396. Ang Pagpapaalam sa Hebron.

Marso 7, 1946.

At naririto ang Hebron sa gitna ng mga bundok natatakpan ng mga kakahuyan at mga parang. Sa pagpasok sa bayan si Jesus ay binabati ng mga sigaw ng hosana ng mga unang tao na nakakita sa Kanya, ang iba nito ay tumakbo upang ibigay ang balita sa buong nayon. Ang pangulo ng sinagoga, ang mga mahimalang napagaling nang nakaraang taon at ang kilalang mga tao, ay lahat nagmamadali patungo sa Kanya. Ang lahat ay gustong makuha ang Panginoon bilang kanilang panauhin.

Ngunit si Jesus, pinasasalamatan silang lahat, ay nagsabi: «Ako ay titigil lamang nang sapat na tagal na makapagsalita sa inyo... Kung kaya't tayo na sa abang banal na bahay ni Juan Bautista, upang sana makapagbigay-galang din Ako doon... Iyon ay ang lupa ng mga himala. Hindi ninyo nalalaman.»

«O! Nalalaman namin, Guro. Ang mga taong napagaling ay nasa pagitan namin!...» marami ang nagsasabi

«Matagal pa bago ang nakaraang taon iyon ay ang lupa ng mga himala. Ang unang-una ay tatlumpu’t tatlong taon na ang nakararaan, nang ang Grasya ng Panginoon ay binuhay ang tuyong sinapupunan upang gawin iyon na isang punungkahoy na nagbunga ng matamis na mansanas ng Aking Prekursor. At tatlumpu’t dalawang taon na ang nakararaan, nang sa pamamagitan ng misteryosong gawain, pinabanal Ko siya bago pa siya ipanganak, habang siya at Ako ay dalawang mga bunga na lumalaki sa malalim na mga sinapupunan. At pagkatapos muli, nang kinalagan Ko ang dila ng ama ni Juan. Ngunit ang isang malaking himala nang nakaraang dalawang taon, na wala sa inyo ang nakaaalam, ay kailangan na maidagdag sa lihim na mga gawa ng hindi-pa naipanganganak na Nagkatawang-tao. Naaalaala ba ninyo ang babaeng nakatira noon doon?...»

«Sino? Si Aglae?» tanong ng marami.

«Oo. Binuhay Ko siyang muli, hindi ang kanyang sinapupunan, bagkus ang kanyang kaluluwa natuyo ng paganismo at ng kasalanan, at ginawa Ko siyang mabunga sa katarungan, pinalalaya siya mula sa mga nagpapabigat sa kanya, dahil Ako ay natulungan ng kanyang mabuting kalooban. At Akin siyang iminumungkahi sa inyo bilang isang modelo. Huwag maiskandalo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na siya ay kailangan na itaas bilang isang halimbawa na kailangan na gayahin, sapagkat kakaunting mga tao sa Israel ang nakaabot sa layo na narating ng pagano at makasalanan upang maabot ang mga pinanggagalingan ng Diyos.

«Akala namin siya ay umalis kasama ang iba pang mga mangingibig... Ilang mga tao ang nagsabi na siya ay nagbago at naging mabuti... Ngunit sinabi namin: “Iyon ay kapritso niya!”. May ilang mga tao rin na nagsabi na siya ay pumunta sa Inyo... upang magkasala...» paliwanag ng pangulo ng sinagoga.

«Siya ay pumunta nga sa Akin. Ngunit upang matubos.»

«Nakagawa kami ng kasalanan ng padalus-dalos sa paghuhusga...»

«Iyan kung bakit sinasabi Ko: “Huwag manghusga”.»

«At nasaan na siya ngayon?»

«Diyos lamang ang nakaaalam. Siya ay tiyak na gumagawa ng mahigpit na pagtitika. Magdasal upang masuportahan siya... Sinasaluduhan Ko kayo, o banal na bahay ng Aking Kamag-anak at Prekursor! Kapayapaan sa iyo! Bagama't ngayon ikaw ay nag-iisa na lamang at nangungulila, harinawang ang kapayapaan ay laging mapasaiyo, o banal na tirahan ng kapayapaan at pananampalataya!» Si Jesus ay pumasok, pinagpapala ang hardin, na naging mabangis at naglalakad Siya sa minsan ay lugar ng mga balag o ng malinis na laurel o kahon ng mga pakapitan at ngayon ay gusot na mga tumpok ng mga halaman nasisiil ng mga nangungunyapit na baging, ng mga clematis at mga convolvuli. Pumunta Siya sa dulo, kung saan naroroon ang labí ng sepulkro, at tumigil doon.

Ang mga tao ay nagsisiksikan sa paligid Niya nang tahimik at may-kaayusan.

«Mga anak ng Diyos, sambayanan ng Hebron, makinig! Ako ay naparito upang pagtibayin at palakasin kayo sa inyong pananampalataya, upang kayo ay hindi sana mabalisa at maloko sa paghusga sa inyong Tagapagligtas, katulad na kayo ay naging ganito tungkol sa babaeng nanirahan sa kasalanan dito. Ako ay naparito upang ibigay sa inyo ang biyatiko ng Aking salita, upang ito ay sana suminag nang maningning sa inyo sa oras ng kadiliman at si Satanas ay sana hindi kayo magawang mawala ninyo ang daan patungo sa Langit.

Bago magtagal ang inyong mga puso ay inuungol ang mga salita ng salmo ni Asaph, ang makatang propeta, at sasabihin ninyo: “Bakit, o Diyos tinanggihan Ninyo kami nang tuluyan? Bakit nagngangalit Kayo sa kawan na madalas Ninyong ipastol?”, at pagkatapos talagang magagawa ninyong itaas ang napangyari nang Panunubos bilang isang karapatan ng proteksiyon, at kayo ay sisigaw: “Ito ay ang Inyong sambayanan na Inyong tinubos!” upang makapanawagan ng proteksiyon laban sa mga kaaway, na makagagawa ng lahat ng uri ng kasamaan sa totoong Santuwaryo kung saan naroroon ang Diyos katulad sa Langit, sa Kristo ng Panginoon, at pagkatapos na palupaypayin ang Banal na Isa, magsisikap silang mabuwag ang Kanyang pader: ang mga naniniwala sa Kanya. Totoong mga tagapaglapastangan at mang-uusig ng Diyos, malalà pa kaysa kay  Nebuchadnezzar at kay Antiochus at sa lahat na mga mang-uusig sa hinaharap, itinataas na nila ang kanilang mga kamay upang patumbahin Ako sa kanilang walang-limitasyon na pagmamalaki, na ayaw na mapabalik-loob sa Diyos at ayaw na magkaroon ng pananampalataya, karidad, katarungan, at katulad ng lebadura sa isang tumpok na harina, ito ay mamamaga at aapaw mula sa Santuwaryo, na naging ang muog ng mga kaaway ng Diyos.

Mga anak, makinig! Kapag kayo ay kanilang uusigin para sa pagmámahal ninyo sa Akin, palakasin ninyo ang inyong mga puso iniisip na Ako ay inusig bago kayo. Tandaan na mayroon na sila sa kanilang mga lalamunan ng mga paghagulhol na sigaw ng pananagumpay, at naghahanda na sila ng mga watawat upang iwagayway sa oras ng pananalo, at sa bawat watawat ay magkakaroon ng isang kasinungalingan laban sa Akin, at Ako ang lalabas na tila ang Natalong Isa, ang Tagagawa ng Masama, ang Isinumpang Isa.

Iniiling ba ninyo ang inyong mga ulo? Hindi ba kayo naniniwala sa Akin? Ang inyong pagmamahal ay pinipigilan kayo sa paniniwala... Ang pagmamahal ay isang dakilang bagay! Isang dakilang lakas... at isang malaking panganib! Oo, panganib. Ang bagsak ng mga katotohanan sa oras ng kadiliman ay magiging marahas sa isang mahigit-pa-sa-taong paraan sa mga puso na nagmamahal, hindi pa perpektong naitatag, mga bulag. Hindi kayo makapaniniwala na Ako, ang Hari, ang Makapangyarihan na Isa, ay maaaring mapasa-kamay ng mga wala-naman. Higit sa lahat, hindi ninyo magagawang mapaniwalaan ito pagkaraan, at ang pagdududa ay tataas: “Siya nga ba iyon talaga? At kung Siya nga iyon, papaano Siya matatalo?”.

Palakasin ang inyong mga puso para sa oras na iyon. Alalahanin na kung “sa isang sandali” ang mga kaaway ng Banal na Isa ay mabuwag nila ang mga pinto, ginigiba ang lahat, at pinaapoy ang poot sa Salita ng Diyos, kung mabuwag nila ang Tabernakulo ng Kabanalbanalang Pangalan, nagsasabi sa kanilang mga puso: “Ating patigilin ang lahat na mga kapistahan ng Diyos sa Lupa”, sapagkat isang kapistahan ang  makasama ang Diyos sa pagitan ninyo, at nagsasabing: “Gawin ang Kanyang insigniya na hindi na muling makita, gawing walang propeta ang nakaaalam kung ano tayo”, Siya na nagbigay ng mga hangganan sa dagat at dumurog sa maruming mga ulo ng sagradong mga buwaya at ng kanilang mga tagapagsamba sa mga tubig, Siya na nagbukas sa mga bukal at sa  mga umaagos na tubig at nagpatuyò sa walang-pagkaubos na mga ilog, Siya na siyang sinusunod ng araw at ng gabi, ng tag-init at ng tagsibol, ng búhay at ng kamatayan, ng lahat, ay gagawin Niyang makabangon nang mabilis ang Kanyang Kristo, kahit mas mabilis pa, katulad sa ito ang nakasulat, at Siya ay magiging ang Hari magpasawalanghanggan. At ang mga naging matatag sa kanilang pananampalataya ay maghaharing kasama Siya sa Langit.

Tandaan iyan. At kapag nakita ninyo Akong itinaas at hinahamak, huwag mag-urong-sulong. At kapag kayo ay itinaas at kinamumuhian, huwag mag-urong-sulong

O! Ama! Aking Ama! Sa katauhan ng mga taong ito, na mahal sa Inyo at sa Akin, nakikiusap Ako sa Inyo. Pakinggan ang Aking Salita, makinig sa Tagapagpayapa! Huwag iwanan sa mababangis na hayop ang mga kaluluwa ng mga pumupuri sa Inyo sa pagmámahal sa Akin, huwag magpakailanman kalimutan ang mga kaluluwa ng Inyong maliliit na anak. Alalahanin ang Inyong mga pangako, o mabuting Diyos, sapagkat ang madidilim ng lugar ng Lupa ay mga pugad ng kasamaan mula kung saan ang takot ay lumalabas upang takutin ang Inyong maliliit. Ama! O! Aking Ama! Huwag pabayaan ang mapagpakumbaba na umaasa sa Inyo na umalis nang lito! Gawin ang mahihirap at ang mga nangangailangan na purihin ang Inyong Pangalan dahil sa tulong na ibibigay Ninyo sa kanila! Bumangon, o Diyos! Nakikiusap Ako sa Inyo para sa oras na iyon, para sa mga oras na iyon! Bumangon, o Diyos! Alang-alang sa sakripisyo ni Juan at sa kabanalan ng Inyong mga Patriyarka at mga propeta! Alang-alang sa Aking sakripisyo, o Ama, ipagsanggalang ang kawan na ito Ninyo at Akin! Pagkalooban sila ng liwanag sa kadiliman, pananampalataya at lakas laban sa mga manunukso! Ipagkaloob sa kanila ang Inyong Sarili, Ama! Ibigay sa kanila ang Ating Sarili, ngayon, bukas at lagi, hanggang sa makapasok sila sa Inyong Kaharian! Gawin Tayong nasa kanilang mga puso hanggang sila ay nasa kinaroroonan natin magpasawalanghanggan. Amen.»

At sa dahilan na walang mga himala na kailangang gawin, si Jesus ay naglalakad sa gitna ng halos nagtatalik-sa-galak na pulutong pinagpapala ang Kanyang mga tagapakinig isa-isa. At Kanyang pinagpapatuloy ang Kanyang paglalakbay sa loob ng sikat ng araw, na mataas na ngunit nagagawang matitiis ang init nito dahil sa madadahon na mga punungkahoy at sa malamig na hangin ng bundok.

Sa likuran Niya, sa isang grupo, ang mga apostol ay nagsasalita. Sila ay nagsasalita sa isa’t-isa nang nananabik.

«Anong mga sermon! Nagagawa ang isa na mangaligkig!» sabi ni Bartolomeo.

«Ngunit gaanong napakalungkot ang mga iyon! Nagagawa ka nilang umiyak!» sabi ni Andres na may buntung-hininga.

«Eh! Iyon ay ang Kanyang pagpapaalam. Tama ako. Siya ay totoong kumikilos nga patungo sa Kanyang trono» bulalas ni Judas Iskariote.

«Trono! H’m! Sa palagay ko ang tinutukoy Niya ay ang mga pang-uusig kaysa ang mga parangal!» wika ni Pedro.

«Hindi kailanman! Ang panahon ng mga pang-uusig ay tapos na! Ah! Ako ay masaya!» sigaw ng Iskariote.

«Masuwerte ka! Gusto kong makabalik sa mga araw kung saan tayo ay hindi kilala, nang dalawang taong nakaraan... o sa Clear Water... Nanginginig akong iniisip ang mga darating na araw...» sabi ni Juan.

«Sapagkat ikaw ay mahina ang loob... Ngunit ako! Nakikita ko na ang hinaharap... Mga prusisyon!... Mga manganganta!... Mga taong nakapatirapa!... Pagpaparangal ng ibang mga bansa!... O! Panahon na! Ang mga kamelyo ay totoong darating mula sa Midian at mga pulutong mula sa kung saan-saan... at magkakaroon ng multitud... hindi lamang ang tatlong abang mga Mago... Ang Israel kasing dakila ng Roma... Mas dakila pa sa Roma... Ang kaluwalhatian ng mga Macabeo, ni Solomon... ang lahat na mga kaluwalhatian ay malalampasan... Siya... ang Hari ng mga hari... at tayo... Kanyang mga kaibigan... O! Kataastaasang Diyos! Sino ang magbibigay sa akin ng lakas para sa oras na iyan?... Sana ang aking ama ay nabubuhay pa!...» si Judas ay galak-na-galak. Siya ay maningning pinananawagan ang hinaharap na kanyang pinapangarap na pamumuhayan.

Si Jesus ay malayo sa unahan. Ngunit Siya ay tumigil. Ang hinaharap na hari ayon kay Judas, ay nauuhaw at sumasalok sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay ng ilang tubig mula sa maliit na agos ng tubig, at umiinom... katulad ng isang ibon o isang nanginginain na kordero.  Pagkatapos Siya ay tumalikod at nagsabi: «May ilang ligaw na mga prutas doon. Mamitas tayo ng ilan upang masiyahan ang ating gana...»

«Nagugutom ba Kayo, Guro?» tanong ng Zealot.

«Oo, nagugutom Ako» pangungumpisal ni Jesus nang mapagpakumbaba.

«Hindi kataka-taka! Ibinigay Ninyo ang lahat sa kaawa-awang sawing-palad na iyon kagabi!» bulalas ni Pedro.

«Ngunit bakit hindi Ninyo ginustong tumigil sa Hebron?» tanong ni Felipe.

«Sapagkat tinatawag Ako ng Diyos sa ibang lugar. Hindi ninyo nalalaman.»

Ang mga apostol ay ikinibit ang kanilang mga balikat, at nagsimulang mamitas ng maasim na prutas ng mga ligaw na tanim nakakalat sa mga dalisdis ng bundok. Nagmumukha itong mga munting layas na mansanas. At ang Hari ng mga hari ay kumakain nito kasama ang kanyang mga kasamahan, na napapangiwi dahil sa kaasiman ng hilaw na prutas. Si Jesus, nakalubog sa pag-iisip, ay kumakain at ngumingiti.

«Halos ginagalit Ninyo ako!» bulalas ni Pedro.

«Bakit?»

«Sapagkat maaari Kayong naging komportable at ang mga mamamayan ng Hebron ay naging masaya sana, sa halip sinisira Ninyo ang Inyong sikmura at mga ngipin sa pamamagitan ng lason na ito, na mas mapait at maasim pa kaysa sa damong nilagyan ng  asido.»

«O! Naririyan kayo na nagmamahal sa Akin! Kapag Ako ay itinaas na at Ako ay nagugutom at nauuhaw, iisipin Ko na may paghahanap na mithiin ang tungkol sa oras na ito, ang tungkol sa pagkain na ito, ang tungkol sa inyo na ngayon ay nakakasama Ko, at mga pagkatapos ay...»

«Ngunit Kayo ay hindi magugutom o mauuhaw pagdating niyan! Ang isang hari ay nasa kanya ang lahat! At kami ay malálapit pa nang lalo sa Inyo!» bulalas ng Iskariote.

«Iyan ang sinasabi mo.»

«At sa Inyo bang palagay iyan ay hindi mangyayari, Guro?» tanong ni Bartolomeo.

«Hindi, Bartolomai. Noong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos, ang bunga niyon ay maasim na ang sinuman na kumain niyon, ay masusunugan ng kanyang dila at lalamunan... Ngunit ang maasim na prutas ng isang puno ng igos o ng mga tanim na ito ay mas matamis pa kaysa sa isang bahay ng pukyutan kompara sa kung ano ang Aking magiging pagtaas... Tayo na...» at Siya ay lumakad na muli, sa unahan ng lahat, nagninilay, habang ang mga apostol sa likuran Niya ay bumubulong...

261010



Sunod na kabanata