400. Ang Pagpapaalam sa Bether.

Marso 16, 1946.

Hindi ko alam kung papaano ako makakapagsulat, hapong katulad ko gawa ng walang-tigil na mga atake sa puso araw at gabi... Ngunit nagsisimula na akong makakita at kailangan kong magsulat.

Nakikita ko si Jesus sa harapan ng mansiyon-na-bahay ni Johanna sa Bether. Ang hardin sa harapan nito ay lumalawak napoporma ang kalahating-pabilog na bukas-na-lugar ng dalawang berdeng korteng-panipit na mga pakpak. Ang gitnang bahagi ng bukas-na-lugar ay walang tanim at napalilibutan ng matatandang matataas na madahon na mga punungkahoy lumalagaslas sa magaang ihip ng hangin sa tuktok ng burol na ito, at nagbibigay ng kaaya-ayang lilim na nagpoprotekta mula sa araw sa hapon. Ang mga nakahilerang mga rosal sa ilalim ng mga punungkahoy ay pumoporma ng kalahating-pabilog sa paligid ng bukas-na-lugar.

Ang araw ay malapit nang lumubog at, sa dahilan na ang kastilyong ito ay nasa mataas na pusisyon, makikita ng isa na ang araw ay maliwanag na bumababa patungo sa kaligiran at malapit nang magtago sa likuran ng kanlurang mga bundok. Si Andres ay tinuturo ang mga bundok na ito kay Felipe, pinaaalalahanan siya ng tungkol sa kanilang takot, noong kailangan nilang ibalita ang Panginoon sa Bethginna. Ang Bethginna sa katotohanan ay nasa ibabaw ng mga bundok na iyon, kung saan ang Panginoon noong nakaraang taon ay pinagaling ang anak na babae ng tagapamahala ng hotel, sa pagsimula ng Kanyang perigrinasyon pagawing mga baybayin ng Mediterraneo, kung hindi nagkakamali ang aking memorya. Ako ay nag-iisa, kung kaya't wala akong mautusan na kumuha ng sipi ng mga aklat ng mga nakaraang buwan upang matingnan ito, at ang aking ulo ay hindi makaalaala.

Ang lahat na mga apostol ay naririto. Hindi ko alam kung ano ang nangyari nang si Jesus at si Judas ay magtagpo. Mukhang ang lahat ay dumaan nang maayos, sapagkat wala akong nakikitang pagwawalang-kibuan o kabalisahan sa kahit sino at si Judas ay malaya at walang problema at masayahin, na tila walang nangyari. Sa katunayan mabait-na-mabait din siya sa pinaka-abang mga katulong, na labis na kataka-taka sa kanya, lalo na kung siya ay balisa.

Si Eliza ay naririto pa rin at gayon din si Anastasica, na tiyak na pumunta rito kasama ng mga apostol at ng mga katulong na babae ni Eliza. At naroroon si Chuza, na napakamaserimonya at hawak-hawak si Matthias sa kamay. Si Johanna ay malapit kay Eliza at ang maliit na Maria ay nasa tabi niya. Si Jonathan ay nasa likuran ng kanyang sinyora.

Si Jesus ay protektado sa araw, na sumisinag pa rin sa kanlurang tabi ng bahay, sa pamamagitan ng isang trapal na ibiniklad sa ibabaw ng mga lubid at mga poste, katulad ng isang habong. Ang lahat na mga katulong at mga hardinero ng Bether, kasama na rin ang mga kaswal na manggagawa mula sa nayon, na nasa ibaba ng kastilyo, ay nasa harapan ni Jesus. Sila ay nasa loob ng lilim ng madadahon na mga punungkahoy ng kalahating-pabilog na lugar, protektado sa araw at mga nakatayo sa katahimikan, naka-linya, hinihintay ang pagpapalà ng Guro, Na tila nasa punto na ng pag-alis at naghihintay na lamang ng paglubog ng araw na siyang hudyat na ang Sabbath ay tapos na.

Si Jesus ngayon ay nakikipagusap kay Chuza sa kaunting tabi. Hindi ko alam kung ano ang Kanyang sinasabi sa kanya, sapagkat sila ay nagsasalita sa mababang tinig. Ngunit nakikita ko si Chuza na labis-labis sa pagyukod at mga pagtatapat, at dinidiin ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib, na tila upang sabihin: «Sa ibabaw ng aking salita, makatitiyak Kayo na sa ganang akin» atbp.

Ang mga apostol ay patagong nag-ipun-ipon sa isang sulok. Ngunit walang makapagpipigil sa kanila na manood, at kung si Pedro at si Bartolomeo ay nanonood na may kasimplehang naturalesa ng mga taong may nalalaman na tungkol sa sitwasyon, ang iba, at lalo na si Santiago ni Alfeo, si Juan, si Simon at si Andres, ay lumalabas na nananabik at malungkot, habang si Judas ni Alfeo ay nagmumukhang balisa at mahigpit. Ang Iskariote ay ang natatanging napapaliban, dahil ibig niyang lumabas na malaya at walang problema, samantalang nanonood siya nang mas may interes kaysa sa iba, at tila nananabik siyang may maintindihan, mula sa mga kilos ng mga kamay at ng mga labì, kung ano ang sinasabi nina Jesus at Chuza.

Ang babaeng mga disipulo ay nanonood din nang tahimik at magalang, at si Johanna ay ngumingiti nang di-sinasadya, isang medyo balintunang ngiti sa kalungkutan nito, at tila kinaaawaan niya ang kanyang asawa nang si Chuza, itinataas ang kanyang tinig sa katapusan ng paguusap, ay dinideklara: «Ang aking utang-na-loob ay gayon na lamang na hindi ko kailanman mapalalaya ang aking sarili sa aking katungkulan. Ako, kung gayon, ay binibigay ko sa Inyo ang pinakamahal sa akin: ang aking Johanna... Ngunit kailangan Ninyong maintindihan ang aking mapagpaubayang pagmamahal para sa kanya... Ang galit ni Herodes... ang pansariling-pananggalang ni Johanna... Maaaring gumanti sila sa panggigipit sa aking ari-arian... at sa aming impluwensiya... at si Johanna ay sanay na sa mga bagay na ito, siya ay maselan... kailangan niya ang mga ito... pinoprotektahan ko ang kanyang mga interes. Ngunit sinusumpa ko sa Inyo na ngayon na nakatitiyak na ako na si Herodes ay hindi na magagalit sa akin, na tila ako ay isang kasabwat ng kanyang mga kaaway, bagama't kanyang lingkod, wala akong gagawin bagkus ang paglingkuran Kayo nang may perpektong lugod, pinagkakalooban si Johanna ng ganap na kalayaan...»

«Mabuti. Ngunit alalahanin na ang ipagpalit ang eternal na mga gamit para sa isang maglalahong pantaong karangalan, ay katulad ng ipinagpapalit ang katutubong karapatan para sa isang pinggan ng mga lentehas. At mas malala pa nga ito...»

Ang babaeng mga disipulo ay napakinggan ang mga salita. Ang mga apostol ay napakinggan din ito. At habang ang iba ay tinitingnan ito na isang talumpating pang akademiko, si Judas Iskariote ay nakaintindi ng isang espesyal na ibig-sabihin at nagbabago ang kanyang kulay at hitsura, nagpaparating ng natatakot na galít na sulyap kay Johanna. Nabatid ko na magpahanggang ngayon si Jesus ay hindi nagbabanggit ng tungkol sa kung ano ang nangyari, at na si Judas ay ngayon lamang nagsisimulang magsospetsa na ang kanyang linlang ay natuklasan.

Si Jesus ay kinakausap si Johanna nagsasabing: «Bueno, gawin nating masaya ang ating mabuting disipulo. Ayon sa ibig mo, magsasalita Ako sa iyong mga katulong bago umalis.»

Siya ay pumunta sa harapan, hanggang sa naaabot ng lilim, na pahaba nang pahaba habang lumulubog nang dahan-dahan ang araw, at na ngayon ay nagmumukhang isang dalanghita na tinapyas ang ilalim; at ang tapyas ay lumalaki habang ang araw ay nagtatago sa likuran ng mga bundok ng Bethginna pinaaapoy ang malinaw ng kalangitan.

«Aking minamahal na mga kaibigan na sina Chuza at Johanna, at kayo, kanyang mabubuting katulong, na nakilala ang Panginoon nang maraming mga taon sa pamamagitan ng mga salita ng Aking disipulo na si Jonathan, at sa pamamagitan ng kay Johanna, mula nang siya ay naging Aking tapat na disipulo, makinig.

Ako ay nagpaalam sa lahat na mga nayon ng Judaea, kung saan ang aking mga disipulo ay mas marami sa pamamagitan ng gawain ng unang mga disipulo, ang mga pastol, at dahil sila ay tumugon sa Salita, Na dumaan sa pagtuturo sa kanila upang sila ay máligtas. Ngayon Ako ay nagpapaalam sa inyo sapagkat hindi na Ako babalik sa Eden na ito, na napakaganda, hindi lamang dahil sa mga palumpong ng mga rosal at sa kapayapaan na naghahari rito, hindi lamang sa mahusay na kagalingan na namumuno rito, bagkus higit sa lahat naniniwala kayo sa Panginoon at namumuhay kayo ayon sa Kanyang Salita. Isang paraiso! Oo. Ano ba ang paraiso nina Adan at Eba? Isang magandang hardin kung saan sila namumuhay nang walang kasalanan, kung saan ang tinig ng Diyos ay naririnig at ang Kanyang unang dalawang anak ay nagmamahal at nakikinig dito nang may lugod...

Bueno, hinihikayat Ko kayo na magbantay na ang nangyari sa Eden ay hindi sana mangyari sa inyo: na ang ahas ng kasinungalingan, ng paninirang-puri, ng kasalanan ay baka makagapang at tuklawin ang inyong mga puso inihihiwalay kayo sa Diyos. Maging mapagbantay at matatag sa inyong pananampalataya... Huwag maligalig. Huwag maging di-naniniwala. Iyan ay baka mangyari sapagkat ang Isinumpang Isa ay papasok, magsisikap na makapasok kahit saan, katulad na kanya nang napasok ang maraming mga lugar, upang sirain ang gawa ng Diyos. Habang ang Mapanlinlang, Tuso, Walang-kapaguran na Isa ay pumapasok sa mga lugar, at naghahanap, nakikinig, naghihintay, naglalaway, nagsisikap na makapangrahuyo, walang mangyayaring malaking kapinsalaan. Walang kahit ano at walang sinuman ang makapagpipigll sa kanya na gawin iyan. Ginawa niya iyan sa Makalupang Paraiso... Ngunit mas malala ang hayaan siyang makapanatili doon nang hindi siya pinalalayas. Ang kaaway na hindi pinalalayas ay nagtatapos sa pagiging ang panginoon ng lugar dahil mananatili siya doon at magtatayo ng kanyang pandepensa at pananalakay na mga istruktura. Habulin siya kaagad, gawin siyang makaalis ginagamit ang mga armas ng Pananampalataya, Karidad, Pag-asa sa Panginoon. Ngunit ang pinakamalaking kasamaan, ang supremong kasamaan ay ang gawin siyang mamuhay hindi lamang nang hindi ginagambala sa pagitan ng mga tao, bagkus pinahihintulutan siyang mapások ang looban mula sa labas, at gawin siyang makapagtayo ng pugad sa mga puso ng mga tao. O! Pagkatapos!!

Datapwa't maraming tao na ang nakadama sa kanya sa kanilang mga puso, laban sa Kristo. Tinanggap nila si Satanas kasama ang kanyang masasamang masimbuyong mga damdamin pinalalayas ang Kristo. Kung hindi pa nila nakikilala ang Kristo sa lahat ng Kanyang katotohanan, kung ang kanilang kaalaman tungkol sa Kanya ay naging paimbabaw lamang, katulad ng pagkakakilala sa isa’t isa ng mga naglalakbay, kapag sila ay nagkataon na magkita sa isang daan, nadalas na nagkakatinginan sa isa’t isa nang isang sandali lamang, mga taong hindi magkakakilala na nagkita sa unang pagkakataon at sa huling pagkakataon, kung minsan nagpapalitan lamang ng kaunting mga salita upang magtanong tungkol sa tamang daan, upang manghingi ng kaunting asin, ng pangkaskas upang makapagpadikit ng apoy, o isang kutsilyo upang makahiwa ng karne, kung ganyang ang kaalaman tungkol sa Kristo sa gayong mga puso, na sa araw na ito, at mas lalo pa bukas, pinalalayas ang Kristo, mas lalu’t lalo pa, upang makagawa ng lugar para kay Satanas, sila ay baka kaaawaan pa at tratuhin nang may habag dahil hindi nila nakikilala ang Kristo. Ngunit kaparusahan sa mga nakakakilala sa Akin kung ano talaga Ako, na mga pinakain ng Aking mga salita at ng Aking pagmamahal, at ngayon pinalalayas Ako, tinatanggap si Satanas na nanrarahuyo sa kanila sa pamamagitan ng huwad na mga pangako ng mga pantaong tagumpay, na ang katotohanan nito ay magiging ang eternal na kapahamakan.

Kayo na mga mapagpakumbaba at hindi nangangarap ng mga trono at ng mga korona, na hindi naghahanap ng pantaong kaluwalhatian, bagkus ang kapayapaan at pananagumpay ng Diyos, ang Kanyang Kaharian, pagmamahal at eternal na buhay, at wala nang iba pa, huwag silang gayahin. Maging Mapagbantay! Maging malaya sa kurupsiyon, maging malakas laban sa mga pagpapahiwatig, laban sa mga pagbabanta, laban sa lahat.»

Si Judas, na nabatid na si Jesus ay may nalalamang isang bagay, ay naging putlang-abo ang kulay sa galit. Tumitingin siya nang galit sa Guro at kay Johanna... Siya ay umalis sa likuran ng kanyang mga kasamahan, na tila ibig niyang sumandal sa pader. Sa katunayan ibig niyang itago ang kanyang kabiguan.

Pagkaraan ng kaunting pagkatigil, na nagsisilbing maihiwalay ang unang bahagi ng Kanyang talumpati sa ikalawang bahagi, si Jesus ay nagpapatuloy. Sinasabi Niya:

«Minsan may Naboth, isang Jezreelita, na may isang ubasan malapit sa palasyo ni Ahab, hari ng Samaria. Iyon ay ang ubasan ng kanyang mga ninuno, kung gayon pinakamahal at halos sagrado sa kanya, dahil ito ay ipinamana sa kanya ng kanyang ama, na namana naman mula sa kanyang ama, na tinanggap na pamana mula sa kanyang ama at patuloy pa kagaya nito. Mga henerasyon ng mga magkakamag-anak ay trinabaho nang mabuti ang ubasan na iyon upang ito ay maging mas maunlad at maganda. Si Naboth ay mahal-na-mahal ito. Si Ahab ay nagsabi sa kanya: «Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan na malapit sa aking bahay, dahil ibig kong gawin iyan na aking hardin ng mga gulay para sa aking sarili at sa aking pamilya. Bilang kapalit bibigyan kita ng mas mabuting ubasan, o kung mas gugustuhin mo, ibibigay ko sa iyo ang halaga niyan sa pera”. Ngunit si Naboth ay tumugon: “Ikinalulungkot kong biguin kayo, hari. Ngunit hindi ko mapagbibigyan ang inyong hinihiling. Tinanggap ko ang ubasan na iyan bilang mana mula sa aking mga ninuno at iyan ay sagrado sa akin. Huwag ipahintulot ng Diyos na ibigay ko sa inyo ang pamana ng aking mga ninuno”.

Ating pagnilayan ang tugon na iyan. Ito ay pinagnilayan nang napakakaunti at ng napakakaunting mga Israelita. Ang mga taong Aking binanggit kanina, ang nakararami sa sambayanan, na nakakiling na palayasin ang Kristo upang tanggapin si Satanas, ay walang masyadong paggalang para sa pamana ng kanilang mga ninuno, at maliban na makakakuha sila ng labis na pera o malaking bahagi ng lupa, ibig sabihin, mga parangal at ang katiyakan na hindi sila madaling mapalitan, pumapayag sila na ibigay ang pamana ng kanilang mga ninuno: ibig sabihin, ang ideang Messianic para sa kung ano nga ito, katulad na ito ay ibinunyag sa mga santo ng Israel, at kailangan na tanghaling sagrado sa lahat ng mga detalye nito, pati rin ang pinakamaliit na mga detalye, nang hindi ito pinakikialaman, o binabago ito, o pinabababa ito ng pantaong mga limitasyon. Gaano karami ang ipinagpapalit ang maningning na ideang Messianic, lubos na banal at espirituwal, para sa isang tuta ng pantaong pagkahari, na kanilang kinakalog bilang isang panakot upang manakit at manlait sa mga awtoridad at sa katotohanan!

Ako, Awa, ay hindi pumupunta sa punto na isumpa sila na may pananakot ng mga maldisyon ni Moses laban sa mga lumalabag sa Batas. Ngunit sa likuran ng Awa ay naririyan ang Hustisya. Gawin ang lahat na tandaan iyan! Ako, sa ganang Akin, ay pinaaalalahanan sila – at kung mayroon man na naririto ngayon, gawin siyang tanggapin ang Aking babala nang may mabuting pagtingin pinaaalalahanan Ko sila tungkol sa iba pang mga salita ni Moses, nakatuon sa mga ibig na makakuha ng mas marami pa kaysa sa ipinasya ng Diyos para sa kanila.

Si Moses ay nagsabi kina, Korah, Dathan at Abiram, na nagsabi na sila ay kapantay ni Moses at ni Aaron at nagrebelde laban sa pagtrato sa kanila bilang mga anak lamang ni Levi sa pagitan ng sambayanan ng Israel: “Bukas ang Panginoon ay ibubunyag kung sino ang Kanya, na konsagradong mga tao na Kanyang pahihintulutan na makalapit sa Kanya. Ang Kanyang pahihintulutan na makalapit sa Kanya ay ang mga napili Niya. Maglagay ng apoy sa inyong mga insensaryo at ng insenso sa apoy sa harapan ng Panginoon, at halikayo, kayo at ang inyong mga tagasunod kasama si Aaron. At makikita natin kung sino ang pipiliin ng Panginoon. Nagpapahalaga kayo nang labis sa inyong mga sarili, mga anak ni Levi!»

Aking mabuting mga Israelita, nalalaman ninyo kung papaano ang Diyos tumutugon sa mga nagugustong pahalagahan nang labis ang kanilang mga sarili, kinakalimutan na ang Diyos lamang ang nagtatalaga ng mga pusisyon sa Kanyang mga anak, pinipili sila nang may hustisya sa tamang mga pusisyon. Kailangan Ko ring sabihin: ``May mga tao na gustong pataasin nang labis ang kanilang mga sarili at sila ay parurusahan upang ang mabubuting tao ay maintindihan na nilalait nila ang Panginoon`.

Ang mga ipinagpapalit ang ideang Messianic, ayon sa ibinunyag ito ng Kataastaasan, para sa kanilang kaawa-awang pantao, mapurol, limitado, mapagrebeldeng idea, hindi ba`t nakakatulad nila ang mga tao na gustong husgahan ang kabanalan ni Moses at ni Aaron? Hindi ba sa palagay ninyo na ang mga ibig na magkusa sa kanilang sarili, nagmamalaking nagsasabi na sila ay mas mabuti pa kaysa sa Diyos, upang makuha ang kanilang gusto at gawing mangyari ang kanilang kaawa-awang mga plano, hindi ba sa palagay ninyo gusto nilang itaas ang kanilang mga sarili nang labis at ilegal na makaraan mula sa pagiging sa lahi ni Levi patungo sa pagiging sa lahi ni Aaron? Ang mga nangangarap ng isang kaawa-awang hari ng Israel at ginugusto siya kaysa sa espirituwal na Hari ng nga hari, ang mga tao na ang kaninong mga mata ay may sakit ng pagmamalaki at kasakiman, sa pamamagitan nito kung saan nakikita nilang balu-baluktot ang eternal na katotohanan na nakasulat sa banal na mga aklat, at ang mga hindi nakaiintindi sa napakalinaw na mga salita ng ibinunyag na Katotohanan dahil sa lagnat ng kanilang may-kasakiman na pagkatao, hindi ba’t sila ang nagpapalit sa pamana ng buong lahi, ang pinaka sagradong pamana, para sa isang walang-halagang wala?

Ngunit kung ito ang ginagawa nila, hindi Ko ipagpapalit ang pamana ng Ama at ng ating mga ninuno, at mamamatay Akong tapat sa pangako, na laging buháy mula nang nagkaroon ng pangangailangan ng panunubos, at magiging tapat Ako sa pagsunod na laging naririto, sapagkat hindi Ko kailanman binigo ang Aking Ama, at hindi Ko Siya kailanman bibiguin dahil sa takot ng kamatayan, maging gaano pa man nakakatakot ang kamatayan. Gawin ang Aking mga kaaway na maglantad ng huwad na mga saksi, gawin magkunwari sila ng sigasig at perpektong mga pagsasabuhay. Hindi niyan mababago ang kanilang krimen o makaaapekto iyan sa Aking kabanalan. Ngunit siya, at ang mga tao, na pagkatapos na parumihin siya, ay naging kanyang mga kasabwat, sa halip na makuha nila kung ano ang Akin, ay makakakita ng mga aso at mga buwitre na nanginginain sa kanilang dugo at mga katawan sa Lupa, at mga dimonyong nanginginain sa kanilang mapaglapastangan na mamamatay-ng-diyos na mga kaluluwa sa Impiyerno.

Sinabi Ko iyan sa inyo, upang sana malaman ninyo. Upang ang lahat ay sana makaalam. Upang ang masama ay sana magsisi, habang siya ay nasa loob pa oras, ginagaya si Ahab, at ang sinuman na mabuti ay hindi sana mabalisa sa loob ng oras ng kadiliman.

Paalam, mga anak ng Bether. Harinawang ang Diyos ng Israel ay lagi kayong samahan at harinawang gawin ng Panunubos na bumagsak ang hamog sa isang malinis na bukid, upang ang lahat na binhi, inihasik sa inyong mga puso ng Guro, Na nagmahal sa inyo kahit hanggang sa kamatayan, ay sana tumubo.»

Si Jesus ay pinagpapalà sila at pinagmamasdan silang umaalis nang unti-unti. Ang araw ay nakalubog na. Tanging isang mapulang kulay, na unti-unting nagiging biyoleta, ang nananatili bilang alaala ng araw. Ang Sabbath na pagpapahinga ay tapos na. Si Jesus ay makaaalis na. Hinahalikan Niya ang maliliit na bata, binabati ang babaeng mga disipulo at si Chuza. At nang Siya ay malapit na sa geyt, lumingon Siya muli at nagwika sa malakas na tinig, upang sana mapakinggan ng lahat: «Ako ay magsasalita, kung magagawa Ko, sa mga tao. Ngunit ikaw, Johanna, gawin ang kinakailangan upang malaman nila na Ako ay ang kaaway ng Kasalanan lamang at ang Hari ng espiritu. At tandaan din iyan, Chuza. At huwag matakot. Walang sinuman ang kailangan na matakot sa Akin. Kahit pa ang mga makasalanan, sapagkat Ako ay Kaligtasan. Tanging ang mga ayaw-na-magsisi lamang hanggang kamatayan ang kailangan na matakot sa Kristo, Na magiging Hukom pagkatapos ng pagiging Walang-hangganang Pagmamahal... Kapayapaan sa inyo» at Siya ang unang umalis at nagsimulang  pagbaba...

031110



Sunod na kabanata