390. Si Eliseo ng Engedi.

Pebrero 22, 1946.

Maaaring naiabante nila ang oras ng kanilang pag-alis, o baka ang mga mamamayan ng Engedi ay pinayuhan silang gawin ito, sapagkat ngayon ay ang kalaliman ng gabi at ang buwan halos kabilugan ay pinaliliwanagan ang bayan nang napakaningning na liwanag. Ang makikipot na kalsada ay nagmumukhang pilak na mga ribon nakalatag sa pagitan ng hugis-kahon na mga bahay at ng mga pader ng mga hardin, na ang mga apog nito ay tila nabago sa pagiging marmol ng paglililok sa pamamagitan ng mahikang mga sinag ng buwan. Ang mga puno ng palmera at ang iba pang mga punungkahoy ay nagmumukhang mahiwaga, nakabalot sa posporesente ng buwan. Ang mga pontanya at mga sapa ay maliliit na talon at diyamanteng mga kuwintas. At mula sa mga sanga ng mga punungkahoy ang mga ruwinsensor ay nagbubuhos ng magkakakabit na ginintuang mga nota kung gayon dinadagdag ang kanilang magagandang tinig sa laguklok ng mga tubig, na napapakinggan nang napakaliwanag sa gabi.

Ang bayan ay natutulog. Ngunit may ilang mga tao na kasama ni Jesus, Na paalis na. Sila ay ang mga lalaki ng mga bahay na nagbigay ng pag-aruga kay Jesus at sa Kanyang mga disipulo at sila ay sinamahan ng iba pang mga tao. Ang pangulo ng sinagoga ay naglalakad sa tabi ni Jesus. O! ayaw niyang tumigil na samahan Siya, kahit na kung pinakikiusapan siya ni Jesus na bumalik na, bago magpatuloy sila sa bukas na kabukiran. Sila ay nagpapatuloy patungo sa daan na maghahatid sa Masada, hindi ang mas mababang daan sa tabi ng Dead Sea, na narinig ko na hindi mabuti at mapanganib sa gabi; ngunit ang panloob na isa, ginawa sa mga dalisdis, ay halos nasa taluktok ng mga burol nagpapanabi sa lawa.

Ang oasis ay maganda sa may-buwan na gabi! Ang isa ay tila naglalakad sa lupain ng panaginip. Pagkatapos ang oasis ay natapos at ang mga puno ng palmera ay umuunti na. Pagkatapos ay nariyan na ang tunay na bundok, kasama ang mga kakahuyan ng gubat nito, ang mga parang nito at ang mga dalisdis nito na nahati ng mga yungib, katulad halos ng lahat ng mga bundok ng Palestina. Ngunit sasabihin ko na ang mga yungib ay mas marami rito at ang kanilang kakaibang bunganga, mahaba o patag, tuwid o pahilíg, bilog o katulad ng mga bitak, ay may nakakatakot na hitsura sa liwanag ng buwan.

«Abraham, ang daan ay nasa ibaba roon. Bakit ka umaakyat, magtutungo nang mahabang paikot, sa hindi karapat-dapat na daan?» sabi ng isang taga-Engedi, binabalaan ang matandang pangulo ng sinagoga.

«Sapagkat may ipakikita ako sa Guro at hingin sa Kanya na gumawa ng isang bagay pa, upang maidagdag sa dakilang mga regalo na Kanya nang naipagkaloob sa atin. Ngunit kung kayo ay napapagod, umuwi na kayo, o maghintay para sa akin dito. Lalakad ako nang mag-isa mismo» tugon ng matandang lalaki, na nagsusumikap na humihingal, sa tabi ng mahirap na matarik na landas.

«O! hindi! Sasama kami sa iyo. Ngunit naghihirap kami na makita kang nagpápagod nang ganyan. Kinakapos ka na ng paghinga...»

«O! ito ay hindi ang landas!... Ito ay isang bagay na iba! Ito ay isang espada na tumutusok sa aking puso... at ang pag-asa ang nagpapataba rito. Halikayo, aking mga anak, at makikita ninyo kung gaanong paghihirap ang naroroon dati sa puso ng tao na nagpagaan sa lahat ng inyong mga kapighatian! Gaano... hindi ng panghihina ng kalooban, tiyak na hindi, bagkus... siya na laging nagsasabi sa inyo na umasa sa Panginoon Na nagagawa ang lahat, ay nadama na hindi na siya posibleng makaaasa na magkaroon pa ng lugod... Tinuruan ko kayong umasa sa Mesiyas... Naaalaala ba ninyo noong madalas akong magsalita tungkol sa Kanya nang walang kahit anumang takot, kapag magagawa ko ito nang hindi Siya mapapasama? At magsasabi kayo sa akin: “Papaano ang págpapatay ni Herodes?”. Oo. Iyon ay ang pinakamasakit na tinik sa loob ng aking puso! Ngunit ako ay kumapit upang umasa nang buong pagkatao ko... Madalas kong sabihin: “Kung ang Diyos ay pinadala ang Kanyang bituin sa tatlong lalaki, na mga ni hindi mula sa Israel, upang anyayahan silang sambahin ang Sanggol na Mesiyas, at pinasunod Niya sila sa pamamagitan nito sa abang bahay na hindi alam ng mga rabbi ng Israel, ng mga prinsipe ng mga pari at mga eskriba, kung sa isang panaginip Kanyang pinaalam sila na huwag bumalik kay Herodes, upang mailigtas ang Sanggol, hindi ba posible na, kahit na sa pamamagitan ng mas malakas na kapangyarihan, hindi Niya pinaalam ang Kanyang ama at Ina na umalis dinadala ang pag-asa ng Diyos at ng tao sa isang ligtas na lugar?” At ang aking pananampalataya sa Kanyang kaligtasan ay lumaki pa nang lumaki at walang kabuluhan na inatake ng pantaong pagdududa at ng mga salita ng ibang mga tao. At nang... at nang ang pinakamalalim na paghihirap para sa isang ama ay kinapitan ako noong kinailangan kong dalhin ang isang buháy na nilikha sa sepulkro at sabihin sa kanya: “Manatili rito hanggang sa itatagal ng iyong buhay... at isipin na kung ang mithiin para sa haplos ng iyong ina o para sa kahit na ano pa mang rason ay udyukan ka na magpatungo sa bayan, kakailanganin kong isumpa ka at ako ang magiging unang hahampas sa iyo at ipadala sa kung saan na ni ang aking pinaka malungkot na pagmamahal ay hindi ka mapagiginhawahan”, noong kinailangan kong gawin iyan... kinailangan kong mas lalong kumapit sa aking pananampalataya sa Diyos, sa Tagapagligtas ng Kanyang Tagapagligtas, at sabihin sa aking sarili at sa aking anak na lalaki... sa aking may-ketong na anak... kita ninyo?... may ketong...: “Iyuko natin ang ating mga ulo sa kalooban ng Panginoon at maniwala sa Kanyang Mesiyas! Ako si Abraham... ikaw si Isaac, isinakripisyo sa pamamagitan ng sakit, hindi ng apoy, ating ialay ang ating kapighatian upang magkaroon ng isang himala. At buwan-buwan, sa bawat bagong buwan, kapag ako ay pumupunta rito nang lihim, may dalang mga pagkain... mga damit... pagmamahal... na kinailangan kong iwanan sa isang lugar na malayo sa aking anak... sapagkat kailangan kong bumalik sa inyo... aking mga anak... sa aking bulag na asawa, sa aking medyu-medyong asawa, na nagawang bulag at tanga ng kahila-hilakbot na paghihirap ng kalooban... at kailangan kong bumalik sa aking walang-anak na tahanan... walang kapayapaan ng naggagantihang nakaaalam na pagmamahal... at sa aking sinagoga upang magsalita sa inyo tungkol sa Diyos ng Kanyang mga kababalaghan... tungkol sa magagandang bagay na Kanyang ikinakalat sa sansinukuban at nakikita ko sa pamamagitan ng aking mga mata ang naagnas na tanawin ng aking anak... na ni hindi ko maipagtanggol kapag naririnig ko ang mga tao na nagsasalita ng masama tungkol sa kanya... at buwan-buwan, kapag ginagawa ang perigrinasyon na ito sa sepulkro ng aking buháy na anak, katulad ng aking sinasabi, madalas kong ulitin sa kanya, upang mapasigla siya: “Ang Mesiyas ay nasa lupa. Siya ay darating, pagagalingin ka Niya. Noong Paskuwa nang nakaraang taon, nang Kayo ay aking hinahanap sa Herusalem, sa loob ng maikling panahon na ako ay malayo sa aking bulag na asawa, ako ay nasabihan: “Siya ay totoong naririto. Naririto Siya kahapon. Pinagaling din Niya ang ilang mga ketongin. Siya ay umiikot sa buong Palestina nagpapagaling, nagpapaginhawa, nagtuturo”. O! ako ay bumalik nang mabilis na ako ay nagmukhang katulad ng isang bata-pang lalaki na patungo sa isang kasalan! Ni hindi ako tumigil sa Engedi, bagkus pumunta ako rito at tinawag ko ang aking anak, ang aking anak na lalaki, ang aking namamatay na binhi, at sinabi ko sa kanya: “Siya ay darating!”. Panginoon... ginawa Ninyo ang lahat na klase ng kabutihan sa aming bayan. Kayo ay umaalis, ngunit wala nang natirang may-sakit na mga tao... pinagpalà din nga Ninyo kahit na ang mga punungkahoy at mga hayop... At hindi ba Ninyo... napagaling na Ninyo ang aking asawa... ngunit hindi ba Kayo magkakaroon ng awa sa bunga ng kanyang sinapupunan?.. Isang anak ng isang ina! Ibigay ulit ang isang anak sa kanyang ina, Kayo, ang perpektong Anak ng Ina ng lahat na grasya! Sa ngalan ng Inyong Ina maawa sa akin, sa amin!...»

Ang lahat ay umiiyak kasama ang matandang lalaki na nagsalita nang may gayong lakas at makabagbag-pusong mga damdamin...

At si Jesus ay niyakap siya, habang siya ay humihikbi, at sinabi Niya sa kanya: «Huwag nang umiyak pa! Puntahan natin ang inyong Eliseo. Ang inyong pananampalataya, katarungan at pag-asa ay karapat-dapat niyan at higit pa. Huwag umiyak, tatay. Huwag na tayong mag-antala pa sa pagpapalaya sa isang tao sa hilakbot na iyan.»

«Ang buwan ay lumulubog. Ang daan ay isang mahirap na daan. Hindi ba tayo makapaghihintay hanggang sa pagbukang-liwayway?» sabi ng ilan.

«Hindi. Maraming mga resinosong tanim sa paligid natin. Manguha ng ilang sanga, sindihan sila at tayo na» utos ni Jesus.

Sila ay umakyat pataas sa isang makipot na mahirap na landas; kamukha nito ang natuyong ilalim ng pasigan na tubig. Ang mapula-pulang mausok na mga sulô ay mamitik-mitik nagkakalat ng malakas na amoy ng mga resina sa ere.

Ang isang kuweba na may makipot na bunganga, halos naitatago ng makapal na mga palumpungan na tumubo malapit sa mga gilid ng isang bukal, ay lumitaw sa kabila ng isang makipot na maliit na kapatagan na nahati sa gitna ng isang bitak kung saan doon dumadaloy ang tubig ng bukal.

«Si Eliseo ay matagal nang naririyan, maraming taon na... sa paghihintay sa kamatayan o sa grasya ng Diyos...» sabi ng matanda sa mababang tinig, tinuturo ang kuweba.

«Tawagin ang inyong anak. Pasayahin siya. Sabihin sa kanya na huwag matakot, na magkaroon ng pananampalataya.»

At si Abraham ay sumigaw sa malakas na tinig: «Eliseo! Eliseo! Anak!» at kanyang inuulit ang kanyang sigaw, nanginginig sa takot sapagkat walang tumutugon.

«Siya kaya ay patay na?» tanong ng ilan.

«Hindi. Patay ngayon lang, hindi! Sa katapusan ng kanyang pagpapakasakit! Nang walang kaluguran, hindi! O! aking bata!» umuungol ang ama...

«Huwag umiyak. Tawagin siya muli.»

«Eliseo! Eliseo! Bakit hindi ka tumutugon sa inyong...»

«Itay! Itay! Bakit kayo pumunta sa di-karaniwang oras na ito? Ang inay kaya ay patay na, at kayo ay pumunta upang...» ang tinig, na dati ay malayo, ay mas lumapit, at ang isang impakto ay ginalaw ang mga sangang nagtatakip sa entrada; isang nakapangingilabot na impakto, halos hubad na naagnas na kalansay... na nakikita ang maraming tao na may mga sulô at mga patpat, ay naisip ang kung ano, at lumalayo sumisigaw: “Itay, bakit ninyo ako pinagtaksilan? Hindi ko kailanman iniwan ang lugar na ito... Bakit kayo nagdala ng mga tao na babato sa akin?! » Ang tinig ay lumalayo at tanging ang umaalon na mga sanga ang naiwan upang paalalahanan ang mga tao ng aparisyon.

«Pasayahin siya! Sabihin sa kanya na ang Tagapagligtas ay naririto!» paggigiit ni Jesus.

Ngunit ang matanda ay wala nang naiwan na lakas... umiiyak siyang namamanglaw...

Si Jesus kung gayon ay nagsalita: «Anak ni Abraham at ng Ama sa Langit, makinig. Ang pinopresiya ng iyong ama, ay ngayon pinangyayari na. Ang Tagapagligtas ay naririto at ang iyong mga kaibigan sa Engedi ay kasama Niya at ang mga disipulo ng Mesiyas ay naparito upang magbunyi sa iyong resureksiyon. Halika at huwag matakot! Pumunta ka sa kasing layo ng bitak, at Ako ay pupunta rin, at hihipuin kita, at ikaw ay magiging malinis. Huwag matakot, halika sa Panginoon Na nagmamahal sa iyo!»

Ang mga sanga ay muling nailipat at ang nahintakutan na ketongin ay dumungaw. Tinitingnan niya si Jesus, isang maputing pigura na naglalakad sa damuhan ng maliit na kapatagan at tumitigil sa gilid ng bitak... Tinitingnan niya ang iba... at lalo na ang kanyang ama na lumalabas na nararahuyo at sinusundan si Jesus na ang kanyang mga kamay nakaunat at ang kanyang mga mata makatitig sa mukha ng kanyang may-ketong na anak. Siya ay nakatitiyak at lumapit. Siya ay naglalakad na may pag-ikà, dahil sa mga sugat sa kanyang mga paa... inuunat niya ang kanyang mga kamay kasama ang agnas na mga daliri... Pumunta siya sa harapan ni Jesus... Tinitingnan niya Siya... At si Jesus ay inilapit ang Kanyang magagandang kamay, itinataas Niya ang Kanyang mga mata sa Langit, Siya ay nag-iipon, tila iniipon Niya sa loob Niya Mismo ang lahat na liwanag ng walang-hangganang mga bituin, ibinubuhos ang purong kaningningan nito sa di-puro, bulok, agnas na laman na mas nagmumukha pang nakapangingilabot sa pulang liwanag ng umaapoy na mga sanga, na ikinakaway ng mga tao upang magbigay ng mas marami pang liwanag.

Si Jesus ay sumasandal sa ibabaw ng bitak, sa pamamagitan ng dulo ng Kanyang mga daliri hinihipo Niya ang may-ketong na mga daliri at nagsabi: «Gusto Ko ito!», na may gayong kagandang ngiti na hindi ito maisasalarawan. Inuulit Niya: «Gusto Ko ito!» dalawang beses pa. Siya ay nananalangin at nag-uutos sa salitang iyon...

Humakbang Siya nang isa paatras ibinubukas ang Kanyang mga kamay nang pa-krus at nagsabi: «At kapag nalinis ka na ipahayag ang Panginoon, sapagkat pag-aari ka Niya. Tandaan na minahal ka ng Diyos na ikaw ay sana maging isang mabuting Israelita at isang mabuting anak. Mag-asawa at palakihin ang iyong mga anak para sa Panginoon. Ang iyong pinakamapait na kapaitan ay kinansela na. Pagpalain ang Panginoon at maging masaya!»

Pagkatapos Siya ay tumalikod at nagsabi: «Kayo na may mga sulô, lumapit at tingnan kung ano ang nagagawa ng Panginoon para sa mga karapat-dapat nito.»

Ibinababa Niya ang Kanyang mga kamay, na dahil nakabuka at natatakpan ng manta nakapagpipigil ang Kanyang mga kamay na makita ng mga tao ang ketongin, at Siya ay tumabi.

Ang unang sigaw ay galing sa matanda lumuluhod sa likuran ni Jesus: «Anak! Anak! Ikaw ay kasing ganda katulad nang ikaw ay dalawampung taong gulang. At kasing lusog! Magandang lalaki, o! mas magandang lalaki ka pa ngayon!... O! isang tabla, isang sanga, kahit ano, na sana makalapit ako sa iyo! » at nasa punto na siya na magmadali papalapit.

Ngunit si Jesus ay pinigilan siya: «Huwag! Ang kaluguran ay hindi dapat na magawa kayong malabag ninyo ang Batas. Siya ay kailangan na mapadalisay muna. Tingnan siya! Halikan  siya sa pamamagitan ng inyong mga mata at ng inyong puso, ngunit maging malakas na ngayon katulad na kayo ay naging malakas sa loob ng maraming mga taon. At maging masaya...»

Sa katunayan ito ay isang kumpletong himala. Ito ay hindi lamang gumaling, bagkus naibalik sa dati ang anuman na nasira ng sakit, at ang lalaki, mga apatnapung taong gulang, ay buung-buo na tila hindi siya nagkasakit, napakapayat lamang niya, na nakapagbibigay sa kanya ng kapinuhan ng isang asetiko, na hindi pangkaraniwan bagkus sobrenatural. Kinakaway niya ang kanyang mga kamay, lumuluhod at nagpapalà... hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin upang masabi kay Jesus na pinasasalamatan niya Siya. Sa wakas nakakita siya ng ilang mga bulaklak sa pagitan ng mga damo, pinulot niya ito, hinahalikan at itinapon sa kabila ng bitak sa paanan ng Tagapagligtas

«Lumakad na tayo! Kayong mga tao ng Engedi, manatili rito kasama ang inyong pangulo ng sinagoga. Magpapatuloy kami patungong Masada.»

«Ngunit hindi Ninyo alam... Hindi Kayo nakakakita...»

«Alam Ko ang daan. Alam Ko ang lahat! Kapwa ang mga daan ng Lupa, at ang mga daan ng mga puso, kung saan ang Diyos at ang Kaaway ng Diyos ay dumaraan, at nakikita Ko ang mga tumatanggap sa huli o sa Una. Manatili rito kasama ang Aking kapayapaan! Maging ano pa man malapit na ang bukang-liwayway at sa pamamagitan ng umaapoy na mga sanga magkakaroon kami ng liwanag hanggang sa pagsikat ng araw. Abraham, halikayo rito, na sana mahalikan Ko kayo ng pagpapaalam. Harinawang ang Panginoon ay laging makasama ninyo, katulad na nakasama ninyo Siya magpahanggang ngayon, at ng inyong pamilya at ng inyong bayan.»

«Hindi na ba Kayo babalik ulit sa amin, Panginoon? Upang makita ang aking masayang tahanan?»

«Hindi. Ang Aking daan ay malapit nang marating ang katapusan. Ngunit mapaparoon ka sa Langit kasama Ko, at ang inyong mga minamahal kasama ninyo. Mahalin Ako at palakihin ang maliliit na bata sa pananampalataya sa Kristo... Paalam sa lahat. Kapayapaan at mga pagpapalà sa lahat na mga naririto at sa inyong mga pamilya. Kapayapaan sa iyo, Eliseo. Maging perpekto dala ng pasasalamat sa Panginoon. Aking mga apostol, sumama sa Akin...»

At Siya ay lumakad sa unahan ng maliit na prusisyon, naglalakad na ang umaapoy na mga sanga hawak nang mataas. Lumiko Siya sa isang umuusling bato at nawala kasama ang Kanyang puting manta, pagkatapos ang mga apostol ay nawalang isa-isa, ang pagkaluskos ng kanilang mga paa ay humihina, ang mapula-pulang liwanag ng mga sanga ay nawawala...

Ang mag-ama ay nananatili sa maliit na kapatagan, nakaupo sa mga gilid ng bitak, pinagninilayan ang isa’t isa... Sa likuran nila, sa isang grupo, binubulong ang kanilang paghanga, ay ang mga tao ng Engedi... Hinihintay nila ang bukang-liwayway upang makabalik sa bayan dala ang balita ng magandang pagpagaling.

161010



Sunod na kabanata