374. Ang Araw ng Preparasyon. Ang Gabi.

Pebrero 3, 1946

Nang si Jesus ay pumasok sa palasyo, nakita Niya na ito ay nagsisiksikan sa mga katulong galing sa Bethany, na abalá sa mga paghahanda. Si Lazarus, na nakahiga sa isang maliit na kama at labis na naghihirap, ay binati ang Guro sa pamamagitan ng isang malabong ngiti. Siya ay nagmadali patungo sa kanya, yumuyukong may-kabaitan sa maliit na kama at nagtanong: «Naghirap ka nang labis, Aking mahal na kaibigan, dahil sa pag-alog ng bagon, hindi ba?»

«Labis-labis, Guro» tugon ni Lazarus, hapung-hapo na ang pinaka-alaala ng kanyang naramdaman ay nagawa ang mga luha na bumukal sa kanyang mga mata.

«Sa kagagawan Ko! Patawarin Ako!»

Si Lazarus ay kinuha ang isang kamay ni Jesus patungo sa kanyang mukha, ikinukuskos dito ang kanyang payat na pisngi, hinahalikan ito at bumulong: «O! ito ay hindi Ninyo kagagawan, Panginoon! Masayang-masaya ako na pinagdiriwang Ninyo ang Paskuwa na kasama ako... ang aking huling Paskuwa!...»

«Sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, sa kabila ng lahat, magdiriwang ka ng marami pa, Lazarus. At ang iyong puso ay laging makakasama Ko.»

«O! Ako ay isang sira nang tao! Inaaliw Ninyo ako... ngunit ang lahat ay tapos na. Nalulungkot ako...» Siya ay umiiyak.

«Kita Ninyo, Panginoon? Si Lazarus ay walang ginagawa bagkus umiyak» sabi ni Martha nang mahabagin. «Sabihin Ninyo sa kanya na huwag umiyak. Pinapagod niya ang kanyang sarili!»

«Ang katawan ay may mga karapatan pa nito. Masakit ang maghirap, Martha, at ang laman ay lumuluha. At nangangailangan ito ng kaginhawahan. Ngunit ang kaluluwa ay tanggap na ito, hindi ba Aking kaibigan? Ang iyong makatarungan na kaluluwa ay pumapayag na gawin ang kalooban ng Panginoon...»

«Oo... ngunit ako ay lumuluha sapagkat, sa dahilan na Kayo ay labis na inuusig, hindi Ninyo ako matutulungan sa oras ng aking kamatayan... Pinanginginig ako sa isip ng kamatayan, natatakot akong mamatay... Ngunit kung Kayo ay naririto, hindi ako makararamdam nang ganyan. Maninilungan ako sa loob ng Inyong mga bisig... at ako ay makakatulog nang ganyan... Ano ang aking gagawin? Papaano ako mamamatay na hindi nararamdaman na ayaw kong sundin ang nakakatakot na Kalooban?»

«Magsaya! Huwag gawin iyan na magpáalalá sa iyo! Kita mo? Ginagawa mong umiyak ang iyong mga kapatid... Ang Panginoon ay tutulungan ka nang labis na makaama na hindi ka matatakot. Ang mga makasalanan ang dapat na matakot....»

«Ngunit Kayo, kung magagawa Ninyo, maaari bang pumunta Kayo sa akin kapag ako ay nasa aguniya? Mangako sa akin!»

«Ipinapangako Ko iyan at mas marami pa.»

«Habang sila ay naghahanda, sabihin sa akin kung ano ang Inyong ginawa ngayong umaga...»

At si Jesus, nakaupo sa gilid ng maliit na kama, hinahawakan ng Kanyang sariling mga kamay ang isa sa mga nangayayat na kamay ni Lazarus, ay sinasabi sa kanya nang madetalye kung ano ang nangyari, hanggang sa si Lazarus, na hapung-hapo, ay nakatulog. Si Jesus ay hindi siya iniiwanan kahit pagkatapos. Siya ay nananatiling hindi gumagalaw upang hindi magambala ang kanyang makapagpapalakas na tulog at gumagawa ng mga senyas na huwag gumawa ng kahit na anong posibleng ingay, upang si Martha, pagkatapos na makapagdala ng pampalamig kay Jesus, ay umalis nang patingkid, isinasara na ang mabigat na kurtina at ang solidong pinto. Ang ingay kung gayon ng abaláng bahay ay napahina nang husto. Si Lazarus ay natutulog. Si Jesus ay lubog sa pagdarasal at pagninilay-nilay.

Ilang mga oras ang dumaan nang gayon, hanggang sa si Maria ng Magdala ay nagdala ng isang maliit na lampara, sapagkat dumidilim na at ang mga bintana ay isinara na.

«Natutulog pa rin ba siya?» bumulong si Maria.

«Oo. Kalmanteng-kalmante siya. makabubuti iyan sa kanya.»

«Hindi siya nakatulog nang ganyan katagal sa loob ng maraming buwan... Sa palagay ko ang pagkatakot sa kamatayan ay nagagawa siyang balisa. Na Kayo malapit sa kanya wala siyang kinatatakutan na kahit ano... Siya ay masuwerte!»

«Bakit, Maria?»

«Sapagkat makakasama niya Kayo sa tabi niya kapag siya ay mamamatay. Ngunit ako...»

«Bakit hindi?»

«Sapagkat ibig Ninyong mamatay.... kaagad. At sino ang nakaaalam kung kailan ako mamamatay. Gawin Ninyong mamatay ako bago Kayo, Guro!»

«Hindi, kailangan mong paglingkuran Ako nang matagal pa.»

«Kung gayon tama ako sa pagsabi na si Lazarus ay masuwerte!»

«Ang lahat na mga minamahal ay magiging kasing suwerte niya, mas mahigit pa nga...»

«Sino sila? Ang mga puro, hindi ba?»

«Ang marurunong magmahal nang lubusan. Ikaw, halimbawa, Maria.»

«O! Aking Guro!» Si Maria ay ibinagsak ang sarili, sa ibabaw ng may sari-saring kulay na sapin na nagtatakip sa sahig ng silid na ito, at siya ay nananatili roon, sinasamba si Jesus.

Si Martha, na naghahanap para sa kanya, ay tumingin sa loob ng silid. «Halika, pagkatapos! Kailangan nating ihanda ang “red hall” para sa hapunan ng Panginoon.»

«Hindi, Martha. Ibigay ang silid na iyan sa pinaka abang mga panauhin, sa mga magbubukid ni Johanan, halimbawa.»

«Bakit, Guro?»

«Sapagkat ang bawat maralitang tao ay Jesus at Ako ay nasa kanilang lahat. Laging mahalin ang mahihirap na walang nagmamahal, kung gusto mong maging perpekto. Maghanda para sa Akin sa pamasukang bulwagan. Kung iiwanan mong bukas ang lahat na pintuan ng maraming mga silid na nagbubukas patungo sa bulwagan, ang lahat ay makikita Ako at makikita Ko ang lahat.»

Si Martha, na hindi masayang-masaya, ay tumutol: «Ano? Kayo sa pamasukang bulwagan?... Hindi iyon karapat-dapat sa inyo!...»

«Lakad, gawin ang ayon sa sinabi Ko. Lubos na karapat-dapat ang gawin kung ano ang pinapayo ng Guro.»

Sina Martha at Maria ay lumabas nang walang ingay at si Jesus ay matiyagang nananatili upang bantayan ang Kanyang kaibigan na nagpapahinga.

Ang hapunan ay nagsimula, na ang pagkakaayos ng kalalagyang lugar ng mga panauhin, na sa pantaong pananaw ay hindi napakamakatarungan, ay may  isang superyor na pananaw na mabigyan ng parangal at pagmamahal ang mga madalas kinalilimutan ng mundo.

Kung kaya't ang mga magbubukid ni Johanan kasama sina Marjiam, Isaac at iba pang mga disipulo, upang mabuo ang bilang ayon sa ritwal, ay nakaupo sa maringal na makaharing bulwagan, na ang arko nito ay suportado ng dalawang bilog na haligi ng mapulang bato, sa pagitan nito kung saan ay inilagay ang isang mahabang mesa. Sa loob ng bulwagan kung saan sila nagkaroon ng hapunan nang nakaraang gabi ay naroroon pa ang ilang pinaka abang mga disipulo. Sa loob ng “white hall”, isang panaginip ng maputing kaningningan, ay naroon ang mga birhen-disipulo, apat lang ang bilang, ay naroon ang mga kapatid ni Lazarus at si Anastasica at iba pang bata-pang mga babae. Ngunit ang reyna ng kapistahan ay si Maria, ang nakatataas na Birhen. Sa susunod na silid, na baka ito ay ang libreriya sapagkat sa paligid ng lahat ng mga pader ay may mga matataas na madidilim na lalagyan ng mga aklat na baka may mga laman ng mga rolyo, ay naroon ang mga balo at ang mga asawang babae at sila ay inaasikaso ni Eliza ng Bethzur at ni Maria ni Alfeo.  At iba pang kagaya nito.

Ngunit ang nakatatawag-pansin ay ang makita si Jesus sa marmol na pamasukang-bulwagan. Totoo na ang maselan na panlasa ng mga kapatid ni Lazarus ay nagawa ang liwasang pamasukan na maging isang malaking bulwagan, na mas maningning, mas may gayak at maganda kaysa alin pa man na bulwagan. Ngunit ito ay ang pamasukan pa rin! Si Jesus ay kasama ang Labindalawa, ngunit si Lazarus ay nasa tabi Niya. At kasama ni Lazarus ay naroon din sa Maximinus.

Ang hapunan ay nagpapatuloy ayon sa ritwal... at si Jesus ay nagniningning sa tuwa at kasiyahan bilang nasa gitna ng Kanyang matatapat na disipulo.

Nang ang hapunan ay tapos na, ang huling kalis naubos na at ang huling salmo naawit na, ang lahat na nasa iba't ibang mga silid ay nagsiksikan sa pamasukan. Ngunit hindi lahat sila makakapasok, sapagkat ang mga mesa ay malaking espasyo ang nakukuha.

«Tayo'y pumunta sa “red hall”, Guro. Itutulak natin ang mesa sa pader at lahat kami ay mapupunta sa paligid Ninyo» mungkahi ni Lazarus kinakawayan ang mga katulong na ito ang gawin.

Si Jesus, Na nakaupo sa gitna, sa pagitan ng dalawang mamahaling bilog na mga poste, sa ilalim ng maningning na tsandelyer, nasa ibabaw ng mataas na pedestal pinorma sa pamamagitan ng dalawang mahabang upuan na ginamit para sa hapunan, ay ngayon talagang nagmumukhang isang hari sa isang trono sa gitna ng Kanyang mga kortesano. Ang Kanyang linen na tunika, na Kanyang sinuot bago maghapunan, ay nagniningning na tila ito ay hinabi sa pamamagitan ng mamahaling mga sinulid, at nagmumukhang mas maputi sa kaligiran ng pulang mga pader at ng matingkad na pulang mga poste. At ang Kanyang hitsura ay totoong dibino at makahari habang Siya ay nagsasalita o nakikinig sa mga nasa paligid Niya. Kahit na ang mga pinaka-aba, na ibig Niyang málapit sa Kanya, ay nagsasalita nang may-kompiyansa, binabanggit ang kanilang mga pag-asa, kanilang mga inaalaala nang may kasimplehan at pananampalataya, dahil nararamdaman nila na sila ay minamahal ng iba sa pangkapatiran na pamamaraan.

Ngunit ang pinakamasaya sa pagitan ng napakaraming tao ay ang lolo ni Marjiam! Hindi siya humihiwalay sa kanyang apo kahit isang sandali, at nasisiyahan siya sa pagtingin sa kanya at sa pakikinig sa kanya... Paminsan minsan, sa dahilan na siya ay nakaupo sa tabi ni Marjiam, na nakatayo, isinasandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ng kanyang apo, na hinahaplos naman ito.

Si Jesus ay nakita siyang ginawa ito nang ilang beses at tinanong Niya siya: «Itay,  masaya ba ang inyong puso?»

«O! masayang-masaya, aking Panginoon! Hindi ako makapaniwala na ito ay totoo. Iisang mithiin na lamang ang mayroon ako ngayon...»

«Alin?»

«Ang isang binanggit ko sa aking anak. Ngunit hindi niya ito aprobahan.»

«Ano ang inyong mithiin?»

«Ibig kong mamatay, kung posible, sa kapayapaan na ito. Sa madaling panahon, man lang. Sapagkat tinanggap ko na ang pinaka malaking pagpapalà. Walang taong nilikha ang magkakaroon ng mas mahigit pa sa Lupa. Ibig kong humayo... hindi na maghirap pa... humayo...  Gaano Kayo naging tama sa pagsasalita sa Templo, Panginoon! “Ang pag-aalay ng sakripisyo na galing sa ari-arian ng mahirap ay kasing sama ng pagpatay sa isang anak sa harapan ng pinaka mga mata ng kanyang ama “. Tanging ang takot lamang niya sa Inyo ang nagpipigil kay Johanan na gayahin niya si Doras. Nakakalimutan niya kung ano ang nangyari sa isa, ang kanyang mga bukid ay umuunlad at ang pang-abono sa kanyang mga bukid ay ang aming pawis. Ang pawis ba ay hindi ang ari-arian ng mahirap na manggagawa, ang kanyang pinaka-sarili na nauupos sa pagtatrabaho nang higit pa sa kanyang lakas? Hindi niya kami hinahagupit, binibigyan niya kami ng sapat upang kami ay makapagtrabaho. Ngunit hindi niya kaya kami pinagsasamantalahan nang higit pa sa kanyang toro? Maaari bang sabihin ninyo sa Kanya, o aking mga kasamahan...»

Ang bago at dati nang mga magbubukid ni Johanan ay tumatango.

«H’m! Sa palagay ko na... Oo, na ang Inyong mga salita ay nagawa siyang mas grabe pa sa isang bampira... sa ikasasamâ nila... Bakit Ninyo sinabi ang mga salitang iyon, Guro?» tanong ni Pedro.

«Sapagkat nararapat siya ng mga salitang iyon. Anong masasabi ninyo, kayong mga manggagawa sa kanyang mga bukid?»

«O! oo! Yung unang mga buwan... iyon ay ayos lang. Ngunit ngayon... mas malala pa kaysa dati» patunay ni Micah.

«Ang panalok na balde ng balon ay nahihilang pababa ng sariling bigat nito» deklara ni Juan ang pari.

«Oo, at ang isang lobo ay napapagod ng pagkukunwaring isang kordero» kumpirmasyon ni Hermas.

Ang mga babae, na labis na naaantig, ay nagbubulungan sa isa’t isa.

Si Jesus ay tinitingnan ang kaawa-awang mga magbubukid sa pamamagitan ng mga matang napupuno ng awa, at Siya ay naghihirap sa hindi sila mapagaanan.

Si Lazarus ay nagsabi: «Nag-alok ako ng labis-labis na halaga ng pera upang makuha ang mga bukid na iyon at mabigyan ang mga taong ito ng kapayapaan. Ngunit hindi ako nagtagumpay sa pagkuha sa mga iyon. Si Doras ay kinapopootan ako, eksaktong katulad siya ng kanyang ama.»

«Bueno... mamamatay kami nang ganyan. Ito ang aming kapalaran. Ngunit ang oras namin para magpahinga sa sinapupunan ni Abraham ay tiyak na darating!» bulalas ni Saul, isa pang magbubukid ni Johanan.

«Sa sinapupunan ng Diyos, anak! Sa sinapupunan ng Diyos. Ang Panunubos ay makukumpleto, ang Langit ay mabubuksan at kayo ay pupunta sa Langit at...»

May kung sino na humampas sa pinaka-pintuan, na umalingawngaw nang malakas. Ang mga panauhin ay nabalisa.

«Sino iyon?»

«Sino ang maglalagalag sa gabi ng Paskuwa?»

«Mga sundalo?»

«Mga Pariseo?»

«Mga sundalo ni Herodes?»

Ngunit habang ang pagkabagabag ay kumakalat, si Levi, ang tagapangasiwa ng palasyo, ay lumitaw: «Patawarin ako, Rabbi» sabi niya «may isang lalaki na kailangan Kayo. Siya ay nasa pamasukan. Nagmumukha siyang labis na pinanghihinaan ng loob. Siya ay matanda at mukhang isang tao ng madla. Ibig niyang makita Kayo kaagad.»

«Hoy! Ito ay hindi gabi para sa mga himala! Sabihin sa kanya na bumalik bukas...» sabi ni Pedro.

«Hindi. Ang bawat gabi ay ang oras para sa mga himala at awa» sabi ni Jesus tumatayo at bumababa mula sa Kanyang upuan upang pumunta patungo sa bulwagan.

«Pupunta ba Kayong mag-isa? Sasama ako sa Inyo» sabi ni Pedro.

«Hindi, manatili ka sa kinalalagyan mo.» Siya ay lumabas kasama si Levi.

Malapit sa mabigat na pinaka pintuan, sa kabilang dulo ng pamasukan, na ngayon ay medyo madilim na dahil ang lahat na mga ilawan ay pinatay na, ay naroon ang isang napakabalisang matandang lalaki. Si Jesus ay nilalapitan siya.

«Tigil, Guro. Baka nakahipo ako ng isang patay na katawan at ayaw kong makuntamina Kayo. Ako ang kamag-anak ni Samuel, ang kasintahan ni Annaleah. Kumakain kami ng hapunan at si Samuel ay umiinom lagi... na hindi tamang gawin. Ngunit ang binata ay tila nabaliw nang mga ilang sandali. Iyon ay pangungunsiyensya, Panginoon! Siya ay medyo lasing na at habang umiinom pa ulit sinasabi niya: “Kung gayon hindi ko maalaala kung sinabi ko sa Kanya na kinapopootan ko Siya. Sapagkat kailangan kong sabihin sa iyo na minura ko ang Rabbi”. At nagmumukha siyang katulad ni Cain sa akin, sapagkat patuloy niyang inuulit: “Ang aking kasamaan ay napakalaki. Hindi ako karapat-dapat na patawarin! Kailangan kong uminom! Kailangan kong uminom upang makalimot. Sapagkat nakasulat na siya na nagsusumpa sa kanyang Diyos ay pananagutan ang kanyang kasalatan at kailangang mamatay”. Siya ay madakdak nang ganyan nang ang isang kamag-anak ng ina ni Annaleah ay pumunta sa bahay upang magtanong tungkol sa pagkalas-sa-usapan. Ski Samuel, na halos lasing na, ay tumugon sa pamamagitan ng magagaspang na mga salita at ang mamâ ay nagbabanta na pagbabayarin siya para sa danyos na kanyang ginagawa sa karangalan ng pamilya. Si Samuel ay sinampal siya. Sila ay nagkasuntukan... Ako ay matanda na, ang aking kapatid na babae ay matanda na, ang katulong na lalaki’t babae ay matatanda na. Ano ang magagawa naming apat at ng dalawang babae, ang mga kapatid ni Samuel. Ang tanging magagawa namin ay ang sumigaw at pagsikapan silang magkahiwalay! Wala nang iba... At si Samuel ay kinuha ang palakol na aming ginamit sa paghahanda ng mga panggatong na kahoy para sa kordero at pinalakol ang mamâ sa ulo... Hindi niya nabiyak ang kanyang ulo, sapagkat tinamaan niya siya ng dulo ng palakol hindi ng talim. Ang mamâ ay sumuray ngumangawngaw at bumagsak... Tumigil na kami sa pagsigaw... dahil ayaw namin na makuha ang pansin ng mga tao... ikinandado namin ang pinto... Kami ay nahintakutan... Binuhusan namin ng tubig ang ulo ng mamâ umaasa na siya ay matatauhan. Ngunit siya ay ngumangangaw lagi. Siya ay tiyak na namamatay na. May sandali na siya ay tila patay na. Kung kaya't ako ay pumunta rito upang tawagin Kayo. Ang kanyang mga kamag-anak ay maghahanap sa kanya bukas, baka mas maaga pa. At sila ay pupunta sa amin, sapagkat tiyak na nalalaman nila na siya ay pumunta rito. At matatagpuan nila siya na patay... At si Samuel, ayon sa Batas, ay papatayin... Panginoon! Panginoon! Ang kasamaang-palad ay nasa amin na... Ayaw namin niyan! Alang-alang sa aking kapatid na babae, Panginoon, maawa sa amin! Kayo ay kanyang isinumpa... Ngunit ang kanyang ina ay minamahal Kayo... Ano ang aming gagawin?»

«Maghintay ka sa Akin dito. Ako ay pupunta» at si Jesus ay bumalik sa bulwagan at mula sa pintuan Siya ay tumawag: «Judas ng Kerioth, sumama ka sa Akin.»

«Saan, Panginoon?» tanong ni Judas sumusunod kaagad.

«Makikita mo. Lahat kayo ay manatili rito sa kapayapaan at pagmamahal. Babalik kami kaagad.»

Lumabas sila sa bulwagan, sa pamamagitan ng pamasukan at iniwan ang bahay. Sa pamamagitan ng walang katau-tao na madilim na mga daan narating nila kaagad ang matrahedyang bahay.

«Sa bahay ni Samuel?! Bakit?...»

«Manahimik, Judas. Isinama kita, sapagkat umaasa Ako sa iyong sentido komun.»

Ang matandang lalaki ay ipinakilala ang kanyang sarili. Sila ay pumasok. Umakyat sila sa itaas, sa silid-hapunan, kung saan nila binuhat ang napinsalang lalaki.

«Isang patay?! Ngunit Guro, makukuntamina tayo!»

«Siya ay hindi patay. Nakikita mo na siya ay humihinga at napapakinggan mo na siya ay umuungol. Pagagalingin Ko na siya ngayon...»

«Ngunit ang kanyang ulo ay may tama! Ito ay isang krimen! Sinong gumawa nito?... At sa araw ng kordero!» si Judas ay nahihintakutan.

«Ito ay siya» sabi ni Jesus tinuturo si Samuel, na nakakuyukot sa isang sulok, nalalapit sa kamatayan kaysa ang namamatay na lalaki, naghihingalo sa takot katulad noong isang lalaki na may pagkalantog ng namamatay sa kanyang lalamunan, na ang bahagi ng kanyang manta nasa kanyang ulo upang hindi makakita at hindi makita, tinitingnan ng lahat nang may takot, maliban sa kanyang ina, na nahihintakutan sa krimen nararamdaman ang paghihirap ng isang nagkasalang anak na hinatulan na ng mahigpit na batas ng Israel. «Nakikita mo ba kung saan nakakarating ang unang pagkakasala? Dito, Judas! Nagsimula siya sa pamamagitan ng panloloko sa babae, pagkatapos sa Diyos; pagkatapos siya ay naging isang naninira-ng-puri, sinungaling, tagapaglapastangan, pagkatapos siya'y naglasing at ngayon siya ay isang mamamatay-tao. Ganyan kung papaano napapailalim ang isa kay Satanas, Judas. Laging itanim iyan sa isip...» Si Jesus ay nakapangingilabot na taimtim habang tinuturo Niya si Samuel na ang Kanyang kamay nakaunat.

Pagkatapos Kanyang tinitingnan ang ina ni Samuel, na nakapangunyapit sa isang pantakip sa bintana ay halos hindi makatayo at nahihintakutan siya ay tila namamatay, at sinabi Niya nang malungkot: «Judas, ganyan kung papaano ang mga ina namamatay sa pamamagitan ng walang armas na ginagamit maliban sa mga krimen ng kanilang mga anak!... Ako ay naaawa sa kanya. Naaawa Ako sa mga ina! Ako, ang Anak, Na hindi makakakita ng awa para sa Kanyang Ina..»»

Si Jesus ay lumuluha... Si Judas ay tinitingnan Siya sa pagtataka...

Si Jesus ay niyuyukuan ang namamatay na tao at inilapat ang Kanyang isang kamay sa kanyang ulo. Siya ay nagdarasal.

Ang lalaki ay ibinuka ang kanyang mga mata. Siya ay tumitingin na gulat at nagtataka... ngunit maya-maya siya ay nakapanumbalik. Siya ay naupo tinutulungan ang sarili sa pamamagitan ng kanyang kamay. Tinitingnan niya si Jesus at nagtanong: «Sino Ka?»

«Si Jesus ng Nazareth.»

«Ang Banal na Isa! Bakit naririto Kayo kasama ko! Nasaan ako! Nasaan ang aking kapatid na babae at ang kanyang anak na babae? Ano ang nangyari?» nagsisikap siyang makaalaala.

«Tao, tinawag mo Akong ang Banal na Isa. Kung gayon, naniniwala ka ba na Ako ay ganyan?»

«Oo, Panginoon. Naniniwala ako. Kayo ang Mesiyas ng Panginoon.»

«Kung gayon, ang Akin bang salita ay sagrado sa iyo?»

«Oo, Panginoon, sagrado sa akin.»

«Kung gayon...» si Jesus ay tumayo. Siya ay mapangibabaw: «Kung gayon, Ako, bilang Guro at Mesiyas, ay inuutusan ka na magpatawad. Ikaw ay pumunta rito at ikaw ay ininsulto...»

«Ah! Si Samuel! Oo nga!... Ang palakol! Isusumpa...» sinasabi niya habang bumabangon.

«Hindi. Magpatawad sa ngalan ng Diyos. Iyan kung bakit kita pinagaling. May pag-asikaso ka sa ina ni Annaleah sapagkat siya ay naghirap. Ang ina ni Samuel ay mas maghihirap pa. Kung kaya't magpatawad.»

Ang mamâ ay medyo nag-aalinlangan. Tinitingnan niya ang may-kagagawan nang may kitang-kitang masamang-loob. Tinitingnan niya ang nagdurusang ina. Tinitingnan niya si Jesus Na nag-uutos sa kanya... Hindi siya makapagpasya.

Si Jesus ay iniunat ang Kanyang mga kamay sa kanya, at kinabig siya sa Kanyang dibdib nagsasabing: «Alang-alang sa Akin!»

Ang mamâ ay nagsimulang umiyak... Ang maging ganyan sa mga bisig ng Mesiyas, ang maramdaman ang Kanyang hininga sa kanyang buhok at isang halik kung saan naroroon dati ang sugat!... Siya ay umiiyak...

Si Jesus ay nagsabi: «Oo, totoo ba iyan? Pinatatawad mo siya alang-alang sa Akin? O! pagpalain ang maawain! Umiyak, umiyak ka sa Aking Puso. Gawin na ang lahat na masasamang loob ay makalabas kasama ng iyong mga luha! Lahat bago! Lahat puro! Ayan ka na! Maging mapagpakumbaba! O! mapagpakumbaba, katulad na kinakailangan na maging ganyan ang isang anak ng Diyos...»

Ang mamâ ay tumitingin at, umiiyak pa rin, nagsabi: «Oo. Ang Inyong pagmamahal ay napakatamis! Tama si Annaleah! Naiintindihan ko na siya ngayon... Babae... huwag na kayong umiyak pa! Kalimutan na natin ang nakaraan. Walang sinuman ang makaaalam mula sa aking bibig. Kalugdan ninyo ang inyong anak, maliban na makapagbibigay siya sa inyo ng lugod. Paalam babae. Babalik na ako sa aking bahay» at nasa punto na siya ng pag-alis.

Si Jesus ay nagsabi sa kanya: «Ako ay sasabay sa iyo, mamâ. Paalam, ina. Paalam, Abraham. Paalam, mga batang babae.» Wala kahit isang salita para kay Samuel, na wala ring masabi.

Ang kanyang ina ay hinila ang manta mula sa kanyang ulo, at dahil sa kanyang ipinaghirap, sinugod niya ang kanyang anak: «Pasalamatan mo ang iyong Tagapagligtas, walang pusong lalaki. Pasalamatan mo Siya, walang kuwentang lalaki!...»

«Hayaan ninyo siya, babae. Ang kanyang salita ay magiging walang halaga. Ang alak ay nagagawa siyang tanga at ang kanyang kaluluwa ay mapurol. Magdasal para sa kanya... Paalam.»

Siya ay bumaba, sa kalsada sinamahan Niya si Judas at ang isa pang lalaki. Pinakawalan Niya ang Kanyang Sarili sa matandang Abraham, na ibig na halikan ang Kanyang mga kamay, at nagsimula siyang humakbang palabas patungo sa maagang sinag ng buwan.

«Malayo ba ang iyong bahay mula rito?» Tinatanong Niya ang lalaki.

«Sa paanan ng Moriah.»

«Kung gayon tayo ay maghihiwalay.»

«Panginoon, napanatili Ninyo ako para sa aking mga anak, sa aking asawa, sa aking buhay. Ano ang aking gagawin para sa Inyo?»

«Maging mabuti, magpatawad at manahimik. Hindi kailanman, kahit sa anong rason, na magsasalita ka ng isang salita tungkol sa kung ano ang nangyari. Mangangako ka ba?»

«Isinusumpa ko ito sa Sagradong Templo! Datapwa't, ikinalulungkot ko na hindi ko masasabi na niligtas Ninyo ako...»

«Maging makatarungan, at ililigtas Ko ang iyong kaluluwa. At magagawa mong masabi iyan. Paalam, mamâ. Ang kapayapaan ay mapasaiyo.»

Ang mamâ ay lumuhod binabati Siya. Sila ay naghiwalay.

«Gaanong nakakapangilabot!» sabi ni Judas ngayon na sila ay nag-iisa na.

«Oo. Nakakapangilabot. Judas, ikaw din ay hindi kailangan na magsalita.»

«Hindi, Panginoon, hindi ako magsasalita. Ngunit bakit ninyo ako isinama?»

«Hindi ka ba masaya na may kompiyansa Ako sa iyo?»

«O! Labis! Ngunit...»

«Ngunit sapagkat gusto kong isipin mo kung saan ang kasinungalingan, kasakiman sa pera, paglalasing at ang walang-buhay na pagsasabuhay ng isang relihiyon, na hindi na nararamdaman at naisasabuhay nang espirituwal, napupunta. Ano ang kahulugan ng masimbolong hapunan kay Samuel? Wala! Isang pagtungga. Isang paglapastangan. At sa pamamagitan nito siya'y naging mamamatay-tao. Marami sa hinaharap ang magiging katulad niya, at na ang lasa ng Kordero nasa kanilang mga bunganga, hindi ng isang kordero na ipinanganak ng isang tupa, bagkus ang dibinong Kordero, gagawa sila ng mga krimen. Bakit? Papaano? Hindi ka ba nagtatanong kung bakit? sasabihin Ko pa rin sa iyo: sapagkat maihahanda nila ang oras na iyon sa pamamagitan ng mga unang gawain na ginawang walang-ingat muna, at may katigasan ng ulo pagkatapos. Tandan iyan, Judas.»

«Oo, Guro, tatandaan ko. Ngunit ano ang ating sasabihin sa iba?»

«Na ang isang lalaki ay malalang may sakit. Iyan ang katotohanan.»

Lumiko sila sa isang kanto at hindi ko na sila nakikita.

220910



Sunod na kabanata