378. Pagawing Bundok  Adomin.

Pebrero 7, 1946.

«Dumidilim na, saan tayo pupunta?» ang mga apostol ay nagtatanong sa isa’t isa. Sila ay nagsasalita sa mababang tinig tungkol sa nangyari. Wala  silang sinasabing anuman nang malakas, dahil ayaw nilang papaghirapin ang Guro, Na maliwanag na labis na nag-iisip.

Ang gabi ay bumabagsak habang sila ay nagpapatuloy, sinusundan ang Guro Na napakaseryoso pa rin. Ang isang nayon ay lumitaw sa paanan ng isang kabit-kabit ng napakabaku-bakong  mga bundok.

«Tayo'y tumigil dito para sa gabi» utos ni Jesus. «O kung baga, tumigil kayo rito. Aakyat Ako sa mga bundok na iyon upang magdasal...»

«Nag-iisa lang Kayo? Ah! Hindi! Hindi Kayo lalakad nang nag-iisa pataas sa Bundok ng Adomin! Kasama ang lahat na mga magnanakaw na iyon na naghihintay para sa Inyo, hindi, hindi Kayo aalis!...» sabi ni Pedro nang matatag-na-matatag.

«Ano ang magagawa nila sa Akin? Wala Akong kahit ano!»

«Mayroon Kayo... ng Inyong Sarili. Ang sinasabi ko ay ang tungkol sa tunay na mga magnanakaw, tungkol sa mga napopoot sa Inyo. At ang Inyong buhay ay sapat-na-sapat na para sa kanila. Hindi Kayo dapat na patayin katulad ng... katulad ng... gayon, ang ibig kong sabihin, sa isang karuwagan na pang-aatake. Bibigyan Ninyo ang Inyong mga kaaway ng pagkakataon na makapag-imbento ng ang kabutihan ang nakaaalam kung ano upang mailigaw ang mga pulutong mula sa Inyong doktrina» pamimilit ni Pedro.

«Si Simon ni Jonah ay tama, Guro. May labis na kakayahan silang itago ang Inyong katawan at pagkatapos sabihin na Kayo ay lumayas sapagkat nalaman Ninyo na Kayo ay nadiskubre. O... madadala pa nila Kayo sa mga lugar na kilalang masasama, sa bahay ng isang puta, at pagkatapos sasabihin: “Kita ninyo kung saan at kung papaano Siya namatay? Sa pakikipag-away tungkol sa isang puta”. Tamang-tama ang Inyong sinabi: “Ang usigin ang isang doktrina ay ang palakihin ang kapangyarihan nito” at napuna ko na ang anak ni Gamaliel, na hindi ko inaalisan ng paningin, ay tumatango sa pagsang-ayon habang ito ang Inyong sinasabi. Ngunit tama rin na sabihin na ang mailagay ang isang santo at ang kanyang doktrina sa panunuya ay ang pinaka ligtas na armas upang pabulaanan ang kanyang doktrina at mawala sa kanya ang pagtanaw ng mga pulutong» sabi ni Judas Tadeo.

«Siyempre. At iyan ay hindi dapat na mangyari sa Inyo» hinuha ni Bartolomeo.

«Huwag Ninyong ilantad ang Inyong Sarili sa mga pamamaraan ng Inyong mga kaaway. Isipin na hindi lamang Kayo ang masisira, bagkus ang Kalooban din Niya Na nagpadala sa Inyo ay magagawang walang-laman sa pamamagitan ng kawalang-kahinahunan na iyan, at makikita ng isa na ang mga anak ng Kadiliman ay natalo, sa pansamantala man lamang, ang mga anak ng Liwanag» dagdag ng Zealot.

«Tama iyan! Lagi Ninyong sinasabi, at nasasaktan Ninyo ang aming mga puso, na Kayo ay papatayin. Naaalaala noong Inyong kinagalitan si Simon Pedro at hindi ko sasabihin sa Inyo: «Gawin na huwag mangyari iyan”. Ngunit sa palagay ko hindi ako si Satanas kung sabihin ko: ‘Maging iyan man lamang ang Inyong kaluwalhatian, bilang malinaw na tatak ng Inyong kabanalan, at tiyak na pagpapatunay sa pagkakasala ng Inyong mga kaaway. Upang sana ang mga pulutong ay malaman at magkaroon ng balidong mga rason na makita ang kaibahan at maniwala”. Iyan man lamang, Guro. Ang banal na misyon ng mga Macabeo ay hindi kailanman lumabas na napakabanal katulad nang si Judas, ang anak ni Mattathias, ay namatay bilang isang bayani at tagapagligtas sa larangan ng digmaan. Ibig ba Ninyong umakyat sa Bundok Adomin? Kami ay sasama sa Inyo. Kami ay Inyong mga disipulo! Saan man Kayo pupunta bilang aming Ulo, kami ay sasama bilang Inyong mga ministro» sabi ni Tomas, at bihira ko siyang mapakinggan na magsalita na may dakilang bisa ng pananalita na ganyan.

«Iyan ay totoong-totoo! At kung Kayo ay kanilang aatakihin, kailangan na atakihin nila muna kami» marami sa kanila ang nagsasabi.

«O! Hindi nila tayo aatakihin nang napakadali! Pinagagaling pa nila ang kirot ng mga salita ni Claudia at... sila ay napaka... napakatuso! Kailangan na isipin nila na si Pontio ay malalaman kung sino ang parurusahan para sa Inyong kamatayan. Napagtaksilan nila ang kanilang mga sarili sa mga mata ni Claudia at iisipin nila ang tungkol diyan at mag-iisip sila ng mga patibong na mas maaasahan kaysa sa bulgar na pánlalabán. Baka katangahan sa atin ang matakot. Tayo ay hindi na ang kaawa-awang di-kilalang mga tao ng nakaraan. Naririyan na si Claudia ngayon!» sabi ni Iskariote.

«Mabuting-mabuti... Ngunit huwag tayong makipagsapalaran nang kahit ano. Ano ang ibig Ninyong gawin sa Bundok Adomin?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Ibig Kong magdasal at makakita ng isang lugar kung saan kayong lahat makapagdarasal sa mga susunod na araw, upang maging handa sa bagong patindi-nang-patinding mga pakikibaka.»

«Laban sa ating mga kaaway?»

«Laban din sa ating mga kaakuhan. Malaki ang Aking pangangailangan na mapalakas.»

«Ngunit hindi ba’t sinabi Ninyo na ibig Ninyong pumunta sa mga hangganan ng Judaea at sa ibayo ng Jordan?»

«Oo, at gagawin Ko. Ngunit pagkatapos ng pagdarasal. Pupunta Ako sa Achor at pagkatapos sa Jericho daan ng Doco.»

«Hindi, Panginoon! Malas na mga lugar iyan para sa mga santo ng Israel. Huwag Kayong pumunta roon. Sasabihin ko sa Inyo, nararamdaman ko ito! Mayroong isang bagay sa loob ko na nagsasabi sa akin. Huwag Kayong pumunta! Sa ngalan ng Diyos, huwag pumunta!» sigaw ni Juan, na tila nasa punto na mawalan ng malay-tao, na tila siya napanghahawakan ng ramdam-na-ramdam na takot...

Lahat sila ay tinitingnan siya sa pagtataka, katulad ng hindi pa nila siya nakita nang ganyan dati. Ngunit walang sumisimangot sa kanya. Nararamdaman nilang lahat na sila ay nasa presensya ng isang sobrenatural na katotohanan na sila ay magalang na nananatiling tahimik.

Si Jesus din ay tahimik hanggang sa nakita Niya siyang nakapanumbalik sa normal na hitsura at napakinggan siyang nagsabi: «O aking Panginoon! Gaano ako naghirap!»

«Alam Ko. Pupunta tayo sa Bundok Cherith. Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong espiritu?» Ako ay lubos na humahanga sa respetong binibigay ni Jesus sa pagsasalita sa Kanyang napupuspos na apostol...

«Tinatanong Ninyo ako, Panginoon? Kayo, ang Kabanalbanalang Karunungan, tinatanong ang isang kaawa-awang tangang bata!»

«Oo, tinatanong kita. Ang pinaka aba ay ang pinaka dakila kapag mapagpakumbaba siyang nakikipag-ugnayan sa Panginoon para sa ikabubuti ng kanyang mga kapatid. Sabihin sa Akin.»

«Oo, Panginoon. Pumunta tayo sa Bundok Cherith. May mga bangin doon kung saan ligtas nating mapagmumuni-munihan ang ating mga naiisip sa pagninilay-nilay, at ang mga daan patungong Jericho at Samaria ay hindi na malayo. Bababain natin ang bundok upang maipon ang mga nagmamahal sa Inyo at umaasa sa Inyo at amin silang dadalhin sa Inyo, o dadalhin namin Kayo sa kanila, at amin ding pakakanin ang aming mga kaluluwa sa pamamagitan ng panalangin... At ang Panginoon ay bababa at magsasalita sa aming mga espiritu... at bubuksan ang aming mga tainga, na nakaririnig sa Salita ngunit hindi Siya lubos na naiintindihan... at higit sa lahat paaapuyin ang aming mga puso sa pamamagitan ng Kanyang apoy. Sapagkat tanging kapag lamang kami ay umapoy, matatagalan namin ang mga pagpapahirap ng Lupa. Sapagkat tanging kapag maipaghirap muna namin ang matamis na pagpapakamartir ng ganap na pagmamahal, kami magiging handa na ipaghirap ang pagpapahirap ng pantaong kapootan... Panginoon... ano ang aking sinabi?»

«Ang Aking mga salita, Juan. Huwag matakot. Tayo ay tumigil dito kung gayon, at bukas sa pagsikat ng araw aakyatin natin ang bundok.»

270910



Sunod na kabanata