388. Ang Pagdating sa Engedi.

Pebrero 20, 1946.

Ang mga peregrino, bagama't pagod pagkatapos ng mahabang paglalakad, na baka nakuha nila sa dalawang pagpapahinga mula sa paglubog ng araw hanggang ngayon, sa mahirap na mga daan, ay hindi mapigilan ang magbulalas ng paghanga nang, pagkatapos ng isang mahabang daan sa isang panabi ng isang burol, na kumikislap katulad ng mga brilyante sa maagang sikat ng araw, namataan nila ang buong tanawin ng Dead Sea na nasa harapan nila, mula sa isang baybayin hanggan sa isa pa. Ang kanlurang tabi ay may isang makipot na kapatagan sa pagitan ng dagat at ng tipong Judaean na mayayabong na burol ng kalibliban, habang sa kanluran ang mga panabi ng bundok ay tuwiran ang bagsak sa dagat. Maiisip ng isa na ang lupa, sa isang nakakatakot na sakuna, ay dumalusdos nang malinis, naiiwan ang mga bitak nang patayo sa lawa, mula kung saan bumababa ang mga tubig, na humigit-kumulang ay may karamihan, nakatalagang matuyo at maging asin sa maitim na isinumpang tubig ng Dead Sea. Sa malayo, sa ibayo ng lawa, at ng unang mga magkakasunod na mga burol, ay may mas marami pang mga dalisdis, na magaganda sa sikat ng araw sa umaga. Sa pagawing hilaga makikita ng isa ang berdeng-asul na bunganga ng Jordan, at ang mga bundok na pumapaligid sa lawa sa timog.

Ito ay dakila, maringal, malungkot, mahestuwusong nagpapaalaalang tanawin, kung saan ang kaakit-akit na tanawin ng mga bundok ay humahalo sa mapanglaw na tanawin ng Dead Sea, na ang masilayan ito ay ang tila mapaalalahanan ng tungkol sa kung ano ang maihahatid ng kasalanan at ng galit ng Panginoon. Sapagkat sa gayong kalawak na tubig na walang isang layag, isang bangka, isang ibon, isang hayop na tumatawid, lumilipad sa ibabaw o umiinom sa mga dalampasigan, ay totoong nakakapangilabot! At, sa kaibhan sa nagpaparusang tanawin ng dagat, nariyan ang mga kababalaghan ng araw sa ibabaw ng maliliit na bundok, ng mga bunton ng buhangin, hanggang sa layo ng disyertong buhangin, kung saan ang mga kristal na asin ay nagmumukhang katulad ng mamahaling mga haspe na ikinalat sa buhangin, sa mga bato, sa mga tuwid na mga tangkay ng mga tanim sa disyerto, at kung gayon ang lahat ay maganda, napatingkad ng brilyanteng mga alikabok. At ang mas lalo pang maganda ay ang mayamang aspekto ng isang maliit na kapatagan, mga sandaan at limampung metro ang kataasan mula sa ibabaw ng dagat, na may mayayabong na mga puno ng palmera at ng lahat na uri ng mga punungkahoy at mga baging, at kung saan ang asul na mga tubig ay dumadaloy at ang isang magandang bayan ay naitayo, napaliligiran ng nananaganang kanayunan. Kapag ang isa ay tiningnan ang tanawin na ito, na napakaganda, kaakit-akit, at mabulaklak, pagkatapos na mapagnilayan ang mapanglaw na tanawin ng dagat, ang nakapagpapahirap na tanawin ng silanganing baybayin, na nagpapakita ng isang malungkot na kapanatagan sa isang mababang berdeng pirasong lupa lamang na umuusli patungo sa timog-silanganing bahagi ng dagat, ang nangungulilang disyerto ng Judah, ang mahigpit na tanawin ng Judaean na mga bundok, ang isa ay tila gumigising nang bigla mula sa mapaniil na masamang panaginip na nagiging isang magiliw na bisyon ng kapayapaan.

«Ito ang Engedi, ipinagdiriwang ng mga makata ng ating Amangbayan. Tingnan kung gaano kaganda ang distrito, binubuhay ng labis na mayuming tubig, sa gitna ng labis na kapanglawan! Tayo ay bumaba at lumusong sa mga hardin nito, sapagkat ang lahat dito ay hardin: parang, kakahuyan, ubasan. Ito ang lumang Hazazon-Tamar, isang pangalan na nananawagan sa magagandang puno ng palmera nito, sa ilalim nito kung saan ay mas magandang magtayo ng mga kubo at magbukid, magmahalan, at magpalaki ng mga bata at magparami ng mga kawan sa gitna ng matamis na tunog ng lumalagaslas na mga dahon ng palmera. Ito ang kaakit-akit na oasis, ang natitirang buháy sa mga lupain ng Eden na pinarusahan ng Diyos, napalilibutan, katulad ng isang perlas sa isang talim, ng mga daanan na mapupuntahan lamang ng mga kambing at mga usa, katulad ng naisulat sa Aklat ng mga Hari, at sa tabi ng mga daanan na iyan ay may mga yungib para sa inuusig, pagod at nangungulilang mga tao. Alalahanin si David, ating hari, at kung gaano siya kabait sa kanyang kaaway na si Saul. Ito ang Hazazon-Tamar, ngayon Engedi, ang pontanya, ang pinagpalang bayan, ang kagandahan mula kung saan ang mga kaaway ay kumilos laban kay Jehoshaphat at sa mga anak ng kanyang sambayanan, na nahintakutan at pinaginhawahan ni Jahaziel, anak ni Zachariah, na sa pamamagitan niya ang Espiritu ng Diyos ay nagsalita. At nagkaroon sila ng malaking tagumpay sapagkat may pananampalataya sila sa Panginoon at naging karapat-dapat sila ng Kanyang tulong, dahil nagtika sila at nanalangin bago ang digmaan. Ito ang bayan na inawit ni Solomon, bilang isang kahambing ng kagandahan ng Kaganda-gandahan sa lahat na magagandang babae. Ito ay binanggit ni Ezekiel, sapagkat ito ay binubuhay ng mga tubig ng Panginoon... Tayo na sa ibaba! Tayo na at dalhin ang buháy na Tubig, na bumababa mula sa Langit, sa hiyas ng Israel.» At nagsimula Siyang tumakbong pababa sa napakatarik na landas, na paliku-liko sa mapula-pulang kalkaryong bato, na sa mga lugar na pinakamalapit sa dagat ay naaabot ang gilid ng bundok, ibig sabihin, ang ungos nito. Isang landas na magagawang mahilo kahit na ang pinaka-batikan na mga namumundok.

Ang mga apostol ay halos hindi makasunod sa Kanya, at ang mga mas matatanda ay naiiwanan nang malayo sa likuran nang ang Guro ay tumigil sa unang mga puno ng palmera at mga ubasan ng matabang maliit na kapatagan, kung saan ang kristal-na-kalinisan na tubig ay lumalagukgok at ang lahat na klase ng mga ibon ay umaawit. Ang puting mga tupa ay nanginginain sa ilalim ng kumakaluskos na mga dahon ng mga puno ng palmera, ng mga minosae, ng mga panggamot-halaman, ng mga punong-pistachio at iba pang nangangamoy nang mabango o maanghang, na humahalo sa mga amoy ng mga rosal, ng lavender na nasa pamumulaklak, ng cinnamon, ng mirto, insenso, saffron, mga hasmin, mga liryo, mga liryo ng lambak, at ng bulaklak ng aloe, na napakalaki rito, ng mga clove at mga benzoin, na namamawis ng mga resina mula sa mga hiwa sa katawan ng mga puno. Ito nga ay totoong «ang hardin na nakabakod, ang pontanya ng hardin», at ang prutas, mga bulaklak, mababangong amoy, kagandahan ay matatagpuan kahit saan! Walang lugar sa Palestina na kasing ganda nito, sa laki at sa natural na kariktan. Habang pinagninilayan ito, maiintindihan ng isa ang mga panulat ng mga makata sa Silangan, kung saan ipinagdiriwang nila ang kagandahan ng mga oasis na tila ang mga ito ay mga paraiso na nakakalat sa Lupa.

Ang mga apostol, pinagpapawisan ngunit puno ng paghanga, ay sumama sa Guro at bumaba silang magkakasabay sa isang mabuting napananatiling kalsada patungo sa baybayin, kung saan sila dumating pagkatapos na matawid ang ilang binukid na mga binundok, mula kung saan ang nakabubuting mga tubig ay umaagos sa maliliit na ngumingiting mga kaskada upang mapatubigan ang mga tanim hanggang sa layo ng kapatagan, na nagtatapos sa baybayin. Sa kalahatian ng pababa sa tabi ng burol pinasok nila ang puting bayan, sa pagitan ng mga kumakaluskos na mga puno ng palmera at namamangong mga rosal at libu-libong mga bulaklak ng hardin nito, at naghahanap sila ng mga matutuluyan, sa ngalan ng Diyos, sa unang mga kabahayan. At ang mga bahay, kasing giliw ng kalikasan, ay nagbubukas nang walang anumang pag-aalinlangan, habang ang mga nakatira ay nagtatanong kung sino «ang Propeta Na nagmumukhang katulad ni Solomon, nakasuot ng linen at nagniningning sa kagandahan.»

Si Jesus, kasama sina Juan at Pedro, ay pinasok ang bahay kung saan ay may isang balo kasama ang kanyang anak na lalaki. Ang iba ay kumalat sa iba't ibang direksiyon, pagkatapos na pagpalain ng Guro at pumayag na magkikita-kita sila sa pinaka-liwasan paglubog ng araw.

141010



Sunod na kabanata