393. Ang Pagpapaalam sa Kerioth. Ang Parabula Tungkol sa Dalawang Kalooban.

Pebrero 27, 1946.

Si Jesus ay nagsasalita sa loob ng sinagoga ng Kerioth, na di-kapani-paniwalang nagsisiksikan. Siya ay tumutugon sa ilang mga tao na mga humihingi sa Kanya ng pansariling payo, at nagsasalita sa bawat isa nang sarilinin. Nang Kanyang natugunan silang lahat, Siya ay nagsimulang magsalita sa malakas na tinig.

«Sambayanan ng Kerioth, makinig sa Aking pagpapaalam na parabula. Tatawagin natin itong: “Ang Dalawang Kalooban”.

Ang isang perpektong ama ay may dalawang anak na lalaki. Minamahal niya sila kapwa nang parehong matalinong pagmamahal, kapwa sila ginagabayan patungo sa tamang mga daan. Bagama't walang pagkakaiba sa pamamaraan ng kanyang pagmahal at pagturo sa kanila, mayroong kitang-kitang pagkakaiba sa dalawang anak. Ang isa, ang panganay, ay mapagpakumbaba, masunurin; ginagawa niya ang kalooban ng ama nang walang paguusap, siya ay laging malugod at masaya sa kanyang trabaho. Ang isa pa, bagama't mas bata, ay madalas di-masaya, nakikipagtalo siya sa kanyang ama at sa loob niya mismo. Lagi siyang nag-iisip, sa pamamagitan ng malalim na pagkataong pagninilay, tungkol sa payo at mga utos na kanyang tinatanggap. At sa halip na isagawa ito nang eksakto katulad ng ito ay ibinigay, nagkukusa siyang baguhin ito nang ganap o ang ibang bahagi, na tila ito ay ipinasusunod ng isang tanga. Ang kanyang mas matandang kapatid ay madalas sabihin sa kanya: “Huwag mong gawin iyan. Pinapaghirap mo ang ating ama!”. Ngunit siya ay tutugon: “Ikaw ay tanga. Isang malaki at malakas na lalaking katulad mo, panganay higit sa lahat, at magulang-na, o! hindi ako mananatili sa lugar na kinalagyan sa iyo ng ating ama. Gugustuhin kong makagawa ng mas marami pa. Ipipilit ko ang aking sarili sa mga katulong, upang sana makita nila na ako ang panginoon. Dahil sa iyong walang-katapusang kababaang-loob nagmumukha kang isang katulong mismo. Hindi mo ba nakikita na walang pumapansin sa iyo, sa kabila ng iyong pagiging panganay? Ang ilan ay tinatawanan ka pa nga...” . Ang ikalawang anak, natukso ni Satanas, o kung baga, isang disipulo ni Satanas, na ang kaninong payo ay kanyang ginagawa nang masugid, ay tinutukso ang kanyang kapatid. Ngunit ang huli, tapat sa Panginoon at iginagalang ang Kanyang Batas, ay tapat din sa kanyang ama, na kanyang pinararangalan sa pamamagitan ng kanyang perpektong asal

Ang mga taon ay dumaan at ang mas batang kapatid, naiinis sa pagiging hindi makapaghari, pagkatapos na pakiusapan ang kanyang ama nang makailang beses nagsasabing: “Pahintulutan ninyo akong kumilos sa pangalan ninyo, para sa iyong sariling karangalan, sa halip na pahintulutan ang tangang iyon na gawin ito, dahil siya ay mas mapagpakumbaba ba kaysa sa isang kordero”, at pagkatapos na masubukan na udyukan ang kanyang kapatid na gumawa ng mas mahigit pa kaysa sa iniuutos ng ama, upang maipilit ang kanyang sarili sa mga katulong, sa kapwa mga mamamayan at sa mga kapit-bahay, sinabi niya sa kanyang sarili: “O! tama na iyan! Ang aming mabuting pangalan ay nakataya! Sa dahilan na walang gustong gumawa nito. Gagawin ko ito mismo”. At nagsimula siyang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang sariling pamamaraan, nagpapatalo sa pagmamalaki at sa kasinungalingan at sumusuway nang wala kahit kaunting pag-aalinlangan. Ang kanyang ama ay madalas magsabi sa kanya: “Anak, makinig ka sa iyong kapatid. Nalalaman niya ang kanyang ginagawa”. O sasabihin niya: “Ako ay napagsabihan na nagawa ang gayong bagay. Totoo ba ito?”. At ang mas batang kapatid, ikinikibit ang kanyang mga balikat ay tutugon sa katanungan ng kanyang ama: “Alam niya, alam niya! Napaka-mahiyain niya at malambot. Nasasayang niya ang pagkakataon na makapamuno”. O siya ay tutugon: “Hindi ko ginawa ang gayong bagay”. Ang ama ay madalas sabihin sa kanya: “Huwag kang humingi ng tulong sa isang ito o sa isang iyon. Sino sa palagay mo ang mas makatutulong kaysa sa amin, upang makapagbigay ng kabunyian sa ating pangalan? Ang huwad na mga kaibigan ay iniimpluwensiyahan ka upang sa ibang araw pagtatawanan ka nila sa likuran mo”. Ngunit ang ikalawang anak ay tutugon: “Naninibugho ba kayo dahil ako ang may espiritu ng paggawa? Maging ano pa man nalalaman ko na tama ang ginagawa ko”.

Ang panahon ay dumaan. Ang nakatatandang kapatid ay umuunlad pa nang lalu’t lalo pa sa katarungan, habang ang nakababata ay umuunlad sa masasamang masisimbuyong damdamin. Sa wakas ang ama ay nagsalita: “Panahon nang tapusin ito. Susunod ka sa aking iniuutos sa iyo, o mawawala sa iyo ang aking pagmamahal”. At ang rebelde ay umalis at sinabihan ang kanyang huwad na mga kaibigan: “Nag-aalala ba kayo tungkol diyan? Huwag! May paraan na magawang imposible para sa isang ama na mas gustuhin niya ang isa sa isa pa. Ipaubaya mo siya sa amin at kami ang bahala. Magiging libre ka sa materyal na pagbibintang at ang iyong ari-arian ay uunlad sapagkat, pagkatapos na maalis siya na napakabuti, magagawa mong maging sikat ito. Hindi mo ba nalalaman na ang sapilitan na pagkilos, bagama't masakit, ay mas mabuti kaysa sa walang ginagawa, na makakasama sa ari-arian?” tugon nila. At ang mas batang anak, ngayon napuno na ng kasamaan, ay sumang-ayon sa kanyang mga kasabwat.

Ngayon sabihin sa Akin. Masisisi ba ang ama sa pagtuturo sa kanyang mga anak sa dalawang magkaibang pamamaraan? Masasabi ba natin na siya ay isang kasabwat? Hindi, hindi natin masasabi ito. Bakit, kung gayon, ang isang anak ay isang santo, at ang isa pa, ay masama? Ang kalooban ba kaya ng tao ay naibigay nang abante sa dalawang magkaibang pamamaraan? Hindi. Ito ay ibinigay sa isang pamamaraan lamang. Ngunit ang tao ay may laya na baguhin ito, at siya na mabuti ay ginagawa ang kanyang kalooban na mabuti, at siya na masama ay ginagawa itong masama.

Hinihimok ko kayo, sambayanan ng Kerioth – at ito ang huling pagkakataon na hinihimok Ko kayo na sundan ang mga pamamaraan ng karunungan – hinihimok Ko kayo na sundin lamang ang inyong mabuting kalooban. Halos nasa katapusan na ng Aking ministeryo uulitin Ko sa inyo ang mga salitang inawit sa Aking kapanganakan: “May kapayapaan sa mga taong may mabubuting kalooban”. Kapayapaan! Ibig sabihin, tagumpay, pananalo sa Lupa at sa Langit, sapagkat ang Diyos ay kasama ng mga pumapayag na sumunod sa Kanya. Ang Diyos ay hindi masyadong nakatingin sa matataas-pakinggan na mga gawain na ginagawa ng tao sa kanyang sariling pagkukusa, katulad na Siya ay nakatingin sa mapagpakumbaba, agaran, tapat na pagsunod sa gawain na Kanyang minumungkahi.

Paaalalahanan Ko kayo tungkol sa dalawang episodyo sa kasaysayan ng Israel, na magpapatunay na ang Diyos ay wala sa tao na ibig na kumilos sa pamamagitan niya mismo, niyuyurakan ang utos na tinanggap.

Tingnan natin ang mga Macabeo. Nakasulat na habang si Judas Macabeo ay sumasama kay Jonathan upang makipaglaban sa Gilead at si Simon ay lumakad upang halinhinan ang kanyang mga kababayan sa Galilee, si Jose ni Zachariah at ang lider ng mga tao na si Azariah ay inutusan na manatili sa Judaea upang bantayan ito. At si Judas ay nagsabi sa kanila: “Pangalagaan ang mga taong ito at huwag harapin ang mga pagano hanggang sa kami ay makabalik”. Ngunit si Jose at si Azariah, nang mapakinggan ang dakilang mga pakikipagsapalaran ng mga Macabeo, ay ibig na makagawa din nito, at nagsabi: “Gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili at lumakad tayo at labanan ang mga nasyon sa paligid natin”. Ngunit sila ay natalo at napalayas at “kung gayon ang mga tao ay nakakita ng isang malaking kabaligtaran, sapagkat hindi sila nakinig kay Judas at sa kanyang mga kapatid, bagkus sumandal sa kanilang sariling galing”. Pagmamalaki at pagsuway.

At ano ang ating mababasa sa Aklat ng mga Hari? Mababasa natin na si Saul ay sinisi sa unang pagkakataon at sa ikalawa siya ay labis na sinisi para sa kanyang di-pagsunod, na si David ay pinili bilang kanyang kapalit. Sapagkat siya ay hindi sumunod! Tandaan! “Ang Diyos kaya ay gusto ang mga holokausto at mga biktima o mas gusto Niya ang mga tao na sundin ang Kanyang tinig? Ang pagsunod ay mas mahalaga kaysa sa mga sakripisyo, at ang pakikinig ay mas mahalaga kaysa sa pag-aalay ng mga taba ng mga lalaking tupa; sapagkat ang rebelyon ay isang kasalanan ng panggagaway, ang pag-akala ay isang krimen ng idolatriya. Ngayon, dahil tinanggihan mo ang salita ng Panginoon, tinanggihan ka Niya bilang hari”.

Tandaan! Nang si Samuel ay masunurin na pinuno niya ang kanyang sungay ng langis at pumunta kay Jesse ng Bethlehem, sapagkat ang Panginoon ay nakapili ng ibang hari doon, si Jesse ay pumunta sa bangkete kasama ang kanyang mga anak pagkatapos ng sakripisyo at ang kanyang mga anak ay pinakilala kay Samuel. Si Eliab, magandang lalaki, bata at matangkad, ay ang una. Ngunit ang Panginoon ay nagsabi kay Samuel: “Huwag tingnan ang kanyang hitsura o ang kanyang taas, sapagkat hindi Ko siya pinili. Hindi Ako nakatingin katulad na nakatingin ang tao. Sapagkat ang tao ay nakatingin sa hitsura, ngunit ang Panginoon ay nakatingin sa puso”. At si Samuel ay hindi ginusto si Eliab bilang hari. Si Abinadab ay kung gayon iniharap sa kanya. Ngunit si Samuel ay nagsabi: “Ang Panginoon ay hindi rin pinili ang isang ito”. At si Jesse ay iniharap si Shammah sa kanya. Ngunit si Samuel ay nagsabi: “Hindi rin siya ang piniling isa ng Panginoon”. At ganyan din ang kanyang sinabi sa lahat na pitong anak ni Jesse na naroroon sa bangkete. At si Samuel ay nagtanong: “Ang lahat mo bang anak ay naririto?”. “Hindi” tugon ni Jesse. “May natitira pang isa, ang pinakabata, na siyang tumitingin sa mga tupa”. “Ipatawag siya, sapagkat hindi tayo uupo upang kumain hangga't hindi siya nakakarating”. At si David ay dumating. Siya ay isang may magandang buhok na bata, may sariwang kutis at kaaya-ayang tindig. At ang Panginoon ay nagsabi: “Pahiran siya ng langis, dahil siya ang hari”. Sapagkat, at laging tandaan ito, pinipili ng Diyos ang sinuman na Kanyang magustuhan, at pinagkakaitan Niya ang mga sumisira sa Kanyang pagtingin gawa ng pagkakait sa Kanyang kalooban sa pamamagitan ng pagmamalaki at pagsuway.

Hindi na Ako babalik ditong muli. Ang Guro ay malapit nang pangyarihin ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos, Siya ay magiging mahigit pa kaysa sa Guro. Ihanda ang inyong mga kaluluwa para sa oras na iyan, at tandaan na katulad na ang Kanyang kapanganakan ay kaligtasan para sa may mabubuting kalooban, ang Akin din namang pagtaas ay magiging kaligtasan para sa nagkaroon ng mabuting kalooban sa pagsunod sa Akin, bilang Guro, sa Aking doktrina, at para sa mga susunod sa Akin dito, pagkaraan din ng Aking pagtataas.

Paalam mga lalaki, mga babae at mga bata ng Kerioth! Paalam. Tayo ay magkatinginan nang diretso sa ating mga mata! Gawin natin ang ating mga puso, ang inyo at Akin, na magsama sa isang nagmamahal na yakap ng pagpapaalam, at harinawang ang ating pagmamahal ay laging maging buháy, pati na rin kung Ako ay hindi na ninyo makakasama... Noong una Kong punta rito, ang isang makatarungang tao ay inihinga ang kanyang huling hininga sa halik ng kanyang Tagapagligtas, sa isang bisyon ng kaluwalhatian... At ngayon, sa huling punta Ko rito, pinagpapala Ko kayo nang may pagmamahal...

Paalam!... Pagkalooban nawa kayo ng Panginoon ng pananampalataya, pag-asa at karidad sa perpektong sukat. Bigyan nawa kayo Niya ng pagmamahal, pagmamahal, pagmamahal. Para sa Kanyang Sarili, para sa Akin, para sa mabuti, para sa di-masaya, para sa nagkasala, para sa mga nabibigatan ng pasanin ng isang pagkakamali na hindi sa kanila...

Tandaan. Maging mabuti. Huwag maging di-makatarungan. Tandaan na lagi Kong pinatatawad hindi lamang ang nagkasalang mga tao, bagkus niyakap Ko ang buong Israel sa pamamagitan ng Aking pagmamahal. Ang buong Israel, na naglalaman ng mabuti at ng di-mabuting mga tao, katulad na sa bawat pamilya ay may mabuti at di-mabuting mga miyembro, at magiging di-makatarungan na magsabi na ang buong pamilya ay masama, dahil lamang na ang isang miyembro ay ganyan.

Ako ay lalakad na... kung mayroon pang sinuman na ibig na makipagusap sa Akin, gawin siyang pumunta bago gumabi sa pangkabukirang bahay ni Maria ni Simon.»

Si Jesus ay itinataas Niya ang Kanyang kamay at nagpapalà, at pagkatapos lumabas nang mabilis sa pamamagitan ng pintuan sa likod sinusundan ng Kanyang mga apostol.

Ang mga tao ay bumubulong: «Hindi na Siya babalik muli!»

«Ano ang ibig Niyang sabihin?»

«Mga luha ay bumukal sa Kanyang mga mata nang nagpapaalam Siya...»

«Napakinggan ninyo? Sinabi Niya na Siya ay itataas!»

«Kung gayon tama si Judas! Siyempre, pagkaraan, bilang hari. Hindi natin Siya makakasama sa ngayon...»

«Ngunit nakipagusap ako sa Kanyang mga kapatid. Sinasabi nila na hindi Siya magiging hari, ayon sa ating naiisip. Ngunit Siya ay magiging ang Hari ng Panunubos katulad ng sinasabi ng mga propeta. Siya ay magiging ang Mesiyas, siyempre!»

«Hindi kailanman! Ang Hari Na Tagapagtubos. Ang tao ng mga kapighatian.»

«Oo.»

«Hindi»...

Pansamantala si Jesus ay naglalakad nang mabilis patungo sa kabukiran.

241010



Sunod na kabanata