383. Sa Bahay ni Solomon. Ang Matandang si Ananias.

Pebrero 15, 1946.

Ang maliit na bahay ni Solomon na aking nakita sa bisyon tungkol sa resureksiyon ni Lazarus noong 1944, nang hindi ko nalalaman ang may-ari, ay isa sa mga huling bahay sa tanging kalsada na magdadala sa isa patungo sa ilog, sa kaawa-awang lihis-sa-daan na nayon: isang maliit na nayon ng mga mamamangka, kung saan ang mga bahay ng... mas nakaririwasang mga tao ay nasa tabi ng maliit na maalikabok na daan, at ang iba ay nakakalat sa pagitan ng mga punungkahoy ng mga pilapil. Sila ay hindi marami. Sa palagay ko sila ay mga limampu lahat. At napakaliit nila, na sila ay maaaring ipasok sa isa sa mga tenement na mga bahay sa malalaking modernong mga bayan. Ang tagsibol ay nagagawa silang magmukhang hindi masyado miserable, sapagkat naaadornohan sila nito ng kasariwaan nito, habang ang mga girnalda ng bindweed o mga bitín ng mga baging, o ng masayahing ngumingiting dilaw na mga bulaklak ng mga bunga ng mga gulay ay naaadornohan ang mga magagaspang na bakod na nagtatanda sa mga hangganan ng mga ari-arian, ang mga gilid ng mga bubungan, ang mga pintuan ng mga bahay. Mayroon din dito ng kakaibang rosas, na tila wala sa lugar sa kagandahan nito sa gitna ng mga basket at mga lambat, ng mga dilaw na mustasa na nasa pamumulaklak at ng maagang mga supot ng buto ng abang tumatayon na mga sitaw.

Ang kalsada din ay nagmumukhang mas kaakit-akit, sapagkat ang lugar ng makapal na mga tanim ng butil sa dulo nito, ay mayroon ng hindi lamang ang matitigas na matitinik na ubas ng maalikabok na mga buko ng kahoy, bagkus nadekorasyunan din ito ng mga balahibo, at ang layas na mga gladioli ay ipinakikita ang kanilang hugis-espada na mga dahon at ang kanilang may maniningning na kulay na mga tulis na bulaklak, habang ang magaang mga bindweed na may katulad ng sinulid na mga tangkay ay yakap ang mga uway at mga buko na umiikot sa paligid nila at sa bawat pag-ikot inilalagay nila ang napakamaselan na kopa ng kanilang maliliit na kulay rosas-na-lila na bulaklak. At ang napakaraming bilang ng mga ibon ay nagmamahalan sa pagitan ng mga palumpungan ng mga tambo, naglalandian sa mga uway, dumuduyang sa  mga bearbine, nabibigyan ng buhay ang berdeng tila latian na mga pilapil sa pamamagitan ng kanilang pagsiyap at ng maraming-kulay na mga balahibo.

Si Jesus ay itinutulak ang maliit na pangkabukiran na geyt na magpapapasok sa isang maliit na pangkusinang-hardin o bakuran. Kung ito ay isang pangkusinang-hardin, ngayon ito ay isa nang mabangis ng pagkakagulo ng mga damo, kung ito ay isang bakuran ito ay kawalang-kaayusan pa rin ng mga dawag na naitanim ng hangin. Tanging ilang mga bunga ng gulay lamang ang naging marunong sa pagkapit sa nag-iisang baging at puno ng igos, umaakyat upang ilagay ang ngumingiting mga bunganga ng kanilang mga bulaklak malapit sa maliliit na buwig ng mga ubas ng baging, o sa munting malambot na mga dahon ng igos, na sa kanilang mga dugtungan, sa mga duyan ng mga tangkay, ay mayroon ng matigas na hiyas ng mga bulaklak ng igos na kapoporma pa lamang. Ang nanunusok na may mga tinik na mga halaman ay pinahihirapan ang mga walang-saplot  na mga paa ng mga apostol, upang si Pedro at si Tomas ay pumulot ng dalawang sirang sagwan at abala sa paghahampas sa nakayayamot na mga halaman upang mabawasan ang nakalalasong epekto nito.

Pansamantala sina Santiago at Juan ay nagsisikap na maiíkot ang malaking pangkabukiran na kandado, at nang sila ay nagtagumpay, binuksan nila ang pinto, pinapasok ang isang silid ng kusina na nangangamoy amag at sarado. Mga alikabok at mga sapot ng lawa ang nagdedekorasyon sa mga pader. Isang magaspang na mesa, ilang mga sanga at mga upuan at isang paminggalan ang nagsasangkap dito; may dalawang pintuan sa isa sa mga pader.

Si Pedro ay naggagalugad... «Mayroong isang maliit na silid na may iisang kama lamang. Ito ay mabuti para kay Jesus... At doon? Ah! Alam ko na! Ito ang imbakan na silid, ang imbakan ng mga tabla, ang kamalig at ang mga pugad ng daga... Tingnan kung papaano sila tumakbo! Nginatngat nila ang lahat sa loob ng mga buwan na ito. ngunit ngayon ako ang bahala sa inyo, huwag mag-alala. Guro... maaari ba tayong kumilos dito nang tila tayo ay nasa ating tahanan?»

«Iyan ang sinabi ni Solomon.»

«Mabuti! Makinig, kapatid, at ikaw, Santiago. Halikayo at saraduhan ang lahat na mga butas na ito. At ikaw, Mateo tumayo ka rito sa pintuan kasama si Judas, at tiyakin na wala kahit isang daga ang makakalabas. Isaisip na lang na ikaw pa rin ang mabait na kolektor ng mga bayad sa Capernaum. Walang suki ang nakakalusot sa iyo noon, ni kahit na kung siya ay naging kasing payat ng isang butiki pagkatapos ng pag-iberna... At kayo, lumakad at kumuha ng kaya ninyong kunin na mga dawag sa pangkusinang-hardin at dalhin dito. At Kayo, Guro, lumakad... saan man Ninyo gusto, habang inaayos ko ang maruruming dimonyong ito, na sumira sa mabuting mga lambat na ito at kumakain sa buong kilya ng isang bangka...» At habang nagsasalita pinupulot niya ang pira-pirasong nginatngat na mga kahoy, pira-pirasong mga lambat na naging katulad ng isang lubid na panghila, mga panggatong na kahoy... ang lahat na nasa gitna ng silid, at nang makuha niya ang berdeng mga damo, inilagay niya ito sa ibabaw ng iba pa at sinindihan ng apoy at tumakbong palabas nang ang unang ipu-ipo ng usok ay tumaas mula tambak. At siya ay tumatawa nagsasabing: «Hayaan ang lahat na Pilisteo na mamatay!»

«Ngunit hindi mo paaapuyin ang lahat?» tanong ni Simon Zealot.

«Hindi, mahal ko. Sapagkat ang tuyong mga damo ay sasakalin ang mga apoy, at ang apoy ay hihinga ng usok mula sa mga damo at kung gayon, kasing buti ng mga kaalyado, ang tuyo at berdeng mga elemento ay nagtutulungan sa paghihiganti. Naaamoy mo ba kung gaano ito umaalingasaw? At bago magtagal makaririnig ka ng mga sigaw! Sino ang nagsabi sa akin na ang mga sisne ay umaawit bago mamatay? Ah! Si Sintike ang nagsabi! Ang mga daga ay aawit din, maya-mayâ.»

Si Judas Iskariote ay biglang tumigil sa pagtawa at nagwika: «Wala tayong nalaman ng kahit ano tungkol sa kanya. At wala tayong napakinggan tungkol kay Juan ng Endor. Iniisip ko kung saan kaya sila napunta.»

«Sa tamang lugar tiyak ‘yan» tugon ni Pedro.

«Alam mo ba kung saan?»

«Ang alam ko wala na sila rito upang guluhin ng masamang-kalooban.»

«Nagtanung-tanong ka ba kailanman tungkol sa kanila? Nagtanung-tanong ako.»

«Ako hindi. Hindi ako interesadong malaman kung nasaan sila. Kontento na akong isipin at ipanalangin na sila ay nagpupursige sa kabanalan.»

Si Tomas ay nagsabi: «Ilang mayayaman na Pariseo ang nagtanong sa akin tungkol sa kanila. Sila ay mga suki ng aking ama. Tumugon ako nang hindi ko alam.»

«At hindi ka nananabik na makaalam?»

«Hindi at iyan ang katotohanan...»

«Makinig! Makinig! Ang usok ay nagkakaroon na ng epekto. Ngunit tayo ay lumabas, kundi’y mapupupusan din tayo» sabi ni Pedro. At ang pagkakabaling ng pansin ay tinapos ang usapan.

Si Jesus ay nasa pangkusinang-hardin at nagtutuwid ng mga tangkay ng mga gulay-na-buto, na gumagapang sa lupa, tumubo mula sa buto na nalaglag doon.

«Nagtatrabaho ba Kayo bilang isang hardinero ng pangkusinang-hardin?» tanong ni Felipe ngumingiti.

«Oo. Nababalisa Ako na makita ang isang tanim na gumagapang nang walang kabuluhan, samantalang nakatalaga ito na tumaas patungo sa araw at mamunga.»

«Isang magandang materyal na paksa para sa isang sermon, Guro» wika ni Bartolomeo.

«Oo. Maganda. Ngunit ang lahat ay magagamit bilang paksa, kung nalalaman ng isa kung papaano magnilay-nilay.»

«Tutulungan din namin Kayo. Sige na! Sino ang bababa sa ilog upang makakuha ng ilang mga pantukod para sa mga legumbre?»

Ang mga mas batang disipulo ay umalis nang tumatawa, at ang mas nakatatanda ay nag-abala sa pagbubunot nang maingat ng mga damo.

«O! makikita ng isa na ito ay isang pangkusinang-hardin na ganyan. Walang salata. Ngunit may mga “leek”, mga gulay, pinong yerba at mga legumbre. At mga bunga ng gulay! Gaano karami sila! Ang baging ay nangangailangan ng pagpupungos at ang punong-igos ay gusto mahawanan...»

«Ngunit, Simon, tayo ay hindi maninirahan dito!...» sabi ni Mateo.

«Ngunit pupunta tayo rito nang madalas. Iyan ang sinabi Niya. At walang masama na magkaroon ng kaunting kaayusan dito. Tingnan mo! Mayroon ding isang hasmin, kaawa-awang bagay, sa ilalim ng kaskada ng mga bunga ng gulay.

Sa katunayan sina Santiago, Juan, Andres at Tomas ay dumating, may mga dalang mga pantukod, at si Tomas ay halos dala-dala ang isang kaawa-awang matandang lalaki, nakadamit ng mga basahan; ang kanyang mga mata ay maputi sa mga katarata.

«Guro, nagsisikap siyang makakuha ng atsikorya sa mga pampang at halos mahulog sa tubig. Siya ay naiwanan nang nag-iisa sa loob ng mga ilang buwan.

«Oo, ganyan. Nasaan ang Panginoon?» nagsasabi siyang ibinabaling ang kanyang nalalabuang mga mata.

«Naririto Siya. Nakikita mo ba ang mahabang kaputian na iyon? Siya iyon.»

Ngunit si Jesus ay lumalapit at kinuha ang kanyang kamay. «Nag-iisa ka ba, kaawa-awang ama? At hindi ka makakita?»

«Hindi, hindi ako makakita. Noong nakakakita ako gumagawa ako ng mga basket at mga panghuli ng igat at gumagawa din ako ng mga lambat. Ngunit ngayon... mas nakakakita pa ako sa pamamagitan ng aking mga daliri kaysa ng aking mga mata, at sa paghahanap ng mga yerba, nagkakamali ako, at kung minsan nagkakasakit ako sa tiyan dahil sa nakasasamang mga yerba.»

«Ngunit sa nayon...»

«O! Lahat sila ay mahirap at maraming mga anak, at ako ay matanda na... Kung ang isang asno ay mamatay... nalulungkot ang tao. Ngunit kung ang isang matanda ang mamatay!... Ano ang isang matanda? Ano ako? Ang aking manugang-na-babae ay kinuha ang lahat. Kung ako ay kanya lamang isinama, katulad ng isang matandang tupa, na mapalapit sana ako sa aking mga apo... mga anak ng aking anak...» siya ay umiiyak nakapahinga ang kanyang ulo sa dibdib ni Jesus, Na humahawak sa kanya sa Kanyang mga braso hinahaplos siya.

«Mayroon ba kayong bahay?»

«Ipinagbili ng aking manugang.»

«At papaano kayo namumuhay?»

»Katulad ng isang hayop. Noong una ang mga tao sa nayon ay tinutulungan ako. Pagkatapos napagod na sila...»

«Si Solomon kung gayon ay hindi kalahi, sapagkat mapagbigay siya» wika ni Mateo.

«Sa atin, bagaman. Bakit hindi niya ibinigay ang bahay sa matanda?» tanong ni Felipe.

«Sapagkat noong huli kong punta rito, mayroon akong bahay. Si Solomon ay mabuti. Ngunit minsan ang mga tao ng nayon ay nagsabi na siya ay baliw, at hindi na nila ginagawa ang itinuro sa kanila ni Solomon» sabi ng matanda.

«Papayag ka bang manatili sa Akin?»

«O! hindi ko na ikalulungkot ang aking mga apo!»

«Kahit na kung mananatili kang mahirap at bulag, magiging masaya ka ba sa paglilingkod lamang sa Akin?»

«Oo!» Isang nanginginig na oo, datapwa't matatag na matatag...

«O sige, ama. Makinig. Hindi kayo makapaglalakbay sa paligid katulad ng ginagawa Ko. At hindi Ako makapananatili rito. Ngunit mamahal natin ang isa’t isa at makagagawa tayo sa isa’t isa ng maganda.»

«Makagagawa Kayo, oo, sa akin. Ngunit ako... Ano ang magagawa ng matandang Ananias?»

«Maaalagaan ninyo ang bahay at ang pangkusinang-hardin upang matagpuan Ko ito nang nasa mabuting kaayusan pagbalik Ko? Gusto ba ninyo ang idea?»

«Oo, gusto ko! Ngunit ako ay bulag... Ang bahay makakabisa ko ang mga pader. Ngunit ang pangkusinang-hardin. Papaano ko ito maaalagaan, kung hindi ko masabi ang isang yerba sa iba? O! Gaano magiging kaganda ang paglingkuran Kayo nang ganito, Panginoon! At tapusin ang aking buhay nang ganyan...» Ang matanda ay dinidiin ang kanyang mga kamay sa kanyang puso, pinapangarap ang imposible.

Si Jesus ay yumukong ngumingiti at hinahalikan ang kanyang nalalabuang mga mata...

«Ngunit ako... ako ay nagsisimulang makakita... nakakakita ako... O! O!» siya ay gumigiray siya sa kanyang lugod at babagsak kung hindi siya nasalo ni Jesus.

«Eh! Ano ang nagagawa ng lugod!...» sabi ni Pedro sa labis na naantig na tinig.

«Ang gutom... Sinasabi niya na namuhay siya nang maraming mga araw sa atsikorya , nang walang kahit anong langis o asin...» hinuha ni Tomas.

«Oo, iyan kung bakit dinala namin siya rito. Upang mapakain siya...»

«kaawa-awang matandang kaluluwa» lahat sila ay bumulalas nang naaawa.

Ang matanda ay nakapanumbalik sa kanyang katauhan at umiiyak. Ang kaawa-awang mga luha ng matatanda napakalungkot din kapag ito ay mga luha ng kaluguran, at siya ay bumubulong: «Ngayon... ngayon makakapaglingkod ako sa Inyo, Pinagpalang Isa!» at ibig niyang yumuko upang halikan ang mga paa ni Jesus.

«Hindi, ama. Ngayon tayo ay papasok sa loob at kakain tayo. Pagkatapos bibigyan namin kayo ng isang tunika at makakabilang kayo sa mga anak, at magkakaroon kami ng isang ama na tatanggap sa amin sa tuwing kami ay darating at magpapalâ sa amin  sa tuwing kami ay aalis. Kami ay lalakad upang maghanap ng dalawang kalapati, upang kayo ay laging may kasamang buhay na nilalang sa paligid ninyo. Kukuha kami ng mga binhi para sa pangkusinang-hardin at ito ay itatanim ninyo sa lupa at kayo ay magtatanim ng pananampalataya sa Akin sa mga puso ng mga tao rito.»

«Tuturuan ko sila ng karidad, dahil sila ay wala nito!»

«Oo, karidad din. Ngunit maging may-kabaitan...»

«O! magiging ganyan ako. Hindi ako nagsalita ng kahit isang magaspang na salita sa aking manugang-na-babae nang ako ay kanyang iniwanan. Nakaintindi ako at nagpatawad.»

«Nababasa Ko iyan sa inyong puso. Iyan kung bakit minahal Ko kayo. Halikayo. Sumama sa Akin...» At si Jesus ay pumasok sa bahay hinahawakan ang matanda sa kanyang kamay.

Si Pedro ay tinitingnan sila, at sa pamamagitan ng likod ng kanyang kamay pinupunas niya ang isang luha, bago niya ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.

«Lumuluha ka ba , kapatid?»

Si Pedro ay hindi tumutugon.

Si Andres ay namimilit: «Bakit ka lumuluha, kapatid?»

«Pakialaman mo lamang ang sarili mong ginagawa, ang mga dawag sa kasong ito. Kung ako ay lumuluha iyan ay dahil... iyan ay dahil alam ko kung bakit...»

«Sabihin din sa amin» sabi ng ilang mga apostol.

«Ito ay dahil, ang mga leksiyon na ito... ibinigay nang gayon ... ay hinihipo nito ang aking puso nang higit pa kung Siya ay kumukulog nang mapangibabaw...»

«Ngunit nakikita natin ang Hari sa Kanya kapag ganyan!» bulalas ni Judas.

«At dito nakikita natin ang Santo. Tama si Pedro» sabi ni Bartolomeo.

«Ngunit kailangan Niyang maging makapangyarihan upang makapaghari.»

«At kailangan Niyang maging banal upang makapanubos.»

«Sumasang-ayon ako, hinggil sa mga kaluluwa. Ngunit hinggil sa Israel...»

«Ang Israel ay hindi kailanman magiging Israel maliban kung ang mga kaluluwa ay maging banal.»

Ang magkaibang mga opinyon ay pabalik-balik.

Ang matanda ay lumabas na may dalang isang lalagyan ng tubig sa kanyang kamay. Siya ay pupunta sa pontanya. Napakasaya niya na siya ay ganap na iba sa táong siya dati.

«Matandang ama, makinig. Ayon sa inyo, ano ang kinakailangan ng Israel upang maging dakila?» si Andres ay tinatanong siya. «Isang hari o isang santo?»

«Kailangan nito ang Diyos. Ang Diyos na iyon Na nananalangin at nagninilay-nilay doon sa loob. Ah! Aking mga anak! Maging mabuti, kayo na sumusunod sa Kanya! Maging mabuti, napakabuti! Ah! Anong regalo ang ibinigay sa inyo ng Panginoon! Anong regalo!» at siya ay umalis itinataas ang kanyang mga kamay patungo sa kalangitan bumubulong: «Anong regalo! Anong regalo!»...

061010

 



Sunod na kabanata