389. Ang Pagtuturo at ang mga Himala sa Engedi.

Pebrero 21, 1946.

Nang pagawing paglubog-ng-araw, isang mainapóy na paglubog ng araw na nagpapapula sa pinaka mapuputing bahay ng Engedi at nagagawa ang Dead Sea na maging isang latag ng maitim na nakar, si Jesus ay lumabas patungo sa pinaka liwasan. Kasama na Niya ngayon ang batang lalaking nagbigay sa Kanya ng pag-aruga at ngayon pinasusunod Siya sa mga kalsada ng bayan, na may tiyak na silanganing arkitektura. 

Upang maprotektahan ang kanilang mga sarili sa sikat ng araw – na maaaring napakalakas sa lugar na ito na labis na nakalantad sa malawak na Salt Sea, na sa pagkaintindi ko ay maaaring humihinga ng mainit na usok sa mga buwan ng tag-init, at labis na nangungulila sa gitna ng lantad na disyerto kung saan ang araw ay walang-awang umaapoy pababa sinusunog ang lupa – ang mga mamamayan ng Engedi ay nagtayo ng makikipot na kalsada, na nagmumukhang mas makipot pa dahil sa nakausling mga medya-agwa at mga kornisa ng mga bahay, upang ang sinuman na titingala ay makakakita lamang ng manipis na linya ng madilim-na-asul ng kalangitan.

Ang mga gusali ay matataas, ang karamihan sa kanila bilang dalawang-palapag na mga bahay, na may mga  bubungang terasa na natatakpan ng mga baging at ng kalugod-lugod na mga ubas, na maaaring kasing tamis ng mga pasas, kapag sila ay ganap nang mahinog sa malagintong araw at sa tumatalbog na init ng mga pader at ng mga sahig ng terasa. At ang mga baging ay nakikipag-kompetensiya sa pagbibigay ng kaginhawahan sa mga tao at sa mga ibon, mula sa mga ibong pipit hanggang sa mga kalapati, na namumugad sa Engedi, sa nagtataasan na mga puno ng palmera, na tumutubo kahit saan, at sa magagandang mariwasang namumungang mga punungkahoy, na mga lumitaw sa loob ng mga bakuran, sa mga hardin ng bahay, at sumisilip palabas sa mga daanan, nakabitin mula sa mapuputing pader ang kanilang mga sanga na may mga prutas na nahihinog sa matingkad na araw, umaabot ang sanga sa ilalim ng mga arko ng daanan, na sa ibang mga lugar ay totoong pumoporma ng mga lagusan, pinuputol dito at doon para sa mga rasong arkitektura, at sila ay tumataas patungo sa asul na kalangitan, isang kalangitan na labis na hindi nagbabago at suwabe, na kung ito ay mahihipo, magiging katulad nito ang humipo ng isang makapal na pelus o makinis na balat, kinulayan at tinina ng isang tusong artisano ng perpekto, maganda, di-makalilimutan na kulay, na mas madilim kaysa sa isang turkesa at mas malabnaw kaysa sa sapiro.

Ang mga tubig... Gaano karaming pontanya, malaki at maliit, ay maaaring lumalagukgok sa loob ng mga bakuran at mga hardin ng mga bahay, sa pagitan ng libu-libong mga halaman! Naglalakad sa makikipot na kalsada, na wala pang mga tao, dahil ang mga tao ay kung hindi man nasa trabaho sila ay nasa loob ng bahay, maririnig ng isa na ang mga tubig ay pumapatak, lumalagukgok, lumalagaslas katulad ng mga nota ng isang lira kinakalabit ng isang nakatagong tao. At ang kariktan ay pinalalaki ng maraming mga arko at mga sulok na kumukuha ng lahat ng tunog ng mga tubig, pinalalakas ito at pinararami sa pamamagitan ng kung ilang alingawngaw, nagbubuo ng isang magandang-pakinggan na arpeggio.

At ang walang-katapusang mga puno ng palmera!... Kung saan may maliit na liwasan, kahit na kung ito ay ang laki lamang ng isang silid, ang napakataas na balingkinitan na mga puno ay tumataas patungo sa kalangitan, at ang kanilang mga taluktok, mga kulumpon ng lumalagaslas na mga dahon pinagsama-sama katulad ng mga bras paikot sa mga puno, halos hindi na makataas doon, at ang kanilang mga anino sa katanghalian ay bumabagsak nang iskwalado sa maliit na liwasan, tinatakpan ito nang ganap, habang ngayon pumoporma sila ng di-kapani-paniwalang mga disenyo sa mas matataas na terasa.

Ang bayan ay malinis kompara sa Palestinang mga bayan. Baka ang katotohanan na ang mga bahay ay napakamágkakalapit at ang bawat isa ay may bakuran at binubukid na hardin ay nakatulong na maturuan ang populasyon na huwag magtapon ng basura sa mga kalsada, bagkus ipunin ang ganitong mga basura at mga dumi ng hayop sa isang espesyal na tambakan upang magamit na pataba para sa mga puno at sa mga taniman ng mga bulaklak, o ito ay... isang pambihirang kaso ng kalinisan. Ang maliliit na kalsada ay malinis, natuyo ng araw at wala ritong di-kanais-nais na pagpapakita ng mga tapon na gulay, lumang mga sandalyas, maruming mga basahan, dumi at ang katulad nito, na makikita kahit na sa Herusalem, sa mga kalsada na malapit-na-malapit sa sentro ng bayan.

Naroon ang unang magbubukid na bumabalik mula sa kanyang gawain, nakasakay sa isang maliit na kulay-abong asno. Upang maprotektahan ang hayop sa mga langaw, ang mamâ ay tinakpan ito ng mga sanga ng hasmin at ang hayop ay ngayon tumutroteng ikinakawag ang mga tainga at ang mga kampanilya sa ilalim ng alun-alon na mabangong pamprotektang mga sanga. Nang ang mamâ ay tumalikod at binati siya, ang bata ay nagsabi: «Pumunta kayo sa pinaka liwasan. Mapapakinggan ninyo ang Rabbi na tumutuloy sa bahay namin.»

Ngayon may isang kawan ng mga tupa na sumasakop sa kalsada nanggagaling sa isang maliit na liwasan sa kabila nito kung saan makikita ng isa ang kaligiran na kabukiran. Sila ay nagpapatuloy nang magkakalapit, ang bawat isa inilalagay ang kanyang mga paa sa tinapakan na ng nauuna, na ang kanilang mga ulo nakatungo na tila sila ay napakabigat para sa kanilang mga leeg – napakanipis kompara sa kanilang matatabang katawan – tumutrote sa kanilang kakaibang hitsura at ang kanilang napakatabang mga katawan nagmumukhang katulad ng mga balutan nakapatong sa apat na patpat... Si Jesus, si Juan at si Pedro ay ginagaya ang mamâ na kasama nila, at sila ay sumandal sa mainit na pader ng isang bahay upang paraanin sila. Isang lalaki at isang batang lalaki ang sumusunod sa kawan. Sila ay tumitingin at bumabati. Ang batang lalaki ay nagsabi: «Ilagay ang mga tupa sa kulungan at pumunta sa pinaka-liwasan kasama ang iyong mga kamag-anak. Ang Rabbi ng Galilee ay naririto at Siya ay magsasalita sa atin.»

At naroon ang unang babae na lumabas, napaliligiran ng isang grupo ng mga bata, patungo sa kung saan na hindi ko alam. Ang batang lalaki ay nagsabi: «Sumama kay Juan at sa kanyang mga anak na lalaki upang pakinggan ang Rabbi, Na kanilang tinatawag na ang Mesiyas.»

Ang mga bahay ay nagbubukas nang unti-unti sa parating na gabi, nagpapakita ng mga berdeng kaligiran ng mga hardin, o mapayapang mga bakuran kung saan ang mga kalapati ay kumakain ng kanilang huling rasyon. Ang batang lalaki ay sumisilip sa bawat pintuan at sumisigaw: «Pumunta kayo upang makinig sa Rabbi, ang Panginoon.»

Nakarating sila sa wakas sa isang tuwid na daan, ang tanging tuwid na daan sa bayan na ito, na hindi naitayo ayon sa ginusto ng sambayanan, bagkus ayon sa ginusto ng mga puno ng palmera at ng matatanda nang mga puno ng pistachio, na iginagalang bilang mga noble ng mga mamamayan, na nagkakautang-loob sa kanila na sila ay hindi namamatay sa atake sa puso gawa ng init. Sa katapusan ng daan naroon ang isang liwasan kung saan maraming mga puno ng palmera ang gumaganap na mga haligi. Nagmumukha itong isang silungan na bulwagan ng mga templo at ng sinaunang mga palasyo, na may isang malaking silid na may mga poste inilagay sa magkakaparehong agwat napoporma ang isang batong kakahuyan upang masuportahan ang bubungan. Ang mga punong-palmera rito ay gumaganap na mga poste at, makakapal katulad nila, kasama ang kanilang siksik na lumalagaslas na mga kadahunan napoporma nila ang isang esmeraldang kisame sa ibabaw ng puting liwasan sa gitna nito kung saan ay may isang mataas na pontanya puno ng kasing-liwanag ng kristal na tubig na bumubukal mula sa isang maliit na poste sa gitna ng palanggana, at bumabagsak sa mas mabababang mga palanggana, kung saan ang mga hayop ay makaiinom. Ang maaamong kalapati ay nagmadali patungo rito ngayun-ngayon pa lamang at sila ay umiinom o sumasayaw ng makalumang sayaw sa pamamagitan ng kanilang maliliit na kulay-rosas na mga paa sa mas mataas na gilid, o winiwisikan ang kanilang mga balahibo na nagniningning pinatitingkad ang kanilang maliliwanag na kulay habang ang mga patak ng tubig ay nananatiling nang sandali sa lengguweta ng mga balahibo.

Marami ang mga tao. At ayón ang walong apostol na nanggaling sa iba't ibang direksiyon sa paghahanap ng mga matutuluyan, at ang bawat isa sa kanila ay nakalikom ng mga tagasunod, na nananabik na mapakinggan si Siya, Na itinuturo ng mga apostol bilang ang naipangakong Mesiyas. Ang mga apostol ay nagmadali patungo sa Guro mula sa lahat ng direksiyon nahihila, katulad ng mga kometa, ang maliliit na grupo na kanilang nasakop.

Si Jesus ay itinataas ang Kanyang kamay upang pagpalain ang Kanyang mga disipulo at ang mga mamamayan ng Engedi.

Si Judas ni Alfeo ay nagsasalita sa katauhan ng bawat isa: «Naririto, Guro at Panginoon. Ginawa namin ang Inyong sinabi sa amin at ang mga taong ito ay nalalaman na ang Grasya ng Diyos ay nasa pagitan nila. Ngunit gusto rin nila ang Salita ang Salita. Marami ang nakakikilala sa Inyo bilang nakapakinig na sa Inyo. Marami dahil nakita na nila Kayo sa Herusalem. Ang lahat, ang mga kababaihan lalo na, ay ibig na makilala Kayo, at una sa lahat, ang kanilang pangulo ng sinagoga. Naroroon siya. Halikayo, Abraham.»

Ang mamâ, na napakatanda, ay pumunta sa harapan. Siya ay naaantig. Ibig niyang magsalita, ngunit naaantig katulad niya ngayon, hindi niya makita kahit isang salita na kanyang naihanda. Siya ay yumuyuko upang lumuhod, nakasandal sa kanyang tungkod, ngunit siya ay pinatigil ni Jesus, niyayakap siya kaagad at nagsasabing: «Kapayapaan sa matandang makatarungang lingkod ng Diyos!» at ang mamâ, na mas lalo pang naaantig ang damdamin, ay makatutugon lamang : «Papuri sa Diyos! Ang aking mga mata ay nakita ang ipinangakong Mesiyas! Ano pa ang aking hihingiin sa Panginoon?» at itinataas ang kanyang mga kamay, sa isang pamparing hitsura, sinasahimig niya ang ika-40 salmo ni David: «”Naghintay akong nananabik para sa Panginoon at Siya ay niyukuan ako”.» Ngunit hindi niya ito sinasabi lahat. Inuulit lamang niya ang mga linya na mas bagay sa okasyon: «”Napakinggan Niya ang aking iyak at ako ay Kanyang iniahon sa balon ng paghihirap, palabas sa kumunoy ng bulaos...

Naglagay Siya ng bagong awit sa aking bunganga.

Masaya ang tao na nagtitiwala sa Panginoon.

Gaano karami ang mga kababalaghan na Inyong ginawa para sa amin, o Panginoong aking Diyos!  Wala Kayong katulad. Ibig kong ipahayag sila nang paulit-ulit, ngunit sila ay mahigit pa sa aking mabibilang.

Kayo, Na walang gustong sakripisyo o pag-aalay, ay binuksan ang aking tainga... (siya ay naaantig nang lalu’t lalo pa).

Ito ay nakasulat na kailangan kong gawin ang Inyong kalooban... Lagi ko nang minamahal ang Inyong Batas mula sa mga kalaliman ng aking pagkatao.

Lagi ko nang ipinapahayag ang Inyong pagkamakatwiran sa Dakilang Asemblea. Hindi ko isinara ang aking mga labì, katulad ng nalalaman Ninyo nang mabuti, o Panginoon.

Hindi ko kailanman sinarili ang Inyong pagkamakatwiran, bagkus aking ipinahayag ang Inyong katapatan at nagliligtas na tulong...

Para sa Inyong bahagi, o Panginoon, huwag Ninyong pigilan ang Inyong kabaitan sa akin...

Mas maraming masamang kapalaran ang bumabatbat sa akin na higit pa sa aking mabibilang (siya ngayon ay umiiyak nang walang pagpipigil, binibigkas ang kanyang mga salita sa isang tinig na mas nanginginig pa at ulianin dahil sa kanyang mga luha)...

Ako ay isang kaawa-awang sawing-palad, ngunit ang Panginoon ay inaalagaan ako. Kayo ang aking tulong, aking protektor, aking Diyos, huwag mag-antala!...

Iyan ang salmo, aking Panginoon, at dinadagdag ko ang akin: “Sabihin sa akin: ‘Halika’ at sasabihin ko sa Inyo kung ano ang sinasabi ng salmo: ‘Naririto ako dumarating!’ “.»

Siya ay naging tahimik at umiiyak na ang lahat ng kanyang pananampalataya naiipon sa kanyang mga matang pinalabo na ng edad.

Ang mga mamamayan ay nagpapaliwanag: «Ang kanyang anak na babae ay namatay at nag-iwan ng bata-pang mga apo sa kanya. Ang kanyang asawa ay naging bulag at naging mapurol ang pag-iisip gawa ng pamimighati, at hindi nila nalalaman kung ano ang nangyari sa kanilang nag-iisang anak na lalaki. Siya ay nawala na lamang nang bigla...»

Si Jesus ay nagpatong ng isang kamay sa balikat ng matanda at nagsabi sa kanya: «Ang paghihirap ng makatarungan ay kasing bilis ng isang langaylangayan, kompara sa tagal ng eternal na gantimpala. Ngunit ibabalik natin kay Sarah ang kanyang paningin ng mga nakaraang araw at ang katalinuhan ng kanyang kabataan, upang kayo ay sana mapaginhawahan niya sa inyong katandaan.»

«Ang kanyang pangalan ay Colomba» pagbibigay-alam ng isa sa mga tao...

«Siya ay ang kanyang prinsesa. Ngunit makinig sa parabula na Aking ikukuwento sa inyo...»

«Hindi ba Ninyo maaaring palayain muna sa kadiliman ang mga mata at isip ng aking asawa, upang sana kasiyahan din niya ang Karunungan?» tanong ng matandang pangulo ng sinagoga nang may pananabik.

«Naniniwala ba kayo na ang Diyos ay nagagawa ang lahat at na ang Kanyang kapangyarihan ay kumakalat sa sansinukuban?»

«Oo, aking Panginoon, naniniwala ako. Naaalaala ko isang gabi maraming mga taon na ang nakaraan. Ako noon ay masaya, ngunit kahit na sa loob ng lugod ako ay isang naniniwala. Sapagkat iyan ang katulad ng tao! Habang siya ay masaya, maaari din niyang makalimutan ang tungkol sa Diyos. Ngunit ako ay naniwala sa Diyos sa loob din ng mga araw na iyon, nang ang aking asawa ay bata pa at malusog, at ang aking anak na babae na si Eliza ay lumalaking kasing ganda ng isang puno ng palmera at naipagkasundo nang ipakasal, at si Eliseo ay kasing gandang lalaki katulad na si Eliza ay maganda, ngunit si Eliseo ay nahihigitan ang lakas ni Eliza na bagay sa isang lalaki... Ako ay pumunta kasama ang batang lalaki sa mga pontanya malapit sa ubasan, na siyang ang dote ni Colomba, habang ang aking asawa at anak na babae ay nananatili sa bahay upang habihin ang trusu ng babae... Ngunit sa palagay ko naiinip ko Kayo... mga pangarap ng isang kaawa-awang sawing-palad inaalaala ang nakaraang mga kaligayahan... ngunit ang ibang mga tao ay hindi interesado...»

«Magpatuloy, magpatuloy!»

«Ako ay umalis kasama ang bata... Ang mga pontanya kung Kayo ay nanggaling sa kanlurang kalsada, malalaman Ninyo kung nasaan sila. Ang mga pontanya ay nasa hangganan ng banal na lugar, at nakatingin sa ibayo ng disyerto, makikita ng isa ang puting mga bato ng Romanong daan, na noon ay makikita sa pagitan ng mga buhangin ng Judah... Pagkaraan... ang palatandaang-lugar na iyan ay nawala na rin! Hindi na bale kung ang isang palatandaang-lugar ay mawawala sa pagitan ng mga buhangin! Ngunit masama na ang tanda ng Diyos, pinadala upang maipakita Kayo, ay matunaw sa mga puso ng Israel. Sa loob ng napakaraming mga puso! Ang aking anak na lalaki ay nagsabi: “Ama! Tingnan! Isang malaking karabana, may mga kabayo at mga kamelyo, at mga katulong at mga maginoo patungo sa Engedi. Baka sila ay pupunta sa mga pontanya bago dumilim. Sa dahilan na inaasikaso ko ang mga sangang-baging, itinaas ko ang aking mga mata, pagod-na-pagod pagkatapos ng masaganang pagpipiga ng mga ubas, at nakita ko... Ang mga lalaki ay totoo ngang patungo sa mga pontanya. Sila ay bumaba, nakita nila ako at sila ay nagtanong kung sila ay makapagkakampo roon para sa isang gabi.

“Ang Engedi ay may mga mapag-arugang mga bahay at ito ay hindi na napakalayo” tugon ko.

“Hindi. Kami ay magbabantay upang maging handa sa pag-alis, sapagkat si Herodes ay hinahabol kami. Ang aming mga bantay ay makokontrolan ang bawat daan mula rito at magiging madali ang pagtakas sa mga naghahanap sa amin”.

“Anong kasalanan ang inyong nagawa?” nagtanong ako, dahil ako ay nagtataka at gusto kong ipakita sa kanila ang mga yungib ng aming mga bundok, na siyang aming sagradong kaugalian na matulungan ang mga inuusig. At dinagdag ko: “Kayo ay mga estranghero at nanggaling sa iba't ibang lugar... hindi ko makita kung papaano kayo nagkasala laban kay Herodes.”

“Sinamba namin ang Mesiyas Na pinanganak sa Bethlehem ng Judah at kung Kanino kami pinasunod ng tala ng Panginoon. Si Herodes ay hinahanap Siya, at iyan kung bakit ibig niya kaming makita, upang masabi namin sa kanya kung nasaan ang Sanggol. Ngunit hinahanap niya Siya upang Siya ay patayin . Kami ay baka mamatay sa disyerto, sa isang mahabang di-kilalang daan, ngunit hindi namin ibubunyag kung nasaan ang Banal na Sanggol, Na bumaba mula sa Langit!”.

Ang Mesiyas! Ang pangarap ng bawat  tunay na Israelita! Aking pangarap! At Siya noon ay nasa mundo! Sa Bethlehem ng Judah katulad sa ito ay hinulaan!.. At dinidiin ang aking anak sa aking puso, nagtanong pa ako ng ibang impormasyon at mga detalye, nagsasabing: “Makinig, Eliseo! Tandaan! Tiyak na makikita mo Siya!”. Ako noon ay limampung taong gulang na at hindi na ako umaasang makikita Siya... ni hindi ako umasa na mabubuhay ako nang napakatagal upang makita Siyang lumaking isang lalaki... si Eliseo... ay hindi na Siya masasamba...»

Ang matandang mamâ ay umiiyak muli. Ngunit napanumbalik niya ang kanyang sarili at nagsabi: «Ang tatlong Mago ay nagsalita ng may-kabaitan at matiyaga at kanilang isinalarawan Kayo sa Inyong banal na pagka-sanggol, at ang Inyong Ina at ama... napalipas ko sana ang gabi na kasama sila... ngunit si Eliseo ay natutulog na sa aking mga lapi. Nagpaalam ako sa tatlong Mago at nangako ako na hindi ako magsasalita ng kahit isang salita na maaaring ikasamâ nila. Ngunit sinabi ko kay Colomba ang lahat sa aming silid at iyon lamang ang aming malugod na inaasahan sa loob ng aming sumunod na mga kasawiang-palad. Pagkaraan napakinggan namin ang págpapatay sa mga bata... at sa loob ng maraming taon hindi namin malaman kung Kayo ay buháy. Ngayon alam ko na. Ngunit ako na lamang ang nag-iisa, sapagkat si Eliza ay patay na, si Eliseo ay wala na sa amin, at si Colomba ay hindi makaintindi ng masayang balita... Ngunit ang aking pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na buháy na noon, ay naging perpekto pagkatapos ng malayo nang gabing iyon nang ang tatlong Mago, ng iba't ibang lahi, ay sumaksi sa kapangyarihan ng Diyos sa pagiging nagkakaisa, sa pamamagitan ng mga tinig ng mga bituin at ng kanilang mga kaluluwa, sa daan ng Diyos, upang masamba ang Kanyang Salita.»

«At ang inyong pananampalataya ay gagantimpalaan. Ngayon makinig.

Ano ang pananampalataya? Katulad ng matigas na buto ng isang puno ng palmera, kung minsan ito ay maliit at nabubuo ng isang maikling pangungusap: “Ang Diyos ay naririto”, suportado ng isa lamang na pangungusap: “Nakita ko Siya”. Katulad ng pananampalataya na nagkaroon si Abraham sa Akin, sa pamamagitan ng mga salita ng tatlong Mago mula sa Silangan. Katulad ng pananampalataya ng ating sambayanan, mula sa pinakamalayong mga patriyarka, pinaabot mula sa isang henerasyon patungo sa susunod, mula kay Adan hanggang sa kanyang mga inapo, mula kay Adan na makasalanan, na, bagaman, ay pinaniwalaan nang kanyang sinabi: “Ang Diyos ay naririto, at tayo ay naririto sapagkat tayo ay nilikha Niya. At nakilala ko Siya”. Katulad ng pananampalataya na dumating pagkaraan, at mas perpekto sapagkat mas malalim na nababatay sa pagbubunyag, at siyang ating minana, nagniningning sa dibinong mga pagpapahiwatig, sa anghelikal na mga  aparisyon at sa liwanag ng Espiritu. Ngunit isa pa ring munting buto kompara sa Walang-hangganan. Isang munting buto. Ngunit ito ay nagkakaugat, at binibiyak ang matigas na balat ng kalikasang hayop sa pamamagitan ng mga pagdududa at mga kiling nito, at nagtatagumpay laban sa makasasamang mga yerba ng masisimbuyong damdamin, ng kasalanan, laban sa panis na kasiraang-loob at nang-aagnas na mga bisyo, laban sa lahat, ito ay tumataas sa mga puso, ito ay tumutubo, nagmamadali ito patungo sa araw, patungo sa Langit, tumataas, tumataas... hanggang sa mapakawalan nito ang mga limitasyon ng laman at humahalo sa Diyos, sa perpektong kaalaman nito at ganap na pagtaglay, lampas pa sa buhay at kamatayan, sa Totoong Buhay.

Ang nagtataglay ng pananampalataya, ay nagtataglay ng daan ng Buhay. Ang nakapaniniwala, ay hindi nagkakamali. Ang isang naniniwala ay nakakakita, nakaaalam, naglilingkod sa Panginoon at may eternal na kaligtasan. Ang Dekalogo ay may mahalagang importansiya sa kanya at ang bawat kautusan ay isang hiyas, na mag-aadorno sa kanyang hinaharap na korona. Ang pangako ng Tagapagtubos ay kaligtasan para sa kanya. Walang anuman kung ang naniniwala ay namatay bago Ako nakarating sa Lupa. Ang kanyang pananampalataya ay nagagawa siyang kapantay niya ang mga lumalapit ngayon sa Akin na may pananampalataya at pagmamahal. Ang namatay na makatarungan ay malapit nang magbunyi sapagkat ang kanilang pananampalataya ay gagantimpalaan na. Pagkatapos na mapangyari ang kalooban ng Aking Ama, Ako ay pupunta sa kanila at sasabihin: “Halikayo!”, at ang lahat na mga namatay sa Pananampalataya ay tataas kasama Ako sa Kaharian ng Panginoon.

Gawin ang inyong pananampalataya na maging katulad ng mga punong-palmera ng inyong bayan, na tumutubo mula sa maliliit na buto, ngunit buung-buo ang kalooban na lumaking tuwid, na kanilang nakakalimutan ang lupa at umiibig sa araw, sa mga bituin at sa kalangitan. Magkaroon ng pananampalataya sa Akin. Paniwalaan kung ano ang pinaniniwalaan ng kakaunting tao sa Israel, at nangangako Ako na tataglayin ninyo ang makalangit na Kaharian, sa pamamagitan ng pagpapatawad sa orihinal na kasalanan at ng makatarungang gantimpala sa lahat ng nagsasabuhay ng Aking doktrina, na siyang ang pinakamatamis na perpeksiyon ng perpektong Dekalogo ng Diyos.

Ako ay mananatiling kasama ninyo ngayon at bukas, na siyang ang banal na Sabbath, at Ako ay aalis pagsikat ng araw pagkatapos ng Sabbath. Gawin ang mga naghihirap na lumapit sa Akin! Gawin ang mga nasa pagdududa na makalapit sa Akin! Gawin ang mga may gusto ng Buhay na makalapit sa Akin! Nang walang anumang takot, sapagkat Ako ay Awa at Pagmamahal.»

At si Jesus ay gumagawa ng malapad na pagkilos upang pagpalain at pahayuin ang Kanyang mga tagapakinig., upang sila ay sana makaalis at makakain ng kanilang hapunan at makapagpahinga at Siya ay aalis na sana, nang ang isang maliit na matandang babae, magpahanggang ngayon naitatago ng isang sulok ng isang makipot na kalsada, ay dumaraan sa gitna ng mga pulutong na mga nakapaligid pa sa Guro, at sa gitna ng mga umiiyak na tao, siya ay pumunta at lumuhod sa paanan ni Jesus sumisigaw: «Pagpalain nawa Kayo at ang Kataastaasan Na nagpadala sa Inyo! At pagpalain ang sinapupunan na nagdala sa Inyo, dahil ito ay mas dakila pa sa sinapupunan ng mga babae, kung nagawa nitong dalhin Kayo!»

Ang pagsigaw ng isang lalaki ay humahalo sa pagsigaw ng babae: «Colomba! Nakakakita ka! Nakaiintindi ka! Nagsasalita ka nang may-karunungan nakikilala ang Panginoon! O! Diyos! Diyos ng aking mga ama! Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob! Diyos ng mga propeta! Diyos ni Juan, ang Propeta! Diyos! Aking Diyos! Anak ng Ama! Haring katulad ng Ama! Tagapagligtas masunurin sa Ama! Diyos katulad ng Ama, at aking Diyos, Diyos ng Inyong lingkod! Pagpalain nawa Kayo, minamahal, sinusundan, sinasamba magpasawalanghanggan!»

At ang matandang pangulo ng sinagoga ay lumuhod sa tabi ng kanyang asawa, niyayakap ang asawa nang kanyang kaliwang kamay, idinidiin siya sa kanyang puso, yumuyukod at ginagawa siyang yumukod upang halikan ang mga paa ng Tagapagligtas, habang ang malugod na sigawan ng mga pulutong ay napakalakas na nagagawa nito ang mga katawan ng mga punungkahoy na manginig at natatakot ang mga kalapati, na lumilipad mula sa mga pugad kung saan sila ay nagpapahinga at lumipad sa taas ng Engedi, na tila ibig nilang ikalat sa buong bayan ang balita na ang Tagapagligtas ay nasa loob ng mga pader nito.

151010

 



Sunod na kabanata