382. Sa Bantilan sa Pagitan ng Jericho at Bethabara.

Pebrero 14, 1946.

Ang mga pampang ng Jordan malapit sa bantilan ay eksaktong katulad ng isang kampo ng mga táong-galà sa loob ng mga araw na ito, kung kailan ang mga karabana ay bumabalik patungo sa kanilang sariling mga bayan. Ang mga tolda o mga blanket lamang, nakatali sa dalawang puno ng kahoy, o nakapatong sa mga sanga na itinusok sa lupa, o itinali sa mataas na siya ng isang kamelyo, naipirmi, sa maikling pananalita, kahit na papaano, upang ang mga tao ay makapunta sa ilalim ng mga ito, at mabigyan ng proteksiyon sa hamog na maaaring katulad din ng ulan sa mga lugar na ito na mas mababa pa sa lebel ng dagat, ay nakakalat kahit saan sa mga kakahuyan, na pumoporma ng isang berdeng kuwadro sa palibot ng ilog.

Nang si Jesus ay nakarating kasama ang Kanyang mga disipulo malapit sa mga pampang ng ilog, pagawing hilaga ng bantilan, ang mga kampo ay nagsisimula nang gumising. Si Jesus ay maaaring umalis sa bahay ni Nike sa pagsikat ng araw, sapagkat ang araw ngayon ay hindi pa nakakataas at ang lugar ay maganda, malamig at mapanatag. Ang mas masisipag na tao, nagising ng paghalinghing, ng pag-iyak nang kakaiba ng mga kabayo, mga asno at mga kamelyo, ng pag-aaway o ng mga awit ng daan-daan na mga pipit at iba pang mga ibon sa pagitan ng mga sanga ng willow, ng mga palumpungan ng mga tambo, ng matataas na punungkahoy pumoporma ng berdeng mga lagusan sa itaas ng mabulaklak na mga pampang, ay nagsimulang lumabas nang hindi nagpapahalata mula sa may masasayang-kulay na mga tolda at bumababa sa ilog upang maghugas. Maririnig ng isa ang pag-yak ng mga bata at ang matamis na mga tinig ng mga ina nagsasalita sa kanilang mga anak.

Ang lahat na mga tanda ng buhay ay lumilitaw muli sa minu-minuto. Ang lahat na klaseng mga magtitinda ay dumating mula sa kalapit na bayan ng Jericho, kasama ang bagong mga peregrino, mga guwardiya at mga sundalo na may pananagutan sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng mga araw na ito, kung kailan ang mga tribu ng bawat rehiyon ay nagkikita-kita at hindi nagpipigil na magsalita ng mga insulto o mga paninisi, at kung kailan may madalas na pagnanakaw ng mga mandarambong sa daan, na humahalo sa mga pulutong nagkukunwaring mga peregrino upang makapangnakaw; at walang kakulangan ng mga puta, na mga dumarating para sa “kanilang” Paskuwang paglalakbay, ibig sabihin, upang makapangpiga ng pera at mga regalo mula sa mas nakaririwasa at mahahalay na mga pasahero bilang kabayaran para sa isang oras na pagpapakasarap, na mamiserableng nababale-wala nito ang lahat na puripikasyon ng Paskuwa... Ang tapat na mga babae, na sa pagitan ng mga peregrino ay naroon ang kanilang mga asawa at malalaki nang anak, ay sumisigaw katulad ng mga balisang madaldal na ibon tinatawag ang kanilang mga kalalakihan, na mga nakatayong nararahuyo, o iyan man lamang ang nasa isip ng mga ina at mga asawa, pinapanood ang mga puta. At ang di-nahihiyang mga babae ay tumatawa at nagbibigay ng natatalas na katugunan sa mga titulong pinaaabot sa kanila ng tapat na mga babae. Ang mga kalalakihan, at ang mga sundalo lalo na, ay tumatawa at gustong makipagbiruan sa mga puta. Ang ilang mga Israelita, na napakaistrikto sa moralidad, o mapagkunwaring nag-iistrikto lamang, ay umaalis nang nagagalit, habang ang iba... ay gumagamit ng mga senyas ng mga pipi-at-bingi, sapagkat ginagawa nilang sila ay malinaw na maintindihan ng mga puta sa pamamagitan ng mga senyas.

Si Jesus ay hindi sinusundan ang deretsong daan na magdadala sa Kanya sa gitna ng kampo. Bumababa Siya sa mabatong tabi ng ilog, inaalis ang Kanyang mga sandalyas at naglalakad kung saan ang tubig ay humahampas sa mga damo. Ang mga apostol ay sinusundan Siya.

Ang mas nakatatandang mga apostol, na mas nahihirapan na makisama, ay bumubulong: «At ang isipin na si Juan Bautista ay nagturo rito ng penitensiya!»

«O! At ang lugar na ito ay ngayon mas malala pa kaysa sa isang portiko sa mainit na paliguan ng mga Romano!»

«At ang mga tinatawag ang mga sarili na mga santo ay hindi naniniphayo na maaliw ang kanilang mga sarili roon!»

«Nakita mo rin ba sila?»

«Siyempre nakita ko! May mga mata rin ako!...»

Ang mas nakababata o hindi masyadong istriktong mga apostol – katulad ni Judas ng Kerioth na tumatawa at pinanonood nang mabuti ang nangyayari sa mga kampo at hindi naniniphayong pinagninilayan ang magagandang bastos na mga babae na mga naparito naghahanap ng mga suki; at si Tomas, na tumatawa pinapanood ang galit na mga asawa at ang galít ng mga Pariseo; at si Mateo, na hindi makapagsalita nang mahigpit laban sa mga bisyo at sa naging maruming mga tao, dahil siya minsan ay isang ring mismo makasalanan, at kontento na na magbuntung-hininga at iiling ang kanyang ulo; at si Santiago ni Zebedeo, na nanonood nang walang interes at walang pamimintas, walang pakialam – ay sinusundan ang maliit na grupo, sa unahan nito kung saan naroon si Jesus kasama si Andres, si Juan at si Santiago ni Alfeo.

Ang mukha ni Jesus walang pakialam, na tila ito ay inukit sa marmol. At ito ay nagiging mas walang pakialam, dahil mula sa itaas ng bunton ng lupa napapakinggan Niya ang mga salita ng paghanga o walang pagkahiyang mga paguusap sa pagitan ng isang hindi napakatapat na lalaki at ng isang puta. Lagi Siyang nakatingin nang diretso. Ayaw Niyang makakita. At ang Kanyang saloobin ay nagagawa ang Kanyang intensiyon na napakalinaw.

Ngunit ang isang bata-pang lalaki, magarang nakadamit, na nakikipagusap sa dalawang puta kasama ang iba pang mga taong katulad niya, ay nagsabi sa malakas na tinig sa isa sa mga babae: «Lakad! Ibig namin magkaroon ng magandang tawanan. Lakad at ialok ang iyong sarili! Paginhawahan Siya! Siya ay malungkot sapagkat, mahirap na katulad Niya, hindi Siya makabili ng mga babae.»

Ang garing na mukha ni Jesus ay namula at pagkatapos naging maputla ulit. Ngunit hindi Siya tumitingin sa paligid. Ang Kanyang pamumula ay ang tanging tanda lamang na Siya ay nakarinig.

Ang bastos na babae, na ang kanyang mga kuwintas kumakalansing nang malakas at ang kanyang damit pumapagaypay nang kaunti, ay bumigkas nang pakunwaring sigaw at lumukso mula sa mababang bunton ng lupa patungo sa mabatong tabi ng ilog, at sa paggawa nito, nagtagumpay siya sa pagpapakita ng labis ng kanyang lihim na kagandahan. Siya ay bumagsak sa paanan lamang ni Jesus at may matiling pagtawa sa kanyang magandang mga labì, nang-aanyayang mga mata at pigura, siya ay sumigaw: «O! Guwapong isa sa pagitan ng mga pinanganak ng babae! Para sa halik ng Inyong mga labì, binibigay ko ang lahat ng aking sarili nang walang bayad!»

Sina Juan, Andres at Santiago ni Alfeo ay naparalisa ng naiskandalong pagtataka at hindi makakilos nang kahit ano. Ngunit si Pedro! Siya ay lumuksong katulad ng tigre at mula sa kanyang grupo siya ay bumagsak nang mabigat sa malas na babae, ngayon nasa kanya nang mga tuhod at nakasandal nang pagtingala, inaalog ni Pedro, itinaas, itinapon, na may di-kanais-nais na salita, sa bunton ng lupa, pagkatapos dinudumog upang ibigay ang iba pang parusa.

Si Jesus ay nagsabi: «Simon!» Isang sigaw na mahigit pa sa isang sermon.

At si Simon ay bumalik sa kanyang Panginoon, namumula sa galit. «Bakit hindi Ninyo ako pahintulutan na parusahan siya.

«Simon, hindi mo parurusahan ang isang damit na naging marumi.  Lalabhan mo ito. Ang kanyang damit ay ang kanyang maruming katawan at ang kanyang kaluluwa ay narumihan. Magdasal tayo upang malinisan ang kanyang kaluluwa at ang kanyang katawan.» Nagsasabi Siya nang may kabaitan, sa mababang tinig, ngunit sapat na malakas upang mapakinggan ng babae, at naglalakad na muli, sinulyapan Niya ang sawing-palad na babae sa pamamagitan ng Kanyang banayad na mga mata. Isang sulyap lamang! Isang sandali lamang! Ngunit ang lahat na kapangyarihan ng Kanyang maawaing pagmamahal ay naroroon lahat! At ang babae ay ibinaba ang kanyang ulo, pinulot ang kanyang belo at tinatakpan ang kanyang sarili nito... si Jesus ay ipinagpapatuloy ang Kanyang paglalakad.

Si Jesus ngayon ay nasa bantilan na. Ang mababaw na tubig ay nagagawa ang mga adulto na makatawid sa kabila nang naglalakad. Sapat nang ililis ang mga damit hanggang sa itaas ng mga tuhod at hanapin ang malalaking maputing bato na nakalubog sa kasing linaw ng kristal na tubig napoporma ang isang uri ng lakaran para sa mga taong lumulusong pagtawid. Ang mga nakasakay sa kabayo ay tumatawid nang paayon sa agos.

Ang mga apostol ay masayang magpakababad sa tubig na hanggang sa kalahatian ng kanilang mga binti at si Pedro ay hindi makapaniwala na ito ay totoo. At pinangangakuan niya ang iba at ang kanyang sarili ng isang nakapananariwang paligo kapag sila ay tumigil sa bahay ni Solomon, bilang kabayaran para sa pagkaihaw nila kahapon.

Sila'y nasa kabila na ngayon. Dito rin ang mga pulutong ay nagiging aktibo pagkaraan ng pagpapahinga sa gabi, o ang mga tao ay tinutuyo ang mga sarili pagkatapos ng paglalakad sa tubig.

Si Jesus ay nag-utos: «Kumalat sa paligid at sabihin sa mga tao na ang Rabbi ay naririto. Lalapit Ako sa bumagsak na punungkahoy na iyon at maghihintay Ako para sa inyo roon.»

Maraming tao ang nasabihan kaagad at sila ay nagsama-sama upang pakinggan Siya.

Si Jesus ay nagsimulang magsalita. Ang isang malungkot na prusisyon ay dumaraan sinusundan ang isang estretser, sa ibabaw kung saan ay may isang bata-pang lalaki na nagkasakit sa Herusalem, at sa dahilan na ang mga doktor ay hinatulan na siya, siya ay iniuuwing madali sa kanyang bahay upang doon mamatay. Ang lahat ay nagsasalita tungkol sa kanya sapagkat siya ay mayaman at bata pa. At marami ang nagsasabi: «Maaaring napakalungkot ang mamatay kapag ikaw ay napakayaman at napakabata!» At ang ilan na baka naniniwala na kay Jesus ay nagsasabi: «Tama lang sa kanya iyan! Siya ay hindi maniwala. Ang mga disipulong ito ay pumunta sa kanyang mga kamag-anak at nagsabi sa kanila: “Ang Tagapagligtas ay naririto. Kung kayo ay may pananampalataya at sabihin sa Kanya, pagagalingin Niya siya”. Ngunit siya ang unang tumutol na pumunta sa Rabbi.» Ang paninisi at sinundan ng awa. At si Jesus ay ito ang pinatutungkulan sa simula ng Kanyang talumpati.

«Kapayapaan sa lahat!

Ang mayaman at bata-pang mga tao ay tiyak na ayaw na mamatay, kung sila ay mayaman lamang sa pera at bata pa ang edad. Ngunit sila, na mayaman sa birtud at bata pa dahil sa kanilang dalisay na mga ugali, ay hindi nalulungkot na mamatay. Ang totoong marunong na tao, mula sa edad ng kalayaan sa pagpasya, ay kumikilos sa pamamaraan na siya ay mamatay nang mapayapa. Ang buhay ay preparasyon para sa kamatayan, katulad na ang kamatayan ay preparasyon para sa isang mas dakilang Buhay. Ang totoong marunong na tao, kapag maintindihan niya ang katotohanan ng mabuhay at mamatay, ang katotohanan ng mamatay upang bumangon muli, ay nagsisikap sa bawat posibleng paraan na mahubaran ang kanyang sarili ng kung ano ang walang-pakinabang, at maging mayaman sa kung ano ang mapapakinabangan, ibig sabihin, sa mga birtud at mabubuting gawa, upang magkaroon ng panustos na ari-arian sa harapan Niya Na tatawag sa kanya upang siya ay hatulan, gantimpalaan o parusahan sa pamamagitan ng perpektong hustisya. Ang totoong marunong na tao ay namumuhay nang magagawa siyang mas adulto sa karunungan kaysa sa isang matanda, at mas bata kaysa sa isang tinedyer, sapagkat sa pamumuhay nang mabirtud at makatarungan, napapanatili niya ang gayong dalisay na mga damdamin sa kanyang puso na kahit na ang mga kabataan kung minsan ay wala nito. Gaano katamis kung gayon ang mamatay! Ang marunong na tao ay inihihiga ang kanyang ulo sa sinapupunan ng Ama, nagpapahingalay sa loob ng Kanyang yakap, at sa gitna ng kalabuan ng naglalahong buhay sinasabi niya: «Minamahal ko Kayo, umaasa ako sa Inyo”, sinasabi ang ganito sa huling pagkakataon sa ibabaw ng Lupa, upang ulitin pagkatapos nang nagsasaya “Minamahal ko Kayo!”, magpasawalanghanggan at kailanpaman sa kaningningan ng Paraiso.

Ang kamatayan ba ay isang malupit na kaisipan? Hindi. Isang makatarungan na dekreto para sa lahat na mga mortal, ito ay isang nakapangingilabot na alalahanin para sa mga hindi naniniwala at puno ng mga kasalanan. Walang kabuluhan na magsabi ang tao, upang mabigyan ng kapaliwanagan ang maproblemang kabalisahan ng isang tao na namamatay at hindi naging mabuti sa loob ng kanyang pamumuhay: “Ito ay dahil ayaw pa niyang mamatay, sapagkat wala pa siyang nagagawang mabuti, o napakakaunti lamang, at ibig niyang mabuhay upang gumawa ng pagsasatama”. Walang kabuluhan na sabihin niya: “Kung siya ay nabuhay nang mas matagal, nagkaroon sana siya ng mas malaking gantimpala, sapagkat nakagawa sana siya ng mas marami pang kabutihan”. Ang isang kaluluwa ay alam, kahit man lang malabo, kung gaanong panahon ang ibinigay dito. Wala, kompara sa eternidad. At ang kaluluwa ay itutulak ang buong kaakuhan na kumilos. Ngunit, kaawa-awang kaluluwa! Gaano kadalas itong tinatabunan, tinatapakan, binubusalan, upang hindi marinig ang mga salita nito! Ito ang nangyayari sa mga nagkukulang sa mabuting kalooban. Samantalang ang makatarungan na mga tao, mula pa sa kanilang pagkabata, ay nakikinig sa kanilang mga kaluluwa, sinusunod ang kanilang mga payo, at patuloy na aktibo; at ang mga santo ay namamatay na bata sa edad ngunit mayaman sa mga merito, kung minsan sa pagsimula ng buhay; at hindi kahit sa pagdagdag ng sandaan o sanlibong mga taon, naging mas banal pa sana sila kaysa sila ay ngayon, sapagkat  ang pagmahal para sa Diyos at para sa kanilang kapwa, isinabuhay sa bawat porma at nang may sukdulang kagandahang-loob, ay nagagawa silang perpekto. Ang mahalaga sa Langit ay hindi kung gaano katagal, bagkus kung papaano ang isa namuhay.

Ang mga tao ay ipinagluluksa ang mga bangkay at iniiyakan ang mga ito. Ngunit ang mga bangkay ay hindi umiiyak. Ang mga tao ay pinanginginigan ng kaisipan na sila ay kailangang mamatay. Ngunit hindi nila inaalala ang mamuhay sa paraan na hindi sila panginiginigan sa oras ng kanilang kamatayan. Bakit hindi ipagluksa at iyakan ng mga tao ang buháy na mga bangkay, ang tunay na mga bangkay, ang mga taong mayroon sa kanilang mga katawan, katulad ng nasa libingan, ng patay na mga kaluluwa? At ang mga umiiyak iniisip na ang kanilang mga katawan ay kailangang mamatay, bakit hindi nila iyakan ang mga bangkay na mayroon sila sa loob ng kanilang mga sarili? Gaano karami ang mga bangkay na Aking nakikita, at sila ay tumatawa at nagbibiro, ngunit hindi sila umiiyak sa kanilang mga sarili! Gaano karaming mga ama, mga ina, mga asawa, mga kapatid, mga anak, mga kaibigan, mga pari, mga tagapagturo, ang Aking nakikita na may katangahan na umiiyak para sa isang anak, isang asawa, isang kapatid, isang magulang, isang kaibigan, isang naniniwala, isang disipulo na namatay sa malinaw na nasa pakikipagkaibigan sa Diyos, pagkatapos ng isang pamumuhay na isang korona ng perpeksiyon at hindi iniiyakan ang mga bangkay ng mga kaluluwa ng isang anak, isang asawa, isang kapatid, isang ama, isang kaibigan, isang naniniwala, isang disipulo, na patay gawa ng mga bisyo at mga kasalanan, at patay at nawala magpakailanpaman, maliban kung siya ay magsisi! Bakit hindi subukan na sila ay buhayin muli? Iyan ay pagmamahal, alam ba ninyo? iyan ang pinakadakilang pagmamahal. O! katangahang mga luha para sa alikabok, na naging alikabok! Idolatriya ng mga damdamin! Pakunwari ng mga damdamin! Umiyak, ngunit sa patay na mga kaluluwa ng inyong pinakamamahal na mga kamag-anak. Subukan na dalhin sila sa Buhay. At Ako ay nagsasalita lalo na sa inyo, mga babae, na labis na maka-iimpluwensiya sa inyong mga minamahal.

Atin ngayong tingnan nang magkakasama kung ano ang sinasabi ng Karunungan tungkol sa dahilan ng kamatayan at kahihiyan.

Huwag insultuhin ang Diyos sa paggamit nang mali sa buhay na Kanyang binigay sa inyo, dinudumihan ito ng mga gawaing kasamaan na nagpapahiya sa tao. Huwag insultuhin ang inyong mga magulang sa pamamagitan ng mga kilos na naghahagis ng putik sa kanilang maputing buhok at gumagawa ng malupit na kapighatian sa kanilang huling mga araw. Huwag abusuhin ang mga tumutulong sa inyo, upang hindi kayo maisumpa para sa pagmamahal na inyong tinatapakan. Huwag abusuhin ang mga naghahari sa inyo, sapagkat hindi sa pagrerebelde laban sa mga naghahari na ang mga bansa ay nagiging dakila at malaya, bagkus ito ay sa pamamagitan ng banal na pamumuhay ng mga mamamayan na makukuha ninyo ang tulong ng Diyos, Na makahihipo sa mga puso ng mga naghahari o makatatanggal sa kanila sa kanilang mga puwesto o sa buhay mismo, katulad ng ipinakita ng ating kasaysayan ng Israel nang makailang beses, nang nahigitan nila ang lahat na mga hangganan at lalo na nang ang mga tao, pinababanal ang mga sarili, ay minarapat ang kapatawaran ng Diyos, Na kung gayon ay inalis Niya ang mapaniil na pamatok mula sa mga leeg ng pinarurusahang mga mamamayan. Huwag abusuhin ang inyong mga asawang babae sa paglalagay ng insulto ng mapangalunyang pamumuhay sa kanila, at huwag abusuhin ang inosensiya ng inyong mga anak sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa ilegal na pagmamahal. Mamuhay nang may kabanalan sa mga mata ng mga tao na, dahil sa kanilang pagmamahal at sa kanilang katungkulan, ay tinitingnan kayo na ang tao na siyang dapat maging halimbawa ng kanilang mga pamumuhay.

Maging makatarungan sa inyong mga kaibigan. Ang pagkakaibigan ay isang pakikipag-ugnayan ng kaluluwa. Ito ay nakasulat: “Gaano kaganda para sa magkakaibigan na maglakad nang magkakasama”. Ngunit maganda ito kung sila ay naglalakad sa daan ng birtud. Kapahamakan sa mga nagpaparumi at nagtataksil sa pagkakaibigan na ginagawa ito na pagkakataon ng pagkamakasarili, katrayduran, bisyo o kawalang-katarungan. Napakarami ang mga nagsasabi: “Minamahal kita” upang matuklasan ang pagnenegosyo ng kanilang mga kaibigan at mapagsamantalahan ang impormasyon ng kanilang sariling benepisyo”! Napakarami ang mga nangangamkam ng mga karapatan ng kanilang mga kaibigan!

Maging tapat sa mga tagahusga. Sa lahat na mga tagahusga. Mula sa kataastaasang tagahusga, Na siyang ang Diyos at hindi madadaya o maloloko sa pamamagitan ng mapagkunwaring mga gawa, hanggang sa matalik na tagahusga, ibig sabihin, ang inyong konsiyensya, hanggang sa nagmamahal, naghihirap na mga tagahusga, mapagmanman ng kanilang pagmamahal, na siyang ang mga mata ng inyong mga kamag-anak, hanggang sa mahigpit na mga tagahusga ng sambayanan. Huwag magsinungaling pinananawagan ang Diyos na magpatotoo sa inyong mga kasinungalingan.

Maging tapat sa pagbebenta at sa pagbili. Kapag kayo ay nagbebenta at ang inyong kasakiman ay magsabi sa inyo: “Mangnakaw upang magkaroon ng malaking kita”, habang ang inyong konsiyensya ay nagsasabi sa inyo: “Maging tapat sapagkat magsisisi ka kung ikaw ay pagnakawan”, pakinggan ang huling tinig, isinasaisip na hindi natin dapat gawin sa iba ang ayaw natin na gawin ng iba sa atin sarili. Ang perang binigay sa inyo bilang bayad sa binili ay kadalasan basa ng pawis at dugo ng mahirap. Nangailangan ito ng mahirap na pagtatrabaho. Hindi ninyo nalalaman kung gaanong dalamhati ang ipinundar dito, gaanong kapighatian at kirot ang nasa likuran ng perang iyon, na kayong mga nagbebenta ay iniisip lagi na iyong ay napakaliit para sa inyong binibigay. May-sakit na mga tao, walang-amang mga bata, matatanda na nagkukulang sa pera... O! banal na dalamhati at banal na dignidad ng mahirap, na hindi naiintindihan ng mayayaman, bakit hindi ninyo ito tinitingnan? Bakit tapat ang mga tao kapag nagbebenta sa makapangyarihan at malalakas, dahil sa takot ng balik, samantalang sinasamantala nila ang walang panlaban na di-kilalang mga kapatid? Iyan kung baga ay isang krimen laban sa pagmamahal kaysa laban sa katapatan mismo. At iyan ay isinusumpa ng Panginoon, sapagkat ang mga luha na piniga sa mahihirap na tao, na walang iba bagkus mga luha bilang reaksiyon laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan, ay sumisigaw sa Panginoon nang may gayon ding tinig katulad ng dugong pinadaloy mula sa mga ugat ng isang tao ng mamamatay-tao, ng isang Cain ng kanyang kapwa nilikha.

Maging tapat sa inyong mga tingin, katulad na kayo ay tapat sa inyong mga salita at mga gawa. Ang isang tingin, binigay sa mga hindi karapat-dapat nito, o pinagkait sa mga karapat-dapat nito, ay katulad sa isang silò at isang punyal. Ang tingin na tinatagpo ang bastos ng mga mata ng isang puta, at nagsabi sa kanya: “Ikaw ay maganda!”, at tumutugon sa kanyang nag-aanyayang tingin na may pagsang-ayon, ay mas malala pa kaysa sa isang buhol na talibugso para sa isang binitay na tao. Ang tingin na ipinagkait sa isang mahirap na kamag-anak o sa isang kaibigan na naging mahirap, at katulad ng isang punyal na tumutusok sa mga puso ng di-masasayang tao. At gayon din naman ang sulyap ng kapootan o ng panunuya na ibinigay sa isang kaaway niya o sa isang pulubi. Ang mga kaaway ay kailangan na patawarin at mahalin sa pamamagitan man lamang ng inyong mga kaluluwa, kung ang inyong mga katawan ay tumatangging mahalin sila. Ang kapatawaran ay pagmamahal ng espiritu. Ang hindi paghiganti ay pagmamahal ng espiritu. Ang isang pulubi ay kailangan na mahalin sapagkat walang nagpapaginhawa sa kanya. Hindi sapat na magtapon ng isang barya at dumaan nang may panunuya. Ang pag-aalay ay nagsisilbi para sa nagugutom, hubad, walang-matuluyan na katawan. Ngunit ang awa na ngumingiti sa pag-aalay, na nagkaka-interes sa mga luha ng di-masayang tao, ay tinapay para sa kanyang puso. Magmahal, magmahal, magmahal.

Maging tapat sa pagbibigay ng ikapu at sa mga kinaugalian na mga pagsasabuhay, maging tapat sa inyong mga tahanan, nang hindi sinasamantala ang mga katulong sa kalabisang sukat at nang hindi tinutukso ang babaeng katulong na natutulog sa ilalim ng inyong bubungan. Kahit na kung ang mundo ay hindi nagmamalay sa pagnanakaw na ginawa sa kalihiman ng inyong tahanan laban sa inyong asawa at laban sa katulong na babae na inyong hinihikayat sa masama, nalalaman ng Diyos ang inyong kasalanan. Maging tapat sa pagsasalita. Maging tapat sa pagpapalaki sa inyong mga anak. Ito ay nakasulat: “Magbantay nang mabuti, na ang inyong anak na babae ay hindi kayo magawang pinagtatawanan ng bayan”. Sasabihin Ko: “Magbantay nang mabuti na ang kaluluwa ng inyong anak na babae ay hindi sana mamatay”.

At ngayon humayo. Ako rin ay hahayo, pagkatapos na mabigyan kayo ng mga panustos ng karunungan. Harinawang ang Diyos ay makasama ng mga nagsisikap na mamahal Siya.»

pinagpapalà Niya sila sa pamamagitan ng isang senyas. Mabilis Siyang bumaba mula sa nakabagsak na punungkahoy at kinuha ang lakaran sa pagitan ng mga punungkahoy na pababa sa ilog at pagkatapos nawala sa paningin sa pagitan ng berdeng mga tanim.

Ang mga pulutong ay gumagawa ng mga komentaryo nang masigla sa kalaban na mga opinyon. Ang kontrang mga komentaryo ay, siyempre, ginagawa ng ilang mga eskriba at mga Pariseo na kasama sa mga pulutong ng mapagpakumbabang mga tao.

051010



Sunod na kabanata