376. Si Maria Pinili ang mas mabuting Bahagi.

Agosto 14, 1944.

Nabatid ko kaagad na ang tungkol pa rin kay Maria ng Magdala ang ating malalaman, sapagkat siya ang unang taong aking nakita, nakasuot ng lisong kulay-rosas na lilang damit katulad ng malbarosang bulaklak. Wala siyang suot ng kahit anong mamahaling palamuti, ang kanyang buhok ay tinirintas at inipon sa kanyang batok, mas bata siyang tingnan kaysa kung nakasuot siya ng mararangyang damit. Ang kanyang mga mata ay hindi na walang-hiya, katulad nang siya ay isang «makasalanan», ni hindi na ito ang nawawalan ng pag-asa katulad nang pinakikinggan niya ang parabula tungkol sa nawawalang tupa, o ito ay kahiya-hiya na may mga luha nang siya ay nasa loob ng bulwagan ng Pariseo... Ang kanyang mga mata ay ngayon puno ng kapayapaan at ito ay naging kasing linaw katulad ng mga mata ng isang bata at nagniningning ito na may kalmanteng tingin.

Siya ay nakasandal sa isang punungkahoy malapit sa hangganan ng ari-arian sa Bethany, nakatingin patungo sa daan. Siya ay naghihintay. Pagkatapos napasigaw siya sa tuwa. Nilingon niya ang bahay at sumigaw nang malakas – upang mapakinggan ng lahat – sa kanyang nangungusap na di-mapagkakamalang tinig: «Siya ay dumarating!... Martha, sinabi nila sa atin ang totoo. Ang Rabbi ay naririto!» at siya ay tumakbo upang buksan ang mabigat na lumalangitngit na geyt. Hindi niya binigyan ng pagkakataon ang mga katulong na mabuksan nila ito at siya ay tumakbo patungo sa kalsada, na ang kanyang mga kamay nakaunat, katulad ng isang batang lalaki patungo sa kanyang ina, at may isang sigaw ng nagmamahal na kaluguran: «O Rabboni!» (Sinusulat ko «Rabboni» sapagkat nakikita ko na ito ay isinusulat nang ganito sa Ebanghelyo. Ngunit sa tuwing napapakinggan ko si Maria na tinatawag Siya, tila sinasabi niyang «Rabboni» na may ‘m’ sa halip na isang ‘n’) ipinagpatirapa niya ang kanyang sarili sa paanan ni Jesus, hinahalikan ang mga paa sa alikabok ng daan.

«Kapayapaan sa iyo, Maria. Ako ay naparito upang magpahinga sa ilalim ng inyong bubungan.»

«O aking Guro!» pag-ulit ni Maria, tumitingin sa itaas na may ekspresyon ng paggalang at pagmamahal, na napakamakahulugan... ito ay isang pagpapasalamat, kaluguran, isang paanyaya na pumasok, kasayahan sapagkat Siya ay pumapasok...

Si Jesus ay naipatong ang Kanyang kamay sa ulo niya at tila pinatatawad siyang muli.

Si Maria ay tumayo at naglalakad sa tabi ni Jesus pumasok siya sa bakuran ng ari-arian. Sa pansamantala ang mga katulong at si Martha ay nakarating, ang mga katulong may dalang mga amphora at mga puswelo. Si Martha dala lamang ang kanyang pagmamahal, na napakalaki.

Ang mga apostol, na mga naiinitan, ay kinuha ang sariwang mga inumin na ibinuhos ng mga katulong. ibig nilang bigyan si Jesus ng ilan, ngunit si Martha ay pinigil sila. Nakakuha siya ng isang puswelo na puno ng gatas at naialok ito kay Jesus. Maaaring nalalaman niya na gusto Niya ito nang labis.

Pagkatapos na ang mga disipulo ay nakainom ng ilang pampalamig, si Jesus ay nagsabi sa kanila: «Lumakad at sabihan ang mga naniniwala. Magsasalita Ako sa kanila ngayong gabi.»

Ang mga apostol ay kumalat sa iba't ibang direksiyon nang sila ay kaagad nakalabas sa hardin.

Si Jesus ay nagpapatuloy sa pagitan nina Martha at Maria.

«Halikayo, Guro» sabi ni Martha. «Habang naghihintay para kay Lazarus magpahinga at kumuha ng ilang pampalamig.»

Habang pinapasok nila ang isang malamig na silid na nagbubukas patungo sa malilim na portiko, si Maria, na nakaalis nang mabilis, ay bumalik. May dala-dala siyang isang pitsel ng tubig at sinusundan siya ng isang katulong na may dalang isang maliit na palanggana. Ngunit itong si Maria ang gustong maghugas sa mga paa ni Jesus. Inaalis niya ang mga sintas ng Kanyang mga sandalyas at iniaabot ito sa katulong upang malinis, kasabay ang Kanyang manta, na nangangailangan ng pagpupunas. Pagkatapos kanyang inilubog ang Kanyang mga paa sa tubig, na nagawang magkulay ng malabnaw na rosas gawa ng ilang mga  panimpla, pinupunasan ito at hinahalikan. Pagkatapos pinapalitan niya ang tubig, iniaalok ito kay Jesus para sa Kanyang mga kamay. At habang naghihintay para sa katulong na may dala ng mga sandalyas, yumuyukyok sa ibabaw ng alpombra sa paanan ni Jesus, kanyang hinahaplos ang Kanyang mga paa, at bago isuot ang mga sandalyas, hinahalikan niyang muli ang mga paa nagsasabing: «O banal na mga paa, na naglakad nang napakalayo sa paghahanap para sa akin!»

Si Martha, na mas praktikal sa kanyang pagmamahal, ay tiningnan ang pantaong panig at nagtanong: «Guro, may darating pa bang iba bukod sa Inyong mga disipulo?»

At si Jesus ay tumugon: «Hindi Ko pa matiyak. Ngunit makapaghahanda ka para sa lima pang tao bukod sa mga apostol.»

Si Martha ay umalis.

Si Jesus ay lumabas patungo sa malamig na malilim na hardin. Suot lamang Niya ang Kanyang madilim na asul na tunika. Ang Kanyang manta, na maingat na nilupi ni Maria, ay nasa ibabaw ng baul sa loob ng silid. Si Maria ay lumabas kasama si Jesus.

Naglalakad sila sa tabi ng mabuting naaalagaang mga daanan, sa pagitan ng namumulaklak na mga taniman ng mga bulaklak, hanggang sa layo ng palaisdaan, na nagmumukhang isang salamin nakalatag sa berdeng lugar. Ang napakalinaw na tubig ay nagkakaroon ng maliliit na alun-along pabilog dito at doon gawa ng mga malaplatang kumikisay na isda at ng ampiyas ng napakanipis na tilandoy ng tubig sa gitna ng sanaw. May mga upuan sa paligid ng malapad na lunas, na nagmumukhang isang maliit na lawa na may mga kanal ng irigasyon papalabas dito. Sa katunayan sa palagay ko ang isa sa mga kanal ay ang nagtutustos ng tubig dito, habang ang mas maliliit na kanal ay ang paglabas ng tubig para sa irigasyon na gamit.

Si Jesus ay naupo sa isang upuan na nasa tabi ng hangganan ng sanaw. Si Maria ay naupo sa Kanyang paanan, sa berdeng mabuting-naaalagaang damuhan. Sa simula sila ay hindi nagsasalita. Si Jesus ay maliwanag na kinasisiyahan ang tahimik na nakapagpapahingang malamig na hardin. Si Maria ay kinasisiyahan ang pagtingin sa Kanya.

Si Jesus ay pinaglalaruan ang malinaw na tubig ng sanaw. Inilulubog Niya ang Kanyang mga daliri rito, sinusuklay ang ibabaw nito napoporma ang maliliit na alon at pagkatapos inaalis Niya ang Kanyang buong kamay sa purong malamig na tubig. «Gaano kaganda ang malinaw na tubig na ito!» sabi Niya.

At si Maria: «Gustung-gusto ba Ninyo iyan, Guro?»

«Oo, Maria. Sapagkat napakaliwanag nito. Tingnan. Wala ni anong bakas ng putik. Ang sanaw ay puno ng tubig, ngunit napakalinaw nito na tila wala itong laman ng kahit na ano, na tila ang tubig ay hindi materyal bagkus isang espirituwal na elemento. Sa ilalim mababasa natin ang mga salita na binubulong ng maliliit na isda sa isa’t isa...»

«Katulad na nakababasa ang isa sa kalaliman ng dalisay na mga kaluluwa. Tama ba iyon, Guro?» at si Maria ay nagbubuntung-hininga na may lihim na kalungkutan.

Si Jesus ay nadama ang pigíl na buntung-hininga at binabasa ang kanyang ikinalulungkot na tinatago ng isang ngiti at kaagad Niyang pinagiginhawahan ang kapighatian ni Maria.

«Maria, saan natin matatagpuan ang purong mga kaluluwa? Mas madali para sa isang bundok na maglakad kaysa para sa isang nilikhang tao na maging puro sa tatlong mga kapuruhan. Napakaraming bagay ang gumagambala at nangangasim sa paligid ng mga adulto. At hindi laging posible na mapigilan sila na makapasok sa loob. Tanging mga bata lamang ang may anghelikal na mga kaluluwa, na napananatili ng kanilang inosensiya na hindi maging  kaalaman na maaaring maging putik. Iyan kung bakit mahal-na-mahal Ko sila. Nakikita Ko sa kanila ang isang repleksiyon ng Walang-hangganang Kadalisayan. Tanging sila lamang ang mayroon sa loob ng kanilang mga sarili ng alaalang ito ng Langit. Ang Aking Ina ay ang Babae na may kaluluwa ng isang bata. Mas mahigit pa nga. Siya ang Babae na may kaluluwa ng isang anghel. Katulad na si Eba ay ganito noong siya ay nilikha ng Ama. Maiisip mo ba, Maria, kung ano ang katulad ng unang liryo na namumulaklak sa makalupang hardin? Ang mga ito rin, na nadadala ng tubig dito ay magaganda. Ngunit ang unang isa, na lumabas mula sa mga kamay ng Tagapaglikha! Iyon ba ay isang bulaklak o isang diamante? Sila ba ay mga petalo o mga plato ng pinakapurong plata? Datapwa't ang Aking Ina ay mas puro pa kaysa sa unang liryo na nagpapabango sa mga hangin. At ang Kanyang bango ng di-nawasak na Birhen ay pinupuno ang Langit at Lupa, at ang mabubuting tao ay susundan ito sa hinaharap na mga siglo. Ang Paraiso ay liwanag, pabango, pagkakasundo. Ngunit kung dito ang Ama ay hindi nasisiyahan sa pagninilay-nilay sa Kaganda-gandahang Ginang Na bumago sa Lupa na ito ay maging Paraiso, kung ang Paraiso sa hinaharap ay mawawalan ng buháy na Liryo sa kung Kaninong sinapupunan naroroon ang tatlong pistilo ng apoy ng Dibinong Trinidad, ang liwanag, pabango at pagkakasundo, na siyang kinasisiyahan sa Paraiso, ay mahahati. Ang kadalisayan ng Aking Ina ay ang magiging batong-hiyas ng Paraiso. Ngunit ang Paraiso ay walang hangganan! Ano sa palagay mo ang hari na mayroon bagkus isang batong-hiyas sa kanyang kaban? Kahit na kung ito ay ang kataastaasang Batong-hiyas? Kapag binuksan Ko ang mga geyt ng Kaharian ng Langit... huwag magbuntung-hininga, Maria. Ako ay naparito para diyan – maraming kaluluwa ng makatarungang mga tao at mga bata ang papasok, katulad ng isang nagniningning na imakuladang alimbukay, sa likuran ng purpura ng Tagapagtubos. Ngunit magiging napakakaunti nila upang malamnan ang Langit ng mga batong-hiyas at mabuo ang sambayanan ng eternal na Herusalem. At pagkatapos... pagkaraan na ang Aking Doktrina ng katotohanan at kabanalan ay nalaman ng mga tao, pagkaraan na ang Grasya ay maibalik sa mga tao sa pamamagitan ng Aking Kamatayan, papaano masasakop ng mga tao ang Langit, kung ang kaawa-awang pamumuhay ng mga tao ay patuloy na nadudumihan ng putik, na siyang hindi sa kanila nagpapadalisay? Kung gayon, ang Aking bang Paraiso ay mapupuno lamang ng mga bata? O! hindi!! Ang isa ay kailangan na matutong maging katulad ng isang bata. Ang Kaharian ay nakabukas din sa mga adulto. Katulad ng mga bata... Na siyang kadalisayan. Nakikita mo ba ang tubig na ito. Nagmumukha itong napakalinaw. Ngunit tingnan: kung guguluhin Ko lamang ang ilalim nito sa pamamagitan ng paggalaw na ito, ito ay magiging maputik. Ang dumi at putik ay umiibabaw. Mula sa pagiging malinaw ito ay nagiging manilaw-nilaw at wala nang magugustong uminom nito. Ngunit kung titigilan Ko ang paggalaw, ito ay tatahimik at unti-unti ito ay magiging malinaw at maganda ulit. Ang paggalaw: ang kasalanan. Ganito rin sa mga kaluluwa. Ang pagsisisi, maniwala sa Akin, ang naglilinis...»

Si Martha ay dumating humihingal: «Naririto ka pa rin ba, Maria? At ako ay abalang-abala!... Ang oras ay lumilipad. Mamaya lamang ang mga panauhin ay naririto na at napakarami pang kailangang gawin. Ang mga katulong na babae ay abala sa paggawa ng tinapay, ang mga katulong na lalaki ay nagbabakbak ng balat at nagluluto. Ako ay naghahanda ng mga maiinom, mga pinggan at sinasangkapan ko ang mga mesa. Ngunit ang mga prutas ay kailangan pang pitasin at ang pulot at ang may-menta na tubig ay ihahanda pa...»

Si Maria ay hindi iniintindi ang mga reklamo ng kanyang kapatid. Ngumingiting lubos na nasisiyahan patuloy niyang tinitingnan si Jesus, nang hindi gumagalaw sa kanyang pusisyon .

Si Martha ay humihingi ng tulong sa Guro: «Guro, tingnan kung gaano ako kainit. Sa palagay ba Ninyo ako lamang ang kailangan na maging abalang-abala? Sabihin sa kanya na tulungan ako.» Si Martha ay totoong naiinis.

Si Jesus ay tinitingnan siya ngumingiti medyo may-kabaitan at medyo mapanuya, o kung baga mapagbiro.

Si Martha ay naging kung baga hindi makapaghintay: «Talagang iyan ang ibig kong sabihin. Tingnan kung gaano siya walang ginagawa habang ako ay abalang-abala. At nakikita niya...»

Si Jesus ay naging seryoso: «Hindi siya walang-ginagawa, Martha. Ito ay pagmamahal. Iyon ay walang-ginagawa dati. At ikaw ay umiyak nang labis dahil sa walang pakinabang na walang-magawa. Ang iyong mga luha ay nagpahiram sa Akin ng mga pakpak sa Aking pagsisikap na mailigtas siya at maibalik siya sa inyong tapat na pagmamahal. Ibig mo bang pagbawalan siya na mahalin ang kanyang Tagapagligtas? Mas gusto mo bang siya ay nasa malayo, upang hindi ka niya nakikitang nagtatrabaho, bagkus magiging malayo din sa Akin? Martha! Martha! Kailangan Ko bang sabihin na siya (at si Jesus ay ipinatong ang Kanyang isang kamay sa kanyang ulo) na nanggaling sa napakalayo, ay nalampasan ka sa pagmamahal? Kailangan Ko bang sabihin na siya, na walang nalalaman kahit isang salita ng pagmamahal, ay marunong na ngayon sa siyensiya ng pagmamahal? Iwanan siya sa kanyang kapayapaan! Dati siyang malubha ang sakit! Ngayon siya ay nagpapalakas at gumagaling siya sa pag-inom ng kung ano ang nagpapalakas sa kanya. Siya ay dating pinahihirapan nang may-karahasan... Ngayon na siya ay nakalabas sa kanyang masamang panaginip, siya ay tumitingin-tingin sa kapaligiran at sa loob niya mismo at nakikita ang sarili na bago at nakatuklas ng isang bagong mundo. Gawing makatiyak siya. Sa pamamagitan ng kanyang “bagong kaakuhan” kailangan niyang makalimutan ang kanyang nakaraan at masakop kung ano ang eternal... At ang huli ay hindi masasakop sa pamamagitan lamang ng paggawa, bagkus sa pamamagitan din ng adorasyon. Siya na nagbibigay ng isang piraso ng tinapay sa isang apostol at isang propeta ay tatanggap ng kanyang gantimpala. Ngunit dobleng gantimpala ang ibibigay sa kanya na makakalimot na pakanin ang kanyang sarili upang mamahal Ako, sapagkat ang kanyang kaluluwa ay magiging mas dakila kaysa sa kanyang katawan, isang kaluluwa na sisigaw nang mas malakas kaysa sa pantaong mga pangangailangan, kapag din ang huli ay ayon sa batas at tama. Nag-aalala ka at nababalisa ng napakaraming mga bagay, Martha. Nag-aalala siya tungkol isang bagay lamang. Ang sapat lamang para sa kanyang kaluluwa at higit sa lahat para sa kanya at sa iyong Panginoon. Kalimutan ang walang-pakinabang ng mga bagay. Gayahin ang iyong kapatid. Si Maria ay pinili ang mas mabuting bahagi, na hindi kailanman maaagaw sa kanya. Kapag ang lahat na mga birtud ay magiging kalabisan, sapagkat hindi ito kakailanganin pa sa mga mamamayan ng Kaharian, ang Karidad lamang ang mananatili. Ito ay tatagal magpasawalanghanggan. Nag-iisa at pinakadakila. Iyan ang pinili ni Maria at kinuha bilang kanyang pananggalang at tungkod ng isang peregrino. Sa pamamagitan nito, na tila siya ay lumilipad na may mga pakpak ng anghel, makakarating siya sa Aking Langit.»

Si Martha, na ang pakiramdam siya ay napahiya, ay itinungo ang kanyang ulo at umalis.

«Ang aking kapatid ay labis Kayong minamahal at nananabik na parangalan Kayo...» sabi ni Maria upang mapatawad siya.

«Alam Ko, at siya ay gagantimpalaan para diyan. Ngunit kinakailangan siyang mapadalisay sa kanyang pantaong pamamaraan ng pag-iisip, katulad na ang tubig na ito ay napadalisay. Tingnan kung gaano naging kalinaw itong muli, habang tayo ay naguusap. Si Martha ay mapadadalisay ng mga salitang sinabi ko sa kanya. Ikaw... sa pamamagitan ng sinseridad ng iyong pagsisisi.

«Hindi, sa pamamagitan ng Inyong kapatawaran, Guro. Ang aking pagsisisi ay hindi sapat na mahugasan ang aking malaking pagkakasala...»

«Naging sapat na iyon at magiging sapat para sa mga kapatid na babae na gagaya sa iyo. Magiging sapat iyan para sa lahat na kaawa-awa na ang kaninong mga kaluluwa ay may sakit.

Ang sinsirong pagsisisi ay isang nagdadalisay na panala; ang pagmahal, pagkatapos, ang magpapanatili na hindi na madungisan pa. Kung gayon, ang mga tao na sa loob ng pamumuhay naging mga adulto at mga makasalanan, ay magagawa nilang maging katulad ng inosenteng mga bata muli at makapasok sa Aking Kaharian katulad nila.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Walang komentaryo ang kinakailangan. Ang parabula tungkol sa tubig ay ang komentaryo sa pagsisising gawain ng mga puso.

Nakita mo na kung gayon ang kumpletong ikot ni Maria ng Magdala. Mula sa kanyang kamatayan hanggang sa Buhay. Sa lahat ng mga naibangong-muli ng Aking Ebanghelyo siya ang pinaka dakila. Siya ay ibinangon mula sa pitong kamatayan. Siya ay ipinanganak muli. Nakita mo siyang itinataas ang tangkay ng kanyang bagong bulaklak nang pataas pa nang pataas mula sa putik ng lupa, katulad ng mabulaklak na tanim, at pagkatapos mamumulaklak at mangangamoy nang matamis para sa Akin, at mamatay para sa Akin. Nakita mo siya noong siya ay makasalanan, at pagkatapos noong, nauuhaw, nilapitan niya ang Pontanya, pagkatapos noong siya ay magsisi, pagkatapos noong siya ay pinatawad, pagkatapos nakita mo siya bilang isang mangingibig, pagkatapos bilang isang kaawa-awang babae nakayuko sa pinatay na Katawan ng kanyang Panginoon, pagkatapos bilang isang katulong ng Aking Ina, Na kanyang minamahal dahil Siya ay Aking Ina; at sa huli nakita mo siya bilang isang nagsisising kaluluwa sa pamasukan ng kanyang Paraiso.

O mga kaluluwang natatakot, matutong huwag matakot sa Akin sa pagbabasa ng tungkol sa buhay ni Maria ng Magdala. O mga kaluluwa na nagmamahal, matuto mula sa kanya kung papaano magmahal na may init ng anghel. O mga kaluluwa na nagkamali, matuto mula sa kanya tungkol sa Siyensiya na maghahanda sa inyo para sa Langit.

pinagpapalà Ko kayong lahat upang matulungan kayong makataas. Humayo sa kapayapaan.»

260910



Sunod na kabanata