384. Sa Sangandaan Malapit sa Nayon ni Solomon. Ang Parabula Tungkol sa mga Ahente ng mga Manggagawa.

Pebrero 16, 1946.

Ang maliit na grupo ay lumabas sa bahay; naroon din ang matandang lalaki na hinahangaan ang sarili sa tunika ng isa sa mga kung baga mabababang apostol.

«Kung ibig ninyong manatili rito, tatay...» sabi ni Jesus.

Ngunit ang matanda ay pinutol Siya: «Hindi, sasama din ako. O! pasamahin ako. Nakakain ako kahapon! Kagabi nakatulog ako, at sa isang kama! At ang aking puso ay hindi na naghihirap pa! Pakiramdam ko malakas akong katulad ng isang binata...»

«Sumama, kung gayon. Mananatili kayong kasama Ko, kasama si Bartolomeo at ang Aking kapatid na si Judas. Ang iba pa ay iikot nang dalawahan katulad ng sinabi Ko. Mapupunta tayong lahat muli rito pagdating ng ika-anim na oras. Lakad! At ang kapayapaan ay mapasainyo.»

Sila ay naghiwalay, ang iba ay lumakad patungo sa ilog, ang iba patungo sa kabukiran. Si Jesus ay pinauna silang makaalis at pagkatapos Siya ay lumakad nang huli. Tinatawid Niya ang nayon nang unti-unti at Siya ay tinitingnan ng mga mangingisda na mga bumabalik mula sa ilog o patungo roon at ng masisipag na mga maybahay, na mga gumising sa pagsikat ng araw upang gawin ang paglalaba, o pagdidilig sa kanilang mga pangkusinang-hardin o ang paggawa ng tinapay. Ngunit wala sa kanila ang nagsasalita.

Tanging isang batang lalaki lamang, na pinasusunod ang pitong tupa sa ilog, ang nagtanong sa matanda: «Aalis ka ba, Ananias? Iiwanan mo ba ang nayon?»

«Ako ay sumasama sa Rabbi. Ngunit babalik ako kasama Siya. Ako ang Kanyang lingkod.»

«Hindi. Kayo ay Aking ama. Ang bawat makatarungang matandang lalaki ay isang ama at isang pagpapalà para sa lugar na nagbibigay sa kanya ng pagtanggap at para sa mga tumutulong sa kanya. pinagpalà ang mga nagmamahal at gumagalang sa matatanda» sabi ni Jesus nang may mataimtim na hitsura.

Ang bata ay tinitingnan siya at tila natatakot. Pagkatapos siya ay bumulong: «Lagi kong binibigyan si Ananias ng kaunti ng aking tinapay...» na tila ibig niyang sabihin: «Huwag Ninyo akong kagalitan, dahil hindi ako karapat dapat niyan.»

«Oo, si Michael ay mabait sa akin. Siya ay kaibigan ng aking mga apo... at kaibigan pa rin siya ng kanilang lolo. Ang kanyang ina ay mabuti rin at tumutulong. Ngunit siya ay may labing-isang anak at nabubuhay sila sa pangingisda...»

Ang ilang mga babae ay nilapitan sila dala ng pag-uusyoso at nakikinig.

«Laging tinutulungan ng Diyos ang mga gumagawa ng kanilang magagawa para sa mahihirap. At laging may paraan na matulungan sila. Kadalasan isang kasinungalingan ang magsabi: “Hindi ako makakatulong”. Sapagkat kung gusto ng isa, siya ay laging makakakita ng sobrang sansubo, isang lumang blanket, isang damit na hindi na sinusuot, at maibibigay ito sa sinuman na wala. At ang Langit ay nagbibigay ng gantimpala para sa regalo. Ang Diyos ay ibabalik sa iyo, Michael, ang mga sansubo na binigay mo sa matanda.» Si Jesus ay hinahaplos ang bata at umalis.

Ang mga babae ay nananatiling napapahiya sa kanilang kinaroroonan, nagtatanong sila sa bata ng mga katanungan at sinasabi niya sa kanila ang kanyang nalalaman. At ang kuripot na mga babae ay nahintakutan, dahil isinara nila ang kanilang mga puso sa mga pangangailangan ng matanda...

Sa pansamantala si Jesus ay nakarating sa huling bahay at, ibinaling Niya ang Kanyang mga hakbang patungo sa sangandaan, na mula sa pinaka kalsada ay maghahatid sa maliit na nayon. Mula roon nakakakita sila ng mga karabana sa pangunahing kalsada pabalik sa mga bayan ng Decapolis at Perea.

«Tayo ay pumunta roon at magturo. Ibig ba rin ninyong magturo, tatay?»

«Wala akong kakayahan. Ano ang masasabi ko?»

«Kaya ninyo. Ang inyong kaluluwa ay laging alam ang karunungan sa pagpapatawad at sa pagiging matapat sa Diyos at ang pagpapasa-Diyos din ng lahat sa mga oras ng kalungkutan. At nalalaman ninyo na tinutulungan ng Diyos ang mga umaasa sa Kanya. Lakad at sabihin sa mga peregrino.»

«O! magagawa ko iyan!»

«Judas, sumama sa kanya. Mananatili Ako rito sa sangandaan kasama si Bartolomeo.»

At nang Siya ay naroroon na Siya ay tumigil sa loob ng lilim ng isang grupo ng madahon na mga punungkahoy at naghihintay nang matiyaga.

Ang kalapit na mga bukid ay may magagandang tanim at mga lootan. Nagmumukha silang luntian sa kaagahan ng umaga at isang kasiyahan ang hangaan ang mga ito. at ang mga karabana ay dumaraan sa kalsada... Tanging kakaunting tao lamang ang tumitingin sa dalawang nakasandal sa mga puno ng kahoy. Baka ang iniisip nila sila ay mga pagod na mga naglalakbay. Ngunit ang ilan ay nakakilala kay Jesus at itinuturo Siya o sila ay yumuyuko binabati Siya.

Sa wakas may isa na pinatigil ang kanyang maliit na asno at ang mga asno ng kanyang mga kamag-anak, bumaba at lumalapit kay Jesus nagsasabing: «Ang Diyos ay sumainyo, Rabbi! Ako ay nanggaling sa Arbela. Napakinggan ko Kayo noong taglagas. Ito ang aking asawa, ito ay ang kanyang kapatid na babae, isang balo, at ito ang aking ina. Ang maedad na lalaking ito ay kanyang kapatid. At ang bata-pang lalaking iyon ay ang kapatid na aking asawa. At ito ang aming mga anak. Ibigay Ninyo sa amin ang Inyong pagpapalà, Guro. Narinig ko na nagsalita Kayo sa bantilan. Ngunit nakarating ako roon kagabi... Hindi ba Kayo magsasalita ng kaunti sa amin?»

«Ang Salita ay hindi kailanman tumatanggi. Ngunit maghintay nang mga ilang minuto, sapagkat ang iba pang mga tao ay dumarating...»

Sa katunayan ang mga tao ng nayon ay dumarating sa sangandaan at nagmumukha silang labis na malungkot. Ang iba pang mga tao, na nakaraan na sa pangunahing kalsada, patungong hilaga, ay bumabalik, habang ang iba ay tumitigil dala ng pag-usyoso bumababa sa kanilang mga kabayo o nananatili sa mga kabayo. Ang maliit na grupo ng mga tagapakinig ay lumalaki pa nang lumalaki.

Si Judas ni Alfeo ay bumabalik din kasama ang matanda; may dalawang maysakit din ang kasama nila at marami pang malulusog na tao.

Si Jesus ay nagsimulang magsalita.

«Ang mga naglalakad sa mga daan ng Panginoon, ang mga daan na itinuro ng Panginoon, at ginagawa nila ito na may mabuting kalooban, ay nagtatapos nang nakikita ang Panginoon. Nakita ninyo ang Panginoon sa pagpunta rito pagkatapos na magampanan ninyo ang inyong katungkulan ng matatapat na Israelita sa banal na Paskuwa. At naririto ang Karunungan nagsasalita sa inyo, ayon sa ibig ninyo, sa sangandaan na ito, kung saan ang Dibinong Maykapal ay ginawa tayong magkita. Ang tao ay pumupunta sa maraming sangandaan sa daan ng kanyang buhay. Mas maraming sobrenatural na sangandaan kaysa sa materyal na mga sangandaan. Araw-araw ang ating konsiyensya ay kailangan na harapin ang mga sumasangang daan at ang mga sangahan na mga daan ng Mabuti at Masama. At ang isa ay kailangan na pumili nang mabuti upang hindi makagawa ng mga pagkakamali.  At kung ang isa ay magkamali, siya ay kailangan na bumalik nang may kababaang-loob, kung saan siya tinawag at binigyan ng babala. At kahit na kung ang daan ng Kasamaan, o ang daan din ng pagkawalang-pakialam, ay mas magandang tingnan, kailangan niyang piliin ang magaspang ngunit ligtas na daan ng Kabutihan.

Makinig sa isang parabula.

Ang isang grupo ng mga peregrino, na mga nanggaling sa malalayong rehiyon sa paghahanap ng trabaho, ay nakarating sa hangganan ng isang nasyon. Sa hangganan ay may mga ahente na pinadala ng iba't ibang mga panginoon upang makakuha ng mga trabahador. Ang iba ay naghahanap ng mga lalaki para sa mga minahan, ang ilan para sa mga kakahuyan at mga kagubatan, ang ilan para sa mga katulong para sa isang malupit na mayamang lalaki, at ang ilan para mga sundalo para sa isang hari na namumuhay sa isang kastilyo sa tuktok ng isang bundok, na mararating sa pamamagitan ng napakatarik na daan. Ang hari ay nangangailangan ng mga sundalo, ngunit gusto niya sila na hindi mga tao ng karahasan bagkus ng karunungan, upang maipadala sila sa kanyang iba't ibang mga bayan upang mapabanal ang kanyang mga nasasakupan. Iyan kung bakit siya naninirahan sa itaas doon, sa isang klase ng monasteryo, upang magawang perpekto ang kanyang mga katulong, pinipigilan silang marumihan ng makamundong mga kagambalaan, na magpapabagal o magkakansela sa pagpapaperpekto ng kanilang mga espiritu. Hindi siya nangako ng mataas na upa, o isang komportableng pamumuhay. Ngunit tiniyak niya sa kanila na magkakaroon sila ng kabanalan at isang gantimpala sa paglilingkod sa kanya. Iyan ang sinabi ng mga ahente sa mga dumating sa hangganan. Ang mga ahente ng mga may-ari ng mga minahan at mga bukid sa halip ay nagsabi: “Hindi ito magiging komportableng buhay, ngunit kayo ay magiging malaya at kikita kayo nang sapat upang kalugdan ninyo ang inyong mga sarili.”. At ang mga naghahanap ng mga katulong para sa isang malupit na panginoon ay nangako ng masasarap na pagkain, isang buhay na walang ginagawa, kasiyahan, kayamanan: “Ang tanging gagawin lamang ninyo ay ang pumayag sa kanyang mapaghangad na mga kapritso – O! hindi kailanman masakit! – at kalulugdan ninyo ang inyong mga sarili katulad ng mga gobernador”.

Ang mga peregrino ay nagkukunsultahan sa isa’t isa. Ayaw nilang magkahiwa-hiwalay... Sila ay nagtanong: “Ang mga bukid at mga mina, ang palasyo ng mayamang lalaki at ng hari, sila ba ay magkakalapit?”.

“O! hindi!” tugon ng mga ahente. “Halikayo sa mga sangandaan na iyon at ipapakita namin sa inyo ang iba't ibang mga daan”.

Sila ay pumunta.

“Ngayon! Ang maganda, malilim, mabulaklak, makinis na daan, na may malalamig na pontanya, ay magdadala sa inyo sa palasyo ng mayamang lalaki” sabi ng mga ahente na naghahanap ng mga katulong.

“Ngayon! Ang maalikabok na daan na ito, dumaraan sa magagandang bukid, ay magdadala sa inyo sa mga bukid. Ito ay nakabilad sa araw, ngunit makikita ninyo na ito ay maganda, matapos ang lahat” sabi ng mga galing sa mga bukid.

“Ngayon! Ang isang daan ito na nagkabutas-butas gawa ng mabibigat na gulong at may mga madidilim na lugar, ay maghahatid sa mga minahan. Ito ay hindi maganda ni hindi pangit” sabi ng mga taga minahan.

“Ngayon! Ang matarik na landas na ito, inukit sa mga bato nadadarang ng araw, nakakalatan ng matitinik na mga palumpong at mga bangin, na nagpapa-antala sa mga tao, ngunit isang magandang depensa laban sa mga pag-atake ng mga kaaway, ay  maghahatid nang pasilangan, patungo sa mahigpit, halos masasabi namin na sagradong kastilyo, kung saan ang mga espiritu ay nagagawang perpekto sa Kabutihan” sabi ng mga galing sa hari.

At ang mga peregrino ay tingin nang tingin. Nag-iisip sila... Sila ay natutukso ng maraming bagay, na ang isa lamang dito ang ganap na mabuti. At sila ay unti-unting naghiwa-hiwalay. Sila ay sampu. Tatlo ang pumunta sa patungo sa mga bukid... at dalawa ang patungo sa mga minahan. Ang natira ay nagkakatinginan sa isa’t isa at ang dalawa sa kanila ay nagsabi: “Sumama sa amin, doon sa hari. Hindi tayo kikita at hindi natin kalulugdan ang ating mga sarili sa Lupa, ngunit tayo ay magiging mga santo magpasawalanghanggan”.

“Ang landas na iyon doon? Sa palagay mo ba kami ay baliw? Walang kita? Walang kasiyahan? Iyan ay hindi sulit na iwanan ang lahat at pumunta sa pagkakapatapon upang magkaroon ng mas kulang pa kaysa sa mayroon tayo sa ating bansa. Ibig namin na kumita nang malaki at kalugdan ang aming mga sarili...”

“Ngunit mawawala sa inyo ang eternal na Kabutihan! Hindi ba ninyo napakinggan na siya ay isang malupit na tao?”

“Kalokohan! Pagkaraan nang kaunti iiwanan namin siya, ngunit nagkaroon na kami ng kasiyahan at magiging mayaman na kami”.

“Hindi ninyo siya kailanman maiiwanan. Ang una ay mali sa pagsang-ayon sa kanilang kasakiman sa pera. Ngunit kayo! Kayo ay nadadala ng inyong kasakiman sa pagpapakasarap. O! huwag ninyong baguhin ang inyong eternal na patutunguhan kapalit ng maglalahong oras!”

“Kayo ay mga tanga at naniniwala kayo sa maka-ideal na mga pangako. Ang hinahanap namin ay mga katotohanan. Paalam!” ... at sila ay nagsimulang tumakbo sa tabi ng maganda, malilim, mabulaklak, makinis na daan, mayaman sa tubig, sa dulo nito kung saan ang mahikang palasyo ng masamang mahilig sa kasayahan ay nagniningning sa sikat ng araw.

Ang dalawang natitira ay kinuha ang matarik na landas umiiyak at nananalangin. At sila ay halos mawalan ng lakas-ng-loob pagkatapos ng ilang metro, dahil napakahirap nito. Subalit sila ay nagsumikap. At ang kanilang katawan ay tila pagaan nang pagaan habang mas nagpapatuloy sila at ang kanilang pagod ay tila napagiginhawahan ng isang kakaibang kagalakan. Sila ay hinihingal at nagalusan ang buong katawan nang sila ay nakarating sa tuktok ng bundok at tinanggap sa harapan ng hari, na nagsabi sa kanila kung ano ang kanyang inaasahan sa kanila upang sila ay maging kanyang magigiting na tauhan, at siya ay naghinuha nagsasabing: "Isipin ang tungkol dito sa loob ng walong araw at pagkatapos paalamin ako ".

At inisip nila ito at nakikipagbuno nang mahigpit sa Tagatukso, na gusto silang takutin sa pamamagitan ng kanilang katawan na nagsabi: "Isinasakripisyo ninyo kami", sa mundo, na ang mga alaala nito ay kaakit-akit pa rin. Ngunit nanalo sila. Sila ay nanatili. Sila ay naging mga bayani ng Kabutihan. Ang kamatayan ay dumating, na siyang pagluluwalhati sa kanila. Mula sa taas ng langit nakita nila sa bangin ang mga taong pumunta sa masamang panginoon. Sila ay nakakadena din pagkatapos ng kanilang buhay at dumadaing sa kadiliman ng Impiyerno. "At ginusto nilang maging malaya at kalugdan ang kanilang sarili!" sinabi ang dalawang santo.

At ang tatlong sinumpang kaluluwa ay nakita sila at sinumpa sila at ang lahat na tao, ang Diyos una sa lahat, sa isang nakatatakot na paraan, nagsasabing: “Dinaya ninyo kami, lahat kayo!”

"Hindi. Hindi ninyo masasabi iyan. Kayo ay binigyan ng babala ng panganib, Ginusto ninyo ang inyong sariling kapahamakan" tugon ng pinagpalang mga kaluluwa, na mga matahimik kahit nakikita at naririnig ang kanilang malalaswang pangungutya at mga sumpang ibinabato sa kanila.

At nakita nila ang mga taga bukid at ang mga taga minahan sa iba't ibang rehiyon ng Purgatoryo, at ang mga iyon ay nakita sila at nagsabi: "Kami ay hindi mabuti ni masama, at ngayon pinagbabayaran namin ang aming kawalang-bahala Ipanalangin ninyo kami.!".

“O! Gagawin namin! Ngunit bakit kayo hindi sumama sa amin?”

"Dahil kami ay hindi mga demonyo, bagkus mga tao ... nagkulang kami sa kabutihang-loob. Minahal namin kung ano ang pansamantala, nang higit pa sa kung ano ang Eternal at Banal. Natututo na kami ngayon na makaalam at magmahal nang may katarungan".

Iyon ang katapusan ng parabula. Ang bawat tao ay nasa isang sangahan ng mga daan. Sa isang perpetwong sangahan ng mga daan. pinagpalà ang mga matatatag at mapagbigay sa pagsunod sa mga paraan ng Kabutihan. Mapasakanila nawa ang Diyos. At harinawang ang Diyos ay hipuin  at  ikumberte ang mga taong hindi ganito at gabayan silang maging ganito. Humayo sa kapayapaan.»

«At papaano ang mga maysakit?»

«Ano ang nangyayari sa babaeng iyon?»

«Nakapipinsalang lagnat, na sumisira sa kanyang mga buto. Nakarating na siya hanggang sa layo ng Great Sea. Subalit wala kahit na anong kaginhawahan.»

Si Jesus ay yumuyuko sa may-sakit na babae at tinanong siya: «Sino Ako sa palagay mo?»

«Siya na matagal ko nang hinahanap. Ang Mesiyas ng Diyos. Maawa sa akin, dahil hinanap ko Kayo nang labis!»

«Harinawang ang iyong pananampalataya ay magbigay ng kalusugan kapwa sa iyong mga galamay at sa iyong puso. At ano ang sa iyo, mamâ?»

Ang mamâ ay hindi tumutugon. Ang babae na sumasama sa kanya, ang tumugon sa katauhan niya: «Ang isang tumor ay kinakain ang kanyang dila. Hindi siya nakapagsasalita at namamatay siya sa gutom.» Ang mamâ sa katotohanan ay isang kalansay.

«May pananampalataya ba kayo na mapapagaling kita?»

Ang mamâ ay tumango ng pagsang-ayon.

«Ibuka mo ang iyong bunganga» utos ni Jesus. At na ang Kanyang mukha malapit sa nakapangingilabot na bunganga na inuubos ng tumor, hiningahan Niya ang loob nagsasabing: «Gusto Ko ito!»

Pagkaraan ng isang sandali dalawang sigaw ang narinig: «Ang aking mga buto ay malusog nang muli»; «Maria, magaling na ako! Tingnan! Tingnan ang aking bunganga. Hosana! Hosana!» at ibig ng mamâ na tumayo, ngunit siya ay sumusuray dahil sa kahinaan.

«Bigyan siya ng makakain.» utos ni Jesus. At paalis na Siya.

«Huwag umalis! Iba pang mga maysakit ang darating! Ang iba ay bumabalik... Pagalingin din sila!» sigaw ng mga pulutong.

«Sa tuwing umaga Ako ay naririto mula sa pagsikat ng araw hanggang sa ika-anim na oras. Ang mga boluntaryo ay kailangan na ipunin ang mga peregrino.»

«Gagawin ko, Panginoon!» mga ilang tao ang nagsasabi.

«Pagpalain nawa kayo ng Diyos para diyan.»

At si Jesus ay lumiko patungo sa nayon kasama ang Kanyang unang mga kasamahan at kasama ang iba pang mga disipulo na dumating nang paunti-unti habang Siya ay nagsasalita, at mga nagdala ng iba pang mga tao.

«Ngunit nasaan sina Pedro at Judas ng Kerioth?» tanong ni Jesus.

«Pumunta sila sa kalapit na bayan.  Marami silang pera. Namimili sila...»

«Oo. Si Judas ay gumawa ng himala at siya ay tuwang-tuwa» wika ni Simon Zealot ngumingiti.

«Si Andres din, at nakakuha siya ng isang tupa, bilang ala-ala. Pinagaling niya ang baling paa ng isang pastol, na nagbigay ng gayong gantimpala sa kanya. ibibigay natin iyon sa matandang ama. Ang gatas ay mabuti para sa matatanda...» sabi ni Juan, hinahaplos ang matanda na masaya.

Pumasok sila sa bahay at naghahanda ng ilang pagkain...

Paupo na sila sa mesa, nang ang dalawang nawawalang apostol ay dumating, kargadong katulad ng mga asno at sinusundan ng isang kariton na kargado ng mga banig na ginamit bilang mga higaan ng mahihirap na tao sa Palestina.

«Patawarin Ninyo ako, Guro. Ngunit ito ay kinakailangan. Mabuti na tayo ngayon» sabi ni Pedro.

At si Judas: «Tingnan. Binili namin ang tanging mga kailangan lamang, malinis at mahirap. Katulad na gusto Ninyo ang mga bagay» at sila ay abala sa pagdidiskarga, pinauuwi ang nagkakariton.

«Labindalawang maliliit na kama at labindalawang banig. Ilang mga pinggan. Naririto ang binhi. At naririto ang mga kalapati. Ayon ang pera. At bukas magkakaroon ng marating tao. Phew! Gaano kainit ngayon! Subalit ang lahat ay maayos. At ano ang Inyong ginawa, Guro?...»

At habang sinasabi ni Jesus sa kanya, naupo sila nang masaya sa mesa.

061010



Sunod na kabanata