386. Sa Gilgal. Ang Pulubing si Ogla. Ang Labindalawang Mga Bato.

Pebrero 18, 1946.

Hindi ko alam kung ano na ang katulad ng Gilgal ngayon. Nang ito ay pinasok ni Jesus, ito ay isang pangkaraniwang bayan ng mga Pilisteo, matáung-matao, nakalugar sa isang mababang burol na punó ng mga ubasan sa karamihan at mga taniman ng mga olibo. Ngunit labis-labis ang sikat ng araw dito, kung kaya't pati mga butil ay binubukid dito, nang walang pinipiling lugar, sa ilalim ng mga punungkahoy o sa pagitan na mga hilera ng mga baging. At sila ay nahihinog sa kabila ng may nakatakip na mga kadahunan sa itaas nila, sapagkat ang araw ay mainit-na-mainit at ang epekto ng kalapit na disyerto ay nararamdaman.

Naririto ang alikabok, ang ingay, ang dumi at kalituhan ng mga araw ng palengke. At walang-pagbabago katulad ng kapalaran, nariyan ang dating masigasig na hindi makumbinsing mga Pariseo at mga eskriba, naguusap-usap na may malalaking pagkilos at pinakikita ang kanilang natutuhan sa pinaka magandang sulok ng liwasan, nagkukunwaring hindi nila nakikita si Jesus o hindi nila Siya kilala.

Si Jesus ay tumuloy nang diretso at kinakain ang Kanyang baon sa loob ng isang maliit na tabi ng liwasan, halos nasa labas na, nalililiman nang mabuti ng magkasala-salabid na mga sanga ng lahat ng klase ng mga tanim. Sa aking pagkaintindi ito ay bahagi ng bundok na naidugtong sa nayon kamakailan at nandoon pa ang natural na wangis nito.

Ang unang tao na lumapit kay Jesus, Na kumakain ng tinapay at mga olibo, ay ang isang lalaki na nakasuot ng mga basahan. Nanghihingi siya ng kaunting tinapay. Ibinigay ni Jesus ang Kanyang bahagi kasama ang lahat na olibo na hawak ng Kanyang kamay.

«At papaano Kayo? Alam Ninyo na tayo ay walang pera» wika ni Pedro. «Ibinigay natin ang lahat kay Ananias...»

«Walang anuman ito. Hindi Ako nagugutom. Ngunit nauuhaw Ako...»

Sabi ng pulubi: «May isang bubon sa likuran ng nayon... Ngunit bakit Ninyo binigay ang lahat sa akin? Maaari Ninyong binigay sa akin ang kalahati ng Inyong tinapay... Kung hindi Kayo mandidiri na kunin ito muli...»

«Kainin mo iyan. Maaari Ako kahit wala iyan. Ngunit upang maalis ang bawat posibleng pagdududa na nandidiri Ako sa iyo, bigyan mo Ako sa pamamagitan ng iyong sariling mga kamay ng sansubo at kakainin Ko iyan upang maging iyong kaibigan...»

Ang mukha ng lalaki, magpahanggang ngayon malungkot at mapanglaw, ay nagningning sa isang ngiti at sinabi niya: «O! Ito ang unang pagkakataon mula nang ako ay naging ang kaawa-awang Ogla na may nagsabi sa akin na ibig niyang maging kaibigan ko!» at ibigay niya ang sansubo ng tinapay kay Jesus. At nagtanong siya: «Sino Kayo? Ano ang Inyong pangalan?»

«Ako si Jesus ng Nazareth, ang Rabbi ng Galilee.»

«Ah!... napakinggan ko ang tungkol sa Inyo mula sa ibang mga tao... Ngunit... hindi ba’t Kayo ang Mesiyas?...»

«Ako nga.»

«At Kayo, ang Mesiyas, ay napakabuti sa mga pulubi? Ang Tetrarka ay pinahahagupit kami sa kanyang mga katulong, kung kami ay makita niya sa kanyang daraanan...»

«Ako ang Tagapagligtas. Hindi Ako naghahagupit, nagmamahal Ako.»

Ang lalaki ay tinititigan Siya. At nagsimula siyang umiyak nang unti-unti.

«Bakit ka umiiyak?»

«Sapagkat... gusto kong máligtas... Hindi na ba Kayo nauuhaw, Panginoon? Madadala ko Kayo sa bubon at makakapagsalita sa Inyo...»

Naintindihan ni Jesus na ang lalaki ay may ibig na ikumpisal at Siya ay tumayo nagsasabing: «Tayo na.»

«Pupunta rin ako!» bulalas ni Pedro.

«Hindi. Makakabalik Ako kaagad, maging ano pa man... At kailangan nating irespeto ang mga nagsisisi.»

Sumama Siya sa lalaki sa likuran ng isang bahay, sa kabila nito kung saan ay naroroon ang kabukiran.

«Ang bubon ay nasa banda roon... Uminom Kayo at pagkatapos maaari Ninyo akong pakinggan.»

«Hindi, mamâ. Ibuhos mo muna sa Akin ang iyong pananabik at pagkatapos... iinom Ako. At baka magkaroon Ako ng isang pontanya na mas lalo pang maganda kaysa sa tubig ng bubon na ito.»

«Alin, Guro?»

«Ang iyong pagsisisi. Pumunta tayo sa ilalim ng mga punungkahoy na iyon. Ang mga babae ay pinapanood nila tayo rito. Halika» at inilalapat ang Kanyang isang kamay sa balikat ng mamâ pinasusunod Niya siya patungo sa isang palumpungan ng mga punong-olibo.

«Papaano Ninyo nalaman na ako ay may pagkakasala at na ako ay nagsisisi?»

«O!... Magsalita at huwag matakot sa Akin.»

«Panginoon... Kami ay pitong magkakapatid na lalaki sa isang ama, ngunit ako ay ipinanganak ng babae na pinakasalan ng aking ama nang siya ay naging balo. At ako ay kinapopootan ng anim pang iba. Nang mamatay ang aking ama, nag-iiwan siya sa amin ng magkakaparehong halaga sa bawat isa. Ngunit pagkatapos ng kanyang kamatayan ang aking anim na kapatid ay sinuhulan ang mga hukom, kinuha ang lahat sa akin, at pinalayas ang aking ina at ako na may masasamang akusasyon. Ang aking ina ay namatay noong ako ay labing-anim na taong gulang... at siya ay namatay sa kasalatan... At mula noon wala nang nagmahal sa akin kailanman...» sinasabi niya na umiiyak nang hindi mapigilan. Siya ay kumalma at nagpatuloy: «Ang aking anim na mga kapatid ay mayaman at masaya at sila ay nakapagpapatuloy sa kanilang pamumuhay sa pamamagitan din ng kung ano ang akin, habang ako ay namamatay sa pagkagutom, sapagkat ako ay nagkasakit tinutulungan ang aking matanda’t mahinang ina... Ngunit ang Diyos ay hinampas sila nang isa-isa. Isinumpa ko sila at kinapopootan nang labis, na tiningnan ko sila nang masama. Nagagawa ko ba ang maling bagay? Sigurado. Alam ko. At alam ko noon. Ngunit papaano ko sila hindi kapopootan at isumpa? Ang huling isa, na sa katunayan ay ang pangatlo sa panganay, ay natatagalan ang lahat na mga panunumpa, hindi, bagkus, umuunlad siya sa pamamagitan ng pag-aari ng lima pang iba, dahil nakuha niya nang legal ang mga kalakal ng tatlong nakababatang kapatid na namatay na walang mga umaasa sa kanila, at pinakasalan niya ang balo ng panganay, na namatay na walang anak, at nakuha niya nang may pandaraya ang ari-arian ng pangalawang kapatid, dinadaya ang kanyang balo at ang mga ulila sa ama na kanyang pinagkaitan ng karamihan ng kanilang bahagi sa pamamagitan ng mga panloloko at mga pangungutang. At nang ako ay kanyang natagpuan nang hindi inaasahan sa palengke, kung saan ako madalas na pumunta bilang ang katulong ng isang mayaman na lalaki upang magbenta ng mga makakain, ako ay kanyang ininsulto at binugbog... natagpuan ko siya isang gabi... Ako ay nag-iisa at siya ay nag-iisa. Siya ay lasing sa alak... Ako ay lasing sa pamamagitan ng mga alaala at kapootan... Iyon ay ang ikasampung anibersaryo ng kamatayan ng aking ina... ininsulto niya ako at ang aking patay na ina... Tinawag niya siya na isang “maruming puta” at tinawag niya ako na “anak ng isang ayena”... Panginoon... kung hindi niya ininsulto ang aking ina, natiis ko sana siya. ngunit ininsulto niya siya... Sinakal ko siya. Kami ay nagpambuno gusto ko lamang siyang bugbugin... Ngunit siya ay nadulas at natumba sa lupa... at ang nakakiling na lupa ay puno ng madulas na mga damo... at sa dulo ay may isang bangin at isang ilog... Lasing katulad niya siya ay bumaligtad at nahulog... Hinahanap pa rin siya nila pagkaraan ng maraming mga taon... Siya ay nálibing sa mga bato at buhangin ng isa sa mga ilog sa Lebanon. Hindi na ako bumalik sa aking panginoon. At siya ay hindi kailanman bumalik sa Caesarea Paneas. Ako ay matagal nang naglalagalag na walang kapayapaan... Ah! Ang sumpa ni Cain! Ang katakutan ang buháy...  at katakutan ang mamatay ako ay nagkasakit... At pagkaraan... napakinggan ko ang tungkol sa Inyo... Ngunit ako ay natatakot. Sinabi nila sa akin na nababasa Ninyo ang mga puso ng mga tao. At ang mga rabbi ng Israel ay napakasama!... Hindi nila nalalaman kung ano ang awa... Kayo, ang Rabbi ng mga rabbi, ay aking kinatatakutan... At ako ay lumayas sa harapan Ninyo... Datapwa't ibig kong ako ay mapatawad...» Siya ay nakapatirapa sa lupa at umiiyak...

Si Jesus ay tinitingnan siya at bumulong: «Ipapatong Ko rin ang mga kasalanan na iyan sa Akin!... Makinig, anak! Ako ay Awa, hindi katatakutan. Ako ay naparito rin para sa iyo. Huwag mahiya sa harapan Ko... Ako ang Tagapagtubos. Ibig mo bang mapatawad? Sa ano?»

«Sa aking krimen. Bakit tanungin ako? Pinatay ko ang aking kapatid.»

«Sinabi mo: “Gusto ko lamang siyang bugbugin” sapagkat ikaw ay sinaktan at ikaw ay galit. Ngunit nang kinapootan mo at isinumpa hindi isa, bagkus anim na kapatid, ikaw ay hindi sinaktan o nagalit. Ginawa mo iyon nang natural katulad ng iyong paghinga. Ang poot at ang mga panunumpa, at ang kasiyahan na nakikita silang hinampas ay ang iyong espirituwal na pagkain, tama ba iyon?»

«Oo, Panginoon. Iyon ang aking tinapay sa loob ng sampung taon.»

«Kung gayon, ang iyong pinakamalaking krimen ay nagsimula noong sandaling napoot at nanumpa ka. Ikaw ay anim na beses na mamamatay-tao ng iyong mga kapatid.»

«Ngunit, Panginoon, sinira nila ako at kinapootan... At ang aking ina ay namatay sa kagutuman...»

«Ang ibig mo bang sabihin may rason ka na ipaghiganti ang iyong sarili?»

«Oo, may rason ako.»

«Wala kang rason. Iyon ay nasa Diyos para magparusa. Nagmahal ka sana. At ang Diyos ay sana pinagpalà ka sa Lupa at sa Langit.»

«Kung gayon, hindi ako Niya pagpapalain kailanman?»

«Ang pagsisisi ay naghahatid ng mga pagpapalà muli. Ngunit gaanong kapighatian, gaanong kabalisahan ang ginawa mo sa iyong sarili! Nakagawa ka ng mas labis pa sa pamamagitan ng iyong poot kaysa nagawa ng iyong mga kapatid!...»

«Iyan ay totoo! Ang aking pagkatakot ay tumagal nang dalawampu’t anim na taon. O! patawarin ako sa ngalan ng Diyos. Nakikita Ninyo na ako ay pinamimighati para sa aking kasalanan! Hindi ako nanghihingi ng kahit ano para sa aking buhay. Ako ay isang pulubi at ako ay may sakit. At ibig kong manatili nang ganito, upang maghirap at pagbayaran ang kasalanan. Ngunit ibigay Ninyo sa akin ang kapayapaan ng Diyos! Nag-alay ako ng mga sakripisyo sa Templo at nagutom ako upang maipon ang pera para sa holokausto. Ngunit hindi ko maikumpisal ang aking krimen at hindi ko alam kung ang sakripisyo ay tinanggap.»

«Hindi iyon tinanggap. Kahit na kung nag-alay ka ng isa araw-araw, anong halaga niyon para sa iyo, kung ikaw ay kumikilos na may kasinungalingan? Ang isang ritwal na hindi pinangunahan ng isang sinsirong pangungumpisal ng mga kasalanan ay pamahiin at walang halaga. Iyan ay isang kasalanan dinagdag sa kasalanan, at kung gayon mas higit pa kaysa sa walang kabuluhan. Isang panlalapastangan na alay. Ano ang sinabi mo sa pari?»

«Madalas kung sabihin: “Ako ay nagkasala dala ng kamangmangan, ginagawa kung ano ang ipinagbabawal ng Panginoon, at ibig kung pagbayaran ang aking kasalanan”. Madalas kong isipin: “Alam ko kung saan ako nagkasala, at nalalaman ng Diyos. Ngunit hindi ko masabi nang hayagan sa sino pa mang tao. Ang Diyos, Na nakikita ang lahat, ay alam na iniisip ko ang aking kasalanan”.»

«Ang mental na mga pasubali, ang ibig sabihin mga pabor sa pansariling kapakanan. Ang Kataastaasan ay kinapopootan ito. Kapag ang isa ay nagkasala, kailangan niyang pagbayaran ang kasalanan. Huwag mo nang gagawin iyan ulit.»

«Hindi, Panginoon. At ako ba ay mapapatawad? O kailangan kong pumunta at ikumpisal ang lahat? At bayaran sa pamamagitan ng aking buhay ang buhay na aking kinuha? Ang tanging kailangan ko ay ang mamatay na may kapatawaran ng Diyos.»

«Mabuhay upang makabayad para sa kasalanan. Hindi mo na maibibigay ulit ang kanyang asawa sa balo o ang kanilang ama sa mga anak... Ang isa ay kailangan na mag-isip bago pumatay, bago pahintulutan ang kapootan na maging kanyang panginoon! Ngunit bumangon at maglakad sa bagong daan. Sa iyong daan, matatagpuan mo ang Aking mga disipulo. Sila ay tiyak na nasa mga kabundukan ng Judaea at matatagpuan mo sila kung lalakad ka mula sa Tekoah patungong Bethlehem at patungo sa mas malayo pa pagawing Hebron. Sabihin sa kanila na si Jesus ay pinadala ka at na sinabi Niya na bago ang Pentekostes aakyat Siya sa Herusalem daan ng Bethzur at Bether. Hanapin si Elias, si Jose, si Levi, si Matias, si Juan, si Benjamin, si Daniel, si Isaac. Maaalaala mo ba ang mga pangalan na iyan? Lapitan lalo na sila. Umalis na tayo...»

«Ngunit hindi ba Kayo iinom?»

«Nainom Ko na ang iyong mga luha. Isang kaluluwang bumabalik sa Diyos! Wala nang iba pang mas nakapagpapalamig para sa Akin.»

«Kung gayon, ako ay napatawad na?! Sinabi Ninyo: “Bumabalik sa Diyos!...»

«Oo. Pinatawad ka na. Ngunit huwag na ulit mapoot sa sinuman.»

Ang mamâ ay lumuhod na ulit, dahil siya ay nakatayo na, at hinahalikan ang mga paa ni Jesus.

Bumalik sila sa mga apostol at natagpuan silang nakikipagtalo sa ilang mga eskriba.

«Naririto ang Guro. Makatutugon Siya sa inyo at masasabi sa inyo na kayo ay mga makasalanan.»

«Ano ang nangyayari?» tanong ni Jesus, Na bumabati nang magalang ngunit hindi binabati nang pabalik.

«Guro, nililigalig nila kami ng mga katanungan at panunuya...»

«Isang gawáin ng awa ang tiisin ang mapanligalig na mga tao.»

«Ngunit sinasaktan nila Kayo. Ginagawa nila Kayong katatawanan... at ang mga tao ay nag-aalinlangan. Kita Ninyo? Naging matagumpay kami sa pag-iipon ng maraming tao.... Ngunit sino na ngayon ang naiwan? Dalawa o tatlong mga babae...» 

«O! hindi! Mayroon ding kayong isang lalaki, isang maruming lalaki! Labis-labis pa nga siya sa inyo! Ngunit, Guro, hindi ba Ninyo naiisip na Kayo ay nagiging labis na nahahawahan, dahil lagi Ninyong sinasabi na ang dumi ay nakapandidiri sa Inyo?» sabi nang nanunuya ng isang bata-pang eskriba tinuturo ang pulubi sa tabi ni Jesus.

«Siya ay hindi dumi. Hindi siya ang dumi na nakapandidiri sa Akin. Siya ay isang “kaawa-awang lalaki”. Ang kaawa-awang mga tao ay hindi nakapandidiri. Ang kanilang kahirapan ay kailangan na makapagpasiglá sa mga kaluluwa ng mga damdamin ng pangkapatirang habag. Pinandidirihan Ako ng moral na mga kahirapan, ng mabahong mga puso, ng mga kaluluwang nagkapira-piraso, ng mga nasugatang espiritu.»

«At nalalaman ba Ninyo na siya ay hindi ganyan?»

«Alam Ko na siya ay naniniwala at umaasa sa Diyos at sa Kanyang Awa, ngayon na nakilala na niya ito.»

«Nakilala? Saan ito nakatira? Sabihin sa amin, upang kami ay sana makapunta din at makita ang kanyang mukha. Ah! Ang kakila-kilabot na Diyos, Na hindi pinangahasan ni Moses na tingnan, ay maaaring may nakakatakot na mukha kahit na sa Kanyang awa, kahit na kung ang Kanyang kabagsikan ay humupa pagkatapos ng napakaraming mga siglo!» pamimilit ng bata-pang eskriba tumatawa at ang kanyang pagtawa ay mas pangunguntra kaysa panlalapastangan.

«Ako, Na nagsasalita sa iyo, Ako ang Awa ng Diyos!» sigaw ni Jesus, tumatayong tuwid, nakasisilaw sa kapangyarihan ng Kanyang mga mata at kilos.

Hindi ko alam kung bakit ang isa pa ay hindi nahintakutan... Ngunit bagama't hindi siya lumalayas, hindi na siya maaaring maging mapanuya at siya ay naging tahimik, habang isa pang eskriba ang pumalit sa kanya: «O! gaano karaming walang-kabuluhan na mga salita! Gusto lang namin na makapaniwala. Wala kaming mahihingi na mas mabuti pa. Ngunit upang makapaniwala, kailangan na may mga katibayan kami. Guro, nalalaman ba Ninyo kung ano ang Gilgal sa amin?»

«Sa palagay ba ninyo Ako ay isang tanga?» sabi ni Jesus. At sa tono ng isang salmo, sa isang mabagal kung baga mahinang pagbigkas, Siya ay nagsimula: «”At si Joshua, gumigising bago sa pagsikat ng araw, ay nagkampo. At siya ay naglakad mula sa Shittim kasama ang lahat na mga Israelita at dumating sa Jordan kung saan sila tumigil nang tatlong araw, pagkatapos nito kung saan ang mga tagapagbalita ay pumunta sa buong kampo sumisigaw: ‘Kapag makita ninyo ang Kaban ng Tipan ng Panginoong inyong Diyos na dinadala ng mga paring levitico, kailangan na kayo ay umalis at sundan sila, subalit sa pagitan ninyo at ng Kaban, magpanatili ng distansiya na dalawang libong siko, upang makita sana ninyo mula sa malayo kung aling daan ang inyong kukunin dahil hindi pa kayo nakaraan dito noon at...’ “»

«Tama na iyan. Alam Ninyo ang leksiyon. Ngayon, upang maniwala, kailangan namin ng katulad na himala mula sa Inyo. Noong Paskuwa kami ay paulit-ulit na sinabihan sa Templo ng balitang hinatid ng isang mamamangka na Inyong pinatigil ang ilog na nasa pagbaha. Ngayon, para sa isang pangkaraniwang tao gumawa Kayo nang labis, kami, na mga labis pang mahigit kaysa sa isang pangkaraniwang tao, ay hinihingi sa Inyo na bumaba sa Jordan kasama ang Inyong mga disipulo at tawirin ito nang hindi nababasa ang inyong mga paa, katulad ng ginawa ni Moses sa Pulang Dagat at ni Joshua sa Gilgal. Sige na! Ang panggagaway may silbi lamang sa mga mangmang na tao. Ngunit kami ay hindi maloloko ng Inyong nigromansiya, bagama’t alam-na-alam na Kayo ay may nalalaman tungkol sa mga lihim ng Ehipsiyo at mga pormularyo ng mahika.»

«Hindi Ko kailangan ang mga iyan.»

«Tayo ay bumaba sa ilog at maniniwala kami sa Inyo.»

«Ito ay nakasulat: “Hindi mo ilalagay ang Panginoong mong Diyos sa pagsubok”!»

«Kayo ay hindi Diyos! Kayo ay isang kaawa-awang tanga! Kayo ang isa na nagpapasamâ sa mga pulutong. Iyan ay madali para sa Inyo sapagkat si Beelzebub ay kasama Ninyo. Ngunit sa amin, na inadornohan ng kapangyarihan ng pagpapalayas sa masasamang espiritu, Kayo ay mas kulang pa sa wala» sabi ng isang eskriba nang maigting.

«Huwag mo Siyang saktan! Pakiusapan mo Siya na pagbigyan ang ating hinihiling. Sa pagtrato sa Kanya, mawawalan Siya ng puso at kapangyarihan. Sige na, Rabbi ng Nazareth! Bigyan Ninyo kami ng katibayan at sasambahin namin Kayo» sabi ng makamandag na matandang eskriba, na mas palaban sa kanyang baluktot na pambobola kaysa sa iba na mas hayagan ang kabagsikan.

Si Jesus ay tinitingnan siya. Pagkatapos humarap Siya nang pagawing timog-kanluran at inuunat ang Kanyang mga kamay sinabi Niya: «Ang disyerto ng Judah ay nasa banda roon at doon ang Masamang Espiritu ay hiningi sa Akin na ilagay ang Panginoong Aking Diyos sa pagsubok. At Ako ay tumugon: “Layas, Satanas! Nakasulat na ang Diyos lamang ang sasambahin; Hindi Siya kailangan na ilagay sa pagsubok. At Siya ay kailangan na bigyan ng prayoridad kaysa sa laman at dugo”. Sinasabi Ko ang ganyan din sa iyo.»

«Ibinibigay ba Ninyo sa amin ang pangalan ni Satanas? Binibigay Ninyo? Ah! Isumpa Kayo!» at umaasal nang mas katulad ng makukulit  kaysa mga doktor ng Batas, nagsimula silang mamulot na mga bato sa lupa upang batuhin Siya, at sila ay sumisigaw: «Lumayas Kayo! Maisumpa sana Kayo magpasawalanghanggan!»

Si Jesus ay tinitingnan sila nang walang takot. Pinarálisa Niya sila sa kanilang mapaglapastangang kilos, pinulot ang Kanyang manta at nagsabi: «Tayo na! Mamâ, mauna ka sa Akin» at Siya ay bumalik pagawi sa bubon at patungo sa lootan ng mga punong-olibo ng pangungumpisal... At ibinaba Niya ang Kanyang ulo, nagmumukhang lubos na nadurog, habang ang dalawang di-mapipigilang luha ay bumababa sa Kanyang maputlang mukha,

Nakarating sila sa isang kalsada. Si Jesus ay tumigil at nagsabi sa pulubi: «Hindi kita mabibigyan ng kahit anong pera, dahil wala Ako nito. pinagpapalà kita. Paalam. Gawin kung ano ang sinabi Ko sa iyo.»  Sila ay naghiwalay...

Ang mga apostol ay nababalisa. Tumitingin sila nang patago sa isa’t isa...

Sinira ni Jesus ang katahimikan pinagpapatuloy ang tono ng salmo na pinutol ng eskriba: «”At ang Panginoon ay nagsabi kay Joshua: ‘Pumili ng labindalawang lalaki, isang lalaki sa bawat  tribu, at sabihin sa kanila na kumuha mula sa gitnang Jordan, kung saan ang mga pari ay tumayo, ng labindalawang napakatigas na bato at ilagay ito sa loob ng kampo kung saan magtatayo kayo ng inyong mga tolda ngayong gabi’. At si Joshua tumawag ng labindalawang lalaki mula sa mga anak ng Israel, isa sa bawat tribu, at sinabi niya sa kanila: ‘Umuna sa Kaban ng Panginoong inyong Diyos patungo sa gitnang Jordan, at ang bawat isa sa inyo ay magdala ng isang bato sa kanyang balikat, ayon sa bilang ng mga tribu ng Israel, upang gumawa ng isang monumento sa gitna ninyo. At kung sa hinaharap kayo ay tanungin ng inyong mga anak: Ano ang ibig sabihin ng mga batong ito? kayo ay tutugon sa kanila: Ang mga tubig ng Jordan ay nawala sa harapan ng Kaban ng Tipan ng Panginoon, noong ito ay tumawid sa mga ito, at ang mga batong ito ay ang walang-maliw na alaala nito sa mga Israelita’ “.»

Pagkatapos itiningala Niya ang Kanyang ulo, at tiningnan Niya ang mga apostol na mga nakatingin sa Kanya. Sa isang ibang tinig, ang tinig ng mga sandali ng pinakamalalim na kalungkutan, sinabi Niya: «At ang Kaban ay nasa ilog. Hindi ang mga tubig, bagkus ang kalangitan ay nagbukas dala ng paggalang para sa Salita Na nagpapabanal sa kanila at ginagawa silang mas banal kaysa sa ginawa ng Kaban, nakatayo sa ilalim ng tubig. At ang Salita ay pumili ng labindalawang bato. Pinili Niya ang napakatigas na mga bato, sapagkat sila ay kailangan na tumagal hanggang sa katapusan ng mundo, at sila ang kailangan na maging ang pundasyon ng bagong Templo at ng eternal na Herusalem. Labindalawa. Tandaan iyan. Iyan ang kailangan na maging ang bilang. At pagkatapos pumili Siya ng labindalawa pa bilang ikalawang mga saksi. Ang unang mga pastol na mga disipulo at si Abel ang ketongin at si Samuel ang pilay, ang mga pinagaling na una... at mapagpasalamat... Sila ay napakatigas din, sapagkat kailangan nilang matagalan ang mga dagok ng Israel, na napopoot sa God!... Na napopoot sa Diyos!...»

Gaano kalungkot at kahina ang tinig ni Jesus – halos katunog nito ang tinig ng isang batang lalaki – habang iniiyakan Niya ang karahasan ng Israel. Siya ay nagpapatuloy: «Ang panahon at ang mga tao ay ikinalat ang mga alaalang bato sa ilog... Ang poot ay ikakalat ang Aking labindalawa sa Lupa. Sa mga pampang ng ilog, ang panahon at ang mga tao ay  sinira ang alaala ng altar... Ang una at ang ikalawang mga bato ay hindi na makilala: ang mapait na poot ng mga dimonyo, na hindi lamang naninirahan sa impiyerno, bagkus sa mga puso din ng mga tao, ay ginamit ang mga batong ito para sa lahat ng pakay. Ang ilan ay ginamit din para sa pagpatay. At papaano Ko malalaman na sa mga batong itinaas laban sa Akin, ay wala roon ng mga kapiraso ng pinaka matigas na bato na pinili ni Joshua? Napakatigas! Palaban! O! Napakatigas! Sa pagitan din ng Aking mga tagasunod ang ilang mga nailigaw ay gaganap bilang isang tuntungan para sa mga dimonyo na nagmamartsa laban sa Akin... at sila'y magiging mga bato na ipupukol sa Akin... at sila ay hindi na magiging ang mga piniling bato... bagkus mga dimonyo... O! Santiago, Aking mahal na kapatid! Gaano katigas ang Israel sa Panginoon nito!» at, kung ano ang hindi pa kailanman nakita noon, si Jesus, napangingibabawan ng kung anong matinding kalungkutan na hindi alam, ay sumandal sa balikat ni Santiago ni Alfeo at niyayakap siya umiiyak...

 



Sunod na kabanata