371. Ang Araw ng Preparasyon. Ang Umaga.

Enero 30, 1946.

Ang mga kalalakihan ay nakahiga kahit saan tulog sa palasyo ni Lazarus, na naging isang dormitoryo para sa isang gabi. Wala akong makita kahit sinong babae. Baka sila ay dinala sa mga silid sa itaas. Ang pagliliwanag ay napapaputi ang siyudad nang unti-unti, sinasakop nito ang mga bakuran ng palasyo, ginigising ang unang susukut-sukot na sumisiyap ng mga ibon sa mga sanga ng mayayabong na punungkahoy, at ang maaagang humuhuning mga kalapati na nagpapahinga sa butas ng kornisa. Ngunit ang mga kalalakihan ay hindi gumigising. Pagod at puno ng pagkain at kasabikan katulad nila, sila ay natutulog at nananaginip...

Si Jesus ay pumunta sa bulwagan at pagkatapos sa pinaka bakuran. Naghihilamos Siya sa malinaw na tubig ng pontanya na lumalaguklok sa gitna nito, sa loob ng liwasan ng mirto, sa paanan nito kung saan ay may maliliit na liryo, nakakatulad ang sinasabing “French lilies” ng lambak. Inaayos Niya ang Kanyang sarili at hindi gumagawa ng kahit na anong ingay pumunta Siya sa hagdanan patungo sa mga silid sa itaas at sa bubungan na terasa. Tumaas Siya roon upang magdasal at magnilay-nilay.

Siya ay naglalakad nang pauli-uli at ang mga kalapati ang tanging nakakakita sa Kanya: pinahahaba ang kanilang mga leeg at humuhuni, tila tinatanong nila ang isa’t isa: «Sino iyon?» Pagkatapos Siya ay sumandal sa maliit na pader at nananatiling hindi gumagalaw, okupado sa pag-iisip. SA bandang huli itinaas Niya ang Kanyang mga mata, baka dahil ang Kanyang atensiyon ay nakuha ng biglang paglabas ng araw, tumataas sa likuran ng mga burol na nagtatakip sa Bethany at sa lambak ng Jordan, at Kanyang pinagninilayan ang tanawin sa harapan Niya.

Ang palasyo ni Lazarus ay isa sa maraming elebasyon sa lupa na pumupuno sa mga kalsada sa Herusalem, lalo na sa hindi masyadong magagandang kalsada, masyadong alun-alon. Ito ay nasa gitna ng siyudad, medyo timog-kanluranin. Nakatayo ito sa isang magandang kalsada na patungo sa Sixtus, napoporma ang “T” dito, at napanunungawan nito ang mas mababang bahagi ng bayan at nakaharap sa Bezetha, Moriah at Ophel, at ang Mount of Olives, na nasa likuran ng mga ito; sa likuran nito ay naroon ang Bundok ng Zion, ang lugar kung saan ito kasama, habang sa dalawang tabi makikita ng isa ang timogin na mga burol, habang ang Bezetha sa gawing hilaga ay naitatago ang karamihan ng tanawin. Ngunit sa ibayo ng lambak ng Gihon, makikita ang Golgotha nagmumukhang manilaw-nilaw sa kulay-rosas na liwanag ng madaling-araw. Tila nakakalungkot itong tingnan kahit na sa loob ng maluwalhating liwanag na iyon.

Si Jesus ay tinitingnan ito... Ang Kanyang tingin, bagama't mas maginoo at mapagmuni-muni, ay nagpapaalaala sa akin ng tungkol sa malayong bisyon nang si Jesus ay nakikipagtalo sa mga dalubhasa, nang Siya ay labindalawang taon ang edad. Ngunit hindi ito isang natatakot na tingin katulad na ito ay hindi rin noon. Ito ay ang may-dignidad na tingin ng isang bayani pinagninilayan ang larangan ng kanyang huling pakikipaglaban.

Siya pagkatapos ay tumalikod upang tingnan ang mga burol sa timog ng bayan at sinabi Niya: «Bahay ni Caiaphas!» at ang Kanyang mga mata ay tinitingnan ang dadaanan mula sa lugar na iyon patungo sa Gethsemane, pagkatapos patungo sa Templo,, pagkatapos tinitingnan Niya ang ibayo ng mga pader ng bayan, patungo sa Kalbaryo...

Ang araw ngayon ay nakataas na at ang bayan ay puno ng liwanag...

May kumakatok nang malakas at walang-tigil sa pinaka pintuan ng palasyo. Si Jesus ay dumungaw upang tingnan kung sino ang kumakatok, ngunit ang nakausling kornisa at ang katunayan na ang pintuan ay nasa mas pasók na tabi ng makapal na pader, ay napipigilan Siyang makita ang kahit sino. Ngunit napapakinggan Niya ang ingay ng mga lalaki na nagsisimula nang gumising, habang ang pinto, na binuksan ni Levi, ay isinara nang may-bagsak. Pagkatapos napapakinggan Niya ang maraming mga tinig na mga lalaki at mga babae tinatawag ang Kanyang Pangalan... Nagmadali Siyang pababa nagsasabing: «Naririto Ako. Ano ang kailangan ninyo?»

Kaagad nang ang mga tumatawag sa Kanya ay mapakinggan Siya, nagmadali silang pataas sumisigaw. Sila ang mga pinaka matatandang apostol at mga disipulo, at sa pagitan nila ay naroon si Jonah, ang tagapag-alaga sa Gethsemane. Lahat sila ay nagsasalita nang sabay-sabay at kung gayon mahirap maintindihan ang kanilang sinasabi.

Si Jesus ay kinailangan na utusan sila nang mariin na tumigil kung saan sila naroroon at sila ay maging tahimik, upang sila ay mapakalma. Pagkatapos nilalapitan Niya sila nagtatanong: «Anong nangyayari?»

Nagkaroon ulit ng kalituhan, gawa ng kanilang pagsisigaw, na hindi maintindihan. Sa likuran ng mga sumisigaw ay naroroon ang mga babae at mga disipulo na nagmumukhang malungkot o nagtataka.

«Gawing isa-isa ang magsalita. Ikaw muna, Pedro.»

«Si Jonah ay dumating... Sinasabi niya na marami sila at hinahanap nila Kayo kahit saan. Siya ay balisa buong gabi at nang ang mga geyt ay nabuksan, siya ay pumunta sa bahay ni Johanna at nasabihan na Kayo ay naririto. Ano ang ating gagawin? Kailangan natin na idaos ang Paskuwa anuman ang mangyari!»

Si Jonah ng Gethsemane ay pinatotohanan ang impormasyon nagsasabing: «Oo, minaltrato pa nga nila ako. Sinabi ko sa kanila na hindi ko nalalaman kung nasaan Kayo at na baka Kayo ay hindi na babalik. Ngunit nakita nila ang lahat ng inyong mga damit at naintindihan nila na kayo ay babalik sa Gethsemane. Huwag Ninyo akong ipahamak, Guro! Lagi ko Kayong binibigyan ng pag-aruga nang buong puso ko, at kagabi ako ay naghirap gawa niyan. Ngunit...»

«Huwag matakot! Mula ngayon hindi na kita ilalantad sa anumang panganib. Hindi na Ako tutuloy sa iyong bahay. Pupunta lang Ako roon kung nataon na Ako ay mapaparaan, sa gabi, upang magdasal... Hindi mo Ako mapagbabawalan...» Si Jesus ay napakabait sa natatakot na si Jonah ng Gethsemane.

Ngunit ang ginintuang tinig ni Maria ng Magdala ay biglang lumabas nang marahas: «Kailan pa, lalaki, nakakalimutan mo na ikaw ay isang katulong at na ang aming pagtalima ay nagawa kang kumilos na tila ikaw ang panginoon? Sino ba ang nagmamay-ari ng bahay at ng taniman ng mga olibo?  Kami lamang ang makapagsasabi sa Rabbi: “Huwag Kayong pumunta at ipahamak ang aming ari-arian”. Ngunit hindi namin sasabihin iyan. Sapagkat iyan ay magiging pinakamalaking pagpapalà pa rin sa lahat na mga pagpapalà, kung ang mga kaaway ng Kristo ay sisirain ang mga punungkahoy mga pader at kahit pa paguhuin nila ang burol, sapagkat ang lahat ay masisira para sa pagbibigay ng pag-aruga sa Pagmamahal, at ang Pagmamahal ay susuklian tayo, ang Kanyang matatapat ng mga kaibigan, ng pagmamahal. Hayaan silang makarating at sirain ang lahat. Ano naman magagawa niyan, kung minamahal Niya tayo at Siya ay hindi nasaktan?!»

Si Jonah ay kinapitan ng takot sa kanyang mga kaaway at sa kanyang pinaka masigasig na sinyora, at siya ay bumulong: «Papaano kung saktan nila ang aking anak?...»

Si Jesus ay pinagiginhawahan siya nagsasabing: «Sinasabi Ko sa iyo na huwag matakot hindi na kami titigil pa roon. Masasabi mo sa mga nagtatanong sa iyo, na ang Guro ay hindi na naninirahan sa Gethsemane... Huwag, Maria! Mas mabuti nang ito ang gawin. Pabayaan ito sa Akin! Pinasasalamatan kita sa para sa iyong kagandahang-loob... Ngunit hindi ito ang Aking oras, hindi pa ito ang Aking oras! Sa palagay Ko sila ay mga Pariseo...»

«At mga miyembro ng Sanhedrin, at mga Herodian, at mga Saduseo... at mga sundalo ni Herodes... at... lahat... nanginginig pa ako sa takot... ngunit nakikita Ninyo, Panginoon! Tumakbo ako upang balaan Kayo... sa bahay ni Johanna... pagkatapos dito...» Ang mamâ ay nananabik na ipakita na ginawa niya ang kanyang tungkulin alang-alang sa Guro, sa ikapapahamak ng kanyang sariling kapayapaan.

Si Jesus ay may kabaitan at habag na ngumingiti at Kanyang sinabi: «Oo, alam Ko. Pagpalain ka nawa ng Diyos para diyan. Umuwi ka na sa kapayapaan ngayon. Pasasabihan kita kung saan mo ipadadala ang aming mga bag o magpapadala Ako ng isang tao upang kolektahin Ko ang mga iyan Mismo.»

Ang mamâ ay umalis at ang lahat, maliban kay Jesus at sa Ating Banal na Ginang, ay sinisisi o nililibak siya. Ang mga sinasabi ni Pedro ay nakakasakit, at kay Iskariote ay nakapapasô at kay Bartolomeo ay kakatwa. Si Judas Tadeo ay walang sinasabi kahit ano, ngunit tinitingnan ang mamâ sa gayon pamamaraan! Ang pagbulung-bulong at ang mapanising mga sulyap ay nagpapatuloy din sa pagitan ng mga babae, nagtatapos sa huling banat ni Maria ng Magdala: «Sasabihin ko kay Lazarus na pumunta at punuin ng manok ang Gethsemane para sa bangkete ng kapistahan.»

«Wala akong bahay ng mga manok, Madam.»

«Ikaw, Mark at Maria: tatlong magagandang kapon!»

Ang lahat ay tumawa sa galít at... makahulugan na magaling na wika ni Maria ni Lazarus, na nagagalit sa takot ng kanyang mga nasasakupan at sa kabalisahan ng Guro, Na napagkakaitan ng tahimik na lugar ng pagpapahingahan sa Gethsemane.

«Huwag mabalisa, Maria! Kapayapaan! Hindi lahat may pusong katulad ng sa iyo!»

«O! Sayang at hindi! Kung ang lahat ay may puso katulad ng akin, Rabboni! Ni ang mga sibat at mga palaso na pinakawalan patungo sa akin, ang makapaghihiwalay sa akin sa Inyo!»

Ang mga lalaki ay bumulong... Si Maria ay napakinggan sila at tumugon kaagad: «Tiyak iyan! Makikita natin! At sana kaagad, kung makakatulong ito sa inyo na magkaroon ng lakas-ng-loob. Walang makapananakot sa akin, kung mapaglilingkuran ko ang aking Rabbi! Oo, paglingkuran Siya! At, aking mga kapatid, ang isa ay nakakatulong kung mayroong panganib! Kung walang panganib, ang isa ay hindi nakakatulong, siya ay kinasisiyahan ang sarili!... At ang Mesiyas ay hindi dapat na sundan natin, para lamang kasiyahan natin ang ating mga sarili!»

Ang mga lalaki at itinungo ang mga ulo, nakagat ng katotohanan.

Sumiksik si Maria sa pulutong at pumunta sa harapan ni Jesus. «Ano ang Inyong naipasya, Guro? Ngayon ay araw ng Paghahanda. Saan Ninyo ipagdiriwang ang Inyong Paskuwa? Ibigay ang Inyong mga utos... at kung ako ay nagkaroon ng grasya sa Inyo, pagkalooban ako na ibigay ko sa Inyo ang aking silid-hapunan at ako na ang bahala sa lahat...»

«Nakatagpo ka ng grasya sa Ama ng Langit, at sa gayon nakatagpo ka ng grasya sa Anak ng Ama. Ang bawat kilos ng Ama ay sagrado sa Anak. Ngunit kung tatanggapin Ko ang silid-hapunan, hayaan Akong makapunta sa Templo, upang isakripisyo ang kordero, bilang isang mabuting Israelita...»

«At kung mahuli nila Kayo?» marami ang bumulalas.

«Hindi nila Ako mahuhuli. Baka maglakas-loob sila sa gabi, sa dilim, katulad ng ginagawa ng mga taong tampalasan. Ngunit hindi sa gitna ng mga pulutong na sumasamba sa Akin. Huwag maging mga  duwag!...»

«O! maging ano pa man naririyan na si Claudia ngayon!» sigaw ni Judas. «Ang Hari at ang Kaharian ay hindi na nanganganib!...»

«Judas, pakiusap! Huwag silang paguhuin sa loob mo! Huwag maglatag ng mga patibong para sa kanila sa loob mo mismo. Ang Aking Kaharian ay hindi ng mundong ito. Ako ay hindi isang hari katulad ng mga iyon na nakaupo sa mga trono. Ang Aking ay ang Kaharian ng espiritu. Kung ibaba mo ito sa kaimbihan ng isang pantaong kaharian, naglalagay ka ng mga patibong para rito at ginagawa mo itong gumuho sa loob mo.»

«Ngunit si Claudia!...»

«Ngunit si Claudia ay isang pagano. Hindi niya, kung gayon, mapahahalagahan ang halaga ng espiritu. Malaking bagay na kung naiintindihan at masusuportahan niya Siya, Na, ayon sa kanya, ay isang Marunong na Tao... Maraming tao sa Israel ang ni hindi Ako tinitingnan na marunong!.. Ngunit ikaw ay hindi isang pagano, Aking kaibigan! Huwag pahintulutan ang iyong mapalad na pakikipagtagpo kay Claudia na maging ikasisira mo, at huwag mo ring ipahintulot ang regalo, na ipinagkaloob ng Diyos upang mapalakas ang iyong pananampalataya at ang iyong kalooban na maglingkod sa Panginoon, na maging isang espirituwal na sakuna para sa iyo.»

«Papaano ito magiging ganyan, aking Panginoon?»

«Napakadali. At hindi sa iyo lamang. Kung ang isang regalong binigay upang matulungan ang kahinaan ng isang tao, sa halip na mapatibay siya at magawa siyang mapagmithiin ng sobrenatural na kabutihan o kahit ng simpleng moral na kabutihan, ay sa halip magpapabigat sa kanya sa pamamagitan ng mga pantaong mithiin at magliligaw sa kanya mula sa tamang daan patungo sa mabibisyong daan, diyan ang regalo magiging isang kasiraan. Ang pagmamalaki ay sapat nang gawin ang isang regalo na maging isang kasiraan. Ang mawalan ng malay tungkol sa direksiyon gawa ng isang bagay na nagpapagalak sa tao ay sapat na, kung saan ang isa ay mawawalan ng pagtanaw sa supremong mabuting Pakay, at ang regalo ay magiging makasasamâ. Kumbinsido ka ba? Ang pagdating ni Claudia ay kailangan na makapagbigay sa iyo ng suporta sa isang bagay lamang. Dito: kung ang isang pagano ay nakita ang kadakilaan ng Aking Doktrina at ang pangangailangan na ito ay kailangan na magtagumpay, ikaw, at ang lahat na mga disipulo kasama mo, ay kailangan na mas maging masigasig at, dahil diyan, ituon ang inyong mga sarili rito. Ngunit lagi sa espirituwal na paraan. Lagi... At ngayon tayo ay magpasya. Saan sa palagay ninyo kailangan na ipagdiwang natin ang Paskuwang ito? Ibig Kong kayo ay nasa kapayapaan ng espiritu para sa ritwal na Hapunan na ito, upang maramdaman ang Diyos, Na hindi mararamdaman sa isang estado ng kabalisahan. Tayo ay marami. Ngunit ibig Kong lahat magkakasama upang  magawa ninyong masabi: “Nagdiwang kami ng isang Paskuwa kasama Siya”. Piliin kung gayon ang isang lugar kung saan, bilang hati ayon sa ritwal, nakapoporma tayo ng mga grupo, ang bawat grupo bilang sapat na maubos ang sarili nitong tupa, at sana makapagsasabi tayo: “Kaming lahat ay nagkakaisa, at ang isa ay naririnig ang tinig ng kanyang kapatid”.»

Ang ilan ay nagbabanggit ng lugar na ito, ang iba ang lugar na iyon. Ngunit ang mga kapatid ni Lazarus ang nagwagi. «O! Panginoon! Dito! Magpapadala kami ng mga tao para sa aming kapatid. Marami kaming bulwagan at mga silid dito. Magkakasama-sama tayong lahat at naaayon sa ritwal. Tanggapin ang aming binibigay, Panginoon! Ang palasyo ay may mga silid na mapagkakasya ang dalawang daan katao man lamang hati-hati sa dalawampung katao bawat grupo. Ngunit tayo ay hindi napakarami. Gawin kaming masaya, Panginoon! Gawin ito para sa aming Lazarus na nalulungkot.. at lubhang may sakit» at ang dalawang magkapatid ay naghinuhang umiiyak: «...hindi namin nakikita na siya ay mabubuhay para kumain sa isa pang Paskuwa...»

«Ano sa palagay ninyong lahat? Sa palagay ba ninyo sasang-ayon tayo sa dalawang mabuting magkapatid?» sabi ni Jesus, binibigay ang katanungan sa lahat.

«Sasabihin kong oo» sabi ni Pedro.

«At ako rin» sabi ng Iskariote at marami pang iba kasama niya.

Ang mga hindi nagsasalita, ay tumatango sa pagsang-ayon.

«Gawin ang kinakailangan, kung gayon. At tayo ay pupunta sa Templo upang patunayan na siya na nakatitiyak na sumusunod siya sa Kataastaasan, ay hindi natatakot at hindi isang duwag. Tayo na. Ang Aking kapayapaan para sa mga mananatili.»

At si Jesus ay pinagpapatuloy ang pagbaba sa hagdanan. Tinawid Niya ang bulwagan at pumunta sa labas kasama ang mga disipulo patungo sa kalsada na nagsisiksikan sa mga tao.

112712

 



Sunod na kabanata