380. Ang Parabula Tungkol sa Di-Matapat na Tagapamahala. Ang mga Essene at mga Pariseo.

Pebrero 10, 1946.

Naghihintay para sa Guro maraming tao ang nakakalat sa mabababang dalisdis ng isang kung baga malungkot na bundok, na tumataas mula sa magkasalabid na mga lambak na nakapaligid dito; sa ilang mga lugar ang dalisdis ay matarik ang pagtaas mula sa mga lambak. Upang marating ang taluktok may isang landas na naukà sa tisang bato katulad ng isang kinalkal na paliku-likong kanal pataas sa dalisdis. Sa ilang bahagi ng mga panabi ng landas ay ang matarik na tabi ng bundok sa isang banda, at isang malalim na bangin sa kabila. Ang madilim na manilaw-nilaw na pulang magaspang na landas, ay katulad ng isang ribon na itinapon sa pagitan ng mabababang maalikabok na berdeng mga palumpong, punó ng tinik; sasabihin ko na ang mga tinik ay ang pinaka-dahon na nagtatakip sa tigang na mabatong mga dalisdis at naaadornohan ang mga sarili nito ng maniningning na biyoletang-pulang mga bulaklak, katulad ng mga palawit o mga bungkos ng balahibo ng seda na napunit sa isang damit ng ilang malas na tao na nagkataon na naparaan sa tabi ng mga tinik na mga palumpong. At ang asul na berdeng nagpapasakit na mga tanim, puno ng matatalas na tinik, ay kasing lungkot ng tila ito ay kinalatan ng di-masasalat na mga abo at ito ay umaabot na raya-raya ang hitsura sa paanan din ng bundok at sa kapatagan sa pagitan  ng bundok at iba pang mga bundok, kapwa sa hilagang-kanluran at timog-silangan, salit-salitan sa mga lugar kung saan naroroon ang tunay na mga palumpong at tunay na mga damo, na ni hindi nagpapahirap o walang-pakinabang.

Ang mga pulutong ay nagkampo sa berdeng damuhan, matiyagang naghihintay para sa pagdating ng Guro. Maaaring ito ang araw pagkatapos ng talumpati sa mga apostol, sapagkat ito ay isang malamig na umaga at ang mga hamog ay hindi pa natutunaw sa mga tangkay. Nagdedekorasyon ito lalo na sa mga tinik at mga dahon na iyon na mas nasa malililim na pulo, nagagawa ang kakaibang mga bulaklak ng matitinik na palumpong na maghitsurang mga palawit na may mga brilyante. Ito ay tiyak na ang kagandahan na oras ng malungkot na bundok. Sapagkat sa ibang mga oras, sa nakakapasong sikat ng araw o sa may liwanag ng buwan na mga gabi, ito ay maaaring nagmumukhang isang nakapangingilabot na mala-impiyernong lugar ng pagbabayad kasalanan. Isang mayaman na bayan ang makikita sa silangan, sa pinaka matabang kapatagan. Wala nang iba pa ang makikita mula sa panabing burol na ito, na mababa pa rin, kung saan naroroon ang mga peregrino, ngunit mula sa tuktok ang mata ay maaaring masisiyahan sa magandang tanawin ng kalapit na mga distrito. Kung iisipin ang taas ng bundok sa palagay ko ang mga mata ng isa ay gagala sa ibabaw ng Dead Sea at sa lugar pagawing silangan nito, hanggang sa layo ng mga kabit-kabit na mga bundok ng Samaria at ng mga kabit-kabit na mga bundok na nakapagtatakip sa Herusalem. Ngunit hindi pa ako nanggaling sa tuktok, kung kaya't...

Ang mga apostol ay palakad-lakad sa pagitan ng mga pulutong, nagsisikap na mapatahimik sila at may-kaayusan at inilalagay ang mga maysakit sa pinakamagandang mga lugar. Sila ay tinutulungan ng ibang mga disipulo, na baka siyang mga aktibo sa lugar na iyon at nagpapunta sa mga hangganan ng Judaea ng mga peregrinong nananabik na makarinig kay Jesus.

Si Jesus ay lumitaw nang bigla. Siya ay nakasuot ng isang puting linen na tunika at isang pulang manta, upang maibagay ang init ng maaaraw na mga araw sa kalamigan ng mga gabi, dahil wala pa kami sa tag-init. Siya ay hindi pa nakikita at Kanyang tinitingnan ang mga pulutong na naghihintay sa Kanya at Siya ay ngumingiti. Siya ay tila nanggagaling sa silanganing tabi ng bundok, sa kalahatian ng pataas ng bundok at Siya ay bumababang nang mabilis dumaraan sa mahirap na landas.

Isang batang lalaki, na, baka dahil sa tinitingnan niya ang paglipad ng mga ibon na may mga pugad sa mga palumpong at lumipad nang ang isang bato ay gumulong pababa mula sa tabi ng bundok at natakot sila, o dahil nakuha ang pansin ng kanyang mga mata ng biglang paglitaw, nakita si Jesus at napatalon nang sumisigaw: “Ang Panginoon!»

Lahat sila ay lumingon at nakita si Jesus, Na ngayon ay mga dalawampung metro ang layo. Nagsimula silang tumakbo patungo sa Kanya, ngunit sa pamamagitan ng senyas ng Kanyang kamay at ng Kanyang tinig, na narinig nang maliwanag, baka dahil ito ay napaalingangaw ng bundok, sinabi Niya: «Manatili sa inyong kinaroroonan.» At laging ngumingiti bumaba Siya hanggang sa layo ng kinaroroonan ng mga naghihintay sa Kanya at tumigil sa pinakamataas na lugar ng maliit na kapatagan. Binati Niya sila mula roon: «Kapayapaan sa lahat» at nang may partikular na ngiti inulit Niya ang Kanyang pagbati sa mga apostol at mga disipulo na nag-ipun-ipon sa paligid Niya.

Si Jesus ay sumisinag sa kagandahan. Na ang araw nasa Kanyang harapan at ang medyo berdeng mga panabi ng burol nasa Kanyang likuran, kamukha Niya ang bisyon ng isang panaginip. Ang mga oras na ipinamalagi sa pag-iisa, isang bagay na wala tayong nalalaman, o baka ang pag-uumapaw sa Kanya ng makaamang mga haplos, hindi ko alam kung ano, ay nagpapatingkad sa Kanyang kahit-kailanman na perpektong kagandahan, ginagawa itong maluwalhati, mapangibabaw, mapayapa, mapanatag, sasabihin kong kalugod-lugod, katulad na maging isang tao na kagagaling pa lamang sa isang tipanan ng mag-irog na ang kaninong hitsura, mga ngiti at mga mata ay nagpapakita ng lahat na kaligayahan na nararamdaman niya. Ang ebidensiya ng dibinong pakikipagtagpo na ito ay sumisinag nang walang-hanggan nang mas maningning kaysa sa pangkaraniwan na makikita pagkatapos ng pagtatagpo ng kaawa-awang  mga tao na magsing-irog, at ang Kristo ay lumilitaw nang nakakasilaw dito. At nakukuha Niya ang atensiyon ng lahat na mga taong naroroon na nagninilay-nilay nang tahimik tungkol sa Kanya  nang may paghanga, na tila sila ay tinatakot ng pagkakaunawa sa isang misteryosong pakikiisa ng Kataastaasan sa Kanyang Salita... Ito ay isang lihim, isang lihim na oras ng pagmamahal sa pagitan ng Ama at ng Anak. Walang sinuman ang makaaalam nito. Ngunit pinananatili ng Anak ang selyo nito, na tila, pagkatapos na maging ang Salita ng Ama, katulad na Siya ito sa Langit, nahihirapan na Siyang maging ang Anak ng tao muli. Ang kawalang-hangganan, ang kadalisayan ay nahihirapan na maging “ang Tao» muli. Ang dibinidad ay umaapaw, sumasabog, sumisinag mula sa Pagkatao katulad ng matamis na langis mula sa isang poroso na banga na gawa sa luwad o katulad ng liwanag ng isang pugon na lumalampas sa takip na bubog.

At si Jesus ay ibinaba ang Kanyang nagsisinag na mga mata, ang Kanyang malugod na mukha, tinatago Niya ang Kanyang magandang ngiti, niyuyukuan ang mga maysakit, na Kanyang hinahaplos at pinagagaling habang sila ay pinangingibabawan ng pagkagulat tinitingnan ang maningning na mapagmahal na mukha nakayuko sa kanilang kahirapan upang gawin silang masaya. Ngunit sa huli kailangan Niyang tumayo at ipakita sa mga pulutong ang Mukha ng Mapayapa, Banal na Isa, ang Mukha ng Diyos na Nagkatawang-Tao, nakabalot pa sa kaningningan ng lubos na kaligayahan. Inuulit Niya: «Kapayapaan sa inyo.» Kahit na ang Kanyang tinig ay mas matamis kaysa dati, dahil tumutunog ito na may matamis na matagumpay na mga nota... Kumakalat ito na may kapangyarihan sa tahimik na mga tagapakinig, hinahanap ang kanilang mga puso, hinahaplos sila, inuuga sila at inaanyayahan sila sa pagmamahal.

Ang lahat ay lubos na naaantig, maliban sa grupong iyon ng mga Pariseo, na mas tigang, magaspang, matinik at mahirap kaysa sa bundok mismo at mga nakatayong katulad ng mga estatuwa puno ng di-pagkaintindi at poot sa isang sulok, at maliban sa isa pang grupo, nakasuot ng pulos puti at nakatayong walang-pakialam, nakikinig mula sa isang tuktok ng dalisdis at siyang tinuturo nina Bartolomeo at ng Iskariote bilang «mga Essene». At si Pedro ay bumulong: «At kung gayon may isa pang nandadagit na mga lawin!»

«O! Pabayaan mo na. Ang Salita ay para sa lahat!» sabi ni Jesus, ngumingiti kay Pedro, tinutukoy ang mga Essene.

Siya pagkatapos ay nagsimulang magsalita.

«Maganda sana kung ang tao ay naging perpekto katulad ng gusto ng Ama sa Langit sa kanya. Perpekto sa bawat kaisipan, damdamin, gawa. Ngunit ang tao ay hindi alam kung papaano maging perpekto at hindi ginagamit nang tama ang mga regalo ng Diyos. Na nagbigay ng kalayaan sa pagkilos ng tao, iniuutos, bagama't, ang mabubuting bagay, nagpapayo ng perpektong mga bagay, upang ang tao ay hindi sana magsabi: “Hindi ko nalalaman”.

Anong paggamit ang ginagawa ng tao sa kalayaan na ibinigay ng Diyos sa kanya? Ang pinakamalaking bilang ng mga tao ay ginagamit ito katulad ng gagamitin ito ng isang bata: o katulad ng isang tanga; ang natitira pang bilang ay ginagamit ito katulad ng paggamit ng mga kriminal. Pagkatapos ang kamatayan ay darating at ang tao ay mapapailalim sa Hukom Na magtatanong nang mahigpit: “papaano mo ginamit o ginamit nang hindi tama ang binigay Ko sa iyo?”. Isang nakakatakot na katanungan! Gaanong mas di-karapat-dapat kaysa sa mga butil ng alikabok ang kalalabasan ng mga bagay ng Lupa, para sa kung saan ang tao ay nagiging isang makasalanan! Dukha nasa eternal na paghihirap, hinubaran ng isang damit na walang maaaring maipalit, siya ay tatayong malungkot at nanginginig sa harapan ng Mahestad ng Panginoon, at hindi makatatagpo ng salita upang maipangatwiran ang sarili. Sapagkat madaling pangatwiranan ang sarili, niloloko ang kaawa-awang mga tao. Ngunit ito ay hindi mangyayari sa Langit. Ang Diyos ay hindi maloloko. Hindi kailanman. At ang Diyos ay hindi pumapasok sa ano mang areglo. Hindi kailanman.

Ngayon, kung gayon. Papaano ang isa maililigtas?  papaano magagawa ng tao ang lahat na maging may-pakinabang sa kanyang kaligtasan, kahit na ang nanggaling sa Kurupsiyon, na nagturo sa mga tao na gamitin ang mga metal at mga batong-hiyas bilang instrumento ng kayamanan at nagpalaki sa kanilang nananabik na mithiin para sa kapangyarihan at kasarapan ng laman? Kung gayon ang tao ba, na, gaano man siya maging kahirap, ay laging nagkakasala sa pagmimithi nang walang kahinahunan sa ginto, opisina, mga babae – kung minsan siya ay nagiging ang magnanakaw ng ganyang mga bagay upang magkaroon ng kung ano ang mayroon ang mayayaman –ang tao ba kung gayon, maging mayaman man  siya o mahirap, ay hindi na niya kailanman maililigtas ang kanyang sarili? Siyempre maililigtas niya. Papaano? Sa pagsasamantala sa kayamanan alang-alang sa Kabutihan; sinasamantala ang kahirapan alang-alang sa Kabutihan. Ang mahirap na tao na hindi mainggitin, na hindi nanunumpa, na hindi nagtatangkang makuha ang pag-aari ng ibang mga tao, bagkus masaya sa kung ano ang mayroon siya, ay sinasamantala ang kanyang abang katayuan upang marating ang sa hinaharap na kabanalan, at sa katunayan, ang karamihan sa mahihirap na tao ay nalalaman kung papaano gawin iyan. Ngunit ang mayayaman ay hindi masyadong nalalaman ito, dahil ang kayamanan ay isang nagpapatuloy na bitag ng tatlong beses na kiling-sa-pagkakasala na iniakma ni Satanas.

Ngunit makinig sa isang parabula at makikita ninyo na ang mayayaman din ay maililigtas ang kanilang mga sarili bagama't sila ay mayayaman, o makagagawa sila ng pagsasatama para sa kanilang nakaraan nang mga pagkakamali, sa paggamit nang mabuti ng kanilang mga kayamanan, kahit na kung ito ay nakuha nang walang katarungan. Sapagkat ang Diyos, ang Kataastaasang Kabutihang Diyos, ay laging nagkakaloob ng pamamaraan sa Kanyang mga anak upang sana mailigtas nila ang kanilang mga sarili.

Kung kaya't may isang mayaman na mayroong isang tagapamahala. Ang ilang mga kaaway ng huli, na mga naiinggit sa mabuting pusisyon niya, o dahil sila ay mapagkaibigan sa mayaman na tao at kung gayon iniisip ang kanyang kayamanan, ay inakusahan ang tagapamahala nagsasabi sa kanyang panginoon: “Inaaksaya niya ang iyong kayamanan. Nilulustay niya ang iyong mga kalakal. O hindi niya ito ginagawang kumita. Mag-ingat. Ipagsanggalang mo ang iyong sarili”.

Ang mayaman na lalaki, pagkatapos na mapakinggan ang paulit-ulit na mga akusasyon, ay tinawag ang tagapamahala. At nagsabi siya sa kanya: “Ako ay nasabihan na ganito at ganito. Bakit nagawa mo iyan? Bigyan mo ako ng kuwenta ng iyong pamamahala, sapagkat hindi na kita pinahihintulutan na pamahalaan mo ito. Hindi kita mapagkakatiwalaan at hindi ko magagawang isang huwaran ang kawalang-katarungan at ang suyong-alipin na pagpapabaya, na magagawa ang ibang mga katulong na kumilos katulad ng ginawa mo. Lumakad at bumalik bukas dala ang iyong mga dokumento, upang ito ay sana matingnan ko at makita ang sitwasyon ng aking ari-arian bago ko ito ibigay sa ibang tagapamahala”. At pinakawalan niya ang kanyang ang tagapamahala, na umalis at nagsimulang nag-aalala nagsasabi sa sarili: “At ngayon? Ano na ang aking gagawin ngayon na ang panginoon ay inaalis sa akin ang pamamahala? Ako ay walang naipon, sapagkat, nakatitiyak na hindi ako mabibisto, ginasta ko sa pagpapakasarap ang lahat na aking nadukot. Hindi ko gustong magtrabaho na isang magbubukid, naiilaliman ng ibang mga tao, sapagkat hindi na ako bihasa ng pagbubungkal, at tumaba na ako sa mga lasingan. At lalong hindi ko gusto ang magpalimos. Masyado itong nakakahiya! Ngunit ano ang aking gagawin? Inisip niya ito nang paulit-ulit at nakakita siya ng malulusutan sa kanyang masakit na sitwasyon. Sinabi niya: “Nakita ko na ito! Dahil nakagawa ako ng isang magandang pamumuhay para sa aking sarili magpahanggang ngayon, sa gayon ding pamamaraan titiyakin ko na ang aking mga kaibigan ay bibigyan ako ng pag-aruga dala ng pasasalamat, kapag ako ay pinaalis na sa aking puwesto. Siya na laging gumagawa ng mabuti ay may mga kaibigan. Tayo na, kung gayon, at tumulong sa mga tao, upang matulungan, at tayo na kaagad, bago ang balita kumalat at ang lahat ay maging huli na”.

At siya ay pumunta sa iba't ibang mangungutang ng kanyang panginoon at sinabi niya sa una: “Magkano ang ibabalik mo sa aking panginoon para sa pera na kanyang pinahiram sa iyo noong tagsibol ng nakaraang taon?”

At ang may-utang ay tumugon: “Sandaan na sukat ng langis para sa inutang na pera at tubo”.

“O! kaawa-awang tao! Ano, na may ganyang kalaking pamilya at na ang iyong mga anak may mga sakit, kailangan mong magbigay nang labis?! Ngunit hindi ba’t binigyan ka ng pera sa halaga ng tatlumpung sukat?!”.

“Oo, ngunit kinailangan ko iyon nang madalian at sinabi niya sa akin: ‘ibibigay ko ito sa iyo, ngunit sa kondisyon na ibabalik mo sa akin ang anuman na kitain nito sa loob ng tatlong taon’.

“Ngunit iyan ay pagpapatubo nang labis! Huwag! Siya ay mayaman, samantalang ikaw ay hindi na malayo na magutom. Siya ay may maliit na pamilya, ang sa iyo ay malaki. Isulat dito na iyon ay kumita sa halaga ng limampung sukat at kalimutan ang tungkol dito. Panunumpaan ko na iyan ang katotohanan. At makikinabang ka diyan”.

“Ngunit hindi mo ba ako pagtataksilan? At kung malaman niya?”

“Sa palagay mo ba posible ito? Ako ang tagapamahala at ang aking sinusumpaan ay sagrado. Gawin ang ayon sa sinabi ko sa iyo at huwag mag-alala”.

Ang tao ay nilagdaan ang dokumento, ibinigay ito sa kanya at nagsabi: “Pagpalain ka sana! Ikaw ay aking kaibigan at tagapagligtas. Papaano kita mababayaran?”.

“Wala ‘yan! Ngunit kung ako ay magkaproblema at paalisin dahil dito, tatanggapin mo ako dala ng pasasalamat”.

“Siyempre! Tiyak ‘yan! Makakaasa ka diyan!”.

Ang tagapamahala ay pumunta sa isa pang may utang at nagsalita sa kanya nang humigit-kumulang nang gayon din. Ang may utang na ito ay kailangan na magbalik ng sandaang sukat ng trigo, sapagkat ang tag-tuyot ay nasira ang kanyang mga tanim sa loob ng tatlong tao, at kinailangan niyang manghiram ng kinakailangan upang mapakain ang kanyang pamilya.

“Kalimutan ang tungkol sa pagdodoble ng kanyang binigay sa iyo! Papaano ang isa magkakait ng trigo at maningil nang doble kung ang isang tao at kanyang pamilya ay nagugutom at ang trigo ng isa ay kinain ng mga uod sa mga imbakan, sapagkat nagkaroon ng labis-labis nito! Isulat walumpung sukat”.

“Ngunit kung kanyang maalaala na binigyan niya ako ng dalawampu, pagkatapos isa pang dalawampu, at pagkatapos sampu?”.

“Papaano mo siya maaasahan na makaalaala? Ibinigay ko iyon sa iyo at ayaw kong maalaala. Gawin ang ayon sa sinabi ko sa iyo at ang lahat ay ayos na. Kailangan na may katarungan sa pagitan ng mayaman at mahirap na mga tao! Kung ako ang panginoon, tatanggapin ko lamang limampung sukat, at baka hindi ko na rin ito pabayaran”.

“Ikaw ay mabuti! Sana lahat sila ay katulad mo! Tandaan na ang aking bahay ay bukas sa iyo”.

Ang tagapamahala ay pinuntahan din ang iba pang may mga utang, sa gayon ding pamamaraan, nagsasabing nakahanda siyang masira upang maitama ang lahat ayon sa hustisya. At ang mga alok ng tulong at mga pagpapalà ay umulan sa kanya.

Nang siya ay nakatitiyak na tungkol sa kanyang hinaharap, pumunta siya sa kanyang panginoon, na, sa kabilang dako, ay pinasundan ang kanyang mga hakbang at nadiskubre ang kanyang taktika. Ang panginoon, gayunman, ay pinuri siya nagsasabing: “Ang iyong ginawa ay hindi tama at hindi kita pinapupurihan para diyan. Ngunit kailangan na purihin kita para sa iyong katusuhan. Ang mga anak ng mundong ito ay totoong mas tuso kaysa sa mga anak ng Liwanag”.

At uulitin Ko sa inyo ang sinabi ng mayaman: “Ang pandaraya ay hindi tama, at hindi ko kailanman pupurihin ang sinuman para diyan. Ngunit hinihimok ko kayo na maging tuso, katulad man lamang ng mga anak ng mundong ito, sa pamamagitan ng pamamaraan ng mundong ito, upang magawa itong magsilbi katulad ng pera upang makapasok sa Kaharian ng Liwanag”. Ibig sabihin, gumawa ng mabuting paggamit ng makalupang mga kayamanan, na mga pamamaraan na naipamahagi nang walang katarungan at ginagamit upang makabili ng isang naglalahong kabutihan, na walang halaga sa eternal na Kaharian, upang ang mga ito ay sana makapagbukas ng pinto nito. Tulungan ang mahihirap sa pamamagitan ng pamamaraan na mayroon kayo, ibalik ninyo o kung sino pa mang ibang miyembro ng inyong pamilya ang nakuha nang walang-katarungan, makipaghiwalay sa masamang may-pagkakasalang pagmamahal para sa mga kayamanan. At ang lahat ng mga ito ay magiging katulad ng mga kaibigan na sa oras ng inyong kamatayan ay siyang magbubukas sa eternal na mga geyt sa inyo at tatanggapin kayo sa maluwalhating tahanan.

Papaano kayo maka-aasa na ibibigay ng Diyos ang Kanyang makalangit na mga kalakal, kung nakikita Niya na hindi kayo makagawa ng mabuting paggamit sa makalupang mga kalakal? Bilang isang imposibleng palagay, ibig ba ninyo na tanggapin Niya ang mga tagapag-aksaya sa makalangit na Jerusalem? Hindi, hindi kailanman. Sa itaas doon ang isa ay mamumuhay na may karidad, kagandahang-loob at katarungan. Ang lahat para sa Isa at ang bawat isa para sa lahat. Ang Komunyon ng mga Santo ay isang aktibo at tapat na lipunan. At walang sinuman na napatunayan na isang di-makatarungan at di-tapat ang makakapasok dito.

Huwag sabihin: «Ngunit kami ay magiging tapat sa itaas doon, sapagkat magkakaroon kami ng lahat sa itaas doon nang walang anumang ikatatakot”. Hindi. Siya na di-tapat sa kaunti, ay magiging di-tapat kahit na kung nasa kanya ang Lahat, at siya na di-makatarungan sa kaunti ay di-makatarungan sa labis. Ang Diyos ay hindi ipinagkakatiwala ang totoong kayamanan sa mga na sa makalupang pagsubok ay napatunayan na walang nalalaman sa kung papaano gamitin ang makalupang mga kayamanan. Papaano kayo pagkakatiwalaan ng Diyos isang araw sa Langit ng misyon ng pagsusuporta sa mga espiritu ng inyong mga kapatid sa Lupa, kung naipakita ninyo na ang mga pangingikil, pandaraya at kasakiman ay ang inyong tampok na mga katangian? Siya kung gayon ay ipagkakait sa inyo  ang inyong tagong-kayamanan, na Kanyang itinabi para sa inyo, at Kanya itong ibibigay sa mga tuso sa Lupa, sa kanilang paggamit din ng kung ano ang di-makatarungan at di-maganda sa mga gawain na nagagawa ang mga ito na makatarungan at maganda. Walang lingkod ang makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat siya ay magiging pag-aari ng isa o ng isang iyon, at kapopootan niya ang isa o ang isang iyon. Ang dalawang panginoon na mapagpipilian ng tao ay ang Diyos o si Mammon. Kung ibig niyang maging pag-aari ng una, hindi niya masusuot ang mga kulay, o masusundan ang tinig, o magagamit ang mga pamamaraan ng huli.»

Ang isang tinig ay tumaas mula sa grupo ng mga Essene: «Ang tao ay hindi malaya na pumili. Siya ay napipilitan na sundan ang isang landas. Hindi namin sinasabi na iyan ay ipinamamahagi nang walang kahinahunan. Sa kabaligtaran ang perpektong Isip ay itinalaga, ayon sa sariling perpektong plano nito, ang bilang ng mga magiging karapat-dapat ng Langit. Ang lahat na iba pa ay magsusumikap nang walang kabuluhan na maging ganito. Iyan ang sitwasyon. At hindi ito maaaring ang kabaligtaran. Katulad ng isa na lumalabas sa isang bahay na maaaring mapatay ng isang bato na bumabagsak mula sa isang kornisa, samantalang ang isa na nasa kasagsagan ng labanan ay maaaring hindi masaktan nang kahit na kaunti, gayon din naman siya na ibig mailigtas ang sarili, ngunit ang ganito ay hindi nakasulat, ay makagagawa lamang ng pagkakasala nang kahit hindi niya nalalaman, sapagkat ang kanyang kapahamakan ay nakatalaga na.»

«Hindi, mamâ. Hindi ito ganito. At baguhin mo ang iyong isip. Sa pag-iisíp nang ganyan nakagagawa ng mali sa Panginoon.

«Bakit? Sabihin sa akin at babaguhin ko ang aking isip.»

«Sapagkat, sa pagsasabi nang ganyan, sa isip mo ikinukumpisal mo na ang Diyos ay hindi makatarungan sa Kanyang mga nilikha. Nilikha Niya sila sa iisang paraan at sa pamamagitan ng iisang pagmamahal. Siya ay isang Ama. Perpekto sa Kanyang pagiging ama, katulad na Siya ay perpekto sa lahat na iba pang mga bagay. Papaano Siya, kung gayon, makagagawa ng mga pagkakaiba-iba at isumpa ang isang tao noong siya ay ipinaglilihi at isang inosenteng embriyon?  Kung siya ay hindi pa makagagawa ng kasalanan?»

«Upang makapaghiganti Siya para sa pananakit na tinanggap mula sa tao.»

«Hindi, ang Diyos ay hindi naghihiganti nang ganyan! Hindi Siya makukontento ng isang miserableng sakripisyo na katulad niyan, sa pamamagitan ng di-makatarungan na ipinilit na sakripisyo. Ang pananakit na ginawa sa Diyos ay maaalis sa pamamagitan ng Diyos na ginawang Tao. Siya ang magiging Tagapagbayad ng kasalanan. Ni hindi ang taong ito o ang taong iyon. O! sana naging posible para sa Akin na ang aalisin Ko lamang ay ang orihinal na kasalanan! Sana hindi nagkaroon ng Cain sa Lupa, walang Lamech, walang naging maruming sodomite, walang pumapatay ng tao, walang magnanakaw, nakikipagtalik sa puta, nangangalunya, nanlalapastangan, wala ng walang pagmamahal para sa kanyang mga magulang, walang manloloko, at atbp! Ngunit sa bawat isa sa mga kasalanan na iyan, ang nagkasala ay may kasalanan at ang maygawa, ay hindi ang Diyos. Ang Diyos ay pinabayaan ang Kanyang mga anak na malaya na makapili sa pagitan ng Mabuti at Masama.»

«At iyan ay mali» sigaw ng isang eskriba. «Tinukso niya tayo ng mahigit pa sa sukat. Bagama't nalalaman Niya na tayo ay mahina, mangmang, nilason, hinayaan Niya tayo sa panunukso. Iyon ay kung hindi kawalang-kahinahunan iyon ay kasamaan. Sa dahilan na Kayo ay makatarungan, kailangan na ipagkaloob Ninyo na ang aking sinasabi ay ang katotohanan.»

«Ikaw ay nagsasabi ng mga kasinungalingan upang matukso Ako. Binigyan ng Diyos sina Adan at Eba ng lahat ng kinakailangan na payo, sa anong kabuluhan?»

«Ginawa Niya ang maling bagay kahit diyan. Hindi sana Niya inilagay ang punungkahoy, ang panunukso, sa Hardin.»

«Kung gayon, nasaan ang merito ng tao?»

«Nabuhay sana siya na wala iyon. Nabuhay sana siya nang walang merito ng kanyang sarili, bagkus sa merito lamang ng Diyos.»

«Sila ay tinutukso Kayo, Guro. Pabayaan Ninyo ang mga ahas na iyan, at makinig sa amin, na namumuhay sa kahinahunan at pagninilay-nilay sigaw muli ng Essene.

«Oo, namumuhay kayo. Ngunit nang masama. Bakit hindi kayo mamuhay nang may kabanalan?»

Ang Essene ay hindi tumutugon sa mga tanong, ngunit sinabi niya: «Dahil binigyan Ninyo ako ng isang nakakakumbinsing sagot tungkol sa malayang kalooban, at ito ay aking pagninilayan nang may mabuting kalooban, umaasa na matatanggap ko ito, ngayon sabihin sa akin. Talaga bang naniniwala Kayo sa resureksiyon ng mga katawan at sa buhay ng mga kaluluwa na nakumpleto nito?»

«At gusto mo ba na bigyan ng Diyos ng katapusan ang buhay ng tao nang ganyan?»

«Ngunit ang kaluluwa... Sa dahilan na ang kaluluwa ay masaya sa gantimpala nito, bakit gawin ang materyal na bumangon muli? Makapagdadagdag ba ito sa kaligayahan ng pinagpalang mga kaluluwa?»

«Walang makapagdadagdag sa kaligayahan ng isang santo kapag tinaglay niya ang Diyos. O kung  baga, isang bagay lamang ang magpapalaki rito sa Huling Araw: ang kaalaman na ngayon ay wala nang kasalanan. Ngunit sa palagay mo ba hindi makatarungan, na katulad sa araw na ito na ang katawan at kaluluwa ay nagkakasáma sa pakikibaka upang taglayin ang Langit, sila ay kailangan na pag-isahin din sa eternal na Araw upang kalugdan ang gantimpala? Hindi ka ba kumbinsido? Bakit kayo namumuhay sa kahinahunan at pagninilay-nilay, kung gayon?»

«Upang maging... mas perpektong tao, ang panginoon sa iba pang mga hayop na sumusunod sa kanilang likas na simbuyo nang walang pagpipigil at upang maging mas mabuti kaysa sa karamihang mga tao na narumihan ng pagkahayop kahit na kung sila ay nagpapakita ng mga pilakteryo, mga palawit, mga borlas at malalapad na mga kasuutan at tinatawag ang kanilang mga sarili na “ang mga inihiwalay”.

Anathema! Ang mga Pariseo, nang mapakinggan ang maanghang na pananalita, na sinang-ayunan ng mga pulutong nang may pagpapatawa, ay nabalisa at sumigaw katulad ng mga baliw. «Iniinsulto nila kami, Guro! Nalalaman Ninyo ang aming kabanalan. Ipagsanggalang kami» sumisigaw sila nang pakaway-kaway.

Si Jesus ay tumugon: «Siya rin ay nalalaman ang inyong pagkukunwari. Ang mga kasuutan ay walang nagagawa sa kabanalan. Kapag kayo ay karapat-dapat na papurihan, makapagsasalita Ako. Ngunit ang Aking tugon sa iyo, Essene, ay isinasakripisyo ninyo ang inyong mga sarili para sa napakaliit. Bakit? Para kanino? Para sa gaano katagal? Para sa pantaong papuri. Para sa isang mortal na katawan. Para sa maikling panahon katulad ng paglipad ng isang palkon. Itaas ang inyong sakripisyo. Maniwala sa totoong Diyos, sa maligayang-maligayang resureksiyon, sa malayang kalooban ng tao. Mamuhay sa isang asetiko na pamumuhay, ngunit para sa sobrenatural na mga rason na iyan. At sa pamamagitan ng iyong ibinangon na katawan kalulugdan mo ang eternal na kaligayahan.»

«Huli na! Ako ay matanda na! Baka nasayang ko ang aking pamumuhay sa isang nagkakamaling sekta... Ito na ang katapusan!...»

«Hindi. Iyan ay hindi kailanman ang katapusan para sa mga nagugusto ng kabutihan! Makinig, mga makasalanan, at kayo, na nasa pagkakamali, o kayo, maging ano pa man ang inyong nakaraan. Magtika. Lumapit sa Awa. Binubuksan nito ang mga kamay nito sa inyo. Pinapakita Ko sa inyo ang daan. Ako ang purong mahalagang pontanya. Kalimutan ang nagpaligaw sa inyo magpahanggang ngayon. Maghubad at pumunta sa pontanya. Damtan ninyo ang inyong mga sarili ng liwanag. Matauhan. Kayo ba ay nakapagnakaw katulad ng mga mandarambong, o katulad ng mga maginoo at manlilinlang sa negosyo o sa mga opisina? Halikayo. Nagkaroon ba kayo ng masasamang mga kaugalian o mahahalay na masimbuyong mga damdamin? Halikayo. Napahirapan ba ninyo ang inyong kapwa? Halikayo. Magtika. Lumapit sa pagmamahalan t sa kapayapaan. O! hayaan ang pagmamahal ng Diyos na dumaloy sa inyo. Paginhawahan ang pagmamahal na iyan, na nasa paghihirap dahil sa inyong pakikipaglaban, sa inyong takot, sa inyong pag-aalinlangan. Nakikiusap Ako sa inyo sa ngalan ng Aking Ama at ninyo. Lumapit sa Buhay at sa Katotohanan, at magkakaroon kayo ng eternal na buhay.»

Ang isang lalaki ay sumigaw mula sa pulutong: «Ako ay mayaman at isang makasalanan. Ano ang dapat kung gawin upang makalapit?»

«Talikdan ang lahat alang-alang sa Diyos at sa iyong kaluluwa.»

Ang mga Pariseo ay bumulong-bulong at pinagtatawanan si Jesus, tinatawag Siyang «tindero ng guniguni at mga erehiya», at «makasalanan na nagbabanal-banalan», at binabalaan Siya na ang mga erehe ay laging mga erehe at na ganyang ang mga Essene. Sinasabi nila na ang biglaang pagbabalik-loob sa Diyos ay walang iba bagkus lumilipas na kasigasigan at na ang isang di-dalisay na tao at laging magiging di-dalisay, ang isang magnanaka ay laging magiging isang magnanakaw at ang isang mamamatay-tao ay laging mamamatay-tao. Nagtatapos sila sa pagsasabi na, dahil namumuhay sila sa perpektong kabanalan sila lamang ang natatanging mga tao na may karapatan sa Langit at sa pagtuturo.

«Ito kanina ay isang masayang araw. Ang mga binhi ng kabanalan ay bumabagsak sa mga puso. Ang Aking pagmamahal, napakain ng halik ng Diyos, ay nagbibigay ng buhay sa binhi. Ang Anak ng tao ay masaya sa pagpapabanal... Nilason ninyo ang araw. Ngunit hindi na bale. Sinasabi Ko sa inyo – at kung Ako ay hindi magiliw, ang pagkakamali ay nasa inyo – sinasabi Ko sa inyo na kayo ang mga tao na ipinakikita ang mga sarili na makatarungan, o nagsisikap na ipakita ito, sa mga mata ng mga tao, ngunit kayo ay hindi makatarungan. Nalalaman ng Diyos ang inyong mga puso. Kung ano ang dakila sa mga mata ng mga tao, ay hindi kanais-nais sa harapan ng kawalang-hangganan at perpeksiyon ng Diyos. Binanggit ninyo ang lumang Batas. Bakit, kung gayon, hindi kayo namumuhay nang ayon dito? Binabago ninyo ang Batas nang pabor sa inyo, pinalulubha ninyo ito sa pamamagitan ng mga pabigat na magbibigay sa inyo ng kita. Bakit, kung gayon, hindi ninyo Ako pinahihintulutan na baguhin ito sa ikabubuti ng maliliit na ito, inaalis ang lahat na mga borlas at mabibigat na walang-silbing mga pasanin na mga alituntunin na ginawa ninyo, na napakarami at sa pagkakagawa na ang kung ano ang pinakamahalaga ay ang siya pang nawawala sa ilalim ng mga ito at hindi na ito makahinga? Ako ay nalulungkot para sa mga pulutong na ito, para sa mga kaluluwang ito, na naghahanap ng sariwang hangin sa Relihiyon at nakatagpo ng buhol. Naghahanap sila ng pagmamahal at nakatagpo ng katatakutan... Hindi. Halikayo, maliliit ng Israel. Ang Batas ay pag-ibig! Ang Diyos ay pag-ibig. Iyan ang Aking sinasabi sa mga natatakot sa pagitan inyo. Ang mahigpit na Batas at ang mga nananakot na mga propeta na humula sa Akin, ngunit sa kabila ng mga sigaw ng kanilang nakapananakot na mga hula ang mga ito ay hindi nakapagpatigil sa pagkakasala, ay natapos kay Juan. Pagkatapos ni Juan ay dumating ang Kaharian ng Diyos, ang Kaharian ng pagmamahal. Sinasabi Ko sa mapagpakumbaba: “Pumasok. Ito ay para sa iyo”. At ang lahat na may mabuting kalooban ay magsisikap na makapasok. Ngunit para sa mga hindi nagbababa ng kanilang mga ulo, hindi dumadagok sa kanilang mga dibdib nagsasabi: “Ako ay nagkasala”, ay wala ang Kaharian. Ito ay nakasulat: “Tuliin ang iyong puso at huwag nang maging matigas ang ulo”. Ang lupain na ito ay nakakita sa kataka-takang ginawa ni Elisha, na ginawa niyang maiinom ang maruming tubig, sa pagtatapon ng ilang asin sa tubig. At hindi ba Ako nagtatapon ng asin ng Karunungan sa inyong mga puso? Bakit kayo kung gayon mas malala pa kaysa sa tubig at hindi ninyo binabago ang inyong mga espiritu? Ihalo ninyo ang Aking asin sa inyong mga pormularyo at magkakaroon ito ng sariwang lasa, sapagkat mabibigyan nito ang Batas ng sinaunang lakas nito. Sa inyo, una sa lahat, dahil kayo ang pinaka nangangailangan. Sinasabi ba ninyo na pinapalitan Ko ang Batas? Hindi. Nagsisinungaling kayo. Binibigay Ko sa Batas ang orihinal na porma nito, na inyong binaluktot. Sapagkat ang Batas ay tatagal nang kasing tagal ng Lupa, at kapwa ang kalangitan at lupa ay mawawala bago man ang kahit isa lamang ng mga elemento o payo nito mawala. At kung binabago ninyo ito, dahil ito ang gusto ninyong gawin, at kung gagawa kayo ng pinong mga pagkakaiba-iba naghahanap ng mga malulusutan para sa inyong mga pagkakamali, mabuti pang malaman ninyo na walang mangyayari nito. Walang mangyayari  nito, Samuel! Walang mangyayari nito, Isaiah. Ito ay nakasulat: “Hindi kayo makikiapid” at kinukumpleto Ko ito idinadagdag: “Siya na pinababalik ang kanyang asawa upang mapakasalan ang iba, ay mapangalunya, at siya, na nagpapakasal sa isang babae na tinalikdan ng kanyang asawa, ay mapangalunya, sapagkat kung ano ang pinagdugtong ng Diyos, tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay”. Ngunit ang magagaspang na salita ay para sa mga suwail na mga makasalanan. Ang mga nagkasala, ngunit namimighati nang lubos para sa pagkakasala nang gayon, ay kailangan na malaman at maniwala na ang Diyos ay Kabutihan, at hayaan silang makalapit sa Kanya Na nagpapawalang-sala, nagpapatawad at tumatanggap sa Buhay. Lumapit nang may katiyakan na ito. Ikalat ito sa mga puso ng mga tao. Ituro ang awa, na nagbibigay sa inyo ng kapayapaan, pinagpapalà kayo sa pangalan ng Panginoon.»

Ang mga pulutong ay naghiwa-hiwalay nang unti-unti, kapwa dahil ang landas ay masikip at dahil sila ay naaakit ni Jesus. Ngunit sila ay naghiwa-hiwalay.

Ang mga apostol ay nanatiling kasama si Jesus at habang nagsasalita kinukuha nila ang kanilang madadaanan. Hinahanap nila ang lilim naglalakad malapit sa isang palumpungan ng gusot na mga tamarisk. Ngunit may isang Essene sa loob nito. Ang isang nagsalita kay Jesus. Inaalis niya ang kanyang puting mga damit.

Si Pedro, na nasa unahan ng lahat, ay natulala, nakikita ang mamâ na walang suot bagkus ang kanya lamang pang-ilalim, at siya ay tumakbong pabalik nagsasabing: «Guro! Isang baliw! Ang isang nagsasalita sa Inyo, ang Essene. Siya ay naghubad at umiiyak at naghihinagpis. Hindi tayo makapupunta roon.»

Ngunit ang mamâ, na payat, balbasin, na walang mga damit sa kanyang katawan maliban sa kanyang mga pang-ilalim at mga sandalyas, ay nakalabas na sa palumpungan at ibinaling ang kanyang paglalakad patungo kay Jesus umiiyak at dinadagukan ang kanyang dibdib. Ipinagpatirapa ang kanyang sarili: «Ako ang isa na ang kaninong puso ay mahimalang napagaling. Pinagaling Ninyo ang aking puso. Susundin ko ang Inyong salita. Ibig kong maramtan ang aking sarili ng liwanag, iniiwan ang lahat na iba pang mga kaisipan, na baka magdamit sa akin ng mga pagkakamali. Mamumuhay akong nakahiwalay upang magnilay-nilay tungkol sa totoong Diyos, upang makakuha ng buhay at resureksiyon. Sapat na ba iyan? Bigyan Ninyo ako ng bagong pangalan at sabihin sa akin ang isang lugar kung saan ako makapamumuhay ng sa Inyo at ng sa Inyong mga salita.»

«Siya ay baliw! Hindi tayo makapamumuhay nang ganyan at napakinggan na natin ang napakarami ng Kanyang mga salita! At siya... pagkatapos lamang ng isang sermon...» sabi ng mga apostol sa isa’t isa.

Ngunit ang mamâ, na nakarinig sa kanila, ay nagsabi: «Maglalagay ba kayo ng mga limitasyon sa Diyos? Nabiyak Niya ang aking puso upang mabigyan ako ng isang malayang espiritu. Panginoon!...» siya’y nakikiusap, inuunat ang mga kamay patungo kay Jesus.

«Oo. Ang iyong pangalan ay Elijah at maging apoy. Ang bundok na iyon ay puno ng mga yungib. Pumunta ka roon, at kapag mapakinggan mo ang lupa na manginig dahil sa nakapangingilabot na lindol, lumabas ka, at hanapin ang mga lingkod ng Panginoon at sumama sa kanila. Diyan ka maipapanganak muli at ikaw ay magiging isang lingkod din. Lakad!»

Ang mamâ ay hinahalikan ang Kanyang mga paa, tumayo at umalis.

«Ngunit siya ba ay aalis na hubad nang ganyan?» tanong ng natulalang mga apostol.

«Bigyan siya ng isang manta, isang lanseta, isang tuyong manipis na kahoy at isang batong kiskisan, at ilang tinapay. Siya ay maglalakad ngayong araw at bukas at pagkatapos magreretiro siya upang magdasal kung saan tayo tumigil noon at ang Ama ang siyang titingin sa Kanyang anak»»

Sina Andres at Juan ay hinabol siya at inabutan siya nang siya ay malapit nang mawala sa paningin sa kurbada.

Sila ay bumalik nagsasabing: «Kinuha niya ang lahat. Sinabi din namin kung saan tayo nagpunta dati. Anong di-inaasahang huli. Panginoon!»

«Ang Diyos ay nagpapabulaklak sa mga tanim na nasa mga bato. At sa mga disyerto ng mga puso ginagawa Niya ang mga espiritu ng mabuting kalooban na bumangon upang mabigyan Siya ng kasiyahan. Ngayon maglakad na tayo patungong Jericho. Titigil tayo sa ilang mga bahay sa kabukiran.»

031010/012913



Sunod na kabanata