392. Sa Pangkabukirang-Bahay ni Maria na Ina ni Judas.

Pebrero 26, 1946.

Dumating sila sa pangkabukirang-bahay ni Judas sa isang magandang malamig na umaga. Ang mga lootan ay basà sa hamog at ang damuhan sa ilalim ng mga punungkahoy ay isang mabulaklak na alpombra kung saan ang mga pukyutan ay umuugong. Ang mga bintana ng bahay ay bukas na. Ang babaeng namamahala nito, isang malakas na babae na dinadahan-dahan ang kanyang utos nang may-kabaitan, ay nagbibigay ng mga utos sa mga katulong at mga magbubukid at siya mismo ang nag-aabot ng pagkain sa bawat isa bago sila ipadala upang magtrabaho. Sa pamamagitan ng isang malaking lubos na nakabukas na pintuan ng pangkusinang-hardin makikita siyang pauli-uli sa kanyang madilim na damit, nagsasalita sa isang ito o iyon, at gumagawa ng mga rasyon ayon sa pangangailangan ng bawat manggagawa. Ang isang kawan ng mga kalapati ay humuhuni sa harapan ng pintuan, naghihintay na magkaroon ng kanilang rasyon.

Si Jesus ay nagpapatuloy ngumingiti at halos nasa pintuan na Siya, nang si Maria ni Simon ay dumungaw, na may hawak na isang maliit na bag ng butil sa kanyang kamay, nagsasabing: «Kayo na ngayon, aking mga kalapati. Naririto ang inyong unang pagkain, pagkatapos umalis nang masaya, sa loob ng sikat ng araw, pinapupurihan ang Panginoon. Maging mabuti, maging mabuti! Mayroong sapat para sa lahat at walang pangangailangan na kayo ay magtukaan sa isa’t isa...» At kanyang ikinakalat ang butil sa lahat na direksiyon upang maiwasan ang marahas na pag-aagawan sa pagitan ng sakim na mga kalapati. Hindi niya nakikita si Jesus, sapagkat kinailangan niyang yumukod upang haplusin din ang ilang mga kalapati, na nanunuka sa mga daliri ng kanyang mga paa dala ng pagmamahal. Si Maria ay kinuha ang isa at hinahaplos ito. Pagkatapos ibinaba ito, at nagbuntung-hininga.

Si Jesus ay humakbang nang papalapit nagsasabing: «Kapayapaan sa iyo, Maria, at sa iyong bahay!»

«Ang Guro!» bulalas ng babae, binabagsak ang maliit na bag na kilik-kilik ng kanyang braso, at tumakbo siya patungo kay Jesus, nagagawa ang mga kalapati na lumipad, ngunit kaagad silang lumapad sa lupa at inabala ang mga sarili sa pagtuka sa tali ng bag at sa bag mismo upang mabuksan ito at mapagbigyan ang kanilang kasakiman. «O! Panginoon! Anong banal ang masayang araw ito!» at luluhod na siya upang halikan ang mga paa ni Jesus.

Ngunit pinatigil siya ni Jesus nagsasabing: «Ang mga ina ng Aking mga apostol at ang Banal na mga babae ng Israel ay kailangan na huwag nilang pababain ang kanilang mga sarili katulad ng mga alipin sa presensya Ko. Naibigay na nila sa Akin ang kanilang matatapat na kaluluwa at ang kanilang mga anak. Binibigay Ko sa kanila ang pagmamahal ng pagkagusto.»

Ang ina ni Judas lubos na naaantig ay hinahalikan ang mga kamay ni Jesus bumubulong: «Salamat sa Inyo, Panginoon!» Pagkatapos itinaas niya ang kanyang ulo at nakita ang grupo ng mga apostol, na mga tumigil sa pinakamalapit na mga punungkahoy, at sa dahilan na siya ay nagtataka na ang kanyang anak ay hindi dumarating upang salubungin siya, tinitingnan niya sila nang mabuti. Siya ay namutla sa takot. Halos sumisigaw siya sa págtatanóng: «Ang aking anak, nasaan siya?» at tinitingnan niya si Jesus nanginginig sa takot.

«Huwag matakot, Maria. Pinadala Ko siya kasama si Simon Zealot sa bahay ni Lazarus sa isang misyon. Kung Ako ay nakatigil sa Masada sa tagal na ginusto Ko, matatagpuan Ko sana siya rito. Ang palaban na bayan ay tinanggihan Ako. At pumunta Ako kaagad dito upang makatagpo ng kaginhawahan sa isang ina at mabigyan siya ng kasiyahan na malaman na ang kanyang anak ay naglilingkod sa Panginoon» sabi ni Jesus binibigyan ng diin ang huling mga salita, upang magawa ang mga ito na mas kagulat-gulat.

Nakakatulad ni Maria ang natuyong bulaklak ngunit nakapanumbalik. Ang kulay ay bumalik sa kanyang mga pisngi at ang liwanag sa kanyang mga mata. Siya ay nagtanong: «Totoo, Panginoon? Mabuti ba siya? Masaya ba Kayo sa kanya? Masaya Kayo? O! anong lugod! Lugod ng puso ng kanyang ina! Labis akong nagdasal! Labis-labis! Nagbigay ako ng napakaraming limos! At gumawa ako ng labis na pagpepenitensiya... labis... At ano ang hindi ko gagawin upang magawa ang aking anak na banal? Salamat , aking Panginoon! Salamat sa pagmahal sa kanya nang labis. Sapagkat ang Inyong pagmamahal ang makapagliligtas sa aking Judas...»

«Oo. Ang “ating” pagmamahal ang... nagsusuporta sa kanya...»

«Ating pagmamahal! Gaano Kayo kabait, Panginoon! Inilalagay Ninyo ang aking abang pagmamahal malapit sa, hindi, bagkus, kaisa sa Inyong dibinong pagmamahal!... O! Anong mga salita ang sinabi Ninyo sa akin! Gaanong katiyakan, gaanong kaginhawahan at kapayapaan ang binibigay Ninyo sa akin! Kung ito ay ang akin lamang na abang pagmamahal, walang labis na mapakikinabangan si Judas. Ngunit Kayo, sa pamamagitan ng Inyong kapatawaran... sapagkat nalalaman Ninyo ang kanyang mga kapintasan, Kayo... sa pamamagitan ng Inyong walang-hangganang pagmamahal, na tila lumalaki habang mas kinakailangan niya ito pagkatapos na makagawa siya ng pamiminsala, o! Kayo... ang aking Judas ay makokontrolan ang niya ang kanyang sarili, sa wakas, at magpasawalanghanggan. Tama ba iyon, Guro?» Ang babae ay tinititigan Siya sa pamamagitan ng kanyang malalalim na seryosong mga mata, ang kanyang mga kamay magkadaop sa pananalangin.

Si Jesus... o! si Jesus Na hindi makatugon ng «oo» ngunit ayaw Niyang mapagkaitan siya ng oras na ito ng kapayapaan, ay nakatagpo ng mga salita, na hindi kasinungalingan o isang pangako, subalit mga salitang matatanggap ng babae nang may kaginhawahan. Sinabi Niya: «Ang kanyang mabuting kalooban nakadugtong sa ating pagmamahal ay makagagawa ng tunay na mga himala, Maria. Gawing mangibabaw ang kapayapaan sa iyon puso laging iniisip na ang Diyos ay minamahal ka nang labis. Naiintindihan ka Niya. At Siya ay iyong magiging kaibigan magpasawalanghanggan.»

Si Maria ay hinahalikang muli ang Kanyang mga kamay upang pasalamatan Siya. Pagkatapos kanyang sinabi: «Halikayo, kung gayon, sa aking bahay, sa paghihintay kay Judas. Ang pagmamahal at kapayapaan ay naririto, pinagpalang Guro.»

At si Jesus ay tinatawag ang Kanyang mga apostol at pinasok ang bahay upang makakuha ng ilang pampalamig at makapagpahinga.

--------------------

Gabi na ngayon. Ang gabi ay bumababa nang dahan-dahan sa kabukiran. Ang mga ingay ay naglalahong isa-isa at ng isang magaang ihip ng hangin ay maririnig sa pagitan ng mga dahon: may malalim na katahimikan. Pagkatapos ay nariyan ang unang kuliglig sa bukid na puno ng hinog na mga butil. Pagkatapos isa pa... at isa pa... At ang buong kabukiran ay humuhuni sa nakakasawang tunog... hanggang sa ang isang ruwinsensor ay binigkas ang unang nitong may-tonong tanong sa mga bituin... ito ay naging tahimik, pagkatapos ipinagpatuloy ang pag-awit. Ito ay naging tahimik muli... Ano ang hinihintay nito? Baka ang unang sinag ng buwan?... Ito ngayon ay bumubulong sa isang mababang tinig, maaaring ito ay lumipad patungo sa makapal na puno ng walnut malapit sa bahay, kung saan ito ay baka may pugad. Ito ay tila nakikipagusap sa kanyang kalaguyo na baka naglilimlim... Isang mapilit na paghuni sa malayo. Ang pagtunog ng mga kampanilya ng guwarnasyon sa daan ng Kerioth. Pagkatapos katahimikan.

Si Jesus ay nakaupo malapit kay Maria sa mga upuan sa harapan ng bahay. Siya ay nagpapahinga nang mapayapa sa pagitan ng mga disipulo at mga katulong ng bahay. Ang atmospera ay kaaya-aya at mapayapa, napagiginhawahan kapwa ang mga katawan at ang mga espiritu. Si Jesus ay hindi pala-salita, paminsan-minsan lamang Siyang nagsasalita. Pinababayaan Niyang magsalita ang mga apostol tungkol sa Engedi, tungkol sa matandang pangulo ng sinagoga, tungkol sa himala. Si Maria at ang mga katulong ay maasikasong nakikinig.

May isang gumagalaw malapit sa mga puno ng mansanas. Habang dito, sa bukas na espasyo sa harapan ng bahay, makakakita lamang nang may kalabuan ang isa, sapagkat ngayon ay isang malinaw na mabituin na gabi, at walang liwanag sa ilalim ng makapal ng mga punungkahoy at ang ingay lamang ang mapapakinggan ng kung anong bagay ang gumagalaw.

«Isang panggabing hayop? Isang nawawalang tupa?» tanong ng ilan sa mga apostol. at ang pagbanggit ng tungkol sa isang tupa ay napapaalalahanan ang marami ng tungkol sa tupa na nananaghoy sapagkat kinuha nila ang kanyang anak upang patayin ito.

«Ang kaawa-awang tupang iyon ay hindi niya matanggap!» sabi ng isang magbubukid. «Natatakot ako na ang kanyang mga utong ay titigas. Wala siyang kinain kahit na ano sa maghapon at wala siyang ginawa bagkus ang humuni... Makinig sa kanya!...»

«Makakaraos din siya diyan... Sila ay nanganganak upang makain natin ang kanilang mga anak» sabi ng isang katulong nang mapilosopo.

«Ngunit sila ay hindi pare-pareho. Ang isang ito ay hindi napakatanga at mas naghihirap. Makinig! Hindi ba’t para itong umiiyak? Huwag Ninyong sabihin, Guro, na ako ay tanga... naaapektuhan ako nito katulad ng pag-iyak ng isang babae para sa kanyang anak...»

«Sa halip, inay, natagpuan ninyo ang inyong anak!» sabi ni Judas ng Kerioth lumalabas mula sa likuran nila kasama si Simon at nagagawa ang lahat na magulat nang may pagtataka. «Guro! Pagpalain ang aming pagbabalik katulad na pinagpalà Ninyo ang aming pag-alis.»

«Oo. Judas» at si Jesus ay niyayakap silang pareho.

«At kayo, din, inay...» Si Maria ay hinahalikan at niyayakap din ang kanyang anak.

«Hindi kami umaasa na matatagpuan kayo namin dito, Guro. Lumakad kami nang walang-kapaguran, kinukuha ang maiikling daan lagi upang hindi mapigilan. Ngunit nakatagpo kami ng ilang mga disipulo at sinabihan namin sina Johanna at Eliza na tatawagan natin sila malapit na» paliwanag ni Simon.

«Oo. At si Simon ay naglakad nang kasing bilis ng isang bata-pang lalaki. Guro, binigay namin ang mensahe. Si Lazarus ay malubha ang sakit. At ang init ay napalalala pa ang kanyang paghihirap. Nakikiusap siya sa Inyo na pumunta Kayo kaagad sa kanya... Guro, maliban sa Antonia, kung saan ako pumunta upang masiyahan si Eglah na ibig na magpasalamat kay Claudia bago umalis patungong Jericho, wala na akong pinuntahan na iba. Tama ba iyon, Simon?»

«Oo, totoo iyan. At kami ay pumunta sa Antonia sa ika-anim na oras, sa isang nakakabanas na araw, kung kailan mas mabuting manatili sa bahay. Habang nakikipagusap si Judas kay Claudia, na tinawag ni Abdulla Domitilla sa hardin, nagtanong sa akin ng mga katanungan ang ibang mga babae. Hindi ko siguro nagawa ang maling bagay sa pagpapaliwanag, hanggang sa magagawa ko, kung ano ang gusto nilang malaman.»

«Tama ang ginawa mo. Sila ay tunay na nananabik na malaman ang katotohanan.»

«At si Claudia ay totoong ibig na matulungan Kayo. Pinaalis niya si Eglah, na pumunta kay Plautina at sa iba pang mga babae, at marami siyang tinanong sa akin. Kung siya ay kaing naintindihan nang mabuti ibig niyang kumbinsihin si Pontio na huwag paniwalaan ang paninira ng mga Pariseo, Saduseo at iba pa. Si Pontio ay pinagkakatiwalaan niya ang kanyang mga senturyon hanggang sa isang punto lamang, dahil sila ay magagaling na mandirigma ngunit hindi mabubuting mga mensahero. At madalas niya gamitin ang kanyang asawa, na maaaring napakamatalino at tuso, upang makakuha ng eksakto impormasyon. Si Claudia ay ang totoong Prokonsul. Maaaring si Pontio ay walang katauhan at napananatili lamang niya ang kanyang pusisyon sapagkat si Claudia ay napakamakapangyarihan at nagpapayo sa kanya. Binigyan nila tayo ng ilang pera para sa mahihirap. Naririto ito.»

«Kailan kayo dumating? Hindi ba kayo pagod at maalikabok?» tanong ni Santiago ni Zebedeo

«Sa pagitan ng ikatlo at ng ika-anim na oras. Pumunta kami sa Kerioth upang tingnan kung ang aking ina ay naroroon at masabihan siya ng aming pagdating. Ngunit ako ay umasal ayon sa ibig Ninyo, Guro. Hindi ako nagpatalo sa mga pantaong mithiin. Tama ba iyon, Simon?»

«Oo, totoo iyan.»

«Mabuti. Maging laging masunurin at ikaw ay maliligtas.»

«Oo, Guro. O! ngayon na nalalaman ko na na si Claudia ay kasama natin, hindi na ako madadala ng aking tangang pagmamadali. Ngunit iyon ay lahat alang-alang sa pagmamahal. Kailangan Ninyong sumang-ayon. Walang-kaayusang pagmamahal... sapagkat nararamdaman nito na tila ito ay hindi protektado, na tila wala itong tulong upang marating ang pakay nito, na siyang ang magawa Kayong mahalin, igalang katulad na siyang karapat-dapat sa Inyo, at katulad na ito ang siyang dapat na mangyari. Ngayon ako ay mas kalmante. Hindi na ako natatakot. Ang kaaya-aya rin ang maghintay...» sabi ni Judas nananaginip nang gising.

«Huwag magpadala sa mga panaginip, Judas. Sundan ang katotohanan. Ako ang Liwanag ng mundo at ang liwanag ay laging hindi magugustuhan ng kadiliman...» babala ni Jesus.

Ang buwan ay nakataas na. Sa loob ng maputing liwanag nito ang kabukiran ay nagniningning, ang mga mukha nagmumukhang maputla, ang mga bahay at mga punungkahoy ay katulad ng plata. Ang silangang tabi ng puno ng walnut ay ganap na naliliwanagan. Ang ruwinsensor ay tinatanggap ang paanyaya ng buwan at nagsimula ito ng kanyang mahabang mahimig na awit, na kanina pa niya pinipigilan, upang batiin ang buwan at ang gabi.

231010



Sunod na kabanata