365. Mga Sulat Mula sa Antioch.

Enero 22, 1946.

Si Jesus ay iniwan ang Bethany kasabay ang nakasama Niya dati, ibig sabihin, si Simon Zealot at si Marjiam. Ngunit sila ay sinamahan na rin ni Anastasica, na ganap na natatakpan ng kanyang talukbong at naglalakad katabi ni Marjiam, habang si Jesus ay nasa likuran nila nang kaunti kasama si Simon. Ang dalawang pares ay naguusap habang naglalakad. Kanya-kanya ang kanilang paguusap tungkol sa kung ano ang pinakamalapit sa kanilang mga puso.

Si Anastasica ay nagsabi kay Marjiam, ipinagpapatuloy ang gayon ding paksa ng kanilang paguusap: «Gustung-gusto ko siya.» Ang babae ay baka tinutukoy si Eliza ng Bethzur. «Maniwala sa akin, ako ay hindi masyadong naantig nang ako ay nagpakasal o nang ako ay sinabihan na isang ketongin. Papaano ko siya babatiin?»

At si Marjiam na may magiliw na ngiti, na seryoso din, ay tumugon: «O! sa pamamagitan ng Kanyang totoong pangalan! Inay!»

«Ngunit hindi ko Siya kilala! Hindi ba’t labis na may kasanayan na iyan? Sa katapusan, sino ba ako, kompara sa Kanya?»

«Kung ano ako dati nang nakaraang taon. Hindi, bagkus, mas nakaka-angat kaysa sa akin noon! Ako noon ay isang kaawa-awa, marumi, takot, magaspang na maliit na ulila. Gayunpaman sa simula’t simulang sandali lagi Niya akong tinatawag na anak at Siya ay naging laging isang tunay na ina sa akin. Nang nakaraang taon ako ay nanginginig sa pananabik naghihintay upang makita Siya. ngunit nang nakita ko Siya, hindi na ako nanginginig. Hindi na ako naghihirap sa takot na nanatili sa aking dugo mula na aking makita, sa pamamagitan ng mga mata ng isang bata, ang unang kabangisan ng kalikasan na sumira nang ganap sa aking bahay at pamilya at pagkatapos... at pagkatapos, sa pamamagitan pa rin ng aking mga mata ng isang bata, kinailangan kong makita kung gaano ang tao nagiging mas malupit pa kaysa mga asong-gubat at mga bampira... At ako ay nanginig... umiyak ako... umiiyak ako lagi... at naramdaman ko rito ang isang masakit na pakiramdam ng takot, ng kapighatian, ng poot, ng lahat... sa loob ng kaunting mga buwan nalaman ko ang lahat ng kasamaan, kapighatian at kalupitan na nasa mundo... At hindi ako makapaniwala na mayroon pa rin kabaitan, pagmamahal, proteksiyon....»

«papaano? Nang kinuha ka ng Guro?!... At nang kasama mo na ang Kanyang mga disipulo, na napakabuti?!»

«Nanginginig pa rin ako noon, kapatid... at napopoot. O! nagtagal akong makumbinsi na ako ay hindi dapat na matakot... At mas matagal pa bago nagawa kong hindi kapootan ang mga nagpahirap sa aking kaluluwa sa pagpabatid dito ng kung ano maaaring maging ang isang tao: isang dimonyo nakadamit bilang isang hayop. Ang isa ay hindi maaaring maghirap na walang pang-matagalan na mga konsekwensiya, lalo na kung ang isa ay isang bata... Isang marka ang naiiwan, sapagkat ang puso ng isang bata ay malambot pa at mainit pa sa mga halik ng kanyang ina at mas lalo itong nagugutom para sa mga halik kaysa para sa tinapay. At sa halip na mga halik tumatanggap siya ng mga dagok...»

«kaawa-awang bata!»

«Oo, kaawa-awa. Napaka-kaawa-awa! Nawalan na ako ng pag-asa sa Diyos o paggalang sa mga tao... Natatakot na ako sa tao. Kahit na nang malapit ako kay Jesus o nasa mga bisig ni Pedro, ako ay natatakot... Madalas kong sabihin: “Posible ba ito? O! Hindi ito magtatagal. Mapapagod din sila sa pagiging mabuti... At hinahanap-hanap kong makasama si Maria. Ang isang ina ay laging isang ina, hindi ba? At sa katunayan, nang makita ko Siya, nang ako ay nasa mga kamay Niya, hindi na ako natatakot. Naintindihan ko na ang aking nakaraan ay tapos na at na mula sa impiyerno napunta ako sa paraiso... Nang nakita ko na ako ay kinalilimutan nila at iniiwan sa tabi, nabalisa ako sa huling pagkakataon... Lagi akong nagsususpetsa ng kalokohan. At umiyak ako. O! Gaanong mapagmahal Niya akong yayakapin kung gayon. Hindi ko na ipinagluluksa ang kamatayan ng aking ina mula nang sandaling iyon at hindi na ako nanginginig ulit... Si Maria ay kabaitan at kapayapaan para sa mga di-masayang tao...»

«At nangangailangan din ako ng kabaitan at kapayapaan...» sabi ng babae nang may buntung-hininga.

«At malapit ka nang magkaroon ng kapayapaan. Nakikita mo ba ang kaberdehan na iyon sa ibaba? Diyan iyan nakatago, sa loob ng bahay sa Gethsemane.»

«At naroroon din ba si Eliza? Ano ang aking sasabihin sa kanila. Ano ang kanilang sasabihin sa akin?»

«Hindi ko alam kung si Eliza ay naririyan. Siya ay may sakit dati.»

«O! hindi siya mamamatay?! Kung siya ay mamatay, sino ang tatanggap sa akin bilang isang anak?»

«Huwag matakot. Sinabi ni Jesus: “Magkakaroon ka ng isang ina at isang tahanan”. At iyan ang mangyayari. Lumakad tayo nang mabilis-bilis nang kaunti. Hindi ko mapigil ang aking sarili kapag ako ay malapit kay Maria.»

Binilisan nila ang kanilang mga hakbang at hindi ko na sila mapakinggan na nagsasalita.

Napuna ng Zealot na sila ay halos tumatakbo sa nagsisiksikan-sa-tao na daan at sinabi niya kay Jesus: «Nagmumukha silang magkapatid. Tingnan kung gaano sila mapagkaibiganin.»

«Si Marjiam ay mabuting kasama kahit kanino. Ito ay isang mahirap na birtud at kailangang-kailangan para sa kanyang misyon sa hinaharap. Pinangangalagaan Ko na lumago ang ganyang mabuting disposisyon sa kanya, sapagkat pakikinabangan niya iyan nang husto.»

«Sinasanay Ninyo siya ayon sa Inyong sariling panlasa. Tama ba iyon, Guro?»

«Oo. Ang kanyang edad ay nagagawa Akong magawa iyan.»

«Gayunpaman, nagawa Ninyong mahulma ang matandang Juan Felix...»

«Oo. Sapagkat hinayaan niya Akong sirain Ko siya at likhain siyang muli nang ganap.»

«Totoo iyan. Napuna ko na ang pinakamalaking mga makasalanan, kapag sila ay tumalikod, nalalampasan nila kami sa katarungan, na mga makasalanan din. Bakit?»

«Sapagkat ang kanilang pagsisisi ay proporsiyonado sa kanilang kasalanan. Napakalaki. Dahil diyan dinudurog sila sa ilalim ng bigat ng batong-panggiling ng kapighatian at kapakumbabaan. “Laging nasa aking isip ang aking kasalanan” sabi ng salmista. Nagpapanatili ito sa kanilang espiritu na maging mapagpakumbaba. Ito ay mabuting alaala kapag kinakabit sa pag-asa at tiwala sa Awa. Ang kalahating mga perpeksiyon, at kahit ang kulang pa sa kalahati, ay kadalasan tumitigil, sapagkat hindi ito pinagagalaw ng pagsisisi sa pagkakagawa ng malalaking kasalanan at ng pangangailangan na makagawa ng pagsasatama upang makapagpatuloy patungo sa totoong perpeksiyon. Nabubungkok sila katulad ng walang-galaw na mga tubig at sila ay kontento dahil ito ay malinaw. Ngunit kahit na ang pinakamalinaw na tubig ay nagiging mapasali at mabaho, maliban kung ang pag-agos ay napapadalisay ito mula sa mga butil ng alikabok at basura na dinadala ng hangin dito.»

«At hindi ba’t ang mga imperpeksiyon, na aming pinababayaang mapunta sa amin at tumatagal sa amin, ay ang alikabok at basura?»

«Oo, Simon. Kayo ay napaka tulog pa rin. Ang inyong galaw patungo sa perpeksiyon ay halos hindi makita. Hindi ba ninyo nalalaman na ang oras ay lumilipad? Hindi ba ninyo tinitingnan na sa loob ng panahon na natitira, kayo ay kailangan na magpursige na maging perpekto? Kung hindi ninyo taglay ang lakas ng perpeksiyon, na kailangang makuha sa pamamagitan ng matatag na kalooban sa loob ng natitira pang panahon, papaano ninyo lalabanan ang bagyo na dadalhin ni Satanas at ng kanyang mga tagasunod laban sa Guro at sa Kanyang Doktrina? Ang araw ay darating kung kailan kayo ay matataranta at tatanungin ninyo ang inyong mga sarili: “Bakit tayo lubos na napangingibabawan, sa kabila ng nakasama natin Siya sa loob ng tatlong taon?” Ang kasagutan ay nasa inyo, sa inyong ikinikilos! Siya na mas nagsisikap na maging perpekto sa loob ng natitirang panahon, ay mas makapananatiling matapat.»

«Tatlong taon... Kung gayon... O! aking Panginoon!... Kung gayon mawawala na ba Kayo sa amin sa susunod na tagsibol?»

«Ang mga punungkahoy na ito ay may maliliit silang bunga at matitikman Ko sila kapag sila ay mahinog. Ngunit pagkatapos ng bunga ng taon na ito, hindi Ko matitikman ang bagong bunga... Huwag kang mabahala, Simon. Ang pagkabahala ay walang nagagawa. Palakasin mo ang iyong sarili sa katarungan upang makapanatiling matapat sa nakapangingilabot na sandali.»

«Oo, gagawin ko. Sa pamamagitan ng buong lakas ko. Maaari ko bang sabihin din sa iba? Upang sila ay makapaghanda rin?»

«Oo, maaari mong sabihin. Ngunit ang mga may malakas na kalooban lamang, ang gagawa niyan.

«At papaano ang iba? Mawawala ba sila?»

«Hindi. Ngunit labis silang susubukan ng kanilang saloobin. Magiging katulad sila ng isa na nag-aakalang siya’y malakas at makikita ang sarili na naibagsak at natalo. Sila ay magtataka at mapapahiya. Mapagpakumbaba, sa wakas! Sapagkat, maniwala sa Akin, Simon, kung walang pagpapakumbaba, hindi posibleng makapagpatuloy. Ang pagmamalaki ay ang bato kung saan nakatayo ang pedestal ni Satanas. Bakit panatilihin ito sa inyong mga puso? Nakapangingilabot ba siyang isang kawili-wiling guro?»

«Hindi, Guro. Hindi siya nakapangingilabot.»

«Gayunpaman pinananatili ninyo sa inyong mga puso ang sumusuportang tukod, ang upuan para sa kanyang mga leksiyon. Kayo ay punó ng pagmamalaki. Nasa sa inyo iyan para sa lahat at para sa bawat katwiran. Nagmamalaki pa nga kayo sa pagiging “Aking mga disipulo”. Ngunit, gaanong katangahan ninyo, ang pagkukumpara ba na kung ano kayo sa Kanya Na pumili sa inyo, hindi kayo mapagaling? Hindi dahil tinawag Ko kayo, kayo ay magiging mga santo.. ito ay dedepende sa kung ano kayo pagkatapos ng Aking tawag. Ang kabanalan ay isang gusali na itinayo ng bawat isa sa pamamagitan niya mismo. Ang Karunungan ay maituturo sa kanya ang pamamaraan at plano. Ngunit nasa sa inyo na ang paggawa ng aktuwal na trabaho.»

«Totoo iyan. Kung gayon, kami ay hindi mawawala. Pagkatapos ng pagsubok, kami ba ay magiging mas banal dahil kami ay mapagpakumbaba?...»

«Oo.» Isang maikling mahigpit na «oo».

«Ganyan ba Ninyo iyan sinasabi, Guro?»

«Oo, ganyan Ko iyan sinasabi.»

«Gusto Ninyo kaming maging banal bago ang pagsubok...»

«Oo, gugustuhin Ko, ang tungkol sa lahat.»

«Lahat. Hindi ba kami magiging pare-pareho sa pagsubok?»

«Hindi kayo magiging pare-pareho bago ang pagsubok, o sa loob ng pagsubok, o pagkatapos. Gayunpaman binigyan Ko ang bawat isa ng parehong salita...»

«At parehong pagmamahal, Guro. Kami ay makasalanang-makasalanan sa Inyo...»

Si Jesus ay nagbuntung-hininga...

Ang Zealot, pagkaraan ng isang kung baga mahabang katahimikan, ay magsasalita na sana. Ngunit ang mga apostol at mga disipulo na sumalubong kay Marjiam sa mas mababang mga dalisdis ng Gethsemane, ay nagmamadaling patungo sa kanila, at si Simon ay tahimik habang tumutugon si Jesus sa pagbati ng bawat isa at pagkatapos naglakad patungo sa taniman ng mga olibo at sa bahay, naglalakad sa tabi ni Pedro.

Si Pedro ay pinaalam sa Kanya na sila ay nagbabantay mula pa nang pagsikat ng araw, na si Eliza ay may sakit pa sa bahay ni Johanna, na ilang mga Pariseo ang dumating nang nakaraang gabi, na... na... isang bigkis ng kung baga litong mga balita, at sa wakas ang huling mga katanungan: «At ano si Lazarus?» kung saan tumugon si Jesus nang madetalye. Si Pedro, na mausyosong-mausyoso, ay hindi makapagpigil sa pagtanong: «At... wala, Panginoon? Walang balita?»

«Oo. Sasabihan kayo sa tamang oras. Nasaan si Marjiam kasama ang babae? Nasa loob na ng bahay?»

«O! hindi. Ang babae ay hindi maglakas-loob na tumuloy. Siya ay nakaupo sa tabi ng kalsada naghihintay para sa Inyo. Si Marjiam... si Marjiam ay nawala. Tumakbo ba siya sa loob ng bahay?»

«Bilisan natin ang ating paglakad.»

Ngunit kahit ano pang bilis ang kanilang gawin, hindi sila nakarating sa bahay bago makalabas si Maria kasama ang Kanyang hipag, si Salome, si Porphirea, ang mga asawa nina Bartolomeo at Felipe, upang pagpitaganan si Siya.

Si Jesus ay binabati sila mula sa malayo at ibinaling ang Kanyang paglakad patungo sa lugar kung saan naroroon si Anastasica nakaupong mapagpakumbaba, kinuha Niya ang kanyang kamay at pinasunod siya patungo sa Kanyang Ina at sa mga kababaihan. «Naririto ang bulaklak ng Paskuwang ito, Inay. Isa lamang sa taon na ito. Maging kawili-wili sana ito sa Inyo sapagkat dinala Ko ito.»

Ang babae ay nakaluhod na. Si Maria ay yumuko at itinaas siya nagsasabing: «Ang mga anak na babae ay nasa mga puso hindi sa paanan ng kanilang mga ina. Halika, Aking anak. Magkakilanlanan tayo sa ating mga mukha, katulad na ang ating mga kaluluwa ay magkakakilala na. Naririto ang ilan sa ating mga kapatid na babae. Ang ilan pa ay darating. Gawin itong isang magiliw na pamilya puno ng pagmamahal para sa lahat na miyembro nito at puno ng kabanalan para sa kaluwalhatian ng Diyos.»

Ang mga babaeng disipulo ay mapagmahal na nagpapalitan ng mga halik at mga pagbati. Pinasok nila ang bahay at umakyat sa terasa, na napalilibutan ng maputing mga pamumulaklak ng daan-daan na mga punong-olibo. Ang mga grupo ay naghiwalay: si Jesus kasama ang mga lalaki, ang mga babae kasama ang bagong-dating. Si Susanna na nagpunta sa bayan, ay bumalik kasama ang kanyang asawa. Si Johanna ay dumating kasama ang mga bata. Si Annaleah ay lumitaw sa kanyang anghelikal na mukha; at si Jairus, na kasama ng mga disipulo habang sila ay tumatakbo patungo kay Jesus, ay bumalik kasama ang kanyang anak na babae, na sumasama sa grupo ng mga babae, malapit kay Maria, Na humahaplos sa kanya.

May kapayapaan at pagmamahal sa pagtitipon. Pagkatapos ang araw ay lumubog at bago paalisin ang mga kailangan na bumalik sa kani-kanilang bahay o sa mga bahay kung saan sila ay mga panauhin, si Jesus ay tinipon sila upang magdasal at pinagpapalà sila. Pagkatapos sila ay Kanyang pinauwi at nanatiling kasama ng mga may gustong sumiksik sa bahay sa Gethsemane o palampasin ang gabi sa ilalim ng mga punong-olibo.

Ang hapunan maya-maya lamang ay tapos na. Pagkatapos inanyayahan ni Jesus ang Kanyang Ina at si Maria ni Alfeo na sumama sa Kanya at sa mga disipulo patungo sa tahimik na taniman ng mga punong-olibo. Baka ang iba pang mga babae ay ibig na sumama din. Ngunit hindi sila inanyayahan ni Jesus, sa kabaligtaran sinabi Niya kay Salome at kay Porphirea: «Estimahin ang ating bagong kapatid nagsasalita ng banal na mga bagay at pagkatapos matulog nang hindi naghihintay para sa amin. Ang kapayapaan ay sumainyo.» Kung kaya't ang tatlong babae ay nagpahinuhod sa kanilang kapalaran.

Si Pedro kung baga ay nagmumukmok at siya ay naging tahimik; ang lahat na iba pa, sa halip, ay naguusap-usap habang patungo nang magkakasama sa bato ng aguniya ni Jesus sa hinaharap. Sila ay naupo sa gilid nito, nakaharap sa Herusalem, na unti-unti nang kumakalma, pagkaraan ng kalituhan ng araw.

«Magsindi ng ilang lampara, Pedro.»

«Bakit?»

«Sapagkat ibig Kong basahin sa iyo kung ano ang isinulat nina Juan at Sintike. Dahil ikaw ay hindi kontento, mabuti pang malaman mo na iyan ang dahilan kung bakit hindi Ko pinasama ang tatlong babae.»

«Ngunit ang aking asawa ay naroroon nang gabing iyon!...»

«Ngunit imposible na hindi isali si Salome lamang sa matatandang babaeng disipulo... Maging ano pa man mabibigyan ka nito ng pagkakataon na mailabas mo ang iyong mithiin na makapagsalita, dahil magagawa mong masabi sa iyong mahinahon na asawa ang iyo nang maririnig ngayon.»

Si Pedro nagbubunyi sa pagpuri sa kanyang asawa at sa kapahintulutan na masabihan ang asawa tungkol sa lihim, ay hindi na nagmumukmok at inabala ang kanyang sarili sa pagsisindi ng isang maliwanag na apoy

Si Jesus ay hinugot mula sa Kanyang baywang ang dalawang sulat, binubuksan ito at binabasa sa gitna ng nakapaikot na labing-isang maasikasong mga mukha.

«”Kay Jesus ng Nazareth parangal at mga pagpapalà. Kay Maria ng Nazareth mga pagpapalà at kapayapaan. Sa aking banal na mga kapatid na lalaki kapayapaan at mabuting kalusugan. Sa aking minamahal na Marjiam kapayapaan at mga haplos.

Mga luha at mga ngiti ay nasa aking puso at sa aking mukha habang ako ay nauupo upang gawin ang sulat na ito sa inyong lahat. Ang mga alaala, pananabik sa mga bagay na nawala, pag-asa at kapayapaan para sa tungkulin na aking natapos, ay kasama ko. Ang lahat nang nakaraan, na mahalaga sa akin, ibig sabihin, ang nakaraan, na nagsimula nang nakaraang labindalawang buwan, ay nasa harapan ko at ang isang salmo ng pagpapasalamat sa Diyos ay tumataas mula sa aking puso, dahil sa Siya ay naging napakamaawain sa akin, isang  may kasalanan. Pagpalain nawa Kayo at kasama Ninyo ang Banal na Ina na nagluwal sa Inyo sa mundong ito, at ang isa pang ina na aking naaalaala bilang awa na nagkatawang-tao. At kasama Ninyo harinawang sina Pedro, Juan, Simon, Santiago at Judas, at ang isa pang Santiago, at sina Andres at Mateo ay pagpalain. At sa huli harinawang ang aking pinakamamahal na Marjiam ay pagpalain, at akin siyang idinikit sa aking puso upang pagpalain siya. Harinawang kayong lahat ay pagpalain para sa inyong binigay sa akin, mula pa sa sandaling nakilala ko kayo hanggang sa sandaling iniwan ko kayo! O! hindi ayon sa aking sariling kalooban! Harinawang patawarin ng Diyos ang mga taong umagaw sa akin mula sa inyo! Harinawang patawarin sila ng Diyos. At harinawang palakihin Niya sa loob ko ang lakas na magawa ito. Sa pansamantala, sa pamamagitan ng Kanyang tulong at kasama Siya magagawa ko ito. Ngunit nag-iisa, hindi, hindi ko pa ito magagawa, sapagkat labis na nakakapasô ang pananakit na kanilang ginawa sa akin sa pag-agaw nila sa akin mula sa totoong Buhay, mula sa Inyo, Kabanalbanalang Jesus. nakapapasung-nakapapaso pa rin ito, sa kabila na ang Inyong konsolasyon ay isang patuloy na balsamong ulan sa akin...”»

Sinusulyapan ni Jesus ang ilang mga linya nang hindi Niya binabasa. At Siya ay nagpapatuloy: «”Ang aking buhay...” ngunit si Pedro, upang makakita ang Guro, ay kinuha ang isang umaapoy na sanga at hinahawakan ito nang mataas, nakatayong malapit sa Kanya at pinahahaba ang leeg upang makita ang nakasulat, ay nagsabi: «Hindi, hindi iyan ganyan! Bakit hindi Ninyo iyan binabasa, Guro? May nilampasan Kayo! Ako ay isang hangal na tao, ngunit hindi sa hindi ako nakakabasa nang dahan-dahan. nakakabasa ako: “Ang Inyong mga pangako ay nahigitan ang aking pag-asa...»

«Ikaw ay isang di-kanais-nais na nakakapagod na tao! Mas malala ka pa kaysa sa isang bata!» sabi ni Jesus ngumingiti.

«Siyempre ako nga! Ako ay halos matanda! Kung kaya't ako ay mas tuso kaysa sa isang bata.»

«Kailangan na mas mahinahon ka rin.»

«Ang kahinahunan ay maganda sa mga kaaway. Dito ang kasama natin ay mga kaibigan. Si Juan ay nagsasabi ng isang magandang bagay tungkol sa Inyo. At ibig kong malaman. upang malaman ko kung saan ako liliko sa sandaling ipadadala Ninyo ako sa ibang lugar, katulad ng isang balot ng mga kalakal. Pakiusap na basahin ang lahat! Ina, pakiusap na sabihin sa Kanya na hindi makatarungan na magbigay ng piling mga balita, na tila ito ay maliit na isda. ibigay sa amin ang lahat: gulaman, putik, maliit na isda at mamahaling isda, lahat! Maaari bang tulungan ninyo akong lahat! Kamukha ninyo ang mga manikin sa akin. At ginagawa ninyo akong magalit! At kayo ay tumatawa!»

Halos imposibleng hindi tumawa nakikita ang pananabik ni Pedro na palukso-lukso sa paligid, katulad ng isang di-mapakaling bisiro, winawagayway ang kanyang umaapoy na sanga, hindi pinapansin ang mga pitik ng apoy na bumabagsak sa kanya.

Si Jesus ay kinailangan Niyang sumunod, upang mapakalma siya at Siya ay makapagpatuloy sa pagbabasa.

«Ang Inyong mga pangako ay nahigitan ang aking pag-asa sa Inyong mga pangako. O! Banal na Guro! Nang sa loob ng malungkot na umaga ng taglamig na iyon nangako Kayo sa akin na Kayo ay darating upang paginhawahan ang Inyong malungkot na disipulo, hindi ko naintindihan ang totoong kahalagahan ng Inyong pangako. Ang kapighatian at ang limitasyon ng tao ay pinabibigatan ang kapangyarihan ng aking espiritu, na napakapurol na maintindihan ang abot ng Inyong pangako.

Pagpalain nawa Kayo, o! espirituwal na Bisita ng aking mga gabi, na sa gayon ay hindi disyerto at kalungkutan katulad ng aking inakala, bagkus paghihintay sa Inyo, o malugod na pakikipagkita sa Inyo. Ang gabi, ang kinatatakutan ng mga maysakit, ng mga naipatapon, ng malulungkot na tao, ng mga may pagkakasala, ay naging para sa akin Felix, tunay na nasisiyahan na magawa ang Inyong kalooban at mapaglingkuran Kayo, ang paghihintay ng marurunong na birhen para sa pagdating ng Nobyo. Ang aking kaawa-awang kaluluwa ay may mas mahigit pa. Nasa kanya ang pagpapalà ng pagiging ang nobya na naghihintay para sa kanyang Pag-ibig, na pumupunta sa pangkasalan na silid upang ibigay sa kanya sa tuwing pagkakataon ang lugod ng kanilang unang pagkikita at ang nagpapatibay na luwalhati ng kanilang pagsasama.

O! aking Guro at Panginoon, habang pinagpapalà ko Kayo para sa pagbibigay Ninyo sa akin ng labis, pinakikiusapan ko Kayo na alalahanin ang dalawa pang mga pangako na ginawa Ninyo sa akin. Ang pinaka importanteng isa, para sa napakahinang taong ako, ay ang huwag Ninyo akong panatilihing buháy sa oras ng Inyong pasyon. Nalalaman Ninyo ang aking kahinaan! Huwag Ninyo siya, na alang-alang sa Inyo hinubaran niya ang kanyang sarili ng kapootan, huwag Ninyo siyang gawin na isuot muli ang matinik na nakakapasong uniporme ng kapootan, gawa ng kanyang pagkapoot para sa mga tagabitay Ninyo, ang isa pang pangako ay para sa inyong kaawa-awang disipulo, na napakahina din at di-perpekto: maging malápit sa akin, katulad ng sinabi Ninyo sa akin, sa oras ng aking kamatayan. Ngayon na nalalaman ko na walang distansiya para sa Inyo, at na ang mga karagatan, mga bundok, mga ilog at ang kalooban ng mga tao ay hindi Kayo mapipigilan sa pagbibigay ng kaginhawahan ng Inyong nahihipong presensya sa mga minamahal Ninyo, hindi ko na pinagdududahan na mapupunta Kayo sa akin kapag ihinga ko na ang aking huling hininga. Halika Kayo, Panginoon Jesus! Halina kaagad Kayo upang madala ako sa kapayapaan.

Ngayon na nakapagsalita na ako sa Inyo tungkol sa aking kaluluwa, paaalamin ko Kayo tungkol sa aking gawain.

Marami akong iskuwela, ng bawat lahi at bansa. upang hindi masaktan ang sino man sa kanila, hinati-hati ko sila, at sa isang araw tinuturuan ko ang mga pagano at sa susunod na araw ang mga naniniwala, nang may magandang kinikita, dahil sa kakulangan ng mga tagapagturo rito. binibigay ko ang perang aking kinikita sa mahihirap, na aking kung gayon naaatrak sa Panginoon. Ipinagpatuloy ko nang muli ang aking lumang pangalan, hindi dahil gustung-gusto ko ito, bagkus gawa ng kahinahunan. Kapag ako ay nasa mundo, ako ay si ‘Felix’. Sa loob ng mga oras na ako ay pag-aari ni Jesus, ako si ‘Juan’: ang grasya ng Diyos. Ipinaliwanag ko kay Felipe na ang aking tunay na pangalan ay dating Felix at na ako ay tinawag na Juan upang lamang mapaiba sa aking mga kapatid. At siya ay hindi nagtaka dahil sa pangmadlang kaugalian ng pagpalit ng mga pangalan o ng págtawagán ng mga tao sa palayaw. Umaasa akong makagagawa ako nang malaki rito, upang maihanda ko kung gayon ang daan para sa aking banal na mga kapatid. Kung ako ay mas malakas-lakas ibig kong pumunta sa mga kabukiran at magawa ang Inyong pangalan na makilala rito. Baka magagawa ko ito sa unang mga araw ng tag-init o kung mas malamig-lamig sa taglagas. Kung ako ay malakas, gagawin ko ito. Ang dalisay na hangin sa Antigonea, ang mga hardin, na napakapayapa at maganda, ang mga bulaklak, ang mga bata, ang maliliit na inahing manok, ang mapagmahal na kabaitan ng mga magbubukid at higit sa lahat ang malalim, marunong, pilyal na kagiliwan ni Sintike ay nakagagawa sa akin ng malaking kabutihan. Sasabihin na ang aking kalusugan ay bumuti. Ngunit hindi ganito ang opinyon ni Sintike, bagama't nakikita ko lamang ang kanyang opinyon sa pamamagitan ng masikap na patuloy na pangangalaga niya para sa akin, para sa aking pagkain, para sa aking pagpapahinga at upang matiyak na ako ay hindi sipunin... Ngunit ang aking pakiramdam ay mas mabuti. Hindi kaya ito ang pakiramdam na nararamdaman pagkatapos na magawa ng isa nang may kabayanihan ang kanyang tungkulin? Ganyan ang sinasabi ni Sintike. At ibig kong malaman kung siya ay tama. Sapagkat ang tungkulin ay isang moral na bagay. Samantalang ang sakit ay pangkatawan ng bagay. Ibig ko rin malaman kung totoong pumunta nga Kayo sa akin o Kayo ay basta nagpakita sa aking espirituwal na mga pandama, ngunit napaka perpekto nito na hindi ko masabi kung saan nagtatapos ang Presensya ng Inyong  materyal na reyalidad. Mahal na pinagpalang Guro, ang Inyong Juan ay lumuluhod humihingi ng Inyong pagpapalà. Kapayapaan at mga pagpapalà para sa Inyong Ina, kay Maria at sa banal na mga kapatid na lalaki. Isang halik kay Marjiam na sana maalaala niya na padalhan ako ng Inyong banal na mga salita, na siyang tinapay para sa mga naipatapon na nagtatrabaho sa ubasan ng Panginoon”.

Iyan ang sulat ni Juan... Ano sa palagay ninyo?»

Lahat sila ay nagpapalitan ng mga ekspresyon... Ngunit ang nangungunang punto ay ang tungkol sa Presensya ni Jesus. Nililigalig nila Siya ng mga katanungan... Papaano ito mangyayari, ito ba ay maaaring mangyari, at kung ito ba ay nakikita ni Sintike, at iba pang kagaya nito

Si Jesus ay sinenyasan silang manahimik at Kanyang binubuksan ang rolyo ni Sintike. Binabasa Niya:

«”Si Sintike sa Panginoong Jesus kasama ang lahat ng pagmamahal na magagawa niya. Pagpipitaganan at papuri sa aming Banal na Ina. Pasasalamat at mga pagpapalà sa aking mga kapatid na lalaki sa Panginoon. Ang yakap ng kanyang nasa-malayong kapatid na babae kay Marjiam.

Nasabi sa Inyo ni Juan ang tungkol sa aming pamumuhay, Guro. Nasabi niya sa Inyo nang buung-buo kung ano ang kanyang ginagawa at kung ano ang aking ginagawa sa isang pamamaraang babae. Ang aking maliit na eskuwelahan ay puno ng mga batang babae at nakagagawa ako ng mabuting espirituwal na pakinabang, sapagkat dinadala ko sila sa Inyo, aking Panginoon, nagsasalita ng tungkol sa totoong Diyos habang kami ay nagtatrabahong magkakasama. Sa rehiyon na ito kung saan maraming lahi ang nagkahalu-halo, ay may magulong pagkakabuhol-buhol ng mga relihiyon. Magulung-magulo ito na... na ito ay wala bagkus di-praktikal na mga relihiyon, mga kapiraso ng mga relihiyon na walang paggagamitang iba. Sa gitna ay naririyan ang matigas na walang-pagyukong pananampalataya ng mga Israelita, na sumisira sa pamamagitan ng bigat nito sa gastadong mga sinulid ng iba pang mga relihiyon nang walang nakakamit na kahit na ano. Dahil si Juan ay may mga iskuwela, kailangan niyang magtrabaho nang mas maingat. Ako ay makapagpapatuloy nang mas malaya sa aking mga batang babae. Ang mga babae ay laging tinitingnan na mas mababang mga nilalang, kung kaya naman ang mga pamilya ng iba't ibang relihiyon ay walang pakialam kung ang mga babae ay maghalo-halo sa isang eskuwelahan. Sapat na kung matutunan nila ang may-pakinabang na sining ng pagbuburda. At pagpalain ang mapanuyang konsepto ng mundo tungkol sa aming mga babae, sapagkat mas lalong napapalawak nito ang larangan ng aking ginagawa. Ang aming mga gawa sa pagbuburda ay madaling maibenta at mabilis, ang pagkilala sa amin ay kumakalat, mga nobleng babae ay nanggagaling sa malayo. Ako kung gayon ay nagkakaroon ng pagkakataon ng pagsasalita sa lahat ng tungkol sa Diyos... O! gaano kahit mga sinulid, na nagiging mga bulaklak, mga hayop, mga bituin sa aming mga habihan at sa mga tela, may pakinabang upang madala ang mga kaluluwa sa Katotohanan, kung gugustuhin ng isa. Sa dahilan na marami akong alam na wika nakapagsasalita ako ng Griyego sa mga Griyego, Latin sa mga Romano, Hebreo sa mga Hebreo. Sa tulong ni Juan bumubuti ang aking kaalaman tungkol sa huling nabanggit na wika.

Ang balsamo ni Maria ay isa pang pamamaraan na makapasok. Gumawa ako ng maraming bago nito, sa pamamagitan ng mga sangkap na mayroon kami rito, at idinadagdag ko ang kaunti ng orihinal na balsamo, upang mapabanal ito. Ang mga ulser, mga pasa, mga sugat at sakit sa dibdib ay simpleng nawawala. Totoo, bagama't, na habang ipinapahid ang balsamo at itinatali ang bendahe sa apektadong bahagi, patuloy kong binabanggit ang dalawang banal ng Pangalan ni Jesus at ni Maria. Hindi, bagkus, ginagamit ang Griyegong pangalan ng Kristo, tinawag ko ang balsamo: “Anointed Myrrh’. Hindi ba’t ganito nga ito? Ang masiglang esensiya ba ng Mira ng Diyos, Na ang Kaninong bugtong na Anak ay Kayo nga, ay wala ba rito, o! mamahaling Langis, na nagagawa kami nito na mga hari? Madalas akong nagpupuyat upang makagawa ng mas marami pang bagong balsamo at hihilingin ko sa ating Banal na Ina na gumawa pa ng marami at ipadala sa akin para sa Kapistahan ng mga Tabernakulo, upang maihalo ko ito sa nagawa ng abang lingkod ng Diyos. Ngunit kung mali ang aking ginagawa, sabihin sa akin, Panginoon at ititigil ko ito.

Ang mahal na Juan ay pinupuri ako nang maigi. At ano ang aking masasabi tungkol sa kanya? Tinitiis niya ang mapapait na kirot, ngunit ang kanyang kalusugan ay maganda. Kung hindi ko nalalaman ang kanyang lihim, ako ay magtataka. Ngunit mula ng gabing iyon, nang bumabalik ako mula sa isang may sakit na tao, natagpuan ko siya na nasa lubos na kasiyahan at may pagbabago ng anyo, at napakinggan ko ang kanyang mga salita, at pinagpatirapa ko ang aking sarili dahil nabatid ko na Kayo ay naroroon kasama ang Inyong lingkod, hindi na ako masusorpresa pa. Baka ang ilan kong mga kapatid na lalaki ay magtataka napapakinggan na hindi ko ikinalulungkot ang hindi ko rin pagkakita. Bakit ako malulungkot? Ang lahat ng Inyong binibigay ay mabuti at sapat. At ang bawat isa sa amin ay tumatanggap ng kung ano ang karapat-dapat sa amin at kung ano ang aming pangangailangan. Tama kung gayon na si Juan ay magkaroon ng Inyong nakikitang presensya, habang Kayo ay nasa aking kaluluwa lamang.

Ako ba ay masaya? Bilang isang babae pinanghihinayangan ko ang panahon na nakasama ko Kayo at si Maria. Ngunit bilang isang kaluluwa, ako ay masayang-masaya, sapagkat ngayon lamang ako naglilingkod sa Inyo, aking Panginoon. Tinitingnan ko na ang panahon ay wala. Tinitingnan ko na ang pagsunod ay pera upang makapasok sa Langit. Tinitingnan ko na ang matulungan Kayo ay isang grasya na nahihigitan nito kahit na ang maaaring pinangarap ng  isang abang alipin sa loob ng isang oras ng masidhing kaligayahan at na ako ay Inyong pinagkalooban na matulungan Kayo. Tinitingnan ko na bagama't ako ay nakahiwalay na sa Inyo ngayon, sa kahulihulihan mapapasaakin Kayo para sa lahat ng eternidad. At inaawit ko ang awitin ni Juan katulad ng ginagawa ng mga langaylangayan sa tagsibol sa ginintuang mga bukid ng Hellas. Ang aking mga batang babae ay inaawit ito sapagkat sinasabi nila na ito ay maganda. Ginagawa ko silang umawit sa kumpas ng habihan, na katulad–na-katulad ng kumpas ng sagwan ng malayo nang araw na iyon, sapagkat iniisip ko na ang pagbanggit ng Inyong pangalan, Inay, napápalapít ang isa sa Grasya.

Hinihiling sa akin ni Juan na idagdag ang impormasyon na pinadala niya sa Inyo ang isang napakabuting mamamayan mula sa Antioch. Ang kanyang pangalan ay Nicolaus. Siya ay ang kanyang unang napanalunan para sa Inyong kawan. Lubos kaming umaasa na si Nicolaus ay hindi bibiguin ang mataas na pagtingin namin sa kanya sa aming mga puso.

Pagpalain ang Inyong lingkod, Panginoon. Pagpalain siya, Inay; pagpalain ninyo akong lahat, kayong mga santo, at ikaw din, pinagpalang bata, na lumalago sa karunungan malapit sa Panginoon”.

Iyan ang isinulat ni Sintike. At nagdagdag siya ng isang paghabol sa ibaba, hindi alam ni Juan. Sinasabi niya: “Si Juan ay nagpapakita ng galing at nagiging mas malakas sa kanyang kaluluwa lamang. Sa iba pa siya ay nanghihina sa kabila ng mga panggagamot. Masyado niyang inaasahan ang mga unang araw ng tag-init. Hindi niya sa palagay ko magagawa ang kanyang sinasabi. Natatakot ako na ang taglamig ay palalamigin ang kanyang maselan na buhay... Ngunit siya ay nasa kapayapaan. At siya ay napapabanal ng kanyang mga gawa at sa kanyang paghihirap. Suportahan Ninyo ang kanyang lakas sa pamamagitan ng Inyong presensya, aking Panginoon! Hinihingi ko sa Inyo na ipailalim ako sa bawat uri ng kirot bilang kapalit ng regalong ito para sa Inyong disipulo. Dahil pinadadala namin ang mga sulat na ito sa pamamagitan ni Ptolmai, kay Lazarus, nakikiusap ako sa Inyo na sabihan siya at ang kanyang mga kapatid na babae na naaalaala namin ang kanilang kabaitan sa amin at na kami ay nagdarasal lagi at marubdob para sa kanila”.»

Sa muli ulit nagpapalitan sila ng kanilang mga impresyon.

Si Andres ay yumuko upang tanungin si Maria ng kung ano at siya ay namangha sa pagkakakita ng mga luha sa Kanyang mukha. «Umiiyak ba Kayo?» tanong niya sa Kanya.

«Bakit Kayo umiiyak, Inay» marami sa kanila ang nagtatanong

«Alam ko kung bakit Siya umiiyak» sabi ni Marjiam.

«Bakit kung gayon?»

«Sapagkat si Juan ay binanggit ang kamatayan ng Panginoon.»

«Siyempre! Totoo ba iyan? At papaano niya nalaman, kung siya ay hindi na natin kasama, nang ito ay Inyong hinulaan?»

«Sapagkat sinabi Ko sa kanya upang paginhawahan siya.»

«H’m! Paginhawahan!...»

«Oo, paginhawahan. Ang pangako na hindi na siya kinakailangan na maghintay nang matagal na makapasok sa Kaharian. Karapat-dapat siya nito sapagkat nahihigitan niya kayo sa kalooban at pagsunod. Bumalik na tayo sa bahay. Ihahanda natin ang ating kasagutan na ibibigay kay Ptolmai at idadagdag mo ang iyong mga rolyo, Marjiam.

«Ah! Alam ko na! Siya ay nagsusulat para sa kanila!...»

«Oo. Tayo na. Bukas pupunta tayo sa Templo...»

060910/091012

 

 

 



Sunod na kabanata