379. Pagkatapos ng Pagretiro sa Bundok ng Cherith.

Pebrero 9, 1946.

Paminsan-minsan posibleng masulyapan ang mga bahagi ng Dead Sea, na nasa timog ng lugar kung nasaan ngayon ang mga apostol kasama ang Guro, mula sa grupo ng mga bundok, na tila gusto pang tumaas  nang tumaas. At, sasabihin ko, na ang bawat yugto ng kanilang pagsisikap ay namamarkahan ng isang baku-bakong kabit-kabit na mabatong mga burol, na may matatarik na humihilig na mga tabi, nahahati ng makikipot na lambak nakakatulad ng napakalaking mga hiwa at nakokoronahan ng mababangis na taluktok. Hindi posibleng makita ang Jordan at ang mapayapang matabang lambak, o ang Jericho o ibang mga bayan. Walang makikita ang isa bagkus mga bundok tumataas patungong Samaria, at ang mapanglaw na Dead Sea sa pamamagitan ng makipot na bangin sa pagitan ng dalawang patilos na mga bundok. Sa ibaba sa lambak ay may isang tubig na umaagos mula sa kanluran patungong silangan pagawing Jordan. May malakas na pagtili ng mga lawin at pagkukak ng mga uwak sa maningning na asul na kalangitan. Maraming mga ibon ang sumisiyap sa pagitan ng mga sanga ng mabangis na mga dalisdis. ang mga hangin ay bumubulong nang kasing suwabe ng mga plawta sa pagitan ng mga bangin, nagdadala ng malayong mga amoy at mga ingay, o natatalo ang mga nasa malapit, ayon sa kung sila ay magaan o malakas. Isang di-karaniwan kampanilya ang maririnig paminsan-minsan mula sa daan, na maaaring nasa ibaba sa lambak. Maririnig din ng isa ang paghuni ng mga tupang nanginginain sa maliliit na kapatagan at ang ingay ng tubig na tumutulo mula sa mga bato o bumubulong sa mga ilog. Ngunit ang panahon ay mabuti, tuyo at katamtaman, ang mga panabi ng bundok ay natatakpan ng maniningning na bulaklak na nangingibabaw sa kaligiran ng esmeraldang berdeng mga damo, at mga punpon ng mga bulaklak at mga bitin ay nakabitin sa katawan ng mga punungkahoy at sa mga sanga at ang tanawin ng lugar ay napakakaaya-aya.

Ang mga mukha ng labintatlong lalaking naipon doon ay masayang-masaya, nagniningning sa sobrenatural na kaligayahan. Ang mundo ay nakalimutan... Ito ay malayo... Ang kanilang mga espiritu ay nakapanumbalik mula sa maraming pagkayanig, sila ay nasa loob na muli ng kabilugan ng sinag-sa-ulo ng Diyos, ibig sabihin, sa kapayapaan. At ang kapayapaan ay makikita sa kanilang mga hitsura.

Ngunit ang pagpapahinga ay tapos na, at si Jesus ay ito ang sinasabi sa kanila. At si Pedro ay inuulit ang kanyang panalangin sa Bundok ng Tabor: »O! Bakit hindi tayo tumigil dito? Ang gandang mapunta rito na kasama Kayo!»

«Sapagkat may gawain na naghihintay sa atin, Simon ni Jonah. Hindi tayo maaaring nasa pagninilay-nilay lamang. Ang mundo ay naghihintay para sa ating pagtuturo. Ang mga manggagawa ng Panginoon ay hindi makatitigil kung may mga bukid na kailangang tamnan.»

«Kung gayon... sa dahilan na ako ay nagiging mabuti nang kaunti kapag ako ay nakahiwalay lamang katulad ngayon, hindi ko kailanman magagawa ito... Ang mundo ay napakalaki! Papaano natin matatrabaho ang lahat ng ito at pagkatapos isipin na lamang ang tungkol sa Inyo bago mamatay?»

«Tiyak na hindi ninyo ito matatrabaho lahat. Mangangailangan ito ng daan-daan na mga taon. At kapag ang isang bahagi ay natrabaho na si Satanas ay pupunta roon upang sirain ang natapos na. Ito kung gayon ay isang patuloy na pagtatrabaho na tatagal hanggang sa katapusan ng mundo.»

«Bueno, kung gayon, papaano namin magagawang maging handa upang mamatay?» si Pedro ay totoong nalulungkot.

Si Jesus ay tinitiyak sa kanyang muli niyayakap siya at nagsasabi: «Magkakaroon kayo ng panahon. Hindi ito matagal. Ang isang gawain ng perpektong pagsisisi ay sapat nang maihanda kayo sa pagharap sa Diyos. At magkakaroon kayo ng lahat na panahon na kailangan ninyo. Maging ano pa man kailangan na malaman ninyo na sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ang isa ay laging inihahanda ang sarili sa pagkamatay sa kabanalan. Kung gusto ng Diyos na kayo ay maging aktibo at kayo ay sumunod, nakapaghahanda kayo nang mas mabuti sa pagsunod kaysa sa pagreretiro sa pinaka liblib na mga bato upang magdasal at manalangin. Kumbinsido ka ba?»

«Sigurado! Iyan ang sinasabi Ninyo! Kung gayon ano ang kailangan nating gawin?»

«Maglakad sa mga daan sa lambak. Ipunin ang mga naghihintay para sa Akin at ituro ang Panginoon at ang pananampalataya hanggang sa dumating Ako.»

«Mananatili ba Kayo nang nag-iisa rito?»

«Siyempre. Huwag matakot. Nakikita ninyo na kung minsan ang kasamaan ay may nagagawang ilang tulong sa kabutihan. Si Elijah ay pinakakain dito noon ng mga uwak. Masasabi natin na ang mababagsik na buwitre ay pinakain tayo.»

«Sa palagay ba Ninyo iyon ay isang uri ng simula ng pagbabalik-loob sa Diyos?»

«Hindi. Ngunit ang karidad, bagama't iyon ay dahil sa konsiderasyon na sa pagtrato sa atin nang may kaluwagang-loob, mailalagay tayo sa isang sitwasyon na hindi natin sila pagtataksilan...

«Ngunit hindi natin sila mapagtataksilan!» bulalas ni Andres.

«Hindi. Ngunit ang sawing-palad na mga magnanakaw ay hindi iyan nalalaman. Walang espirituwal na pakiramdam sa loob nila, napabibigatan ng mga krimen katulad nila.»

«Panginoon, sinasabi Ninyo kanina na ang karidad... Ano sana ang sasabihin Ninyo?» tanong ni Juan.

«Ibig Kong sabihin kanina: ang katunayan na trinato tayo nila nang may karidad ay gagantimpalaan, ang mabubuti man lang sa kanila. Ang pagbabalik-loob sa Diyos na hindi nangyari ngayon, ay maaaring magtrabaho nang unti-unti, ngunit ito ay maaaring mangyari. Iyan kung bakit sinabi Ko sa inyo: “Huwag tanggihan ang kanilang mga pag-aalay”. At tinanggap Ko ito bagama't naaamoy Ko ang baho ng kasalanan sa mga ito.»

«Ngunit wala Kayong kinain na kahit na ano...»

«Ngunit hindi Ko pinahiya ang mga makasalanan sa pagtanggi sa mga iyon. Mayroon silang mabuting pakiramdam sa simula. Bakit sirain ito? Ang ilog na iyon doon, hindi ba’t nagsimula iyan sa bukal na tumatagas mula sa batong-ungos na iyon? Laging tandaan iyan. Ito ay isang leksiyon para sa inyong pamumuhay sa hinaharap, kapag Ako ay hindi na ninyo nakakasama. Kung sa inyong apostoladong mga paglalakbay makatagpo kayo ng mga kriminal, huwag kayong umasal katulad ng mga Pariseo, na pinandidirihan ang lahat, at hindi nila naiisip na dapat pandirihan muna nila ang kanilang mga sarili, maruruming katulad nila. Bagkus lapitan sila nang may dakilang pagmamahal. Ibig Kong masabi “may walang-hangganang pagmamahal”. Hindi, bagkus, iyan ang sinasabi Ko. At iyan ay posible, bagama't ang tao ay “may-hangganan, limitado” sa kanyang mga kilos at mga ginagawa.

Nalalaman ba ninyo kung papaano makukuha ng tao ang walang-hangganang pagmamahal? Sa pagiging lubos na nakaka-isa ang Diyos, hanggang sa kaisa ang Diyos sa lahat ng bagay. Pagkatapos, dahil ang nilikha ay nawawala na sa Tagapaglikha, ang Tagapaglikha na ang totoong kumikilos, at Siya ay walang-hangganan. At ang Aking mga apostol ay kailangan na ganyan, kaisa ang Diyos sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagmamahal, na napakalapit sa Pinanggalingan hanggang sa matunaw dito. Hindi sa pamamaraan kung papaano kayo nagsasalita, bagkus sa pamamaraan kung papaano kayo nagmamahal, ang makapagpapabalik-loob  sa mga puso sa Diyos. Makatatagpo ba kayo ng mga makasalanan? Mahalin sila. Maghihirap ba kayo dahil sa mga disipulo na naliligaw? Subukan na mailigtas sila sa pamamagitan ng pagmamahal. Alalahanin ang parabula tungkol sa nawawalang tupa. O! magpasawalanghanggan at magpakailanman iyan ang magiging matamis na pang-akit sa mga nagkakasala. Ngunit iyan din ang tiyak na utos na ibibigay sa mga pari. Sa pamamagitan ng bawat pamamaraan, bawat sakripisyo, hanggang sa baka kayo mawalan ng inyong sariling buhay sa pagtatangkang makapagligtas ng isang kaluluwa, kailangan na kayo ay matiyagang lumakad at hanapin ang mga nawawala at dalhin silang muli sa Kawan. Ang pagmamahal ay bibigyan kayo ng lugod ito ay magsasabi sa inyo: “Huwag matakot”. Bibigyan kayo nito ng isang kapangyarihan upang lumaganap sa buong mundo, katulad na hindi Ko Mismo naari. Ang pagmamahal ng makatarungang mga tao sa hinaharap ay hindi na ilalagay bilang isang tatak sa puso at sa braso, katulad ng sinasabi sa Awit ng mga Awit. Bagkus ito ay ilalagay sa loob ng puso. Ito ang kailangan na maging ang pang-udyok na magtutulak sa mga kaluluwa sa lahat ng pagkilos. At ang bawat pagkilos ay kailangan na maging labis-labis na kasaganaan sa karidad, na hindi na nakukontento sa pagmamahal sa Diyos o sa kapwa nang sa isip lamang, bagkus pinapasok nito ang listahan ng mga kaaway ng Diyos, upang mamahal ang Diyos at ang kapwa nang kongkreto, sa pamamagitan din ng mga gawaing materyal, na magdadala sa mas malawak at mas perpekto pang mga pagkilos tinatangka ang katubusan at pagiging-banal ng mga kapatid.

Sa pamamagitan ng pagninilay namamahal ng isa ang Diyos, sa pamamagitan ng pagkilos namamahal ng isa ang kanyang kapwa, ngunit ang dalawang pagmamahal ay hindi magkahiwalay, sapagkat may iisang pagmamahal lamang, at sa pagmahal sa ating kapwa namamahal natin ang Diyos Na siyang nag-utos ng pagmamahal na ito at nagbigay sa atin ng ating kapwa bilang isang kapatid. Wala sa inyo o sa Hinaharap na mga pari ang makapagsasabi na kayo ay Aking mga kaibigan, kung ang inyong karidad at ang kanila ay hindi ganap na nakatuon sa kaligtasan ng mga kaluluwa, para kung kanino Ako ay nagkatawang-tao at para kung kanino Ako ay maghihirap. Binibigay Ko sa inyo ang halimbawa ng kung papaano ang isa kailangan na magmahal. Ngunit kayo at ang mga darating pagkatapos ninyo, ay kailangan na gawin kung ano ang Aking ginagawa. Ang bagong panahon ay dumating na. Ang panahon ng pagmamahal. Ako ay naparito upang ilagay ang apoy na ito sa mga puso at lalago pa ito nang mas malaki pagkatapos ng Aking Pasyon at Asensyon, at paaapuyin kayo nito kapag ang Pag-ibig ng Ama at ng Anak ay bumaba upang ikonsagra kayo sa inyong ministeryo.

Kadibidibinong Pagmamahal! Bakit Kayo nag-aantala sa pagsunog sa Biktima, sa pagbukas sa mga mata at sa mga tainga, sa pagpaluwag sa mga dila at sa mga galamay ng kawan Kong ito, upang sana  sila ay makapunta sa gitna ng mga lobo at maituro na ang Diyos ay Karidad, at na siya na walang karidad ay isang hayop at isang dimonyo? O! halikayo, katamistamisan at kalakaslakasang Espiritu, at paapuyin ang Lupa, hindi upang sirain ito, bagkus upang padalisayin ito. paapuyin ang mga puso! Gawin silang iba pang mga Kristo, ibig sabihin, mga pinahiran ng langis ng pagmamahal, aktibo para sa pagmamahal, banal at nagpapabanal sa pamamagitan ng pagmamahal.

Pagpalain ang mga nagmamahal, sapagkat sila ay mamahalin, at ang kanilang mga kaluluwa ay hindi kailanman titigil sa pag-awit sa Diyos kasama ang mga anghel hanggang sa aawitin nila ang eternal na kaluwalhatian sa loob ng liwanag ng Langit. Mangyari ito para sa inyo, Aking mga kaibigan. Ngayon humayo at gawin na may pagmamahal kung ano ang Aking sinabi sa inyo.»

280910/012913



Sunod na kabanata