367. Ang Huwebes Bago ang Paskuwa. Sa Templo.

Enero 24, 1946.

Hindi ko nakikita na namimigay ng pagkain sa mga ketongin ng Hinnom. Napapakinggan ko lamang ang mga apostol na nagsasalita ng tungkol sa kanila. Ngunit hindi sa palagay ko may anumang himala ang nagawa sa pagitan nila. Sapagkat si Simon Pedro ay nagsasabi: «Ang malupit na pag-iisa ay napigilan sila sa maniwala at makita kung nasaan ang Kalusugan.»

Pagkatapos pinasok nila ang bayan sa pamamagitan ng Gate na magdadala sa maingay na puno-ng-tao na arabal ng Ophel.

Pagkatapos ng kaunting mga hakbang, si Annaleah ay tumatakbong lumabas nang masaya mula sa isang medyo nakabukas na pinto at pinagpipitaganan ang Guro nagsasabing: «Ang aking ina ay pinahintulutan ako na sumama sa Inyo, Panginoon, hanggang gabi.»

«Si Samuel ba ay hindi sasama ang loob?»

«Wala nang Samuel sa buhay ko, Panginoon. At mapasalamatan sana ang Kataastaasan para diyan. Pagkalooban sana Niya ako, gayunman, na hindi sana umalis si Samuel sa Inyo, aking Diyos, katulad ng pag-iwan niya sa akin.» ang isang ngiti ay lumabas nang may-kabayanihan sa kanyang murang mga labì, habang ang mga luha ay nagniningning sa kanyang basal na mga mata.

Si Jesus ay tinitingnan siya nang lagi at bilang tugon, simpleng sinabi Niya: «Samahan ang mga babaeng disipulo» at pinagpatuloy Niya ang Kanyang paglalakad.

Ngunit ang matandang ina ni Annaleah, na mas matandang tingnan dahil sa kanyang mga kapighatian kaysa dahil sa kanyang edad, ay lumalapit din kay Jesus, yumuyuko sa isang pagpipitagan ngunit walang-siglang pagbati, at sinabi niya: «Kapayapaan sa Inyo, Guro. Kailan ko Kayo maaaring makausap? Ako ay alalang-alala!...»

«Kaagad, babae.» At pinatutungkulan ang mga nakakasama Niya, sinabi Niya: «Manatili rito sa labas. Papasok Ako nang sandali sa bahay na ito» at susundan na sana Niya ang babae. Ngunit si Annaleah ay tinawag Siya mula sa grupo ng mga babaeng disipulo, sa pamamagitan ng isang salita lamang: «Guro!», ngunit gaano ito kamakahulugan! At sa pagbigkas nito pinagdidikit niya ang kanyang mga kamay, na tila siya ay nangungusap...

«Huwag matakot. Maging nasa kapayapaan. Ang iyong kaso ay nasa mga kamay Ko at gayon din ang iyong lihim» tugon ni Jesus nang naniniyak. Pagkatapos mabilis Siyang pumasok sa medyo nakabukas na pinto.

Sa labas kapwa ang mga kalalakihan at mga kababaihan ay nagkukumentaryo nang mapag-usisa tungkol sa nangyayari, dahil lahat sila ay nananabik na makaalam...

Sa loob si Jesus ay pinakikinggan ang matandang babae. Nakasandal na ang Kanyang likod nasa pinto, na Kanya mismong isinara pagkatapos na makapasok, na ang Kanyang mga kamay nakakursomano, pinakikinggan Niya ang umiiyak na ina, na nagsasabi sa Kanya tungkol sa pabagu-bago ng katipan ng kanyang anak na sinamantala ang pagkakataon na pakawalan ang kanyang sarili mismo sa pagkakatali sa kanyang anak... «Kung kaya't si Annaleah ay totoong kagaya na ng isang itinakwil, at hindi na siya ulit ngayon magpapakasal pa, sapagkat binanggit niya na hindi Kayo sumasang-ayon sa mga taong nagpapakasal pagkatapos na itakwil ng asawa. Ngunit hindi ito ganyan. Siya ay isa pa ring batang babae! Hindi niya ibinibigay ang kanyang sarili sa iba pang lalaki, sapagkat hindi pa siya nakisama sa kahit sinong lalaki. At ang katipan ay nagkasalang ng kalupitan. At mas mahigit pa nga. Sapagkat ibig niyang mapakasal sa ibang babae at ang aking anak ay titingnan na siyang may kasalanan at ang mundo ay pagtatawanan siya. Tingnan ito, Panginoon, sapagkat ang lahat na ito ay nangyayari dahil sa Inyo.»

«Dahil sa Akin, babae? Saan Ako nagkasala?»

«O! Hindi Kayo nagkasala. Ngunit sinasabi ng lalaki na si Annaleah ay umiibig sa Inyo. At nagkukunwari siya ng paninibugho. Pumunta siya rito kagabi, ngunit si Annaleah ay kasama Ninyo. Siya ay nagwala at nanumpa na hindi niya pakakasalan pa si Annaleah, at si Annaleah na dumating nang tamang-tama, ay tumugon sa kanya: “Ginagawa mo ang tamang bagay. Nalulungkot lamang ako sapagkat niraramtan mo ang katotohanan ng kasinungalingan at paninirang-puri. Nalalaman mo na ang isa ay minamahal si Jesus sa pamamagitan lamang ng kaluluwa ng isa. Ngunit ang kaluluwa mo ngayon ang naging marumi at iniiwan ang Liwanag upang sundan ang laman, samantalang ako ay iniiwan ang laman upang sundan ang Liwanag. Hindi na tayo magiging may isang isip katulad na dapat mayroon ang isang mag-asawa. Makakalakad ka na kung gayon, at sana pangalagaan ka ng Diyos”. Hindi siya lumuha kahit isa, kita Ninyo? Wala kahit ano ang makahipo sa puso ng lalaki! Ang lahat na aking inaasahan ay bigo! Si Annaleah... ginagawa niya ang kanyang sariling kasiraan, sa pamamagitan ng kanyang kahangalan. Tawagin siya, Panginoon at magsalita sa kanya. Gawin siyang mangatwiran. Hanapin si Samuel. Siya ay nakatira kay Abraham, kanyang kamag-anak, sa ikatlong bahay pagkatapos ng Pontanya ng puno ng igos. Tulungan ako. Ngunit kausapin muna si Annaleah, ngayon na...»

«Tungkol sa pagsasalita, kakausapin Ko si Annaleah. Ngunit kailangan mong pasalamatan ang Panginoon Na kumakalag ng tali ng tao, pagkakataling hindi magbibigay ng kahit anong kabutihan. Ang lalaki ay pabagu-bago at di-makatarungan sa Diyos at sa kanyang katipan...»

«Oo, ngunit nakapangingilabot na ang mundo ay titingnan siyang may kasalanan at pati rin Kayo, dahil lamang siya ay Inyong disipulo.»

«Ang mundo ay nag-aakusa at pagkatapos nakakalimot. Ang Langit sa halip ay eternal. Ang inyong anak ay magiging isang bulaklak ng Langit.»

«Bakit ginawa Ninyong siya ay mabuhay muli? Siya ay naging isang bulaklak sana na hindi hinahagupit ng paninirang-puri. O! Dahil Kayo ay Diyos, tawagin siya, gawin siyang mangatwiran at pagkatapos gawin si Samuel na tingnan...»

«Alalahanin, babae, na ni ang Diyos ay hindi makasisira ng kalooban at kalayaan ng tao. Si Samuel at ang iyong anak ay may karapatan na sundan ang sa pakiramdam nila ay mabuti para sa kanila. Si Annaleah lalo na ay may karapatan...»

«Bakit?»

«Sapagkat si Annaleah ay minamahal ng Diyos nang higit pa kay Samuel. Sapagkat minamahal niya ang Diyos nang higit pa sa kanyang pagmamahal kay Samuel. Ang inyong anak ay pag-aari ng Diyos!»

«Hindi. Hindi iyan ganyan sa Israel. Ang isang babae ay kailangan na mag-asawa... Siya ay aking anak... Ang kanyang pagpapakasal ay nagbibigay sa akin noon ng kapayapaan para sa hinaharap...»

«Ang inyong anak ay nasa libingan na sana nang santaon, kung hindi Ko siya pinagaling. Sino Ako, ayon sa inyo?»

«Ang Guro at Diyos.»

«At bilang Diyos at Guro sasabihin Ko sa inyo na ang Kataastaasan ay may karapatan sa Kanyang mga anak nang higit sa kung sino pa man, at na labis ang malapit nang baguhin sa Relihiyon at na mula ngayon posible na para sa mga birhen na manatiling birhen magpasawalanghanggan, dala ng pagmamahal para sa Diyos. Huwag umiyak, ina. Iwanan mo ang iyong bahay at sumama sa amin, ngayon. Halikayo! Ang Aking Ina ay naroon sa labas kasama ang iba pang makabayaning mga ina na nagbigay ng kanilang mga anak sa Panginoon. Sumama sa kanila...»

«Magsalita kay Annaleah... Subukan, Panginoon!» ungol ng babae humihikbi.

«Sige. Gagawin Ko ang ayon sa ibig ninyo» sabi ni Jesus. At binuksan Niya ang pinto at tumawag: «Inay, pumasok Kayo kasama si Annaleah.»

Pumasok sila kaagad.

«Aking anak, ang iyong ina ay ibig na sabihin Ko sa iyo na isipin mo ulit ang mga bagay-bagay. Gusto niyang Ako ay magsalita kay Samuel. Anong gagawin Ko? Ano ang iyong opinyon?»

«Maaari Kayong magsalita kay Samuel. Hindi, bagkus, pinakikiusapan ko Kayo na gawin iyan. Ngunit para lamang gusto ko siyang maging makatarungan sa pakikinig sa Inyo. Sa ganang akin, alam Ninyo. Pinakikiusapan ko Kayo na ibigay sa aking ina ang pinaka makatotohanang tugon.»

«Napakinggan ba ninyo, babae?»

«Kung gayon alin ang tugon?» tanong sa putul-putol na tinig ng babae, na sa unang mga salita ng kanyang anak ay umasa sa pagsisisi ng anak, ngunit pagkaraan nakita na hindi ito ang kaso.

«Ang tugon ay na sa loob ng isang tao ang inyong anak ay naging pag-aari ng Diyos at ang kanyang panata ay tatagal nang kasing haba ng kanyang buhay.»

«O! kaawa-awang ako! Aling ina ang mas di-masaya kaysa sa akin?!»

Si Maria ay binitiwan ang kamay ng dalaga upang yapusin ang babae nagsasabi sa kanya nang may kabaitan: «Huwag magkasala sa pamamagitan ng inyong isip at ng inyong dila. Ito ay hindi di-kasayahan, bagkus isang dakilang kaluwalhatian ang ibigay sa Diyos ang isang anak. Sinabi ninyo sa Akin isang araw na ikinalulungkot ninyo na kayo ay may iisang anak na babae lamang, sapagkat ginusto ninyo na magkaroon ng isang anak na lalaki na sagrado sa Panginoon. Wala kayong anak na lalaki, bagkus isang anghel na mauuna sa Tagapagligtas sa Kanyang Tagumpay. At sinasabi mo na ikaw ay hindi masaya? Ang Aking ina ay kaagad Akong ikinunsagra sa Panginoon mula pa sa unang sandali na mamalayan niya Ako sa loob ng kanyang sinapupunan, bilang pinaglihi Ako sa matandang edad. At napasakanya Ako sa loob ng tatlong taon lamang. At napasa-Akin siya bagkus sa loob lamang ng Aking puso. Gayunpaman nagbigay ito sa kanya ng kapayapaan, sa sandali ng kanyang kamatayan, na Ako ay kanyang naibigay sa Panginoon... Maging mabuti ngayon... halika sa Templo upang awitin ang papuri Niya Na nagmamahal sa inyo nang labis na pinili ang Inyong anak bilang Kanyang nobya. Gawin ang inyong puso na maging totoo ngang marunong. At ang totoong karunungan ay naglalaman ng paglalagay ng walang mga limitasyon sa ating pagkamapagbigay sa Panginoon.»

Ang babae ay hindi na umiiyak. Siya ay nakikinig... Pagkatapos nagpasya ang kanyang isip. Kinuha niya ang kanyang manta at binalot ang sarili rito. Ngunit dumaraan sa harapan ng kanyang anak sinabi niya na may buntung-hininga: «Una ang iyong sakit, pagkatapos ang Panginoon... Ah! Hindi ka para sa akin kahit noon!...»

«Hindi, inay, huwag ninyong sabihin iyan! Hindi ninyo ako naari katulad na naaari na ninyo ako ngayon. Kapwa kayo at ang Diyos. Ang Diyos at kayo. Kayong dalawa lamang... hanggang sa aking kamatayan...» at kanyang niyayakap nang may kabaitan ang ina nagsasabing: «Ang inyong pagpapalà, inay! Ang inyong pagpapalà... sapagkat naghirap ako nang labis ginagawa kayong maghirap. Ngunit ang Diyos ay gusto ako nang ganyan...»

Nagpalitan sila ng mga halik, umiiyak. Pagkatapos sila ay lumabas pinangungunahan ni Jesus at ni Maria at sinara nila ang pinto at sinamahan ang mga babaeng disipulo.

... «Bakit tayo pumapasok dito, Panginoon? Hindi ba’t mas mabuti sa kabila?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Sapagkat sa pagpasok dito, makakaraan tayo sa harapan ng Antonia.»

«At umaasa Kayo... Mag-ingat, Guro!... Ang Sanhedrin ay nag-iispiya sa Inyo» sabi ni Tomas.

«papaano mo nalalaman?» si Bartolomeo ay tinatanong siya.

«Sapat na ang makita kung gaano kabalisa ang mga Pariseo upang ito ay maintindihan. Ako ay sinabihan na palagi silang pumupunta na maraming dahilan upang tingnan kung ano ang ating ginagawa!... Bakit, kung hindi upang makakita sa Guro ng pagkakamali?»

«Tama ka. Kung kaya't huwag tayong dumaan sa Antonia, Guro. Kung hindi Kayo makikita ng mga Romano, lalong mas mabuti.»

«At ang rason para diyan ay hindi labis sa inyong pag-alala sa Akin katulad na ito ay ang inyong pagkasuklam sa kanila, tama ba, Bartolomai? Gaano ka magiging marunong kung aalisin mo ang labis na kalupitan sa iyong puso!» tugon ni Jesus, Na, bagaman, ay ipinagpapatuloy ang Kanyang paglalakad, nang hindi nakikinig sa sino pa man.

Upang makapunta sa Antonia, kailangan nilang dumaan sa Sixtus kung saan naroroon ang mga gusali nina Johanna at Herodes, na magkalapit. At si Jonathan ay nasa pintuan ng gusali ni Chuza at nang makita niya kaagad si Jesus, sinabihan niya ang mga tao sa loob ng bahay. Si Chuza ay lumabas kaagad at yumuko kay Jesus. Si Johanna ay sinusundan siya, at nakahanda siyang samahan ang grupo ng mga babaeng disipulo.

Si Chuza ay nagsabi: «Napakinggan ko na Kayo ay titigil sa amin ngayon. Pagkalooban Ninyo ang Inyong lingkod na Kayo ay kanyang maging panauhin sa isang salu-salo.»

«Oo. Maliban na pahihintulutan mo Ako na gawin itong isang salu-salo para sa mahihirap at di-masasayang tao.»

«Ayon sa ibig Ninyo, aking Panginoon. Ibigay Ninyo sa akin ang Inyong mga utos at gagawin ko ang ibig Ninyo.»

«Salamat. Kapayapaan sa iyo, Chuza.»

Si Johanna ay nagtanong: «Mayroon ba Kayong kahit anong tagubilin para kay Jonathan? Siya ay nasa Inyong pagpapasya.»

«Ibibigay Ko sa kanya iyan pagkatapos Ko sa Templo. Tayo na, sapagkat naghihintay sila sa atin.»

Pagkaraan nang kaunti dumaraan sila sa magandang palasyo ng malupit na Herodes. Ngunit ito ay nakasarado, na tila walang nakatira rito. Dumaraan sila malapit sa Antonia. Ang mga sundalo ay pinanonood ang maliit na prusisyon ng Nazareno.

Pumasok sila sa Templo; habang ang mga babae ay tumigil sa mas mababang bahagi, ang mga lalaki ay nagpapatuloy patungo sa lugar na itinalaga para sa kanila. Narating nila kung gayon ang lugar kung saan ang mga bata ay ipinakikilala at ang mga babae pinadadalisay. Mayroong isang maliit na grupo ng mga tao, may kasamang isang bata-pang nanay, pinanonood ang seremonya ng ritwal.

«Isang maliit na bata sagrado sa Panginoon, Guro!» sabi ni Andres pinanonood ang tanawin.

«Kong ako ay hindi nagkakamali, siya ay ang babae sa Caesarea Philippi, ang babae sa kastilyo. Siya ay dumaan sa harapan ko habang kami ay naghihintay sa Inyo sa Golden Gate» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Oo. At ang kanyang biyanang babae at ang tagapangasiwa ni Philip ay naroroon din. Hindi nila kami na kita. Ngunit nakita namin sila» dagdag ni Tadeo.

At si Mateo ay nagsabi: «Sa halip nakita namin si Maria ni Simon may kasamang isang matandang lalaki. Ngunit si Judas ay wala roon. Ang babae ay nagmumukhang malungkut-na-malungkot. Tumitingin-tingin sa paligid nang alalang-alala.»

«Hahanapin natin siya saka na. Magdasal na tayo ngayon. At ikaw, Simon ni Jonah, gawin ang pag-aalay sa tesoreriya sa katauhan ng lahat.

Sila ay nagdasal nang matagal, habang pinanonood sila ng mga tao at itinuturo ang Guro sa isa’t isa.

Ang isang maikling pagtatalo, kung saan ang matinis na tinig ng isang babae ay nangingibabaw, ay nagawa ang mga hindi-buhos ang isip sa pagdarasal na lumilingon.

«Kung ako ay naparito upang ialay ang aking anak sa Diyos, makapananatili ako rito nang matagal-tagal upang ialay siya sa Kanya Na nagligtas sa kanya para sa Panginoon» sabi ng matinis na tinig.

At ang daan-sa-ilong na tinig ng mga lalaki ay namimilit: «Ang mga babae ay hindi pinahihintulutan na tumigil dito pagkatapos ng ritwal. Umalis ka.»

«Aalis ako, ngunit pagkatapos Niya.»

«Tawagin Siya, kung gayon, at umalis na kasama Siya.»

«Sandali lang! Hayaan ang babae na magsalita at ipaliwanag kung papaano niya nasasabi na ang Nazareno ay iniligtas ang bata para sa Diyos» sabi ng nagsasalitang-humihinang tinig ng isang lalaki.

«Ano ang pakialam nito, Jonathan ni Uziel?»

Ano ang pakialam niyan? Dito ay tiyak na may isa pang pagkakasala. Bagong ebidensiya. Makinig sa akin, babae. Papaano ng taong iyon nailigtas ang iyong anak? Maaari bang sabihin mo sa amin, ang mga nagpupursige na makita ang  katotohanan?» tanong nang may-katamisan ng Pariseong ito, na hindi bago sa akin.

«Tiyak na sasabihin ko, at nang may pagpapasalamat. Ako ay nawawalan ng pag-asa sapagkat ang sanggol ay pinanganak na walang-buhay. Ako ay isang balo at ang sanggol na ito ay ang lahat sa akin. Siya ay dumating at binuhay Niya siyang muli.»

«Kailan? Saan?»

«Sa Caesarea Philippi. Ako ay nakatira sa kastilyo ng Caesarea.»

«Binuhay muli! Baka iyon ay isa lamang panghihimatay ng sanggol...»

«Hindi. Siya ay patay. Ang aking ina ay makapagsasabi sa inyo. At ang tagapangasiwa ng kastilyo ay makapagsasabi rin. Ang Nazareno ay dumating at hiningahan siya sa bunganga at ang sanggol ay sumulak at umiyak.»

«At nasaan ka?»

«Nakahiga sa kama, ginoo. Kapapanganak ko pa lamang sa sanggol.»

«O! nakakapangilabot na nakakapangilabot!»

«Ah! Sumpa!»

«Marumi!»

«Mapaglapastangan!»

«Kita ninyo? Tama ako sa pag-imbestiga sa kanya.»

«Matalino ka, Jonathan ni Uziel! Papaano mo nalaman?»

«Kilala ko ang tao. Nakita ko Siyang nilapastangan ang Sabbath sa loob ng aking ari-arian sa kapatagan upang mapawi ang Kanyang pagkagutom...»

«Palayasin natin Siya rito!»

«Ating iulat ang bagay sa mga Prinsipe ng mga pari.»

«Hindi, tanungin natin Siya kung pinadalisay Niya ang Kanyang Sarili. Hindi tayo makapag-aakusa nang walang nalalaman...»

«Manahimik, Eleazar. Huwag mong parumihin ang iyong sarili sa pamamagitan ng katangahang depensa.»

Ang bata-pang si Dorcas, dahil siya ay napapunta sa gitna ng labis na kaguluhan, ay napaiyak at sumigaw: «O! Huwag ninyo Siyang saktan dahil sa akin!»

Ngunit ang ilang maiinit-ang-ulo na mga lalaki ay narating ang Panginoon at dominanteng sinabihan Siya: «Halika rito at tumugon sa amin.»

Ang mga apostol at mga disipulo ay kinapitan ng galit at takot. Si Jesus ay sinusundan nang kalmante at seryoso ang mga tumawag sa Kanya.

«Nakikilala Mo ba ang babaeng ito?» sumigaw silang tinutulak Siya sa gitna ng paikot na mga tao na nakapaligid kay Dorcas at tinuturo ang babae na tila siya ay isang ketongin.

«Oo, kilala Ko. Siya ay isang bata-pang balo at ina mula sa Caesarea Philippi. At iyon ay ang kanyang biyanang babae. At iyon ang tagapangasiwa ng kastilyo. Kung gayon?»

«Inaakusahan Ka niya ng pagpasok sa kanyang silid habang pinapanganak pa niya ang kanyang sanggol.»

«Hindi iyan totoo, Panginoon! Hindi ko sinabi iyan. Sinabi ko na binuhay Ninyong muli ang aking anak. At wala nang iba! Ibig ko Kayong parangalan, sa halip nasasaktan ko Kayo. O! patawarin ako!»

Ang tagapangasiwa ni Philip ay nakialam upang tulungan ang babae at nagsabi siya: «Hindi iyan totoo. Nagsisinungaling ka. Hindi iyan sinabi ng babae at ako ay saksi diyan, at nakahanda akong panumpaan ito, at na ang Rabbi ay hindi pumasok sa silid, bagkus ginawa Niya ang himala nakatayo sa pintuan.»

«Ikaw ay manahimik, ikaw na katulong.»

«Hindi. Hindi ako mananahimik. At sasabihan ko si Philip na gumagalang sa Rabbi nang higit pa sa paggalang ninyo, kayong  huwad na mga deboto ng Kataastaasang Diyos.»

Ang paksa ng pagtatalo ay nabago mula sa tungkol sa babae hanggang naging tungkol sa mga pulitika at relihiyon. Si Jesus ay tahimik. Si Dorcas ay umiiyak.

Si Eleazar, ang tapat na panauhin sa bangkete sa bahay ni Ishmael, ay nagsabi: «Sa palagay ko ang ipinagdududa ay naliwanagan na at ang akusasyon ay wala na, kung gayon ang Rabbi ay malaya nang makaaalis.»

«Hindi. Ibig kong malaman kung napadalisay na Niya ang Kanyang Sarili pagkatapos na mahipo ang labí. Hayaan Siyang panumpaan ito kay Jehovah!» sigaw ni Jonathan ni Uziel.

«Hindi Ko pinadalisay ang Aking Sarili sapagkat ang bata ay hindi patay, nagkaroon lang ito ng problema sa paghinga.»

«Ah! Tumatama na sa iyo ngayon ang sabihin na siya ay hindi binuhay, eh?» sigaw ng isa pang Pariseo.

«Bakit hindi Mo ipagyabang ang tungkol dito katulad ng ginawa Mo sa Kedesh?» tanong ng isa pa.

«Huwag tayong mag-aksaya ng panahon! Palayasin natin Siya at dalhin ang bagong akusasyon sa Sanhedrin. Isang tambak na mga akusasyon!»

«Ano ang iba pa?» tanong ni Jesus.

«Ano? Na hinipo mo ang babaeng-ketongin at hindi Mo pinadalisay ang Iyong Sarili. Mapasisinungalingan mo ba ito? Na Ikaw ay nanumpa sa Capernaum, kung kaya't ang Iyong mas matatapat na disipulo ay iniwan Ka. Mapasisinungalingan Mo ba ito?»

«Wala Akong pinasisinungalingan. Ngunit Ako ay walang pagkakasala, sapagkat ikaw, Sadoc, na nag-aakusa sa Akin ngayon, ay nasabihan ng asawa ni Anastasica na si Anastasica  ay hindi isang ketongin, at nalalaman mo, ikaw na tagasulsol ng pangangalunya ni Samuel, at ikaw ay nagsinungaling sa harapan ng mundo kasama niya, upang maitaguyod mo ang kahalayan ng maruming tao, tinatawag na ketong ang hindi naman ketong at kinukundina ang isang babae sa pagpapahirap na tawagin na isang “ketongin” sa Israel, dahil lamang ikaw ay ang kasabuwat sa pagkakasala ng asawa ng babae.

Si Sadoc, ang eskriba, ang isa sa mga nasa Giscala at pagkatapos sa Kedesh, ay tinamaan ng mga salita ni Jesus at patagong umalis na walang anumang sinasabi, habang ang mga pulutong ay sumisigaw sa kanya nang mapanuya.

«Manahimik! Ang lugar na ito ay sagrado» sabi ni Jesus. At nagsasabi Siya sa babae at sa mga kasamahan niya: «Tayo na. Sumama sa Akin kung saan sila naghihintay para sa Akin.» At siya ay naglakad nang seryoso at maringal, sinusundan ng Kanyang mga disipulo.

Ang babae, na sa pansamantala tinatanong ng maraming tao, ay sinasabi ang kanyang kuwento, inuulit sa bawat pagkakataon: «Ang aking anak ay pag-aari Niya at ikokonsagra ko siya sa Kanya.»

Ang tagapangasiwa, sa halip, ay nilapitan si Jesus at nagsabi: «Guro, pinaalam ko si Philip tungkol sa himala. Pinadala niya ako upang paalamin Kayo na gusto niya Kayo. Ilagay ito sa isipan tungkol sa mga patibong ni Herodes... at ng iba pang mga tao. Ngunit ibig din niya Kayong mapakinggan, at makita Kayo. Maaari ba Kayong pumunta sa bahay niya ngayon? Magiging masaya siya na tanggapin Kayo, sa Tetrarkiya din.»

«Ako ay hindi isang manunulat ng kasaysayan o isang pantas. Ako ang Guro ng Katotohanan. Gawin siyang pumunta sa Katotohanan at hindi Ko siya tatanggihan.»

Sila ay nasa loob ng Women’s Court. «Naririto Siya!» bulalas ng mga babaeng disipulo pinapaalam si Maria na nag-aalala tungkol sa antala.

Sila ay nagsama-sama at si Jesus ay ibig nang pauwiin ang mga taong galing sa Caesarea upang Siya ay makalakad at hanapin si Maria, ang ina ni Judas, ngunit si Doras ay lumuhod at nagsabi: «Matagal ko na Kayong hinahanap bago ang babaeng ito, na ibig Ninyong hanapin, at ina ng isa ng Inyong mga disipulo. Hinahanap ko Kayo upang sabihin sa Inyo: «Ang na ito ay sa Inyo. Siya ang natatangi kong anak at kinokonsagra ko siya sa Inyo. Kayo ang Buháy na Diyos. Tanggapin Ninyo siya bilang Inyong katulong”»

«Nalalaman mo ba ang ibig-sabihin niyan? Ang ibig-sabihin niyan kinokonsagra mo ang iyong anak sa kapighatian, na mawawala siya sa iyo bilang isang ina at mapapasaiyo siyang muli bilang isang martir sa Langit. Pakiramdam mo ba maaari kang maging isang martir sa pamamagitan ng iyong anak?»

«Oo, aking Panginoon. Naging isang martir na sana ako sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, at naipaghirap ko na sana ang pagiging martir ng isang kaawa-awang ina. Alang-alang sa Inyo ako ay magiging isang perpektong martir, kasiya-siya sa Panginoon.»

«Maging ganito ito!... O! Maria ni Simon, kailan kayo dumating?»

«Ngayon lang. Kasama ang aking kamag-anak si Ananias... Hinahanap ko rin Kayo, Panginoon...»

«Alam Ko. Pinadala Ko si Judas upang sabihin sa inyo na pumunta. Hindi ba siya pumunta?»

Ang ina ni Judas ay itinungo ang kanyang ulo at bumulong: «Umalis kaagad ako sa bahay pagkatapos niya at pumunta ako sa Gethsemane. Ngunit nakaalis na Kayo roon!... Tumakbo ako sa Templo... At ngayon natagpuan ko na Kayo... Tamang-tama upang mapakinggan ang batang babaeng ito, na isang ina na kaagad at napakasaya!... O! Sana makapagsalita ako sa Inyo katulad ng ginawa niya, Panginoon, ng tungkol sa isang bagong panganak na si Judas... napaka mapagpakumbaba... katulad ng isa ng maliliit na tupang ito... » at umiiyak tinuturo niya ang humuhuning mga tupa na isasakripisyo. Binalot niya ang kanyang sarili sa kanyang manta upang maitago ang kanyang mga luha.

«Sumama kayo sa Akin, inay. Mag-uusap tayo sa loob ng bahay ni Johanna. Hindi ito ang tamang lugar.»

Ang mga babaeng disipulo ay kinuha ang ina ni Judas patungo sa gitna ng kanilang grupo, habang ang kanyang kamag-anak na si Ananias ay humalo sa mga disipulo. Si Dorcas at ang kanyang biyanang-babae ay pumunta rin sa mga babaeng disipulo, at si Maria ni Alfeo at si Salome ay lubos na naliligayahan habang hinahagpus ang bata.

Nagpagawi sila sa labasan. Ngunit bago sila makarating doon, ang isang Romanong alipin ay nagdala ng isang waks na tableta kay Johanna, na binasa ito at tumugon: «Sabihin na walang problema. Ngayong hapon sa loob ng aking bahay.»

Pagkatapos ito ay ang malugod na sigaw ni Jaia at ang kanyang ina nang kanilang makita ang Tagapagligtas: «Naririto Siya, naririto ang Tagapagbigay ng liwanag! Pagpalain nawa Kayo, Liwanag ng Diyos!» at pinagpatirapa ang kanilang mga sarili, nagniningning sa kasayahan. Ang mga tao ay nag-ipun-ipon, nagtataka, nakaintindi, nagpuri.

Pagkatapos nandiyan ang matandang Matthias, ang lalaking nagbigay kay Jesus at sa Kanyang mga disipulo ng pag-aruga sa loob ng bumabagyong gabi malapit sa Jabesh-Gilead, at kanyang pinagpipitaganan at pinagpapalà ang Guro.

At naririyan ang lolo ni Marjiam at ang iba pang magbubukid, kung kanino si Jesus ay nagsasabi, pagkatapos na nakipagusap kay Johanna: «Sumama sa Akin» katulad ng Kanyang nasabi na kina Dorcas, Jaia at Matthias.

Ngunit malapit sa Golden Gate nakita nila si Mark ni Josiah, ang walang-pananampalatayang disipulo, na nakikipagusap nang masiglang-masigla kay Judas Iskariote. Si Judas ay nakita ang Guro Na  parating at sinabihan niya ang kanyang kausap, na lumingon nang si Jesus ay nasa likuran na niya. Ang kanilang mga mata ay nagkatagpo. Anong sulyap ang binigay ni Jesus sa kanya! Ngunit siya ngayon ay bingi na sa lahat ng banal na kapangyarihan. Upang makaalis kaagad, halos naitulak niya si Jesus sa poste. At si Jesus ay gumanti lamang ng pagsasabing: «Mark, tigil. Maawa ka sa iyong kaluluwa at sa iyong ina!»

«Satanas!» sigaw ng iba. At siya ay lumayas.

«Kakila-kilabot!» sigaw ng mga disipulo. «Isumpa siya, Panginoon!» at ang Iskariote ay ang unang nagsabi ng ganito.

«Hindi. Hindi na Ako magiging si Jesus, kung gagawin Ko... Tayo na.»

«Ngunit papaano siya naging ganyan? Napakabuti niya!» sabi ni Isaac, na malungkot-na-malungkot gawa ng pagbabago ni Mark, na nagmumukha siyang parang tinamaan ng palaso.

«Iyan ay isang misteryo. Hindi iyan maipaliliwanag!» sabi ng marami sa kanila.

At si Judas Iskariote ay nagsabi: «Ginawa ko siyang magsalita. Ang lahat na kanyang sinabi ay erehiya, ngunit sinabi niya ang mga bagay-bagay sa pamamaraan na halos makukumbinsi ka. Hindi siya napakamarunong nang siya ay isang makatarungang tao.»

«Kailangang sabihin mo na siya ay hindi napakatanga nang siya ay nalulukuban malapit sa Gamala!» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

Si Juan ay nagtanong: «Bakit, Panginoon, hindi niya Kayo labis na sinaktan nang siya ay nalulukuban? Hindi ba Ninyo siya mapagagaling upang hindi niya Kayo saktan?»

«Sapagkat tinanggap na niya ngayon ang isang matalinong dimonyo sa loob niya mismo. Dati siya ay ang takbuhan ng isang hukbo ng mga dimonyo, na mga nag-ukupa sa kanya sa pamamagitan ng karahasan. Ngunit hindi siya nagbigay ng kapahintulutan na sila ay makapasok. Ngayon ang kanyang katalinuhan ay ginusto si Satanas at si Satanas ay naglagay ng isang matalinong maladimonyong lakas sa kanya. At wala Akong magagawa laban sa huling panlulukob na ito. Kakailanganin Kong gumawa ng karahasan sa malayang kalooban ng tao.»

«Nagpapalungkot ba ito sa Inyo, Guro?!»

«Oo, nagpapalungkot. Iyan ang Aking pagdurusa... Aking pagkatalo... At pinaghihirap Ako nito, sapagkat ang mga kaluluwang ganyan ay nawawala. Dahil lamang diyan. Hindi dahil sa pananakit na ginagawa nila sa Akin.»

Lahat sila ngayon ay nakatayo sa isang grupo, naghihintay sa kalsada na maging libre sa pagkakabuhol ng mga tao at mga sasakyang hayop. At ang ina ni Judas ay tinitingnan ang kanyang anak nang husto na ang huli ay nagtanong sa kanya: «Bueno? Ano ang nangyayari sa inyo? Ito ba ang unang pagkakita ninyo sa aking mukha? Totoong may nararamdaman kayo at kailangan ko kayong patingnan...»

«Wala akong nararamdaman, anak! At hindi ito ang unang pagkakita ko sa iyo!»

«Kung gayon?»

«Kung gayon... wala. Gusto ko lang sana na hindi ka nararapat sa gayong mga salita ng Guro.»

«Hindi ko Siya iniiwan at hindi ko Siya inaakusahan. Ako ay Kanyang apostol!»

Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad hanggang sa si Jesus ay tumigil upang batiin si Johanna at ang mga babaeng disipulo na mga patungo sa bahay ni Johanna kasama siya. ang lahat na mga lalaki, sa halip, ay pumunta sa Gethsemane.

«Lahat sana tayo ay pumunta roon. Gusto ko sanang mapakinggan ang sasabihin ni Eliza.»

«Makikita ninyo siya. Sapagkat ngayon lamang siya pasasabihan, at sa pamamagitan Ko, na ipinagkakatiwala Ko sa kanya si Anastasica.»

«At magkakaroon ba ng isang salu-salo ngayong gabi?»

«Oo, sinabihan Ko si Johanna kung ano ang gagawin.»

«Ano ang kanyang gagawin? Kailangan Ninyo siya sinabihan?»

«Makikita ninyo. Sinabihan Ko siya bago niya tayo iniwanan, habang nagpapaalam Ako sa kanya. Lumakad na tayo nang mabilis upang makarating sa hardin ni Johann sa tamang oras.»

090910/091012

 

 

 

 



Sunod na kabanata