368. Ang Huwebes Bago ang Paskuwa. Ang mga Pagtuturo sa mga Apostol.

Enero 25, 1946.

Sa kanilang pagbabalik patungo sa bahay ni Johanna, habang sila ay nakakalat sa mga tao na nagsisiksikan sa mga kalsada at napapahiwalay sa isa’t isa ang maraming mga disipulo na mga sumusunod kay Jesus, si Pedro, na kasama ang Guro at ang dalawang anak ni Alfeo, ay nagtanong: «Panginoon, ngayon na tayo ay makapagsasalita nang kaunti sa isa’t isa, maaari bang sabihin Ninyo sa akin ang isang bagay, na ang tungkol dito ay matagal ko nang iniisip kagabi pa?»

«Siyempre, Simon. Sabihin mo sa Akin, at sasagutin kita.»

«Mula pa kagabi iniisip ko ang tungkol sa dakilang grasya na Inyong ipinagkaloob kay Juan ng Antigonea. Alam Ninyo, iyon ay talagang isang malaking grasya! Isang bagay na pambihira. Ipinagkaloob sa kanya lamang! Datapwa’t karapat-dapat din si Sintike ng gayon... At napakaraming mabubuting tao... na karapat-dapat na makita Kayo... ngunit nakikita lamang nila Kayo kapag sila ay malapit sa Inyo. Halimbawa, anong kaginhawahan ito sa amin, kapag kami ay ipapadala Ninyo sa mundo! At nagkaroon ng mga pagkakataon kung kailan ang isang salita Ninyo ay napaliwanagan sana ang mga kaduda-dudang punto para sa amin... Ngunit hindi Kayo kailanman nagpakita sa amin... Ano ang kaibahan?»

«Bilang kongklusyon, Aking mahal na Simon, ikaw kaya ay naninibugho?...»

«Hindi! Ngunit... Bueno, ibig kong malaman ang tatlong bagay: bakit ito ipinagkaloob kay Juan ng Endor; ito ba ay ipinagkaloob sa kanya lamang; at ito ba ay mangyayari din sa amin isang araw, halimbawa sa akin, upang makita Kayo nang mahimala at masabihan Ninyo kung papaano ako kikilos.»

«At ito ang Aking tugon: Ang grasya ay ipinagkaloob kay Juan sapagkat siya ay isang gustung-gustong espiritu, ngunit siya, dahil sa kanyang nakaraang mga pakikipagsapalaran, mayroon siyang ilang mga kahinaan, na mas pisikal kaysa ano pa man na iba, at baka makasira ito sa katayuan ng kanyang pagtaas sa Diyos, na kanyang itinayo. Tingnan mo, Aking mahal na kaibigan? Ang ating nakaraan, na nasa atin nang mahabang panahon katulad ng isang nakaugat na balat, hindi lamang ito gumagawa ng nakikitang mga tanda, bagkus nag-iiwan din ng tumatagal na mga kiling sa bawat tao. Tingnan, halimbawa, ang isang maliit na bahay na iyon sa paanan ng bundok. Ang tubig, na dumadaloy sa tabi ng bundok kapag umuulan, ay unti-unti nang pinasok ito. Sa kasalukuyan ay may mainit na sinag ng araw, na tatagal sa loob ng maraming buwan. Ngunit ang amag na nakatagos sa semento ay laging naririyan katulad ng mga pekas ng ketong. Ang bahay ay inabandona sapagkat ito ay naideklarang apektado. Sa mas istriktong mga araw ang bahay ay maaaring giniba na nang ganap, ayon sa Batas. Bakit ang ganyang kamalasan nangyari sa kaawa-awang bahay na iyan? Sapagkat ang may-ari ay wala ng maliliit na kanal na nakapaikot sa bahay upang maiwasan ang tubig na mabungkok sa mga pundasyon nito at upang maiíwas ang tabi ng bahay na nakaharap sa bundok sa tubig na bumababa mula rito. Ang bahay ngayon ay hindi lamang pangit tingnan bagkus ito ay pinahina din ng basá-basáng lupa. Kung ang isang tao na may mabuting kalooban ay inasikaso ang mga remedyong iyon at nilinis ang bahay, kinakaskasan ang mga pader at pinapalitan ang apektadong mga tisa ng bago, magagamit pa itong muli. Ngunit lagi na itong apektado ng ganyang kahinaan, na sa panahon ng lindol ito ang magiging unang magigiba. Si Juan ay pinasok sa loob ng maraming taon ng nakalalasong kasamaan ng mundo. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang kalooban pinutol niya ito mula sa kanyang kaluluwa, nang ito ay nabuhay muli. Ngunit may naiiwan pang mga kahinaan, nakatago sa kanyang laman, sa kanyang mas imperyor na bahagi... Ang kanyang espiritu ay malakas, ngunit ang kanyang katawan ay mahina at ang laman ay nakagagawa ng mga bagyo kapag ang mga panggaganyak nito ay nakikipag-ugnayan sa mga elemento ng mundo, na maka-uuga sa kaakuhan ng isa.  Si Juan!... Gaano karaming butil ng kanyang nakaraan ang naalis gawa ng kung ano ang nangyari! Tinulungan Ko ang kanyang panlalaban, ang kanyang puripikasyon, ang kanyang tagumpay laban sa kanyang pabangun-bangon na nakaraan. Nagbibigay Ako ng konsolasyon sa kanyang napakapait na paghihirap, hangga’t magagawa Ko. Sapagkat karapat-dapat siya nito. Sapagkat makatarungan na tulungan ang isang banal na kalooban kapag ang lahat na kasamaan ng mundo ay inaatake ito. Kumbinsido ka ba?»

«Oo, Guro, kumbinsido ako... At sa kanya lamang ba Kayo nagpapakita?»

Si Jesus ay ngumingiti tinitingnan si Pedro na nakatitig sa Kanya mula sa ibaba katulad ng isang bata na pinagmamasdan ang mukha ng kanyang ama. Siya ay tumugon: «Hindi lamang sa kanya. Sa iba rin, na nasa malayo, nagtatayo ng kanilang kabanalan, nang hirap-na-hirap at lubos na nag-iisa.»

«Sino sila?»

«Walang pangangailangan na malaman iyan.»

Si Santiago ni Alfeo ay nagtanong: «At papaano kami, halimbawa, kung kami ay nag-iisa at, sino ang nakaaalam, kung papaano kami pahihirapan ng mundo?... Hindi ba Ninyo kami tutulungan sa pamamagitan ng Inyong presensya?»

«Makakasama ninyo ang Paraklito kasama ang Kanyang liwanag.»

«O sige... Ngunit ako... hindi ko Siya kilala... at... sa palagay ko hindi ako magtatagumpay sa pag-intindi sa Kanya. Kayo sa halip... sasabihin ko: “O! Naririto ang Guro” at tatanungin ko Kayo kung ano ang kailangan kong gawin, nalalamang tiyak na Kayo ito...» sabi ni Pedro. At siya ay nagtapos: «Ang Paraklito! Napakataas para sa isang mangingisda! Gaano kaya kahirap ang Kanyang wika at gaano Siya kagaan: isang dumaraang ihip... Sino ang makadádama rito? Kailangan ko ang isang marahas na yugyog, isang sigaw, upang, tangang katulad ko, sana magising ako at makaintindi. Ngunit kung Kayo ay magpakita sa akin, makikita ko Kayo, kung gayon!... Mangako sa akin, hindi, bagkus, mangako sa amin, mangako na Kayo ay magpapakita din sa amin. Ngunit sa kung ano Kayo! Sa laman at dugo. Upang ang isa ay makikita Kayo nang mabuti at maririnig Kayo nang mas maganda.»

«At kung Ako ay dumating upang kagalitan kayo?»

«Hindi na bale! Kayo man lang... dalawa ay nagkasundo, hindi ba? Nalaman man lamang namin kung ano ang kailangang gawin!»

Ang dalawang anak ni Alfeo ay tumango sa pagsang-ayon.

«Bueno, nangangako Ako sa inyo. Ngunit, maniwala sa Akin, ang Paraklito ay gagawin Niya na Siya ay maintindihan ng inyong mga kaluluwa. Ngunit Ako ay darating at sasabihin sa inyo: “Santiago, gawin ito at iyon. Simon Pedro, hindi tama para sa iyo na gawin iyan. Judas, palakasin mo ang sarili mo para rito at doon”.»

«O! napakaganda. Mas maganda na ang aking pakiramdam. At pumunta nang madalas, tandaan Ninyo! Sapagkat ako ay magiging katulad ng isang kaawa-awang nawawalang bata, na walang gagawin bagkus ang umiyak at... nagagawa ang maling bagay...» At si Pedro ay halos nagsisimula nang umiyak ngayon...

Si Judas Tadeo ay nagtanong: «Hindi ba Ninyo magagawa ang ganyan para sa lahat, kahit ngayon? Ang ibig kong sabihin: para sa mga nagdududa, may pagkakasala, mga nagtatatwa. Baka isang himala... »

«Hindi, kapatid. Ang isang himala ay makagagawa nang malaki, lalo na ang katulad ng himalang iyon, kapag ito ay pinagkaloob sa tamang oras at sa tamang lugar, sa mga tao na hindi gamol na makasalanan. Kapag, sa halip, ito ay ipinagkaloob sa mga taong gamol na makasalanan, pinalalaki nito ang pagkakasala, sapagkat pinalalaki nito ang kanilang pagmamalaki. Pagkakamalan nila ang regalo ng Diyos na kahinaan ng Diyos, na tila pinakikiusapan ng Diyos ang mapagmalaking mga tao na pahintulutan Siyang mahalin sila. Titingnan nila ang regalo ng Diyos na resulta ng kanilang malaking mga merito. Sasabihin nila: “Ang Diyos ay pinagpakumbaba ang Sarili sa harapan ko, sapagkat ako ay banal”. Diyan ang kasiraan makukumpleto. Ang pagkasira ni Mark ni Josiah, halimbawa, at ng iba pang mga tao kasama niya... Kapahamakan sa mga kumukuha ng Makadimonyong daan. Ang regalo ng Diyos ay nagiging lason ni Satanas sa kanila. Ang pagpalain na magkaroon ng pambihirang mga regalo ay ang pinakamalaki at ligtas na pagsubok sa antas ng pagtaas at ng banal na kalooban ng tao. Kadalasan ang tao ay nasisiyahan sa mga ito, at mula sa espirituwal siya ay nagiging ganap na pantao, siya kung gayon ay bumababa nang mas mababa at nagiging isang dimonyo.»

«Bakit kung gayon ipinagkakaloob ang mga ito ng Diyos? Magiging mas mabuti kung hindi Niya ito ipinagkakaloob!»

«Simon ni Jonah, nang ang iyong ina ay gusto kang matutong lumakad, pinanatili ka ba niya sa loob ng mga lampin at karga niya lagi?»

«Hindi. Inilagay niya ako sa sahig na ang aking mga paa libre.»

«Bumagsak ka ba kahit kailan?»

«Maraming beses! At dahil din ako ay napaka... Bueno, mula nang ako ay bata, gusto kong gawin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ko mismo at pinangangatawanan ko na nagawa ko ang lahat nang mabuti.»

«Ngunit hindi ka na bumabagsak ngayon!»

«Siyempre hindi! Ngayon alam ko na na delikado ang umakyat sa likod ng isang upuan, na maling gamitin ang mga “downspout” upang bumaba mula sa bubungan patungo sa lupa at na isang katangahan ang lumipad mula sa puno ng igos patungo sa bahay, katulad mismo ng isang ibon. Ngunit nang ako ay isang bata, hindi ko alam. At kung ako ay hindi napatay ito ay isang tunay na misteryo. Ngunit unti-unti natutuhan ko ang paggamit nang tama ng aking mga paa at ng akin ding utak.»

«Kung gayon ang Diyos ay nagawa ng tamang bagay sa pagbibigay sa iyo ng mga paa at utak, at ang iyong ina rin ay nagawa ang tamang bagay na gawin kang matuto sa iyong sariling kapaguran?»

«Tiyak na tiyak ‘yan!»

«At ang Diyos ay ganyan din ang ginagawa sa mga kaluluwa. Binibigyan Niya sila ng mga regalo, at katulad ng isang mabuting ina siya ay nagbibigay ng babala at nagtuturo sa kanila

«At kung ang isa ay isang tanga?»

«Ang Diyos ay hindi nagbibigay ng mga regalo sa mga tanga. Minamahal Niya sila, sapagkat sila ay di-masaya, ngunit hindi Niya sila binibigyan ng hindi nila mapahahalagahan.»

«Ngunit halimbawa na binigyan Niya sila, at ginamit nila nang mali?»

«Ang Diyos ay tatratuhin sila kung ano talaga sila: mga may-kapansanan na mga tao, at dahil dito wala silang pananagutan. Hindi Niya sila huhusgahan.»

«At kung ang isa ay matalino nang siya'y tumanggap sa mga ito, at pagkatapos naging gago o baliw»

«Kung ang pagbabago ay dahil sa sakit, ang isa ay walang pagkakasala sa hindi paggamit sa regalo.»

«Ngunit... ang isa sa amin, halimbawa? Si Mark ni Josiah... o... iba, kung gayon?»

«O! Kung gayon mas mabuti pa para sa kanya na hindi na lang ipanganak! Ngunit ganyan kung papaano naihihiwalay ang mabuti sa masama... Isang masakit ngunit makatarungan na operasyon.»

«Ano ang  magandang paksa ng inyong paguusap? Wala ba kaming pakialam diyan?» tanong ng ibang mga apostol na, salamat sa malapad na kalsada, nagawa nilang makasama si Jesus.

«Kami ay naguusap tungkol sa maraming bagay. Si Jesus ay nagsabi sa akin ng isang parabula tungkol sa ketong ng mga bahay. Uulitin ko ito sa inyo saka na» tugon ni Pedro.

«Anong pamahiin, gayunpaman! Talagang nararapat sa mga araw na iyon. Ang mga pader ay hindi naaapektuhan ng ketong. Ang tangang sinaunang mga tao ay ginagamit ang mga katangian ng mga hayop sa mga damit at mga pader. Nakakalokong mga teoriya na nagagawa tayong katawa-tawa» wika ng Iskariote pinakikita ang kanyang natututunan.

«Hindi masyadong katulad sa sinasabi mo, Judas. Sa ilalim ng tila kathang isip, nababagay sa mentalidad ng mga araw na iyon, may nararating ito na mahalagang sakop, na umaayon sa banal na pag-intindi sa kinabukasan. Katulad-na-katulad sa maraming iba pang mga alituntunin ng lumang Israel. Mga alituntunin na nagpapatnubay sa kalusugan ng mga tao. Katungkulan ng mga mambabatas na panatilihin ang mga tao na malusog, napararangalan  at napaglilingkuran nito ang Diyos sapagkat ang mga tao ay mga nilikha ng Diyos. Kung gayon sila ay hindi dapat na pabayaan, katulad na hindi natin pinababayaan ang mga hayop at mga halaman. Totoo na ang mga bahay na tinatawag na mga ketongin, ay wala ng pisikal na sakit ng ketong. Ngunit sila ay may mga depekto sa pagkakalugar at pagkakagawa, na nagagawa silang di-malusog at naibubunyag ng mga mantsang tinatawag na “ketong ng mga pader”. Sa katagalan sila ay hindi lamang di-malusog para sa tao, bagkus sila ay magiging delikado sapagkat maaaring madali silang bumagsak. Sa gayon ang Batas ay nagtatakda ng kung ano ang tama at nag-uutos na ang mga bahay ay iabandona at ibalik sa dati at pati gibain ito, kung pagkatapos na inayos, nagpapakita pa rin ito ng mga tanda ng sakit.»

«O! anong pinsala ang magagawa ng kaunting basá-basâ? Matutuyo ito ng mga taong gumagawa ng mga metal na dekorasyon.»

«Kung gayon ang basá-basâ ay hindi makikita sa labas at ang panloloko ay mas malaki. Ang basa-basâ ay lalalim at maaagnas, at isang magandang araw ang bahay ay babagsak nililibing nang buhay ang mga nasa loob nito. Judas, Judas! Mas mabuti nang labis na mapagbantay kaysa padalus-dalos.»

«Ako ay hindi isang bahay.»

«Ikaw ay bahay ng iyong kaluluwa. Huwag gawin ang kasamaan na makapasok sa iyong bahay at durugin ito... Bantayan ang kaligtasan ng iyong kaluluwa. Kayong lahat ay kailangan na maging mapagbantay.»

«Magbabantay ako, Guro. Ngunit sabihin Ninyo sa akin ang katotohanan, nagkaroon ba ng malalim na impresyon sa Inyo ang mga salita ng aking ina? Siya ay may sakit. Marami siyang nalilikhang mga bagay sa kanyang isip. Kailangan ko siyang patingnan. Pagalingin Ninyo siya para sa akin, Guro.»

«Pagiginhawahan Ko siya. Ngunit tanging ikaw lamang ang makapagpapagaling sa kanya, inaalisan siya ng mga pag-alala.»

«Nag-aalala siya ng tungkol sa wala. Maniwala sa akin, Guro.»

»Mabuti nga kung ganyan, Judas. Mabuti nga kung ganyan. Ngunit subukan na maalis nang ganap ang kanyang pag-aalala, sa pamamagitan ng mas makatarungan na pagkilos. Kung iyan ay nandiyan, maaaring may dahilan ito. Alisin ang alaala tungkol dito, at ang iyong ina at Ako ay pagpapalain ka.»

«Guro, Kayo ba ay natatakot na ako ay makikipagkasundo kay Mark ni Josiah?»

«Wala Akong kinatatakutan.»

«Ah! Mabuti! Sapagkat totoong sinusubukan kong makumbinsi ko siya. At sa palagay ko katungkulan kong gawin iyan. Walang gumagawa nito! Ngunit ako ay masigasig para sa mga kaluluwa, talagang ako!»

«Mag-ingat na walang kapinsalaan ang darating sa iyo» sabi ni Pedro nang may kabutihang loob.

«Anong ibig mong sabihin?» tanong ni Judas nang agresibo.

«Ito lang: ang hawakan kung ano ang umaapoy kailangan mo ng isang bagay na hindi nasusunog.»

«Ano, sa kaso natin?»

«Ano? Dakilang kabanalan.»

«At ako ay wala, hindi ba?»

«Ni ikaw, o ako, ni sino pa man sa atin. Kung kaya't... baka masunog natin ang ating sarili at maiwan na may mga paso.»

«Kung gayon, sino ang mangangalaga ng mga kaluluwa?»

«Ang Guro, pansamantala. Pagkatapos, kapag mayroon na tayo ng pamamaraan, ayon sa Kanyang pangako, tayo naman.»

«Ngunit ibig kong gawin iyan ngayon na. Ang isa ay hindi kailanman man naging napakaagang nagtrabaho para sa Panginoon.»

«Oo, sa palagay ko tama ka. Ngunit ang unang gawain para sa Panginoon ay kailangan na magawa sa loob natin. Ang magpahayag ng kabanalan sa ibang mga tao bago ipahayag ito sa ating mga sarili ay...»

«Kayo ay makasarili.»

«Hindi lahat.»

«Oo, kayo.»

«Hindi, hindi ako.»

Ang pagtatalo ay nagsimula. Si Jesus ay nakialam; «Ang karamihan ng sinabi ni Pedro ay tama. May ilang katotohanan din sa sinabi mo. Sapagkat ang pagpapahayag ay kailangan na ibatay sa mga katotohanan. Kung kaya't kailangan na pabanalin ninyo ang inyong mga sarili upang masabi ninyo: “Gawin ang aking ginagawa sapagkat ito ay tama”. At iyan ay sumasang-ayon sa sinasabi ni Pedro. Ngunit ang trabahuhin ang ibang mga kaluluwa ay nakakatulong na magawang perpekto ang ating sariling kaluluwa, sapagkat mapipilitan tayo na paunlarin ang ating mga sarili, na kung hindi'y pipintasan tayo ng mga taong ibig nating maibalik sa Diyos. Ngunit naririto na tayo sa bahay ni Johanna... Tayo ay pumasok at kalugdan ang nakakasama ang mga manggagawa ng Panginoon, at ipahayag, sa pamamagitan ng mga katotohanan, ang hinaharap na mga panahon.»

100910/071112

 

 



Sunod na kabanata