377. Si Jesus Nagsasalita sa Bethany.

 

Ang bisyon na may petsang Agosto 14, 1944: Ang tupa sa kawan sa paanan ng Mabuting Pastol, ay kailangan na ilagay bago ang kabanatang ito.

--------------------

Pebrero 6, 1946.

Si Jesus ay nasa Bethany at ang matabang kabukiran ay puno ng mga pamumulaklak at mga bulaklak sa magandang buwan na ito ng Nisan, na napakatiwasay at maliwanag na ang sangnilikha ay tila nalinisan ng lahat ng karumihan. Ngunit ang mga pulutong na naghahanap para sa Kanya sa Herusalem at ayaw na umalis nang hindi Siya napapakinggan, upang madala sa loob ng kanilang mga puso ang Kanyang mga salita, ay kaagad natagpuan Siya.  at napakarami nila na si Jesus ay inutusan ang Kanyang mga disipulo na ipunin lahat silang magkasama-sama, upang sila ay Kanyang maturuan. At ang labindalawang apostol at ang pitumpu’t dalawang mga disipulo, na pinormang isang grupo humigit-kumulang sa bilang na iyan kasama ang mga bagong disipulo na sumama sa kanila kamakailan lamang, ay kumalat sa lahat ng direksiyon upang isagawa ang Kanyang mga tagubilin.

Sa pansamantala si Jesus, sa loob ng hardin ni Lazarus, ay nagpapaalam sa mga babae, at lalo na sa Kanyang Ina, dahil silang lahat ay babalik sa Galilee, ayon sa tagubilin Niya, sasamahan ni Simon ni Alfeo, ni Jairus, ni Alfeo ni Sarah, ni Marjiam, ng asawa ni Susanna at ni Zebedeo. Nagbabatian sila at umiiyak. Marami ang may ibig na sana hindi sila kailangan na sumunod. Isang mithiin dala ng kanilang pagmamahal para sa Guro. Ngunit ang kapangyarihan ng kanilang perpektong pagmamahal para sa Kabanalbanalang Salita, bilang ganap na sobrenatural, ay mas malakas, at ang kapangyarihan na iyan ay nagawa silang sumunod at tanggapin ang masakit na paghihiwalayan.

Ang isang hindi masyadong nagsasalita ay si Maria, ang Kanyang Ina. Ngunit ang Kanyang hitsura ay mas mabisang magsalita kaysa sa lahat ng mga salita ng iba na pinagsama-sama. Si Jesus ay naiintindihan ang Kanyang kapighatian, at tinitiyak-muli Niya sa Kanya at pinagiginhawahan Siya, pinupuspos Niya Siya ng mga haplos, kung ang isang ina, at lalo na ang Ina, ay mapupuspos, dahil Siya ay puno ng pagmamahal at nasa malaking pamimighati para sa Kanyang inuusig na Anak. At ang mga babae sa wakas ay humayo, lumilingon nang makailang beses upang batiin ang Guro, ang kanilang mga anak at ang masusuwerteng mga Judaean na mga babaeng disipulo na mananatili pang kasama ang Guro.

«Naghirap sila nang pag-alis...» wika ni Simon Zealot.

«Ngunit mas mabuti na sila ay nakaalis, Simon.»

«May nakikita ba Kayong malulungkot na araw?»

«Maproblemang mga araw, man lamang. Ang mga babae ay hindi matatagalan ang pagod nang katulad natin. Maging ano pa man, ngayon na mayroon na Ako ng halos magkasindaming bilang ng mga Judaean at mga Galilean, mas mabuti pa kung sila ay hatiin. Mapapasakanila Ako nang palitan, at palitan silang magkakaroon ng lugod ng paglilingkod sa Akin, at Ako magkakaroon ng konsolasyon ng kanilang pagmamahal.»

Ang mga pulutong ay patuloy na lumalaki ang bilang. Ang lootan sa pagitan ng bahay ni Lazarus at ng bahay na pag-aari ng Zealot ay punung-puno ng mga tao. May mga tao ng lahat ng mga antas sa lipunan at mga katayuan sa buhay, pati na rin mga Pariseo mula sa Judaea, mga miyembro ng Sanhedrin at mga nakabelong na babae.

Ang mga miyembro ng Sanhedrin na noong Sabbath ng Paskuwa ay dumalaw kay Lazarus sa Herusalem, ay lumalabas sa bahay ni Lazarus, may kasamang ibang mga tao, sa iisang grupo, malapit sa kamilya kung saan si Lazarus ay dinadala. Nang dumaraan, si Lazarus ay ikinakaway ang kanyang kamay at ngumingiting masaya kay Jesus. At si Jesus ay tumutugon sa pagbati, habang sinusundan Niya ang prusisyon patungo kung saan ang mga tao ay naghihintay para sa Kanya.

Ang mga apostol ay sinamahan Siya at si Judas Iskariote, na mga ilang araw nang nagdiriwang, sa napakasayang disposisyon, inililingon ang kanyang napakadilim na maningning na mga mata rito at doon at iniuulat kay Jesus kung ano ang kanyang natutuklasan.

«O! Tingnan! Mayroon ding ilan na mga pari!... Tingnan! Nariyan din si Simon ng Sanhedrin. At nariyan din si Helkai. Anong sinungaling! Mga ilang buwan pa lamang madalas siyang nagsasalita nang masama tungkol kay Lazarus, at ngayon nagbibigay siya ng ganyang paggalang sa kanya na tila si Lazarus ay isang diyos!... At sina Doro ang Nakatatanda at si Trison ay nasa banda roon. Kita Ninyo? Binabati niya si Jose. At si Samuel ang eskriba kasama si Saul... At ang anak ni Gamaliel! At sa banda roon ay naroon ang isang grupo ng mga Herodian... At ang grupong iyon ng mga babae na may mga belo... ay maaaring ang mga binibining mga Romano... Sila ay nakatayo sa isang tabi, ngunit tingnan kung papaano sila nagmamasid kung saan Kayo pupunta, upang mabago nila ang kanilang lugar at mapakinggan Kayo! Nakikilala ko sila sa kabila ng kanilang malalaking manta. Kita Ninyo? Ang dalawa ay mataas, ang isa ay mas malapad kaysa mataas, ang iba ay pangkaraniwang ang taas, ngunit maayos ang anyo. Pupunta ba ako at batiin sila?»

«Hindi. Sila ay pumunta rito bilang mga estranghero, bilang mga walang-pangalan upang pakinggan ang salita ng Rabbi. Kailangan na tingnan natin sila nang ganyan.»

«Ayon sa ibig Ninyo, Guro. Ibig ko sanang paalalahanan... si Claudia ng tungkol sa kanyang pangako...»

«Hindi na iyan kinakailangan. At kahit na kung kailangan ito, hindi tayo kailanman dapat maging mga nanghihingi ng limos, Judas. Tama ba iyan? Ang kabayanihan sa pananampalataya ay kailangan na magawang perpekto sa gitna ng mga kahirapan.»

«Iyon ay para sa kapakanan Ninyo, Guro.»

«At para sa iyong walang-maliw na idea ng isang pantaong tagumpay. Huwag mahalin ang huwad na mga pag-asa, Judas. Ni tungkol sa Aking ikikilos sa hinaharap, o tungkol sa pangakong iyong tinanggap. Naniniwala ka sa kung ano ang iyong sinasabi sa iyong sarili. Ngunit walang makapagbabago sa isip ng Diyos, na siyang ang, na Ako ang Tagapagtubos at Hari ng isang espirituwal na Kaharian.»

Si Judas ay hindi tumutugon.

Si Jesus ay nasa Kanyang lugar na, sa gitna ng mga apostol. si Lazarus ay nasa maliit na kama, halos nasa Kanyang paanan. Hindi malayo sa Kanya naroon ang Judaean na mga babaeng disipulo, ibig sabihin ang mga kapatid ni Lazarus, si Eliza, si Anastasica, si Johanna kasama ang mga bata, si Annaleah, si Sarah, si Marcella, si Nike. Ang mga binibining Romano, o ang mga tinuro man lamang ni Judas na gayon, ay nasa likuran nang kaunti, halos nasa dulo, nakahalo sa isang grupo ng pangkaraniwan na mga tao. Ang mga miyembro ng Sanhedrin, ang mga Pariseo, mga eskriba, mga pari ay mga nasa unahan na hanay, na hindi maiiwasan. Ngunit si Jesus ay nakikiusap sa kanila na magbigay ng lugar para sa tatlong maliliit na kamilya na may laman ng mga maysakit, na tinatanong ni Jesus, ngunit hindi Niya sila pinagagaling kaagad.

Si Jesus, bilang isang panimulang punto para sa Kanyang talumpati, ay tinatawag ang pansin ng mga nakikinig sa malaking bilang ng mga ibon na nakadapo sa mga punungkahoy sa hardin ni Lazarus at sa lootan kung saan ang Kanyang mga tagapakinig ay nagka-ipun-ipon.

«Panuurin sila. Ang ilan ay katutubo, ang ilan ay galing sa ibang panig ng daigdig, sila ay mula sa lahat ng lahi at laki. At kapag dumidilim, sila ay mapapalitan ng mga ibong-gabi, na napakarami din, bagama't tayo ay nakakiling na kalimutan ang tungkol sa kanila, sapagkat hindi natin sila nakikita. Bakit may napakaraming ibon dito. Sapagkat natatagpuan nila ang kanilang kailangan upang mabuhay nang masaya: sinag ng araw, kapayapaan, maraming makakain, ligtas na silungan, malamig na tubig. At sila ay nag-iipun-ipon nanggagaling mula sa silangan at kanluran, hilaga at timog, kung sila ay migrating mga ibon, at maninirahan sila rito nang permanente kung sila ay katutubo. Kung gayon? Nakikita ba natin kung gayon na ang mga ibon ay nalalampasan ang mga anak ng tao sa karunungan? Ilan sa mga ibon na ito ang mga anak ng mga ibon na ngayon ay patay na, ngunit nang nakaraang taon, o sa mas malayo pang nakaraan, nagtayo ng kanilang mga pugad dito at naging masaya rito. Sinabi nila sa kanilang mga anak, bago mamatay. Pinakita nila sa kanila ang lugar na ito at ang mga anak ay sumunod at pumunta rito. Ang Ama, Na nasa Langit, ang Ama ng lahat ng mga tao, hindi kaya Niya sinabi sa Kanyang mga santo ang katotohanan, hindi kaya Niya binigay sa kanila ang lahat na kinakailangan na mga tagubilin para sa ikabubuti ng Kanyang mga anak? Ang lahat ng mga tagubilin: ang tungkol sa ikabubuti ng katawan at ang tungkol sa ikabubuti ng espiritu. Ngunit ano ang ating nakikita? Nakikita natin na habang ang itinuro para sa kalusugan ng katawan – mula sa balat-ng-hayop na mga tunika, na Kanyang ginawa para sa unang mga Magulang, na hinubaran sa kanilang sariling mga mata ng damit ng inosensiya, na sinira ng kasalanan, hanggang sa pinaka huling mga tuklas na ginawa ng tao sa pamamagitan ng liwanag ng Diyos – ay naalaala, ibinaba sa mga susunod at itinuro, ang iba pa, na itinuro, iniutos at pinakita para sa espiritu, ay hindi tinupad, o itinuro o isinabuhay.»

Marami sa mga tao ng Templo ang nagsimulang bumulong. Si Jesus ay pinakakalma sila sa pamamagitan ng isang senyas.

«Ang Ama, Na magpahanggang ngayon ay nalalampasan ang pag-intindi ng tao, ay ipinadala ang Kanyang Lingkod upang paalalahanan ang mga tao ng tungkol sa Kanyang itinuturo, upang ipunin ang mga ibon sa malulusog na lugar, upang bigyan sila ng maliwanag na kaalaman ng tungkol sa kung ano ang may pakinabang at banal, upang maitayo ang Kaharian, kung saan ang bawat anghelikal na ibon, bawat kaluluwa, ay makatatagpo ng grasya at kapayapaan, karunungan at kalusugan. At sasabihin Ko sa inyong totoo na bilang mga ibon na ipinanganak sa lugar na ito, sa tagsibol ay sasabihin sa mga ibon ng ibang mga lugar: “Sumama sa amin, sapagkat may isang magandang lugar kung saan kalulugdan ninyo ang kapayapaan at ang Kagandahang-loob ng Panginoon”, at kung gayon sa susunod na taon bagong mga ibon ang makikita na mag-iipun-ipon dito, sa gayon ding pamamaraan, makakakita tayo ng maraming mga espiritu na magmamadali mula sa bawat bahagi ng mundo, ayon sa paghula ng mga propeta, patungo sa Doktrina, na nanggaling sa Diyos, at patungo sa Tagapagligtas, ang tagapagpundar ng Kaharian ng Diyos. Ngunit ang mga pang-araw na mga ibon sa lugar na ito ay nakahalo sa mga panggabing ibon, na mga ibon na nambibiktima, mga tagapag-istorbo at lubos na may kakayahan na takutin at patayin ang mabubuting maliliit na ibon. At ang mga ibon na ito ay naging ganyan sa maraming taon, sa maraming henerasyon, at walang makapagpa-alis sa kanila, sapagkat kumikilos sila sa kadiliman at sa mga lugar na hindi mapapasok ng tao. Kumikilos sila sa kadiliman, sa pamamagitan ng kanilang malulupit na mata, tahimik na mga paglipad, katakawan. Kalupitan at di-malinis katulad nila, nagkakalat sila ng dumi at kapighatian. Kanino natin sila maikukumpara? Sa mga na sa Israel ay ayaw na tanggapin ang Liwanag na dumating upang maliwanagan ang kadiliman, ang Salita na dumating upang magturo, ang Katarungan na dumating upang magpabanal. Ako ay pumunta sa kanila nang walang kabuluhan. Hindi lang iyan, bagkus, Ako ang dahilan ng pagkakasala para sa kanila, sapagkat Ako ay kanilang inuusig at ang Aking matatapat na mga naniniwala. Kung kaya't ano ang Aking dapat sabihin? Ang Akin nang sinabi nang maraming beses: “Marami ang darating mula sa silangan at kanluran at uupo na kasama si Abraham at Jacob sa Kaharian ng Langit. Ngunit ang mga anak ng kaharian na ito ay itatapon sa labas patungo sa kadiliman”.»

«Ang mga anak ng Diyos sa kadiliman? Ikaw ay nanlalapastangan!» sigaw ng isa sa palaban na mga miyembro ng Sanhedrin. Ito ang unang wisik ng laway ng mga butiki, na naging tahimik nang matagal at hindi na makapanahimik pa, kundi’y malulunod sa kanilang sariling lason.

«Hindi ang mga anak ng Diyos» tugon ni Jesus.

«Sinabi Ninyo ang ganyan! Sinabi Ninyo: “Ang mga anak ng kaharian na ito ay itatapon sa labas patungo sa kadiliman’.»

«At Akin itong uulitin. Ang mga anak ng kaharian na ito. Ang kaharian na pinaghaharian ng laman, dugo, kasakiman, pandaraya, kahalayan, krimen. Ngunit hindi iyan ang Aking Kaharian. Ang Aking Kaharian ay ang Kaharian ng Liwanag. Ang inyo ay ang kaharian ng kadiliman. Ang matutuwid na espiritu, kasama na ang sa kasalukuyan ay mga pagano, mga idolatra, kinasusuklaman ng Israel, ay pupunta sa Kaharian ng Liwanag mula sa silangan at kanluran, hilaga at timog. At sila ay mamumuhay sa banal na pakikinabang sa Diyos, dahil tinanggap na nila ang liwanag ng Diyos sa loob ng kanilang mga sarili mismo, habang naghihintay na makataas sa totoong Herusalem, kung saan walang mga luha, walang kapighatian at higit sa lahat walang kasinungalingan. Ang Kasinungalingan na ngayon siyang naghahari sa mundo ng kadiliman at binubusog ang mga anak nito hanggang sa kabúndatan na hindi na sila makahawak ng isang munting sinag ng dibinong Liwanag. O! gawing makarating ang bagong mga anak at palitan ang nagkakailang mga anak! Gawin silang makarating! At kahit saan man sila manggaling, sila ay paliliwanagan ng Diyos at maghahari hanggang sa magpakailanman at walang hanggan!»

«Kayo ay nagsalita upang insultuhin kami!» sigaw ng palaban na mga Judaean.

«Ako ay nagsalita upang sabihin sa inyo ang katotohanan.»

«Ang Inyong kapangyarihan ay nasa Inyong pananalita, na sa pamamagitan nito Kayo, ang bagong ahas, ay nanrarahuyo at nagliligaw sa mga pulutong.»

«Ang Aking kapangyarihan ay ang lakas na dumarating sa Akin sa pagiging Isa kasama ang Aking Ama.»

«Lapastangan!» sigaw ng mga pari.

«Tagapagligtas! Ikaw, na nakahiga sa Aking paanan, ano ang iyong ipinaghihirap?»

«Nabali ko ang aking gulugod noong ako ay bata ba at sa tagal nang tatlumpung taon ako ay laging nakahiga.»

«Bumangon at maglakad! At ano ang ipinaghihirap mo, babae?»

«Ang aking mga paa ay lagi nang nakabitin nang walang-pakiramdam mula pa nang ang aking anak, na ngayon ay siyang nagdadala sa akin kahit saan kasama ang aking asawa, ay ipinanganak» at itinuturo niya ang isang bata-pang lalaki na mga labing-anim na taon gulang man lamang.

«Bumangon din, at purihin ang Panginoon. At bakit ang batang iyan hindi naglalakad nang mag-isa?»

«Sapagkat siya ay ipinanganak na medyu-medyo, bulag, bingi at pipi. Siya ay isang tumpok ng humihingang laman» paliwanag ng mga kasama ng bata.

«Sa Ngalan ng Diyos, magkaroon ng katalinuhan, pagsasalita, paningin at pakinig. Gusto Ko ito.» at pagkatapos na magawa ang ikatlong himala. Hinarap Niya ang Kanyang mga kaaway at nagtanong: «Ano ang masasabi ninyo ngayon?»

«Kahina-hinalang mga himala. Bakit hindi Ninyo pagalingin ang Inyong kaibigan at taga-suporta, kung mayroon man Kayong nagagawang kahit na ano?»

«Sapagkat iba ang gusto ng Diyos.»

«Ah! Ah! Ang Diyos! Isang magandang dahilan! Kung dadalhan namin Kayo ng isang may sakit, hindi, bagkus, dalawa, pagagalingin ba Ninyo sila?»

«Pagagalingin Ko, kung karapat-dapat sila nito.»

«Maghintay kung gayon » at sila ay umalis nang mabilis, ngumingisi nang mapanuya.

«Mag-ingat, Guro! Baka maglagay sila ng patibong para sa Inyo» sabi ng ilan.

Si Jesus ay sumenyas na tila ibig Niyang sabihin: «Gawin nila ang gusto nila!» at Siya ay yumuko upang haplusin ang mga bata, na sa unti-unti ay lumapit sa Kanya. iniiwan ang kanilang mga kamag-anak. Ang ilan sa mga ina ay ginagaya sila, dinadala sa Kanya ang mga hindi pa matatag sa kanilang unang mga paghakbang o mga pasusuhin pa.

«Pagpalain ang aming mga anak, Pinagpalang Isa, sapagkat kami ay mga mangingibig ng Liwanag!» sabi ng mga ina.

At si Jesus ay ipinapatong ang Kanyang mga kamay, pinagpapalà sila. Ito ay nakagawa ng isang kaingayan sa pulutong. Ang lahat na may mga anak ay gusto ang gayon ding pagpapalà at sila ay tumutulak at sumisigaw upang makaraan sa pulutong.

Ang mga apostol, kapwa dahil sila ay nainis ng dating kalokohan ng mga eskriba at mga Pariseo, at dahil naaawa sila kay Lazarus, na baka maitulak nang palayo ng dagsa ng mga kamag-anak sa pagdadala ng kanilang maliliit sa dibinong pagpapalà, ay nawalan ng pasyensiya at sumigaw nang nagagalit at tinulak nang pabalik ang isang ito at ang isang iyon, lalo na ang mga bata na mag-isang pumunta roon mismo. Ngunit si Jesus ay nagsabing may-kabaitan at mapagmahal: «Huwag, huwag gawin iyan! Huwag kailanman pagbawalan ang mga bata na makapunta sa Akin, o ang kanilang mga kamag-anak sa pagdadala sa kanila sa Akin. Sapagkat ang Kaharian ay gawa ng mga inosenteng kaluluwang ito. Hindi sila magkakaroon ng kasalanan sa malaking Krimen, at sila ay lálaki sa Aking Pananampalataya. Hayaan Ako kung gayon na ikonsagra sila rito. Ang kanilang mga  anghel ay dinadala sila sa Akin.»

Si Jesus ay nasa gitna na ngayon ng isang pulutong ng mga bata nakatingin sa Kanya nang nasisiyahang-lubos; napakaraming maliliit na mukhang nakatingala sa Kanya, napakaraming inosenteng mga mata, napakaraming maliliit na ngumingiting mga bunganga...

Ang naka-belong mga binibini ay sinamantala ang kaguluhan upang makaikot sa likuran ng pulutong at makapunta sa likuran ni Jesus, na tila sila ay inuudyukan ng pag-uusyoso na gawin ito.

Ang mga Pariseo at mga eskriba ay bumalik may kasamang dalawang may-sakit na tao na tila naghihirap sa matinding kirot. Lalo na ang isa na umuungol sa loob ng kanyang maliit na kamilya, at ganap na natatakpan ng isang manta. Ang isa na mukhang hindi seryoso ang kalagayan, ngunit tiyak na malala ang sakit, sapagkat siya ay naging isa nang kalansay at humahangos.

«Naririto ang aming mga kaibigan. Pagalingin sila. Sila ay totoong may sakit. Lalo na ang isang iyon!» at tinuturo nila ang umuungol na isa.

Si Jesus ay ibinaba ang Kanyang mga mata at tinitingnan ang mga maysakit, pagkatapos tinitingnan Niya ang mga Hudyo. Binigyan Niya ng nakapangingilabot na tingin ang Kanyang mga kaaway. Nakatayo sa likuran ng grupo ng inosenteng mga bata, na hindi makaabot sa Kanyang baywang, Siya ay tila tumataas mula sa isang girnalda ng kadalisayan, upang maging ang Tagapaghiganti, na tila mula sa kadalisayang iyon kumukuha Siya ng lakas upang maging ganito. Ibinuka Niya ang Kanyang mga kamay at sumigaw: «Mga sinungaling! Ang lalaking iyon ay walang sakit! Sinasabi Ko sa inyo! Alisan siya ng takip! O siya ay magiging talagang patay sa isang sandali, sa pagtatangkang lokohin ang Diyos.»

Ang lalaki ay tumalon nang palabas sa kanyang kamilya sumisigaw: «Huwag, huwag! Huwag Ninyo akong hampasin! Narito, kayong mga isinumpa, kunin ninyo ang inyong pera!» at nagtapon siya ng isang lukbutan sa paanan ng mga Pariseo at kumuripas ng takbo...

Ang mga pulutong ay umaalulong, tumatawa, sumisigaw ng «bo!», pumapalakpak...

Ang isang maysakit na lalaki ay nagsabi: «At papaano ako, Panginoon? Pinilit nila ako na bumangon sa aking higaan at pinagmamalupitan nila ako mula pa kaninang umaga... ngunit hindi ko alam na ako ay nasa mga kamay ng Inyong mga kaaway...»

«Maging magaling, kaawa-awang anak, at pagpalain ka sana!» at ipinapatong Niya ang Kanyang mga kamay sa kanya, pagkatapos na makaraan siya sa gitna ng mga bata.

Ang lalaki ay itinaas nang sandali ang blanket na nagtatakip sa kanyang katawan at tinitingnan ang kung ano ang hindi ko alam... Pagkatapos siya ay tumayo. Siya ay hubad mula sa kanyang mga hita pababa. At siya ay sumigaw nang sumigaw hanggang sa siya ay mamaos: «Ang aking paa! Ang aking paa! Ngunit sino Kayo, Na nakapagbibigay ng nawala na?» at itinapon niya ang kanyang sarili sa paanan ni Jesus. Pagkatapos siya ay tumayo, tumalun-talon nang kakatwa sa ibabaw ng kanyang kamilya sumisigaw: «Ang aking sakit ay inuubos ang aking mga boto. Ang aking doktor ay pinutol ang mga daliri ng aking paa, pinasô ang aking laman at pinutol ako hanggang sa aking tuhod. Tingnan! Tingnan ang mga peklat. Ngunit mamamatay pa rin ako. At ngayon... ang lahat ay magaling na! Ang aking paa ay naibalik... Hindi na ito masakit! Maganda ang pakiramdam ko... malakas... Ang aking dibdib ay malaya... Ang aking puso ay malusog! O! inay! Ako ay darating upang bahaginan kayo ng aking lugod!»

Siya ay nagsisimulang tumakbo. Ngunit ang pagpapasalamat ay pinatigil siya. Bumalik siya kay Jesus at hinahalikan niya nang paulit-ulit ang Kanyang mga paa, hanggang si Jesus, hinahaplos ang kanyang ulo, ay nagsabi sa kanya: «Lakad! Pumunta sa iyong ina at maging mabuti.».  Pagkatapos Kanyang tinitingnan ang Kanyang mga kaaway, na napatigil sa panunuya at nagsabi: «At ngayon? Ano ang kailangan Kong gawin sa inyo? Ano ang kailangan Kong gawin, mga tao, pagkatapos ng pagsubok na ito?»

Ang mga pulutong ay sumigaw: «Batuhin ang mga may kasalanan sa Diyos! Kamatayan sa kanila! Wala nang mga patibong sa Banal na Isa! Maisumpa sana kayo!» at nagsisimula na silang mamulot ng mga tipak ng lupa, mga sanga, maliliit na bato, handa nang ibato sa kanila.

Si Jesus ay pinatigil sila. «Iyan ang salita ng mga pulutong. Iyan ang kanilang sagot. Ang Akin ay iba. Sinasabi Ko: Lumayas kayo! Hindi Ko dudungisan ang Aking mga kamay hinahampas kayo. Ang Kataastaasan ang bahala sa inyo. Siya ang Aking pananggalang laban sa masama.»

Ang mga may kagagawan, sa halip na nananahimik, ay hindi nag-alinlangan na saktan ang Guro, at bagama't natatakot sila sa mga tao, sila ay sumisigaw umuusok sa galit: «Kami ay mga Judaean at kami ay makapangyarihan! Inuutos namin na umalis Kayo. Pinagbabawalan namin Kayo na magturo. Pinalalayas ka namin. Layas! Tama na ang tungkol sa Inyo. Ang kapangyarihan ay nasa aming mga kamay at ginagamit namin ito; at gagamitin pa namin ito nang gagamitin, inuusig Kayo, isinumpang mangangamkam...»

Magsasalita pa sana sila nang mas marami sa kaingayan ng mga sigawan, mga pag-iyak, mga pagsirit nang ang pinakamataas na nakabelong babae ay pumunta sa harapan, inilalagay ang kanyang sarili sa pagitan ni Jesus at ng Kanyang mga kaaway sa pamamagitan ng mabilis na dominanteng pagkilos, sa pamamagitan pa ng mas dominanteng hitsura at tinig; inalisan niya ng takip ang kanyang mukha at ang kanyang pangungusap ay bumabagsak nang mas matalas at mas mahapdi pa kaysa sa isang latigo sa mga alipin sa galera o sa isang palakol sa isang batok: «Sino sa inyo ang nakakalimot na siya ay isang alipin ng Roma?» Siya ay si Claudia. Itinakip niya ulit ang kanyang belo. Yumuko siya nang magaan sa Guro. Bumalik siya sa kanyang lugar. Sapat na iyon.

Ang mga Pariseo ay kumalma kaagad. Isa lamang, sa katauhan ng lahat, ang nagsabi nang may gumagapang na pagka-alipin: «Patawarin kami, domina! Ngunit ginagambala Niya ang matagal nang espiritu ng Israel. Dahil sa kayo ay makapangyarihan, kailangan na pagbawalan ninyo Siya at gawin ang matapang na makatarungan na Proconsul na pagbawalan Siyang gambalain ito; mahabang buhay at kalusugan sa kanya!»

«Wala kaming pakialam diyan. Sapat na na hindi Niya ginagambala ang utos ng Roma. At hindi Niya ito ginagawa!» tugon nang mapanuya ng patrisyo, na pagkatapos ay nagbigay ng matalas na utos sa kanyang mga kasamahan at umalis patungo sa isang palumpungan ng mga kakahuyan sa dulo ng daan at nawala sa likuran nito. Siya ay lumitaw muli sa loob ng isang lumalangitngit na may-takip na bagon, na ang lahat na kurtina nito ay iniutos niya na ibaba.

«Masaya na ba Kayo ngayon na nagawa Ninyong kami ay insultuhin?» tanong ng mga Judaean, mga Pariseo, mga eskriba at ng kanilang mga kasamahan, gumagawa ng bagong atake.

Ang mga pulutong ay sumisigaw nang mapanuya. Sina Jose, Nicodemus at ang lahat na napatunayan na mga kaibigan – sa pagitan nila ay naroon ang anak ni Gamaliel, na hindi sumama sa kanila ngunit nagsalita ng gayon ding mga salita – ay naramdaman na sila ay kailangan na makialam at kagalitan ang iba sa paglampas sa lahat ng mga limitasyon. Ang pagtatalo kung gayon ay lumipat mula sa mga kaaway ni Jesus patungo sa dalawang magkasalungat na mga grupo, naiiwan ang Isang mas interesado rito.

Si Jesus ay tahimik, ang mga kamay nakakursomano, nakikinig, at sa aking palagay nagpapalabas Siya ng kapangyarihan upang mapigilan ang mga pulutong at lalo na ang mga apostol, na nawawala sa kanilang mga sarili sa galit.

«Kailangan na ipagtanggol natin ang ating mga sarili at ang ibang mga tao» sigaw ng isang mainit ang ulo na Hudyo.

«Sawa na tayong nakikita ang nararahuyong mga pulutong na humahabol sa Kanya» sabi ng isa pa.

«Tayo ang mga makapangyarihan! Wala nang iba pa! Tayo lamang ang kailangan na mga dapat pakinggan at sundan» sigaw ng isang eskriba.

«Lumayas dito! Ang Herusalem ay amin!» sigaw ng isang pari na kasing pula ng isang ugat ng rimulatsa.

«Kayo ay masama!»

«Kayo ay mas mahigit pang bulag!»

«Ang mga pulutong ay iniwan kayo, sapagkat nararapat ito sa inyo.»

«Maging banal kung ibig ninyong mamahal. Kung nang-iinis at nang-iinsulto kayo ng mga tao, nawawala ang inyong kapangyarihan, na nakasalalay sa reputasyon ng mga tao para sa kanilang mga gobernador!» sigaw ng mga katunggaling partido at ng marami sa pulutong.

«Katahimikan!» utos ni Jesus. Ang nang nagkaroon ng katahimikan, sinabi Niya: «Ang paniniil at imposisyon ay hindi magpapabago sa pagmamahal o sa mga resulta ng tinanggap na kabutihan. Ang nakukuha Ko ay kung ano ang Aking naibigay: pagmamahal. Sa pag-uusig sa Akin, pinalalaki lamang ninyo ang pagmamahal na iyan, na sumusukli sa Akin para sa inyong pagka-walang pakialam. Sa lahat ng inyong karunungan, hindi ba ninyo nalalaman na ang mang-usig ng isang doktrina ay walang ibang nagagawa bagkus ang palakihin ang kapangyarihan na iyan, lalo na kung ang doktrina sa katotohanan ay tumutugma sa kung ano ang itinuturo nito? Makinig sa isang hula Ko, sambayanan ng Israel. Habang mas inuusig ninyo ang Rabbi ng Galilee at ang Kanyang mga tagasunod, nagsisikap na masira sa pamamagitan ng karahasan ang Kanyang Doktrina, na isang dibinong Doktrina, mas lalo ninyo itong tinutulungan na tumagal at kumalat sa buong mundo. Ang bawat patak ng dugo ng mga martir na pinatay ninyo, umaasang magtagumpay at maghari sa pamamagitan ng inyong maruming mapagkunwaring mga batas at mga alituntunin, na hindi na tumutugma sa Batas ng Diyos, bawat luha ng mga santo na sinisiil ninyo, ay magiging ang binhi ng mga maniniwala sa hinaharap. At kayo ay matatalo kung kailan lamang iniisip ninyo na kayo ay magtatagumpay. Humayo. Ako ay hahayo din. Ang mga nagmamahal sa Akin ay kailangan na hanapin Ako sa mga hangganan ng Judaea at sa ibayo ng Jordan, at makapaghihintay sila sa Akin doon, sapagkat katulad ng kidlat na kumikislap mula sa silangan patungong kanluran, napakabilis ang magiging paggalaw ng Anak ng tao, hanggang sa akyatin Niya ang altar at ang trono, bagong Pontipise at Hari, at mananatili roon nang matatag sa presensya ng mundo, ng sangnilikha at ng Langit, sa isa sa Kanyang maraming pagpapakita, na tanging ang mabubuting tao lamang ang makaiintindi.»

Ang palaban na mga Pariseo at ang kanilang mga kasamahan ay nakaalis. Ang lahat na iba pa ay nananatili. Ang anak ni Gamaliel ay naghihirap laban sa kanyang sarili na makalapit kay Jesus, ngunit siya ay umalis nang hindi nagsasalita...

«Guro, hindi Ninyo kami kapopootan dahil kabilang kami sa antas ng lipunan na kinabibilangan nila?» tanong ni Eleazar.

«Hindi Ako kailanman nanghahampas ng anathema sa isang tao dahil lamang ang kanyang kinabibilangan ay may pagkakasala. Huwag matakot» tugon ni Jesus.

«Kapopootan na nila kami ngayon...» bulong ni Joachim.

«Iyan ay magiging isang karangalan para sa atin!» bulalas ni Juan, ang miyembro ng Sanhedrin.

«Harinawang palakasin ng Diyos ang urong-sulong na mga kaluluwa at pagpalain ang malalakas. pinagpapalà Ko ang lahat sa ngalan ng Panginoon» at ibinubuka ang Kanyang mga kamay binibigay Niya ang pagpapalà ni Moses sa lahat ng mga taong naroroon.

Pagkatapos Siya ay nagpapaalam kay Lazarus, sa kanyang mga kapatid, kay Maximinus, sa mga babaeng disipulo, at Siya’y umalis.

Ang berdeng kabukiran sa mga tabi ng daan patungong Jericho ay tinatanggap Siya habang ang mga tanim nito ay nagiging mapula sa loob ng maluwalhating paglubog ng araw.

270920



Sunod na kabanata