370. Ang Huwebes Bago ang Paskuwa. Ang Gabi.

Enero 27, 1946.

Ang mga tagasunod ni Jesus ay tiyak na hindi namumukod para sa kanilang katapangan! Ang balitang dinala ni Judas ay may kaparehong epekto ng paglitaw ng isang lawin sa ibabaw ng giikang-sahig na puno ng mga sisiw o ang presensya ng isang lobo sa dulo ng isang bangin malapit sa isang kawan ng mga tupa! Ang mga mukha ng karamihan sa kanila, lalo na ng mga lalaki, ay nagpapakita ng takot o kung man lamang ng kabalisahan. Sa palagay ko ang marami sa kanila ay iniisip na ang isang espada o isang panghagupit ay lumalapat na sa kanilang balat o sila ay ipapatapon sa mga kulungan sa paghihintay sa paglilitis at maaaring iyan ay ang pinakamaliit na kaparusahan na kanilang iniisip. Ang mga babae ay hindi masyadong balisa. Mahigit pa sa ano pa man sila ay nag-aalala tungkol sa kanilang mga anak o mga asawa, na kanilang pinapayuhan na tumakas sa maliliit na grupo sa pamamagitan ng kabukiran.

Si Maria ng Magdala ay naghihimagsik laban sa ganyang mga dating ng eksaheradong takot: «O! ilang mga gasela ang naririyan sa Israel! Hindi ba kayo nahihiya ng panginginig nang ganyan? Sinabi ko sa inyo na sa loob ng aking bahay mas ligtas pa kayo kaysa sa loob ng isang muog. Kung kaya't halikayo! At sa ibabaw ng aking salita matitiyak ko sa inyo na walang mangyayari sa inyo. Kung sa karagdagan sa mga binanggit ni Jesus may iba pang mga tao na ang pakiramdam sila ay magiging mas ligtas sa loob ng aking bahay, hayaan silang pumarito. May sapat na mga kama para sa sandaan. Sige na, magpasya ang inyong mga isip, sa halip na himatayin sa takot! Hinihingi ko lamang kay Johanna na ipadala ang kanyang mga katulong pagkatapos natin na may dalang mga pagkain. Sapagkat walang sapat para sa lahat sa bahay, at ngayon ay gabi na. Ang isang mabuting hapunan ay ang pinakamagandang gamot para sa pinanghihinaan ng loob.» Siya ay hindi lamang mapangibabaw sa kanyang puting damit, bagkus ang kanyang magagandang mata ay masyadong ring mapanuya at minamaliit niya ang natatakot na grupo na nagsisiksikan sa loob ng bulwagan ni Johanna.

«Ipapadala ko ang mga iyon kaagad. Makakalakad na kayo, si Jonathan ay susundan kayo kasama ang mga katulong, at ako ay pupunta rin, sapagkat ibig kong magkaroon ng kasiyahan na sinusundan ang Guro, nang hindi natatakot, matitiyak ko sa inyo, labis na labis, na isasama ko ang mga bata» sabi ni Johanna. Siya ay umalis upang ibigay ang kinakailangang mga tagubilin habang ang unahang hanay ng natatakot na grupo ng sandatahang-lakas ay tumitingin nang maingat sa labas ng pinaka-pintuan, at nang makita nila na walang dapat na ikatakot, naglakas-loob silang lumabas patungo sa kalsada at umalis, sinusundan ng iba pa.

Ang grupo ng mga birhen ay nasa gitna, kasunod kaagad ni Jesus, Na nasa unang mga linya. Ang mga babae ay nasa likuran ng mga birhen... at pagkatapos ang hindi masyadong matatapang, na ang kaninong mga likuran ay pinoprotektahan ni Maria ni Lazarus, na sumama na sa mga binibining Romano, dahil nagpasya sila na hindi hihiwalay sa Guro nang napakaaga. Pagkatapos si Maria ni Lazarus ay tumatakbong umuuna na upang magsabi ng kung ano sa kanyang kapatid na babae at ang pitong Romanong mga binibini ay naiwan kasama si Sarah at si Marcela, na nasa hulihan bilang mga bantay sa utos ni Maria, at tingnan-tingnan din na ang mga binibining Romano ay makaraan nang walang nakapupunta.

Si Johanna ay nakarating nang mabilis hawak ang mga bata sa kamay, at sa likuran niya ay naroon si Jonathan at ilang mga katulong puno ng mga bag at mga basket. Umabot sila sa hulihan, ngunit walang pumapansin sa maliit na grupo, dahil ang mga kalsada ay nagsisiksikan sa tao umuuwi o patungo sa kanilang mga kampo at sa malabong liwanag ang mga mukha ay hindi madaling makilala. Si Maria ng Magdala ay nasa unahang linya na ngayon kasama si Johanna, si Anastasica at si Eliza, at pinasusunod niya ang mga panauhin sa kanyang bahay sa pamamagitan ng makikipot na mga tabing-kalsada.

Si Jonathan ay naglalakad nang napakalapit sa mga binibining Romano, kung kanino siya ay nakikipagusap na tila sila ay mga katulong ng pinaka-mayayamang babaeng disipulo. Si Claudia ay sinamantala ang sitwasyon upang magsabi sa kanya: «Mamâ, pakiusap na pumunta ka at tawagin ang disipulo na nagdala ng balita. Sabihin sa kanya na pumarito. Ngunit magsalita sa kanya sa paraan na hindi makukuha ang atensiyon ng ibang mga tao. Lakad!» Ang kanyang damit ay isang lisong damit, ngunit ang kanyang disposisyon ay di-sinasadyang mapangibabaw, tipikal sa isang tao na sanay sa pagbibigay ng mga utos. Si Jonathan ay idinilat ang kanyang mga mata, nagsisikap na makita, sa pamamagitan ng nakababang belo ni Claudia, kung sino ang babaeng nagsasalita sa kanya nang gayon.

Naabutan niya si Judas ng Kerioth na nagsasalitang pakaway-kaway kay Stephen at Timoneus, at hinatak niya ang kanyang manggas.

«Anong kailangan mo?»

«Mayroon akong sasabihin sa iyo.»

«Sabihin mo sa akin.»

«Hindi. Sumama ka sa akin. Ikaw ay kailangan, para sa limos, sa palagay ko...»

Ang pasubali ay isang magandang pasubali, at ito ay tinanggap nang mapayapa ng mga kasamahan ni Judas at nang masaya ni Judas mismo, na pumunta sa likuran nang mabilis kasama si Jonathan.

Siya ngayon ay nasa hulihang linya na. «Babae, ito ang lalaking kailangan ninyo» sabi ni Jonathan kay Claudia.

«Salamat para sa paglilingkod mo sa akin» siya ay tumugon na ang kanyang belo nakababa pa rin.»

Si Judas, na napakinggan ang pinong pananalita ni Claudia at nakakita ng dalawang magagandang mata lampas sa manipis na belo at baka nakaramdam na may makukuhang isang magandang pagkakataon, ay pumayag nang walang anumang pagtutol.

Ang grupo ng mga binibining Romano ay naghiwalay. Sina Plautina at Valeria ay nananatiling kasama ni Claudia, ang iba pa ay nagpapatuloy. Si Claudia ay tumitingin sa paligid. Nakita niya ang isang nag-iisang kalsada at sila ay tumigil, at sa pamamagitan ng kanyang magandang kamay inalis niya ang kanyang belo, nawawalan ng takip ang kanyang mukha.

Si Judas ay nakilala siya at pagkaraan ng isang sandali ng pagtataka, siya ay yumuko binabati niya  siya sa pamamagitan ng magkahalong kilos ng Hudyo at isang salitang Romano: «Domina!»

«Oo, ako ito. Tumayo ka at makinig. Minamahal mo ang Nazareno. Ikaw ay nananabik tungkol sa Kanyang ikabubuti. Tama ka. Siya ay isang mabirtud na tao at kailangan na maipagsanggalang. Nirerespeto namin Siya bilang isang dakilang makatarungan na tao. Ang mga Hudyo ay hindi Siya nirerespeto. Kinapopootan nila Siya. Alam ko. Makinig. Intindihin nang mabuti ang aking sasabihin, tandaan itong mabuti at kumilos nang naaayon. Ibig ko Siyang protektahan. Hindi katulad ng mahalay na babae kani-kanina lamang, bagkus sa matapatan at sa birtud. Kung ang iyong pagmamahal at ang iyong kasigasigan ay nagawa kang maintindihan mo na may panganib para sa Kanya, pumunta ka o magpadala ng sinuman. Si Claudia ay nangingibabaw kay Pontio. Si Claudia ay kukuha ng proteksiyon para sa Makatarungan na Isa. Malinaw ba iyan?»

«Perpektong maliwanag, domina. Harinawang protektahan kayo ng aming Diyos. Kung magiging posible, ako mismo ang pupunta. Ngunit papaano ko kayo makikita?»

«Laging hanapin si Albula Domitilla. Iyan ang isa pang pangalan na ginagamit ko, ngunit walang magtataka kung siya ay makipagusap sa mga Hudyo, sapagkat ang Abdulla Domitilla ang nangangalaga ng aking pagka-liberal. Iisipin nila na ikaw ay isang kliyente. Mapapahiya ka ba niyan?»»

«Hindi, domina. Isang karangalan ang paglingkuran ang Guro at magkaroon ng inyong proteksiyon.»

«Oo, poprotektahan kita. Ako ay isang babae ngunit ako ay mula sa pamilya ng Claudi. Mas makapangyarihan ako kaysa sa lahat ng malalakas sa Israel, sapagkat ang Roma ay nasa likuran ko. Pansamantala kunin ito. Iyan ang aming alay para sa mahihirap ng Kristo. Ngunit... ibig kong manatiling kasama ng mga disipulo ngayong gabi. Isaayos iyan para sa akin at ikaw ay poprotektahan ni Claudia.»

Ang mga salita ng patrisyano ay may mahimalang epekto sa isang taong katulad ng Iskariote. Siya ay nasa kanyang ikapitong langit!... Naglakas-loob siyang magtanong: «Ngunit talaga bang poprotektahan ninyo Siya?»

«Oo, gagawin ko. Ang Kanyang Kaharian ay nararapat na maitatag, sapagkat iyan ay isang kaharian ng birtud. Iyan ay tinatanggap, laban sa masamang mga alon na sumasakop sa kasalukuyang mga kaharian at nakapandidiri sa akin. Ang Roma ay dakila, ngunit ang Rabbi magpahanggang ngayon ay malayong mas dakila kaysa sa Roma. Kami ay may mga agila sa aming mga bandila at may mapagmalaking inisyal na letra. Ngunit magkakaroon Siya ng mga Genie at ang Kanyang banal na Pangalan sa Kanya bandila. Ang Roma at ang Lupa ay totoong magiging dakila kapag ilagay nila ang Pangalan na iyan sa kanilang mga bandila, at ang Kanyang tanda ay mapupunta sa mga pamantayan, mga templo, mga arko at mga pilar.»

Si Judas ay namangha, nagagalak, nasa isang panaginip. Iniitsa’t sinasalo ang mabigat na lukbutan na binigay sa kanya. At ginagawa itong paulit-ulit, tumatangong lagi sa pagsang-ayon...

«Ngayon tayo na at samahan sila. Tayo ay magkapanalig, tayo ba? Magkapanalig upang protektahan ang Guro at ang Hari ng matatapat ng kaluluwa.»

Ibinaba niya ang kanyang belo at mabilis sa tumakbo upang abutan ang grupo sa unahan niya, sinusundan ng iba pang mga binibini at ni Judas, na hinihingal hindi dahil sa kanyang pisikal na pagsisikap na makatagpo bagkus dahil sa kanyang narinig. Ang huling mga disipulo ay pumapasok sa bahay ni Lazarus nang sila ay kanilang inabutan. Pumasok silang mabilis at ang mabigat na bakal na pinto ay isinara na may malakas na ingay ng mga trankilya nang itrangka ng nangangasiwa.

Ang nag-iisang lampara, hawak ng asawa ng tagapangasiwa ay halos hindi maliwanagan ang maputing liwasan ng bulwagan ng bahay ni Lazarus. Ang bahay ay halatang walang tao, bagama't ito ay namamantena at malinis. Sina Maria at Martha ay pinasusunod ang mga panauhin patungo sa isang malaking silid, tiyak na ginagamit para sa mga bangkete, ang mga pader nito ay natatakpan ng mamahaling mga tela pinakikita ang arabesko na mga dekorasyon dahil ang mga tsandelyer ay nakasindi at ang mga lampara nakalagay sa ibabaw ng mga patungan, sa ibabaw ng mamahaling mga baul na inilagay paikot sa mga pader, o sa ibabaw ng mga mesa. Iniutos ni Maria na ang mga lampara ay dalhin sa gitna ng silid at iayos kasama ang mga pagkain na inaalis ng mga katulong ni Johann sa mga bag at basket at inilalagay sa mga patungan.

Si Judas ay dinala si Pedro sa isang tabi at bumulong ng kung ano sa kanyang tainga.

Nakita ko si Pedro na idinilat ang mga mata at pinanginig ang kanyang kamay na tila napaso niya ang kanyang mga daliri, habang siya ay bumubulalas: «Ng mga kulog! Ano ang sinasabi mo?»

«Oo, tingnan mo. Isipin na lamang! Hindi na tayo kailangan na matakot! Wala ng rason upang mamroblema!»

«Ngunit iyan ay labis-labis! Ngunit ano ang kanyang sinabi? Na talagang poprotektahan niya tayo? Pagpalain nawa siya ng Diyos! Ngunit alin siya rito?»

«Ang matangkad na balingkinitan, nakasuot ng isang “turtle-dove” na damit. Siya ay nakatingin sa atin...»

Si Pedro ay tinitingnan ang matangkad na babae, na ang mukha ay regular  at seryoso, at ang kaninong mga mata ay mabait ngunit makahari.

«At ... Papaano mo nagawang makipagusap sa kanya? Naramdaman mo bang...»

«Hindi, hindi kailanman.»

«Subalit kinapopootan mo ang pakikihalubilo sa kanila! Katulad ko, katulad ng lahat...»

«Oo, ngunit napangibabawan ko ang pakiramdam na iyan alang-alang sa Guro. Katulad na napangibabawan ko ang aking mithiin upang makahiwalay sa aking mga dating kasamahan sa Templo... O! Ang lahat para sa Guro! Ang aking ina at kayo ay iniisip na ako ay malabo. Pinagbibintangan ninyo ako kamakailan para sa mga kaibigan na mayroon ako. Ngunit kung hindi ko inalagaan ang aking pakikipagkaibigan sa kanila, na napakasakit para sa akin, hindi ko malalaman ang maraming bagay. Walang kabuluhan ang isara natin ang ating mga mata o takpan ang ating mga tainga na baka ang mundo ay makapasok sa atin sa pamamagitan ng ating mga mata o mga tainga. Kapag ang isa ay nasa gawain katulad ng atin, ang mga mata at tainga ng isa ay kailangan na lubos na malaya at mapagmanman. Kailangan na magmanman tayo para sa Kanya, para sa Kanyang kayamanan, sa Kanyang misyon, at sa pagtatatag ng banal na kaharian na ito...»

Marami sa mga apostol at sa ilang mga disipulo ay nilapitan sila at sila'y nakikinig, patangu-tango. Sa katunayan walang makapagsabi na si Judas ay mali sa kanyang sinasabi!

Si Pedro, bilang tapat at mapagpakumbaba, ay tinatanggap ito at nagsabi: «Tamang-tama ka! Patawarin mo ako para sa aking mga paninita. Mas may halaga ka kaysa sa akin at nalalaman mo kung ano ang gagawin. O! Tayo na at sabihin sa Guro, sa Kanyang Ina at sa iyo. Alalang-alala siya!»

«Sapagkat ang masasamang dila ay nagpahiwatig... Ngunit maging tahimik pansamantala. Mamaya... Kita ninyo? Sila ay nakaupo sa mesa at ang Guro ay kinakawayan tayo na pumunta...»

...Iyon ay isang mabilis na kainan. Ang mga binibining Romano din, nakaupo sa mesa ng mga babae at nakahalo sa kanila, upang si Claudia ay nasa pagitan ni Porphirea at ni Dorcas, ay kinakain sa katahimikan kung ano ang inilagay sa harapan nila. Sila ay nakikipagpalitan ng misteryosong mga ngiti at makahulugang mga tango kina Johanna at Maria ng Magdala. Nagmumukha silang mga mag-aaral na nasa pagbabakasyon.

Nang ang hapunan ay tapos na sinabi sa kanila ni Jesus na pormahin ang isang kudrado sa pamamagitan ng kanilang mga upuan at maupo upang makinig sa Kanya. Inilugar Niya ang Kanyang sarili sa gitna at nagsimulang magsalita sa gitna ng kudradong maasikasong mga mukha, kung saan tanging ang maliit na inosenteng mga mata lamang ng sanggol ni Dorcas, na natutulog sa mga lapi niya, ang sarado, habang ang mga mata ng batang si Maria, na nakaupo sa mga tuhod ni Johanna, at ang kay Matthias, na kandong ni Jonathan, ay bumibigat na sa antok.

«O! mga disipulong naipon dito sa Pangalan ng Panginoon, o napunta rito sa pamamagitan ng mithiin para sa Katotohanan, isang mithiin na nanggagaling pa rin sa Diyos, Na ibig na ang liwanag at katotohanan ay mapunta sa lahat ng mga puso, makinig.

Ngayong gabi tayo ay pinahintulutan na magkasama-sama, at ito ay nagawang mangyari sa pamamagitan ng kasamaan ng mga tao na ibig tayo na magkahiwa-hiwalay. Dahil sa limitasyon ng mga pandama ng isa, siya ay wala sa pusisyon na maintindihan kung gaano kalalim at kalawak ang pagsasama-samang ito, tunay na umaga ng pagsasama-sama sa hinaharap na siyang mangyayari kapag ang Guro ay wala na sa pagitan ninyo sa Kanyang katawan, ngunit makakasama ninyo sa pamamagitan ng Kanyang espiritu. Malalaman ninyo pagdating ng araw na iyan kung papaano magmahal, at kung papaano isasabuhay ang Aking doktrina. Pansamantala katulad ninyo ang mga sanggol na pinasususo. Pagkatapos kayo ay magiging mga adulto at makakain ninyo ang lahat na klase ng pagkain nang walang anumang kapinsalaan. Pagkatapos magagawa ninyong masabi, katulad ng sinasabi Ko ngayon: “Halika kayo sa akin, lahat kayo, sapagkat tayong lahat ay magkakapatid at dahil isinakripisyo Niya ang lahat para sa atin”.

Napakaraming maling pag-aakala sa Israel! At katulad nito ang mga palaso na nanunugat sa karidad. Ako ay nagsasalitang hayagan sa inyo, tapat na mga tagasunod, sapagkat walang mga traydor sa pagitan ninyo, o mga taong may mga ideang nakapipinsala, na naghahati o nagdadala sa di-pagkakaunawaan, sa pagmamatigas at sa kapootan laban sa Akin, Na nagtuturo sa inyo ng mga pamamaraan ng mga darating na panahon. Hindi Ako makapagsasalita sa ibang pamamaraan. Mula ngayon mas kaunti na lamang Akong magsasalita, sapagkat nakikita Ko na ang mga salita ay walang silbi o halos  walang silbi. Nakapakinig na kayo nang sapat upang maging perpektong banal at maalam. Ngunit kakaunti lamang ang inyong iniunlad, kayong mga magkakapatid-na-lalaki lalo na, sapagkat gusto ninyo ang Aking salita ngunit hindi ninyo ito sinasabuhay. Mula ngayon, sa mas pariin pa nang pariin na pamamaraan, gagawin Kong gawin ninyo ang inyong dapat na gagawin kapag Ako ay nakabalik sa Langit, mula kung saan Ako nanggaling. Gagawin Kong mapanood ninyo kung ang Pari sa hinaharap. Kaysa sa Aking mga salita kailangang tingnan ninyo nang maasikaso ang Aking mga gawa, ulitin ang mga ito, matutunan ang mga ito, idagdag ang mga ito sa Aking itinuturo. Kayo kung gayon ay magiging perpektong mg disipulo.

Ano ang ginawa ng Guro at ano ang nagawa kayo Niyang gawin at isabuhay ninyo ngayong araw? Ang Karidad sa iba't ibang pamamaraan. Karidad patungo sa Diyos. Hindi lamang ang karidad ng binibigkas na panalangin ng ritwal. Bagkus aktibong karidad, na binabago kayong muli sa Panginoon, tinatanggalan kayo ng espiritu ng mundo at ng mga erehiya ng paganismo, na matatagpuan hindi lamang sa mga pagano, bagkus sa Israel din, sa maraming kinaugalian na mga ginagawa na siyang pumalit sa totoong banal na Relihiyon, kasing lantad at simple katulad ng lahat ng mga bagay na galing sa Diyos.

Ang bawat tao na pinanganak ay mamamatay.  Nalalaman ninyo ito. Ngunit ang buhay ay hindi natatapos gawa ng kamatayan. Ito ay nagpapatuloy sa ibang porma at tumatagal nang magpasawalanghanggan na may gantimpala para sa mga naging makatarungan, at kaparusahan para sa naging masasama. Ang kaalaman tungkol sa tiyak na paghuhukom ay hindi dapat kayong maparalisa sa loob ng inyong pamumuhay o sa oras ng inyong kamatayan. Ito ay kailangan na maging isang pampasigla at isang pampigil, isang pampasigla na mag-uudyok sa inyo na gumawa ng mabuti, isang pampigil na hahadlang sa inyo sa lahat ng masisimbuyong damdamin. Kung gayon maging totoong mga mangingibig ng totoong Diyos, laging kumikilos na may tangka na marapatin Siya sa buhay sa hinaharap.

Kayong mga lalaki, na mahal ang kadakilaan, aling kadakilaan ang mas higit pa kaysa sa maging mga anak Diyos, ibig sabihin maging maliliit na diyos? At kayo na umiiwas sa kirot, aling katiyakan na wala nang paghihirap ang naririyan kaysa sa katiyakan na naghihintay sa inyo sa Langit? Maging banal. Ibig ba ninyong magtatag ng kaharian sa Lupa? Nararamdaman ba ninyo na ang mga patibong ay nakalatag para sa inyo at kayo ba ay natatakot na baka kayo hindi magtagumpay? Kung kayo ay kumikilos bilang mga banal na tao, magtatagumpay kayo. Sapagkat ang pinaka awtoridad na naghahari sa atin ay hindi makapagpipigil sa inyo, sa kabila ng lahat na mga tagasunod nito, sapagkat makukumbinsi ninyo ang mga tagasunod na sundan ang Aking banal na doktrina katulad na Ako, nang walang anumang karahasan, nakumbinsi Ko ang mga babae ng Roma na ang Katotohanan ay naririto...»

«Panginoon!...» bulalas ng binibining mga Romano nakikita na ang kanilang presensya ay naibulgar.

«Oo, mga babae. Makinig at tandaan. Sinasabi Ko sa Aking mga tagasunod mula sa Israel at sinasabi Ko sa inyo, na hindi mula sa Israel ngunit ang kaninong mga kaluluwa ay makatarungan, kung ano ang batas ng Aking Kaharian.

Walang mga rebelyon. Wala itong silbi. Kailangan na pabanalin natin ang mga awtoridad binababad sila sa ating kabanalan. Ito ay magiging matagal ngunit matagumpay na gawain. Sa pamamagitan ng kababaang-loob at tiyaga, walang katangahang pagmamadali o pagkataong mga pagtaliwas, sa pagsunod kung ang pagsunod ay hindi makapipinsala sa inyong mga kaluluwa, magtatagumpay kayo na mabago ang mga awtoridad, na ngayon naghahari sa atin sa isang paganong pamamaraan, na maging Kristiyanong mga awtoridad na nagpoprotekta sa atin. Gawin ninyo ang inyong tungkulin bilang mga nasasakupan hinggil sa mga awtoridad, katulad na ginagawa ninyo ang inyong tungkulin hinggil sa Diyos. Kailangan na tingnan ninyo ang bawat awtoridad na isang pamamaraan ng pagtaas, hindi ng paniniil, sapagkat nabibigyan kayo ng pagkakataon na mapabanal ito at ang inyong mga sarili, sa pamamagitan ng mga halimbawa at kabayanihan.

At sa dahilan na kayo ay matatapat na naniniwala at mabubuting mamamayan, maging mabubuting mga asawa din; maging banal, basal, masunurin, magiliw sa isa’t isa, nagkakaisa sa pagpapalaki sa inyong mga anak sa Panginoon. Maging mga makaama at makaina sa inyong mga katulong at mga alipin, sapagkat sila ay mayroon ding mga katawan at mga kaluluwa, mga pakiramdam at mga damdamin katulad ninyo. Kung ang kamatayan ay pinagkaitan kayo ng inyong asawa, kung posible, huwag manabik na mag-asawa muli. Mahalin ang mga ulila, alang-alang din sa inyong yumaong mga kasa-kasama. Kayo, na mga katulong, magpasakop sa inyong mga panginoon, at kung sila ay may depekto, pabanalin sila sa pamamagitan ng inyong mga halimbawa. Magkakaroon kayo ng malaking merito sa mga mata ng Panginoon. Sa hinaharap, sa Ngalan Ko, magkakaroon ng mas maraming mga katulong at mga panginoon, ngunit magkakapatid. Hindi magkakaroon ng iba't ibang lahi, bagkus mga kapatid. Hindi na magkakaroon ng maniniil at sinisiil, namumuhi sa isa’t isa, sapagkat ang mga nasisiil ay tatawagin ang kanilang maniniil mga kapatid.

At kayo, na nasa isang pananampalataya, magmahalan sa isa’t isa, nagtutulungan, katulad ng ginawa Ko na gawin ninyo ngayong araw. Ngunit huwag ninyong gawin na ang inyong pagtulong ay nasa mahihirap lamang, sa mga peregrino, sa mga maysakit ng inyong sariling lahi. Ibukas ninyo ang inyong mga kamay sa lahat, katulad na ang Awa ay ibinukas ang Kanya sa inyo. Gawin ang may mas marami, na tulungan ang may kakaunti o wala. Gawin ang may mas nalalaman na tulungan ang mga walang nalalaman o kakaunti ang nalalaman, at gawin silang magturo nang matiyaga at mapagpakumbaba, inaalaala na kayo ay talagang walang nalalaman bago Ko kayo tinuruan. Hanapin ang Karunungan hindi ang madagdagan ang kinang ng inyong mga pangalan, bagkus upang makakuha ng tulong sa pagpapatuloy sa daan ng Panginoon.

Gawin ang may-asawang mga babae na mahalin ang mga birhen, at ang huli mahalin ang una, at kapwa sila mahalin ang mga balo. Kayong lahat ay magagamit sa Kaharian ng Panginoon.  Ang mahirap ay hindi dapat na kainggitan ang mayaman at ang mayaman ay hindi dapat na maging dahilan ng poot sa pamamagitan ng pagpapakita ng kayamanan at katigasan ng puso. Alagaan ang mga ulila, maysakit at walang matuluyang mga tao. Buksan ang inyong mga puso, bago ninyo buksan ang inyong mga lukbutan at mga tahanan, sapagkat kung magbigay kayo ng tulong na may masamang damdamin, hindi ninyo pinararangalan bagkus sinasaktan ninyo ang Diyos, Na naroroon sa bawat di-masayang tao.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na hindi mahirap maglingkod sa Panginoon. Sapat na na mahalin ang totoong Diyos at ang inyong kapwa, maging sino pa man ito. Ako ay naroroon sa tuwing naggagamot kayo ng isang sugat o isang sakit. At ang lahat na ginagawa ninyo para sa Akin sa hinaharap, kung ito ay mabuti, ito ay magagawa sa Akin; kung ito ay masama, magagawa pa rin ito sa Akin. Ibig ba Ninyo Akong maghirap? Ibig ba ninyong mawala ang Kaharian ng kapayapaan, ibig ba ninyong makalampas ang pagkakataon ng pagiging mga diyos, sa pamamagitan lamang ng hindi pagiging mabuti sa inyong kapwa?

Hindi na tayong lahat muli magkakasama-sama katulad na tayo ay nagkasama-sama ngayon. Mas marami pang Paskuwa ang darating... ngunit hindi posible para sa atin na magkasama-sama dahil sa maraming mga rason, una dahil sa bahaging banal at sa bahaging kalabisang pag-iingat, at ang bawat kalabisan ay hindi maganda, upang tayo ay kailangan na magkahiwalay; ikalawa dahil hindi Ako makakasama sa inyo sa mga Paskuwa sa hinaharap... Ngunit tandaan ang araw na ito. Sa hinaharap gagawin ninyo, hindi lamang sa Paskuwa, bagkus lagi, ang ginawa Kong gawin ninyo sa araw na ito.

Hindi Ko kayo kailanman nilinlang, sinasabi na madaling mapunta sa Akin. Ang mapunta sa Akin ang ibig-sabihin hindi lamang ang mabuhay sa Liwanag at Katotohanan, ngunit nangangahulugan din ito ng pagkain ng tinapay ng salungatan at pag-uusig. Ngunit habang mas malakas kayo sa pagmamahal, mas magiging malakas kayo sa mga pagpupursige at mga pag-uusig.

Maniwala sa Akin. Sa kung ano Akong talaga: si Jesucristo, ang Tagapagligtas, na ang Kaninong Kaharian ay hindi ng mundong ito, ang Kaninong pagdating ay nangangahulugan ng kapayapaan sa mabubuting tao, ang taglayin Siya ang ibig-sabihin ay kaalaman at taglayin ang Diyos, sapagkat siya na taglay Ako sa kanyang sarili at ang kanyang sarili mismo nasa Akin, ay nasa Diyos, at nasa kanyang espiritu ang Diyos ngayon, at mapapasakanya Siya pagdating sa selestiyal na Kaharian magpasawalanghanggan.

Ang gabi ay naririto na. Bukas ay Araw ng Paghahanda. Humayo. Padalisayin ang inyong mga sarili, magnilay-nilay, magdiwang ng isang banal na Paskuwa.

At kayong mga babae ng ibang lahi, ngunit ang kaninong mga espiritu ay matuwid, humayo. Harinawang ang mabuting kalooban na siyang nagpapagalaw sa inyo ay sana maging para sa inyo ang daan upang makapunta kayo sa Liwanag. Sa ngalan ng mahihirap, dahil Ako ay mahirap Mismo, pinagpapalà Ko kayo para sa inyong mapagbigay na limos, at pinagpapalà Ko kayo para sa inyong mabait na intensiyon sa Tao Na pumarito upang magdala ng pagmamahal at kapayapaan sa Lupa. Humayo! At ikaw, Johanna, at kung sino pa man na hindi natatakot ng mga patibong, ay makahaháyo.»

Ang pagbulung-bulungan ng pagkamangha ay umikot sa pagpupulong habang ang mga binibining Romano, na ngayon ay anim na lamang dahil si Eglah ay mananatili kay Maria ng Magdala, ay inilalagay sa isang bag ang maliliit na tablang waks na sinulatan ni Flavia habang si Jesus ay nagsasalita, at lumalabas pagkatapos na magpaalam sa lahat nang sama-sama na. Ang pagkamangha ay gayon na lamang na walang sinuman ang gumagalaw, maliban kina Johanna, Jonathan at mga katulong ni Johanna, na mga nagkakarga sa mga natutulog na mga bata. Ngunit pagkatapos na ang maugong na ingay ng pinaka-pintuan na isinasara ay sinabi sa mga natitira na ang mga binibining Romano ay nakaalis na, ang bulung-bulungan ay naging isang hiling.

«Sino sila?»

«Bakit sila naririto?»

«Ano ang kanilang ginawa?»

At higit sa lahat si Judas ay sumigaw: «Panginoon, papaano Ninyo nalaman ang tungkol sa malaking alay na binigay nila sa akin?»

Si Jesus ay pinakalma ang kaingayan sa pamamagitan ng isang senyas at sinabi Niya: «Sila ay si Claudia at ang kanyang mga binibining kasamahan. At habang ang iba pang mga binibini ng Israel, kinatatakutan ang galit ng kanilang mga asawa, o may ganyan ding mga kaisipan at mga puso ng kanilang mga asawa, ay hindi naglalakas-loob na maging Aking mga tagasunod, ang kinasusuklamang mga paganong binibini, na may banal na kagulangan ay alam kung papaano pumunta at matutuhan ang Doktrina na, kahit sa pansamantala tinatanggap ito sa isang pamamaraang pantao, nagsisilbi pa rin ito na makapagpataas... At ang dalagang ito, dati isang alipin, ngunit may lahing Hudyo, ay ang bulaklak na inialay ni Claudia sa mga tagasunod ng Kristo, dahil siya ay ginawang mapalaya at ipinagkatiwala sa pananampalataya ng Kristo. Ang tungkol sa Aking pagkakaalam tungkol sa alay... O! Judas! Ang lahat maliban sa iyo ang kailangang magtanong sa Akin ng tanong na iyan! Nalalaman mo na nakikita Ko ang loob ng mga puso ng mga tao.»

«Kung gayon nalalaman Ninyo na nagsalita ako ng katotohanan nang sinabi ko na naglalatag sila ng mga patibong at na nalito ko sila nang ako ay pumunta upang gawin... ang mga may kagagawan na magsalita?»

«Totoo iyan.»

«Pakiusap na sabihin Ninyo iyan sa malakas na tinig, na sana mapakinggan ng aking ina... Inay, ako ay bata, ngunit hindi ako isang kontrabida... Inay, tayo ay magkasundo. Tayo'y magmahalan at magkaunawaan, nagkakaisa sa paglilingkod sa ating Jesus.»

At si Judas ay mapagpakumbaba at mapagmahal na niyakap ang kanyang ina, na nagsabi: «Oo, anak! Oo, aking Judas. Mabuti! Mabuti! Maging mabuti lagi, aking anak! Para sa iyong sarili, para sa Panginoon! Para sa iyong abang ina!»

Ang bulwagan ay ngayon puno ng pagkabalisa at mga komentaryo, at marami ang nagsasabi na hindi maganda na tanggapin ang mga binibining Romano at pinupuna nila si Jesus.

Si Judas ay napakinggan sila. Pagkatapos iniwan niya ang kanyang ina at nagmadali upang ipagsanggalang si Jesus. Pinaalam niya sila tungkol sa kanyang pakikipagusap kay Claudia at siya’y nagtapos:  Ang kanyang tulong ay hindi dapat na balewalain. Tayo ay inuusig kahit bago pa man siya pumunta sa atin. Hayaan siyang gawin niya ang ayon sa kanyang kagustuhan. At tandaan, mas mabuti na ang huwag magsalita ng kahit ano sa sinuman. Isipin na kung ang maging mapagkaibigan sa mga pagano ay delikado para sa Guro, ito ay ganito ring ka-delikado para sa atin. Ang Sanhedrin na, matapos man ang lahat, ay napipigilan ng takot kay Jesus ay hindi magdadalawang isip na patayin tayo katulad ng mga aso, dahil tayo ay abang mga karaniwang tao, sa halip na itaas ang kamay nito laban sa Pinahiran-ng-Langis ng Panginoon. Sa halip na magpakita tayo ng naiiskandalong mga tingin, alalahanin na kani-kanina pa lamang katulad ninyo ang natatakot na mga ibong-pipit, at pagpalain ang Panginoon sa pagtulong sa atin sa pamamagitan ng di-inaasahang pamamaraan, kahit na kung iniisip ninyo na sila ay hindi legal. Sila, datapwa’t, ay sapat na malakas na maitatag ang Kaharian ng Mesiyas. Magagawa natin ang lahat kung tayo ay ipagsasanggalang ng Roma! O! Ako ay hindi na natatakot! Ito ay isang dakilang araw! Mas pa para sa bagay na ito kaysa sa kahit ano pa man na iba... Ah! Kapag Kayo ay maging aming Pinuno! Anong isang mapagpakumbaba, malakas, pinagpalang kapangyarihan! Anong kapayapaan! Anong katarungan! Ang malakas na mapagkaibigang Kaharian ng Makatarungang Isa! At ang mundo ay lalapit dito nang unti-unti!... Ang mga hula ay matutupad! Mga pulutong, mga nasyon... ang mundo ay mapapasa-paanan Ninyo!  O! Guro! Kayo ang magiging Hari, at kami ang Inyong magiging mga ministro... Kapayapaan sa Lupa, kaluwalhatian sa Langit... Jesucristo ng Nazareth, Hari ng lahi ni David, Mesiyas at Tagapagligtas, binabati ko Kayo at sinasamba Kayo!» at si Judas, na tila na sa mga kaluwalhatian, ay nagtatapos na pinatitirapa ang sarili: «Ang Inyong Pangalan ay kilala na sa Lupa, sa Langit at kahit din sa Impiyerno. Ang Inyong kapangyarihan ay walang-hangganan. Anong lakas ang makalalaban sa Inyo, o Kordero at Leon, Pari at Hari, tatlong beses na Banal?» at nananatili siyang nakapatirapa sa sahig ng bulwagan, na natutulala sa pagkamangha.

170910/071112

 

 

 



Sunod na kabanata