387. Pagawing Engedi. Iniiwan si Judas Iskariote at si Simon Zealot.

Pebrero 19, 1946.

Maaaring pinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay sa loob ng may-liwanag ng buwan na gabi, at pagkatapos na makapagpahinga nang kaunting mga oras sa loob ng isang kuweba, sila ay nagpatuloy muli sa pagsikat ng araw. At sila ay halatang mga pagod na pagkatapos na maglakad sa durog na mga bato, dumaan sa matitinik na palumpong at sa gumagapang na mga baging, na madalas napapasabid ang kanilang mga paa. Si Simon Zealot ang nauuna, dahil lumalabas na kabisadung-kabisado niya ang lugar at siya ay humihingi ng paumanhin para sa mahirap na daan, na tila siya ang dahilan ng kahirapan.

«Kapag naroroon na tayong muli sa mga bundok na iyon, na inyong nakikita, magiging mas madali ang paglalakbay at pinapangako ko sa inyo ang maraming layás na pulot at tubig...»

«Tubig? Bubulusok ako diyan! Ang buhangin ay inagnas na ang aking mga paa na tila ako ay matagal nang naglalakad sa asin at ang aking balat ay kumikirot. Gaanong nakapangingilabot ang mga lugar na ito! O! mararamdaman ng isa na tayo ay malapit na sa mga distrito na pinarusahan ng Langit ng apoy! Ang baho ay nasa hangin pa, sa lupa, sa mga tinik, kahit saan!» bulalas ni Pedro.

«Datapwa't maganda rito dati, tama ba iyon, Guro?»

«Napakaganda ngang talaga. Noong mga unang siglo ng mundo, ang lugar na ito ay isang maliit na Eden. Ang lupa ay matabang-mataba at mayaman sa bukál na mga tubig bagay sa lahat na paggagamitan. Ngunit sila ay mabuting-mabuti ang pagkakaayos na sila ay isang pagpapalà. Pagkatapos... ang kawalang-kaayusan ng mga tao ay tila naaapektuhan ang mga elemento. At iyon ang katapusan. Ang marurunong na tao ng paganong mundo ay ipinaliliwanag ang nakapangingilabot na kaparusahan sa maraming pamamaraan. Ibig sabihin, sa pantaong mga pananalita, kung minsan may pamahiing takot. Ngunit maniwala sa Akin: ang kalooban lamang ng Diyos ang nagpabago sa kaayusan ng mga elemento; at ang mga nasa kalangitan ay nainsangkot ang mga nasa kalaliman, sila ay nakawala nagkakabanggaan sa isang nakasasalantang kaguluhan, pinaapoy ng mga kidlat ang bitumen na naikalat ng nabuksang mga ugat ng lupa sa isang malaking kawalang-kaayusan at ang apoy mula sa mga bituka ng lupa at sa ibabaw ng lupa at ang mga kidlat ay pinahirapan ang lupa, na naalog sa nakakatakot na kombulsiyon, at sinunog, sinira at inagnas ang ekta-ektarya ng lupa, na dati ay isang paraiso, at ginawa itong maging ang impiyerno na inyo nang nakikita ngayon at kung saan ang mamuhay ay imposible.»

Ang mga apostol ay nakikinig nang mabuti...

Si Bartolomeo ay nagtanong: «Sa palagay ba Ninyo na, kung maaalis natin ang malapot na maalat na tubig, makikita natin ang mga labí ng pinarusahan na mga bayan sa pinaka-ilalim ng Great Sea?»

«Sigurado. At halos buo pa; sapagkat ang maputik na tubig ay gumaganap na isang semento sa nailibing na mga bayan. Ngunit ang Jordan ay nagkalat ng malaki-laking bahagi ng buhangin sa kanila. Kung kaya't sila ay nailibing nang dalawang beses, na sana sila ay hindi na muling lumitaw, ang simbolo ng mga na, nagpapatuloy sa pagkakasala, tinabunan na nang husto ng maldisyon ng Diyos at ng kalabisan ni Satanas, na kanilang pinaglingkuran nang husto sa buhay na ito.»

«At is Mattathias ba ni Juan ni Simeon ay nanilungan dito: ang makatarungang Hasmonean na siyang ang kaluwalhatian ng Israel kasama ang kanyang anak?»

«Oo, dito. Sa pagitan ng mga bundok at sa mga disyerto at dito niya pinulong muli ang mga tao at ang sandatahang-lakas, at ang Diyos ay kasama niya.»

«Ngunit, dito man lang... ay mas madali para sa kanya, sapagkat ang mga Hasidaean ay mas makatarungan kaysa ang mga Pariseo sa Inyo!»

«O! madaling maging mas makatarungan kaysa sa mga Pariseo! Mas madali pa nga kaysa para sa tinik na ito na tusukin ako at kumapit sa aking paa... Tingnan dito!» bulalas ni Pedro, na, habang nakikinig ay hindi nakatingin sa kanyang nilalakaran at nápasabid sa isang matinik na palumpong na nagawa nitong dumugo ang kanyang paa.

«Walang marami niyan sa mga bundok sa itaas. Kita mo kung gaano na sila numinipis?» sabi ni Simon Zealot pinagiginhawahan siya.

«H’m! Alam-na-alam mo ang lugar...»

«Nanirahan ako rito noong ako ay napatapon at inuusig...»

«O! kung gayon,,,»

Sa katunayan ang kaberdehan ay hindi na masyadong problema sa maliliit na mga bundok, na, gayunman, ay hindi masyadong malilim at ang mga yerba rito ay kung baga mas mabababa ngunit mababango at nakakalatan ng mga bulaklak napoporma ang isang maraming-kulay na alpombra. Ang mga pukyutan ay sumisipsip sa kanila at pagkatapos lilipad patungo sa mga yungib sa mga panabi ng bundok kung saan sa mga natural na bahay-pukyutan nila ito nilalagak sa ilalim ng mga kurtina ng ivy at honeysuckle.

Si Simon Zealot ay pinasok ang isa sa mga yungib at lumabas na may dalang mga nahalughog na kulay-gintong pulot; pagkatapos pumasok sa iba pang mga yungib hanggang mayroon na siyang sapat para sa lahat, at inialay ito sa Guro at sa kanyang mga kaibigan na kinasiyahan ang matamis na tumutulong bagay.

«Sana mayroon tayong ilang tinapay! Ang sarap nito!» sabi ni Tomas.

«O! Napaka-sarap din niyan kahit wala iyan! Mas masarap pa kaysa sa mga tainga ng butil ng mga Pilisteo. At... umasa tayo na walang Pariseo ang darating upang sabihin sa atin na hindi natin ito makakain!» sa bi ni Santiago ni Zebedeo.

Kumakain sila habang naglalakad at nakarating sa isang pulo ng tubig, kung saan ang mga tubig ng ilang mga sapa ay dumadaloy at pagkatapos dinadala sa kung saan na hindi ko alam. Ang tubig na umaapaw mula sa pulo ay malamig at malinaw, dahil napoprotektahan ito sa araw at sa pagiging-marumi sa pamamagitan ng itaas ng malaking bato, sa uka nito sa ibaba kung saan ang pulo ng tubig na ito ay naporma; bumabagsak itong pababa patungo sa isang munting lawa sa maitim-itim na siliceous na bato.

Ang mga apostol ay kitang-kitang nasisiyahan sa pag-aalis ng kanilang mga damit at sa paliligo nang halinhinan sa di-inaasahang pulo ng tubig. Ngunit ibig nilang si Jesus muna ang masiyahan dito, «upang ang kanilang mga katawan ay sana mapabanal» sabi ni Mateo.

Nagpatuloy sila sa paglalakad, sila ay napalamigan ngunit mas gutom kaysa kanina, at ang mga pinaka gutom ay ngumangatngat, bilang karagdagan sa pulot, ng mga tangkay ng layás na “fennel” at iba pang makakain na mga usbong, na ang pangalan ng mga ito ay hindi ko alam.

Ang isa ay kasisiyahan ang isang magandang tanawin mula sa maliliit na mga kapatagan ng mga kakaibang bundok na ito, na ang mga taluktok nito ay tila tinapyas ng isang espada. Ang mga bahagi ng ibang berdeng mga bundok at ang matatabang kapatagan ay makikita sa timog, pati na rin ang mga inaábot ng Dead Sea, na makikita sa silangan, kasama ang malalayong bundok sa kabilang tabi naglalaho sa paningin sa loob ng hamog ng magagaang ulap na tumataas mula sa timog-silangan; ang malayong berde ng Jordan ay maaaring makita sa hilaga sa pagitan ng mga taluktok ng bundok, habang ang matataas na bundok ng Judaea ay makikita sa kanluran.

Ang sikat ng araw ay umiinit at si Pedro ay nagwika na «ang mga ulap na iyon sa ibabaw ng mga bundok ng Moab ay tanda ng matinding init.»

«Bababa tayo patungo sa lambak ng Kidron. Malilim doon...» sabi ni Simon.

«Ang Kidron!?! O!, papaano tayo nakarating kaagad sa Kidron?»

«Oo, Simon ni Jonas. Iyon ay isang mahirap na daan, ngunit napa-iikli nito ang paglalakbay! Dumaraan sa tabi ng lambak nito mapupunta na tayo kaagad sa Herusalem» paliwanag ng Zealot.

«At sa Bethany... kailangan Kong ipadala ang iba sa inyo sa Bethany, upang masabihan ang magkapatid na babae na dalhin si Eglah kay Nike. Nakikiusap siya sa Akin nang labis, at tamang-tama siya. Ang walang-anak na balo ay magkakaroon na rin ng isang banal na pagmamahal at ang ulilang babae magkakaroon ng isang tunay na Israelitang ina, na magpapalaki sa kanya sa ating lumang pananampalataya at sa Akin. Ibig Ko rin sanang sumama... Para sa isang mapayapang kapahingahan para sa Aking nalungkot na espiritu... Sa bahay ni Lazarus ang puso ng Kristo ay nakatatagpo ng bagkus pagmamahal... Ngunit ang paglalakbay na gusto Kong magawa bago ang Pentekostes ay isang mahabang paglalakbay!»

«Ipadala Ninyo ako, Panginoon. At kasama ko, ang sinuman na may mabuting mga paa. Pupunta kami sa Bethany at pagkatapos sa Kerioth at tayo ay magkikita roon» sabi ng Iskariote nang nananabik. Ang iba, sa halip, habang hinihintay na mapili ang kung sino para sa paglalakbay, na maghihiwalay sa kanila sa Guro, ay talagang hindi nananabik.

Si Jesus ay nag-iisip, at habang nag-iisip, tinitingnan Niya si Judas. Hindi Siya makapagpasya kung Siya ay sasang-ayon o hindi.

Si Judas ay namimilit: «Sabihing oo, Guro. Gawin akong masaya!...»

«Ikaw ang pinaka di-angkop, Judas, na pumunta sa Herusalem!»

«Bakit, Panginoon? Mas kabisado ko ang bayan kaysa sa sino pa mang iba!»

«Iyan kung bakit!... Ang bayan ay hindi lamang kabisadung-kabisado mo, bagkus naaapektuhan ka nito nang mas higit pa kaysa sa sino pa mang iba.»

«Guro, binibigay ko sa Inyo ang aking salita na hindi ako titigil sa Herusalem at hindi ako maghahanap para sa sinuman mula sa Israel... Ngunit pahintulutan akong makaalis. Makakarating ako sa Kerioth bago Kayo at...»

«At hindi ka mamimilit sa sinuman na magbigay ng pantaong pagpipitagan sa Akin.»

«Hindi, Guro, hindi ko gagawin. Nangangako ako.»

Si Jesus ay nag-iisip pa rin.

«Bakit nag-aalinlangan Kayo nang labis, Guro? Bakit hindi Ninyo ako pagkatiwalaan?»

«Napakahina mo, Judas. At kapag mapalayo ka kaagad sa Lakas, babagsak ka! Ikaw ay naging napakabuti nang matagal-tagal! Bakit ibig mong mabalisa at pamighatiin Ako?»

«Hindi, Guro. Ayaw ko niyan! Ngunit isang araw kailangan kong mag-isa na wala Kayo! At pagkatapos? Ano ang aking gagawin, kung hindi ako naghahanda bago pa man?»

«Tama si Judas» ilan sa mga apostol ang nagsasabi.

«Sige!... Lumakad, kung gayon. Lumakad kasama ang Aking kapatid na si Santiago.»

Ang iba ay napabuntung-hininga sa kaginhawahan. Si Santiago ay nagbuntung-hininga nang mabigat at nagsabi nang may-kabaitan: «Oo, aking Panginoon! Pagpalain kami at kami ay aalis.»

Si Simon Zealot ay nalulungkot para sa kanya at nagsabi: «Guro, ang mga ama ay kusang pumapalit sa kanilang mga anak upang magawa silang masaya. Kinuha ko siya bilang aking anak kasama si Judas. Dumaan na ang panahon, ngunit ang aking kaisipan ay ganyan pa rin. Makinig sa aking panalangin... ipadala Ninyo ako kasama si Judas ni Simon. Ako ay matanda na, ngunit ako ay kasing lakas ng isang bata-pang lalaki, at si Judas ay hindi makapagrereklamo tungkol sa akin.»

«Hindi, hindi ito makatarungan na isasakripisyo mo ang iyong sarili, iniiwan ang Guro, sa lugar ko. Tiyak na mapamimighati ka na hindi Siya makasama...» sabi ni Santiago ni Alfeo.

Ang kapighatian ay napaluluwagan ng lugod na iniiwan kang kasama ng Guro. Pagkaraan sasabihin mo sa akin kung ano ang nagawa mo... Maging ano pa man... pupunta ako sa Bethany nang gustung-gusto ko...» hinuha ng Zealot, na tila minamaliit niya ang kanyang alok.

«O sige. Kayong dalawa ang lalakad. Pansamantala tayo ay magpatuloy patungo sa nayon. Sino ang tataas upang makakuha ng ilang tinapay sa ngalan ng Diyos?»

«Ako! Ako!» lahat sila ay ibig na pumunta.

«Ngunit si Jesus ay pinigilan si Judas ng Kerioth. Nang lahat sila ay nakaalis, kinuha ni Jesus ang kanyang kamay at nagsalita sa kanya nang harapan. Tila ibig Niyang ipasok ang Kanyang naiisip sa kanya, iniimpluwensiya siya sa punto na si Judas ay sana hindi magkaroon ng mga kaisipan maliban sa ibig na ipagawa ni Jesus kanya. «Judas... Huwag mong sasaktan ang iyong sarili, Aking mahal na Judas! Hindi ka ba naging mas kalmante at mas masaya nang matagal-tagal, malaya sa pabigat ng iyong kaakuhan, ng pantaong kaakuhan, na napakadaling mapanghawakan ni Satanas at ng mundo? Siyempre alam mo na naging ganito ka! Bueno, protektahan mo ang iyong kapayapaan at ikagagaling. Huwag mong sugatan ang iyong sarili, Judas. Nababasa kita. Ikaw ay nasa isang masayang sandali ngayon! O! kung ikaw ay Akin lamang mapananatiling ganyan, sa ibabaw man ng lahat ng Aking dugo, at sirain ang huling balwarte kung saan ang malakas mong kaaway ay nagtatago, at gawin kang ganap na espirituwal, na may espirituwal na katalinuhan, espirituwal na pagmamahal, ganap na... isang espiritu!.»

Si Judas, harap-harapan kay Jesus, ang kanyang mga kamay nasa loob ng mga kamay ng Guro, ay halos natitigilan. Bumulong siya: «Sugatan ang aking sarili? Huling balwarte? Alin doon?...»

«Alin?! Alam mo. Nalalaman mo kung papaano mo nasusugatan ang iyong sarili! Sa pagmamahal sa mga kaisipan ng pantaong kadakilaan at pagkakaibigan, na sa palagay mo magagamit  sa pagkuha ng kadakilaan na iyan. Maniwala sa Akin, ang Israel ay hindi ka minamahal. Napopoot ito sa iyo katulad na napopoot ito sa Akin, katulad na napopoot ito sa sinuman na tila posibleng maging ang mananalo. At sa dahilan na hindi mo tinatago ang iyong ambisyon na maging ganyan, ikaw ay kinapopootan. Huwag paniwalaan ang kanilang huwad na mga salita, ang kanilang madayang mga tanong, na sa pamamagitan nito nagkukunwari silang nagkaka-interes sila sa iyong mga plano upang matulungan ka. Iniikutan ka nila upang masugatan ka, upang may malaman at makasugat sa iyo. Hindi kita pinakikiusapan para sa Aking katauhan, bagkus para sa iyong katauhan lamang. Kung Ako ang pinupuntirya ng kasamaan, Ako pa rin ang Panginoon. Maaari nilang pahirapan ang Aking katawan at patayin ito. Ngunit hindi higit pa rito. Ngunit sa kaso mo, papatayin nila ang iyong kaluluwa... Layuan ang tukso, Aking kaibigan! Sabihin mo sa Akin na lalayuan mo ito! Bigkasin mo ang salitang ito ng kapayapaan sa iyong kaawa-awang inuusig na nag-aalalang Guro!»

Si Jesus ay niyayakap siya at, pisngi sa pisngi, nagsasalita sa kanyang tainga at ang Kanyang ginintuang buhok ay humahalo sa makapal na maitim na mga kulot ni Judas.

«Alam Ko na Ako ay kailangan na maghirap at mamatay. Alam Ko na ang Aking korona ay ang korona ng isang martir. Nalalaman Ko na ang Aking Dugo ay magiging purpura. Ako ay naparito para diyan. Sapagkat sa pamamagitan ng ganyang pagkamatay ng isang martir matutubos Ko ang Sangkatauhan, at ang pagmamahal ay wala nang katapusan sa pag-udyok sa Akin na gawin ito. Ngunit ayaw Kong may mawala kahit isa sa Aking mga tagasunod. O! Ang lahat na mga tao ay mahal sa Akin, sapagkat sa loob nila ay naroon ang imahe at pagkakatulad ng Aking Ama at ang inmortal na mga kaluluwa na Kanyang nilikha. Ngunit kayo, Aking minahal at pinakamamahal, kayo, ang dugo ng Aking dugo at ang mga kinasisiyahan ng Aking mga mata, ay kailangan na huwag mawala! O! Walang pagpapahirap ang magiging katulad niyan, ni kahit pa kung si Satanas, na siyang Kasalanan, Lagim, Pagkasuklam ay kailangan na lagusin Ako sa pamamagitan ng kanyang mga armas na umaapoy sa asupre ng impiyerno at kailangang tuklawin at sakmalin Ako, walang pagpapahirap ang magagawa Akong maghirap katulad na Ako ay maghihirap para sa isa sa Aking pinili na mawawala... Judas, Aking Judas! Hihingiin Ko ba sa Ama na paghirapan Ko ang Aking nakapangingilabot na Pasyon nang tatlong beses, upang ang dalawa roon ay sana maialay upang mailigtas ka lamang? Sabihin mo sa Akin, Aking kaibigan, at gagawin Ko iyan. Hihingin Ko sa Kanya na paramihin ang Aking paghihirap nang walang-katapusan para lamang sa pakay na iyan. Minamahal kita, Judas, minamahal kit nang labis. At gusto Kong maibigay Ko sa iyo ang Aking Sarili, upang magawa kang ang Sarili Ko Mismo, upang mailigtas ka mula sa iyong sarili...»

«Huwag umiyak, huwag sabihin iyan, Guro. Minamahal ko rin Kayo. Ibibigay ko rin ang aking sarili upang makita Kayong malakas, ginagalang, kinatatakutan, matagumpay. Maaaring hindi ko Kayo mamamahal nang perpekto. Maaaring hindi ako nakapag-iisip nang perpekto. Ngunit ginagamit ko o nagagamit ko nang mali ang aking buong pagkatao, sapagkat nananabik akong makita Kayo na minamahal. Ngunit sinusumpa ko sa Inyo, sinusumpa ko kay Jehovah, na hindi ko lalapitan ang mga eskriba, o ang mga Pariseo, o ang mga Saduseo, o mga Hudyo, o mga pari. Sasabihin nila na ako ay baliw. Ngunit walang anuman ito. Magiging masayang-masaya na ako kung hindi Kayo nag-aalala tungkol sa Akin. Masaya ba Kayo? Isang halik, Guro, bilang Inyong pagpapalà at proteksiyon.»

Nagpalitan sila ng halik at umalis habang ang iba ay tumatakbong pababa sa burol nagpapakita ng mga kakanin at sariwang mga keso. Sila ay naupo sa berdeng damuhan ng mga pampang at hinati-hati ang pagkain, nagsasabing sila ay tinanggap, sapagkat ang mga tao ng kaunting mga bahay ay kilala ang mga pastol-na-disipulo at pabor sila sa Mesiyas.

«Hindi namin sinabi na Kayo ay naririto, kundi’y...» pagtatapos ni Tomas.

«Magsisikap tayong makabalik dito minsan. Wala tayong dapat na iwanang sinuman» tugon ni Jesus.

Ang kainan ay tapos. Si Jesus ay tumayo at pinagpapalà ang dalawang pupunta sa Bethany at ayaw na maghintay hanggang gabi sa pag-alis, dahil ang lambak ay malilim at mayaman sa tubig.

Si Jesus at ang sampung mananatiling kasama Niya, ay humiga sa damuhan at nagpapahinga sa paghihintay ng paglubog ng araw, kung kailan sila ay babalik sa daan ng Engedi at Masada, ayon sa aking napapakinggan na sinasabi nila.

141010



Sunod na kabanata