394. Si Anna ng Kerioth. Pagpapaalam sa Ina ni Judas.

Pebrero 28, 1946.

«Panginoon, maaari ba Kayong sumama sa akin, mag-isa lang sa akin, upang tingnan ang isang di-masayang ina. Minimithi ko ito nang higit pa kaysa sa ano pa mang ibang bagay» sabi ni Maria, nakatayong magalang sa harapan ni Jesus, habang pagkatapos ng tanghalian, ang mga apostol ay kumalat upang magpahinga bago ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay sa gabi. Si Jesus sa halip ay nagpapahinga sa ilalim ng lilim ng mga punong-mansanas na punò ng maliliit na berdeng mga mansanas na mahihinog na at si Maria ay tila ipinagpapatuloy ang isang paguusap na nasimulan na kanina.

«Oo, babae. Ibig Ko rin na makasama ka, mag-isa sa huling mga oras na ito, katulad na gusto Ko noong una Akong pumarito. Tayo na.» At sila ay pumasok sa bahay kung saan kinuha ni Jesus ang Kanyang manta at si Maria ang kanyang belo at manta.

Sinusundan nila ang mga landas sa gitna ng mga bukid, mga lootan at kakahuyang mga púno. Mainit pa rin. Ang mga bugá ng mainit na hangin ay nanggagaling mula sa mga bukid kung saan ang mga bunga ay hinog na. Ngunit ang ihip ng hangin mula sa bundok ay napagagaan ang init na maaaring mahirap tiisin sa kapatagan.

«Ikinalulungkot ko na gawin Kayong maglakad sa loob ng init na ito. Ngunit kung saka na... hindi na ito magiging posible. At lagi ko nang ginugustong mangyari ang bagay na ito, nang hindi kailanman naglakas-loob na sabihin sa Inyo. Kani-kanina pa lamang sinabi Ninyo sa akin: “Maria, upang maipakita Ko sa iyo na minamahal kita, na tila kayo ay ang Aking ina, sasabihin ko sa iyo: humiling kayo sa Akin ng kahit na anong ibigin ninyo at pagbibigyan Ko kayo” at kung gayon ako ay nangahas. Panginoon, nalalaman ba Ninyo kung saan tayo pupunta?»

«Hindi, babae.»

«Tayo ay patungo sa bahay ng babae, na siya sanang magiging ang biyanang-babae ni Judas... (si Maria ay nagbubuntung-hininga nang mabigat). Siya sana ang magiging ang... hindi siya at hindi kailanman magiging, sapagkat iniwan ni Judas ang babae na namatay sa paghihirap ng kalooban... at ngayon ang kanyang ina ay may sama-ng-loob sa akin at sa aking anak. Lagi niya kaming sinusumpa... Si Judas ay napaka... hina at nakakiling sa Kasamaan, na siya ay nangangailangan ng mga pagpapalà lamang!... Ibig kong magsalita Kayo sa ina ng babae... Makukumbinsi Ninyo siya... at sabihin sa kanya na iyon ay isang awa na ang kasal ay hindi nangyari... na iyon ay hindi ko kasalanan... na siya ay maaaring mamatay na wala ng kahit na anong sama-ng-loob; sapagkat siya ay namamatay nang unti-unti na may gayong paghihirap sa loob ng kanyang kaluluwa. Ibig kong magkaroon ng kapayapaan sa pagitan naming dalawa... sapagkat ako ay naghirap at nahihiya ako dahil sa nangyari at naghihirap akong makita na ang dati ko kasa-kasama mula pa noong ako ay pumunta rito nang ako ay ikinasal, ay hindi ko na kaibigan. Sa maikling pananalita, Panginoon, alam Ninyo...»

«Oo, huwag mag-alala. Ang inyong hinihiling ay isang matapat na kahilingan at papapangyarihin Ko ang gawain sapagkat ito ay isang mabuting bagay.»

Pagkatapos na matawid ang isang maliit na lambak, inakyat nila ang isa pang burol, kung saan may isang nayon.

«Si Anna ay nanirahan dito mula nang mamatay ang kanyang anak. Sa kanyang ari-arian. Bago nito siya ay nasa Kerioth. Ngunit habang siya ay naninirahan doon, ang kanyang mga paninisi ay sinusugatan ang aking puso sa tuwing kami ay magkakatagpo.»

Kinuha nila ang isang tabing-daan bago lamang ang nayon at nakarating sa isang mababang bahay, sa loob ng mga bukid.

«Ngayon! Ang aking puso ay nanginginig, ngayon na ako ay naririto! Tatanggihan niyang makita ako... tatanggihan niya ako... siya ay mababalisa at ang kanyang kaawa-awang puso ay maghihirap nang lalo pa... Guro...»

«Oo, pupunta Ako. Manatili ka rito, hanggang tawagin kita. Ang magdasal upang matulungan Ako.»

At si Jesus ay pumunta, nag-iisa, hanggang sa layo ng maluwang-na-nakabukas na pinto ng bahay, na Kanyang pinapasok kasama ang Kanyang may-kabaitan na pambungad na pagbati.

Ang isang babae ay papalapit sa Kanya: «Ano ang kailangan Ninyo? Sino Kayo?»

«Ako ay naparito upang maghatid ng kaginhawahan sa iyon sinyora. Dalhin mo Ako sa kanya.»

«Kayo ba ay isang manggagamot? Walang magagawa iyan! Wala nang pag-asa. Ang kanyang puso ay namamatay.»

«Naririyan pa ang kanyang kaluluwa na kailangan na mailigtas. Ako ang Rabbi.»

«Wala kayong silbi kahit bilang ganyan. Siya ay hindi nasisiyahan sa Eternal na Ama at ayaw niyang makinig sa mga sermon. Hayaan siyang mag-isa.»

«Ako ay naparito dahil lamang sa siya ay nasa ganyang pag-iisip. Gawin Akong makapasok at hindi siya magiging labis na di-masaya sa kanyang mga huling araw.»

Ang babae ay ikinibit ang kanyang mga balikat at nagsabi: «Pasok!»

Mayroong isang malamig na medyo-madilim na koridor na may ilang mga pintuan. Sa dulo ng koridor ang huling pintuan ay medyo nakabukas at ang pag-ungol ay mapapakinggan mula rito. Ang babae ay pinapasok ang silid nagsasabing: «Aking sinyora, may isang rabbi na ibig na makipagusap sa inyo.»

«Bakit?... Upang sabihin sa akin na ako ay isinumpa? Na hindi ako magkakaroon ng kapayapaan kahit na sa susunod na buhay?» sabi ng may-sakit na babae humihingal at balisa.

«Hindi. Upang sabihin sa inyo na ang inyong kapayapaan ay magiging ganap, kung gugustuhin lamang ninyo, at kayo ay magiging masaya magpakailanman kasama ang iyong Johanna» sabi ni Jesus lumilitaw sa pintuan.

Ang may-sakit na babae, na ang kaninong mukha ay madilaw at maga, at humahangos sa loob ng kanyang maliit na kama, nakasandal sa maraming unang, ay tiningnan Siya at nagsabi: «O! Anong mga salita! Ito ang unang pagkakataon na ang isang rabbi ay hindi ako sinisisi... Anong pag-asa!... Ang aking Johanna... kasama ko... pinagpalà... wala nang kapighatian... ang kapighatian na ginawa ng isang isinumpang lalaki... ang babae na nagpanganak sa kanya ay hindi ito iniwasan... pinagtaksilan niya ako... pagkatapos na udyukan ako... Ang aking di-masayang anak... » humahangos pa siya nang lalo.

«Kita Ninyo? Ginagawa Ninyo siya na maging malala. Alam ko. Lumayo Kayo.»

«Hindi. Ikaw ang lumayo. Iwanan mo Akong mag-isa sa kanya...»

Ang babae ay lumabas iniiling ang kanyang ulo.

Si Jesus ay nilalapitan nang dahan-dahan ang kama. May-kabaitan Niyang pinupunas ang mga pawis sa mukha ng babae, na nahihirapan na gawin ito dahil ang kanyang mga kamay ay namagà nang di-kapanipaniwala, at pinapaypayan Niya ang kanyang ulo sa pamamagitan ng isang abaniko na gawa sa mga dahon ng palmera. Tinutulungan Niya siyang makainom dahil naghahanap siya ng ilang pampalamig sa alak na nasa tabing mesa. Si Jesus ay tila isang anak malapit sa may-sakit na ina. Siya sa huli ay naupo, may kabaitan ngunit may katatagan na pangyarihin ang Kanyang misyon.

Ang babae ay pinagmamasdan Siya at kumakalma, at na may naghihirap na ngiti sinabi niya: «Kayo ay magandang lalaki at mabait. Sino Kayo, Rabbi? Kayo ay kasing bait ng aking pinakamamahal na anak na babae sa pagharap sa akin.»

«Ako si Jesus ng Nazareth!»

«Kayo?!... At Kayo ay pumunta sa akin?... Bakit?...»

«Sapagkat minamahal Ko kayo. Ako ay mayroon ding isang ina, at sa bawat ina nakikita Ko ang Akin, at sa mga luha ng mga ina, nakikita Ko ang mga luha ng Aking Ina...»

«Bakit? Ang Inyo bang Ina ay umiiyak? Bakit? Ang Kanya bang isa pang anak ay namatay?»

«Hindi pa... Ako ang Kanyang bugtong na Anak at Ako ay buháy pa. Ngunit Siya ay umiiyak na sapagkat nalalaman Niya na Ako ay kailangan na mamatay.»

«O! Kaawa-awang babae! Gaanong nakapangingilabot na malaman bago pa man na ang isang anak ay kailangan na mamatay. Ngunit papaano Niya nalalaman? Kayo ay malusog. Kayo ay malakas. Kayo ay mabuti. Nilinlang ko ang aking sarili hanggang sa siya ay mamatay, at siya ay malalang-malala ang sakit!... Papaano nalalaman ng Inyong Ina na Kayo ay kailangang mamatay?»

«Sapagkat Ako ay ang Anak ng tao, hinulaan ng mga propeta. Ako ang Tao ng mga kapighatian Na nakita ni Isaiah, ang Mesiyas na inawit ni David at isinalarawan bilang ang pinahirapang Tagapagtubos. Ako ang Tagapagligtas, ang Tagapagtubos, babae. At ang kamatayan, isang nakapangingilabot na kamatayan ay naghihintay sa Akin... at ang Aking Ina ay mapaparoon... at ang Aking Ina ay nalalaman ito, mula pa nang Ako ay ipinanganak, na ang Kanyang puso ay mabibiyak ng kapighatian katulad ng Akin... Huwag umiyak... Sa pamamagitan ng Aking kamatayan mabubuksan Ko ang Langit sa inyong Johanna...»

«Sa akin din! Sa akin!...»

«Oo. Sa paglakad na panahon. Ngunit kailangan munang matoto kayong magmahal at magpatawad. Ang magsimulang magmahal muli. Ang maging makatarungan. At magpatawad... Kung hindi, hindi kayo makapupunta sa Langit, kasama si Johanna, at kasama Ko...»

Ang babae ay umiiyak nang hindi makapagpigil. Siya ay umuungol: «Ang magmahal.... ang magmahal kung tayo ay tinuruan ng mga tao na mapoot... kung ang Diyos ay tumigil sa pagmahal sa atin nang walang awa sa atin... napakahirap nito... Papaano tayo makapagmamahal, kung ang mga tao ay pinahihirapan tayo, at ang ating mga kaibigan ay sinasaktan tayo at ang Diyos ay iniwan tayo?...»

«Hindi. Hindi Niya kayo iniwan. Ako ay naririto. Upang gumawa ng makalangit na mga pangako sa inyo. Upang tiyakin sa inyo na ang inyong kapighatian ay magiging kaluguran, kung gugustuhin ninyo. Makinig sa Akin, Anna... Kayo ay umiiyak sapagkat ang kasalan ay kinansela, at iyan ang naging dahilan ng lahat ng inyong kapighatian, at dahil diyan sinasabi ninyo na ang isang lalaki ay isang mamamatay-tao at ang kanyang kaawa-awang ina isang kasabwat, Makinig, Anna. Sa susunod na kaunting mga buwan makikita ninyo na iyon ay isang grasya mula sa Langit na si Johanna ay hindi nápakasál kay Judas...»

«Huwag Ninyong banggitin ang kanyang pangalan sa akin!» sigaw ng babae.

«Binabanggit Ko ito, upang sabihin sa inyo na kailangan ninyong pasalamatan ang Panginoon at pasasalamatan ninyo Siya sa loob ng oras ng kaunting mga buwan...»

«Ako ay patay na...»

«Hindi. Kayo ay magiging buháy at maaalaala ninyo Ako, at maiintindihan ninyo na mayroong mga kapighatian na mas malalaki pa kaysa ng sa inyo...»

«Mas malaki pa? Iyan ay hindi posible!»

«Papaano ang sa Aking Ina Na makikita Akong mamamatay sa isang krus?» si Jesus ay tumayo. Siya ay mapangibabaw. «At papaano ang dalamhati ng ina ng taksil ng Jesucristo, ang Anak ng Diyos? Isipin, babae, ang tungkol sa inang iyon... Kayo... Ang buong Kerioth, ang kabukiran sa paligid nito at sa ibayo pa ay nakiramay sa inyo sa inyong dalamhati! Kayo ay naging mapagmalaki nito katulad na ito ay ang korona ng isang martir. Ngunit ang inang iyon! Katulad ni Cain, nang hindi nagiging Cain, nagiging sa halip Abel: ang biktima ng kanyang traydor na anak, ang mamamatay ng Diyos, isang mapaglapastangang isinumpang anak, hindi matatagalan ng ina ang tingin ng mga tao, sapagkat ang bawat sulyap ay magiging katulad ng isang bato ng pambabato, at sa bawat salita, sa bawat tinig ng tao, tila makaririnig siya ng isang sumpa, isang pang-aabuso at hindi siya makatatagpo ng mapagtataguan sa Lupa hanggang sa kanyang kamatayan, hanggang ang Diyos, Na makatarungan, ay kunin ang martir kasama Siya Mismo ginagawa siyang makalimutan na siya ay ang ina ng tagapagpatay sa Diyos, sa pagbibigay sa kanya ng pag-aari sa Diyos... Ang kapighatian ba ng inang iyan hindi mas malaki?»

«O! sukdulang kapighatian!...»

«Naintindihan ninyo... Maging mabuti, Anna. Tanggapin na ang Diyos ay naging mabuti sa Kanyang ginawa...»

«Ngunit ang aking anak ay patay! Si Judas ay ginawa siyang mamatay, upang magkaroon ng mas malaking dote... Ang kanyang ina ay sumang-ayon...»

«Hindi. Iyan ay hindi totoo. Matitiyak Ko sa inyo, at nakababasa Ako ng mga puso. Si Judas ay Aking apostol ngunit sasabihin Ko sa inyo – umaasal nang masama at parurusahan para diyan. Ngunit ang kanyang ina ay inosente. Minamahal ka niya, at ibig niyang siya ay mahalin ninyo... Anna, kayo ay dalawang di-masayang ina. Ngunit pinagmamalaki ninyo ang inyong patay na anak, na inosente at dalisay, ipinagdiriwang at pinararangalan ng mundo... Si Maria ni Simon ay hindi makapagmamalaki tungkol sa kanyang anak. Ang kanyang asal ay ikinagagalit ng mga tao.»

«Totoo iyan. Ngunit kung napakasalan niya si Johanna, hindi siya masisisi.»

«Ngunit sa loob ng maikling panahon makikita ninyo si Johanna na namamatay sa kabiguan ng puso, sapagkat si Judas ay mamamatay sa pamamagitan ng isang marahas na kamatayan.»

«Ano ang Inyong sinasabi? O! kaawa-awang Maria! Kailan? Papaano? Saan?»

«Malapit na. At sa isang nakakatakot na paraan... Anna! Ikaw ay mabuti! Ikaw ay isang ina! Nalalaman mo ang kapighatian ng isang ina! Anna, maging isang kaibigan muli ni Maria! Gawin ang kapighatian na mapagdugtong kayo katulad na ang kaluguran ay pag-iisahin sana kayo. Gawin Akong makaalis nang masaya, nalalaman na siya ay magkakaroon ng isang kaibigan, isa lamang, isa man lamang.»

«Panginoon... ang mahalin siya ang ibig sabihin ay ang patawarin siya. napakahirap nito... Tila aking inililibing nang muli ang aking anak pinapatay ko siya mismo...»

«Ang ganyang mga kaisipan ay nanggagaling sa Kadiliman! Huwag mong pakinggan ang mga ito. Makinig sa Akin, ang Liwanag ng mundo. Ang Liwanag ng mundo ay sinasabi sa iyo na ang kapalaran ni Johanna ay naging hindi mas mapait namamatay na isang birhen kaysa namamatay na isang balo ni Judas. Maniwala sa Akin, Anna. At isipin na si Maria ni Simon ay mas di-masaya kaysa sa iyo...»

Ang babae ay nag-iisip, siya ay nanlalaban, umiiyak at nagsabi: «Ngunit siya ay aking isinumpa, kapwa siya at ang bunga ng kanyang sinapupunan! Ako ay nagkasala...»

«At pinatatawad kita. At habang mas minamahal mo siya, mas lalo ka pang mapapatawad sa Langit.»

«Ngunit kung ako ay kanyang maging kaibigan... makikita ko si Judas. Panginoon, hindi ko magagawa iyan!...»

«Hindi mo na siya muling makikita. Ako ay hindi na kailanman babalik muli sa Kerioth, ni hindi na rin si Judas. Nakapagpaalam na kami sa mga tao...»

«O! Sinabi Ninyo...»

«Na hindi na Ako babalik muli. Sinabi ni Judas na hindi na siya makakabalik hanggang pagkaraan ng Aking pagtaas. Ngunit naniniwala siya na makikita niya Ako na tumataas sa isang trono. Sa halip kamatayan sa isang krus ang naghihintay sa Akin. At iniisip niya na siya ay magiging isa sa Aking mga ministro. Ang kamatayan ang sa halip naghihintay sa kanya. Ngunit wala kang pagsasabihan na iba tungkol diyan. Hindi kailanman. Ang kanyang ina ay hindi dapat na makaalam hanggang sa ang lahat ay napangyari na. Sinabi mo: “Kaawa-awang babae! Ang malaman bago pa man na ang kanyang anak ay kailangang mamatay”. Ngunit kung ang paghihirap ng Aking Ina, dahil din gawa niyan, ay nagpapalaki na sa mga merito ng Aking Sakripisyo, ang katahimikan ay habag para kay Maria ni Simon. Hindi ka magsasalita.»

«Hindi, aking Panginoon. Isinusumpa ko ito sa ngalan ng aking Johanna.»

«Gusto Ko ang isa pang pangako! Isang dakila, banal na pangako! Ikaw ay mabuti. Minamahal mo na Ako...»

«Oo, labis. Ako ay nasa kapayapaan na mula nang Kayo ay pumunta rito...»

«Kapag si Maria ni Simon ay wala na sa kanya ang kanyang anak at ang mundo ay iniinsulto siya nang may panunuyang mga salita, ikaw, ikaw lamang, ang magbubukas ng iyong puso at ng iyong bahay sa kanya. Maipapangako mo ba sa Akin? Sa mga pangalan ng Diyos at ni Johanna. Magagawa ni Johanna ito, sapagkat si Maria ni Simon ay ang ina pa rin ng lalaking minamahal pa niya» pagpilit ni Jesus.

«...Oo!» tugon ng babae lumuluha.

«Pagpalain ka nawa ng Diyos, babae, at bigyan ka ng kapayapaan... at mabuting kalusugan. Halika pumunta tayo at tagpuin si Maria, at bigyan siya ng halik ng kapayapaan»

«Ngunit Panginoon hindi ako makalakad. Ang aking mga paa ay namamaga at hindi ko sila maigalaw. Kita Ninyo? Ako ay naririto, nakabihis lahat, ngunit ako ay isa lamang katawan ng punungkahoy...»

«Ganyan ka dati. Halika!» at iniunat ni Jesus ang Kanyang kamay nang nang-aanyaya.

Ang babae, nakatitig sa mga mata ni Jesus, ay iginalaw ang kanyang mga paa, inuunat niya ang mga ito palabas sa kama, inilalapat ang kanyang walang-saplot na mga paa sa sahig, tumatayo at naglalakad... Siya ay tila nararahuyo. Ni hindi siya nag-aalam na siya ay napagaling na... Pumunta siya sa medyo madilim na koridor, ang kanyang kamay na kay Jesus pa rin... Siya ay naglalakad patungo sa pintuan. Siya ay halos naroroon na nang kanyang makita ang katulong na nakita kanina, na napasigaw ng malugod na takot... ang iba pang mga katulong ay nagmadali patungo doon, natatakot na siya ay baka namamatay na, samantalang nakikita nila na ang kanilang sinyora, na kamakailan pa lamang ay malapit nang ihinga ang kanyang huling hininga at kinapopootan si Maria ni Simon, ay ngayon naglalakad nang mabilis na ang kanyang mga kamay nakaunat, pagkatapos na bitawan ang kamay ni Jesus, patungo sa kaawa-awang Maria, na kanyang tinawag at niyakap sa kanyang puso, habang kapwa sila umiiyak...

... Sa kanilang pagbabalik patungo sa bahay, pagkatapos ng mapayapang pagpapaalam, si Maria ni Simon ay pinasasalamatan ang kanyang Panginoon at nagtanong: «Kailan Kayo babalik upang makagawa ng mas marami pang kabutihan?»

«Hindi na kailanman, babae. Nasabihan Ko na ang mga mamamayan. Ngunit ang Aking puso ay laging makakasama mo. Tandaan, laging tandaan na minahal kita at minamahal kita. Tandaan na nalalaman Ko na ikaw ay mabuti, at iyan kung bakit minamahal ka ng Diyos. Laging itanim iyan sa isip, sa loob din ng mga nakakatakot na mga oras. Kailangan na huwag mong isipin kahit kailan na tinitingnan ka ng Diyos na nagkasala. Sa Kanyang mga mata ang iyong kaluluwa ay lumilitaw at laging lilitaw na may adorno ng mga hiyas ng iyong mga birtud at mga perlas ng iyong paghihirap. Maria ni Simon, ina ni Judas, ibig Kong pagpalain kayo, ibig Kong yakapin kayo at halikan kayo upang sana ang inyong tapat na sinsirong maternal na halik ay masuklian Ako para sa ano pa mang ibang halik... at ang Aking halik ay makagawa ng mga pagsasatama para sa lahat ng inyong mga kapighatian. Halikayo, ina ni Judas. At salamat sa inyo, salamat sa inyo para sa lahat na pagmamahal at pagpaparangal na ibinigay ninyo sa Akin» at Kanyang niyayakap siya at hinahalikan ang kanyang noo, katulad ng Kanyang ginagawa kay Maria ni Alfeo.

«Ngunit tayo ay magkikita pang muli! Pupunta Ako sa Paskuwa...»

«Hindi. Huwag kayong pumunta. Nagsusumamo Ako sa inyo. Ibig ba ninyo Akong gawing masaya? Huwag pumunta. Ang mga babae sa susunod na Paskuwa... hindi!»

«Ngunit bakit?...»

«Sapagkat... magkakaroon ng nakakatakot na pag-alsa sa Herusalem sa susunod na Paskuwa. Hindi ito lugar para sa mga kababaihan! Hindi, bagkus... Maria, uutusan Ko ang inyong kamag-anak na samahan kayo. Kailangan na manatili kayong magkasama. Kakailanganin mo siya sapagkat... si Judas mula ngayon ay hindi niya kayo magagawang matulungan o makapunta...»

«Gagawin ko ang ayon sa sinasabi Ninyo... Kung gayon hindi ko na kailanman makikita ang Inyong mukha na nagsasalamin ng kapayapaan ng Langit? Gaanong kapayapaan ang nailagay ng Inyong mga mata sa aking namimighating puso!...» sabi ni Maria lumuluha.

«Huwag umiyak. Ang búhay ay maikli. Pagkaraan makikita ninyo Ako magpasawalanghanggan sa Aking Kaharian.»

«Kung gayon sa palagay Ninyo ang Inyong abang lingkod ay papasukin ito?...»

«Nakikita Ko na ang inyong upuan sa pagitan ng mga martir at mga kapwa-tagapagtubos. Huwag matakot, Maria. Ang Panginoon ay ang inyong magiging eternal na kabayaran. Tayo na. Ang gabi ay bumabagsak at oras Ko nang ipagpatuloy ang Aking paglalakbay...»

At bumalik sila sa dating daan sa loob ng mga bukid at mga lootan, patungo sa bahay, kung saan ang mga apostol ay naghihintay.

Si Jesus ay nagpapaalam nang nagmamadali, nagpapalà at umalis sa unahan ng Kanyang mga apostol... Habang Siya ay lumalayo, si Maria ay umiiyak, nasa kanyang mga tuhod...

241010

 



Sunod na kabanata