398. Sa Bether.

Marso 12 1946.

Si Jesus, sinusundan ng Zealot na pinasusunod sa pamamagitan ng mga renda ang maliit na asnong sinasakyan ni Eliza, ay kumakatok sa pintuan ng tagapamahala sa Bether. Hindi nila kinuha ang dating daan katulad nang nakaraan at nakarating sila sa ari-arian ni Johanna mula sa nayon na nasa kanlurang mga dalisdis ng bundok kung saan ang kastilyo ay nakatayo.

Ang tagapamahala, na nakakilala kaagad kay Jesus, ay nagmadaling binuksan kaagad nang maluwang ang geyt, na nasa tabi ng kanyang maliit na bahay at nagbubukas patungo sa hardin bago ang tirahang bahay at siyang ang simula ng lupain ng mga pangarap, ibig sabihin, ng mga hardin ng mga rosal ni Johanna. Ang isang malakas na amoy ng sariwang mga rosas at ng esensiya ng mga rosas ay nananatili sa mainit na ere ng takipsilim at nang umihip ang unang hangin ng gabi mula sa silangan nagagawa ang mga palumpong ng mga rosal na dumuyan, ang amoy ay naging malakas, mas sariwa at mas tunay, sapagkat ito ay nanggagaling mula sa mga munting burol na mga taniman ng mga rosal at natatalo nito ang mabigat na amoy ng esensiya na nanggagaling mula sa isang mababang malapad na panilungan na nakatayo sa kanlurang pader ng ari-arian.

Ang tagapamahala ay nagsabi: «Ang aking sinyora ay nasa banda roon. Pumupunta siya roon gabi-gabi, kung saan ang mga manggagawa, na pumipitas ng mga bulaklak at gumagawa ng esensiya., ay nag-iipun-ipon. Siya ay nagsasalita sa kanila, nagtatanong ng mga katanungan, pinagagaling at pinagiginhawahan sila. O! ang aming sinyora ay mabait. Siya ay laging ganyan. Ngunit... mula nang siya ay naging Inyong disipulo... Tatawagin ko na siya ngayon... Ito ay isang napakaabaláng panahon at ang karaniwang mga manggagawa ay hindi sapat, bagama't mula noong Paskuwa siya ay kumuha ng mga bagong katulong na lalaki’t babae. Maghintay dito, Panginoon...»

«Hindi, pupunta Ako sa kanya. Pagpalain ka nawa ng Diyos at bigyan ka ng kapayapaan» sabi ni Jesus itinataas ang Kanyang kamay upang pagpalain ang matandang tagapamahala, kung kanino Siya ay nakikinig nang matiyaga. At Siya ay nagpatuloy sa mababang malapad na panilungan.

Ang ingay ng Kanyang mga hakbang sa matigas na lupa ay nagawa si Matthias – isang kung baga mausisang maliit na bata – na tumingin at nagmadaling lumabas na may isang sigaw, ang mga kamay nakaunat, nag-aanyaya at nagmimithi ng isang yakap. «Si Jesus ay naririto! Si Jesus ay naririto!» sumisigaw siya habang tumatakbo. At nang siya ay nasa loob na ng mga bisig ng Panginoon, Na humahalik sa kanya, si Johanna ay tumingin mula sa gitna ng kanyang mga katulong.

«Ang Panginoon!» sumigaw din siya, at bumagsak sa kanyang mga tuhod sa lugar mismo upang pagpitaganan Siya kaagad. Pinagpatirapa ang kanyang sarili at pagkatapos tumayo, na ang kanyang mukha nagkukulay purpura sa emosyon, katulad ng petalo ng isang maningning na rosas. Pagkatapos kumilos siyang papalapit kay Jesus. At siya ay yumukod sa Kanyang paanan.

«Kapayapaan sa iyo, Johanna. Kinailangan mo ba Ako? Ako ay naparito.»

«Oo, kinailangan ko Kayo, Panginoon...» si Johanna ay naging maputla at seryoso.

Si Jesus ay napuna ito. «Tumayo ka, Johanna. Mabuti ba ang kalagayan ni Chuza?»

«Oo, aking Panginoon.»

«At ang maliit na Maria, na hindi Ko nakikita rito?»

«Siya din, Panginoon... Siya ay umalis kasama si Esther upang magdala ng ilang mga gamot sa isang katulong na may sakit.»

«Iyan ba kung bakit mo Ako tinawag?»

«Hindi, Panginoon... Iyon ay para sa... Inyo.» Si Johanna ay maliwanag na ayaw magsalita sa presensya ng lahat na mga tao na nagsiksikan sa paligid nila.

Si Jesus ay nakaintindi at nagsabi: «O sige. Tayo na at tingnan natin ang iyong mga taniman ng mga rosal...»

«Maaaring pagod Kayo, Panginoon. Kailangan na kumain Kayo... Maaaring  nauuhaw Kayo...»

«Hindi. Sa loob ng maiinit na oras tumigil kami sa bahay ng mga disipulo ng mga pastol. Hindi Ako pagod...»

«Tayo na kung gayon... Jonathan, ihanda ang lahat para sa Panginoon at para sa lahat na kasama Niya... Bumaba ka, Mathias...» inuutusan niya ang tagapamahala, na nakatayong magalang sa tabi niya, at ang maliit na bata, na karga ni Jesus nakasandal ang kanyang ulo sa uka ng leeg ni Jesus, katulad ng isang maliit na kalapati sa ilalim ng pakpak ng kanyang ama. Ang bata ay nagbubuntung-hininga nang malalim, ngunit siya ay nagmadaling sumunod.

Ngunit si Jesus ay nagsabi: «Hindi. Sasama siya sa atin at hindi niya tayo bibigyan ng problema. Siya ang magiging maliit na anghel na sa kanyang presensya walang iskandaloso ang maaaring masabi o magawa at sa gayon maiiwasan ang kahit anumang suspetsa na lumitaw sa kahit kaninong puso. Tayo na...»

«Guro, kami ba ni Eliza ay kailangan na pumasok sa bahay, o ibig Ninyong sumama kami sa Inyo?» tanong ng Zealot.

«Makapapások kayo.»

Si Johanna ay pinasusunod si Jesus sa malapad na abenida, na humahati sa mga hardin, patungo sa mga taniman ng mga rosal na umaakyat at bumababa sa katapat na mga dalisdis ng mabulaklak na ari-ariang lupa. At siya ay nagpapatuloy nang mas malayo pa, na tila ibig niyang tumayong malayo kung saan naroroon lamang ang mga palumpong ng mga rosal, ang mga punungkahoy at ang maliliit na ibon sa pagitan ng mga sanga, sa kanilang huling mga pag-aaway upang makakita ng isang lugar na matutulugan o sa kanilang mga paghahanda sa kanilang mga inakay para sa gabi. Ang mga rosas, na sa gabing ito ay saradong mga buko at magbubukas bukas at gagapasin, ay nangangamoy nang mabango bago magpahinga sa hamog. Tumigil sila sa loob ng isang maliit na lambak sa pagitan ng dalawang alun-alon na lupa, kung saan ang mga bitín ng kulay-balat na mga rosas ay ngumingiti sa isang tabi, at ang mga rosas na kasing pula ng namumuong dugo sa kabilang tabi. Doon, ay may isang bato na ginagamit bilang isang upuan, o bilang isang mesa kung saan ang mga taga-ipon ng mga pinitas na rosas ay inilalagay ang kanilang mga basket. Ang nanguluntoy na mga rosas at ang mga petalong nasa mga damuhan at sa bato ay saksi sa gawain sa araw.

Sa pamamagitan ng kanyang kamay na adornado ng singsing hinawi niya ang tápon na mga bulaklak sa upuan at nagsabi: «Maupo, Guro. Napakarami ang kailangan kong masabi sa Inyo.»

Si Jesus ay naupo at si Matthias ay nagsimulang tumakbo sa paligid ng damuhan hanggang nakita niyang magandang maghabol ng isang malaking palaka na pumunta roon upang kalugdan ang lamig ng gabi at kanyang sinusundan ang kaawa-awang nilikha, sumisigaw at tumatalon nang malugod, hanggang sa ang kanyang atensiyon ay nakuha ng isang butas ng isang kriket at nagsimula siyang kalkalin ito sa pamamagitan ng isang maliit na patpat.

«Johanna, Ako ay naririto upang makinig sa iyo... Hindi ka ba magsasalita?» tanong ni Jesus pagkaraan ng isang sandali ng katahimikan at tumigil Siya sa panonood sa bata, upang tingnan ang disipulo na nakatayo sa harapan Niya nang seryoso at tahimik.

«Oo, Guro. Ngunit... ito ay napakahirap at sa palagay ko magiging masakit pakinggan...»

«Magsalita nang may kasimplihan at kompiyansa...»

Si Johanna ay lumuhod sa damuhan medyo nakaupo sa kanyang mga sakong, sa ibaba ni Jesus, Na nakaupo sa mas mataas pa sa upuan, sa isang mahigpit na walang-kibong aktitud; bilang isang tao Siya ay mas nakalayó kaysa kung Siya ay naihihiwalay nang napakalayo ng ilang mga hadlang, ngunit bilang Diyos at isang Kaibigan, Siya ay malapit dahil sa kabaitan ng Kanyang sulyap at ng Kanyang ngiti. At si Johanna ay tinitingnan Siya sa katamtamang liwanag ng isang gabi ng buwan ng Mayo. Sa wakas siya ay nagsalita: «Aking Panginoon... bago magsalita... kailangan kong tanungin Kayo... upang malaman kung ano ang Inyong palagay... upang malaman kung naintindihan ko ang Inyong mga salita... ako ay isang babae, isang tangang babae... baka ako ay nangangarap at ngayon ko lamang nalalaman ang tunay na sitwasyon... ayon sa pagpapaliwanag Ninyo ng mga bagay-bagay, ayon sa naihanda Ninyo ang mga ito, ayon sa gusto Ninyo ang mga ito para sa Inyong Kaharian... Baka tama si Chuza... at ako ay mali...»

«Si Chuza ba ay kinagalitan ka?»

«Kinagalitan at hindi, Panginoon. Sinabi lamang niya sa akin, sa pamamagitan ng awtoridad ng isang asawa, na kung ang sitwasyon ay ayon sa nagagawa siyang isipin ito dahil sa huling mga pangyayari, kailangan na iwanan ko Kayo, sapagkat siya, bilang dignitaryo ni Herodes, ay hindi niya mapahihintulutan ang kanyang asawa na makipagsabwatan laban kay Herodes.»

«At kailan ka ba naging isang kasabwat? Sino ang nag-iisip na saktan si Herodes? Ang kanyang kaawa-awang trono, na napakarumi, ay mas mababa pa kaysa sa upuang nito sa pagitan ng mga palumpong ng mga rosal na ito. Ako ay nakaupo rito, ngunit Ako ay hindi uupo roon. Si Chuza ay hindi kailangan na mag-alala! Wala Akong mithiin para sa trono ng Caesar, huwag nang isipin ang kay Herodes. Ang mga iyan ay hindi Ko mga trono, o Aking mga kaharian.»

«O! Ganyan ba iyan, Panginoon? Pagpalain nawa Kayo! Gaanong kapayapaan ang binibigay Ninyo sa akin! Mga ilang araw na akong naghihirap dahil diyan! Aking banal at dibinong Guro, aking mahal na Guro, aking Guro ayon sa lagi kong pagkaintindi, pagkakita at pagmahal sa Inyo, napakataas, napakataas sa itaas ng Lupa, napaka... napakadibino, o aking Panginoon at makalangit na Hari!» at si Johanna ay kinukuha ang kamay ni Jesus at magalang na hinahalikan ang likod nito, sa ibabaw ng kanyang mga tuhod, na tila siya ay nasa pagsamba.

«Ngunit ano ang nangyari? Isang bagay na wala Akong nalalaman, na maaaring nakapagpabalisa sa iyo nang labis na padilimin sa loob mo ang kalinawan ng Aking moral at espirituwal na hitsura? Sabihin sa Akin!»

«Ano? Guro, ang mga usok ng pagkakamali, ng pagmamalaki, ng kasakiman, ng katigasan-ng-ulo ay tumaas na tila mula sa mabahong mga hukay at napalabo Kayo sa opinyon ng ilang mga lalaki’t babae... at nagsisikap silang iyan din ang gawin sa akin. Ngunit ako ay ang Inyong Johanna, Inyong grasya, o Diyos. At hindi ako maaaring naligaw. Ganyan man lamang ang aking inaasahan, nalalaman kung gaano kabuti ang Diyos. Ngunit ang isang embriyon lamang ng isang kaluluwa na nagsusumikap na umunlad, ay maaaring mamatay sa pamamagitan ng pandaraya. At siya na nasa isang putikán na dagat, napagaspang gawa ng malalakas na agos, at nagsisikap na marating ang baybayin, ang daungan, upang mapadalisay at makatagpo ng ibang mga lugar ng kapayapaan at katarungan, ay maaaring matalo sa kapaguran, kung mawalan siya ng kompiyansa sa baybayin at sa mga lugar na iyon, at maaaring matangay muli ng mga agos at ng putik. At nalulungkot at nag-aalala ako para sa kasiraan ng mga ganyang kaluluwa, para kung kanino pinanawagan ko ang Inyong Liwanag. Ang mga kaluluwa na naperpekto namin sa eternal na Liwanag ay mas malapit sa puso namin kaysa ang mga katawan na aming iniluwal sa makalupang liwanag. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang maging ina ng isang katawan at ang maging ina ng isang kaluluwa. Ipinagluluksa namin ang kamatayan ng isang anak namin. Ngunit ito ay ang amin lamang na kapighatian. Ngunit ang para sa isang kaluluwa na, pinagsikapan namin na magawang perpekto sa Inyong Liwanag at ito’y namatay, hindi lamang kami mismo ang naghihirap. Naghihirap kaming kasama Kayo, kasama ang Diyos... sapagkat sa aming paghihirap para sa espirituwal na kamatayan ng isang kaluluwa naririyan din ang Inyong paghihirap, ang walang-hangganang paghihirap ng Diyos... Hindi ko alam kung nagawa ko ang aking sarili na maintindihan...»

«Oo, nagawa mong maintindihan ka. Ngunit bigyan mo Ako ng eksaktong kaalaman, kung gusto mong mapaginhawahan kita.»

«Oo, Guro. Pinadala Ninyo si Simon Zealot at si Judas ng Kerioth sa Bethany, hindi ba? Ito ay tungkol sa Judiong babaeng iyon na ibinigay sa Inyo ng mga binibining Romano at Inyong pinadala kay Nike...»

«Oo, pinadala Ko. Kung gayon?...»

«At ibig niyang magpaalam sa kanyang mabuting sinyora, at sina Simon at Judas ay dinala siya sa Antonia. Nalaman ba Ninyo?»

«Nalaman Ko. Bueno?»

«Guro... Natatakot ako na mapalulungkot ko Kayo... Guro, Kayo ay totoong isang espirituwal na Hari nga lamang? Hindi Kayo nagtatangka sa makalupang mga kaharian?»

«Siyempre hindi, Johanna. Papaano mo pa iyan pinagdududahan?»

«Guro, ang malaman lamang muli ang kaluguran na nakikita Kayo bilang isang dibinong tao, walang iba bagkus isang dibinong tao. At dahil lamang Kayo ay ganyan, kailangan kong mabigyan ko Kayo ng malalim na kapighatian... Guro, ang lalaki mula sa Kerioth ay hindi Kayo naiintindihan, ni hindi niya naiintindihan ang mga gumagalang sa Inyo bilang isang marunong na tao, isang dakilang pilosopo, bilang Birtud sa ibabaw ng Lupa, at hinahangaan sa Inyo at nangangakong poprotektahan Kayo bilang ganyan. Kataka-taka na ang paganong mga binibini ay naiintindihan kung ano ang hindi naiintindihan ng isa sa Inyong mga apostol, pagkaraan ng makasama Ninyo nang gayon katagal na panahon ...»

«Ang kanyang pagiging-tao na kalikasan, ang kanyang pagiging-tao na pagmamahal ay binubulag siya.»

«Pinagpapa-umanhinan Ninyo siya... Ngunit Kayo ay kanyang sinasaktan, Guro. Habang si Simon ay nakikipagusap kay Plautina, kay Lydia at kay Valeria, si Judas ay nagsasalita kay Claudia sa katauhan Ninyo, bilang Inyong embahador. Ibig niyang makápiga mula sa mga pangako ni Claudia ng para sa pagtatayong muli ng kaharian ng Israel. Si Claudia ay tinanong siya ng marami... At si Judas ay nagsalita sa kanya ng napakarami. Naiisip niyang tiyak na siya ay nasa pintuan na ng kanyang katangahang pangarap, kapag ang pangarap ay naging totoo. Guro, si Claudia ay nainis. Siya ay isang anak-na-babae ng Roma... Ang imperyo ay nasa kanyang dugo... Posible ba na ang isang anak-na-babae ng pamilya ng Claudi ay magpaplano ng laban sa Roma? Siya ay labis na nagimbal na siya ay nagsimulang magduda tungkol sa Inyo at sa kabanalan ng Inyong doktrina. Hindi pa niya makita o maintindihan ang kabanalan ng Inyong Pinagmulan.... Ngunit maiintindihan din niya ito sa huli, sapagkat siya ay puno ng mabuting kalooban. Maiintindihan niya, kapag siya ay mabigyan ng katiyakan tungkol sa Inyo.  Pansamantala Kayo ay tila isang huwad na sakim na rebelde at kamkamero sa kanya... Si Plautina at ang iba pa ay sinubukan na tiyakin ulit sa kanya... Ngunit kailangan niya ng agarang katugunan mula sa Inyo.»

«Sabihin sa kanya na huwag matakot. Ako ang Hari ng mga hari, nililikha Ko sila at hinuhusgahan, at hindi Ako magkakaroon ng ibang trono bagkus ang trono ng Kordero, una isasakripisyo at pagkatapos panalunan sa Langit. Gawing malaman niya iyan kaagad.»

«Oo, Guro. Lalakad akong personal. Bago sila umalis sa Herusalem, sapagkat si Claudia ay inis-na-inis na ayaw na niyang manatili pa sa Antonia, dahil sinasabi niya... na ayaw niyang makita ang mga kaaway ng Roma.»

«Sino ang nagsabi sa iyo niyan?»

«Si Plautina at si Lydia. Sila ay pumunta... at si Chuza ay naroroon... at pagkaraan... ako ay inilagay ni Chuza sa isang mahirap na katayuan: Kayo ang espirituwal na Mesiyas o kailangan ko Kayong iwanan nang tuluyan.»

Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Jesus, na naging maputla sa kalungkutan tungkol sa ulat ni Johanna at Siya ay nagtanong: «Si Chuza ba ay hindi paparito?»

«Bukas ay ang Sabbath at siya ay paparito.»

«At Aking titiyakin sa kanya muli. Huwag matakot. Gawing walang sinuman ang matakot. Si Chuza ay hindi kailangan na matakot para sa kanyang pusisyon sa Korte, o si Herodes para sa posibleng pang-aagaw ng trono, o si Claudia para sa kapakanan ng Roma, at hindi ka kailangan na matakot ng pagiging niloloko o ng posibilidad na maihihiwalay... Gawing walang sinuman ang matakot... Ako lamang ang dapat na matakot... at maghirap...»

«Guro, sana hindi ko Kayo napamighati nang ganyan. Ngunit ang hindi Kayo sabihin ay magiging katulad ng niloko Kayo... Guro, papaano Kayo haharap kay Judas?... Natatakot ako tungkol sa kanyang igaganti... tanging at laging para lamang sa Inyong kapakanan...»

«Nang may-sinseridad. Gagawin Ko siyang makaintindi na nalalaman Ko at na Ako ay hindi sumasang-ayon sa kanyang kilos at sa kanyang katigasan-ng-ulo.»

«Kapopootan niya ako sapagkat maiintindihan niya na sinabi ko sa Inyo...»

«Nalulungkot ka ba para diyan?»

«Ang Inyong poot ay magpapabalisa sa Akin. Hindi ang kanya. Ako ay isang babae. Ngunit mas may-pagkalalaki ako sa paglilingkod sa Inyo kaysa sa kanya. naglilingkod ako sa Inyo sapagkat minamahal ko Kayo, hindi upang makatanggap ng mga pabor mula sa Inyo. Kung dahil sa Inyo sa hinaharap mawawalan ako ng aking kayamanan, ng pagmamahal ng aking asawa, at ng aking pinaka-kalayaan at buhay, mas mamahalin ko Kayo nang higit pa. Sapagkat kung magkagayon Kayo na lamang bagkus ang aking maaaring mahalin at Kayo na lamang ang maaaring magmamahal sa akin» sabi ni Johanna nang bigla, tumatayo.

Si Jesus ay tumayo rin at nagsabi: «Pagpalain ka nawa, Johanna, para sa iyong sinabi. At maging nasa kapayapaan. Ni ang poot ni Judas o ang kanyang pagmamahal ay hindi makapagbabago sa kung ano ang nakasulat na sa Langit. Ang Aking misyon ay mapapangyari, ayon sa naipasya na. Huwag makonsiyensiya, huwag kailanman. Maging kasing panatag katulad ng batang si Matthias, na pagkatapos magtrabaho upang makagawa ng isang bahay – isang mas magandang bahay, ayon sa kanya – para sa kanyang kriket, ay nakatulog na ang kanyang noo nasa ibabaw ng mga petalo ng rosas, at siya ay ngumingiti... iniisip na ito ay nasa ibabaw ng mga rosas. Sapagkat ang buhay ay maganda kung ang isa ay inosente. Ako rin ay ngumingiti, kahit na kung ang Aking pagiging-tao na buhay ay walang mga bulaklak, bagkus lantang mga petalo lamang na nalaglag. Ngunit sa Langit mapapasa-Akin ang lahat na mga rosas ng mga nailigtas...Halika. Ang gabi ay bumabagsak. Hindi na natin makikita mamaya ang landas.»

Si Johanna ay kakargahin na sana niya ang bata.

«Hayaan siya... kukunin Ko siya. Tingnan kung gaano siya ngumingiti! Tiyak na pinananaginipan niya ang Langit... ang kanyang ina... ikaw... Ako rin, sa Aking kapighatian sa oras-oras, ay pinananaginipan ang Langit... ang Aking Ina at ang mabubuting babaeng mga disipulo.»

At unti-unti silang lumakad patungo sa bahay.

301010



Sunod na kabanata