40. Si Jesus Iniksamin sa Templo Noong Siya ay Nagka-edad.

Disyembre 21, 1944.

¹Ang Templo sa kapistahang araw. Ang mga tao ay papasok at papalabas sa bakuran ng mga geyt, tinatawid ang mga yarda, mga bulwagan at mga balkonahe, nawawala sa loob ng gusaling ito o iyon sa iba't ibang mga palapag, na bumubuo sa kalakihan ng Templo.

Ang grupo din ng pamilya ni Jesus ay pumapasok umaawit ng mga salmo sa mabababang tinig. Ang lahat na mga lalaki ay nasa harapan, ang mga babae nakasunod sa likuran. May ibang mga tao ang sumama sa kanila, baka mula sa Nazareth, baka kanilang mga kaibigan sa Herusalem. Hindi ko alam.

Si Jose, pagkatapos na masamba ang Kataastaasan kasama ang lahat na iba pa hanggang, siyempre, sa punto kung saan ang mga lalaki ay pinahihintulutan na makarating, (ang mga babae ay tumigil sa mas mababang landing) ay humiwalay sa iba at kasama ang kayang Anak bumalik sa ilang mga yarda, pagkatapos tumabi siya at pinasok ang isang malaking silid na nagmumukhang isang sinagoga. Hindi ko alam kung bakit. May mga sinagoga rin ba sa loob ng Templo? Siya ay nakikipagusap sa isang Levita at ang huli ay nawala sa likuran ng isang gawa sa mga tali na kurtina, pagkatapos bumalik may kasamang ilang nakatatandang mga pari, sa palagay ko sila ay mga pari, sila ay tiyak na mga doktor sa kaalaman tungkol sa Batas, at sila kung gayon ang tinalaga na umiksamin sa mga naniniwala.

²Si Jose ay pinakikilala si Jesus. Una sa lahat,  kapwa sila yumukong mababa sa sampung mga doktor, na naupong may dangal sa mabababang gawa-sa-kahoy na mga bangkito. «Narito» sabi niya «narito ang aking Anak. Tatlong buwan at labindalawampung araw ang nakaraan nang marating Niya ang edad na pinanunúto ng Batas upang mapasa-edad. At gusto ko Siyang tumugon sa mga preskripsiyon ng Israel. Ibig kong makita ninyo na ang Kanyang pangangatawan ay nagpapatunay na Siya ay wala na sa Kanyang pagkabata o minoriya. At hinihingi ko sa inyo na iksaminin Siya nang may kabaitan at katarungan, upang pagpasyahan na ang sinasabi ko, Kanyang ama, rito, ay ang katotohanan. Inihanda ko Siya para sa oras na ito at para sa dignidad na ito ng anak ng Batas. Nalalaman Niya ang mga alituntunin, ang mga tradisyon, ang mga disisyon, ang mga kaugalian ng mga palawit at ng mga phylactery, alam Niyang dasalin ang pang-araw-araw na mga panalangin at mga pagpapalà. Kung gayon, sa dahilan na nalalaman Niya ang Batas Mismo sa tatlong sangay nito ng Halascia, Midrasc at Aggada, makapag-aasal Siya bilang isang lalaki. Kung gayon ibig kong makalaya sa mga pananagutan ng Kanyang mga aksiyon at ng Kanyang mga kasalanan. Mula ngayon, kailangan Niyang magpailalim sa mga alituntunin at kailangan na panagutan Niya Mismo ang parusa para sa Kanyang mga kabiguan sa mga ito. Iksaminin Siya.»

«Gagawin namin. ³Lumapit Ka, Anak. Ano ang pangalan Mo?»

«Jesus ni Jose, mula sa Nazareth.»

«Isang Nazareno... kung gayon nakapagbabasa Ka ba?»

«Oo, rabbi. Nababasa Ko ang mga salita na nakasulat at ang mga pinakakahulugan sa mga salita mismo.»

«Ano ang ibig Mong sabihin?»

«Ang ibig Kong sabihin na naiintindihan Ko rin ang ibig sabihin ng mga pakahulugan o ng mga simbolo na nakatago sa ilalim ng nakikita, katulad na ang isang perlas ay hindi nakikita ngunit ito ay nasa loob ng isang pangit na saradong kabibi.»

«Isang tusong kasagutan at napakadunong na kasagutan. Bihira namin mapakinggan iyan sa mga labì ng mga adulto; sa isang bata, at isang Nazareno bilang karagdagan!...»

Ang atensiyon ng sampu ay napukaw. Ang kanilang mga mata ay hindi inaalisan ng tingin nang kahit isang sandali ang magandang olandesang Bata, Na nakatingin sa kanila nakatitiyak sa Kanyang Sarili, nang walang pangangahas, ngunit wala ring takot.

«Pinararangalan Mo ang Iyong guro, na, tiyak na malalim ang nalalaman.»

«Ang Karunungan ng Diyos ay inipon sa loob ng kanyang makatarungan na puso.»

«Ngunit pakinggan iyan! Ikaw ay isang masayang tao, ama ng isang ganitong Anak!»

Si Jose, na nasa dulo ng silid, ay ngumingiti at yumuyuko.

⁴Binigyan nila si Jesus ng tatlong magkakaibang mga rolyo nagsasabing: «Basahin ang isang nasasaraduhan ng isang ginintuang ribon.»

Si Jesus ay binuksan ang rolyo at binabasa ito. Ito ay ang Dekalogo. Ngunit pagkatapos ng unang ilang mga salita, ang isa sa mga hukom ay kinuha ang rolyo mula sa Kanya nagsasabing: «Magpatuloy nang sa puso.» Si Jesus ay nagpapatuloy nakatitiyak nang husto sa Kanyang Sarili, na tila Siya ay nagbabasa. Sa tuwing nababanggit Niya ang Panginoon, yumuyuko Siya nang malalim.

«Sino ang nagturo sa Iyo niyan? Bakit Mo ginagawa iyan?»child teching

«Sapagkat ang Pangalan na iyan ay banal at iyan ay kailangan na bigkasin nang may kasamang panloob at panlabas na paggalang. Ang mga nasasakupan ay yumuyuko sa kanilang hari, na isang hari lamang para sa isang maikling panahon at siya ay alikabok, sa Hari ng mga hari, ang Kataastaasang Panginoon ng Israel, na naririto kahit na kung Siya ay nakikita lamang sa espiritu, ang lahat bang nilikha ay hindi kailangan na yumuko sa Kanya sa dahilan na sila ay umaasa sa Kanya nang may eternal na pagpapasakop?»

«Napakatuso! Lalaki: pinapayo namin sa iyo na gawin ang iyong Anak na maturuan ni Hillel o ni Gamaliel. Siya ay isang Nazareno... ngunit ang Kanyang mga sagot ay nagbibigay sa amin ng pag-asa na Siya ay magiging isang bagong dakilang doktor.»

«Ang aking Anak ay nasa edad na. Siya ay magpapasya ayon sa Kanyang sariling kalooban. Kung ang Kanyang disisyon ay isang tapat na disisyon, hindi ko iyan sasalungatin.»

⁵«Makinig, Bata. Sinabi Mo: “Tandaan na ipangilin ang mga araw ng kapistahan. Hindi lamang para sa iyong sarili, bagkus para rin sa iyong anak at sa iyong anak na babae, iyong katulong at iyong babaeng alipin, kahit na para sa iyong kabayo sinasabi na sila ay hindi kailangan na magtrabaho sa mga araw ng Sabbath”. Ngayon sabihin sa akin: kung ang isang inahing manok ay mangitlog sa isang araw ng Sabbath o isang tupa ay nanganak sa isang araw ng Sabbath, legal ba na gamitin ang bunga ng sinapupunan niyon, o titingnan iyon bilang isang kahihiyan?»

«Alam Ko na maraming mga rabbi, si Shammai ay ang huli sa kanila at buhay pa, ay nagsasabi na ang isang itlog na pinangitlog sa isang araw ng Sabbath ay laban sa alituntunin. Ngunit sa palagay Ko may pagkakaiba sa pagitan ng tao at ng mga hayop o sino pa man na tumutupad sa natural na mangyayari, katulad ng panganganak. Kung pilitin Ko ang isang kabayo na magtrabaho Ako ang mananagot para sa kanyang kasalanan, sapagkat pinilit Ko itong magtrabaho sa pamamagitan ng isang latigo. Ngunit kung ang isang inahing manok ay nangitlog ng nahinog sa obaryo o ang isang tupa ay nanganak ng isang maliit na tupa sa isang araw ng Sabbath, sapagkat nakahanda na iyong ipanganak, hindi, ang ganyang gawa ay hindi isang kasalanan, ni ang itlog na pinangitlog o ang tupa na pinanganak sa isang araw ng Sabbath isang kasalanan sa mga mata ng Diyos.»

«Ngunit bakit, kung ang bawat klase ng trabaho ay isang kasalanan sa mga araw ng Sabbath?»

«Sapagkat ang maglihi at manganak ay tumutugon sa kalooban ng Tagapaglikha at sumusunod sa mga batas na Kanyang binigay sa bawat nilikha. Ngayon, ang inahin ay walang ginagawa bagkus ang sundin ang mga batas na ayon dito pagkaraan ng napakaraming oras ng paglaki ang isang itlog ay kumpleto na at handa nang ipangitlog, at ang tupa rin ay sinusunod ang batas na binigay Niya Na naglikha sa lahat na bagay, na ayon sa mga batas na ito dalawang beses sa isang taon kapag ang taglagas ay nasa mga parang na na mga namumulaklak, at kapag ang mga punungkahoy sa kakahuyan ay nawawalan na ng mga dahon at ang mga tao ay nagsisiksikan dahil sa labis na lamig, ang mga tupa ay kailangan na magtalik upang pagkatapos sila ay magbigay ng gatas, karne at nagpapalakas na keso, sa kasalungat na mga panahon ng taon, ibig sabihin sa mga buwan kung saan ang pagtatanim ay mas mahirap o ang kapanglawan ay mas masakit kaysa sa pamimitak ng laman dahil sa lamig. Kung ang isang tupa kung gayon, kapag ito ay panahon na, ay nanganak ng isang maliit na kordero, o! ang isang maliit na kordero ay tiyak na sagrado rin sa isang altar, sapagkat ito ay ang bunga ng pagsunod sa Tagapaglikha.»

«Hindi ko na Siya iiksaminin pa. Ang Kanyang karunungan ay mas mahigit pa kaysa sa mga malalaki nang tao at totoong nakakapagtaka.»

«Hindi. Sinabi Niya na naiintindihan din Niya ang mga simbolo. Pakinggan natin Siya.»

«Una, pabanggitin Siya ng isang salmo, ang mga pagpapalà at ang mga panalangin.»

«Ang mga alituntunin din.»

«Oo. Ulitin Mo ang Midrasciot.»

Si Jesus ay inuulit ang isang mahabang litaniya ng «Huwag gawin ito... huwag gawin iyan...» nang walang pag-aalinlangan. Kung tayo ay inuobliga pa na igalang ang mga limitasyon na iyon, mga rebeldeng katulad natin, natitiyak ko na walang sinuman ang maliligtas...

«Tama na iyan. Buksan ang rolyo na may berdeng ribon.»

Si Jesus ay binubuksan ito, at babasahin na sana Niya.

«Sa mas malayo pa, oo, mas malayo pa.»

Si Jesus ay sumunod.

«Tama na iyan. Ngayon basahin at  ipaliwanag iyan, kung sa palagay Mo ay may isang simbolo.»

«Sa Banal na Salita, ito ay pambihirang nawawala. Tayo ang hindi nakakakita nito at gamitin ito. Binabasa Ko: Ikaapat na Aklat ng mga Hari, Kabanata dalawampu’t dalawa, Berso sampu: “Pagkatapos si Shaphan, ang kalihim, ay binigyan-alam ang hari nagsasabing: ‘Si Hilkiah, ang Mataas na Pari, ay nagbigay sa akin ng isang aklat’: at si Shaphan ay binasa ito nang malakas sa presensya ng hari. Noong marinig ang nilalaman ng Batas ng Diyos, ang hari ay pinunit ang kanyang mga damit, at ibinigay ang sumusunod...”.»

«Basahin pagkatapos ng lahat na mga pangalan.»

«”... ang sumusunod na utos: ‘Lakad at magsangguni kay Yahweh, sa katauhan ko at ng mga tao, sa katauhan ng buong Judah, tungkol sa nilalaman ng aklat na ito na natagpuan. Malaki ngang talaga ang maaaring naging galit ni Yahweh na umaapoy laban sa atin dahil ang ating mga ninuno ay hindi sinunod ang sinasabi ng aklat na ito, sa pagsasabuhay ng lahat na nakasulat dito’...»

«Tama na iyan. Ito ay nangyari maraming mga siglo na ang nakaraan. Anong simbolo ang nakikita Mo sa isang pangyayari sa lumang kasaysayan?»

«Nakikita Ko na ang panahon ay hindi maihahambing sa kung ano ang eternal. At ang Diyos ay eternal at ang ating mga kaluluwa ay eternal, at ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ng ating kaluluwa ay eternal din. Kung gayon ang bagay na nagbibigay dahilan sa paglabas ng isang kaparusahan noon, ay ang bagay din na iyon na nagbibigay dahilan ng paglabas ng kaparusahan ngayon, at ang mga epekto ng pagkakamali ay gayon pa rin.»

«Iyan ay?»

«Ang Israel ay hindi na nag-aalam ng Karunungan, na nanggagaling sa Diyos. Ito ay sa Kanya, at hindi sa kaawa-awang mga tao na tayo ay kailangang lumapit para sa liwanag, at hindi posibleng magkaroon ng liwanag kung walang katarungan at katapatan sa Diyos. Iyan kung bakit ang mga tao ay nagkakasala, at ang Diyos, sa Kanyang galit, ay pinarurusahan sila.»

«Hindi na tayo nag-aalam? Ngunit ano ang Iyong sinasabi, Bata? At ang anim na raan at labintatlong mga alituntunin?»

«Ang mga alituntunin ay naririyan, ngunit sila ay basta’t mga salita lamang. Nalalaman natin sila ngunit hindi natin sila sinasabuhay. Iyan kung bakit wala na tayong nalalaman sa kanila. Ito ang simbolo: ang bawat tao, sa bawat panahon ng panahon, ay kailangan na konsultahin ang Panginoon upang malaman ang Kanyang kalooban at sumunod dito upang maiwasan na makuha niya ang Kanyang galit.»

⁷«Ang Bata ay perpekto. Ni kahit na ang patibong ng mapanilong tanong ay hindi nabalisa ang Kanyang tugon. Dalhin natin Siya sa tunay na sinagoga.»

Sila ay pumasok sa isang mas malaki at mas maringal na silid. Ang unang kanilang ginawa doon ay ang paikliin ang Kanyang buhok. Ang Kanyang malalaking kulot ay pinupulot ni Jose. Pagkatapos hinihigpitan nila ang Kanyang pulang tunika sa pamamagitan ng isang mahabang tela na pinaikot nang makailang beses sa Kanyang baywang, nagtatali sila ng ilang mga palawit sa Kanyang noo, braso at manta. Ikinakabit nila ang mga ito sa pamamagitan ng isang klase ng mga buton. Pagkatapos sila ay umaawit ng mga salmo, at si Jose ay pinupuri ang Panginoon sa pamamagitan ng isang mahabang panalangin nananawagan ng lahat ng mga pagpapalà sa kanyang Anak.

Ang seremonya ay tapos na. Si Jesus ay lumabas kasama ni Jose. Bumalik sila sa kanilang pinanggalingan, sinasamahan nila ang kanilang lalaking mga kamag-anak,  bumili sila at nag-alay ng isang kordero; pagkatapos, dala ang kinatay na biktima, inabutan nila ang mga babae.

Si Maria ay hinahalikan si Jesus. Tila maraming taon na na hindi Niya Siya nakita. Tinitingnan Niya Siya, ngayon na Siya ay mas lalaking-lalaki sa Kanyang mga damit at sa istilo ng Kanyang buhok, tinatapik-tapik Niya Siya...

Sila ay lumabas at ang lahat ay nagtatapos dito.

(208) 240610/032513/040213

Sunod na kabanata.