375. Ang Sabbath ng Tinapay na Walang Lebadura.

Pebrero 4, 1946.

Maraming disipulo, kapwa mga lalaki’t babae, ang umalis at bumalik sa mga bahay kung saan sila ay mga panauhin, o tuluyan nang umuwi sa kanilang mga bahay.

Sa magandang hapon na ito ng mga huling araw ng Abril tanging ang tunay at wastong mga disipulo lamang, at lalo na ang mga mas deboto sa pagtuturo ang nananatili sa bahay ni Lazarus. Ibig sabihin, ang mga pastol, sina Hermas at Stephen, si Juan ang pari, sina Timoneus, Ermasteus, Jose ng Emmaus, Solomon, Abel ng Bethlehem sa Galilee, sina Samuel at Abel ng Korazim, si Agapo, sina Aser at Ishmael ng Nazareth, si Elias ng Korazim, si Philip ng Arbela, si Jose ang mamamangka mula sa Tiberias, si Juan ng Ephesus, si Nicolaus ng Antioch. Bukod sa mas kilalang mga babaeng disipulo, sina Annaleah, Dorcas, ang ina ni Judas, Myrtha, Anastasica at ang mga anak na babae ni Felipe ay nananatili. Hindi ko na nakikita si Mirjiam ni Jairus o si Jairus mismo. Baka sila ay bumalik na sa bahay na nagbibigay sa kanila ng pag-aruga.

Sila ay palakad-lakad nang dahan-dahan sa mga bakuran, o sa terasa ng bahay, habang ang halos lahat na mga babae at ang lahat na matatandang babaeng disipulo ay nasa paligid ni Jesus, Na nakaupo malapit sa maliit na kama ni Lazarus. Nakikinig sila kay Jesus Na nagsasalita kay Lazarus, nilalarawan ang mga nayon na kanilang pinuntahan sa loob ng mga huling linggo bago ang kanilang paglalakbay para sa Paskuwa.

«Tamang-tama ang Inyong pagdating upang mailigtas ang bata» wika ni Lazarus pagkatapos na mapakinggan ang nangyari sa kastilyo ng Caesarea Philippi, tinuturo ang sanggol na natutulog nang mapayapa sa mga bisig ng kanyang ina. At dagdag pa ni Lazarus: «Siya ay isang magandang batang lalaki! Babae, maaari bang ipakita mo siya sa akin dito, malapit sa akin?»

Si Dorcas ay tumayo at matahimik ngunit mapanagumpay niyang iniabot ang kanyang sanggol sa paghanga ng may-sakit na tao.

«Isang maganda bata! Totoong maganda! Protektahan nawa siya ng Panginoon at palakihin siyang malusog at banal.»

«At matapat sa kanyang Tagapagligtas. Mas gugustuhin ko pa siyang makitang patay, kaysa malaman na siya ay hindi matapat sa Kanya. Mahaharap ko ang kahit ano, ngunit hindi ko matitiis ang aking anak na maging walang pasasalamat sa Panginoon Na nagligtas sa kanya» sabi ni Dorcas nang matatag, bumabalik sa kanyang upuan.

«Ang Panginoon ay laging dumarating sa tamang oras upang magligtas» sabi ni Myrtha, ang ina ni Abel mula sa Bethlehem. «Ang aking anak ay halos katulad na ng patay, at anong kamatayan! Katulad ng sanggol ni Dorcas. Ngunit Siya ay dumating... at nailigtas Niya. Gaano nakatatakot na sandali!...» Ang pinaka alaala ay nagagawa si Myrtha na mamutla.

«Kung gayon darating din Kayo para sa akin sa tamang sandali, hindi ba Guro? Upang bigyan ako ng kapayapaan...» sabi ni Lazarus, hinahaplos ang kamay ni Jesus.

«Ngunit hindi ba’t mas mabuti-buti na ang iyong pakiramdam, kapatid? Tanong ni Martha. «Mula kahapon nagmumukha kang medyo nagiginhawahan...»

«Oo, nagiginhawahan. At ako mismo ay nagtataka. Baka si Jesus...»

«Hindi, Aking mahal na kaibigan. Ang katotohanan ay inilagay Ko sa iyo ang Aking kapayapaan. Ang iyong kaluluwa ay tigmak nito at nagpapahina iyan sa kirot ng iyong katawan. Iyan ay dekreto ng Diyos na ikaw ay kailangang maghirap.»

«At mamatay. Mas mabuti pang sabihin Ninyo. Bueno... mangyari nawa ang Kanyang kalooban, katulad ng Inyong tinuturo sa amin. Mula ngayon hindi na ako hihiling na mapagaling o maginhawahan. Labis na ang aking tinanggap mula sa Diyos (at hindi sinasadyang natingnan niya si Maria, ang kanyang kapatid) na makatarungan lamang na ako ay magbayad para sa aking nakuha sa pamamagitan ng aking pagpapasailalim...»

«Gumawa ng higit pa diyan, Aking mahal na kaibigan. Malaking bagay ang maging may-pagtanggap at tiisin ang kapighatian. Ngunit mabibigyan mo pa ito ng mas malaking halaga.»

«Alin, aking Panginoon?»

«Ialay mo iyan para sa katubusan ng mga tao.»

«Ako ay isang abang tao mismo, Guro. Hindi ako makapangangarap na maging isang tagapagtubos.»

«Sinasabi mo iyan nang ganyan, ngunit nagkakamali ka. Ang Diyos ay naging Tao upang tulungan ang tao. Ngunit ang mga tao ay matutulungan ang Diyos. Ang mga gawa ng mga makatarungan ay maisasama sa Aking mga gawa sa oras ng Panunubos. Mga gawain ng mga makatarungan na namatay noong matagal nang mga panahon, ng mga nabubuhay pa, o ng mabubuhay sa hinaharap. Idagdag mo ang sa iyo, mula ngayon. Napakaganda ang makihalo sa walang-hangganang Kagandahang-loob sa pagdagdag dito kung ano ang maibibigay ng isa ng ating limitadong kagandahang-loob at magsabi: “Nakikisama din ako, Ama, sa ikabubuti ng aking mga kapatid”. Wala nang hihigit pang pagmamahal para sa Panginoon at para sa ating kapwa, kaysa sa kakayahan na ito na maghirap at mamatay upang makapagbigay ng kaluwalhatian sa Panginoon at sa eternal na kaligtasan ng ating mga kapatid. Ang iligtas ang ating sarili para sa ating sariling kapakanan? Ito ay napakaliit. Iyan ang “pinakamaliit” na antas ng kabanalan. Maganda ang makapagligtas ng ibang mga tao, sa pagsasakripisyo ng ating mga sarili, ang magmahal sa ganyang abot katulad ng maging isang nagsasakripisyong apoy upang mailigtas ang ating kapwa. Ang pagmamahal ay diyan perpekto. At dakila ang magiging kabanalan ng ganyang mapagbigay na mga kaluluwa.»

«Gaano kaganda iyan, hindi ba, mga kapatid?» bulalas ni Lazarus na may nananaginip na ngiti sa kanyang manipis na mukha.

Si Martha, labis na naantig, ay tumango sa pagsang-ayon.

Si Maria, na nakaupo sa isang kutson sa paanan ni Jesus, sa kanyang pangkaraniwang hitsura ng mapagpakumbabang marubdob na tagapagsamba, ay nagsabi: «Ako kaya ang dahilan ng ganyang paghihirap ng aking kapatid? Sabihin sa akin, Panginoon, upang ang aking pighati ay maging kumpleto!...»

Si Lazarus ay bumulalas: «Hindi, Maria, hindi... Ako ay kailangang mamatay nito. Huwag mong pasakitan ang iyong puso.»

Ngunit si Jesus, na lubos na sinsiro, ay nagsabi: «Oo, Maria, ikaw ngang tiyak! Napakinggan Ko ang mga panalangin at ang mga pagtibok ng puso ng iyong mabuting kapatid. Ngunit ito ay hindi dapat na magpamighati nang kaunti sa iyo, sa kabaligtaran ito ay kailangan na mag-udyok sa iyong kalooban ng maging perpekto, para sa kinailangan para sa iyo. At magsaya! Magsaya sapagkat si Lazarus, sa pag-agaw sa iyo sa dimonyo...»

«Hindi ako! Kayo ang gumawa, Guro.»

«... sa pag-agaw sa iyo mula sa dimonyo, ay naging karapat-dapat ng isang gantimpala mula sa Diyos sa hinaharap, upang ang mga tao at mga anghel ay magsasalita ng tungkol sa kanya. At katulad ng para kay Lazarus, sila ay magsasalita ng tungkol sa iba pang mga tao, at lalo na tungkol sa iba pang mga babae, na sa pamamagitan ng kanilang kabayanihan naagaw ang biktima mula kay Satanas.»

«Sino sila?» tanong ng mga babae nang mausisa, ang bawat isa umaasa na maging ang isa rito.

Si Maria ni Judas ay hindi nagsasalita. Ngunit tinitingnan niya ang Guro... Si Jesus ay tinitingnan din siya. Maaari Niya siyang libangin, ngunit hindi Niya ito ginagawa. Hindi Niya siya pinahihiya, ngunit hindi Niya siya niloloko. Siya ay tumugon sa kanila: «Malalaman ninyo sa Langit.»

Ang ina ni Judas, na punó pa rin ng pighati ay nagtanong: «At kung siya ay hindi magtagumpay, bagama't gusto niya, ano ang kanyang magiging kapalaran?»

«Ayon sa nararapat sa kanyang mabuting kaluluwa.»

«Ang Langit? Ngunit, Panginoon, ang isang asawa, isang kapatid na babae, o isang ina na hindi magtatagumpay sa pagligtas sa kanyang mga minamahal at makikita silang naisumpa, kalulugdan ba niya ang Paraiso, kahit na kung siya ay nasa Paraiso? Hindi ba Ninyo iisipin na hindi siya kailanman magbubunyi sapagkat... ang laman ng kanyang laman at ang dugo ng kanyang dugo ay naging karapat-dapat ng eternal na sumpa? Sa palagay ko hindi siya makapagbubunyi nakikita ang kanyang mga minamahal na nasa nakapangingilabot na kirot...»

«Nagkakamali ka, Maria. Ang makita ang Diyos, ang pagkakataglay sa Diyos ay ang mga pinanggagalingan ng gayong walang-hangganang beatitude na walang kapighatian ang maaaring mapariyan para sa pinagpalang mga kaluluwa. Habang sila ay aktibo at mapagpunyagi sa pagtulong sa mga maaaring mailigtas, hindi na sila naghihirap para sa mga naihiwalay sa Diyos, at dahil dito naihiwalay sa kanila mismo na mga nasa Diyos. Ang Komunyon ng mga santo ay para sa mga santo.»

«Ngunit kung tinutulungan nila ang mga maaari pang mailigtas, ibig sabihin nito ang mga tinutulungan ay hindi pa mga santo» pagtutol ni Pedro.

«Ngunit sila ay may isang kalooban, isang walang-kibo na kalooban man lamang, na maging mga santo. Ang mga santo ng Diyos ay tumutulong din sa materyal na mga pangangailangan, upang sila ay makalampas mula sa isang walang-kibo patungo sa isang aktibong kalooban. Naiintindihan mo ba Ako?»

«Naiintindihan at hindi. Bilang halimbawa, halimbawa na ako ay nasa Langit at nakita ko, sabihin na natin, isang mabilisan-na-nawawalang may-kabaitan na saloobin ni... Eli, ang Pariseo, ano ang aking gagawin?»

«Makikita mo ang lahat na mga pamamaraan upang mapalaki ang kanyang may-kabaitan na saloobin.»

«At kung ito ay hindi nakatulong sa kahit anong paraan? Pagkatapos?»

«Pagkatapos, kung siya ay naisumpa, magiging wala kang pakialam sa kanya.»

«At kung siya ay karapat-dapat na maisumpa, katulad niya ngayon, ngunit siya ay mahal sa akin – na hindi ito ang magiging kaso kailanman – ano ang kailangan kong gawin?»

«Una sa lahat, kailangan na malaman mo na namimilegro kang maisumpa sa pagsasabing siya ay hindi mahal sa iyo at hindi kailanman magiging mahal sa iyo, ikalawa kailangan na malaman mo na, kung ikaw ay nasa Langit, magdarasal ka para sa kanya at para sa kanyang kaligtasan, hanggang sa sandali ng paghukom sa kanya. May mga kaluluwa na maililigtas sa huling sandali, pagkaraan ng isang pamumuhay ng pagdarasal para sa kanila.»

Ang isang katulong ay pumasok nagsasabing: «Si Manaen ay dumating. Ibig niyang makita ang Guro.»

«Hayaan siyang makapasok. Tiyak na ibig niyang magsalita tungkol sa ilang mahahalagang bagay.»

Ang mga babae ay umalis nang hindi nagpapahalata, sinusundan na mga kalalakihan. Ngunit si Jesus ay tinawag ulit si Isaac, si Juan ang pari, sina Stephen at  Hermas, sina Matthias at Jose, na mga pastol na disipulo. « Mas mabuti nang kayo ay mabigyang-alam din, dahil kayo ay mga disipulo.» Nagpapaliwanag Siya.

Si Manaen ay pumasok at yumuko kay Jesus.

«Kapayapaan sa iyo» pagbati ni Jesus.

«Kapayapaan sa Inyo, Guro. Ang araw ay lumulubog. Ang aking unang hakbang pagkatapos ng Sabbath ay para sa Inyo, aking Panginoon.»

«Nagkaroon ka ba ng isang mabuting Paskuwa?»

«Mabuti!! Walang maaaring maging mabuti kung saan nandoon si Herodes at si Herodias! Umaasa ako na iyon ang kahulihulihan na kakain ako ng tupa kasama sila. Patayin man ako hindi na ulit ako maninirahang kasama sila!»

«Sa palagay ko nagkakamali ka. Mapaglilingkuran mo ang Guro sa pananatili...» pagtutol ng Iskariote.

«Totoo iyan. At iyan kung bakit ako naroroon magpahanggang ngayon. Ngunit gaanong nakasusuka! Maaari akong palitan ni Chuza...»

Si Bartolomeo ay sinabi sa kanya: «Si Chuza ay hindi si Manaen... Siya ay nakikipagtalo. Hindi niya kailanman mamasamain ang kanyang panginoon. Ikaw ay mas sinsiro.»

«Totoo iyan. At ang sinasabi mo ay totoo. Si Chuza ay isang kortesano. Siya ay naaakit ng regalya...  Regalya! Ano ba ang aking sinasabi? Ng putik ng regalya! Ngunit akala niya siya ay isang hari, sa pagiging kasama ang hari... At nahihintakutan siya ng hindi magandang pagtingin ng regalya. Noong makalawang gabi siya ay walang kasigla-sigla, nang siya ay halos gumapang sa harapang ni Herodes na nagpatawag sa kanya pagkatapos na mapakinggan niya ang mga reklamo ni Salome, na Inyong pinalayas. Si Chuza ay nasa kahila-hilakbot na kahirapan. Ang kanyang kagustuhan na makalabas sa problema, anuman ang mangyari, kahit akusahan Kayo, sasabihin na Kayo ay mali, ay kitang-kita sa kanyang mukha. Ngunit si Herodes... ay ibig lamang na pagtawanan ang dalaga nang patago, dahil kinasusuklaman niya siya, ngayon, katulad na kinasusuklaman niya ang ina ng dalaga. At siya ay tumawang katulad ng isang baliw sa pagkakarinig kay Chuza na inuulit ang Inyong mga salita. Palagi niyang sinasabi: “Ang ganyang mga salita ay magpahanggang ngayon napakabait pa para sa batang... (at kanyang binigkas ang gayong kalaswang salitang iyon na hindi ko ito uulitin sa inyo). Sana niyapakan Niya ang kanyang malibog na suso... Ngunit Siya ay makukuntamina!” at siya ay tumawa. Pagkatapos siya ay naging seryoso at nagsabi: “Ngunit... ang insultong nararapat sa babae ay hindi maipahihintulot hinggil sa korona. Ako ay mapagbigay (ito ang kanyang laging idea na siya ay mapagbigay, at sa dahilan na walang nagsasabi sa kanya, sinasabi niya ito mismo) at patatawarin ko ang Rabbi, at dahil din sinabi Niya kay Salome ang katotohanan. Ngunit ibig ko Siyang pumunta sa Korte upang sana mapatawad ko Siya nang ganap. Ibig ko Siyang makita, tiisin Siya at gawin Siyang gumawa ng mga himala. Gawin Siyang pumunta at ako ang Kanyang magiging protektor”. Iyan ang kanyang sinabi noong makalawang gabi. At si Chuza ay hindi malaman kung ano ang kanyang sasabihin. Ayaw niyang magsalita ng hindi sa monarka at hindi siya makapagsabi ng oo. Sapagkat Kayo ay tiyak na hindi papayag sa mga kapritso ni Herodes. Ngayong araw ay sinabi niya sa akin: “Ikaw ay tiyak na pupunta upang makita Siya... Sabihin sa Kanya ang gusto ko”. Nasabi ko na sa Inyo ngunit alam ko ang sagot. Datapwa't sabihin Ninyo sa akin upang maipaabot ko sa kanya.»

«Hindi!» Isang kumukulog na hindi.

«Hindi ba Ninyo siya magagawang isang malakas na kaaway laban sa Inyo?» sabi ni Tomas.

«Maaari siyang maging Aking mamamatay. Ngunit makatutugon lamang Ako: “hindi”.»

«Uusigin niya tayo...»

«O! sa loob ng tatlong araw, makakalimutan na niyang lahat ang tungkol diyan» sabi ni Manaen ikinikibit ang kanyang mga balikat. At idinagdag niya: «Sila ay nangako sa kanya... ng ilang mga pantomina na mananayaw... Sila ay darating bukas... At makakalimutan niya ang lahat!...»

Ang katulong ay bumalik: «Sina Nicodemus, Jose, Eleazar at iba pang mga Pariseo at mga lider ng Sanhedrin ay naririto, Guro. Ibig nilang batiin Kayo.»

Si Lazarus ay tinitingnan si Jesus nang may-pagtatanong. Si Jesus ay nakaintindi: «Hayaan silang pumarito! Magiging masaya Akong mabati sila.»

Si Jose ay pumasok pagkaraan nang kaunting sandali kasama sina Nicodemus, Eleazar (ang makatarungang tao sa bangkete ni Ishmael), Juan (ang panauhin sa matagal nang bangkete ni Jose ng Arimathea), isa pang lalaki na ang pangalan na napakinggan ko ay Joshua, isang Philip, isang Judas at panghuli isang Joachim. Sila ay tila patuloy ang pagbati nang magpasawalanghanggan. Ang silid mabuti na lang ay malaki, kung hindi’y walang lugar para sa labis na mga pagyuko, pagyayakapan at mararangyang kasuutan. Ngunit bagama't ito ay malaki, ito ay naging punung-puno na ang mga disipulo ay nagbigay ng lugar. Tanging si Lazarus lamang ang nanatiling kasama ni Jesus. Ang mga disipulo ay baka nahihirapan na makapaniwala na sila ay hindi tinitingnan nang pataas at pababa ng mga mata ng napakaraming miyembro ng Sanhedrin!

«Napakinggan namin na ikaw ay nasa Herusalem, Lazarus. At kami ay pumunta» sabi ng isa na ang pangalan ay Joachim.

«Ako ay namangha at masaya. Halos nakalimutan ko na kung anong katulad ng mukha mo...» tugon ni Lazarus nang medyo mapanuya.

«Bueno... alam mo... Laging ibig namin na pumunta. Ngunit... Ikaw ay nawala...»

«At hindi ka makapaniwala na ito ay totoo! Ito sa katunayan kung baga ay mahirap na dalawin ang isang di-masayang tao!»

«Hindi! Huwag mong sabihin iyan. Iginagalang namin... ang iyong mithiin. Ngunit ngayon na... ngayon na... tama ba iyon, Nicodemus?»

«Oo, Lazarus. Ang dating mga kaibigan ay bumabalik. At mapakinggan din ang iyong mabuting balita at mapagpitaganan ang Rabbi.»

«Anong balita ang dinala ninyo sa akin?»

«H’m... Bueno... Ang dating mga bagay... Ang mundo... Siyempre...» may patagilid silang mga sulyap kay Jesus, Na nakatayong tuwid sa Kanyang upuan, kung baga lugmok sa pag-iisip.

«papaano nangyari na kayong lahat ay magkakasama ngayon, kung ang Sabbath ay katatapos pa lamang?»

«Nagkaroon kami ng espesyal na pagpupulong.»

«Ngayong araw? Ano ang napakaimportante?»

Ang mga bisita ay tinitingnan si Jesus nang panakaw at may-kabuluhan. Ngunit Siya ay lugmok... «Maraming mga rason...» tumugon sila sa wakas.

«At mayroon bang may kaugnayan sa Rabbi?»

«Oo, Lazarus. Pati Siya. Ngunit gumawa din kami ng pasya tungkol sa isang seryosong pangyayari, habang kami ay magkakasama sa bayan para sa kapistahan...» paliwanag ni Jose ng Arimathea.

«Isang seryosong pangyayari? Alin?»

«Isang... pagkakamali ng kabataan... H’m. Siyempre! Isang masagwang paguusap sapagkat.. Rabbi, makinig sa amin. Kayo ay nasa pagitan ng matatapat na tao. Bagama't kami ay hindi Ninyo mga disipulo, kami ay hindi Ninyo mga kaaway. Sa loob ng bahay ni Ishmael sinabi Ninyo sa akin na ako ay hindi malayo sa katarungan» sabi ni Eleazar.

«Iyan ay totoo. Pinatutunayan Ko iyan.»

«At ipinagsanggalang ko Kayo laban kay Felix sa bangkete ni Jose» sabi ni Juan.

«Iyan ay totoo din.»

«At ang mga taong ito ay may kapareho ng aming opinyon. Ngayon araw kami ay pinatawag upang magpasya... at kami ay hindi masaya tungkol sa disisyon. Sapagkat kami ay natalo ng isang mayoryang pasya. Sa dahilan na Kayo ay mas marunong kaysa kay Solomon, hinihingi namin sa Inyo na makinig sa amin at ibigay Ninyo sa amin ang Inyong opinyon.»

Si Jesus ay nilalagos sila sa pamamagitan ng isang malalim na sulyap. Pagkatapos sinabi Niya: “Magsalita.»

«Nakakatiyak ba tayo na walang makaririnig sa atin? Sapagkat ito ay... isang nakakasindak na bagay...» sabi ng lalaki na ang pangalan ay Judas.

«Isara ang pinto at isara ang kurtina, at tayo ay magiging nasa isang libingan» tugon ni Lazarus.

«Guro, kahapon ng umaga sinabi Ninyo kay Eleazar ni Annas na wala kahit anong rason na siya ay kailangan na makuntamina. Bakit Ninyo sinabi sa kanya?» tanong ni Philip.

«Sapagkat iyon ay kailangan na sabihin. Siya ay makukuntamina. Ako hindi. Ang banal na mga aklat ay sinasabi sa atin.»

«Iyan ay totoo. Ngunit papaano Ninyo nalalaman na siya ay kontaminado? Ang batang babae kaya ay nagsalita sa Inyo bago siya namatay?» tanong ni Eleazar.

«Aling babae?»

«Ang bata-pang babae na namatay pagkatapos na siya ay gahasain at ang kanyang ina kasama niya, at hindi malaman kung ang kapighatian ang pumatay sa kanila, o sila ay nagpakamatay, o sila ay nilason upang mapigilan sila makapagsalita.»

«Wala Akong nalalaman tungkol diyan. Nakita Ko ang bulok na kaluluwa ng anak na lalaki ni Annas. Naamoy Ko ang baho niya. Ako ay nagsalita. Wala Akong nalaman o nakitang iba pa.»

«Ngunit ano ang nangyari?» tanong ni Lazarus na may malalim na pag-alala.

«Si Eleazar, ang anak ni Annas, ay nakakita ng isang bata-pang babae, anak ng isang balo at... tinawag niya siya nagsasabing may ilang trabaho na kanyang ibibigay sa kanya, sapagkat ang pamilya ng babae ay naghahanap-buhay sa pamamagitan ng pananahi, at... nirahuyo niya ang babae. Ang babae ay namatay pagkaraan ng tatlong araw, at ang kanyang ina ay namatay din. Ngunit bago mamatay sinabihan nila ang kaisa-isang kamag-anak nila ng tungkol sa lahat. Sa kabila na sila ay binalaan na huwag magsalita... At ang kanilang kamag-anak ay pumunta kay Annas, upang akusahan ang kanyang anak, at sa dahilan na si Annas ay hindi nakontento, sinabihan niya si Jose, ako, at iba pang mga tao... Si Annas ay pina-aresto ang kamag-anak at pinakulong. Mula sa kulungan siya ay dadalhin sa bitayan o hindi na siya muli palalayain. Ngayong araw ibig ni Annas ang aming opinyon tungkol sa bagay» sabi ni Nicodemus.

«Hindi niya tayo tatanungin, kung hindi pa niya nalalaman na nalalaman na natin ang pangyayari»  angal ni Jose sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

«Siyempre hindi... Bueno, sa pamamagitan ng palabas na botohan at palsipikadong hustisya, ang pasya ay ipinasa sa karangalan at buhay ng tatlong di-masasayang tao at tungkol sa kaparusahan para sa may kasalanan» hinuha ni Nicoedemus.

«Kung gayon?»

«Kung gayon! Kitang-kita ito. Kami, na bumoto para sa kalayaan ng lalaki at kaparusahan para kay Eleazar, ay binalaan at pinalayas bilang di-makatarungan. Anong masasabi Ninyo?»

«Na Ako ay nahihintakutan sa Herusalem at na ang Templo ay ang pinaka mabahong payaso na mayroon ang Herusalem» sabi ni Jesus nang dahan-dahan at may pagkatakot. At Siya’y nagtapos: «At maikukuwento ninyo iyan sa mga taga-Templo.»

«At ano ang ginawa ni Gamaliel?» tanong ni Lazarus.

«Nang kaagad mapakinggan niya ang nangyari, tinakpan niya ang kanyang mukha at lumabas nagsasabi: «Harinawang ang bagong Samson ay dumating kaagad upang malipol ang maruruming Pilisteo”.»

«Tama siya. At siya ay kaagad darating.» Nagkaroon ng katahimikan.

«At wala bang binanggit tungkol sa Kanya?» tanong ni Lazarus tinuturo si Jesus.

«Mayroon. Bago ang lahat pang iba. May nag-ulat na sinabi Ninyo na ang kaharian ng Israel ay “Malupit:. Kung kaya't sinabi nila na Kayo ay isang tagapaglapastangan, hindi lang, bagkus, isang mapaglapastangang tao. Sapagkat ang kaharian ng Israel ay nanggagaling sa Diyos.»

«Sinabi nila? At ano ang ipinangalan ng Pontipise sa nanrahuyo sa isang birhen? Siya na nagpapasamâ sa kanyang ministeryo? Sabihin sa Akin!» tanong ni Jesus.

«Siya ay ang anak ng Mataas na Pontipise. Sapagkat si Annas ang tunay na hari roon» sabi ni Joachim, na natatakot ng pagkamakahari ni Jesus, Na nakatayo sa harapan niya, ang Kanyang kamay nakaunat...

«Oo. Ang hari ng kurupsiyon. At Akin bang hindi tatawagin na “malupit” ang isang bansa kung saan mayroon tayong marumi at mamamatay-tao na Tetrarka, isang Mataas na Pontipise na siyang kasabwat ng isang nanrarahuyo at mamamatay-tao?...»

«Baka ang babae ay nagpakamatay o namatay sa kapighatian» bulong ni Eleazar.

«Pinatay pa rin ng kanyang tagarahuyo... At hindi ba’t inihahanda na nila ngayon ang ikatlong biktima sa katauhan ng kamag-anak na naikulong upang siya ay hindi sana magsalita? At ang altar ba ay hindi nalalapastangan ng mga lumalapit dito na may napakaraming krimen? At ang hustisya ba ay hindi napatatahimik sa pamamagitan ng pananahimik sa napakapambihirang makatarungang mga miyembro ng Sanhedrin? Oo, hayaan ang bagon Samson na dumating at gibain ang nilapastangang lugar na ito, hayaan siyang manlipol upang makapagpabago!... Dahil sa ang sawing-palad na Bansang ito ay nagagawa Akong magkasakit, hindi Ko lamang sasabihin na ito ay malupit, bagkus aalis Ako sa maruming puso nito, puno ng walang-pangalan na mga krimen... ang pinaka lungga ni Satanas... Ako ay aalis. Hindi sa Ako ay natatakot ng kamatayan. Patutunayan Ko sa inyo na hindi Ako natatakot. Ako ay aalis sapagkat ang Aking oras ay hindi pa dumarating at hindi Ako nagbibigay ng mga perlas sa mga baboy ng Israel, bagkus dadalhin Ko ito sa mapagpakumbabang mga tao na nakakalat sa mga barungbarong, sa mga bundok at mga lambak ng mahihirap na nayon, kung saan nalalaman pa nila kung papaano maniwala at magmahal, kung mayroong magtuturo sa kanila, kung saan sa ilalim ng magagaspang na damit ay may mga kaluluwa, samantalang dito ang sagradong mga kasuutan at lalo na ang Ephod¹ at ang Pectoral ay pinantatakip sa maruruming labí at nagtatago ng nakamamatay na mga armas. Sabihin sa kanila na sa ngalan ng Totoong Diyos ikinokonsagra Ko sila sa paghahatol sa kanila at bilang isang bagong Michael pinalalayas Ko sila sa Paraiso. Magpasawalanghanggan. Dahil ibig nilang maging mga diyos, samantalang sila ay mga dimonyo. Hindi kinakailangan para sa kanila na mamatay upang mahusgahan. Sila ay nahusgahan na. Nang walang kapatawaran.»

Ang makapangibabaw na mga miyembro ng Sanhedrin at ang mga Pariseo ay tila naging mas maliliit, at sa katunayan nangangayupapa sila sa harapan ng nakapangingilabot na galit ng Kristo, Na, sa kabaligtaran, ay tila nagiging isang higante, labis na nakasisilaw ang Kanyang hitsura at napakadominante ang Kanyang tayò.

Si Lazarus ay umuungol: «Jesus! Jesus! Jesus!»

Si Jesus ay napakinggan siya at binabago ang Kanyang pananalita at hitsura Siya ay nagtanong: «Anong nangyayari, Aking mahal na kaibigan?»

«O! Huwag maging labis na katakut-takot! Hindi na Kayo ito! Papaano ang isa makaaasa sa awa, kung Kayo ay lalabas na napakanakapangingilabot?»

«Datapwa't Ako ay magiging ganyan, at mas mahigit pa, kapag huhusgahan Ko ang labindalawang tribu ng Israel. Ngunit magsaya, Lazarus. Siya na naniniwala sa Kristo ay nahusgahan na...» at Siya ay naupong muli.

Nagkaroon ng katahimikan.

Sa wakas si Juan ay nagtanong: «Dahil mas gusto pa namin na mainsulto kaysa sa gumawa ng isang huwad na salita laban sa hustisya, papaano kami huhusgahan?»

«Sa pamamagitan ng katarungan. Magpursige at mararating ninyo ang lugar kung saan si Lazarus ay naroroon na: sa pakikipagkaibigan ng Diyos.»

Sila ay tumayo.

«Guro, kami ay lalakad na. Kapayapaan sa Inyo. At sa iyo, Lazarus.»

«Kapayapaan sa inyo.»

«Kung ano ang nasabi rito, ay kailangan na manatili rito» ang ilan sa kanila ay nagsasabi nang nakikiusap.

«Huwag matakot! Lakad. Harinawang lagi kayong gabayan ng Diyos.»

Sila ay lumabas.

Si Jesus ay naiwang mag-isa kasama si Lazarus. Pagkaraan nang kaunti ang huli ay nagsabi: «Gaanong nakatatakot!»

«Oo. Gaanong nakatatakot!... Lazarus, isasaayos Ko ang aming pag-alis sa Herusalem. Magiging panauhin mo Ako hanggang sa katapusan ng Tinapay na walang Lebadura.» At Siya ay lumabas...

250910

¹Ephod - Burdadong damit ng sinaunang paring Hebreo.



Sunod na kabanata