395. Ang Pagpapaalam sa Juttah.

Marso 5, 1946.

Si Jesus ay nagsasalita sa mga mamamayan ng Juttah sa isang tahimik na umaga. O! talagang masasabi ng isa na ang buong Juttah ay nasa Kanyang paanan. Ang maliliit na pastol na sa pangkalahatan ay nakakalat sa mga dalisdis ng mga bundok ay naroroon din kasama ang kanilang mga tupa,  sa gilid ng pulutong. Ang mga pangkaraniwan na pumupunta sa ibang mga lugar, sa mga bukid, sa mga kakahuyan, sa mga palengke, ay naroroon. Ang mga paugod-ugod na matatanda ay naroroon, at malapit kay Jesus ay naroon ang mga ngumingiting mga bata, at mga bata-pang mga babae, at bagong mga nobya, at mga babaeng malapit nang magluwal ng kanilang mga sanggol, at ang mga nagpapasuso sa kanilang mga anak ay lahat naroroon. Ang buong Juttah.

Ang tari ng bundok na umuusling patimog ay ang ampiteatro kung saan ang mapanatag na mga tao ay naiipon. Nakaupo sa damuhan o nakaupong pasaklang sa isang mababang “dry-wall” na pader, na ang malapad na kaligiran sa paligid, ang walang-hangganang kalangitan sa itaas, ang ilog nasa ibaba, na nagniningning at ngumingiti sa umagang sikat-ng-araw, ang magandang berdeng makahoy na mga bundok tumataas sa lahat ng paligid, at sambayanan ng Juttah ay nakikinig sa Guro, Na nagsasalita, nakatayo sa tabi ng isang napakataas na puno ng walnut, ang Kanyang puting linen na suot nangingibabaw sa madilim na puno ng kahoy, ngumingiti, ang Kanyang mga mata kumikislap sa lugod ng pagiging minamahal, ang Kanyang buhok ay pinaliliwanag ng mga haplos ng mga sinag ng araw mula sa silangan. Sa loob ng magalang na mapagpakinig na katahimikan nasisira lamang ng pagsiyap ng mga ibon at ng ilog na lumalagukgok sa ibaba, ang Kanyang mga salita ay bumababang dahan-dahan sa mga puso, at ang Kanyang perpektong tinig ay pinupuno ang tahimik na ere ng armoniya nito.

Habang ako ay nagsusulat, inuulit Niyang muli na kinakailangan na sumunod sa Dekalogo, naperpekto ng Kanyang doktrina ng pagmamahal sa paggamit nito sa mga puso «upang maitayo sa mga kaluluwa ang luklukan kung saan ang Panginoon ay maninirahan hanggang sa ang mga namuhay na sumusunod sa Batas nang matapat ay pumunta upang manirahan sa Kanya sa Kaharian ng Langit» sinasabi Niya. At Siya ay nagpapatuloy.

«Sapagkat ganito ito. Ang paninirahan ng Diyos sa mga tao at ng mga tao sa Diyos ay nangyayari sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang Batas, na nagsisimula na may alituntunin ng pagmamahal at lahat pagmamahal mula sa una hanggang sa huling alituntunin ng Dekalogo. Iyan ang totoong tirahan na gusto ng Diyos at kung saan ang Diyos ay naninirahan, at ang gantimpala sa Langit, nakakamit sa pamamagitan ng pagsunod sa Batas, ay ang totoong Tahanan kung saan kayo ay maninirahan kasama ang Diyos  magpasawalanghanggan. Sapagkat – alalahanin ang ika-66 na kabanata ng Isaiah – ang Diyos ay hindi naninirahan sa Lupa, na isa lamang tuntungan para sa Kanyang kawalang-hangganan, at ang Kanyang trono ay Langit, na napakaliit, isang wala lang, upang mailagay ang Walang-hangganan, bagkus ang Kanyang tirahan ay nasa mga puso ng mga tao. Tanging ang pinaka-perpektong kabutihan ng Ama ng lahat na pagmamahal ang makapagkakaloob sa Kanyang mga anak na tanggapin Siya, at ito ay isang walang-hangganang misteryo, na nagiging mas lalu’t lalo pang perpekto, na ang Isa at sang-tatlo na Diyos, ang pinaka-purong sang-tatlo na pormang Espiritu ay maaaring mapasa mga puso ng mga tao. O! Banal na Ama, kailan Ninyo Ako pahihintulutan na gawin ang mga taong ito na nagmamahal sa Inyo, na maging hindi lamang isang templo para sa Ating Espiritu, bagkus sa pamamagitan ng Inyong perpeksiyon ng pagmamahal at pagpapatawad, maging isang tabernakulo, upang ang bawat tapat na puso ay maging isang kaban, kung saan ang totoong Tinapay ng Langit ay makapaninirahan, katulad na ito ay nanirahan sa sinapupunan ng Banal na Ina sa lahat na mga kababaihan?

O! pinakamamahal na mga disipulo ng Juttah na naihanda para sa Akin ng isang makatarungang kaluluwa, ilagay sa isipin ang Propeta at ang kanyang sinasabi, dahil ang Panginoon ang Siyang nagsasalita, pinananawagan ang mga nagtatayo ng walang-laman na mga templo ng bato, kung saan ay walang hustisya o pagmamahal, at hindi sila makapagtatayo sa loob nila ng trono ng kanilang Panginoon sa pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Ang Propeta ay nagsasabi: “Anong bahay ang itatayo ninyo sa Akin, anong lugar ang inyong magagawa para sa Aking pagpapahinga?” At ibig Niyang sabihin: “Sa palagay ba Ninyo tataglayin ninyo Ako dahil lamang nagtayo kayo ng kaawa-awang mga pader para sa Akin? Sa palagay ba ninyo nabibigyan ninyo Ako ng lugod sa pamamagitan ng inyong huwad na mga pagsasabuhay, na hindi nasusuportahan ng isang banal na pamumuhay?” Hindi. Ang Diyos ay hindi matataglay sa pamamagitan ng walang-kabuluhang mga hitsura na nagtatakip sa mga sugat at sa kawalang-laman, na walang buháy ng kaluluwa. At ang Panginoon, ang Guro ng mundo, ikinukumpisal na Siya ay isang kaawa-awang Hari na may napakakaunting mga nasasakupan at isang kaawa-awang Ama ng napakaraming mga anak na mga lumayas mula sa Kanyang tirahan, ay nagsasabi: “Kanino Ko ititingin ang Aking mga mata, kung hindi sa tao na may mapagpakumbaba at nagsisising espiritu, na nanginginig sa Aking salita?” Bakit siya nanginginig? Sa takot lamang sa Diyos? Hindi. Sa malalim na paggalang at totoong pagmamahal. Sapagkat siya ay isang mapagpakumbabang nasasakupan at anak, na nagsasabi at kumikilala na ang Panginoon ay Lahat habang siya ay wala. At siya ay nanginginig sa emosyon nararamdaman na siya ay minamahal, pinatawad at sinusuportahan ng Panginoon Na siyang ang Lahat.

O! huwag maghanap sa Diyos sa pagitan ng mapagmalaking mga tao! Siya ay wala roon. Huwag siyang hanapin sa pagitan ng may matitigas-na-puso na mga tao. Siya ay wala roon. Huwag Siyang hanapin sa pagitan ng di-nagsisising mga kaluluwa. Siya ay wala roon. Siya ay nasa simple, puro, maawain, dukha sa espiritu, mapagpakumbabang mga tao, nasa mga lumuluha nang hindi nanunumpa, nasa mga naghahanap ng katarungan, nasa mga inuusig, nasa mapayapang mga kaluluwa. Ang Diyos ay naririyan. Siya ay nasa mga nagsisisi at nagmimithi ng kapatawaran at ibig na makapagbayad sa pagkakasala. At wala sa mga ito ang nag-aalay ng sakripisyo ng isang toro o isang tupa o ano pa mang paghahandog, upang mapapurihan o dala ng pamahiing takot sa kaparusahan o ng mga motibo ng pagmamalaki, na sila ay sana lumabas na perpekto. Bagkus inaalay nila ang sakripisyo ng kanilang nagsisisi at nagpakumbabang mga puso, kung sila ay mga makasalanan; ng kanilang mga pusong masunurin sa Diyos hanggang sa punto ng kabayanihan, kung sila ay makatarungan. Iyan ang gusto ng Diyos. Iyan ang mga alay para kung saan ipinagkakaloob Niya ang Kanyang Sarili kasama ang Kanyang di-maulatan na mga tagong-kayamanan ng pagmamahal at sobrenatural na mga kasiyahan. Hindi Niya ibinibigay ang Kanyang sarili sa iba pa. Mayroon na sila ng kanilang kaawa-awang karaniwang mga kasiyahan, at walang-kabuluhan para sa Diyos na tawagin sila sa Kanyang mga pamamaraan, sapagkat pinili na nila ang kanilang sariling pamamaraan. Hindi Niya sila bibigyan ng kahit na ano bagkus kapabayaan, takot at kaparusahan, sapagkat hindi sila tumugon sa Panginoon, hindi sila sumunod, gumawa sila ng masama sa mga mata ng Diyos nang mapanghamak at may kabalakyutan.

Ngunit kayo, minamahal na sambayanan ng Juttah, na nanginginig sa pagmamahal sa kaalaman ng tungkol sa Diyos, ay magiging masaya, habang ang iba ay ipahihiya. Sapagkat kayo ay pinagtawanan katulad ng mga tanga ng malalakas, at sa kabila ng kanilang panunuya nagpursige kayo sa pagmahal sa Akin. Dahil kayo ay tinanggihan dahil sa Aking Pangalan, kayo ay mas tatanggihan pa nang lalo sa hinaharap, hindi lang iyan, bagkus, kayo ay ipagkakaila bilang mga itinakwil ng Israel, di-katanggap-tanggap sa Diyos, samantalang ang supling ng eternal na Buhay ay inihugpong sa inyo at sa mga taong katulad ninyo, ang supling Niya Na nakaugat sa Ama, at kayo kung gayon ay bahagi ng Diyos, nabubuhay sa Kanyang katas. Datapwa't ang mga tao ay gustong kumbinsihin kayo na kayo ay nasa pagkakamali at sa inyong mga mata, simple ngunit napaliwanagan ng Grasya, ibig nilang mapangatwiranan ang kanilang mga sarili upang hindi lumabas na di-banal at mga gumagawa-ng-masasama. Sapagkat ito ay sinabi sa inyo: “Gawin ang Panginoon na ipakita sa inyo ang Kanyang kaluwalhatian at amin Siyang kikilalanin nang kasing malugod katulad ng ginagawa ninyo”. Sila ay malilito.

O! napapakinggan Ko na ang mga ahas na nagsasabi, pagkaraan ng pagkakagulo kung saan sila ay dudurugin nang walang pag-uunlad kahit kaunti, at titigil lamang sila sa pagiging masama kung ang kanilang mga ulo ay tatapakan, at sila ay tutuklaw at papatay kahit na kung ang kanilang katawan ay nahati sa dalawa at tanging ang kanilang ulo lamang ang lumilitaw pagkatapos ng nakapananaig na manipestasyon ng Diyos, naririnig Ko na silang sumisigaw: “Papaano ang Panginoon nagpanganak sa kanyang bagong sambayanan nang bigla na lamang, kung tayo, na matagal nang nasa Kanyang sinapupunan, ay hindi pa naipanganganak sa Liwanag? Ang isang babae ba ay makapanganganak ng isang sanggol bago mapuno ang bahay ng mga sigaw ng paghihirap? Ang Panginoon ba ay makapanganganak bago dumating ang Kanyang oras? Makapanganganak ba ang Lupa sa loob ng isang araw at ang sambayanan ba ng isang bansa ay maipanganganak nang sabay-sabay?”.

Ito ang Aking tugon at tandaan ito upang maibigay ito sa mga mang-uusig sa inyo nanunuya sa inyo: “Ang mga patay na bunga sa sinapupunan ng Diyos ay hindi maaaring maipanganak sa Liwanag, sapagkat sila ay naihiwalay sa matris at kung gayon natuyo nananatiling di-makakilos katulad ng isang bagay na masama nakatago sa sinapupunan, sa halip na lumalaking mga binhi. At upang mailabas ang patay na binhi mula sa Kanyang sinapupunan at magkaroon ng mga anak, upang ang Kanyang Pangalan ay hindi sana mamatay sa Lupa, ang Diyos ay naging mabunga sa bagong mga anak, markado ng Kanyang Tau at may kalihiman at katahimikan upang si Satanas at ang kanyang mga tagasunod ay hindi makagawa ng kapinsalaan, naipanganak Niya ang Kanyang Anak bago ang panahon, sapagkat ang Panginoon ay nagagawa ang lahat”. O! inilalagay Niya ang mga salitang ito sa bunganga ng propetang si Isaiah: “Ako ba ay hindi makapanganganak, Ako Na nagagawa ang ibang tao na manganak? Ako ba ay magiging baog, Ako Na nagagawa ang ibang mga tao na maging mabunga?”.

Magbunyi kasama ang Herusalem ng Langit, malugod kasama siya, kayong lahat na nagmamahal sa Panginoon! Magbunying kasama siya, kayo na naghihintay, umaasa at naghihirap!!

O! Bumalik kayo sa Akin, mga salita! Mga salitang binigkas ng Salita ng Diyos. Mga salitang binigkas ng bunganga ng Diyos: si Isaiah, Kanyang propeta.  Bumalik sa Pinagmumulan, o eternal na mga salita, upang maikalat sa taniman-ng-mga-bulaklak ng Diyos, sa kawan na ito, sa supling na ito! O! Halikayo! Ito ang isa sa mga oras at sa mga pagpupulong para kung saan kayo ay ibinigay, o propetikong mga salita, mga tunog ng pagmamahal at mga tinig ng katotohanan! Naririto sila! Sila ay bumabalik sa Kanya Na nagpapasigla sa kanila! Inuulit Ko na sila ngayon, sa ngalan ng Ama, ng Aking Pagiging, at ng Espiritu, sa mga taong ito na minamahal ng Diyos, pinili sa pagitan ng kawan ng Diyos, na kailangan na naglalaman lamang ng mga kordero, at naparumi ng mga lalaking tupa at higit pa ng iba pang di-malinis na mga hayop. Kayo ay pasususuhin at bubusugin mula sa dibdib ng Dibinong Konsolasyon at malalasahan ninyo nang may-kasiyahan ang sari-saring kaluwalhatian ng Diyos.

Ang Panginoon ay nagsasabi sa inyo: Magpapadala Ako patungo sa inyo ng dumadaloy na kapayapaan, katulad ng isang ilog, at katulad ng isang ilog na nasa pagbaha, isang mas malaking kaluwalhatian kaysa sa kaluwalhatian ng mga nasyon. Ang kaluwalhatian ng Langit ay babahain kayo. Sususuhin ninyo ito, karga kayo sa Kanyang dibdib at kayo ay kakarinyuhin sa Kanyang lapi. Oo, katulad na hinahagpus ng isang ina ang kanyang sanggol, katulad na hinahagpus Ko ang maliit na batang ito, kung kanino Aking ibinigay ang Aking pangalan (at si Jesus ay kinuha ang maliit na si Jesai mula sa mga bisig ng kanyang ina, na halos nasa Kanyang paanan kasama ang kanyang tatlong anak), ganyan Ko rin pagiginhawahan kayo na nagmamahal sa Akin at patuloy pang magmamahal sa Akin at kayo ay malapit nang paginhawahan magpakailanman sa Aking Kaharian. Makikita ninyo ito at kayo ay masisiyahan, at ang inyong mga buto ay manunumbalik katulad ng sariwang mga damo, kayo na malaya sa takot sapagkat kayo ay tapat sa Akin, kapag ang Panginoon ay dumating sa loob ng isang karwahe ng apoy katulad ng isang ipu-ipo upang pasundin ang mga kaluluwa sa apoy ng pagmamahal at katarungan, upang parusahan o papurihan, inihihiwalay ang mga kordero mula sa mga lobo, ibig sabihin, mula sa mga nag-aakala na pinababanal nila ang kanilang mga sarili at nagiging puro, samantalang sila ay nagiging mga idolatra.

Ang Panginoon Na ngayon ay umaalis, ay babalik at pinagpala ang Kanyang matatagpuan na mga nagpupursige hanggang sa katapusan. Ito ang Aking pagpapaalam at Aking pagpapalà. Lumuhod na sana kayo ay Aking mapalakas sa pamamagitan nito. Harinawang ang Panginoon ay pagpalain kayo at protektahan kayo. Harinawang ipakita Niya sa inyo ang Kanyang mukha at kaawaan kayo. Harinawang ibigay ng Diyos sa inyo ang Kanyang kapayapaan. Humayo! Pahintulutan Akong makapagpaalam sa mabubuting tao sa pagitan ng mabuting mga mamamayan ng Juttah.»

Ang mga tao ay umaalis nang nag-aalinlangan. Ngunit nang ang isang batang lalaki ay ang umunang nagsabi: «Panginoon, pahintulutan akong halika ko ang Inyong kamay», at si Jesus ay pumayag, ang lahat ay ibig na mahalikan ang banal na katawan ng Kordero ng Diyos,  at ang mga nakaalis na patungo sa nayon, ay bumalik, at ang mga bata ay hinahalikan ang Kanyang mga pisngi, ang matatanda hinahalikan ang Kanyang mga kamay, ang mga babae ang Kanyang walang-saplot na mga paa sa lupa, umiiyak at bumibigkas ng mga salita ng pagpapaalam at mga pagpapalà.

Si Jesus ay tinatanggap silang matiyaga at nagpapaalam sa bawat isa.

Sa wakas silang lahat ay napagbigyan... Tanging ang mapag-arugang pamilya na lamang ang naiiwan... At sila ay nag-ipun-ipon sa paligid ni Jesus. At si Sarah ay nagsabi: «Talaga bang hindi na Kayo babalik ulit?»

«Hindi, babae. Hindi na muli. Ngunit hindi tayo magkakahiwalay. Ang Aking pagmamahal ay laging makakasama mo at ng iyong pamilya, at ang iyo makakasama Ko. Hindi mo Ako makakalimutan. Ngunit sasabihin Ko sa iyo: kahit na sa loob ng nakakatakot na mga oras na siyang darating, huwag arugain ang Kasinungalingan, at huwag kahit na isang panauhin na dumaraan o isang biglaang mananalakay... ibigay mo sa Akin ang bata, Sarah.»

Ang babae ay iniabot ang bata sa Kanya at si Jesus ay naupo sa damuhan kasama ang bata sa Kanyang lapi at Siya ay nagsasalita na ang Kanyang ulo nakayuko sa ulo ng maliit na bata: «Laging tandaan na Ako ang Kordero, Na itinuro sa iyo ni Isaac na mahalin kahit bago mo pa man Ako makilala. At na ang isang kordero ay laging inosente, katulad ng batang ito, kahit na kung binalot nila ito sa balat ng isang lobo upang magmukha itong isang gumagawa-ng-masama. Tandaan na Ako ay mas inosente pa kaysa sa batang ito... na, masuwerteng tao! na dahil sa kanyang inosensiya at edad ay hindi maiintindihan ang paninirang-puri ng mga tao tungkol sa kanyang Panginoon at, kung gayon, hindi mababalisa nito... at patuloy niya Akong mamahalin nang ganyan... katulad ngayon... Magkaroon ng mga pusong katulad ng kanya, para sa Kordero, sa Kaibigan, sa Inosenteng Isa, sa Tagapagligtas, , Na nagmamahal sa inyo at nagpapalà sa inyo sa bawat napakaespesyal na pamamaraan. Paalam, Maria! Halika at bigyan Ako ng isang halik... Paalam, Immanuel! Halika rin dito... Paalam, Jesai, maliit na kordero ng Kordero... Maging mabuti... Mahalin Ako...»

«Umiiyak ba Kayo, Panginoon?» tanong ng maliit na batang babae na nagtataka nakikita ang isang luha nagniningning sa ulo ni Jesai.

«Umiiyak ba Siya?» tanong ng asawa ni Sarah.

«Umiiyak ba Kayo, Guro! Bakit?» tanong ng babae.

«Huwag malungkot sa Aking mga luha. Sila ay pagmamahal at pagpapalà... Paalam, Sarah. Paalam, lalaki. Halikayo, katulad ng iba, upang halikan ang iyong umaalis na Kaibigan...» at pagkatapos na mahalikan ng dalawa ang Kanyang mga kamay, inilagay ni Jesus ang bata sa mga bisig ng kanyang ina. Nagpapalà Siyang muli at pagkatapos nagsimula Siyang bumaba nang mabilis sa daan din na Kanyang inakyatan.

Siya ay sinusundan ng pagpapaalam na mga salita ng mga naiwan: ng malalim na tinig ng lalaki, ng naantig na tinig ng babae, ng matiling mga iyak ng mga bata, hanggang sa paanan ng burol. Pagkatapos tanging ang ilog na lamang, na nilalakaran Niya nang pasalubong pagawing hilaga, ang bumabati sa Guro, Na iniiwanan ang lupain ng Juttah nang wala nang pagbalik.

251010

 



Sunod na kabanata