalaki? Katulad ba niya ang kanyang ina na namatay sa panganganak sa kanya? Mabait ba siya? Minamahal ba niya ako?”»

“Siya ay malakas, nga, at kasing ganda niya ang kanyang ina, ngunit ang kanyang mga mata ay madilim. At sa kanyang tagiliran may bálat siya katulad ng kanyang ina. At mayroon siyang kaunting pagkabulol, katulad mo. Malaki na siya nang siya ay umalis dito, mapait ang kalooban dahil sa kanyang kapalaran, dahil pinagdududahan niya ang kahinhinan ng kanyang ina at masama ang kanyang loob sa iyo. Naging mabait sana siya kung hindi nagkaroon ng masamang damdamin ang kanyang kaluluwa. Tinawid niya ang mga bundok at mga ilog hanggang sa layo ng Trapetius patungo sa...”

“Sinabi mo ba Trapetius? Sa Synopy? Sabihin mo sa akin! Ako ay naroroon at may natagpuan akong isang binata na may kaunting pagkabulol, siya ay nag-iisa at malungkot, at napakabait niya bagama't tila siya kung baga magaspang. Siya ba iyon? Sabihin sa akin!”

“Baka siya nga. Hanapin siya. Sa kanyang kanang tagiliran siya ay may maitim na bálat na nakaulbok, katulad na mayroon ang iyong asawa”.

Ang mamâ ay umalis kaagad, umaasang makita ang estranghero sa kanyang bahay. Ngunit siya  ay nakaalis na upang bumalik sa kolonya ng Synopy. At ang mamâ ay sinundan siya... natagpuan niya siya. Ginawa niyang makapunta siya sa bahay upang siya ay kanyang matingnan. Nakilala niya siya. Napaluhod siya upang papurihan ang Diyos Na nagbalik sa kanyang anak sa kanya, isang anak na labis na mas mabuti kaysa sa iba na nagiging mas lalo pang makahayop, samantalang ang isang ito ay mas lalu’t lalo pang nagiging banal sa loob ng mga buwan na namagitan. At sinabi niya sa kanyang mabuting anak: “Mapapasaiyo ang bahagi ng iyong mga kapatid sapagkat, nang walang nagmamahal sa iyo na sinuman, ikaw ay naging mas lalu’t lalo pang makatarungan kaysa sa kanila”.

Hindi ba’t makatarungan iyon? Makatarungan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na tunay na mga anak ng Diyos ang mga tao na, bagama't tinatalikuran ng mundo, kinamumuhian, kinapopootan, iniinsulto, pinababayaan na tila sila ay mga anak-sa-labas, tinitingnan na kahiya-hiya at kalamidad, ay nakaaalam kung papaano malampasan ang mga anak na lumaki sa tahanan ngunit nagrerebelde laban sa mga batas nito. Ang katotohanan na ang isa ay nagmula sa Israel ay hindi nagbibigay ng karapatan sa isa na makapasok sa Langit, ni hindi ginagarantiyahan ang kapalaran na ito ng katunayan na ang isa ay isang Pariseo, isang eskriba o isang dalubhasa. Kinakailangan na magkaroon ng mabuting kalooban at sundan nang walang-karamutan ang Doktrina ng pagmamahal, nagiging bago rito at mga anak ng Diyos sa espiritu at katotohanan sa pamamagitan nito.

Kayo, na mga nakikinig sa Akin, ay kailangan na tandaan na marami sa Israel na ang pakiramdam sila'y ligtas ang mapapalitan ng mga tao na kanilang tinitingnan na mga publikano, mga Hentil, mga pagano at mga alipin sa galera. Ang Kaharian ng Langit ay pag-aari ng mga taong nakapagbibigay ng bagong sigla at pananampalataya sa kanilang mga buhay tinatanggap ang Katotohanan at Pagmamahal.

Si Jesus ay tumalikod at pinuntahan ang grupo ng mga may-sakit na mga proselito. «Makapaniniwala ba kayo sa sinabi Ko?» Nagtatanong Siya sa malakas na tinig.

«Oo, Panginoon!» tumugon sila nang sabay-sabay.

«Ibig ba ninyong tanggapin ang Katotohanan at Pagmamahal?»

«Oo, Panginoon.»

«Kung bibigyan Ko kayo ng walang iba bagkus iyan, makukontento na ba kayo?»

«Panginoon, nalalaman Ninyo ang aming lubos na kinakailangan. Ibigay Ninyo sa amin ang Inyong kapayapaan at eternal na Buhay higit sa lahat.»

«Tumayo kayo at humayo at purihin ang Panginoon! Kayong lahat ay magaling na sa banal na Pangalan ng Diyos.»

At mabilis na ibinaling Niya ang Kanyang paghakbang patungo sa pinakamalapit na geyt, humahalo sa pulutong na nag-ipun-ipon sa Herusalem, bago ang pananabik at pagkamangha maging isang deliryo ng paghahanap para sa Kanya. 

Ang natarantang mga apostol ay nawala sa kanilang paningin si Jesus. Tanging si Marjiam lamang, na hindi kailanman pinakawalan ang kanyang pagkakahawak sa laylayan ng manta ni Jesus, ang tumatakbong masaya sa tabi Niya at nagsabi: «Salamat nang marami sa Inyo, Guro! Salamat, sa katauhan ni Juan! Isinulat ko ang lahat habang Kayo ay nagsasalita. Idadagdag ko na lamang ang himala. O! Napakaganda nito! Para lamang sa kanya! Magagawa siya nitong napakasaya!...»

010910/051012

 




Bottom of Form

 



Sunod na kabanata