401. Ang Pagpupunyagi ni Pedro at Espirituwal na Pananagumpay.

Marso 25, 1946. In Nomine Domini.

Ako ba ay nagpapatuloy na, sa wakas, na magsulat tungkol sa iyo, o magiliw na Ebanghelyo, sinusundan nang may-kabanalan ang aking Guro sa tabi ng mga daan ng Palestina! Pinagpapatuloy kita pagkatapos na magampanan ko ang lahat ng aking gawain sa pagsunod sa mga utos. Magiging mas mabuti pang sabihin: «Pinagpapatuloy mo ako..

Hindi ko alam kung mayroon mang nag-iisip tungkol sa walang-salita ngunit napakagaling na leksiyon na binibigay ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang katahimikan, gawa ng tatlong iba't ibang mga rason:

Una dala ng habag sa kahinaan ng Kanyang may-sakit na bunganga na kung minsan ay halos namamatay; ikalawa katahimikan bilang kaparusahan sa mga hindi tumutugon nang maayos sa Kanyang regalo; ikatlo leksiyon na Kanyang binibigay sa akin, at ang tungkol dito ibig kong magsalita, na ating katungkulan na laging sumunod, kahit na kung ang pagsunod ay mas mababa sa gawain na kailangan nating putulin upang makasunod.

O! hindi madali ang maging isang «bunganga» Ang isa ay nabubuhay sa walang-tigil na pagbabantay at pagsunod. At si Jesus, Na siyang ang Guro, ay hindi pinababayaan ang Kanyang instrumento na di-sumunod sa utos, kapag ang pagsunod ay hinihingi ng isang tao na binigyan ng karapatan na hingin ito.

Sa loob ng nakaraang mga araw kinailangan kong sundin ang mga utos na binigay sa akin ni Padre Migliorini. Ito ay burokratikong mga bagay at kung gayon nakaka-inip. Ngunit si Jesus ay hindi kailanman nakialam sapagkat kinailangan kong sumunod. At ang aking pagsunod ay kailangan na maging iksakto at ganap, katulad ng sinabi ni Azariah kahapon ipinaliliwanag ang Banal na Misa.

Ngunit ngayon, dahil nagawa ko na ang lahat, mapagninilayan ko Kayo, aking Panginoon, habang binababa Ninyo ang matarik na landas patungo sa matabang lambak, iniiwan sa likuran ang kastilyo ng Bether, maningning pa sa namamatay na araw, sa itaas doon, sa mabulaklak na burol... iniiwan doon ang pagmamahal ng babaeng mga disipulo, ng maliliit na bata, ng mapagpakumbabang mga tao, bumababa patungo sa mga daan na magdadala sa Herusalem, patungo sa mundo, patungo sa mas mababang bahagi... At mas madilim doon hindi lamang dahil iyon ay isang «lambak» at kung gayon ang sinag-ng-araw at ang liwanag ay wala na roon, bagkus higit sa lahat sa ibaba roon, sa mundo, ay may mga patibong, mapapait na poot, labis na kasamaan na naghihintay para sa Inyo, aking Panginoon...

Si Jesus ay nauuna sa kanilang lahat: isang maputing tahimik na pigura, naglalakad nang maringal habang binababa din ang di-komportableng biglaang mga landas, kinuha upang mapaikli ang paglalakbay. Sa pagbaba ang Kanyang mahabang tunika at ang malapad na manta ay sumasayad sa lupa at si Jesus ay tila nababalot na sa isang maharlikang manta na may isang hinihila sa likuran ng Kanyang mga hakbang.

Sa Kanyang likuran, hindi masyadong mahestuwoso, ngunit gayon din ang pagiging tahimik, ay ang mga apostol... Si Judas, naiiwanan nang kaunti, ay ang huli: nagmumukha siyang pangit sa kanyang galit. Paminsan-minsan ang mas simpleng mga apostol: sina Andres, Tomas, ay lilingon upang tingnan siya, at si Andres ay magsasabi sa kanya: «Bakit ka nananatiling nag-iisa, napakalayo sa likuran? Hindi ba mabuti ang iyong pakiramdam?» Ang kanyang tanong ay naghatid ng matalas na tugon: «Pakialaman mo lang ang sarili mo» na nagpataka kay Andres, dahil din sinundan ito ng isang bastos na bansag.

Si Pedro ay pangalawa sa linya ng mga apostol, sa likuran ni Santiago ni Alfeo, na nasa likuran kaagad ng Guro. At narinig ni Pedro ang bastos na tugon, sa malalim na katahimikan ng gabi. At siya ay lumingon kaagad at babalik na sana patungo kay Judas. Ngunit siya ay tumigil. Siya ay nag-iisip nang isang sandali, pagkatapos tumakbo patungo kay Jesus. Kinuha niya nang walang-pitagan ang braso ni Jesus at inuuga Siya nang buong pananabik nagsasabing: «Guro, matitiyak ba Ninyo sa akin na ang Inyong sinabi nang makalawang gabi ay talagang totoo? Na ang mga sakripisyo at mga panalangin ay hindi kailanman nagkukulang sa tagumpay, kahit na kung sila ay tila walang pinatutunguhan?...»

Si Jesus, mapagpakumbaba, malungkot, maputla, ay tinitingnan si Simon na pinagpapawisan sa pagsisikap na hindi kaagad gumawa ng tugon sa insulto, at namumula at nanginginig, at baka nasasaktan niya Siya dahil hawak-hawak niya ang Kanyang braso nang napakagaspang, at Siya ay tumutugon na may isang mapayapang malungkot na ngiti: «Hindi sila kailanman nawawalan ng gantimpala. Maaari kang makatiyak.»

Si Pedro ay binitiwan Siya at umalis, hindi patungo sa kanyang lugar, bagkus sa dalisdis ng bundok, sa pagitan ng mga punungkahoy at pinakakawalan niya ang kanyang mga nararamdaman sa pagpuputol sa mga palumpong at mga bata-pang mga tanim sa pamamagitan ng isang karahasan na para sa ibang lugar ngunit sa mga punungkahoy pinakakawalan.

«Ano ang ginagawa mo? Sira ba ulo mo?» marami ang nagtatanong.

Si Pedro ay hindi tumutugon. Patuloy siya sa pagputol. Pinabayaan niya ang lahat na mga apostol, kasama na si Judas, na malampasan siya, habang nagpuputol siya... at nagpuputol. Napakabilis niya na siya ay tila nasa pagtatrabaho nang por-piraso sa isang pagawaan. Sa kanyang paanan ay may isang bungkos ng mga patpat na sasapat para maka-ihaw ng isang karne ng guya. Inilalagay niya ang bungkos sa ibabaw ng kanyang balikat nang may-kahirapan at nagsisikap siyang makaabot sa kanyang mga kasamahan. Hindi ko alam kung papaano niya ito nagagawa – nahahadlangang katulad niya ng kanyang manta – na mabuhat ang bungkos, ang kanyang bag at makalakad sa di-komportableng daan. Ngunit nagpapatuloy siya na may pagyukod, na tila siya ay nasa ilalim ng pamatok... At si Judas ay tumatawa nakikita siya at nagsasabi: «Nagmumukha kang isang alipin!»

Si Pedro ay tumingala nang may-kahirapan mula sa ilalim ng pamatok at magsasalita na sana ng kung ano. Ngunit nananatili siyang tahimik, ginigiling niya ang kanyang mga ngipin  at nagpapatuloy.

«Tutulungan kita, kapatid» sabi ni Andres.

«Hindi.»

«Ngunit ang mga kahoy na iyan ay sobra para sa isang tupa» wika ni Santiago ni Zebedeo.

Si Pedro ay hindi tumutugon. Siya ay nagpapatuloy. Maaaring hapo na siya. Ngunit hindi siya tumitigil.

Sa wakas, sa isang gruta halos nasa ibaba ng pagbaba, si Jesus ay tumigil kasama ang lahat na mga apostol. «Tayo ay titigil dito, at aalis tayo sa madaling araw» utos ng Guro. «Ihanda ang hapunan.»

Si Pedro ay ibinagsak ang kanyang pasan sa lupa at umupo sa ibabaw nito, nang hindi ipinaliliwanag sa kahit sino ang rason para sa kanyang malaking pagsisikap, samantalang napakaraming panggatong na kahoy sa paligid.

Ngunit nang ang mga apostol ay pagalaw-galaw sa paligid, ang ilan upang makakuha ng maiinom na tubig, ang ilan upang malinisan ang sahig ng gruta, ang ilan upang mahugasan ang karneng tupa bago lutuin ito, at si Pedro ay naiwanan kasama ang kanyang Guro, si Jesus, tumatayo, ay ipinatong ang Kanyang kamay sa ubanin na ulo ni Pedro, at hinahaplos ang tapat na ulo na iyon... Si Pedro pagkatapos ay hinawakan ang kamay na iyon at hinahalikan ito, hinahawakan niya ito nang nakadiin sa kanyang pisngi, hinahalikan itong muli at hinahaplos... May pumatak sa maputing kamay na iyon, isang patak na hindi pawis ng magaspang na tapat na apostol, bagkus isang tahimik na luha ng pagmamahal at paghihirap, ng pananagumpay pagkatapos ng pagpupunyagi. At si Jesus ay yumuko at hinahalikan siya nagsasabing: «Salamat sa iyo, Simon!»

Si Pedro ay tiyak na hindi magandang lalaki. Ngunit nang kanyang tiningala ang kanyang ulo upang tingnan si Jesus Na humalik at nagpasalamat sa kanya, sapagkat Siya lamang ang nakaintindi, ang pagpipitagan at ang lugod ay nagagawa siyang magandang lalaki

At ang bisyon ay nagtatapos sa pagbabagong-anyo na ito.

041110



Sunod na kabanata