381. Sa Bahay ni Nike.

Pebrero 12, 1946.

Bagama't ang daan ay tumatakbo sa isang berdeng kabukiran, na may madadahon na punungkahoy sa mga panabi nito, ito ay kasing init ng isang pugon sa katanghalian na araw. Ang init at ang amoy ng tinapay na niluluto sa isang hurno ay nanggagaling sa mga bukid, kung saan ang mga butil ay mabilis na nahihinog. Ang liwanag ay nakakasilaw. Ang bawat tainga ng butil ay nagmumukhang isang munting ginintuan na lampara sa pagitan ng ginintuang mga bulaklak ng damo at ang tulís na mga balahibo, at ang sinag ng araw na kumikislap sa mga dayami ng mga tangkay ay kasing pasakit sa mata katulad ng nakakasilaw na daan. Walang mangyari ang paghahanap ng kaginhawahan ng mga naglalakbay sa loob ng mga kadahunan. Kung tinitingala nila ang mga ito, mas lalong nailalantad ang kanilang mga mata sa nakakasilaw na liwanag ng mapaniil na sikat ng araw, at kailangan nilang ibaba ang kanilang mga mata kaagad, upang maiwasan ang gayong  karahasan at isara ang mga mata, nag-iiwan ng kaunting pagitan sa kanilang maalikabok na namulang nagkatubig na mga pilikmata. Ang pawis na tumutulo sa kanilang maalikabok na mga pisngi ay nag-iiwan ng maningning na mga guhit. Kinakaladkad nila ang kanilang mga paa na nagpapataas ng mas maraming alikabok, na nagpapadagdag sa kanilang paghihirap.

Si Jesus ay pinagiginhawahan ang Kanyang pagod na mga apostol. Bagama't Siya ay pinagpapawisan din, tinakpan Niya ang Kanyang ulo ng Kanyang manta, upang maprotektahan ito sa araw, at pinapayuhan ang mga apostol na ganito rin ang gawin. Sumunod sila nang hindi nagsasalita. Labis silang napapagod upang mag-aksaya ng hininga para sa kanilang dating mga reklamo. Sila ay nagpapatuloy katulad ng mga lasing...

«Magsaya. May isang bahay sa banda roon sa mga bukid...» sabi ni Jesus.

«Kung iyan ay katulad ng iba... walang mapapala bagkus ang paghihirap ng paglalakad nang labis daan sa maapoy na mga bukid nang walang pakay» pabulong ni Pedro sa loob ng kanyang manta. Ang iba ay sumasang-ayon bumibigkas ng malungkot na «h’m!»

«Pupunta Ako. Manatili kayo rito sa loob ng maliit na lilim.»

«Hindi. Sasama kami sa Inyo. Mayroon sila ng isang bubon man lamang, dahil walang kakulangan sa tubig dito... at makaiinom kami upang mapatid ang apoy sa loob namin.»

«Makasasama sa inyo ang uminom habang kayo ay napakainit.»

«Kami ay mamamatay... ngunit mas mabuti na iyan kaysa sa kung ano ang mayroon kami ngayon...»

Si Jesus ay hindi tumutugon. Nagbubuntung-hininga Siya at nauna na sa kanila sa tabi ng isang landas na patungo sa mga bukid ng mga butil.

Ang mga bukid ay hindi umaabot sa kasing layo ng bahay, bagkus ito ay nagtatapos sa hangganan ng isang magandang malilim na lootan, na pumoporma ng nakapagpapalamig na paikot sa bahay, dahil kapwa ang liwanag at ang init ay napahihina sa loob nito.

Ang paghuni ng mga kalapati, ang paglangitngit ng mga muton at ang kalmadong mga tinig ng mga babae ay naririnig mula sa bahay at kumakalat sa lubos na katahimikan ng kabukiran.

Si Jesus ay nakarating sa loob ng isang maliit na pahingahang lugar, na nakapaikot sa bahay katulad ng isang malapad na malinis na lakaran, sa ibabaw nito kung saan ang isang balag ng mga ubas ay ikinakalat nito ang mga sabid-sabid na madadahong sanga at ang isang nagpoprotektang lilim.

«Kapayapaan sa bahay na ito! Maaari ba Ako, isang peregrino, magkaroon ng ilang pampalamig?» tanong ni Jesus nakatayo sa pamasukan ng silid, isang malaking kusina sa loob kung saan ang mga katulong ay naghuhugas ng mga pinagkainan sa tanghalian.

«Ang maybahay ay hindi Kayo tatanggihan. Pupunta ako at sasabihan siya.»

«Mayroon pang labindalawang tao na kasama Ko, at kung Ako lamang ang magkakaroon ng pampalamig, mas gugustuhin Kong hindi na lang magkaroon.»

«Sasabihan namin ang sinyora at siya ay tiyak na...»

«Guro at Panginoon! Kayo ay naririto? Sa aking bahay? Anong grasya ito?» pagputol ng isang tinig, at ang isang babae, si Nike, ay nagmadaling lumapit at lumuhod sa paanan ni Jesus.

Ang mga babaeng katulong ay naiwan na katulad ng mga estatuwa. Ang isa na naghuhugas ng mga pinggan ay nakatayong may tuwalya sa kanyang kanang kamay at isang tumutulong pinggan sa kanyang kaliwa, napapula ng kumukulong tubig.

«Ako ay naririto. Maraming bahay ang tumanggi sa amin. Kami ay pagod at uhaw.»

«O! Halikayo! Hindi rito. Pumunta tayo sa mga silid na nakaharap sa hilaga, na malamig at malilim. At ikaw, maghanda ng tubig upang sila ay makapaghugas, at magdala ng ilan na may-bangong mga inumin. At ikaw, babae, lakad at gisingin ang tagapamahala at sabihin sa kanya na bigyan ka ng ilang mga pangminindal, habang naghihintay para sa hapunan...»

«Hindi, Nike, Ako ay hindi isang makamundong panauhin. Ako ay ang iyong inuusig na Guro. Humihingi Ako ng matutuluyan at pagmamahal, kaysa sa pagkain. Humihingi Ako ng awa, mas lalo na para sa Aking mga kaibigan kaysa para sa Aking sarili...»

«Oo, Panginoon. Ngunit kailan Kayo nagkaroon ng Inyong huling pagkain?»

«Sila... hindi Ko alam. Ako, kahapon nang pagsikat ng araw, kasama sila.»

«Kung gayon nakikita Ninyo... Hindi ako gagawa ng mga kalabisan. Ngunit bilang isang kapatid na babae o isang ina bibigyan ko ang lahat ng kinakailangan, at bilang isang lingkod at disipulo, bibigyan ko Kayo ng parangal at tulong. Nasaan ang mga kapatid na lalaki?»

«Nasa lootan. Ngunit sa palagay Ko sila ay darating. Naririnig Ko ang kanilang mga tinig.»

Si Nike ay tumakbo sa labas, nakita niya sila at tinawag sila at pagkatapos pinasunod sila kasama si Jesus patungo sa isang malamig na pamasukang bulwagan, kung saan mayroon nang mga palanggana at mga tuwalya, upang sila ay makapaghugas ng kanilang mga mukha, mga kamay at mga paa at maalis ang alikabok at pawis.

«Nakikiusap ako sa inyo, alisin ninyo ang inyong maalikabok na mga damit at ibigay iyan sa mga katulong kaagad. Magiging mas mabuti ang inyong mga pakiramdam sa malinis na mga damit at malamig na mga sandalyas. Pagkatapos halikayo sa bulwagan. Maghihintay ako sa inyo roon.»

At si Nike ay lumabas sinasara ang pinto...

... Ah! Maganda rito sa loob ng lilim at labis na nakapagpapalamig!» sabi ni Pedro na may pagbuntung-hininga pinapasok ang silid kung saan si Nike ay naghihintay nang may-kabaitan at paggalang para sa kanila.

«Ang aking lugod sa pagbibigay sa inyo ng kaginhawahan ay tiyak na mas malaki kaysa sa inyong kaginhawahan, o apostol ng aking Panginoon.»

«H’m! Apostol... Siyempre... Ngunit, makinig, Nike, kumilos tayo nang walang seremonya. Kayo: hindi tinitingnan ang importansiya ng katotohanan na kayo ay mayaman at marunong; ako, na hindi tinitingnan ang importansiya ng katotohanan na ako ay isang apostol.  Kung gayon... katulad ng mabubuting magkakapatid, na nangangailangan ng tulong ng isa’t isa para sa kanilang mga kaluluwa at sa kanilang mga katawan. Ang kaisipan na ako ay isang apostol ay nahihintakutan ako nang labis.»

«Ano ang ikinatatakot mo?» tanong ng nagtatakang babae ngumingiti.

«Ang pagiging... napakalaki... kung tungkol sa luwad na ako, at na ako ay baka himatayin dahil sa bigat... Ako ay natatakot ng... maging arogante na may pagmamalaki... Natatakot ako na... ang iba, ang ibig kong sabihin ang mga disipulo at mabubuting mga kaluluwa, nalalaman na ako ay isang apostol, ay baka lumayo sa akin at pigilan ang kanilang mga dila kahit na kung ako ay nagkakamali... At ayaw ko niyan sapagkat sa pagitan ng mga disipulo, pati na rin sa pagitan ng mga naniniwala sa simpleng paraan, marami ang mas mabuti kaysa sa akin, ang iba hinggil dito, ang iba hinggil diyan, at ibig kong kumilos katulad.... ng pukyutan na iyon sa banda roon, na nakapasok, at katulad ng mga basket ng prutas na inyong pinakuha na dalhin para sa amin, sumisipsip ito nang kaunti rito at kaunti roon, at ngayon, upang makumpleto ang gawain, ay sumisipsip sa mga bulaklak at pagkatapos ito ay aalis at sisipsip ng clover at mga bulaklak ng mga butil, “camomile” at mga “blindweed”. Kumukuha ito ng kaunti ng lahat. At kailangan kong gawin ang ganyan din...»

«Ngunit sinisipsip mo ang pinakamagandang bulaklak! Ang Guro.»

«Oo, Nike. Ngunit mula sa Kanya natuto akong maging isang anak ng Diyos. Ang mga tao ay matuturuan akong maging isang tao.»

«Ikaw ay tao.»

«Hindi, babae. Ako ay kulang nang kaunti kaysa sa isang hayop. At totoo hindi ko malaman kung papaano ako tinitiis ng Guro...»

«Natitiis kita sapagkat alam mo kung ano ka, at matatrabaho kita nang kasing dali katulad ng isang gumagawa ng masa ng tinapay. Ngunit kung ikaw ay isang matigas ang ulo at lumalaban, at higit sa lahat kung ikaw ay mapagmalaki, palalayasin kita na tila ikaw ay isang dimonyo» sabi ni Jesus.

Ang ilang mga katulong na babae ay pumasok na may mga kopa ng malamig na gatas, at porosong mga pitsel, na nagpapanatili sa mga tubig na maging malamig.

«Uminom ng ilang pampalamig» sabi ni Nike. »Pagkatapos makapagpapahinga kayo hanggang gabi. May mga silid at kama sa bahay. At kung ako ay wala nito, ibibigay ko sa inyo ang akin, upang makapagpahinga kayo. Guro, ako ay aalis na ngayon upang maasikaso ang mga bagay pamamahay. Nalalaman ninyong lahat kung saan ninyo ako matatagpuan at ang mga katulong na babae.»

«Lakad at huwag mag-alala tungkol sa amin.»

Si Nike ay lumabas. Ang mga apostol ay binigyan ng hustong katarungan ang minindál na binigay sa kanila. At habang kumakain na may mabuting gana, sila ay nagsasalita at gumagawa ng mga komentaryo.

«Magandang prutas!»

«At isang mabuting disipulo.»

«Magandang bahay. Hindi maringal, hindi mahirap.»

«At kontrolado ito ng isang babae na mabait at matatag. May kaayusan, kalinisan, respeto, at kagiliwan din.»

«May magagandang bukid sa paligid nito! Isang suwerte!»

«Oo. At isang pugon!...» sabi ni Pedro, na hindi nakakalimutan ang kanyang ipinaghirap. Ang iba ay tumawa.

«Ngunit napakaganda rito. Nalaman ba Ninyo na rito nakatira si Nike?» tanong ni Tomas.

«Wala Akong nalalaman na higit pa sa nalalaman ninyo. Nalaman Ko na nakabili siya ng ilang ari-arian malapit sa Jericho. Ngunit iyan lamang. Ang mahal na anghel ng mga peregrino ay dinala tayo rito.»

«Sa katunayan, dinala Kayo. Ayaw namin kaninang pumunta.»

«Nakahanda na ako kanina na ibagsak ang aking sarili sa lupa at hayaan ang araw na sunugin ako, kaysa humakbang pa ng isa» sabi ni Mateo.

«Hindi posibleng maglakbay sa araw. Ang araw ay napakalakas sa taon na ito. Para itong nababaliw na rin.»

«Oo, maglalakbay tayo sa loob ng mga unang oras ng umaga at ng gabi. Ngunit malapit na tayong makarating sa itaas sa mga bundok. Mas katamtaman doon.»

«Sa aking bahay?» tanong ng Iskariote.

«Oo, Judas. At sa Juttah at sa Hebron.»

«Hindi sa Ashkelon, eh?»

«Hindi, Pedro. Pupunta tayo sa hindi pa natin napuntahan. Maghihirap pa rin tayo sa sikat ng araw at sa init. Isang maliit na sakripisyo alang-alang sa Akin at alang-alang sa mga kaluluwa. Magpahinga na ngayon. Pupunta Ako sa lootan upang magdasal.»

«Ngunit hindi ba Kayo kailanman napapagod? Hindi kaya mas maganda na magpahinga rin Kayo? » tanong ni Judas ni Alfeo.

«Baka gusto ng Guro na tumigil dito...» wika ng Zealot.

«Hindi. Aalis tayo pagsikat ng araw upang tumawid sa tubig sa malamig na mga oras .»

«Saan tayo pupunta sa kabila ng Jordan?»

«Ang mga pulutong ay pauwi pagkatapos ng Paskuwa. Napakarami ang mga naghahanap para sa Akin sa Jerusalem nang hindi Ako nakikita.

«Ngunit babalik ba tayo sa Galilee?»

«Pupunta rin tayo roon. Ngunit mananatili tayo sa mga katimugang bahagi na ito nang matagal-tagal, at ang isang matutuluyan ay malaking pakinabang para sa atin. Matulog. Lalakad na Ako.»

--------------------

Ang hapunan ay maaaring tapos na. Gabi na. Ang mga tulo ng hamog ay bumabagsak mula sa mga kornisa at maririnig sa mga dahon ng baging. Mayroong di-kapani-paniwalang bilang ng mga bituin sa kalangitan at ang mga mata ay mawawala sa pagninilay-nilay sa mga ito. Mga huni ng mga kuliglig at mga ibong gabi. Ang katahimikan ng kabukiran.

Ang mga apostol ay nakaalis na. Ngunit si Nike ay gising at siya ay nakikinig sa Guro. Siya ay nakaupong tuwid sa ibabaw ng isang batong upuan sa tabi ng bahay. Ang babae ay nakatayo sa harapan Niya, sa isang aktitud ng magalang na pag-asikaso.

Si Jesus ay maaaring tinatapos ang isang talumpati na nasimulan na. Sinasabi Niya: «Oo. Ang sinabi ay tama. Ngunit natitiyak Ko na ang penitente, o kung baga ang “nagbabalik-loob na lalaki” ay hindi maiiwan na walang tulong ng Panginoon. Habang tayo ay kumakain ng hapunan at nagsisilbi ka at gumagawa ng mga katanungan. Iniisip Ko na ikaw ang tulong. Sinabi mo: “Masusundan lamang Kita sa loob ng maiikling panahon sapagkat kailangan kong tingnan ang bahay at ang bagong mga katulong sa bahay”. At ikinalulungkot mo ito at sinabi mo na kung nalaman mo lamang na makikita mo Ako kaagad, hindi mo sana binili ang ari-arian, na ngayon ay pumipigil sa iyo. Nakikita mo na nakatulong ito sa pagbibigay ng pag-aruga sa mga nag-eebanghelyo. Kung gayon ito ay mabuti.  At maaaring makatulong itong muli... habang naghihintay na makapaglingkod nang perpekto sa iyong Panginoon. Ngayon humihingi Ako ng serbisyo mo, alang-alang sa kaluluwang iyon, na nagbabalik-loob at puno ng mabuting kalooban, ngunit napakahina. Ang labis-labis na pagtitika ay baka makapagpalungkot sa kanya, at si Satanas ay baka magsamantala sa gayong kalungkutan.»

«Ano ang kailangan kong gawin, aking Panginoon?»

«Pumunta sa kanya. Pumunta sa kanya buwan-buwan, na tila ito ay isang ritwal. Ito ay isang ritwal ng pangkapatiran na pagmamahal. Pupunta ka sa Cherith at umaakyat pataas sa landas sa pagitan ng mga palumpong tatawag ka: “Elijah! Elijah!”. Titingin siya sa pagtataka at babatiin mo siya nang ganito: “Kapayapaan sa iyo, kapatid, sa ngalan ni Jesus ang Nazareno”. Dadalhan mo siya ng tinapay na sasapat sa isang buwan na lulutuin mo nang dalawang beses. Walang iba pa sa tag-init. Mula sa Kapistahan ng mga Tabernakulo, dadalhan mo rin siya ng apat na banga ng langis tuwing buwan, kasama ang tinapay. At sa mga Tabernakulo dalhan mo siya ng isang kasuutan na gawa sa balat ng kambing, makapal, hindi natatagos ng tubig, at isang blanket. Wala nang iba pa.»

«At walang kahoy?»

«Tanging iyon lamang na talagang gagamitin. Siya ay magtatanong tungkol sa Akin. Sabihin sa kanya ang nalalaman mo. Magtatapat siya tungkol sa kanyang mga pag-aalinlangan, kanyang mga pag-asa at mga panghihina ng loob. Sasabihin mo sa kanya kung ano ang pinasigla sa iyo ng iyong pananampalataya at awa. Ang sakripisyo, maging ano pa man, ay hindi tatagal... Ni wala pang labindalawang buwan.... Magiging maawain ka ba sa Akin at sa penitente|?»

«Oo, aking Panginoon... Ngunit bakit napakalungkot Ninyo?

«At bakit ka umiiyak?»

«Sapagkat sa Inyong mga salita may nakikita akong salagimsim ng kamatayan... Mawawala ba Kayo sa akin kaagad?» si Nike ay lumuluha sa likuran ng kanyang belo.

«Huwag umiyak! Magkakaroon ng labis na kapayapaan para sa Akin, pagkatapos... Wala nang poot. Wala nang mga pananambang. Wala na ang lahat na ito... panginginig sa takot sa kasalanan laban sa Akin at sa kapaligiran Ko... wala nang nakapanghihilakbot na mga pakikihalubilo... O! Huwag umiyak, Nike! Ang iyong Tagapagligtas ay magkakaroon ng kapayapaan. Magiging matagumpay Siya...»

«Ngunit bago... Lagi kong nababasa ang mga propeta kasama ang aking asawa. At siya ay pinanginginigan sa takot sa mga salita ni David at ni Isaiah. Ngunit talaga bang magiging ganyan iyan para sa Inyo?»

«Iyan at mahigit pa...»

«O!.. Sino ang magpapaginhawa sa Inyo? Sino ang titingin sa Inyo namamatay nang umaasa pa?»

«Ang pagmamahal ng Aking mga disipulo at lalo na ang pagmamahal ng Aking mga babaeng disipulo.»

«Pati na rin ang akin, kung gayon. Sapagkat hindi maaaring málayo ako sa aking Tagapagligtas. Kaya lang... o! Panginoon! Magtalaga Kayo ng kahit na anong klaseng pagpapakasakit mula sa akin, kahit na anong sakripisyo, ngunit bigyan Ninyo ako ng panlalaking katapangan para sa oras na iyan. Kapag Kayo ay magiging katulad ng “isang tuyong pilas ng palayok”, “ang Inyong dila naninigas sa Inyong panga” dala ng pagkauhaw, kapag Kayo ay magmumukhang “katulad ng isang ketongin na nagtatakip ng kanyang mukha”, ipagkaloob na makilala ko Kayo bilang ang Hari ng mga hari at matulungan ko sana Kayo, bilang isang debotong lingkod. Huwag Ninyong itago ang Inyong nahihirapang mukha sa akin, o aking Diyos! Ngunit sa dahilan na ako ay Inyong pinahihintulutan na kasiyahan sa Inyong kaningningan, o Tala sa Umaga, hayaang tingnan ko Kayo  sa oras na iyon at sana ang inyong mukha ay maitatak sa aking puso, sapagkat, o! ang akin ding puso, katulad ng Inyo, ay matutunaw katulad ng kandila sa araw na iyon, sa pamamagitan ng kapighatian...» Si Nike ngayon ay nasa kanya nang mga tuhod, halos nakapatirapa at paminsan-minsan itinataas ang kanyang lumuluhang mukha upang tingnan ang kanyang Panginoon, na ang Kaninong katawan ay maputi sa maputing liwanag ng buwan sa kaligiran ng madilim na pader.

«Mapapasaiyo ang lahat na iyan. At mapapasa-akin ang iyong awa. At iyan ay sasama sa Akin sa Aking bitayan at mula roon iyan ay tataas sa Langit. Ang iyong korona magpasawalanghanggan. Ang mga anghel at mga tao ay bibigkasin ang pinakamagandang papuri mo: “Sa oras ng kalamidad, ng kasalanan, ng pagdududa, siya ay tapat, hindi siya nagkasala at tinulungan niya ang Panginoon”. Tumayo ka, babae. At pagpalain ka sana magmula ngayon at magpasawalanghanggan.»

Ipinapatong Niya ang Kanyang mga kamay sa kanyang ulo habang siya ay tumatayo, at pagkatapos sila ay pumasok sa tahimik na bahay, para sa kanilang pagpapahinga sa gabi.

041010/012913



Sunod na kabanata