391. Sa Masada.

Pebrero 25, 1946.

Inaakyat nila ang isang napakatarik na burol patungo sa isang bayan, na nagmumukhang isang pugad ng agila sa taluktok ng Alpine. Sila ay nagpapatuloy nang may kahirapan, patungong silangan at iniiwan sa likuran ang isang walang-patid na magkakarugtong na mga bundok, na bahagi ng mga kabundukan ng Judaea at na, katulad ng tukod ng isang napakalaking pader, umaabot nang patungong timog na dulo ng Dead Sea. Ang taluktok kung saan ang bayan ay itinayo, ay napakataas, nangungulila at matarik, katulad ng kinagigiliwan ng mga agila para sa kanilang makaharing paglalandi, dahil ayaw nila ng mga saksi at komunidad.

«Anong daan, aking Panginoon!» ungol ni Pedro.

«Mas  malala pa ito kaysa sa daan patungong Jiphthahel» patotoo ni Mateo.

«Ngunit hindi umuulan dito, hindi rito basà at ang daan ay hindi madulas. At hindi iyan napakasamâ» wika ni Judas Tadeo.

«Oo. Iyan ay isang konsolasyon. Ngunit nag-iisa lamang iyan. Huwag mag-alala! Ang iyong mga kaaway ay hindi ka mahuhuli! Kung hindi ka mabuwag ng isang lindol, walang gawa ng tao ang kailanman makasisira sa iyo» sabi ni Pedro kinakausap ang muog ng bayan, nakakulong sa makipot na pabilog na mga depensa nito, na ang mga bahay ay nagsisiksikan, katulad ng mga buto ng granada sa loob ng kanilang matigas na balat.

«Sa palagay mo ba, Pedro?»» tanong ni Jesus.

«Sa palagay ko ba? Nakikita ko ito. Na mas mabuti!»

Si Jesus ay iniiling ang Kanyang ulo ngunit hindi tumutugon.

«Baka naging mas mabuti pa kung tayo ay pumunta rito daan sa tabi ng dagat. Kung si Simon ay naririto... kabisado niya ang lugar na ito» sabi ni Bartolomeo nagbubuntung-hininga, dahil siya ay hapo na.

«Noong tayo ay nasa bayan at nakita ninyo ang isa pang daan, pasasalamatan ninyo Ako sa pagpili ng daan na ito.  Ang isang tao ay naka-aakyat dito, bagama't may kaunting kahirapan. Ang isang kambing ay halos hindi maaakyat doon sa isa» tugon ni Jesus.

«Papaano Ninyo nalalaman? Mayroon bang nagsabi sa Inyo, o...?»

«Alam Ko. Maging ano pa man ang manugang na babae ni Ananias ay dito nakatira. Ibig Ko siyang makausap, bilang unang bagay.»

«Guro... hindi ba magkakaroon ng panganib doon sa itaas?... Sapagkat hindi tayo makaaalis kaagad dito, at kung tayo ay kanilang hahabulin hindi na natin makikita pang muli ang ating mga tahanan. Tingnan ang nakakatakot na mga bangin na iyon! At ang matutulis na bato!...» sabi ni Tomas.

«Huwag matakot. Hindi na tayo makakakita ng isa pang Engedi. Kakaunting mga bayan lamang ang katulad ng Engedi sa Israel. Ngunit walang masama ang mangyayari sa atin.»

«Ito ay dahil... Nalalaman ba Ninyo na ito ay isa sa mga muog ni Herodes?...»

«Kung gayon? Huwag matakot, Tom! Hanggang sa ito ay ang oras na, walang malalà ang mangyayari.»

Sila ay nagpatuloy at nakarating sila sa di-napakakaakit-akit na mga pader, nang ang araw ay mataas na. Ngunit ang taas ay nakapagpapagaan sa init.

Sila ay pumunta sa bayan sa pamamagitan ng arko ng isang makipot na mapanglaw na geyt. Ang mga pader ng muog ay napakamalalaki, na may mga tore na maliliit ang pagitan at may makikipot na puwang na siyang pinaka-pagdudungawan ng mga sundalo sa itaas ng pader..

«Anong bitag para sa mga hayop ng pangangaso!» sabi ni Mateo.

«Ang iniisip ko ay ang mga kaawa-awang sawing-palad na kailangan na siyang magtaas sa lahat na mga materyales dito, ang mga blokeng iyon, ang mga plantsadong bakal na iyon...» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Ang banal na pagmamahal para sa kanilang amangbayan at ang kasarinlan ay nagawa ang mga pasanin na maging magaan para sa mga tauhan ni Jonathan Macabeo. Ang napakasamang karamutan at ang takot sa kapootan ng  sambayanan ay nagpataw ng mabigat na pasanin, hindi sa mga nasasakupan, bagkus sa mga tao na mas malalà pa kaysa sa mga alipin, sa pamamagitan ng kalooban ni Herod the Great. Iyon ay bininyagan sa dugo at mga luha, iyon ay maglalaho sa dugo at mga luha, kapag ang oras ng dibinong kaparusahan ay dumating na.»

«Guro, ngunit ano ang pakialam diyan ng mga maninirahan?»

Wala. At lahat. Sapagkat kapag ang mga nasasakupan ay nakikipagtunggali sa kanilang mga lider sa mga pagkakamali o sa mga merito, tatanggap sila ng gayon ding premyo o kaparusahan katulad ng kanilang mga lider. Ngunit naririto na ang bahay, ang pangatlo sa ikalawang kalsada, na ang bubon na sa harapan nito. Tayo na...»

Si Jesus ay kumakatok sa pinto ng isang mataas na makipot na bahay. Ang isang bata ang nagbukas sa pinto.

«Ikaw ba ay isang kamag-anak ni Ananias?»

«Ako ay tinawag sa pangalan niya, sapagkat siya ay ang ama ng aking ama.»

«Tawagin mo ang iyong ina. Sabihin sa kanya na Ako ay nanggaling sa bayan kung saan si Ananias ay naninirahan at kung nasaan naroroon ang libingan ng kanyang patay na asawa.»

Ang bata ay umalis at bumalik. «Sabi niya na wala siyang pakialam sa ano mang balita tungkol sa matanda. Na Kayo ay makakaalis na.»

Ang hitsura ni Jesus ay naging napakahigpit. «Hindi Ako aalis hangga't hindi Ko siya nakakausap.  Bata, lakad at sabihin sa kanya na si Jesus ng Nazareth, kung Kanino naniniwala ang kanyang asawa, ay naririto at ibig siyang makausap. Sabihin sa kanya na huwag matakot. Ang matanda ay wala rito...»

Ang bata ay umalis ulit. Ang paghihintay ay matagal. Ang mga tao ay tumitigil upang manood at ang ilan sa kanila ay nagtatanong sa mga apostol. Ngunit ang kalagayan ay hindi maganda o walang-pakialam o baligho... Ang mga apostol ay nagsisikap na maging mabait, ngunit halatang-halata na sila ay natatakot. At lalo pa silang natatakot nang ang mga kinikilala sa bayan ay dumating may kasamang ilang mga sundalo. Kapwa ang una at ang huli ay nagmumukhang... tunay na mga taga-piitan at ni hindi nakapag-papakumpiyansa.

Si Jesus, buhos sa pag-iisip, ay matiyagang naghihintay, nakasandal sa poste ng pintuan, na nakakursomano ang mga kamay.

Ang babae ay dumating sa wakas. Siya ay matangkad at kayumanggi, ang kanyang mga mata ay matigas at ang kanyang anyo ay matalas. Siya ay hindi pangit o matanda, ngunit ang kanyang hitsura ay nagagawa siyang matanda at pangit. «Ano ang kailangan Ninyo? Bilis, dahil ako ay abalá» sabi niya nang may-kayabangan.

«Wala Akong kailangang kahit ano. Makatitiyak ka. Dinadala Ko lamang sa iyo ang pagpapatawad ni Ananias, ang kanyang pagmamahal at mga panalangin...»

«Ayaw ko na siyang makasama ulit! Hindi mabuti ang makiusap sa akin. Ayaw ko ng malungkuting matatanda. Tapos ang lahat sa kanya. Maging ano pa man mag-aasawa na akong muli at hindi ko maipipilit ang isang magaspang na magbubukid sa pamamahay ng isang mayaman na tao. Sapat na ang aking ipinaghirap sa pamamagitan ng aking pagkakamali sa pagpapakasal sa kanyang anak! Ngunit ako noon ay isang tangang babae at nakatingin lamang sa kaguwapuhan ng lalaki. Sa aba ko! Sa aba ko! Isumpa ang anuman na nagdala sa kanya sa aking daan! Maging anathema sana kahit na ang kanyang alaala...» siya ay sumisigaw nagmumukhang totoong mabangis.

«Tama na iyan! Igalang ang buháy at ang patay na hindi mo minarapat na mapasaiyo; ang iyong puso, babae, ay mas matigas pa kaysa sa isang bato. Kapighatian sa iyo! Oo. Kapighatian sa iyo! Sapagkat walang pagmamahal para sa kapwa sa loob ng iyong puso, at dahil diyan si Satanas ay nasa iyo. Ngunit mag-ingat, babae. Mag-ingat, kundi'y ang mga luha ng matanda at ng iyong asawa, na iyong tiyak na sinisiil sa pamamagitan ng iyong pagkukulang sa pagmamahal, ay maging apoy na babagsak sa anumang mahal sa iyo. May mga anak ka, babae!...»

«Mga anak! Sana hindi ako nagkaroon nito! Naputol na rin sana ang huling tali! Ngunit ayaw kong makapakinig ng kahit anuman. Ayaw ko Kayong mapakinggan. Layas! Ako ay nasa aking pamamahay, sa bahay ng aking kapatid. Hindi ko Kayo nakikilala. Ayaw kong maalaala ang matanda. Ayaw kong...» sumisigaw siya katulad ng isang ibong madaldal na inaalisan ng balahibo nang buháy. Siya ay isang tunay na arpiyas.

«Mag-ingat» sabi ni Jesus.

«Tinatakot ba Ninyo ako?»

«Tinatawag kitang muli sa Diyos, sa Kanyang Batas, dahil nalulungkot Ako para sa iyong kaluluwa. Papaano mo palalakihin ang iyong mga anak, kung mayroon kang mga pakiramdam na ganyan? Hindi ka ba natatakot sa paghuhukom ng Diyos?»

«O! Tama na iyan. Saul, lakad at tawagin mo ang aking kapatid at sabihin sa kanya na pumarito kasama si Jonathan. Ipakikita ko sa Inyo! Ako...»

«O! hindi. Hindi na iyan kinakailangan. Ang Diyos ay hindi pipilitin ang iyong kaluluwa. Paalam.» At si Jesus ay umalis ginagamit ang siko upang makaraan sa gitna ng pulutong. Ang daan ay makipot, sa pagitan ng matataas na bahay. Ang sentro ng depensa ng muog na bayan ay nasa silangang tabi, kung saan ang lahat ay matarik ang bagsak nang mga ilang daang metro, at kung saan ang isang makitid na paliku-likong landas, matarik-na-matarik, ay umaakyat hanggang sa taluktok, mula sa kapatagan at mula sa dalampasigan. Si Jesus ay doon mismo pumunta, kung saan may nakalagay na mga gamit ng digmaan, at Siya ay nagsimulang magsalita, inuulit muli ang Kanyang paanyaya sa Kaharian ng Langit, na sa pamamagitan nito Kanyang isinasalarawan ang pinaka-mahahalagang katangian nito.

At Kanya na sanang lilinawin ang tungkol sa mga ito, nang ang ilang mga kilalang-kilalang tao ay pumupunta sa harapan, ipinipilit ang kanilang daan sa gitna ng pulutong at sumisigaw sa isa’t isa. Nang sila ay kaagad nang nasa harapan na ni Jesus, sila ay nagsabi: «Lumayas Kayo! Kami ay sapat-na-sapat na upang maturuan ang mga anak ng Israel», ngunit sinasabi nila ang ganito nang kung baga may-kalituhan, dahil lahat sila ay sabay-sabay na nagsasalita at tila nagkakasundo lamang sila sa pagpapalayas kay Jesus.

«Layas! Ang aming mga kababaihan ay hindi dapat na pangaral Ninyo, isang Galilean!»

«Layas, pakialamero! Anong lakas-ng-loob Ninyo na pakialaman ang babae ng isang Herodian, sa loob ng isa sa mga paboritong bayan ng dakilang si Herodes? Kamkamero, mula pa noong Inyong kapanganakan, ng kanyang pinaka-mataas na karapatan! Umalis Kayo  dito!»

Si Jesus ay tinitingnan sila, ang pinakahuli sa lahat lalo na, at sinabi lamang Niya ang isang salita: «Mga mapagkunwari!»

«Layas! Layas!»

«May tunay na kaguluhan ng magkakasalungat na mga tinig, ang bawat isa inaakusahan o ipinagtatanggol ang kanyang sariling lipi. Imposibleng may maintindihan ng kahit ano. Sa loob ng isang maliit na liwasan ang mga babae ay sumisigaw at hinihimatay, ang mga bata ay umiiyak, ang mga sundalo ay nagsisikap na makaraan nanggagaling mula sa muog, at sa paggawa nang ganito nasasaktan nila ang mga tao na naiipit sa liwasan, na gumaganti ng panunumpa kay Herodes at sa kanyang mga sundalo, sa Mesiyas at sa Kanyang mga tagasunod. Isang tunay na págkakagulo! Ang mga apostol, na sumisiksik sa paligid ni Jesus, ay ang tanging nagsasanggalang kay Jesus humigit-kumulang nang may-katapangan at sumisigaw din sila ng masasakit na insulto, at bilang mga mandaragat hindi sila nagkukulang ng nababagay na mga bokabularyo!

Tinawag sila ni Jesus nagsasabing: «Lumabas tayo rito. Iikot tayo sa likuran ng bayan at aalis tayo...»

«At mabuti pa, sabihin ko sa Inyo!» sigaw ni Pedro, ang mukha niya ay purpura sa galit.

«Oo, mabuti pa...»

Nag-isa-isa silang pumuwesto nang magkakasunuran, at sa kabila ng pamimilit ng mga apostol kay Jesus, si Jesus ang nágpahulí. Ang mga guwardiya, bagama't nanunuya sa «tinutuyang propeta», ayon sa kanilang tawag, naglalaro ng lahat ng panloloko sa Kanya, ay may sapat na sentido-komun upang magmadali at isara ang geyt at sumandal dito, na ang kanilang mga armas nakapuntirya sa liwasan.

Si Jesus ay kinukuha ang pinaka-makipot na daanan sa tabi ng mga pader, isang munting daanan mga dalawang dangkal ang luwang sa ilalim nito kung saan ay naroon ang bakanteng espasyo at kamatayan. Ang mga apostol ay sinusundan Siya iniiwasan ang tumingin nang pababa sa nakakatakot na kalaliman. Ngayon ay malapit na sila sa geyt na sa pamamagitan nito pinasok nila ang bayan. Si Jesus ay ipinagpapatuloy ang pagbaba, hindi tumitigil. Ang geyt ay sarado rin sa tabing ito ng bayan...

Nang sila ay malayu-layo na sa bayan si Jesus ay tumigil at Kanyang inilapat ang Kanyang kamay sa balikat ni Pedro, na nagwiwika nang pinupunas ang kanyang pawis: «Muntik na tayong hindi makatakas! Sinumpang bayan! At sinumpang babae! O! Kaawa-awang Ananias! Ang babaeng iyon ay mas malala pa kaysa sa aking biyanang-babae! Anong klaseng ahas!»

«Oo. Siya ay may  malamig na puso katulad ng isang ahas... Simon ni Jonas, bueno, ano sa palagay mo? Sa kabila ng lahat ng mga pang-depensa nito, sa palagay mo ba ang bayan ay ligtas?»

«Hindi, Panginoon! Wala ito ng Diyos. Sasabihin ko na ito ay mapapahamak kasama ang Sodom at Gomorrah.»

«Tama ka, Simon ni Jonah! Nag-aanyaya ito sa sarili ng mga kidlat ng dibinong galit, hindi dahil sa Ako ay pinalayas nito, bagkus dahil sa ang lahat na mga ipinag-uutos ng Dekalogo ay nilalabag dito. Lumakad na tayo. Ang isang yungib ay tatanggapin tayo sa malamig na lilim nito, sa loob ng maiinit na oras. At sa paglubog-ng-araw lalakad tayo patungong Kerioth, hanggang sa madadala tayo ng liwanag-ng-buwan...»

«Aking Guro!» ungol ni Juan lumuluha nang bigla.

«Anong nangyayari sa iyo?» silang lahat ay nagtatanong.

Si Juan ay hindi tumutugon. Siya ay lumuluha tinatakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay, na ang kanyang ulo nakatungo... Kamukha niya ang nalulungkot na Juan ng Biyernes Santo...

«Huwag kang umiyak, halika rito... May magaganda oras pa sa unahan natin» sabi ni Jesus kinakabig siya sa Kanyang Sarili. Subalit kung ano ang nagpapaginhawa sa puso, ay nagpaparami rin sa mga luha.

«O! Guro! Aking Guro! Ano ang aking gagawin? Ano ang aking gagawin?»

«Para sa ano, kapatid?», «Para saan, mahal na kaibigan» tanong ni Santiago at ng iba pa.

Si Juan ay may kahirapan sa pagsasalita, pagkatapos itinataas ang kanyang mukha at niyayapos si Jesus, sa gayon napipilitan si Jesus na yukuan ang kanyang nalulungkot na mukha, sumigaw siya at tumugon kay Jesus sa halip na sa mga nagtanong sa kanya: «Nakikita Kayong namamatay!»

«Ang Diyos ay tutulungan ka, Kanyang minamahal na anak! Hindi ka mawawalan ng Kanyang tulong. Huwag nang umiyak pa. Tayo na!...» at si Jesus ay lumakad hawak-hawak sa kamay ang apostol na nabubulagan ng mga luha...

231010



Sunod na kabanata