369. Ang Huwebes Bago ang Paskuwa. Sa Bahay ni Johanna ni Chuza.

Enero 26, 1946.

«Kapayapaan sa bahay na ito at sa lahat na mga tao sa loob nito» ay ang pagbati mula kay Jesus habang Kanyang pinapasok ang magarang malapad na pamasukang-bulwagan, lahat naliliwanagan ng mga lampara, sa kabila na ngayon ay araw. At ang mga lampara ay hindi kalabisan. Sapagkat habang totoo na ngayon ay araw at ang sikat ng araw ay nakakasilaw sa labas, sa mga kalsada, at sa pinturadong-puti na mga portada, totoo rin na ang liwanag dito sa loob ay kailangan na malabo na normal lamang. Sa katotohanan ang pamasukang-bulwagan ay katulad ng isang koridor, ang kahabaan ng bahay, mula sa solidong harapang pintuan hanggang sa hardin, na ang kaberdehan nito ay makikita sa kabilang dulo ng koridor, sa ilalim ng maningning na sikat ng araw. At ang hardin ay nagmumukhang malayo, dahil sa epekto ng pagtingin. Sa gayon ang liwanag sa loob ng bulwagan ay maaaring katulad ng isang tunay na anino, lalo na sa mga taong nanggagaling sa labas, na ang mga mata ay nabubulagan ng maningning na sikat ng araw. Si Chuza kung gayon ay tiniyak na maraming tansong may-dekorasyon na platilyo ang nakalagay sa dalawang pader ng bulwagan nakahilerang pare-pareho ang pagitan, upang ganap na makapagpaliwag, at may panggitnang pampaliwanag, na isang malaking rosal na alabastrong kasirola na may nakatampok na mga haspe at iba pang maraming-kulay na mamahaling mga kaliskis, na, dahil sa liwanag na nanggagaling sa loob ng nasisinag na alabastro, ay nagniningning katulad ng mga bituin, gumagawa ng mga bahaghari sa madilim-na-asul na mga pader, sa mga mukha ng mga tao, dahil ang mga lampara ay sumasayaw nang kaunti sa hangin ng mahabang bulwagan at kung gayon ang pusisyon ng mamahaling mga kaliskis ay patuloy na nagbabagu-bago.

«Kapayapaan sa bahay na ito» ulit ni Jesus, habang Siya ay nagpapatuloy, pinagpapalang walang-tigil ang mga kalutong na nakapatirapa sa sahig at ang mga panauhin na namamangha na sila ay tinipon sa loob ng isang pang-prinsipeng palasyo, napakalapit sa Guro.

Ang mga panauhin! Ang idea ni Jesus ay ngayon makikita na nang malinaw. Ang bangkete ng pagmamahal, na ibig Niyang mangyari sa loob ng bahay ng mabuting babaeng disipulo, ay isang pahina ng Ebanghelyo na sinabuhay. Dito ay may mga pulubi, pilay, bulag, matatanda, mga ulila, mga bata-pang balo kasama ang kanilang maliliit na anak nakakapit sa kanilang mga damit o sumisipsip ng kaunting gatas ng kanilang nagkukulang-sa-pagkain na mga ina. Ang kayamanan ni Johanna ay siya nang gumawa na mapalitan ang kanilang basahang mga damit ng simpleng mga damit, na, bagama't ay bago at malinis. Ngunit kung ang kanilang mga buhok, na inayos bilang pangunahing hakbang para sa kalinisan, at ang kanilang malilinis na damit ay nagagawa ang mga kaawa-awang sawing-palad na ito, na ngayon pinapipila at tinutulungan ng mga katulong na marating ang kani-kanilang upuan, ay nagmumukhang hindi masyadong miserable kaysa dati, nang sila ay dinala ni Johanna sa kanyang bahay mula sa mga lansangan, mga sangahan ng mga daan, at mga daanan ng mga kariton patungong Jerusalem, kung saan ang kanilang kahirapan ay naitatagong may-kahihiyan o pinakikita upang makatanggap ng mga limos, may mga kitang-kitang tanda pa rin ng mga paghihirap sa kanilang mga mukha, at ng mga sakit ng kanilang mga katawan, at kamalasan at pangungulila sa kanilang mga mata...

Si Jesus ay dumaraan at pinagpapalà sila. Ang bawat di-masayang tao ay tumatanggap ng isang pagpapalà, at kung ang kanang kamay ni Jesus ay tumataas upang magpala, ang kanyang kaliwang kamay ay ibinababa upang manghaplos ng nanginginig na maputing ulo ng matatanda o ng inosenteng mga ulo ng mga bata. Siya kung gayon ay akyat-panaog sa bulwagan, pinagpapalà ang lahat, pati na rin ang mga pumapasok habang Siya ay nagpapalà na at na, bilang nakadamit ng basahan, ay nagtatago na matatakuting at mahiyain sa isang sulok, hanggang sa ang isang katulong ay dadalhin sila sa ibang lugar, upang hugasan at damitan ng malilinis na damit, katulad ng mga nauna na sa kanila.

Ang isang bata-pang balo ay dumaraan kasama ang kanyang maliit na grupo ng mga bata... Anong kaawa-awang tanawin! Ang pinakabunso ay ganap na hubad, natatakpan ng suot na belo ng kanyang ina... ang mas malalaki ay mayroon lamang ng kung ano ang kinakailang saplot upang maging disente. Tanging ang pinakamatandang anak na lalaki lamang, isang payat na matangkad na bata, ang nakasuot ng karapat-dapat ng tawag na iyon, ngunit siya ay nakapaa.

Si Jesus ay pinagmamasdan ang babae, pagkatapos siya ay Kanyang tinawag nagsasabi: «Saan kayo nagmula?»

«Mula sa kapatagan ng Sharron, Panginoon. Si Levi ay tumuntong na sa tamang edad... At kinailangan ko siyang dalhin sa Templo... sapagkat ang kanyang ama ay patay na» at ang babae ay lumuluha nang tahimik, ang isang tahimik na pagluha ng isang babae na lumuha na ng napakaraming luha.

«Kailan namatay ang inyong asawa?»

«Nang nakaraang taon sa buwan ng Shebat. Buntis ako noon nang dalawang buwan...» at nilunok niya ang kanyang hikbi upang hindi mainis si Jesus, niyuyukuan ang kanyang maliliit na anak.

«Kung gayon ang sanggol ay walong buwan ang gulang?»

«Oo, Panginoon.»

«Ano dati ang inyong asawa?»

Ang babae ay bumulong ng kung anong bagay sa gayong mababang tinig, na si Jesus ay hindi ito naintindihan. Siya ay yumuko upang mapakinggan siya at nagsabi: «Sabihin sa Akin, at huwag matakot.»

«Siya ay isang manggagawa sa isang pandayan... Ngunit malala ang kanyang sakit... naghihirap siya sa mga sugat na nagnanaknak.» At nagtapos siya sa napakababang tinig: «Siya ay dating isang sundalong Romano.»

«Ngunit ikaw ay isang Israelita?»

«Oo, Panginoon. Ngunit huwag Ninyo akong tanggihan bilang di-malinis. Ganyan ang ginawa ng aking mga kapatid nang ako ay pumunta nakikiusap sa kanila na kami ay kaawaan nang mamatay si Cornelius...»

«Huwag kang matakot niyan! Ano na ang iyong ginagawa ngayon?»

«Nagtatrabaho ako bilang isang katulong, kung mayroon nangangailangan sa akin, bilang isang tagahimalay, isang tagahila, isang tagahampas ng abaka... ginagawa ko kahit ano... upang mapakain ang mga bata. Si Levi ay magtatrabaho na ngayon bilang isang magbubukid... kung siya ay kanilang kukunin... sapagkat siya galing sa magkaiba ang lahi.»

«Magtiwala sa Panginoon.»

«Kung ako ay hindi nagtiwala, pinatay ko na sana ang aking sarili kasama ang lahat ng mga anak ko, Panginoon.»

«Lakad, babae. Magkikita ulit tayo» at siya ay Kanyang pinalakad.

Si Johanna pansamantala ay dumating at siya ay nakaluhod, naghihintay sa Guro na harapin siya.

Siya sa katunayan ay tumalikod at nakita siya. «Kapayapaan sa iyo, Johanna. Nasunod mo Ako hanggang sa perpeksiyon.»

«Kaluguran ko ang sundin Kayo. Ngunit hindi lamang ako ang isang nagbuo sa “korte” na ginusto Ninyo. Ako ay tinulungan ni Chuza sa bawat paraan at gayon din sina Martha at Maria. At si Eliza din. Ang ilan ay pinadala ang kanilang mga katulong upang makuha ang kinakailangan at upang matulungan ang aking mga katulong na maipon ang mga panauhin, ang ilan ay tinulungan ang mga babae at mga lalaking katulong sa mga paliguan upang mahugasan “ang mga minamahal”, ayon sa Inyong pagtawag sa kanila. Ngayon, kung ako ay Inyong pahihintulutan, bibigyan ko ang lahat ng meryenda, upang hindi sila manghina sa paghihintay para sa salu-salo.»

«Siyempre, gawin mo. Nasaan ang mga babaeng disipulo?»

«Nasa itaas na terasa kung saan inihanda ko ang mga mesa. Nagawa ko ba ang tamang bagay?»

«Oo, Johanna, nagawa mo ang tama. Lahat tayo ay magkakaroon ng kapayapaan sa itaas doon.

«Oo, iyan ang aking naisip. Maging ano pa man, wala sa kahit alin man na mga bulwagan mailalagay ko ang mga mesa sa napakaraming tao... At ayaw ko silang paghiwa-hiwalayin, upang maiwasan ang paninibugho at paghihirap. Ang di-masasayang tao ay napaka-maramdamin at napakadaling mabalisa... sila ay isang malaking sugat at ang isang sulyap ay sapat na na sila ay magawang maghirap...»

«Oo, Johanna. ikaw ay may puso na puno ng awa at naiintindihan mo. Pagpalain ka nawa ng Diyos para sa iyong habag. Marami ba ang mga babaeng disipulo?»

«O! Ang lahat na nasa Herusalem!... Ngunit, Panginoon.... baka nakagawa ako ng isang bagay na mali... ibig kong makipagusap sa Inyo nang sarilinin.»

«Dalhin mo Ako kung saan tayo maaaring mag-isa.»

Pumasok sila sa isang silid, na maiintindihan ng isa na laruang-silid nina Maria at Matthias, dahil may mga nakakalat na mga laruan kahit saan.

«Bueno, Johanna?»

«O aking Panginoon, tiyak na ako ay naging pabaya... ngunit kumilos ako nang kaagad-agad, napaka kaagad-agad! Ako ay pinagalitan ni Chuza. Ngunit ngayon... Ang isa sa mga alipin ni Plautina ay pumunta sa Templo na may isang maliit tablang waks. Si Plautina at ang kanyang mga kasamahan ay nagtatanong kung maaari nila Kayong makita. Tumugon ako: “Oo, ngayong hapon sa aking bahay”. At sila ay darating... Nagawa ko ba ang maling bagay? O! hindi ang tungkol sa Inyo!... Bagkus dahil sa iba, dahil sa mga na lahat ay Israel.. at sila ay hindi pagmamahal katulad Ninyo. Kung ako ay nagkamali, aasikasuhin ko na ang lahat ay mabago... Ngunit ako ay nananabik nang husto na ang mundo, ang buong mundo, ay dapat na mahalin Kayo, na... na hindi ko inisip na Kayo lamang ang Perpekto sa mundo at na napakakaunting mga tao lamang ang nagsusubok na gayahin Kayo.»        

«Nagawa mo ang tamang bagay. Ngayon Ako ay magtuturo sa Inyo sa pamamagitan ng mga gawa. At ang presensya ng mga Hentil sa pagitan ng mga naniniwala kay Jesus Tagapagligtas ay ang magiging isa sa mga bagay na kailangang gawin sa hinaharap ng mga naniniwala sa Akin. Nasaan ang mga bata?»

«Sila ay nasa kung saan-saan, Panginoon» tugon ni Johanna ngumingiti, dahil ngayon siya ay nakakatiyak na, at nagtatapos siya: «Sila ay nananabik gawa ng kanilang nakikita at tumatakbo kung saan-saan katulad ng maliliit na masasayang ibon.»

Si Jesus ay iniiwan siya. bumalik Siya sa bulwagan, kinakawayan ang mga lalaki na nakasama Niya, at Siya ay nagpatuloy sa hardin upang umakyat sa malapad na terasa.

Isang malugod na aktibidad ang pumuno sa bahay mula sa mga bodega sa silong hanggang sa bubungan. Ang ilang mga tao ay paparoo’t parito na may dalang mga pagkain at mga kagamitang pambahay, mga bigkis ng mga damit, mga upuan, sinasamahan ang mga panauhin, tumutugon sa mga nagtatanong, at lahat sila ay puno ng pagmamahal at lugod. Si Jonathan ay nangangasiwa, nagmamasid, nagpapayo at siya ay walang kapaguran at seryoso sa kanyang katungkulan ng isang tagapangasiwa.

Ang matandang Esther, na masaya nakikita sa Johanna na buhay-na-buhay at malusog, ay tumatawa sa gitna ng isang paikot ng mahihirap na bata, kung kanino siya ay nagbibigay ng mga kakanin, habang nagkukuwento sa kanila ng magagandang kuwento. Si Jesus ay tumigil upang pakinggan ang magandang pagtatapos ng isa sa mga ito, na nagsasabi «na ang Diyos ay nagkaloob ng labis na tulong sa mabuting Madaling araw ng Mayo, na hindi kailanman nagrebelde laban sa Panginoon dahil sa mga problema na napunta sa kanyang bahay, kung kaya't si Madaling araw ng Mayo ay ang kaligtasan at kayamanan din ng kanyang maliliit na kapatid na lalaki. Ang mga anghel ay madalas na pinupuno ang kanyang maliit na lalagyan ng tinapay, at tinatapos ang gawain sa habihan upang matulungan ang mabuting batang babae, nagsasabing: “Siya ay ating kapatid na babae sapagkat minamahal niya ang Panginoon at ang kanyang kapwa. Siya ay kailangan na matulungan natin”.»

«Pagpalain ka nawa ng Diyos, Esther! Halos gusto Ko na rin tumigil at makinig sa iyong mga parabula! Pahihintulutan mo ba Ako?» sabi ni Jesus ngumingiti.

«O! Aking Panginoon! Ako ang kailangan na makinig sa Inyo! Ngunit para sa maliliit na ito sapat nang mabuti ako, bagama't ako ay isang abang matandang tangang babae!»

«Ang iyong makatarungan na kaluluwa ay may pakinabang din sa mga adulto. Magpatuloy, Esther, magpatuloy...» at Siya ay ngumingiti sa kanya habang Siya ay umaalis.

Ang mga panauhin ngayon ay nakakalat sa buong malaking hardin at nagmiminindal, tumitingin-tingin sa kapaligiran at sa isa’t isa nang may panggigilalas. Nagpapalitan sila ng mga komentaryo tungkol sa kanilang di-inaasahang mabuting suwerte. Kapag nakikita nila si Jesus, sila ay tumatayo, kung magagawa nila ito, o sila’y yuyuko nang magalang.

«Kumain, nang ganap na malaya at pagpalain ang Panginoon» sabi ni Jesus dumaraan patungo sa mga silid ng mga hardinero, kung saan doon nagmumula ang nasa-labas na hagdanan, patungo sa malaking terasa.

«O! Aking Rabboni!» sigaw ng Magdalena tumatakbong palabas sa isang silid na ang kanyang mga kamay puno ng mga lampin at maliliit na damit para sa mga sanggol. Ang kanyang tinig ay kasing lambot ng isang ginintuang organo at pinupuno ang malilim na abenida na punó ng mga bitin ng mga rosas.

«Maria, ang Diyos ay mapasaiyo. Saan ka pupunta sa gayong pagmamadali?»

«O! mayroon akong sampung sanggol na bibihisan! Nilabhan ko ang mga ito at ngayon bibihisan ko na sila. Pagkatapos dadalhin ko ang mga sanggol sa Inyo, na kasing luntian ng mga bulaklak. Kailangan kong  tumakbo, Guro, sapagkat... Naririnig ba Ninyo sila? Katulad nila ang sampung humuhuning kordero...» at siya ay tumakbong tumatawa. Nagmumukha siyang maningning at payapa sa kanyang simpleng pinong damit ng puting linen, hinigpitan sa kanyang baywang sa pamamagitan ng isang manipis na platang sinturon at ang kanyang buhok itinali sa isang simpleng buhol sa kanyang batok, suportado ng isang maputing ribon, na ibinuhol sa kanyang noo.

«Gaano siya kaiba sa kung ano siya dati sa Bundok ng mga Beatitude!» bulalas ni Simon Zealot.

Sa unang mga baytang nasalubong nila ang anak na babae ni Jairus at si Annaleah, na bumababang napakabilis na sila ay tila lumilipad.

«Guro!», «Panginoon!» bulalas nila.

«Ang Diyos ay mapasainyo. Saan kayo pupunta?»

«Upang kumuha ng mga mantel. Inutusan kami ng katulong na babae ni Johanna. Magsasalita ba Kayo, Guro?»

«Sigurado!»

«O! takbo, kung gayon, Mirjiam! Magmabilis tayo!» sabi ni Annaleah.

«Marami kayong oras na magagamit upang gawin ang kailangan ninyong gawin. Naghihintay Ako para sa ibang mga tao. Ngunit kailan mo pinalitan ang iyong pangalan sa Mirjiam?» sabi Niya tinitingnan ang anak na babae ni Jairus.

«Ngayon. Ngayon-ngayon lang. Ang Inyong Ina ay binigay iyon sa akin. Sapagkat... tama ba, Annaleah? Ito ay isang dakilang araw para sa apat na birhen...»

«Oo, dakilang araw! Sasabihin ba natin sa Panginoon, o pababayaan natin si Maria na sabihin sa Kanya?»

«Hayaan si Maria sabihin ito sa Kanya. Pumunta Kayo, aking Panginoon. Ang Inyong Ina ay sasabihin sa Inyo» at sila ay tumakbong palayo nang maliksi, sa kasagsagan ng kabataan; sila ay tao sa kanilang magandang pigura, ngunit nagmumukhang mga anghel dahil sa kanilang maniningning na mga mata...

Sa ikatlong baytang nasalubong nila si Eliza ng Bethzur, na bumababa, nagmumukhang seryosong-seryoso, kasama ang asawa ni Felipe.

«Ah! Panginoon!» bulalas ng huli. «Binibigyan Ninyo ako ng ilang mga tao, ngunit kumukuha Kayo sa iba!... Ngunit pagpalain nawa Kayo gayunpaman!»

«Ano ang sinasabi mo, babae?»

«Malalaman din Ninyo kaagad... Gaano nakakapagpalungkot at gaano nakakapagluwalhati, Panginoon! Ako ay inyong pinipilayan at kinukoronahan.»

Si Felipe, na malapit kay Jesus, ay nagsabi: «Ano ang sinasabi mo? Tungkol sa ano ang sinasabi mo? Ikaw ay asawa ko at may karapatan akong malaman kung ano ang nangyayari...»

«O! sasabihan ka, Felipe. Sumama ka sa Guro ngayon.»

Si Jesus pansamantala ay tinatanong si Eliza kung siya ay ganap nang nakapanumbalik. At ang babae, na ang kaninong nakaraang matitinding kapighatian ay nakapagbigay sa kanya ng karingalan ng isang namimighating reyna, ay tumugon: «Oo, aking Panginoon. Ngunit ang maghirap na may kapayapaan sa loob ng puso ng isa ay walang kirot. At ngayon mayroon na akong kapayapaan sa loob ng aking puso.»

«At malapit ka nang magkaroon ng mas marami.»

«Ano, Panginoon?»

«Lakad, at kapag makabalik ka ikaw ay sasabihan.»

«Si Jesus ay naririto! Si Jesus ay naririto!» sigaw ng dalawang bata, na ang kaninong mga mukha ay nakasandal sa mga barandilya na may dekorasyon nagpapanabi sa terasa sa dalawang tabi mula kung saan matatanaw ang hardin, at mula kung saan mga sanga ng mga rosas at hasmin ay nakabitin. Ito sa katunayan ay isang malaking nakabitin na hardin na sa ibabaw nito ang isang maraming-kulay na pasibi ay inilagay bilang isang proteksiyon laban sa sikat ng araw.

Ang lahat na tao sa terasa na abala sa paghahanda sa mga mesa ay lumingon sa sigawan nina Maria at Matthias, at iniiwan ang kanilang di pa tapos na gawain, sila ay lumapit kay Jesus, sa kung Kaninong mga tuhod ang dalawang bata ay kumakapit.

S Jesus ay binabati ang maraming mga babae na nagsisiksikan sa paligid Niya. Kabilang sa totoo at tumpak na mga disipulo o mga asawa, mga kapatid na babae, mga anak na babae ng mga apostol at mga disipulo, ay ilang hindi masyadong kilala at kabatian, katulad ng asawa ng Kanyang kapatid na si Simon, ang mga ina ng mga drayber ng asno na Nazareth, ang ina ni Abel mula sa Bethlehem sa Galilee, si Anna ni Judas (mula sa bahay malapit sa lawa ng Merom), si Maria ni Simon ang ina ni Judas ng Kerioth, si Naomi mula sa Ephesus, sina Sarah at Marcella mula sa Bethany (si Sarah ay ang babae na pinagaling ni Jesus sa Bundok ng mga Beatitude at pinadala kay Lazarus kasama ang matandang Ishmael; sa palagay ko siya na ngayon ang katulong na babae ni Maria ni Lazarus), pagkatapos nariyan ang ina ni Jaia, ang ina ni Philip ng Arbela, si Dorcas, ang bata-pang ina mula sa Caesarea Philippi at ang kanyang biyanang babae, ang ina ni Annaleah, si Maria ng Bozrah, ang babaeng pinagaling sa ketong na pumunta sa Herusalem kasama ang kanyang asawa, at marami pang iba na ang kaninong mga mukha ay hindi bago sa, ngunit ang kaninong mga pangalan hindi ko maalaala.

Si Jesus ay nagpapatuloy sa paglalakad sa tabi ng rektanggulong terasa, na ang isang tabi nito ay napanunungawan ang Sixtus at Siya ay tumigil malapit sa mababang kahon-na-hitsurang silid sa hilaga ng terasa, kung saan sa palagay ko ang panloob na hagdanan ay nagtatapos. Ang buong Herusalem at ang kapaligiran nito ay makikita. Ito ay isang magandang tanawin. Ang lahat na mga babaeng disipulo at ang iba pang mga babae ay tumigil sa paglalatag sa mga mesa at nag-ipun-ipon sa paligid Niya. Ang mga katulong ay ipinagpapatuloy ang kanilang gawain.

Si Maria ay malapit sa Kanyang Anak. Sa loob ng ginintuang liwanag na lumalampas sa malaking pasibi nakatakip sa halos lahat ng terasa at na nagiging isang maselan na esmeraldang liwanag kung saan tumatama ito sa mga mukha, pagkatapos na makalampas sa sala-salabid na mga palumpong ng rosal at mga hasmin pinoporma ang isang balag, Siya ay nagmumukhang mas bata at mas payat; isang kapatid na babae ng nakababatang mga babaeng disipulo, matanda lamang nang kaunti at kasing ganda ng pinakamagandang mga rosal namumulaklak sa nakabitin na hardin o sa loob ng malalaking pasô nakalagay sa paligid nito at may tanim na mga rosal, hasmin, liryo ng lambak at iba pang maseselan na halaman.

«Ina, ang aking asawa ay nagsalita sa kakatuwang paraan!... Anong nangyari, bakit niya sinabi na siya ay napilayan at nakoronahan din?» tanong ni Felipe, na nananabik na makaalam.

Si Maria ay ngumingiti nang may-kabaitan tinitingnan siya, at bagama't ilag Siya sa mga kasanayan, kinuha Niya ang kanyang kamay nagsasabing: «Maibibigay mo ba kay Jesus kung ano ang siyang pinaka mahal-na-mahal mo? Kailangan talagang ibigay mo... sapagkat binibigay Niya sa inyo ang Langit at ang Daan upang makarating doon.»

«Siyempre ibibigay ko Ina... lalo na kung ang ibibigay ko sa Kanya ay magagawa Siyang masaya.»

«Magagawa Siyang masaya, Felipe, ang iyong anak na babae din ay kinokonsagra ang kanyang sarili sa Panginoon. Sinabi niya sa Akin at sa kanyang ina kani-kanina pa lamang, sa presensya ng maraming mga babaeng disipulo...»

«Ano? Ikaw?» bulalas ni Felipe natigilan tinuturo ng kanyang daliri ang magiliw na batang babae na kumakapit kay Maria na tila ibig niyang maprotektahan. Ang apostol ay nilulunok nang may kahirapan ang pangalawang dagok na ito na magkakait sa kanya nang permanente ng pag-asa ng pagkakaroon ng mga apo. Pinupunas niya ang biglang agos ng pawis na nagawa ng balita... at kanyang tinitingnan ang mga tao sa paligid niya.. Siya ay may panlalaban sa sarili at naghihirap.

Ang kanyang anak na babae ay umungol: «Ama... patawarin ninyo ako... at pagpalain ninyo ako» at itinapon niya ang kanyang sarili sa paanan ng kanyang ama.

Si Felipe ay hinahaplos ang kulay-kapeng buhok ng kanyang anak at nililinis niya ang kanyang lalamunan. Sa wakas siya ay nagsalita: «Ang isa ay pinatatawad ang mga anak na nakagagawa ng mga kasalanan... Sa iyong pagkonsagra ng iyong sarili sa Guro hindi ka nakagagawa ng kasalanan... At ang iyong abang ama ay bagkus sasabihin sa iyo: “Pagpalain ka sana”... Ah! Ang aking anak!... Gaano katamis at katerible ang kalooban ng Diyos!» at siya ay yumuko, itinaas ang kanyang anak, niyayakap siya, hinahalikan ang noo at buhok. Pagkatapos siya ay lumapit kay Jesus at nagsabi sa Kanya: «Naririto. Ako ang kanyang ama. Ngunit Kayo ang kanyang Diyos! Ang Inyong karapatan ay mas malakas kaysa ng akin... Salamat sa Inyo, Panginoon, para sa lugod na....» at hindi siya makapagpatuloy... Lumuhod siya sa paanan ni Jesus at yumuko upang halikan ang Kanyang mga paa umuungol: «Walang mga apo... wala kailanman... Aking pangarap!... Ang ngiti ng aking katandaang edad!... Patawarin Ninyo ang aking mga luha, aking Panginoon... Ako ay isang abang tao...»

«Tumayo ka, Aking mahal na kaibigan. At maging masaya sapagkat binibigay mo ang unang mga bulaklak sa anghelikal na taniman ng mga bulaklak. Halika. Halika rito, sa pagitan Ko at ng Aking Ina. Ating pakinggan mula sa Kanya kung papaano ito nangyari, sapagkat matitiyak Ko sa iyo na Ako ay hindi masisisi o mapupuri para diyan.»

Si Maria ay nagpapaliwanag: «Kakaunti ang nalalaman Ko Mismo. Kaming mga kababaihan ay naguusap-usap, at katulad ng kadalasan, sila ay nagtatanong sa Akin tungkol sa Aking panatang pagiging isang birhen. Nagtatanong din sila sa Akin kung ano ang magiging katulad ng mga birhen sa hinaharap, anong gawain at anong kaluwalhatian ang Aking nakikini-kinita para sa kanila. At Ako ay tumutugon hanggang sa magagawa Ko... at nakini-kinita Ko para sa kanila ang isang pamumuhay na pagdarasal at ng kagaanan sa paghihirap na ginagawa sa Aking Jesus ng mundo. Sinabi Ko: “Ang mga birhen ang susuporta sa mga apostol at magpapadalisay sa maruming mundo, dinaramtan at pinababanguhan ito sa pamamagitan ng kanilang kadalisayan; sila ang magiging mga anghel umaawit ng mga papuri upang matakpan ang panlalapastangan ng mundo. At si Jesus ay magiging masaya, at magkakaloob ng mga grasya at magkakaroon ng awa rito, salamat sa mga korderong ito na ikinalat sa pagitan ng mga lobo...» at nagsasabi Ako ng iba pang mga bagay. Ang anak ni Jairus pagkatapos ay nagsabi sa Akin: “Bigyan Ninyo ako ng isang pangalan, Inay, para sa aking hinaharap bilang isang birhen, sapagkat hindi ko pahihintulutan ang kahit sinong lalaki na magkaroon ng kasiyahan dala ng aking katawan, na binuhay muli ni Jesus. Ang katawan kong ito ay pag-aari lamang Niya hanggang sa ang laman nito ay mapunta sa hukay at ang kaluluwa nito sa Langit”, at si Annaleah ay nagsabi: “Iyan din ang aking naramdaman na aking kailangang gawin. At ngayon pakiramdam ko mas masaya pa ako kaysa sa isang langaylangayan, sapagkat ang lahat na pagkakatali ay nakalas”. Diyan kung saan ang iyong anak, Felipe, ay nagsabi: “Magiging katulad mo rin ako, isang birhen magpasawalanghanggan!” Ang kanyang ina – naroroon siya dumarating – ay sinasabi sa kanya na ang isa ay hindi maaaring magpasya nang ganyan-ganyan lamang. Ngunit ayaw niyang baguhin ang kanyang pasya. At nang siya ay tinanong kung ito ay isang matagal na niyang idea, tumugon siya “hindi” at sa mga nagtatanong kung papaano niya naisip ito, sinabi niya: “Hindi ko alam. Ito ay tila ang isang sinag ng liwanag ay nilagos ang aking puso at naintindihan ko kung anong pagmamahal minamahal ko si Jesus”.»

Si Felipe ay tinanong ng kanyang asawa: «Napakinggan mo ba iyon?»

«Oo, babae. Ang ating laman ay umuungol... samantalang ito ay kailangan na magbunyi sapagkat ito ay ang pagluluwalhati nito. Ang ating mabigat na laman ay nagka-anak ng dalawang anghel. Huwag umiyak, babae. Ikaw mismo ang nagsabi na kinoronahan ka Niya... Ang isang reyna ay hindi umiiyak kapag tinatanggap niya ang kanyang korona...»

Ngunit si Felipe ay lumuluha din, at marami pang iba, kapwa ang kalalakihan at kababaihan, ay lumuluha, ngayon na silang lahat ay naipon na sa terasa. Si Maria ni Simon ay napaiyak nang walang pagpipigil sa isang sulok. Si Maria ng Magdala ay umiiyak sa isa pang sulok, hinihila at kinukusot ang kanyang linen na damit, mula kung saan kanya mismong hinihila ang mga sinulid na nagdedekorasyon sa laylayan. Si Anastasica ay umiiyak at nagsisikap siyang itago ang kanyang malungkot na mukha sa pamamagitan ng kanyang kamay.

«Bakit kayo umiiyak?» tanong ni Jesus.

Walang tumutugon.

Si Jesus ay tinawag si Anastasica at tinanong siyang muli. Siya ay tumugon: «Sapagkat, Panginoon, para sa nakakasukang kaligayahan ng isang gabi, nawala sa akin ang posibilidad na maging isa sa Inyong mga birhen.»

«Ang bawat kalagayan ay mabuti, kung paglilingkuran ng isa ang Panginoon diyan. Sa hinaharap na Simbahan kapwa mga birhen at mga matron ay kakailanganin. Kapwa sila magagamit para sa pananagumpay ng Kaharian ng Diyos sa mundo at para sa gawain ng kanilang mga kapatid na pari. Eliza ng Bethzur, halika rito. Paginhawahan ang napakabatang babaeng ito...» At sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga kamay inilagay Niya si Anastasica sa pagitan ng mga bisig ni Eliza. Tinitingnan Niya sila habang si Eliza ay hinahaplos si Anastasica, na nagpapahingalay sa kanyang makainang mga bisig at pagkatapos nagtanong Siya: «Eliza, nalalaman mo ba ang kanyang kuwento?»

«Oo, Panginoon. Nalalaman ko. At ako ay nalulungkot para sa kanya, dahil siya ay katulad ng isang kalapati na walang pugad.»

«Eliza, minamahal mo ba ang kapatid na ito?»

«Kung minamahal ko siya? Oo, minamahal ko, nang labis. Ngunit hindi isang kapatid. Siya ay maaaring maging aking anak. At ngayon na hawak ko na siya ng aking mga bisig, ang pakiramdam ko tila ako ay nagiging ang masayang ina ng mga nakaraang araw. Kanino ba Ninyo ipagkakatiwala ang magiliw na gasela na ito?»

«sa iyo, Eliza.»

«Sa akin?» Ang babae ay kinalag ang pagkakahawak ng mga bisig upang tingnan nang di-makapaniwala ang Panginoon.

«sa iyo. Ayaw mo ba sa kanya?»

«O! Panginoon! Aking Panginoon!»... Si Eliza ay gumagapang sa kanyang mga tuhod patungo kay Jesus at hindi niya malaman ang kanyang sasabihin o kung papaano niya ipakikita ang kanyang kaluguran.

«Tumayo ka at maging ang isang banal na ina sa kanya at gawin siyang maging isang banal na anak sa iyo, at harinawang kayong dalawa ay magpatuloy sa daan ng Panginoon. Maria ni Lazarus, napakasaya mo kani-kanina pa lamang, bakit ka umiiyak ngayon? Nasaan ang sampung bulaklak na dadalhin mo sa Akin?...»

«Nabusog sila nang labis at ngayon sila ay natutulog sa kanilang kadalisayan, Guro... At ako ay umiiyak sapagkat hindi na ako kahit kailan magkakaroon ng kadalisayan ng mga birhen at ang aking kaluluwa ay luluha magpasawalanghanggan, nang hindi kailanman mabibigyan ng kasiyahan... dahil ako ay nagkasala...»

«Ang Aking kapatawaran at ang iyong mga luha ay nagagawa kang mas dalisay kaysa sa kanila. Halika rito at huwag nang lumuha pa. Iwanan ang mga luha sa mga mayroong isang bagay na kanilang ikinahihiya. Sige na. Lakad at kunin ang iyong mga bulaklak; at pati kayo ay maaaring makalakad na, kayong mga ina at mga birhen. Lakad at sabihan ang mga panauhin ng Diyos na umakyat dito. Kakailanganin natin silang pauwiin bago magsara ang mga Geyt, sapagkat marami sa kanilang ang naninirahan sa labas ng bayan.

Lahat sila ay sumunod at umalis, upang sa terasa ang tanging naiiwan lamang ay si Jesus, Na humahaplos kina Maria at Matthias, si Eliza at si Anastasica, na sa malayu-layo nang kaunti sila ay magkahawak ang mga kamay, nakatingin sa isa’t isa, ngumingiti at umiiyak sa tuwa, si Maria ni Simon na tinitingnan ni Maria sa awa, at si Johanna, na nakatayo sa pintuan ng silid, nakatingin kay Jesus sa di-makatiyak na hitsura. Ang mga apostol at mga disipulo ay nakababa na kasama ang mga babae upang tulungan ang mga katulong na iakyat sa mahabang hagdanan ang pilay, bulag, lumpo at matatandang tao na nabaluktot na ng edad.

Si Jesus ay itiningala ang Kanyang ulo, na nakayuko sa dalawang bata, at nakita si Maria nakayuko sa ina ni Judas. Siya ay tumayo at lumapit sa kanila. Inilapat Niya ang Kanyang kamay sa ubanin na ulo ni Maria ni Simon at nagtanong: «Bakit ka umiiyak, babae?»

«O! Panginoon! Nagluwal ako ng isang dimonyo! Walang ina sa Israel ang magiging kasing lungkot ko!»

«Maria, isa pang ina at para sa gayon ding rason ng sa iyo, ay sinabi sa Akin at sinasabi pa rin ang mga salitang iyan. kaawa-awang mga ina!...»

«O! Aking Panginoon, mayroon pa ba kung gayon na ibang lalaki, na , katulad ni Judas, ay masama at malupit sa Inyo? O! hindi maaari ito! Nasa kanya Kayo, ngunit gumon siya sa maruruming gawain. Bagama't namumuhay siya sa Inyong kapaligiran, siya ay mahalay at isang magnanakaw at baka siya maging isang mamamatay tao. Siya... o! Ang kanyang isip ay mandaraya! Nabubuhay siya sa kabalisahan. Gawin siyang mamatay, Panginoon, sa pagka-awa! Gawin siyang mamatay!»

«Maria, ang iyong puso ay ginagawa siyang mas malala kaysa siya ay ngayon. Ang takot ay dinadala kayong mabaliw. Ngunit kailangan mong maging kalmante at rasonable. Anong katibayan ang mayroon ka tungkol sa kanyang kinikilos?»

«Wala akong katibayan tungkol sa anuman na laban sa Inyo. Ngunit ito ay isang pagguho na malapit nang bumagsak. Nahuli ko siya at hindi niya mapasisinungalingan ang ebidensiya na... Naririto na siya... Alang-alang sa awa, maging tahimik! Siya ay nakatingin sa akin. Nagsususpetsa siya. Siya ang aking kalungkutan. Walang ibang ina sa Israel ang mas di-masaya kaysa sa akin!...»

Si Maria ay bumulong: «Ako... sapagkat dinadagdag Ko ang mga kapighatian ng lahat na di-masasayang ina sa Aking sariling kapighatian... Sapagkat ang Aking kapighatian ay ginagawa ng kapootan ng buong mundo, hindi ng iisang tao lamang.»

Si Johanna ay tinatawag si Jesus at Siya ay pumunta sa kanya; pansamantala si Judas ay nilalapitan ang kanyang ina, na kinakalinga pa rin ni Maria, at pinagalitan niya siya: «Naipakita ba ninyo ang inyong sumpong at siniraan ako? Masaya na ba kayo ngayon?»

«Judas! Ganyan ka ba kung magsalita sa iyong ina?» tanong ni Maria nang mahigpit. Ito ang unang pagkakataon na makita Ko siyang ganito...

«Oo. Sapagkat pagod na ako ng kanyang pang-uusig.»

«O! Aking anak, hindi ito pang-uusig! Ito ay pagmamahal! Sinasabi mo na ako ay may nararamdaman! Sinasabi mo na sinisiraan kita at nakikinig ako sa iyong mga kaaway. Ngunit nililigaw mo ang iyong sarili, sapagkat sinusundan mo at mapagkaibigan ka sa masasamang tao na sisira sa iyo. Sapagkat mahina ka, anak, at nalalaman nila ang iyong kahinaan... Makinig ka sa iyong ina. Makinig ka kay Ananias, na matanda ang marunong. Judas! Maawa ka sa akin! Judas!!! Saan ka pupunta, Judas?!»

Si Judas, na halos tumatakbo sa pagtawid sa terasa, ay lumingon at sumigaw: «Kung saan ako may-pakinabang at ginagalang» at nagmadali siyang bumaba sa hagdanan, habang ang di-masayang ina, nakasandal sa parapet, ay sumisigaw sa kanya: «Huwag kang pumunta! Huwag kang pumunta! Ibig nilang sirain ka! Anak! Aking anak!...»

Si Judas ay nakarating sa ibaba kung saan ang mga punungkahoy ay napipigilan siyang makita ng kanyang ina. Lumitaw siyang muli sa loob ng isang bukas na lugar bago siya pumasok sa bulwagan.

«Wala na siya!... Ang pagmamalaki ay inuubos siya!» ungol ng kanyang ina.

«Tayo’y magdasal para sa kanya, Maria. Magdasal tayong magkasama, tayong dalawa...» sabi ng Banal na Birhen hinahawakan ang kamay ng malungkot na ina ng mamamatay-ng-Diyos sa hinaharap.

Pansamantala ang mga panauhin ay nagsisimula nang umakyat… at si Jesus ay nakikipagusap kay Johann. «Sige. Papunta sila. Mas mabuti na kung nakadamit Hudyo sila, upang maiwasan na magising ang maling-akala ng maraming tao. Maghihintay Ako para sa kanila rito. Lakad at tawagin sila» at nakasandal sa poste ng pintuan tinitingnan Niya ang pagdating ng mga panauhin, na ang mga apostol at mga disipulong babae at lalaki ay pinasusunod sa mga mesa ayon sa naitakda nang kaayusan. Sa gitna ay may mababang mesa para sa mga bata, nakaagapay sa tigkabilang tabi nito ay ang lahat na iba pang mga mesa.

At habang ang bulag, lumpo, pilay at matatandang tao na nabaluktot na ng edad, at ang mga balo ay umuupo, kasama ang mga kuwento ng kanilang mga kapighatian nakatatak sa kanilang mga mukha, malalaking basket at maliliit na kahon, na ginawang mga kuna at nagmumukhang kasing rikit ng mga basket ng mga bulaklak, ay dinadala, na ang mga sanggol ng kaawa-awang mga ina natutulog sa loob ng mga ito. At Si Maria ng Magdala, na ngayon nasa mas mabuti nang espiritu, ay nilapitan si Jesus nagsasabing: «Ang mga bulaklak ay dumating na. Halikayo at pagpalain sila, aking Panginoon.»

Kasabay nito si Johanna ay lumitaw sa tuktok ng nasa-loob na hagdanan nagsasabing: «Guro, naririto ang mga babaeng paganong disipulo.» Sila ay pitong mga babae, nakasuot ng lisong madidilim na damit katulad ng suot ng mga babaeng Hudyo. Ang bawat isa ay may belo sa kanyang mukha at isang mantang umaabot sa kanyang mga paa. Ang dalawa sa kanila ay matangkad at marangal, ang iba ay katamtaman ang taas, ngunit nang inaalis nila ang kanilang mga manta, pagkatapos na mabati ang Guro nang mapagpitaganan, sina Plautina, Lydia at Valeria ay madaling makilala, pati na rin si Flavia, ang napalayang-babae na nagsusulat ng mga salita ni Jesus sa hardin ni Lazarus; pagkatapos mayroong tatlong estranghero. Ang isa rito, na nagmumukhang sanay sa pagbibigay ng mga utos, ay lumuhod nagsasabi sa Panginoon: «At harinawang ang Roma ay magpatirapa mismo sa Inyong paanan kasama ko.» Ang isa ay isang biluga’t malusog na matrona mga limampung taong gulang. Ang huli ay isang dalaga na kasing balingkinitan at ganda ng isang ligaw na bulaklak.

Bagama't ang mga binibining Romano ay nakadamit katulad ng mga Judiong babae, si Maria ng Magdala ay nakilala sila at siya ay bumulong: «Claudia!!!» at tinitingnan siya nang may nakadilat na mga mata.

«Ako ito. Pagod na akong mapakinggan ang Kanyang mga salita mula sa ibang mga tao. Ang Katotohanan at Karunungan ay kailangan na salukin mula sa pinanggagalingan nito.»

«Sa palagay mo ba mamumukhaan nila kami?» Si Valeria ay tinatanong si Maria.

«Hindi sa palagay ko, maliban kung ipagkanulo ninyo ang inyong mga sarili sa pagtatawagan ninyo sa pangalan. Maging ano pa man ilalagay ko kayo sa isang ligtas na lugar.»

«Hindi, Maria. Gawin silang maupo sa mga mesa, nagsisilbi sa mga pulubi. Walang mag-iisip na ang mga binibining patrisyano ay magsisilbi sa mahihirap at mababang tao sa mundo ng Hudyo» sabi ni Jesus.

«Ang Inyong pangungusap ay isang marunong na pangungusap, Guro. Sapagkat ang pagmamalaki ay likas sa amin.»

«At ang kababaang-loob ay ang pinaka-maliwanag na tanda ng Aking doktrina. Ang mga ibig na sumunod sa Akin ay kailangan na mahalin ang Katotohanan, Kadalisayan at Kababaang-loob, kailangan nilang maging mapagkawang-gawa sa lahat at makabayaning hinaharap ang opinyon ng mga tao at ang karahasan ng mga Tirano. Tayo na.»

«Patawarin Ninyo ako, Rabbi. Ang dalagang ito ay isang alipin at anak ng mga alipin. Tinubos ko siya sapagkat siya mula sa lahing Hudyo at siya ay tinatago ni Plautina sa kanyang sariling bahay. Ngunit ibig kong ialay siya sa Inyo, sapagkat sa isip ko iyan ang tamang bagay na gawin. Ang kanyang pangalan ay Eglah, siya ay pag-aari Ninyo.»

«Kunin siya, Maria. Mamaya magpapasya tayo kung ano ang gagawin. Salamat sa iyo, babae.»

Si Jesus ay pumunta sa terasa upang pagpalain ang mga bata. Ang mga binibini ay nakakakuha ng labis na pag-uusyoso. Ngunit nakadamit sa halos pulubing mga damit at naayusan sa istilong Hudyo, hindi sila nakakapukaw ng suspetsa. Si Jesus ay pumunta sa gitna ng terasa, sa mesa ng mga bata at nananalangin Siya, inaalay ang pagkain sa Panginoon sa katauhan ng lahat, pinagpapalà Niya ito at sinasabihan sila na magsimulang kumain.

Ang mga apostol, mga disipulo, mga babaeng disipulo at mga binibini ay ang mga tagapaglingkod ng mahihirap, at si Jesus ay ginawa ang halimbawa itinataas ang mga manggas ng Kanyang pulang tunika at inaasikaso ang mga bata sa tulong ni Mirjiam ni Jairus at ni Juan. Ang mga bunganga ng nagkukulang-sa-pagkain na mga tao ay abalang-abala ngunit ang mga mata nilang lahat ay nakatingin sa Panginoon. Nang magsimula nang dumilim, ang malaking pasibi ay inalis at ang mga katulong ay nagdala ng mga lampara, bagama't hindi pa ito kinakailangan.

Si Jesus ay palipat-lipat sa mga mesa. Ginaganyak Niya ang lahat sa pamamagitan ng mga salita at sa pamamagitan ng Kanyang sariling tulong. Dumaan Siya nang makailang beses malapit sa dalawang marangal na binibini, kina Claudia at Plautina, na may kababaang-loob na nagpipiraso ng tinapay para sa mga panauhin na bulag, paralitiko o lumpo o tinutulungan nila silang makainom ng alak; ngumingiti Siya sa Kanyang mga birhen na nag-aasikaso sa mga babae, at ngumingiti Siya sa mga inang disipulo na may-kabaitan na tinutulungan ang di-masasayang tao; ngumingiti Siya kay Maria ng Magdala na ginagawa ang lahat ng kanyang makakayanan sa mesa ng ilang matatandang lalaki, ang pinaka-malungkot na mesa sa lahat, dahil puno ito ng umuubo at nanginginig na mga tao, na ang kaninong walang-ngipin na mga bunganga ay ngumunguya ng pagkain sa pamamagitan ng kanilang mga gilagid at laway. Tinutulungan niya si Mateo na niyuyugyog ang isang bata, dahil ang isang mumo ng isang keyk, na kanyang sinisipsip at kinakagat sa pamamagitan ng kanyang bagong ngipin, ay nalunok nang mali. At kinakamayan Niya si Chuza, na dumating sa pagsimula ng kainan at ngayon naghihiwa ng karne at ipinamimigay ito katulad ng isang sanay na serbidor.

Ang salu-salo ay tapos na. Ang mas makukulay na mukha at ang maniningning na mga mata ng mahihirap na tao ay malinaw na naipapakita ang kanilang kasiyahan.

Si Jesus ay niyuyukuan ang isang nanginginig na matandang lalaki at tinanong siya: «Anong kaisipan ang nagpapangiti sa inyo, tatay?»

«Iniisip ko lamang na ito ay hindi isang panaginip. Hanggang sa kani-kanina pa lamang akala ko ako ay natutulog at nananaginip. Ngunit ngayon pakiramdam ko ito ay talagang totoo. Ngunit sino ang gumawa sa Inyo na maging napakabuti, na nagagawa Ninyo ang Inyong mga disipulo na maging napakabuti? Mabuhay si Jesus!» sumigaw siya sa huli.

At ang lahat na tinig ng mga kaawa-awang sawing-palad, at sila ay daan-daan, ay sumigaw: «Mabuhay si Jesus!»

Si Jesus ay pumunta muli sa gitna ng terasa at Kanyang ibinuka nang maluwang ang Kanyang mga kamay, kinakawayan sila na maging tahimik at walang-galaw at Siya ay nagsimulang magsalita, nauupong may isang bata sa Kanyang mga tuhod.

«Oo, mabuhay si Jesus, hindi dahil sa ako ay si Jesus. Bagkus dahil ang Jesus ang ibig-sabihin ay ang pag-ibig ng Diyos, Na naging laman at bumaba sa pagitan ng mga tao upang makilala at makilala ang pag-ibig na siyang magiging tanda ng bagong panahon. Mabuhay si Jesus, sapagkat ang Jesus ang ibig-sabihin ay “Tagapagligtas” at ililigtas Ko kayo. Ililigtas Ko ang lahat, mayaman at mahirap, mga bata at matatanda, mga Israelita at mga pagano, lahat, maliban na binibigay ninyo sa Akin ang inyong kalooban na maligtas. Si Jesus ay para sa lahat, hindi lamang para sa isang ito o iyon. Si Jesus ay pag-aari ng lahat. Siya ay pag-aari ng lahat ng tao at para sa lahat ng tao. Ako ay maawaing Pagmamahal at tiyak na Kaligtasan. Ano ang kailangan na gawin ng isa upang mapa-Kay Jesus at kung gayon maligtas? Kaunting mga bagay. Ngunit dakilang mga bagay. Hindi dakila na ang ibig-sabihin ang mga ito ay mahirap, katulad ng mga bagay na ginagawa ng mga hari. Ito ay dakila sapagkat gusto ng mga ito na ang tao ay magkaroon ng bagong lakas at pananampalataya sa kanyang buhay upang magawa ang mga ito at mapa -Kay Jesus. Kung gayon ang pagmamahal, kababaang-loob, pananampalataya, buong pagsang-ayon ng kalooban, habag ay kinakailangan. Ngayon, kayong mga disipulo, anong dakilang bagay ang inyong nagawa ngayon? Maaari ninyong sabihin: “Wala. Nagbigay kami ng pagkain”. Hindi. Nagbigay kayo ng pagmamahal. Pinababa ninyo ang inyong mga sarili. Trinato ninyo bilang mga kapatid ang di-kilalang mga tao ng lahat ng lahi, nang hindi sila tinatanong kung sino sila, kung sila ba ay malusog o mabuti. At ginawa ninyo iyan sa pangalan ng Panginoon. Baka naghihintay kayo ng malalaking salita mula sa Akin, para sa inyong edukasyon. Ginawa Ko kayong gumawa ng dakilang mga bagay. Sinimulan natin ang araw na may panalangin, natulungan natin ang mga ketongin at mga pulubi, nasamba natin ang Kataastaasan sa loob ng Kanyang Bahay, nasimulan natin ang pangkapatiran na mga “agape” at napangalagaan natin ang  mga peregrino at mahihirap na mga tao, tayo ay nakapaglingkod sapagkat ang maglingkod para sa pagmamahal ay ang maging katulad Ko, Na siyang ang Lingkod ng mga lingkod ng Diyos, isang Lingkod hanggang sa abot na Siya ay sirain ng kamatayan upang mapaglingkuran kayo ng kaligtasan...» Si Jesus ay nagambala ng sigawan at káluskúsan ng mga paa. Ang isang grupo ng balisáng mga Israelita ay umakyat sa hagdanan. Ang mga Romanong binibini na pinaka kilalang-kilala, ibig-sabihin, sina Plautina, Claudia, Valeria at Lydia ay umalis nang maingat tinatakpan ang kanilang mga mukha sa pamamagitan ng kanilang mga belo. Ang mga nang-iistorbo ay nagmadali patungo sa terasa at tila may hinahanap na hindi ko alam kung ano.

Si Chuza, na ang pakiramdam siya ay kinalaban, ay hinarap sila at nagtanong: «Ano ang kailangan ninyo?»

«Wala na kaugnay sa iyo. Hinahanap namin si Jesus ng Nazareth, hindi kayo.»

«Naririto Ako. Hindi ba ninyo Ako makita?» si Jesus ay ibinababa ang bata at tumatayo nang nakapangingibabaw.

«Ano ang Inyong ginagawa rito?»

«Makikita ninyo mismo. Ginagawa ko kung ano ang Aking tinuturo, at nagtuturo Ako kung ano ang kailangan na gawin: ang mahalin ang mahihirap. Ano ang nasabi sa inyo?»

«Nakarinig kami ng mga sigawan ng sedisyon. At sa dahilan na may sedisyon saan man Kayo mapunta, kami ay naparito upang tingnan.»

«May kapayapaan kung nasaan Ako. Ang sigaw ay: “Mabuhay si Jesus”.»

«Eksakto. At kapwa sa Templo at sa palasyo ni Herodes akala nila ang mga tao ay nagsasabwatan dito laban sa...»

«Laban kanino? Sino ang hari ng Israel? Ni hindi ang Templo, o si Herodes. Ang Roma ang naghahari rito at sinuman ang nag-iisip ng maging hari kung saan ang Roma ay naghahari, ay maaaring baliw.»

«Sinasabi Ninyo na Kayo ay isang hari.»

«Oo, Ako ay isang hari. Ngunit hindi ng kaharian na ito. Napakawalang kuwenta nito para sa Akin! Ang Imperyo din ay napakawalang kuwenta. Ako ay Hari ng Kaharian ng Langit, ng Kaharian ng Pagmamahal at ng Espiritu. Humayo sa kapayapaan. O makapananatili kayo, kung ibig ninyo, at matuto kung papaano mararating ng isa ang Aking Kaharian. Naririto ang Aking nasasakupan: ang mahihirap, ang di-masasaya, ang mga sinisiil; at ang mabubuti, ang mabababa ang loob, ang mga mapagkawanggawa. Manatili rito at samahan sila.»

«Ngunit lagi Kayong nagpipista sa loob ng magagandang bahay, kasama ang magagandang babae at...»

«Tama na iyan! Hindi kayo makapagtatapon ng mga parunggit laban sa Rabbi at insultuhin Siya sa loob ng aking pamamahay. Lumabas kayo!» sigaw nang malakas ni Chuza.

Ngunit ang balingkinitan na pigura ng isang nakatalukbong na babae ay biglang lumitaw sa terasa mula sa nasa-loob na hagdanan. Tumatakbo siya nang kasing gaan ng isang paruparo hanggang sa layo ni Jesus, kung saan ibinagsak niya ang kanyang talukbong at manta, itinatapon ang sarili sa Kanyang paanan at nagsisikap na mahalikan ang mga paa ni Jesus.

«Salome!» sigaw ni Chuza at ang ibang mga tao ay gayon din ang ginawa.

Si Jesus ay naka-atras nang napakalakas upang maiwasan ang mapadikit sa kanya, na ang Kanyang upuan ay bumaligtad at sinamantala Niya ang sitwasyon upang mailagay ito sa pagitan Niya at ni Salome bilang partisyon. Ang Kanyang mga mata ay nagliliwanag nang husto at nakakatakot na ang lahat ay nahintakutan.

Si  Salome ngumingising may kabastusan ay nagsabi: «Oo, ako ito. Ang aklamasyon ay narinig sa Palasyo. Si Herodes ay nagpadala ng salita upang sabihin sa Inyo na ibig niya Kayong makita. Ngunit pinigilan ko ang kanyang mensahero. Sumama Kayo sa akin, Panginoon. Minamahal ko Kayo nang labis at nananabik akong makasama ko Kayo! Ako ay laman din ng Israel.»

«Bumalik ka sa bahay mo.»

«Ang Korte ay naghihintay para sa Inyo upang parangalan Kayo.»

«Ito ang Aking Korte. Wala Akong ibang alam na Korte o ibang mga parangal» at sa pamamagitan ng Kanyang kamay tinuturo Niya ang mahihirap na taong nakaupo sa mga mesa.

«Nagdala ako sa Inyo ng mga regalo para diyan. Naririto ang aking mga alahas.»

«Ayaw Ko ng mga iyan.»

«Bakit Ninyo tinatanggihan ang mga ito?»

«Sapagkat iyan ay marumi at inaalay para sa isang maruming pakay. Lumayas ka!»

Si Salome ay tumayo, siya ay natigilan. Sumulyap siya nang mabilis sa Mahigpit na Kadali-dalisayang Isa, Na tumutuligsa sa kanya na ang Kanyang kamay nakaunat at ang mga mata kumikislap ng apoy. Tumitingin siya nang palihim sa lahat at nakikita ang panlilibak at pagkasuklam sa mukha ng lahat. Ang mga Pariseo ay nanigas na parang mga bato pinapanood ang makapangyarihang eksena. Ang mga binibining Romano ay naglakas-loob na lumapit upang makakita nang mabuti.

Si Salome ay gumawa ng huling tangka: «Nilalapitan Ninyo kahit mga ketongin...» sabi niya nang nagpapasakop at nangungusap.

«Sila ay may sakit. Ikaw ay isang mahalay na babae. Lumayas ka!»

Ang huling ito na “lumayas ka!» ay napakamakapangyarihan na si Salome ay pinulot ang kanyang talukbong at manta at yumuyuko at gumagapang siya ay nagpatungo sa hagdanan.

«Mag-ingat, Panginoon!... Siya ay makapangyarihan... Baka makasasamâ siya sa Inyo» bulong ni Chuza.

Ngunit si Jesus ay tumugon sa napakalakas na tinig, upang ang lahat, at ang pinalayas na babae una sa lahat, ay sana makarinig: «Hindi na bale. Mas mabuti pang mapatay Ako kaysa maging kaalyado ng bisyo. Ang pawis ng isang mahalay na babae at ang ginto ng isang puta ay mga lason ng impiyerno. Ang may karuwagan na pakikipag-alyansa sa malalakas ay makasalanan. Ako ay Katotohanan, Kadalisayan at Katubusan. Hindi Ako magbabago. Lakad. Palabasin siya.»

«Parurusahan ko ang katulong na nagpapasok sa kanya.»

«Huwag parusahan ang sinuman. Iisa lamang ang kailangan na maparusahan: ang babae. At siya ay naparusahan na. At kailangan na malaman niya, at kayong lahat ay kailangan na malaman na nalalaman Ko ang kanyang mga intensiyon, na nagagawa Akong magkasakit. Hayaan ang ahas na bumalik sa kanyang lungga. Ang Kordero ay babalik sa Kanyang mga hardin.»

Siya ay naupo. Siya ay pinagpapawisan. Pagkatapos sinabi Niya: «Johanna, magbigay ng isang pag-aalay sa bawat isa sa kanila, upang ang kanilang buhay ay sana hindi maging napakalungkot sa loob ng kaunting mga araw... Ano pa ang Aking magagawa para sa inyo, o! mga anak ng kapighatian? Ano ang ibig ninyong ibigay Ko sa inyo? Nababasa Ko ang inyong mga puso. Kapayapaan at kalusugan sa mga may sakit na makapaniniwala!»

Nagkaroon ng kaunting pagtigil, pagkatapos isang sigaw... at marami ang tumayo ganap nang magaling. Ang mga Hudyo na naparito upang hulihin Siya ay namangha at sa pangkalahatan na kasigasigan para sa himala at para sa kadalisayan ni Jesus walang pumapansin sa kanila, nang sila ay umaalis.

Si Jesus ay ngumingiti hinahalikan ang mga bata. Pagkatapos Kanyang pinauuwi ang mga panauhin, ngunit Kanyang pinigilan ang mga balo at nagsasalita kay Johanna sa katauhan nila. Si Johanna ay gumawa ng lista at inaanyayahan sila para sa susunod na araw. Sila ay umalis na rin. Ang huling umalis ay ang matatandang tao...

Ang mga apostol, ang mga disipulong mga lalaki at mga babae at ang mga binibining Romano ay nananatiling kasama ni Jesus, Na nagsabi: «Ganito ang dapat na maging pagtitipon sa hinaharap. Ang mga salita ay hindi kinakailangan. Hayaan ang ebidensiya ng mga pangyayari na magsalita sa mga espiritu at mga isip. Kapayapaan sa inyo.»

Pumunta Siya sa nasa-loob na hagdanan at nawala sinusundan ni Johanna at ng iba pa.

Sa paanan ng hagdanan nasalubong Niya si Judas, na nagsabi: «Guro, huwag Kayong pumunta sa Gethsemane! Ang Inyong mga kaaway ay hinahanap Kayo roon. Bueno, inay, ano na ang masasabi ninyo ngayon? Inaakusahan ninyo ako, ngunit kung ako ay hindi umalis, hindi ko sana natuklasan ang tungkol sa patibong na kanilang inilatag para sa Guro. Pumunta tayo sa ibang bahay!»

«Pumunta sa amin, kung gayon. Tanging ang mga kaibigan lamang ng Diyos ang pumapasok sa bahay ni Lazarus» sabi ni Maria ng Magdala.

«Oo. Gawin ang mga nasa Gethsemane kahapon na pumunta sa bahay ni Lazarus  kasama ang kanyang mga kapatid na babae. Bukas gagawin natin ang mga kinakailangan na gawin.»

130910/071112

 

 



Sunod na kabanata