37. Ang Unang Paggawang Leksiyon na Binigay kay Jesus.

Marso 21, 1944.

¹Nakikita ko ang aking maliit na Jesus na lumitaw na kasing tamis ng isang sinag ng araw sa isang maulan na araw; Siya ay isang maliit na bata mga limang taong gulang, ganap na olandesa at napakaganda sa Kanyang simpleng asul na damit na umaabot hanggang sa kalahatian ng Kanyang mabuting napormang mga binti. Siya ay naglalaro nang ilang lupa sa maliit na pangkusinang-hardin. Gumagawa Siya ng isang maliit na tumpok nito at sa tuktok naglalagay Siya ng maliliit na sanga na tila gumagawa Siya ng isang maliit na kakahuyan, sa pamamagitan ng maliliit na bato gumagawa Siya ng maliliit na daan at pagkatapos gusto Niyang gumawa ng isang maliit na lawa sa paanan ng Kanyang maliliit na burol. Kanya kung gayon kinuha ang ilalim ng isang lumang kaldero at ibinaon ito sa lupa hanggang sa labì at pagkatapos pinuno ito ng tubig sa pamamagitan ng isang pitsel na Kanyang isinasalok sa isang tangke, na tiyak na ginagamit sa paghuhugas o sa pagpapatubig sa maliit na hardin. Ngunit ang tanging nagiging resulta lamang ay ang nababasa Niya ang Kanyang damit, lalo na ang mga manggas. Ang tubig ay nawawala sa sirang kaldero na baka may bitak din... ang lawa ay natutuyo.

Si Jose ay lumitaw sa pintuan at matagal-tagal siyang nakatayong tahimik na nanonood sa ginagawa ng Bata at ngumingiti. Ito ay tanawin ngang talaga na magagawa ang isa na ngumiti. Pagkatapos, upang maiwasan na si Jesus ay mabasa pa nang lalo, tinawag niya Siya. Si Jesus ay lumingon ngumingiti, at noong makita Niya si Jose, tumakbo Siya patungo sa kanya na ang Kanyang maliliit na kamay nakaunat. Si Jose sa pamamagitan ng gilid ng kanyang maikling pantrabahong tunika ay pinupunas ang maliliit na kamay na narumihan at nabasa, at hinahalikan ang mga ito. At pagkatapos nagkaroon ng isang matamis na paguusap sa pagitan ng dalawa.

child workingSi Jesus ay pinaliliwanag ang Kanyang ginagawa at ang Kanyang laro at ang kahirapan na Kanyang natagpuan. Gusto Niyang gumawa ng isang lawa katulad ng lawa ng Gennesaret. (Ako kung gayon ay nagbakasakali na nagsalita sila sa Kanya tungkol dito o dinala nila Siya upang makita ito.) Gusto Niyang gumawa ng isang maliit na lawa para sa Kanyang pansariling kasiyahan. Ito ay ang Tiberias, ayón ang Magdala, sa banda roon ang Capernaum. Ito ang daan na magdadala patungo sa Nazareth dumaraan sa Cana. Ibig Niyang magpalutang ng ilang mga bangka sa lawa: ang mga dahon na ito ay mga bangka, at gusto Niyang makatawid sa kabilang baybayin. Ngunit nauubos ang tubig...

Si Jose ay nakatingin at nagkakaroon ng interes na tila ito ay isang napaka-seryosong bagay. Pagkatapos siya ay nagmungkahi na gagawa ng isang maliit na lawa, sa susunod na araw, ngunit hindi sa pamamagitan ng isang may-lamat na kaldero, bagkus sa pamamagitan ng isang maliit na tangke na gawa sa kahoy, na may alkitran at estuko, kung saan si Jesus ay makapagpapalutang ng maliit na tunay na mga bangkang gawa sa kahoy na ituturo ni Jose sa Kanya na gawin. ²Doon lamang, nagdala siya ng ilang maliliit na gamit, na nababagay para sa Kanya, na sana matutunan Niyang gamitin, nang walang kahit anong pagod.

«Kung gayon magagawa Ko kayong matulungan!» sabi ni Jesus, ngumingiti.

«Kung gayon matutulungan Mo ako, at Ikaw ay magiging isang magaling na karpintero. Halika at tingnan Mo sila.»

At sila ay pumunta sa talyer. Si Jose ay pinapakita sa Kanya ang isang maliit na martilyo, isang munting lagari, ilang napakaliliit na mga disturnilyador, isang katam na bagay para sa isang manika, na lahat nakalagay sa isang mesa para sa isang sumisibol na karpintero: isang mesa na bagay para sa kasing liit ni Jesus.

«Kita Mo, maglalagari Ka, kailangan na ilagay Mo ang kapirasong kahoy na ito nang ganyan, pagkatapos kukunin Mo ang lagari katulad niyan, at tinitiyak na hindi masasabit ang iyong mga daliri, magsisimula Kang maglagari. Subukan Mo...»

At ang leksiyon ay nagsimula. At si Jesus, namumula sa pagsisikap na idiin ang Kanyang mga labì, ay nilalagari ang kapirasong kahoy nang maingat at pagkatapos kinakatam ito, at bagamat na ito ay hindi perpektong tuwid, sa isip Niya ito ay maganda na, si Jose ay pinupuri Siya at sa pamamagitan ng tiyaga at pagmamahal tinuturuan Siya kung papaano magtrabaho.

³Si Maria ay bumalik. Siya ay tiyak na umalis, at Siya ay tumitingin sa pintuan. Si Jose at si Jesus ay hindi Siya nakikita sapagkat Siya ay nasa likuran nila. Ang Ina ay ngumingiti nakikita kung gaano kaganado si Jesus nagtatrabaho sa katam at kung gaano mapagmahal Siyang tinuturuan ni Jose.

Ngunit maaaring nadama ni Jesus ang Kanyang ngiti. Siya ay lumingon, nakita ang Kanyang Ina at tumakbo patungo sa Kanya, pinakikita sa Kanya ang isang maliit na kapiraso ng kahoy na hindi pa tapos. Si Maria ay hinahangaan ito, at yumuko Siya upang halikan si Jesus. Inaayos Niya ang Kanyang nakusot na mga kulot na buhok, pinupunas ang pawis sa Kanyang mainit na mukha, at nakikinig nang may labis na pagmamahal kay Jesus, Na nangangako na igagawa Niya Siya ng isang maliit na bangkito upang mas maging komportable Siya sa pagtatrabaho. Si Jose nakatayo malapit sa munting mesa, ang isang kamay nasa tabi niya, ay tumitingin at ngumingiti.

Ako kung gayon ay nandoon sa unang pagtatrabahong leksiyon ng aking Jesus. Ang lahat na kapayapaan ng banal na Pamilyang ito ay nasa akin.

                                                                --------------------------------

jesus sinab

⁴Sinasabi ni Jesus:

«Pinaginhawahan kita, Aking mahal na kaluluwa, sa pamamagitan ng isang bisyon ng Aking kabataan, na masaya sa karukhaan nito, sapagkat iyon ay napaliligiran ng pagmamahal ng dalawang santo, ang pinakadakila na nagkaroon ang mundo.

⁵Sinasabi nila na si Jose ay ang Aking kinikilalang-ama. O! Kung, sa pagiging isang lalaki, hindi niya Ako mapainom ng gatas, katulad ng ginagawa ni Maria, siya ay nagtrabaho nang napakahirap, upang mabigyan Ako ng tinapay at kaginhawahan at mayroon siya ng mapagmahal na kabaitan ng isang tunay na ina. Mula sa kanya natutunan Ko – at hindi kailanman nagkaroon ang isang mangangaral ng isang mas mabait pang tagapagturo – natutunan Ko ang lahat na nagagawang isang lalaki ang isang bata, at isang lalaki na kailangan kitain ang kanyang sariling tinapay.

Kung ang Aking katalinuhan, ang katalinuhan ng Anak ng Diyos ay perpekto, kailangan na isipin ninyo at maniwala na ayaw kung humiwalay mula sa mga katangian at mga nagagawa ng grupo ng Aking sariling edad nang mapagpasikat. Kung gayon, sa pagpapababa ng Aking dibinong katalinuhan na perpeksiyon sa perpeksiyon ng isang pantaong katalinuhan, pinaiilalim Ko ang Aking sarili sa pagkakaroon ng isang tao bilang Aking tagapagturo, at sa pangangailangan ng isang tagapagturo. Kung Ako ay natutong mabilis at nagkukusa, hindi Ako naaalisan ng merito ng pagpapailalim ng Aking Sarili sa tao, ni hindi rin niyan napagkakaitan ang makatarungang tao ng merito ng pagiging ang tao na nagpakain sa Aking murang isip ng mga idea na kinakailangan sa buhay.

Ni kahit na ngayon na Ako ay nasa Langit makakalimutan Ko ang masasayang oras na Ako ay nasa tabi ni Jose, na, tila siya ay nakikipaglaro sa Akin, ay ginabayan Ako hanggang sa punto na magkaroon Ako ng kakayahan na makapagtrabaho. At kapag tinitingnan Ko ang Aking kinilalang ama, nakikita Kong muli ang maliit na pangkusinang-hardin at ang mausok na talyer, at tila nakikita Ko pa rin ang Aking ina na sumisilip sa Kanyang magandang ngiti na nagagawa nito ang lugar na maging Paraiso at nagagawa kaming napakasaya.

⁶Gaano ang dapat na matutunan ng mga pamilya mula sa perpeksiyon ng magkasamang ito na nagmahalan sa isa’t isa nang walang sinuman ang nakapagmahal nang ganito kailanman!

Si Jose ay ang ulo ng pamilya, at bilang ganito, ang kanyang awtoridad ay hindi mapag-aalinlanganan at di-matututulan: sa harapan nito ang Esposa at ang Ina ng Diyos ay yumuyuko nang magalang at ang Anak ng Diyos ay pinapailalim ang Kanyang Sarili nang kusa. Anuman ang ipinasya ni Jose na gawin, ay mabuting nagagawa; doon ay walang pagtatalu-talo, walang pagka-istrikto sa mga detalye, walang mga oposisyon. Ang kanyang salita ay aming maliit na batas. Gayunpaman, gaanong kababaang-loob ang nasa kanya! Hindi kailanman nagkaroon ng pag-aabuso ng kapangyarihan, o kahit anong disisyon laban sa rason dahil lamang na siya ay ang ulo ng pamilya. Ang kanyang esposa ay ang kanyang matamis na tagapayo. At kung sa Kanyang malalim na kababaang-loob tinitingnan Niya ang Kanyang Sarili ang lingkod ng Kanyang konsorte, kumukuha si Jose mula sa Kanyang karunungan ng Napupuno ng Grasya, ng liwanag na makagabay sa kanya sa lahat ng mga pangyayari.

At Ako ay lumaki katulad ng isang bulaklak protektado ng malalakas na púno, sa pagitan ng dalawang iyon na nagsasalabidan sa itaas Ko, upang protektahan Ako, at mahalin Ako.

Hindi. Hanggat nagagawa Kong hindi Ko pansinin ang mundo dahil sa Aking edad, hindi Ko ikinalulungkot ang Aking pagkawala sa Paraiso. Ang Diyos Ama at ang Banal na Espiritu ay hindi Sila wala roon, sapagkat si Maria ay punung-puno sa Kanila. At ang mga anghel ay naninirahan doon, sapagkat walang nagpapalayas sa kanila mula sa bahay na iyon. At ang isa sa kanila, maaaring sabihin Ko, ay naging laman at siya’y si Jose, isang anghelikal na kaluluwa na napalaya sa pabigat ng laman, nakatutok lamang sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang interes at mahalin Siya katulad na minamahal Siya ng serapin. Ang tingin ni Jose! Iyon ay kasing panatag at puro katulad ng kaningningan ng isang bituin na walang alam tungkol sa makamundong kiling sa pagkakasala. Iyon ay ang aming kapayapaan, at aming lakas.

⁷Marami ang nag-iisip na Ako ay hindi naghirap bilang isang tao nang ang banal na sulyap ng tagapag-alagang iyon ng aming tahanan ay nawala gawa ng kamatayan. Kung Ako ay Diyos noon, at bilang ganyan nalalaman Ko ang masayang kapalaran ni Jose, at dahil diyan hindi Ako nalulungkot para sa kanyang kamatayan, sapagkat pagkaraan ng kaunting panahon sa Limbo, bubuksan Ko ang Langit sa kanya, bilang isang Tao Ako ay umiyak nang mapait sa bahay na ngayon wala nang laman at napagkaitan ng kanyang presensya iniyakan Ko ang Aking patay na kaibigan, at kailangan ba na hindi Ako umiyak ang Aking banal na kaibigan, na sa kaninong dibdib Ako ay natulog noong Ako ay maliit na bata, at mula kung kanino tumanggap Ako ng labis na pagmamahal sa loob ng napakaraming taon?

⁸Panghuli ibig Kong kunin ang atensiyon ng mga magulang kung papaano Ako ginawang isang magaling na manggagawa ni Jose, nang walang tulong ng natututunan sa eskuwelahan. Noong Ako ay sapat nang nagka-edad na makahawak ng mga gamit, hindi niya Ako pinabayaan na mamuhay nang walang-ginagawa, bagkus sinimulan niya Akong magtrabaho at ginamit niya ang Aking pagmamahal para kay Maria bilang ang paraan na mahikayak niya Akong magtrabaho. Kailangan Kong makagawa ng may pakinabang na mga bagay para sa Inay. Ganyan kung papaano niya itinanim ang pagalang na dapat mayroon ang bawat anak para sa kanyang ina at ang pagturo para sa karpintero sa hinaharap ay ibinasi sa paggalang at sa mapagmahal na panggaganyak na iyon.

Nasaan na ngayon ang mga pamilya kung saan ang maliliit ay tinuturuan na mahalin ang trabaho bilang ang paraan na makapagbigay ng kasiyahan sa kanilang mga magulang? Ang mga bata, sa mga araw ngayon, ay ang mga tirano ng bahay. Lumalaki silang matitigas, walang-pakialam, masama ang ugali sa kanilang mga magulang. Tinitingnan nila ang kanilang mga magulang na kanilang mga alila at sila ay bihirang mahalin nila. Ang dahilan ay, habang pinababayaan ninyo ang inyong mga anak na maging di-kanais-nais na mapaghari-harian ng mga tao, tumitikal kayo sa kanila nang may kahiya-hiyang kawalang-pakialam.

Sila ay mga anak ng lahat, maliban ninyo, o mga magulang ng ikadalawampung siglo. Sila ay mga anak ng yaya, ng tagapag-alaga, ng kolehiyo, kung kayo ay mayaman. Sila ay pag-aari ng kanilang mga kasamahan, sila ay mga anak ng mga kalsada, ng mga eskuwelahan, kung kayo ay mahirap. Ngunit sila ay hindi ninyo mga anak. Kayo, mga ina, ay nagbigay sa kanila ng kapanganakan at iyon lamang. Siya ay may isip, may puso, may kaluluwa.  Maniwala sa Akin, walang ibang may karapatan at mas obligado kaysa sa isang ama at isang ina na magporma sa isip na iyon, sa puso, at sa kaluluwang iyon.

⁹Ang isang pamilya ay kinakailangan: iyan ay naririyan at kailangan na naririyan. Walang teoriya o progreso ang makasisira sa katotohanan na iyan nang hindi nakagagawa ng kasiraan. Ang isang sirang pamilya ay bagkus makagagawa ng mga lalaki at mga babae na sa hinaharap ay magiging mas baluktot, makagagawa ng mas malaki at malaki pang kasiraan. At sasabihin Ko sa inyong totoo na mas mabuti pa kung wala na lamang mga pag-aasawa at wala ng mga anak sa lupa, kaysa magkaroon ng mga pamilya na hindi nagkakaisa katulad man lamang ng pagkakaisa ng mga tribu ng mga unggoy, mga pamilya na hindi eskuwelahan ng mga birtud, ng trabaho, ng pagmamahal, ng relihiyon, bagkus isang kaingay kung saan ang bawat isa ay namumuhay sa kanyang sarili katulad ng di-magkakaugnay na mga engranahe, na nagtatapos sa pagkasira.

Wasak na mga pamilya. Winawasak ninyo ang pinaka banal na paraan ng panlipunan na pamumuhay at nakikita ninyo at pinaghihirap ninyo ang mga konsekwensiya. Maaari kayong magpatuloy nang ganyan, kung gusto ninyo. Ngunit huwag magreklamo kung ang mundong ito ay nagiging isang palalim at palalim pang impiyerno, isang tirahang lugar ng mga halimaw na kumakain ng mga pamilya at mga nasyon. Gusto ninyo ito. Mangyari ito.»

(194) 250610/032313/040213

Sunod na kabanata.