366. Ang Araw ng Huwebes Bago ang Paskuwa. Mga Panimula ng Umaga.

Enero 23 1946.

Ang madaling araw ay lumilitaw. Ang mga tao ay ginagaya ang mga ibon, kapag sila ay nagiging aktibo  lumilipad, nagtatrabaho at umaawit sa kaagahan ng umaga. Ang bahay sa Gethsemane ay unti-unting gumigising, ngunit ito ay naunahan ng Guro, Na bumabalik galing sa pagdarasal sa pagliliwanag, ngunit maaaring nasa labas Siya buong gabi nagdarasal.

Ang kalapit na kampo ng mga Galilean sa mataas na kapatagan ng Mount of Olives ay unti-unti nang gumigising, at ang mga sigawan at tawagan ay maririnig sa malinaw na ere, at bagama't napahihina ito ng distansiya, sapat nang malinaw ito upang magawa ang isa na maintindihan na ang relihiyosong mga peregrino na naipon doon ay malapit nang ipagpatuloy ang mga seremonya ng Paskuwa na naputol nang nakaraang gabi.

Ang bayan ay gumising, at ang kaingayan ay nagsimula na siyang pumupuno rito sa loob ng mga araw ng pagkakaroon ng sobrang dami ng mga tao, na may pag-atungal ng mga asno ng mga hardinero ng mga gulay, at pamimilit ng mga nagbebenta ng tupa sa mga geyt na pasukan, at kasama ang makabagbag-damdamin na huni ng daan-daan na kordero, na nakasakay sa mga kariton, sa mga likod ng asno o sa ibabaw ng mga balikat dinadala patungo sa kanilang matrahedyang kapalaran, tinatawagan ang kanilang mga ina na humuhuni nang malumbay, hindi nag-aalam na ang kanilang mga buhay ay maagang-maagang magtatapos na. At ang kaingayan ay lumalakas pa nang lumalakas sa pamamagitan ng mga pagsusumalisod ng mga paa sa mga kalsada at ng mga taong nagtatawagan mula sa isang terasa patungo sa isa pa, o mula sa mga terasa patungo sa mga kalsada at kabaligtaran. At ang ingay, napahihina ng distansiya, ay nararating ang kalmanteng lambak ng Gethsemane, katulad ng atungal ng mga alon sa dagat.

Ang isang maagang sinag ng araw ay tinamaan ang isa sa mahahalagang simboryo ng Templo at ginagawa itong magningning na tila ito ay isang araw na bumaba sa lupa, isang maliit na araw nakapatong sa isang niyebeng-kaputian na pedestal, napakaganda bagama't napakaliit. Ang mga lalaki at babaeng disipulo ay tinitingnan nang nagsasamba ang kulay-gintong Lugar. Ito ay ang Bahay ng Panginoon! Ito ay ang Templo! Upang maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ng lugar na iyan para sa mga Israelita sapat nang pagmasdan silang tumititig dito. Sila ay tila nakikita ang Kabanalbanalang Mukha ng Diyos kumikislap sa nagbabagang ginto na pinaapoy ng araw. Ang pagsamba at pagmamahal para sa kanilang bansa, ang banal na pagmamalaki sa pagiging mga Hebreo ay mas naipakikita ng kanilang mga tingin kaysa posibleng maipakita ito ng kanilang mga salita.

Si Porphirea, na maraming taon na na hindi nakapunta sa Herusalem, ay napaluha at hindi nagmamalay na pinipisil niya ang braso ng kanyang asawa, na ipinakikita sa kanya ang kung ano na hindi ko alam, at siya ay sumasandal sa kanya at katulad ng isang nobya, na napamahal sa kanyang nobyo, hinahangaan niya siya at masaya na tinuturuan siya niya.

Sa pansamantala ang ibang mga babae ay naguusap-usap sa napakababang mga tinig, sa mga sampantig na mga salita, nagtatanong sa isa’t isa kung ano ang mga bagay na kailangang magawa sa araw, at si Anastasica, na ang pakiramdam ay katulad ng isang nawawalang tupa, ay nasa tabi nang kaunti, dumog sa kanyang mga naiisip.

Si Maria, Na nakikipagusap kay Marjiam, ay nakita siya at nilapitan siya niyayapos ng isang kamay ang kanyang baywang. «Pakiramdam mo ba medyo nalulungkot ka, Aking mahal na anak? Bubuti ang iyong pakiramdam ngayon. Kita mo? Ang Aking Anak ay sinasabihan ang mga apostol na pumunta sa mga bahay ng mga babaeng disipulo upang sabihan sila na sila ay kailangan na mag-ipun-ipon at maghintay para sa Kanya sa bahay ni Johanna sa hapon. Ibig Niyang magsalita sa atin na mga babae at bago gawin ito tiyak na bibigyan Ka niya ng isang ina. Siya ay napakabuti. Nakilala Ko siya mula pa nang Ako ay nasa Templo. Kahit na noon siya ay gumanap na isang ina sa mas nakababatang mga birhen. At maiintindihan niya ang iyong puso sapagkat siya ay naghirap din nang labis. Ang Aking Anak ay pinagaling siya nang nakaraang taon mula sa isang nakamamatay na kalungkutan, na kumapit sa kanya pagkatapos na mamatay ang kanyang dalawang anak na lalaki. Sinasabi Ko sa iyo ito upang sana malaman mo kung sino ang magmamahal sa iyo mula ngayon at iyong mamahalin. Ngunit katulad ng sinabi Ko nang nakaraang taon kay Pedro, na tumatanggap kay Marjiam bilang isang anak, ngayon sasabihin Ko sa iyo: “Huwag gawin na ang damdamin na ito ay mapahina ang iyong puso sa kalooban nito na maglingkod kay Jesus”. Kung ito ay mangyari, ang regalo ng Diyos ay mas makasasama kaysa ketong, sapagkat papatayin nito sa loob mo ang mabuting kalooban na isang araw ay magbibigay sa iyo na makamit mo ang Kaharian.»

«Huwag matakot, Inay. Para sa akin, gagawin ko ang damdamin na ito na maging isang apoy na magpapakilos sa akin nang lalu’t lalo pa sa paglilingkod sa Tagapagligtas. Hindi ako lálaking mas mabigat dito, o gagawin ko si Eliza na walang-sigla, sa kabaligtaran magtutulungan kaming masuportahan ang isa’t isa at sa isang banal na kumpitensya, kasama ang tulong ng Panginoon, lilipad kami sa Kanyang daan.»

Habang sila ay nagsasalita ilan na dati at bagong mga disipulo ay dumating mula sa kampo ng mga Galilean, mula sa bayan, mula sa mga bahay na nakakalat sa tabi ng mga dalisdis ng Bundok, mula sa baryo o sa arabal, maging ano pa man ito, sa labas lamang ng bayan, sa isa sa dalawang mga daan na mula sa Herusalem ay papuntang Bethany, at lalo na sa mas mahabang daan, na bihirang kunin ni Jesus. Ang huling mga dumating ay si Felipe kasama ang kanyang pamilya, si Tomas nag-iisa at si Bartolomeo kasama ang kanyang asawa.

«Nasaan ang mga anak ni Alfeo, si Simon at si Mateo?» tanong ni Tomas hindi sila nakikita.

«Nauna na sila. Ang huling dalawa sa Bethany, upang masabihan ang magkapatid na babae na pumunta sa bahay ni Johanna sa hapon. Ang unang dalawa ay pumunta kay Johann at kay Annaleah, upang sabihan si Johanna na mapupunta ako sa kanyang bahay sa hapon. Magkikita tayo sa ikatlong oras sa Golden Gate. Pansamantala lumakad na tayo at magbigay ng limos sa mga pulubi at mga ketongin. Gawin sina Bartolomeo at Andres na mauna na at bumili ng mga makakain para sa kanila. Susundan natin sila nang dahan-dahan at tayo’y titigil sa arabal ng Ophel, malapit sa Gate, at pagkatapos pupunta tayo sa kaawa-awang mga ketongin.»

«Lahat tayo?» tanong ng ilan, na hindi masyadong ginaganahan.

«Ang lahat na disipulo at ang lahat na babaeng disipulo. Ang Paskuwa ay nasasakupan tayong lahat, katulad ng hindi pa ito naging posible noon. Gawin nating magkakasama ang mga tungkulin sa hinaharap ng mga lalaki at babae na mga gumagawa sa ilalim ng  Aking Pangalan. Naririto na si Judas ni Simon dumarating nagmamadali. Natutuwa Ako sapagkat ibig Kong makasama rin natin siya.»

Sa katunayan si Judas ay dumarating humihingal. «Huli na ba ako, Guro? Kasalanan ito ng aking ina. Salungat sa kanyang kinaugalian at sa aking sinabi sa kanya, siya ay dumating. Natagpuan ko siya kagabi sa bahay ng isang kaibigan namin. At ngayong umaga ginawa niya akong laging nagsasalita... Gusto niyang sumama sa akin. Ngunit hindi ko siya pinasama.»

«Bakit hindi? Si Maria ni Simon kaya ay hindi nararapat na mapunta kung nasaan ka? Karapat dapat siya nang lalo kaysa sa iyo. Kung kaya't tumakbo at kunin siya at samahan kami sa Templo, sa Golden Gate.»

Si Judas ay umalis na hindi tumututol. Si Jesus ay lumakad, Siya ay nasa unahan ng Kanyang mga apostol at mga disipulo. Ang mga babae, na si Maria nasa gitna, ay nasa likuran ng mga kalalakihan.

060910/091012

 

 



Sunod na kabanata