38. Si Maria ang Tagapagturo ni Jesus, ni Judas at ni Santiago.

Oktubre 29, 1944.

jesus sinab

¹Sinasabi ni Jesus:

«Halika, munting Juan, at tingnan. Hawak ng Aking kamay na magdadala sa iyo, pabalik sa mga taon ng Aking kabataan. At kung ano ang makikita mo ay kailangan na maisama sa Ebanghelyo ng Aking pagkabata, kung saan gusto Ko rin na ang pagtira ng Pamilya sa Ehipto ay maisama. Ilalagay mo sila sa ganitong ayos: Ang Pamilya sa Ehipto, pagkatapos ang unang pagtatrabahong leksiyon binigay sa Batang Jesus, pagkatapos ang isang ito na iyo nang isasalarawan, ang tagpo ng Aking mayoridad (ipinangako ngayon, 23 ng Nobyembre), panghuli ang bisyon ni Jesus kasama ang mga doktor sa Templo sa Kanyang ikalabindalawang Kapistahan ng Paskuwa. Ang iyong makikita na ngayon ay wala na walang isang dahilan. Sa kabaligtaran pinaliliwanagan nito ang Aking unang mga taon at pakikisama sa mga kamag-anak. At ito ay isang regalo para sa iyo, sa kapistahan ng Aking Pagkahari, dahil nararamdaman mo ang kapayapaan ng bahay sa Nazareth na ipinapasok sa iyo sa tuwing nakikita mo ito. Magsulat.»

²Nakikita ko ang silid kung saan sila madalas kumain at kung saan si Maria ay nagtatrabaho sa Kanyang habihan o sa pananahing gawain. Ang silid ay malapit sa talyer ni Jose at naririnig ko ang tunog ng kanyang pagtatrabaho. Dito sa halip ay may katahimikan. Si Maria ay nananahi ng ilang piraso ng lana na Kanyang tiyak na hinabi Mismo; sila ay mga isang metro at kalahati ang lapad at doble ang haba at sa palagay ko gagamitin ito para makagawa ng isang manta para kay Jose.

Mula sa pintuan na nagbubukas patungo sa pangkusinang-hardin, mga kusot na mga hilera ng maliliit na tanim ng margarita ay makikita; ang kanilang kulay ay biyoletang asul at sila ay pangkaraniwang tinatawag na «mga Maria» o «mabituing Kalangitan». Hindi ko alam ang kanilang pangalang botanikal. Sila ay ganap na nasa pamumulaklak at dahil dito ngayon ay maaaring taglagas. Ngunit ang kaberdehan ay makapal pa at maganda sa mga tanim at mula sa dalawang bahay ng pukyutan na nakasandal sa isang maaraw na pader, ang mga pukyutan ay lumilipad sa maningning na sinag ng araw humuhugong at sumasayaw, papunta mula sa puno ng igos patungo sa mga baging, at pagkatapos sa isang puno ng granada punó ng bilugan na mga prutas, ang ilan nito ay pumutok na nga sa kalakihan at pinakikita ang kabit-kabit na mga makatas na mga rubi, nakahilera sa loob ng berdeng-pulang kahita na napaghati-hati sa dilaw na mga seksiyon.

³Si Jesus ay naglalaro sa ilalim ng mga puno may kasamang dalawang bata na mga kasing edad Niya. Sila ay may mga kulot na buhok, ngunit hindi sila olandesa. Ang isa, sa kabaligtaran, ay maitim-na-maitim: isang maliit na ulo ng isang maliit na itim na kordero na nagagawa ang balat ng kanyang maliit na bilugang mukha na magmukhang mas maputi pa, at dalawang napakagandang malalaki, mulat-na-mulat na asul na biyoletang mga mata. Ang isa ay hindi masyadong kulot at ang kanyang buhok ay madilim na kulay-kape, ang kanyang mga mata ay kulay-kape at ang kanyang kutis ay mas madilim, ngunit may malarosas na kulay sa kanyang mga pisngi. Ang maliit na olandesang ulo ni Jesus ay nagmumukhang isang apoy ng liwanag. Sila ay naglalaro nang nagkakasundo nang perpekto pinaglalaruan ang ilang maliliit na kariton sa ibabaw nito kung saan... sari-saring mga laman ang naroroon: mga dahon, maliliit na bato, mga pinagkataman ng kahoy, maliliit na piraso ng kahoy. Maaaring naglalaro sila ng pagtitinda-tindahan, at si Jesus ay ang namímili para sa Kanyang Inay, kung Kanino Siya ay nagdadala ng isang bagay, pagkatapos isa pa. Si Maria ay tinatanggap ang lahat na mga binili nang may isang ngiti.

Pagkatapos ang laro ay nagbago. Ang isa sa mga bata ay nagmungkahi: «Paglaruan natin ang Exodo mula sa Ehipto, si Jesus ang magiging Moses, ako ang magiging Aaron, at ikaw... si Maria.»

«Ngunit ako ay lalaki!»

«Hindi na bale. Ganyan pa rin iyan. Ikaw ay si Maria, at ikaw ay sasayaw sa harapan ng gintong goya, at ang gintong goya ay ang bahay-pukyutan na iyon sa banda roon.»

«Hindi ako sasayaw. Ako ay isang lalaki at ayaw kong maging isang babae. Ako ay isang matapat na naniniwala at hindi ako sasayaw sa harapan ng isang diyus-diyusan.»

Si Jesus ay pinutol sila: «Huwag nating laruin ang parteng iyan. Laruin natin ang isa pa: noong si Joshua ay piniling kapalit ni Moses. Kung gayon walang teribleng kasalanan ng idolatra at si Judas ay magiging masaya na maging isang lalaki at Aking kapalit. Masaya ka ba?»

«Oo, masaya ako, Jesus.  Ngunit kung gayon kailangan Mong mamatay, sapagkat si Moses ay namatay pagkatapos. Ngunit ayaw kong mamatay Ka; mahal-na-mahal Mo akong lagi.»

«Ang lahat ay namamatay... ngunit bago mamatay pagpapalain Ko ang Israel, at sa dahilan na kayo lamang ang naririto, pagpapalain Ko ang buong Israel sa katauhan ninyo.»

Sila ay nagkasundo. Pagkatapos nagkaroon ng isang pagtatalo: kung ang sambayanan ng Israel, pagkatapos ng labis na paglalakbay, ay naroon pa rin ang kanilang dating mga kariton na mayroon sila noong umalis sila sa Ehipto. Nagkaroon ng iba-ibang opinyon.

Sila ay lumapit kay Maria. «Inay, sinasabi Ko na nasa kanila pa rin ang kanilang mga kariton. Sabi ni Santiago wala na. Si Judas ay hindi alam kung sino ang tama. Alam ba Ninyo?»

«Oo, Aking Anak. Ang galáng sambayanan ay nasa kanila pa rin ang kanilang mga kariton.  Kinukumpuni nila iyon kapag sila ay nagpapahinga. Ang mas mahihinang tao ay doon isinasakay at ang mga báong pagkain din, at ang maraming mga bagay na kinakailangan para sa napakaraming mga tao ay isinasakay doon. Maliban sa Kaban, na dinadala ng kamay, ang lahat na iba pa ay nasa mga kariton.»

Ang usapín ay naayos na. ⁴Ang mga bata ay bumaba sa ibaba ng lootan at mula roon, umaawit ng mga salmo, sila ay dumaraan patungo sa bahay. Si Jesus ay nasa harapan at umaawit Siya ng ilang mga salmo sa Kanyang magiliw na malaplatang tinig. Sa likuran Niya, ay lumalapit sina Judas at Santiago hawak ang isang maliit na kariton na ginawang isang Tabernakulo. Ngunit sa dahilan na kailangan din nilang pangatawanan ang parte ng mga tao, bilang karagdagan ng pagiging sina Aaron at Joshua, sa pamamagitan ng kanilang mga sinturon nagtali sila ng iba pang maliliit na kariton, at sa gayon nagpapatuloy silang seryosong-seryoso na tila sila ay tunay na mga aktor.

Natahak nila ang buong haba ng pergola, dumaan sila sa harapan ng pintuan ng silid ni Maria at sinabi ni Jesus: «Inay, batiin ang Kaban kapag dumaan.» Si Maria ay tumayo ngumingiti, at yumuko Siya sa Kanyang Anak Na dumaraan, nagliliwanag sa loob ng maningning na sikat ng araw.

Pagkatapos inaakyat ni Jesus ang tabi ng bundok na siyang hangganan ng bahay, o kung baga ang hardin; tumayo Siya nang tuwid sa tuktok ng maliit na gruta, at nagsasalita sa... Israel. Inuulit Niya ang mga utos at mga pangako ng Diyos, itinatalaga Niya si Joshua bilang ang lider, tinatawag siya, at pagkatapos si Judas din ay inakyat ang bangin. Hinihikayat at pinagpapala Niya siya. Pagkatapos humihingi Siya ng isang... maliit na tabla (ito ay isang malaking dahon ng igos) at sinusulat Niya ang kantiko at binabasa ito. Ito ay hindi masyadong kumpleto, ngunit malaki-laking bahagi ang naroon, at tila binabasa Niya ito mula sa dahon. Pagkatapos Kanyang pinakakawalan si Joshua na niyayakap Siyang umiiyak, at pagkatapos umakyat pa Siya nang mas malayo pa, hanggang sa gilid ng bangin. At mula roon pinagpapala Niya ang buong Israel, ibig sabihin ang dalawa na nakapatirapa sa lupa, pagkatapos Siya ay humiga sa maikling damo, isinara ang Kanyang mga mata at... namamatay.

⁵Si Maria, na kanina pa nanonood mula sa pamasukan ng pintuan ngumingiti, noong makita Niya Siyang nakahiga na walang-galaw sa lupa Siya ay sumigaw: «Jesus! Bumangon ka! Huwag Kang humiga nang ganyan! Ang Iyong Inay ay ayaw Kang makitang patay!»

Si Jesus ay bumangong ngumingiti, tumakbong patungo sa Kanya, at hinahalikan Siya. Sina Judas at Santiago rin ay dumating. Tinatanggap din nila ang mga haplos ni Maria.

«Papaano ni Jesus naalaala ang kantiko na iyon na napakahaba at mahirap at ang lahat na mga pagpapalang iyon?» tanong ni Santiago.

Si Maria ay ngumingiti at tumugon: «Ang Kanyang alaala ay napakabuti at nakikinig Siyang mabuti kapag nagbabasa Ako.»

«Ako rin sa paaralan, ay nakikinig. Ngunit pagkatapos inaantok ako gawa ng lahat ng hiyawan... ako ba kaya ay matututo din kung gayon?»

«Matututo ka, maging mabuti.»

⁶Nagkaroon ng pagkatok sa pinto. Si Jose ay naglakad nang mabilis patawid sa lootan at sa silid at binuksan ang pinto.

«Kapayapaan sa inyo, Alfeo at Maria!»

«At sa inyo, at mga pagpapalà.»

Ito ay ang kapatid ni Jose at ang kanyang asawa. Ang isang pangkabukirang kariton, hila ng isang malakas na asno, ay nasa labas sa kalsada.

«Nagkaroon ba kayo ng mabuting paglalakbay?»

«Napakabuti. At ang mga bata?»

«Sila ay nasa hardin kasama si Maria.»

Ngunit ang mga bata ay nakarating na upang batiin ang kanilang ina. Si Maria din ay dumating, hawak si Jesus sa kamay, ang dalawang maghipag ay nagpalitan ng mga halik.

«Sila ba ay naging mabubuti?»

«Napakabuti, at napakamahal. Ang mga kamag-anak ba ay mabubuti ang kalagayan?»

«Oo, lahat mabuti sila. Pinaaabot nila ang kanilang mga pagbati, at nagpadala sila sa Iyo ng maraming regalo mula sa Cana. Mga ubas, mga mansanas, keso, mga itlog, pulot-pukyutan. At... Jose? Natagpuan ko kung ano lamang ang gusto mo para kay Jesus. Ito ay nasa kariton, sa bilog na basket.» Ang asawa ni Alfeo ay ngumingiti. Niyuyukuan niya si Jesus Na nakatingin sa kanya nang mulat-na-mulat ang mga mata, hinahalikan niya Siya sa dalawang kapiraso ng asul na kalangitan na iyon at nagsabi: «Alam Mo ba kung ano ang dala ko para sa Iyo?» Hulaan.»

Si Jesus ay nag-iisip, ngunit hindi Niya mahulaan. Nagdududa ako na ginagawa Niya iyon nang sadya, upang mabigyan si Jose ng lugod na mabigyan Siya ng isang sorpresa. Si Jose sa katunayan ay pumasok, may dalang isang bilugan na basket. Ibinaba niya ito sa sahig sa harapan ni Jesus, inaalis niya ang tali na humahawak sa takip, itinaas niya ito... at ang isang maliit na maputing tupa, isang tunay na langkay ng bulâ, ay lumitaw natutulog sa napakalinis na dayami.

Si Jesus ay napasigaw ng isang: «O!» ng pagkasorpresa at kasayahan  at lalapitan na Niya sana ang maliit na hayop, ngunit pagkatapos Siya ay lumingon at tumakbo kay Jose, na nakayuko pa rin katulad kanina, niyakap Niya siya, at hinahalikan siya, nagpapasalamat sa kanya. 

Ang dalawang maliliit na pinsan ay nakatingin nang may paghanga at ang maliit na hayop, na gising na ngayon at itinataas ang kanyang maliit na malarosas na humuhuning ulo, ay naghahanap para sa kanyang ina. Ito ay nangangalkal habang patingin-tingin sa paligid nang may maamong mga mata.

Si Jesus ay nagpapatuloy sa pagsasabing: «Para sa Akin! Para sa Akin! Salamat sa inyo, ama!»

«Gustung-gusto Mo ba ito?»

«O! Gustung-gusto! Maputi, malinis... isang maliit na kordero... O!» at niyakap Niya sa leeg ang tupa, ipinatong Niya ang Kanyang olandesang ulo sa maliit na ulo at nananatili Siyang gayon, masaya.

«Nagdala ako ng dalawa, para rin sa inyo» sabi ni Alfeo sa kanyang mga anak. «Ngunit sila ay maitim. Kayo ay hindi kasing linis ni Jesus at ang inyong mga tupa ay laging magiging di-malinis, kung sila ay maputi. Sila ang inyong magiging kawan, pagsasamahin ninyo sila at hindi na kayo magpapakalat-kalat sa mga kalsada, kayong dalawang tampalasan, nagbabatuhan lagi.»

Ang mga bata ay tumakbo sa kariton at tinitingnan ang dalawa pang ibang hayop na mas maitim kaysa sa maputi.

Si Jesus ay nagpaiwan kasama ang Kanyang tupa. Dinala Niya ito sa hardin, binigyan ito ng tubig na maiinom at ang maliit na alaga ay sinusundan Siya na tila matagal na Siyang kilala nito. Si Jesus ay kinawayan ito. Tinawag Niya itong «Niyebe» at ang maliit na kordero ay tumugon na humuhuni nang masaya.

Ang mga panauhin ay naupo sa mesa at si Maria ay inaalok sila ng tinapay, mga olibo at keso. Naglagay din Siya ng isang pitsel sa mesa na may sidra o tubig na pinatamisan ng pulot-pukyutan, hindi ko talaga alam kung alin, nakikita ko na ito ay isang malabnaw-na-malabnaw ang kulay.

Sila ay nagsasalita habang ang mga bata ay naglalaro ng kanilang tatlong hayop na gusto ni Jesus na magkasáma-sáma upang Kanyang mabigyan ng tubig at ng mga pangalan din ang iba. « Ang iyo, Judas, ay tatawaging «Bituin» sapagkat  iyan ay mayroon ng ganyang marka sa noo. At ang magiging pangalan ng iyo ay “Apoy” sapagkat may umaapoy iyan na kulay ng ilang natutuyong mga balahibo.»

«Payag kami.»

Ang matatanda ay nagsasalita at si Alfeo ay nagsabi: «Sana naayos ko na ang problemang pinag-aawayan ng mga bata. Nakuha ko ang idea mula sa iyong ibinilin, Jose. Sinabi ko sa sarili ko: “Ang aking kapatid ay gusto ang isang maliit na tupa para kay Jesus, upang mayroon Siyang napaglalaruan, kukuha ako ng dalawa rin para sa dalawang makulit, para mapatahimik sila nang kaunti, at maiwasan ang patuloy na pakikipagtalo sa ibang mga magulang tungkol sa mga galos sa mga ulo at sa mga tuhod. Ano sa pamamagitan ng eskuwelahan at sa pamamagitan ng mga tupa, mapatatahimik ko sila”. ⁷Ngunit sa taon na ito Ikaw din ay kailangan na ipadala na si Jesus sa eskuwelahan. Panahon na.»

«Hindi Ko kailanman ipadadala si Jesus sa eskuwelahan» sabi ni Maria nang tapat. Hindi pangkaraniwan na mapakinggan Siyang magsalita nang ganyan at higit sa lahat ang mapakinggan Siyang magsalita sa harapan ni Jose.

«Bakit? Ang Bata ay kailangan na matuto upang maging handa sa tamang panahon na maipasa ang iksaminasyon kapag nagka-edad na Siya...»

«Ang Bata ay magiging handa. Ngunit hindi Siya papasok sa eskuwelahan. Iyan ay tiyak-na-tiyak.»

«Ikaw lamang ang magiging tanging babae sa Israel na gagawa niyan.»

«Ako ang magiging tanging isa lamang. Ngunit iyan ang Aking gustong gawin. Tama ba iyon, Jose?»

«Oo, tama iyan. Walang pangangailangan para kay Jesus na papuntahin sa eskuwelahan. Si Maria ay pinalaki sa Templo, at alam Niya ang Batas katulad ng kahit sinong doktor. Siya ang magiging Kanyang Tagapagturo. Iyan din ang gusto ko.»

«Pinamimihasa ninyo ang Bata.»

«Hindi mo masasabi iyan. Siya ang pinakamagaling na bata sa Nazareth. Napakinggan ba ninyo Siyang umiyak kailanman, o naging makulit, o naging suwail, o nagkulang ng paggalang?»

«Hindi. Totoo iyan. Ngunit gagawin Niyang lahat iyan kung ipagpapatuloy ninyong pamihasahin Siya.»

«Hindi naman natin pinamimihasa ang mga bata dahil lamang pinananatili natin sila sa loob ng bahay. Ang panatilihin sila sa bahay ay nangangahulugan ng pagmahal sa kanila nang may mabuting sentido komun at buong puso. At ganyan namin minamahal ang aming Jesus, at sa dahilan na si Maria ay mas mabuting naturuan kaysa sa isang tagapagturo, Siya ang magiging Tagapagturo ni Jesus.»

«At kapag ang inyong Jesus ay isa nang malaking lalaki, Siya ay magiging katulad ng isang tangang maliit na babae na natatakot sa mga langaw.»

«Hindi Siya magiging ganyan. Si Maria ay isang malakas na babae, at mabibigyan Niya Siya ng isang panlalaking edukasyon. Ako ay hindi isang duwag, at mabibigyan ko Siya ng panlalaking mga halimbawa. Si Jesus ay isang nilikha na wala kahit anong pisikal o moral na mga kapintasan. Siya ay lálaki, kung gayon, nang matuwid at malakas, kapwa sa Kanyang katawan at sa Kanyang espiritu. Makatitiyak ka tungkol diyan, Alfeo. Hindi Siya magiging isang kahihiyan sa pamilya. Maging ano pa man, iyan ang aking ipinasya, at iyan lang.»

«Baka si Maria ang nagpasya, at ikaw...»

«At kung naging ganyan iyan? Hindi ba makatarungan na ang dalawang nagmamahalan ay may iisang naiisip at iisang nagugustuhan, upang ang isa ay tatanggapin ang mga nagugustuhan ng isa na tila iyon ay kanyang sarili? Kung magugustuhan ni Maria ang mga katangahang bagay, sasabihin ko sa Kanya: “Hindi”. Ngunit hinihingi Niya ang isang bagay na punung-puno ng karunungan, at pumapayag ako, at ginagawa ko iyan na aking sarili. Nagmamahalan kami, ginagawa namin ang katulad ng aming ginawa noong unang araw, at iyan lagi ang aming gagawin hanggang sa nabubuhay kami. Tama ba iyan. Maria?»

«Oo, Jose. At umasa tayo na iyan ay hindi kailanman mangyayari, ngunit kapag ang isa ay mamatay na wala ang isa, magpapatuloy pa rin tayong magmamahalan sa isa’t isa.»

Si Jose ay tinapik si Maria sa ulo na tila Siya ay isang bata-pang anak na babae at tinitingnan Niya siya nang Kanyang mapayapang mga mata.

⁸Ang Kanyang hipag ay nakialam: «Tama Ka. Sana nakapagtuturo din ako! Ang aming mga anak ay natututo ng mabuti at masama sa eskuwelahan. Sa bahay natututunan lamang nila ang mabuti. Ngunit hindi ko alam... kung si Maria...»

«Ano ito na gusto mo, Aking mahal na hipag? Magsalita nang malaya. Nalalaman mo na minamahal kita at masaya Ako kung nakagagawa Ako ng isang bagay na nasisiyahan ka.»

«Iniisip ko... na sina Santiago at Judas ay matanda lamang nang kaunti kay Jesus. Sila ay pumapasok na sa eskuwelahan... para sa kung ano ang kanilang natututunan! Si Jesus sa halip ay alam-na-alam na ang Batas... Gusto ko sana... eh, ang ibig kong sabihin, kung hingin ko sa Iyo na kunin Mo na rin sila, kung tinuturuan Mo si Jesus? Sa palagay ko aasal sila nang mas mabuti at matututo pa nang mas mabuti. Matapos man ang lahat, sila ay magpipinsan, at makatarungan lamang na sila ay nagmamahalan sa isa’t isa katulad ng magkakapatid. O! magiging masayang-masaya ako!»

«Kung gusto ni Jose, at kung gusto ng iyong asawa, gustung-gusto Ko. Pareho rin ang magsalita sa isa at sa tatlo. At isang lugod ang basahin ang buong Bibliya. Papuntahin sila.»

Ang tatlong bata, na pumasok nang napakatahimik, ay nakikinig at hinihintay ang huling pasya.

«Pasasakitin nila ang Iyong ulo, Maria» sabi ni Alfeo.

«Hindi! Sila ay laging mabuti sa Akin. Magiging mabuti kayo kung tuturuan Ko kayo, hindi ba?»

Ang dalawang bata ay lumapit kay Maria, isa sa kaliwa Niya, ang isa pa sa Kanyang kanan, inilagay nila ang kanilang mga kamay sa paligid ng Kanyang mga balikat, isinasandal nila ang kanilang maliliit na ulo sa Kanyang mga balikat, at ipinangangako nila ang lahat na kabutihan sa mundo.

«Pasubukin mo sila, Alfeo, at hayaan na subukan Ko. Natitiyak Ko na hindi ka di-makukontento sa pagsusulit. Makapupunta sila araw-araw mula sa ikaanim na oras hanggang gabi. Iyan ay magiging sapat na, maniwala sa Akin. Alam Ko kung papaano magturo nang hindi sila pinapagod. Kailangan na mahawakan mo ang kanilang atensiyon at gawin silang nagpapahingalay din, kailangan na maintindihan mo sila, mahalin sila, at mamahal ka nila, kung gusto mong magkaroon ng mabubuting resulta. At mamahalin ninyo Ako, hindi ba?»

 Dalawang malalaking halik ang sagot.

«Kita mo?»

«Alam ko na. Masasabi ko lamang: “Salamat sa Iyo”. At ano ang masasabi ni Jesus, kung makikita Niya ang Kanyang Inay na abalá sa iba? Ano ang sasabihin Mo, Jesus?»

«Sasabihin Ko: “Masaya ang mga nakikinig sa Kanya at nagtatayo ng kanilang tirahan malapit sa Kanya”. Ang para sa Karunungan, masasaya ang mga nagiging kaibigan ng Aking ina, at masaya Ako na ang Aking mga minamahal ay Kanyang mga kaibigan.»

«Ngunit sino ba ang naglagay ng magagandang salitang iyan sa mga labì ng Bata?» si Alfeo ay nagtatanong, namamangha.

«Walang sinuman, kapatid. Walang sinuman sa mundong ito.»

Ang bisyon ay nagtatapos dito.

jesus sinab

⁹Sinasabi ni Jesus:

«At si Maria ay ang Aking Tagapagturo at ang tagapagturo nina Santiago at Judas. Iyan kung bakit minamahal namin ang isa’t isa katulad ng mga magkakapatid, hindi lamang dahil sa aming pagkakamag-anak, bagkus pati para sa aming siyensiya at sa katotohanan na kami ay lumaking magkakasabay, katulad ng tatlong usbong suportado ng isang poste lamang: ang Aking Ina. Walang ibang doktor sa Israel na katulad ng Aking matamis na Ina. Luklukan ng Karunungan, at ng totoong Karunungan, tinuruan Niya kami para sa mundo, at para sa Langit. Sasabihin Ko: “tinuruan Niya kami” sapagkat Ako ay Kanyang mag-aaral na eksaktong katulad ng Aking mga pinsan. At ang “selyo” ay napanatili sa lihim ng Diyos laban sa mga pag-iimbestiga ni Satanas, at iyon ay napanatiling ligtas sa pamamagitan ng hitsura ng isang normal na pamumuhay. Kinasiyahan mo ba ang matamis na tagpong ito? Ngayon maging nasa kapayapaan. Si Jesus ay kasama ka.»

(198) 241009/032413 /040213

Sunod na kabanata.