397. Ang Pagpapaalam sa Bethzur.

Marso 9, 1946.

Halos hindi pa pagsikat-ng-araw nang ang walang-kapagurang mga naglalakad ay nakarating sa lugar kung saan matatanaw na ang Bethzur. Pagod na katulad nila, na ang kanilang mga damit gusot pagkatapos ng di-komportableng pagpapahinga sa isang kakahuyan, tinitingnan nila ngayon ang malapit-nang bayan nang may lugod, dahil nakatitiyak sila na sila ay makakakita ng pag-aruga doon.

Ang mga magbubukid na papunta sa pagtatrabaho ay ang unang nakakita kay Jesus, at mabuting naisip nila na kalimutan muna ang kanilang trabaho at bumalik sa bayan upang makinig sa Guro. At ang ilang mga pastol ay ganyan din ang ginawa pagkatapos na makapagtanong kung Siya ay titigil sa bayan.

«Aalis Ako sa Bethzur sa gabi» tugon ni Jesus.

«At babalik ba Kayo upang magsalita, Guro?»

«Sigurado.»

«Kailan?»

«Kaagad.»

«May mga kawan kami... Hindi ba Kayo maaaring magsalita rito, sa kabukiran? Ang mga tupa ay manginginain at hindi namin mapapalampas ang Inyong salita.»

«Sundan ninyo Ako. Magsasalita Ako sa mga pastulan hilaga ng bayan. Kailangan Kong makita muna si Eliza.»

Sa pamamagitan ng kanilang mga patpat ginawa ng mga pastol na bumalik ang mga tupa at sinusundan nila ang mga lalaki kasama ang kanilang nagmimeek na mga kawan. Dumaan sila sa loob ng bayan.

Ngunit ang balita ay nakarating na sa bahay ni Eliza. At sa loob ng liwasan bago ang bahay na si Eliza at si Anastasica ay nagbigay ng kanilang pagpipitagan ng mga disipulo sa Guro, Na nagpapalà sa kanila.

«Halikayo sa loob ng aking bahay, Panginoon. Inalisan Ninyo ito ng kasawian at ngayon ang mga naninirahan at ang lahat na nasa loob nito ay ibig na maging kaginhawahan para sa Inyo» sabi ni Eliza.

«Oo, Eliza. Ngunit nakikita mo ba kung gaano karami ang mga taong sumusunod sa amin? Magsasalita na Ako ngayon sa lahat at pagkaraan, pagkatapos ng ikatlong oras, Ako ay paparito at titigil sa iyong bahay, at Ako ay aalis sa gabi. At makapagsasalita tayo sa isa’t isa...» nangangako si Jesus upang mapaginhawahan si Eliza, na umaasa na Siya ay makapananatili nang matagal-tagal at kung gayon nagmumukhang bigo naririnig ang mga intensiyon ni Jesus.

Ngunit si Eliza ay isang mabuting disipulo at hindi tumututol. Humihingi lamang siya ng kapahintulutan na makapagbigay ng mga tagubilin sa mga katulong, bago sundan si Jesus. At ginagawa niya ito nang mabilis. Siya ay ibang-iba sa di-makakilos na babae noong nakaraang taon...

Si Jesus ay nakatayo sa loob ng isang malaking parang kung saan ang mga sinag ng araw ay malugod na lumulusot sa magagaang dahon ng mga puno ng kakahuyan, na, kung hindi ako nagkakamali, ay mga “ash-trees”, at may pinagagaling siyang isang batang lalaki at isang matanda, ang una ay naghihirap sa kung anong sakit sa loob ng katawan, ang huli gawa ng isang problema sa mata. Walang ibang may-sakit na tao, at si Jesus ay pinagpapala ang maliliit na bata na iniaalay ng kanilang mga ina, habang matiyagang naghihintay para kay Eliza at kay Anastasica. Dumating sila sa wakas.

Si Jesus ay nagsimula kaagad na magsalita.

«Sambayanan ng Bethzur, makinig. Noong nakaraang taon sinabi Ko sa inyo kung ano ang dapat gawin upang makuha ang Kaharian ng Diyos. Ibig Ko ngayong pagtibayin ito, upang hindi mawala sa inyo kung ano ang inyong kinita. Ito ang huling pagkakataon na ang Guro ay magsasalita sa Inyo nang ganito, sa loob ng isang pagpupulong kung saan ay walang nawawala. Pagkaraan nito baka makita Ko kayo nang di-sinasadya, nang paisa-isa, o sa isang maliit na grupo, sa mga daan ng ating makalupang amangbayan. Pagkatapos, sa mas matagal pa, makikita Ko kayo sa loob ng Aking Kaharian. Ngunit ito ay hindi kailanman magiging katulad nito.

Sa hinaharap kayo ay sasabihan ng maraming mga bagay tungkol sa Akin, laban sa Akin, tungkol sa inyong mga sarili at laban sa inyong mga sarili. Sisikapin nila na takutin kayo. Sasabihin Ko sa inyo kasama si Isaiah: huwag matakot, dahil natubos Ko na kayo at tinawag Ko kayo sa pangalan. Tanging ang mga nag-abandona lamang sa Akin, ay may dahilan para matakot. Hindi ang mga, na bilang matatapat, ay Akin. Huwag matakot! Kayo ay Akin at Ako ay sa inyo. Hindi ni ang mga tubig ng mga ilog, o ang apoy ng sunugán na krus, o ang mga bato, o ang mga espada ang makapaghihiwalay sa inyo mula sa Akin, kung kayo ay magpupursige sa Akin, sa kabaligtaran, ang apoy, tubig, mga espada at mga bato ay isasama kayo sa Akin nang lalu’t lalo pa at kayo ay magiging katulad Ko at tatanggap ng Aking gantimpala. Makakasama ninyo Ako sa mga oras ng pagpapahirap, sa inyong mga pagsubok, makakasama ninyo Ako hanggang sa oras ng kamatayan; at pagkatapos wala nang makapaghihiwalay sa atin.

O! Aking sambayanan! Sambayanang Aking tinawag at inipon, na Aking tatawagin at iipunin nang mas lalo pa kapag Ako ay naitaas na, kinukuha ang lahat patungo sa Akin, o piniling sambayanan, banal na sambayanan, huwag matakot sapagkat Ako ay kasama ninyo at makakasama ninyo, hindi lang yang, bagkus, binibigay Ko na sa inyo ngayon, ang utos na magsalita sa hilaga, sa timog, sa silangan at sa kanluran, upang gawin ang lahat na maging ang mga anak ng Diyos, ang mga nasa pinaka-malalayong mga hangganan din ng mundo, upang ang lahat ay makilala Ako bilang kanilang Hari at mapanawagan Ako sa pamamagitan ng Aking totoong Pangalan, at sana makasalo sila sa kaluwalhatian para kung saan sila nilikha at sila'y sana maging ang kaluwalhatian Niya Na naglikha sa kanila at nagperpekto sa kanila. Sinasabi ni Isaiah na ang mga tribu at mga nasyon ay mananawagan ng mga saksi ng Aking kaluwalhatian upang maniwala. At saan Ako makakakita ng mga saksi kung ang Templo at ang Maharlikang Palasyo, at ang malalakas na lipì ay kinapopootan Ako at nagsisinungaling sapagkat ayaw nilang sabihin na Ako ay kung Sino nga Ako? Saan Ko sila makikita? Naririto, Aking Diyos, ang Aking mga saksi! Ang mga taong ito kung kanino Ko itinuro ang Batas, na ang kaninong mga katawan at kaluluwa ay Aking pinagaling, na dati mga bulag at ngayon nakakakita, dati mga bingi at ngayon nakakarinig, dati mga pipi at ngayon nabibigkas ang Inyong Pangalan, ito na mga nasisiil at napalaya, ang lahat na mga taong ito kung kanino ang Inyong Salita ay naging Liwanag, Katotohanan, Daan at Búhay. Kayo ang Aking mga saksi, mga katulong na pinili Ko na sana kayo ay makaintindi at maniwala at makaalam na ito ay Ako.

Ako ang Panginoon, ang Tagapagligtas. Paniwalaan iyan para sa inyong kabutihan. Maliban sa Akin wala nang iba pang Tagapagligtas. Paniwalaan iyan maging ano pa man ang pantao o makadimonyong mga parunggit. Kalimutan ang lahat na iba pang maaaring sinabi sa inyo ng isang bunganga na hindi Akin at naiiba sa Aking salita. Tanggihan ang lahat na iba pang maaaring sabihin sa inyo sa hinaharap. Sa sinuman na gusto kayong itakwil ninyo ang Kristo sabihin: “Ang Kanyang mga gawa ay nagsasalita sa aming mga kaluluwa” at magpursige sa inyong pananampalataya. Malaking labis ang Aking ginawa upang mabigyan kayo ng isang walang-takot na pananampalataya. Pinagaling ko ang inyong mga maysakit at pinaginhawahan Ko ang inyong mga kapighatian, tinuruan Ko kayo nang katulad ng isang mabuting Guro, nakinig Ako sa inyo katulad ng isang Kaibigan, naghati Ako ng tinapay nang kasama kayo at bumahagi sa inyong inumin. Ngunit iyon ay mga gawain pa rin ng isang santo at ng isang propeta. Ngunit gagawa Ako ng mas malaki at mga gawain na mag-aalis sa bawat pagdududa na maaaring itaas ng kadiliman, katulad na ang ipu-ipo ay nagtataas ng mga ulap ng bagyo sa maliwanag na kalangitan ng tag-init. Gawing makaraan ang ulap nang kayo ay nananatiling matatag sa inyong pagmamahal para sa inyong Jesus, para sa Jesus na ito Na umalis sa Ama upang pumunta at iligtas kayo at magbibigay ng Kanyang búhay upang mabigyan kayo ng Kalusugan.

Kayo, na Aking minahal at minamahal pa rin nang higit pa sa Aking Sarili, sapagkat wala nang hihigit na pagmamahal kaysa sa isinasakripisyo ang sarili para sa mga minahal ng isa, ay kailangan na huwag maging mas mababa pa kaysa sa mga tinawag ni Isaiah sa kanyang hula na mababangis na hayop, mga dragon at mga ostrich, ibig sabihin, mga hentil, mga idolatra, mga pagano, di-malilinis na tao. Sapagkat kung sa pamamagitan Ko Mismo masaksihan Ko ang kapangyarihan ng Aking pagmamahal at ng Aking Kalikasan, tinatalo ang Kamatayan sa pamamagitan Ko Mismo - na isang bagay na mapatutunayan at walang sinuman ang makapagpapasinungaling, maliban na lang kung ang isa ay nagkatawang-taong kasinungalingan – sasabihin nila: “Siya ay ang Anak ng Diyos!” at napangingibabawan ang mga hadlang, na tila hindi mapangingibabawan, ng siglu-siglo ng maruming paganismo, ng kadiliman, ng bisyo, sila ay pupunta sa Liwanag, sa Pinagmumulan, sa Búhay. Huwag maging katulad ng marami sa Israel na hindi naghahandog sa Akin ng mga holokausto, na hindi nagpaparangal sa Akin sa pamamagitan ng mga sakripisyo, sa kabaligtaran pinamomroblema nila Ako sa pamamagitan ng kanilang mga pagkawalang-katarungan at binibiktima nila Ako sa pamamagitan ng kanilang matitigas na puso, at sa Aking nagpapatawad na puso sila ay tumutugon sa pamamagitan ng kanilang may-panlolokong kapootan, na nagpapasamâ sa sitwasyon upang Ako ay bumagsak at sa gayon makapagsabi sila: “Kita ninyo? Siya ay bumagsak sapagkat hinampas Siya ng Diyos.»

Mga mamamayan ng Bethzur, maging malakas. Mahalin ang Aking salita, sapagkat ito ay totoo, at mahalin ang Aking Tanda, sapagkat ito ay banal. Harinawang ang Panginoon ay laging makasama ninyo at makasama sana ninyo ang mga lingkod ng Panginoon, lahat sama-sama, upang ang bawat isa sa inyo ay sana nasa kung saan Ako patutungo at ang eternal na tirahan ay sana magawa sa Langit para sa lahat na, pagkatapos na mapangibabawan ang kahirapan at mapanalunan ang labanan, namatay sa Panginoon at tumaas sa Panginoon magpasawalanghanggan!»

«Panginoon, ano ang ibig Ninyong sabihin? May mga sigaw ng pananalo at mga sigaw ng kapighatian sa Inyong mga salita!» sabi ng ilan na mga mamamayan.

«Oo. Katulad Ninyo ang isang napalilibutan ng kanyang mga kaaway» wika ng ibang mga tao.

«At halos pinahihiwatig Ninyo na kami ay magiging ganyan din» sabi ng iba pa.

«Ano ang nasa Inyong hinaharap, Panginoon?» tanong ng ilan.

«Kaluwalhatian!» sigaw ni Judas ng Kerioth.

«Kamatayan!» bulong ni Eliza nagbubuntung-hininga at umiiyak.

«Panunubos. Ang katuparan ng Aking misyon. Huwag matakot. Huwag umiyak. Mahalin Ako. Masaya Ako na maging ang Tagapagtubos. Halika, Eliza. Pumunta tayo sa iyong bahay...» at Siya ang unang lumakad, nakikipagsiksikan sa pulutong, na nababalisa ng nag-iiba-ibang mga emosyon.

«Ngunit bakit, Panginoon, lagi Kayong nagbibigay ng ganyang mga talumpati?» tanong ni Judas pabulung-bulong at naninisi.. At dagdag pa niya: «Hindi iyan bagay sa isang hari.»

Si Jesus ay hindi tumutugon sa kanya. sa halip Siya ay tumutugon sa Kanyang pinsan na si Santiago na nagtatanong sa Kanya, nang may mga luha sa kanyang mga mata: «Kapatid, bakit lagi Mong binabanggit ang mga sipi sa Bibliya sa Iyong pagpapaalam na mga talumpati?»

«Upang ang mga nag-aakusa sa Akin ay hindi sana magsabi na nagsasalita Ako ng mga walang-katuturan o Ako ay nanlalapastangan, at ang mga ayaw na tumanggap sa katotohanan ng mga pangyayari ay sana mabatid na mula sa simula’t simula ang Pagbubunyag ay lagi Akong pinakikita bilang ang Hari ng isang Kaharian na hindi pantao, bagkus itinalaga, itinayo at pinatibay sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng Biktima, ng tanging Biktima Na may kakayahan na likhain muli ang Kaharian ng Langit, na sinira ni Satanas at ng Unang mga Magulang. Ang pagmamalaki, poot, kasinungalingan, kahalayan, pagsuway ang sumira nito. Ang kababaang-loob, pagsunod, pagmamahal, kadalisayan, sakripisyo ang magtatayo nitong muli... Huwag umiyak, babae. Ang iyong mga minamahal at mga naghihintay, ay pinananabikan ang oras ng Aking pagsasakripisyo...»

Pinasok nila ang bahay at habang ang mga apostol ay abala sa pagpapalamig sa mga sarili at pagpapaginhawa sa kanilang kagutuman, si Jesus ay pumunta sa maayos na mabulaklak na hardin kasama si Eliza, na nagsabi sa Kanya: “Guro, ako lamang ang tanging nakaaalam na si Johanna ay ibig na makausap Kayo nang lihim. Pinadala niya si Jonathan sa akin. Sinabi ni Jonathan: “Para sa napaka malalang mga bagay”. Ni hindi ang anak-na-babae na binigay Ninyo sa ain – at pagpalain nawa Kayo para sa Inyong regalong ito – ang nakaaalam tungkol dito. Si Johanna ay nagpadala ng mga katulong sa kung saan-saang mga lugar sa paghahanap sa Inyo. Ngunit hindi nila Kayo matagpuan...»

«Ako’y napakalayo, at napapunta pa sana Ako sa mas malalayo pa, kung ang Aking espiritu ay hindi Ako inudyukan na bumalik... Eliza. Ikaw ay sasama sa Akin at sa Zealot sa lugar ni Johanna. Ang iba pa ay mananatili rito nang dalawang araw at pagkatapos pupunta sila sa Bether. Ikaw ay babalik dito kasama si Jonathan.»

«Oo, aking Panginoon...» si Eliza ay tinitingnan Siya nang may makainang pagmamahal, tinitingnan niya ang Kanyang mukha. Hindi siya makapagpigil sa pagsasabing: «Naghihirap ba Kayo?»

Si Jesus ay iniiling ang Kanyang ulo at bagama't ang Kanyang kilos ay hindi ang pagtatanggi ito ay isang malinaw na tanda ng kalungkutan.

«Ako ay isang ina... Kayo ay aking Diyos... ngunit... O! aking Panginoon! Ano kaya sa palagay Ninyo ang gusto ni Johanna. Lagi Kayong nagsasalita ng tungkol sa kamatayan, at naintindihan ko sapagkat sa Templo ang mga birhen ay laging binabasa ang mga Iskriptura na nagbabanggit sa Inyo na Tagapagligtas, at naaalaala ko ang mga salitang iyon. Kayo ay nagsasalita ng tungkol sa kamatayan at ang Inyong mukha ay nagniningning sa makalangit na lugod... Ngunit hindi na ngayon iyan nagniningning... Si Maria ay katulad ng isang anak sa akin... at Kayo ay Kanyang Anak... Kung gayon, kung hindi isang kasalanan ang sabihin ito, nakikita ko Kayo kahit papaano bilang aking anak... Ang Inyong Ina ay nasa malayo... Ngunit ang isang ina ay nasa malapit sa Inyo. Pinagpalang Anak ng Diyos, hindi ko ba mapagagaanan ang Inyong paghihirap?»

«Pinagagaanan mo na ito, sapagkat minamahal mo Ako. Ano sa Aking palagay ang gusto ni Johanna? Ang Aking buhay ay katulad ng taniman ng mga bulaklak na ito. Kayong mabubuting babaeng disipulo ay ang mga rosas. Ngunit kung kukunin mo ang mga rosas, ano ang maiiwan? Mga tinik...»

«Ngunit mananatili kaming kasama Ninyo hanggang kamatayan.»

«Totoo iyan. Hanggang kamatayan! At ang Ama ay pagpapalain kayo para sa kaginhawahan na binibigay ninyo sa Akin. Umuwi na tayo at magpahinga. At pagsikat ng araw tayo ay aalis para sa Bether.»

291010



Sunod na kabanata