403. Ang Maliit na Batang si Michael at ang Pagtuturo Malapit sa Emmaus sa Kapatagan.

Marso 28, 1946.

Malapit sa geyt ng Emmaus ay may isang bahay ng mga magbubukid. Ito ay tahimik, sapagkat lahat sila ay nasa bukid nagtatrabaho. Ang mga tungkos ng ginapas nang nakaraang araw ay nakatambak na sa sahig ng giikan. At ang mga dayami ay ikinakamada sa pangkabukiran na mga nakataas-na-imbakan. Ang isang mainit na amoy ay nanggagaling sa mga dayami at sa mga tungkos sa ilalim ng nanununog-na-sikat ng katanghaliang araw. Maliban sa paghuni ng mga kalapati at sa pagsiyap ng tsismosang palaaway na mga ibong pipit, wala nang ibang ingay ang maririnig. Kapwa ang mga pipit at mga kalapati ay walang-tigil sa paglipad mula sa bubungan o sa kalapit na mga punungkahoy patungo sa tumpok ng mga ginapas at mga dayami at sila ang mga unang nalulugod sa mga produkto, tinutuka ang tuwid na mga tainga ng butil, naghahampasan ng kanilang mga pakpak ang isa’t isa, nagpupunyaging makakuha ng mas maraming butil o makanakaw ng pinakamalambot na uhay ng dayami, katulad ng sakim na walang-konsiyensyang mga mandirigma.  Sila ang tanging mga magnanakaw sa Israel, kung saan napuna ko na mayroong pinakamalaking respeto para sa ari-arian ng ibang mga tao. Ang mga bahay maaaring iniiwang bukas at ang mga giikang-sahig hindi binabantayan! Maliban sa totoong mga magnanakaw, ang mga mandarambong sa daan na umaatake sa mga tao sa mga bangin ng mga bundok, ay walang maliliit na magnanakaw, kahit matatakaw na tao na magnanakaw ng prutas o ng isang maliit na kalapati na pag-aari ng ibang mga tao. Ang lahat ay hindi nakikialam at kung sila din ay naglalakad sa loob ng ari-arian ng kanilang kapit-bahay, tila wala silang mga mata o mga kamay. Totoo na ang pag-aruga sa ibang mga tao ay ganap na isinasabuhay, na walang dahilan na magnakaw upang makakuha ng makakain. Tanging hinggil lamang kay Jesus, at dahil din na ang kapootan ay napakapait na ang mga tao ay napipilitan na balewalain ang matandang kaugalian ng pagiging mapag-aruga sa mga peregrino, tanging tungkol lamang sa Kanya ito nangyayari na ang mga bahay ay nagkakait ng pag-aruga at pagkain. Ngunit, sa pangkalahatan, sila ay naaawa sa ibang mga tao, at ang mga nasa mas mababang lipunan ang lalo nang maawain.

Kung kaya't pagkatapos na kumatok sa isang pinto at hindi nakatanggap ng tugon, ang mga apostol ay nanilungan nang walang-takot sa isang panilungan, kung saan may mga kagamitang pambukid at mga walang-laman na mga pitsel at, na tila ang lahat ay pag-aari nila, kumuha sila ng ilang dayami na mauupuan, ilang mga balde upang makasalok ng tubig mula sa isang bubon at mga pitsel upang makainom, at kung gayon mabasâ ang panis na tinapay at ang malamig na karneng tupa, na kanilang kinakain halos sa katahimikan, dahil sila ay antok-na-antok at natuliro ng init ng araw. At sa pamamagitan ng gayon ding kalayaan na kanilang ginamit upang magamit ang mga dayami at mga pitsel, sila ay humiga sa ibabaw ng namamangong mga dayami at pagkaraan ng kaunti nagkaroon ng isang koro ng paghilik na nagbabago sa tunog at tagal.

Si Jesus din ay pagod. Mahigit pa sa pagod, Siya ay malungkot. Tinitingnan Niya nang matagal-tagal ang natutulog na mga apostol. Siya ay nagdarasal at nag-iisip... Siya ay nag-iisip habang ang Kanyang mga mata ay sinusundan nang walang-pinalalampas na detalye ang nag-aaway-away na mga ibong pipit at mga kalapati at ang mga langaylangayan na lumilipad nang bigla sa ibabaw ng sahig ng giikan. Ang mga sigaw ng mabibilis na dalubhasa-sa-paglipad na mga ‘yon ay tila matatag na positibong mga kasagutan sa nakalulungkot na mga katanungan na itinatanong mismo ni Jesus sa Kanyang Sarili. Pagkatapos humiga din Siya sa dayami, at ang Kanyang matamis na malungkot na sapirong mga mata ay pagkaraan natakpan ng Kanyang mga talukap-mata. At ang Kanyang mukha ay naging walang-galaw sa pagtulog, at baka ito ay dahil nakatulog Siya na may mabigat na puso, ang Kanyang hitsura labis na katulad ng pagód at nakalulungkot na hitsura na ito ay magiging ganito sa Kanyang kamatayan.

Ang mga magbubukid na nagmamay-ari sa bahay ay nakabalik: mga lalaki, mga babae at mga bata. At ang mga disipulo na nakita dati ay kasama nila. Nakita nila si Jesus at ang Kanyang mga apostol sa ibabaw ng mga dayami at ang kanilang mga tinig ay naglaho sa pagiging mga bulong upang hindi nila sila magising. Ang ilang mga nanay ay pinapalo ang kanilang mga bata na ayaw na manahimik, o kanilang tinatakot na gagawin ito.

Ang isang maliit na bata, na may mga paghakbang ng isang maliit na kalapati at may nakasaksak na daliri sa kanyang bunganga, ay nilalapitan si Jesus at pinagmamasdan Siya - «Siya ang pinakamaganda» sabi niya – habang natutulog si Jesus na ang Kanyang ulo nakapatong sa Kanyang nakabaluktot na braso bilang isang unan. At ang lahat na iba pa, walang saplot ang mga paa, mga nakatingkid, ay humantong sa paggaya sa kanya, sina Matthias at Juan bilang ang una, at sila ay labis na naaantig nakikita si Jesus Na natutulog sa dayami at si Matthias ay nagwika: «Katulad noong unang tulog... Ngayon... Siya ay ating Guro, ngunit mas di-masaya kaysa noon... Hinahanap din Niya ang Kanyang Ina...»

«Oo, hinahanap Niya. Tanging ang pang-uusig lamang ang laging malapit sa Kanya. Ngunit lagi natin Siyang mamahalin, lagi natin Siyang minamahal katulad nang minahal natin Siya noon...» tugon ni Juan.

«Mas mahigit pa, Matthias. Mas mahigit pa. Noon minamahal lamang Siya dala ng pananampalataya at dahil kaaya-ayang mahalin ang isang sanggol. Ngunit ngayon minamahal din natin Siya dahil kilala natin Siya...»

«Siya ay laging kinapopootan mula pa nang Siya ay isang sanggol, Juan. Naaalaala mo ba ang kanilang ginawa upang Siya ay kanilang mahampas!...» at si Matthias ay namumutla sa pag-ala-ala.

«Totoo iyan... Ngunit pagpalain ang kapighatian na iyon! Nawala sa atin ang lahat bagkus Siya. Ngunit iyon ang mahalaga. Anong kabuluhan nito sa atin kung nasa atin pa ang ating mga kamag-anak, ang ating mga tahanan at ang ating maliliit na ari-arian, kung Siya ay patay?»

«Totoo iyan. Tama ka, Matthias. At ano ang kabuluhan nito sa atin na mapasa atin ang buong mundo, kung Siya ay wala na sa mundo?»

«Huwag sabihin sa akin... Diyan tayo magiging totoong mangungulila... Makakalakad na kayo.  Mananatili kami rito malapit sa Guro» sabi ni Juan pinauuwi ang mga magbubukid.

«Nalulungkot kami na hindi namin inisip na iwanan sa kanila ang susi. Nakapasok sana sila at naging mas komportable...» sabi ng pinakamatandang lalaki ng sambahayan.

«Sasabihin namin sa Kanya... Ngunit magiging masaya din Siya dahil sa inyong pagmamahal. Lakad na...»

Ang mga magbubukid ay umuwi at ang usok na tumataas mula sa tsiminea ay nagsasabi sa lahat na sila ay naghahanda ng pagkain. Ngunit ginagawa nila ito nang napakagiliw, binabantayan ang mga bata, gumagawa ng kaunting ingay... at katulad nito, walang-ingay nilang dinadala ang pagkain sa mga disipulo at bumubulong: «Itinabi namin ang para sa kanila... para kung sila ay magising.»

Pagkatapos ang katahimikan ang bumalot muli sa bahay. Baka ang mga manggagapas, na mga nagtrabaho mula pa noong pagsikat ng araw, ay mga nakahiga sa kanilang mga kama upang makapagpahinga sa loob ng mga oras na ito kung kailan imposibleng makapanatili sa mga bukid sa ilalim ng nanununog na araw. Ang mga disipulo rin ay umiidlip... Ang mga kalapati at mga pipit ay nagpapahinga rin... Tanging ang mga langaylangayan lamang ang patuloy sa pagsulpot nang walang kapaguran, at ang kanilang panandalian na mga paglipad ay gumuguhit ng asul na mga salita sa kalangitan at maanino na mga salita sa maputing sahig ng giikan...

Ang maliit na batang nakita kani-kanina pa lamang, na ngayon ay napakaganda sa kanyang napakaikling kamiseta, ang tanging damit na suot niya sa mainit na oras na ito, ay idinungaw ang kanyang maliit na maitim na ulo sa pintuan ng kusina, nagmamasid nang mabuti, at lumalapit nang maingat na ang kanyang murang maliliit na paa sumasakit sa mainit na lupa. Ang kanyang maluwang na maliit na kamiseta ay halos malaglag mula sa kanyang bilugang mga balikat. Narating niya ang mga disipulo at sinisikap niyang makahakbang sa kanila at matingnan muli si Jesus. Ngunit ang kanyang maliliit na paa ay napakaikli upang makahakbang sa matipunong mga katawan ng mga adulto, at siya ay napatid bumabagsak kay Matthias na nagising at nakita ang maliit na mukha ng napahiyang bata, handa nang umiyak. Siya ay ngumiti at naiintindihan ang dahilan ng pagsisikap ng maliit na bata, sinabi niya: «Halika rito. Ilalagay kita sa pagitan ni Jesus at sa aking sarili. Ngunit kailangan kang maging tahimik at walang-galaw. Hayaan Siyang makatulog, sapagkat pagod Siya.»

At ang bata ay naupong masaya, sinasamba ang magandang mukha ni Jesus. Tinitingnan niya Siya, pinag-aaralan Siya, at gustung-gusto niya Siyang haplusin at hipuin ang Kanyang ginintuang buhok. Ngunit si Matthias ay nagbabantay ngumingiti at hindi siya pinahihintulutan. Ang bata kung gayon ay nagtanong sa mababang tinig: «Siya ba ay laging ganyang kung matulog?»

«Laging ganyan» tugon ni Matthias.

«Pagod ba Siya? Bakit?»

«Sapagkat naglalakad Siya at labis na nagsasalita.»

«Bakit Siya nagsasalita at naglalakad?»

«Upang turuan ang mga bata na maging mabait at mahalin ang Panginoon upang makapunta sa Langit kasama Siya.»

«Sa itaas doon? Papaano nagagawa iyan ng isa? Iyan ay malayo...»

«Ang iyong kaluluwa, nalalaman mo ba kung ano ang kaluluwa?»

«Hindi!»

«Iyan ang pinakamagandang bagay na mayroon tayo, at...»

«Mahigit pa kaysa sa ating mga mata? Sabi ng aking ina ang aking mga mata ay dalawang bituin. Ang mga bituin ay magaganda, alam mo?!»

Ang disipulo ay ngumingiti at tumugon: «Mas maganda pa iyan kaysa sa maliliit ng bituin ng iyong mga mata, sapagkat ang mabuting kaluluwa ay mas maganda pa kaysa sa araw.»

«O! Nasaan iyan? Nasaan sa akin iyan?»

«Dito. Sa loob ng iyong puso. At iyan ay nakaririnig at nakakakita sa lahat at hindi iyan kailanman namamatay. At kung ang isa ay hindi kailanman naging masamâ at namatay bilang isang makatarungang tao, ang kaluluwa niya ay lilipad pataas doon, kasama ang Panginoon.»

«Kasama Siya?» at ang bata ay tinuturo si Jesus.

«Kasama Siya.»

«Ngunit Siya ba ay may kaluluwa?»

«Siya ay may kaluluwa at pagka-Diyos. Sapagkat ang Taong iyan na tinitingnan mo ay Diyos.»

«Papaano mo nalalaman? Sino ang nagsabi sa iyo?»

«Mga anghel ang nagsabi.»

Ang bata, na nakaupo nakasandal kay Matthias, ay hindi matanggap ang balita nang tahimik at siya ay lumuksong tumayo nagtatanong: «Nakita mo ang mga anghel?» at tinitingnan niya si Matthias pinalalaki ang kanyang mga mata. Ang balita ay nakapagtataka na nakalimutan niya nang isang sandali si Jesus at kung gayon hindi niya nakita na ibinukas nang kaunti ni Jesus ang Kanyang mga mata, nagising ng pagbulalas ng bata. Si Jesus ay isinara muli ang Kanyang mga mata ngumingiti at ibinaling sa kabila ang Kanyang ulo.

«Manahimik! Kita mo? Nagigising mo Siya... Paaalisin kita.»

«Magiging mabuti ako. Ngunit ano ang katulad ng mga anghel? Kailan mo sila nakita?» Ang kanyang tinig ay isang bulong muli.

At si Matthias ay matiyagang sinasabi sa bata, na naupong muli sa pagtatalik na kasiyahan sa dibdib ni Matthias, kung ano ang nangyari noong Gabi ng Pasko. At matiyagang sinasagot niya ang mga katanungan ng bata: «Bakit Siya pinanganak sa isang sabsaban? Wala ba Siyang bahay? Napaka-maralita ba Niya na hindi Siya makakita ng isang bahay? May bahay na ba Siya ngayon? Wala ba Siyang Ina? Nasaan ang Kanyang Ina? Bakit Niya Siya pinababayaan nang mag-isa, dahil nalalaman Niya na Siya ay ibig nilang patayin? Hindi ba Siya Niya  minamahal?...» Isang ulan ng mga tanong at isa ng mga tugon. At ang huling tanong – kung saan si Matthias ay tumugon - «Ang Kanyang banal na Ina ay mahal-na-mahal ang Kanyang Dibinong Anak, ngunit gumagawa Siya sakripisyo ng Kanyang kapighatian sa pagpapahintulot sa Kanya na makaikot sa mga lugar, upang ang mga tao ay sana máligtas. At upang mapagaanan ang Kanyang Sarili tinitingnan Niya na may mabubuting tao pa na makapagmamahal sa Kanyang Anak» - ay nakakuha ng ganitong katanungan: «Hindi ba nalalaman ng Kanyang Ina na may mabubuting bata na nagmamahal sa Kanyang Anak? Nasaan Siya? Sabihin sa akin, sapagkat pupunta Ako at sasabihin ko sa Kanya: «Huwag umiyak, ibibigay ko ang lahat ng aking pagmamahal sa Inyong Anak”. Ano sa palagay mo? Masisiyahan ba Siya?»

«Labis, aking bata» sabi ni Matthias hinahalikan siya.

«At matutuwa ba Siya?»

«Oo, labis-labis. Sasabihin mo sa Kanya kapag magising Siya.»

«O! oo!... Ngunit kailan Siya gigising?» Ang bata ay nananabik...

Si Jesus ay hindi na makatagal. Siya ay umikot, na ang Kanyang mga mata gising-na-gising at may maningning na ngiti, at sinabi Niya: «Nasabi mo na sa Akin, sapagkat napakinggan Ko ang lahat. Halika rito, bata.»

O! ang bata ay hindi na kailangang sabihan pa ulit at ibinagsak ang sarili kay Jesus, hinahaplos at hinahalikan Siya, hinihipo ang Kanyang noo, ang Kanyang ginintuang mga kilay at mga talukap-mata sa pamamagitan ng kanyang maliit na daliri, tinitingnan ang kanyang sarili sa Kanyang asul na mga mata, kinukuskos ang kanyang sarili sa Kanyang malambot na balbas at malasedang buhok, inuulit sa bawat pagkakatuklas: «Gaano Kayo kaganda! Maganda! Maganda!» Si Jesus at si Matthias ay ngumingiti.

Pagkatapos habang ang iba ay gumigising, sapagkat ang bata ay hindi na maingat ngayon tungkol sa paggawa ng labis na ingay, ang mga disipulo at mga apostol ay ngumingiti nakikita ang gayon ka-eksaktong pag-iiksamin ng maliit na mamâ na nasa pagsibol, halos-hubad, bilugan, na kumikilos nang masayang-masaya pataas at pababa sa katawan ni Jesus, sinusuri ito mula ulo hanggang paa at nagtatapos sa pagsasabing: «Tumalikod!» at pinaliliwanag niya kung bakit: «upang makita ang Inyong mga pakpak» at nang siya ay nabigo siya ay nagtanong: «Bakit wala Kayo ng mga ito?»

«Hindi Ako isang anghel, Aking bata.»

«Ngunit Kayo ay Diyos! Papaano Kayo magiging Diyos kung Kayo ay hindi puno ng mga pakpak? Papaano Kayo makapupunta sa Langit?»

«Ako ay Diyos. Dahil lamang na Ako ay Diyos hindi Ko kinakailangan ang mga pakpak. Ginagawa Ko ang gusto Ko at nagagawa Ko ang lahat.»

«Bueno, kung gayon, gawin ang aking mga mata na maging katulad ng Inyo. Ang Inyo ay magaganda!»

«Hindi. Binigay Ko sa iyo ang mayroon ka at gusto Ko iyan katulad na ganyan iyan. Hingin mo sa Akin, sa halip, na gawin ang iyong kaluluwa na makatarungan, upang mamahal mo Ako nang labis at labis pa.»

«Binigay rin Ninyo iyan sa akin, kung gayon kailangan na gusto Ninyo iyan» tugon ng maliit na bata na may pambatang lohika.

«Oo, gustung-gusto Ko iyan ngayon sapagkat iyan ay inosente. Ngunit habang ang iyong mga mata ay laging magiging ang kulay ng hinog na mga olibo, ang iyong kaluluwa ay maaaring magbago mula sa pagiging maputi hanggang maging maitim, kung ikaw ay masamâ.»

«Hindi, hindi masama. Minamahal ko Kayo at gusto kong gawin ang sinabi ng mga anghel nang Kayo ay ipinanganak: Kapayapaan sa Diyos sa Langit at kaluwalhatian sa mga tao na may mabubuting kalooban”» sabi ng bata nagkakamali, na nagawa ang mga adulto na humalakhak, at ang maliit na mamâ napapahiya at naging pipi. Ngunit si Jesus ay pinagiginhawahan siya habang itinatama siya: «Ang Diyos ay laging kapayapaan, Aking bata. Siya ang Kapayapaan. Ngunit ang mga anghel ay binibigyan Siya ng kaluwalhatian sapagkat ang Tagapagligtas ay naipanganak at binibigyan nila ang mga tao ng unang alituntunin upang makakuha ng kapayapaan, na manggagaling mula sa Aking kapanganakan: “ang magkaroon ng mabuting kalooban”. Ang isang gusto mo.»

«Oo, ibigay Ninyo iyan sa akin. Ilagay Ninyo iyan dito kung saan ang mamang iyon ay sinabi na naroroon ang aking kaluluwa» at sa pamamagitan ng kanyang hintuturo dinidiinan niya ang kanyang maliit na dibdib nang ilang beses.

«Oo, Aking maliit na kaibigan. Ano ang pangalan mo?»

«Michael!»

«Ang pangalan ng makapangyarihan na Arkanghel. Bueno, binibigay Ko sa iyo ang mabuting kalooban, Michael. At harinawang ikaw ay maging ang kompesor ng totoong Diyos, nagsasabi sa mga nang-uusig kung ano ang sinabi ng iyong anghel na patron: “Sino ang katulad ng Diyos?”. Pagpalain ka nawa ngayon at lagi» at Kanyang ipinapataw ang Kanyang mga kamay sa kanya.

Ngunit ang maliit na bata ay hindi kumbinsido. Sinabi niya: «Hindi, halikan Ninyo ako rito. Sa aking kaluluwa. At ang Inyong pagpapalà ay papasok doon at mananatiling nakakulong doon» at kanyang binuksan ang kanyang dibdib upang mahalikan nang walang kahit anong bagay ang nakahadlang sa pagitan ng kanyang katawan at ng dibinong mga labì ni Jesus.

Ang lahat na mga naroroon ay ngumingiti at naaantig din. At tamang-tama! Ang magandang pananampalataya ng inosenteng bata, na pumunta kay Jesus, sasabihin ng iba sa pamamagitan ng katutubong hilig, subalit sasabihin ko: udyok ng kanyang kaluluwa, ay totoong makabagbag-damdamin, at si Jesus ay tinuran ito nagsasabi: «Eh! Kung ang lahat ay may puso ng isang bata!...»

Ang mga oras ay dumaan pansamantala. Ang bahay ay naging abala muli. Ang mga tinig na mga babae, mga bata at mga lalaki ay maririnig. At ang isang ina ay tumatawag: «Michael! Michael! Nasaan ka?» at ang babae ay lumitaw sa pintuan at nang may takot sa kanyang mga mata tiningnan niya ang mababang balon nang may nakakatakot na idea sa kanyang puso.

«Huwag matakot, babae. Ang iyong anak ay nasa Akin.»

«O! Natatakot ako... Gustung-gusto niya na maglaro ng tubig...»

«At sa katunayan pumunta siya sa Buháy na Tubig Na bumaba mula sa Langit upang magbigay ng Buhay sa mga tao.»

«Pinahirapan niya Kayo... Ngunit nakapuslit siyang walang-ingay na hindi ko siya narinig...» sabi ng babae humihingi ng paumanhin.

«O! hindi! Hindi niya Ako inistorbo. Pinaginhawahan niya Ako! Ang mga bata ay hindi kailanman pinamimighati si Jesus.»

Mga lalaki at mga babae ay lumapit kay Jesus. Ang ulo ng pamilya ay nagsabi: «Pasok at kumain ng ilang makakain. At patawarin kami kung hindi namin Kayo nagawang ang panginoon ng aming bahay sa unang pagkakataon na makita namin Kayo...»

«Wala Akong dapat na ipagpatawad sa inyo. Naging napaka ginhawa Ko rito. Ako ay naparangalan ng inyong paggalang. Mayroon kaming pagkain, at ang inyong bubon ay malamig at ang inyong dayami malambot. Mahigit pa sa kinakailangan para sa Anak ng Tao. Ako ay hindi isang Syrian na gobernador.»

At si Jesus sinusundan ng Kanyang mga apostol ay pinasok ang malapad na kusina upang makakain ng ilan habang ang mga lalaki ay inihahanda ang sahig-giikan upang magkaroon ng lugar para sa mga dumarating na mula sa paligid upang pakinggan ang Guro, at iba ay abala sa paghahanda ng pagkain at mga inumin at nagbabalat ng isang maliit na tupa upang ibigay sa mga nag-eebanghelyo bilang baon para sa kanilang paglalakbay. Ang ibang mga babae ay nagdadala ng mga itlog at mantikilya, na nakakuha ng pagprotesta mula kay Pedro na tamang nagsasabi na ang mantikilya ay hindi madadala sa loob ng mga bag dahil matutunaw ito kaagad sa init. Ngunit sa mga pitsel ay maaari... At ang mga kababaihan ay pinupuno ang isa ng mantikilya, na kanilang tinatakpan at ibinababa sa bubon upang mapanatili hangga't maaari na malamig.

Si Jesus ay pinasasalamatan sila at ibig na limitahan ang mga inaalay. Imposible! Nagsasayang Siya ng hininga. Mas marami pang regalo ang dumarating mula sa kung saan-saan at ang lahat ay humihingi ng paumanhin sa pagbibigay ng napakaliit...

Si Pedro ay bumubulong: «Kitang-kita na ang mga pastol ay napunta na rito. Nabawing lugar... mabuting lugar.»

Ang sahig-giikan ay nagsisiksikan sa mga taong walang-takot bagama't ang araw ay mainit pa at ang huling mga sinag ng araw ay tumatama sa sahig.

Si Jesus ay nagsimulang magsalita: «Kapayapaan sa inyo! Hindi Ko na uulitin ang nalalaman na ninyo, dahil nakikita Ko na ang doktrina ng Guro ng Israel ay nalalaman na rito, sa pamamagitan ng gawain ng Aking mabubuting disipulo. Iniiwan Ko sa kanila ang kaluwalhatian at ang gawain ng pagtuturo sa inyo at ang pagtuturo nang mas lalu’t lalo pa upang magawa kayong perpektong nakatitiyak na Ako ang Isang Ipinangako ng Diyos, at na ang Aking Salita ay mula sa Diyos.»

«At ang Inyong mga himala ay nagmumula sa Diyos, pagpalain nawa Kayo!» sigaw ng isang babae mula sa gitna ng pulutong, at marami ang tumatalikod upang tingnan ang kanyang direksiyon. Ang babae ay itinataas sa kanyang mga kamay ang isang mapula-pulang ngumingiting batang lalaki at sumisigaw: «Guro, ito ay ang munting Juan na Inyong pinagaling sa Clear Water. Ang batang may pilay na mga paa na walang doktor ang makagamot at dinala ko sa Inyo nang may pananampalataya at pinagaling Ninyo siya at pinaupo Ninyo siya sa Inyong lapi.»

«Naalaala Ko, babae. Ang inyong pananampalataya ay karapat-dapat ng himala

«Ang aking pananampalataya ay lumago, Guro. Lahat ng aking mga kamag-anak ay naniniwala sa Inyo. Lakad, anak, at pasalamatan ang Tagapagligtas. Hayaan siyang makapunta sa Kanya...» nakikiusap ang babae.

At ang mga pulutong ay nagbukas upang maparaan siya at siya tumakbo patungo kay Jesus, ang kanyang mga kamay nakabuka upang yakapin Siya. at sila ay nagyakapan sa gitna ng mga hosana at mga komentaryo ng mga taumbayan at ng mga banyaga, sapagkat ang mga tao sa kabukiran ay nalalaman na ang tungkol sa pangyayari at hindi na nasusorpresa. 

Si Jesus ay nagpapatuloy sa Kanyang pagsasalita hawak-hawak ang batang lalaki sa kamay.

«At sa gayon ang isang nagpapasalamat na ina ay pinatutunayan ang Aking Kalikasan at ang kapangyarihan ng pananampalataya sa puso ng Diyos, Na hindi kailanman nambibigo sa mapagtiwalang makatarungang hiling ng Kanyang mga anak.

Hinihingi Ko sa inyo na alalahanin si Judas Macabeo noong siya ay nagpakita sa kapatagan na ito upang pag-aralan ang págkakakámpo ni Gorgias, na limang-libong kawal at sanlibong mga nakakabáyò ang lakas, lahat sinanay sa pakikipaglaban, protektadong-protektado ng mga armor at mga sandata at mga tore na pandigmaan. Si Judas ay nakatingin kasama ang kanyang tatlong-libong tauhan na wala ni pananggalang o mga espada, at nababatid niya ang takot na namumuo sa kanilang mga puso. Pagkatapos siya ay nagsalita, malakas sa karapatan na inaprobahan ng Diyos, sapagkat tinatangka nito hindi ang pag-aabuso ng kapangyarihan, bagkus ang pagtatanggol sa kanilang sinakop at nilapastangang Amangbayan. At sinabi niya: “Huwag matakot sa kanilang bilang, at huwag umurong sa kanilang pagsalakay. Alalahanin kung papaano ang ating mga ninuno iniligtas sa Pulang Dagat, nang ang Paraon ay tinutugis sila nang sapilitan”. At pagkatapos na binuhay nilang muli ang kanilang pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, Na laging nasa panig ng makatarungang mga tao, tinuruan niya sila kung papaano makakuha ng tulong. Sinabi niya: “Ngayon ating itaas ang ating mga tinig sa Langit, at ang Panginoon ay kaaawaan tayo, at inaalaala ang Kanyang tipan sa ating mga ninuno, sisirain Niya ang sandatahang-lakas na ito na humaharap sa atin ngayon, at ang lahat na nasyon ay malalaman nang tiyak na mayroong Tagapagligtas Na nagdadala sa Israel”.

Ngayon, ipakikita Ko sa inyo ang dalawang pangunahing punto upang makasama ninyo ang Diyos, upang makatulong sa inyo sa makatarungang mga pakikibaka. Ang una: upang makasama Siya bilang inyong kaalyado, kailangan na mayroon kayo ng matutuwid na mga kaluluwa ng ating mga ninuno. Alalahanin ang kabanalan at ang agarang pagsunod ng mga  patriyarka sa Panginoon, maging ang hinihiling ay maliit o malaki ang importansiya. Alalahanin na sa kung anong katapatan sila nanatiling matapat sa Panginoon. Tayo ay nagrereklamo nang maigi sa Israel na ang Panginoon ay hindi na kasing bait sa atin katulad na Siya ay noong nakaraan. Ngunit ang Israel ba ay may espiritu ng kanyang mga ninuno? Na sumira at patuloy na sumisira sa alyansa sa Ama?

Ang ikalawang pangunahing bagay upang makasama ninyo ang Diyos: kababaang-loob. Si Judas Macabeo ay isang dakilang Israelita, siya ay isang magiting na sundalo.  Ngunit hindi siya nagsasabi: “Sisirain ko ang sandatahang-lakas na iyan ngayon at ang mga nasyon ay malalaman na ako ang tagapagligtas ng Israel”. Hindi. Sinasabi niya: “At ang Panginoon ay sisirain ang sandatahang-lakas na humaharap sa atin, sapagkat hindi natin magagawa iyan, mahihinang katulad natin”. Dahil ang Diyos ay isang Ama at inaalagaan Niya ang Kanyang maliliit na anak at upang mapigilan na sila ay mawala, pinadadala Niya ang Kanyang malalakas na hanay na lalaban sa mga kaaway ng Kanyang mga anak nang may mga armas na higit pa sa pantao. Kung ang Diyos ay kasama natin, sino ang makatatalo sa atin? Laging ilagay iyan sa isip, ngayon at lalo na sa hinaharap, kung kailan magsisikap silang talunin kayo,  at hindi tungkol sa mga bagay na sa pagkukumpara hindi masyadong mahalaga, katulad ng pambansang labanan, bagkus sa mga bagay na mas malawak ang kahalagahan kapwa sa panahon at sa mga konsekwensiya, tungkol sa inyong mga kaluluwa. Huwag magpatalo sa bagabag o sa pagmamalaki. Kapwa sila makapipinsala. Ang Diyos ay makakasama ninyo kung kayo ay inuusig dahil sa Aking Pangalan at bibigyan kayo ng lakas sa pang-uusig. Ang Diyos ay makakasama ninyo kung kayo ay may kababaang-loob, kung tatanggapin ninyo na kung kayo lamang mismo kayo ay walang magagawa, samantalang magagawa ninyo ang lahat kung kayo ay kaisa ng Ama.

Si Judas ay hindi nagyayabang inaadornohan ang sarili ng titulo ng Tagapagligtas ng Israel. Bagkus binibigay niya ang titulong iyan sa Eternal na Ama. Sa katunayan nag-aabala nang walang-patutunguhan ang mga tao, kung hindi tutulungan ng Diyos ang kanilang mga pagsisikap. Samantalang mananalo nang walang kuskus-balungos ang nagtitiwala sa Panginoon, Na nakaaalam kung kailan tama na gantimpalaan ang mga tao ng mga pananagumpay, at kung kailan makatarungan na magparusa sa pamamagitan ng mga pagkatalo. Tanga ang isang tao na gustong husgahan ang Diyos, pinapayuhan o pinipintasan Siya.  Maiisip ba ninyo ang isang langgam, na pinapanood ang isang tagaputol-ng-marmol, ay magsasabi: “Hindi ka magaling sa paggawa niyan. Mas mabuti pa at mas mabilis pa ako kaysa sa iyo”? Siya na gustong turuan ang Diyos, ay ganyan din ang kanyang pinakikita. At sa kanyang katawa-tawang hitsura idinadagdag niya ang kawalang utang-na-loob at pagmamalaki, kinakalimutan kung ano siya: isang nilikha, at kung ano ang Diyos:  ang Tagapaglikha. Ngayon kung ang Diyos ay nilikha ang isang perpektong nilikhang iyan, na makapag-iisip na mapapayuhan niya ang Diyos Mismo, ano ang magiging perpeksiyon ng Tagapaglikha ng lahat na mga nilikha? Ang simpleng kaisipan na iyan ay kailangang sapat nang mapahiya ang pagmamalaki, masira ang masamang tanim ni satanas na isang parasito na gumagapang patungo sa katalinuhan ng tao at sinisira ito, pinapalitan ito ng ibang tanim, sinasakal at pinapatay ang bawat mabuting puno, bawat birtud na nagpapadakila sa tao sa Lupa, totoong dakila, hindi dahil sa dakilang kayamanan o mga koronita, bagkus dahil sa katarungan at sobrenatural na karunungan, at pasasayahin siya sa Langit magpasawalanghanggan at magpakailanman.

At ating tingnan ang isa pang mabuting payo na binigay sa atin ng dakilang Judas Macabeo at ng mga pangyayari noong araw na iyon sa kapatagan na ito. Nang sila ay nakipaglaban, ang mga tropa ni Judas, kung kanino naroroon ang Diyos, ay tinalo at pinuksa ang kanilang mga kaaway, hinahabol ang ilan hanggang sa layo ng Gezer, Azotus, Idumaea at Jamnia, ayon sinasabi sa atin ng kasaysayan, at pinapatay ang ilan sa pamamagitan ng espada, iniiwan ang mahigit sa tatlong libong patay sa mga larangan. Ngunit si Judas ay nagsabi sa kanyang mga mandirigma na nananabik sa pagkapanalo: “Kalimutan ang mga katawan, dahil may isa pang labanan sa unahan natin. Si Gorgias at ang kanyang puwersa ay nasa bundok na hindi malayo sa atin. Kailangan na ipagpatuloy natin ang pakikipaglaban sa ating mga kaaway at talunin silang ganap at pagkatapos malilikom natin ang mga nasamsam sa kaaway nang hindi nagmamadali”. At ginawa nila ang gayon. At nakuha nila ang malaking tagumpay at nakapagdala sila ng malaking nasamsam sa mga kaaway, at sila ay bumalik umaawit ng mga papuri sa Diyos sapagkat “Siya ay mabuti, at ang Kanyang awa ay walang katapusan”.

Ang tao din, ang bawat tao, ay katulad ng mga larangan sa paligid ng banal na siyudad ng mga Judaean. Siya ay napaliligiran ng panlabas at panloob na mga kaaway, na lahat malupit at nananabik na makipaglaban sa banal na siyudad ng bawat tao: ibig-sabihin, sa kanyang kaluluwa, at gawin ang pakikipaglaban nang biglaan, upang magapi ito ng sorpresa sa pamamagitan ng walang-katapusang mga panloloko at sirain ito. Ang masisimbuyong damdamin, na itinatanim ni Satanas at pinakikilos, at na hindi binabantayan ng tao sa pamamagitan ng kanyang kalooban upang mapatigil, dahil ang mga ito ay mapanganib kung hindi kakabisadahan ng tao, samantalang hindi ito makapipinsala kung lagi itong binabantayan katulad na binabantayan ang isang magnanakaw na nakatanikala, at ang mundo na mula sa labas ay nakikipagsabwatan sa masisimbuyong damdamin sa pamamagitan ng mga panggaganyak ng laman, ng kayamanan, ng pagmamalaki, katulad-na-katulad ng makapangyarihang mga sandatahang-lakas ni Gorgias, nababalot ng armor, may mga tore ng pandigma, magagaling na arkero, mabibilis na mga nakakabáyò, laging handang sumalakay sa ilalim ng mga utos ng Kasamaan. Ngunit ano ang magagawa ng Kasamaan kung ang Diyos ay kasama ng tao na gustong maging makatarungan? At ang tao ay maaaring maghirap at masugatan, ngunit ang kanyang kalayaan at buhay ay maliligtas at kalulugdan niya ang pananalo pagkatapos ng mabuting pakikipaglaban. Ngunit iyan ay hindi nangyayari nang minsan lamang, bagkus nangyayari iyan nang paulit-ulit habang tumatagal ang buhay, o hanggang hinubaran mismo ng tao ang kanyang pagkatao at maging mas espiritu kaysa katawan, isang espiritu na lubos na kaisa ng Diyos na ang mga palaso, mga kagat, mga apoy ng labanan ay hindi na sa kanya makapanunugat nang malala, at bumabagsak ito pagkatapos na tamaan siya nang mababaw, katulad ng isang patak na tubig na bumabagsak sa matigas na maningning na haspe.

Huwag tumigil upang manamsam, huwag iligaw ang inyong atensiyon, hanggang sa kayo ay nasa pamasukan na ng Buhay, hindi ng buhay na ito sa Lupa, bagkus ng totoong Buhay sa Langit. Pagkatapos, bilang nanalo, makukuha na ninyo ang inyong nasamsam at pumasok, at magpatuloy pasulong, nang maluwalhati, sa harapan ng Hari ng mga hari at sabihin: “Ako ay nanalo. Naririto ang aking nasamsam. Nalikom ko ito sa tulong Ninyo at ng aking mabuting kalooban at pinagpapalà ko Kayo, Panginoon, sapagkat Kayo ay mabuti at ang Inyong awa ay walang-katapusan”.

Ito ay para sa bawat isa sa pangkalahatan. Ngunit para sa inyo na naniniwala sa Akin ay may isa pang labanan na naghihintay. Hindi lang, bagkus, mga ilan pang labanan. Ang pakikipaglaban sa pagdududa. Ang pakikipaglaban sa mga salitang sasabihin sa inyo. At ang pakikipaglaban sa mga pang-uusig.

Ako ay malapit nang itaas sa lugar, para kung saan Ako ay naparito mula sa Langit. Ang lugar na iyan ay pahihintakutin kayo, tila pasisinungalingan ninyo ang Aking mga salita. Huwag. Tingnan ang pangyayari na may espirituwal na mga mata. At makikita ninyo na ang nangyayari ay ang pagpapatotoo tungkol sa kung ano nga Akong talaga. Hindi ang kaawa-awang hari ng isang kaawa-awang kaharian. Bagkus ang Hari na hinulaan ng mga propeta, na sa paanan ng Kaninong inmortal na trono, ang lahat na mga nasyon sa Lupa ay pupunta, katulad na ang mga ilog ay dumadaloy sa dagat, at magsasabi: “Sinasamba namin Kayo, Hari ng mga hari at eternal na Hukom, sapagkat sa pamamagitan ng Inyong banal na Sakripisyo natubos Ninyo ang mundo”.

Labanan ang pagdududa. Hindi Ako nagsisinungaling. Ako ito na tungkol Kanino ang mga propeta ay nagsasalita. Katulad ng ina ng maliit na Juan kanina, itaas ang alaala ng tungkol sa Aking ginawa para sa inyo, at magsabi: “Ang mga gawang ito ay nanggaling sa Diyos. Iniwan Niya ito sa atin sa pag-alaala, bilang pagpapatotoo at tulong sa paniniwala, at maniwala sa pinaka-oras na ito”. Lumaban at kayo ay mananalo laban sa pagdududa na sumasakal sa hininga ng mga kaluluwa. Labanan ang mga salitang sasabihin sa inyo. Alalahanin ang mga propeta at ang Aking mga gawa.  At tumugon sa palaban na mga salita sa pamamagitan ng mga propeta at ng mga himala, na inyong nakita na ginawa Ko. Huwag matakot. At huwag maging walang-pasasalamat dala ng takot, nagiging tahimik tungkol sa kung ano ang Aking ginawa para sa inyo. Labanan ang mga pang-uusig. Ngunit huwag lumaban sa pamamagitan ng pang-uusig sa inyong mga taga-usig, bagkus sa pamamagitan ng paggawa ng isang makabayaning pagtatapat sa mga na, may pananakot ng kamatayan, ay magsisikap na kumbinsihin kayo na ikaila Ako. Laging lumaban sa inyong mga kaaway. Laban sa inyong pagkatao, sa inyong mga takot, sa di-karapat-dapat na mga kompromiso, mapakikinabangang mga pagsasanib, panggigipit, mga pananakot, pagpapahirap, kamatayan.

Kamatayan! Ako ay hindi isang lider na nagsasabi sa kanyang sambayanan: “Maghirap para sa akin, habang nagpapakasasa ako sa pagpapakasarap”. Hindi. Ako ang unang maghihirap upang maglagay ng halimbawa para sa inyo. Ako ay hindi ang komandante ng mga sandatahang-lakas na nagsasabi sa kanyang mga sundalo: “Lumaban upang ipagsanggalang Ako. Mamatay upang mailigtas ang Aking buhay”. Hindi. Ako ang unang lumalaban. Ako ang unang mamamatay, upang maturuan kayo kung papaano mamatay. Katulad na lagi Kong ginagawa kung ano ang Aking sinasabi sa mga tao na gawin, at nagtuturo ng karukhaan, pagtitimpi, kahinahunan, katarungan, pagpapatawad, Ako ay nanatiling mahirap, basal, mahinahon, makatarungan, at Ako ay nagpatawad at magpapatawad; dahil ginawa Ko ang lahat na iyan, gagawin Ko ang huling bagay. Tuturuan Ko kayo kung papaano manubos. Tuturuan Ko kayo hindi sa pamamagitan ng mga salita, bagkus sa pamamagitan ng mga gawa. Tuturuan Ko kayo kung papaano sumunod, sa pamamagitan ng pagsunod sa pinakamahirap na pagsunod: sa pagsunod sa Aking kamatayan.

Tuturuan Ko kayo na magpatawad, nagpapatawad sa huling pagpapahirap sa Akin, katulad nang nasa dayami ng Aking kuna pinatawad Ko ang Sangkatauhan sa paghila sa Akin mula sa Langit. Ako ay magpapatawad katulad na lagi Akong nagpatawad. Lahat. Lahat sa ganang Akin. Patatawarin Ko ang Aking maliliit na kaaway, ang walang-galaw, walang-paki-alam, pabagu-bago, at ang Aking malalaking kaaway, na hindi lamang nagpapamighati sa Akin sa pagiging walang-damdamin sa Aking kapangyarihan at sa mithiin na mailigtas sila, ngunit labis nilang pinahihirapan at pahihirapan pa nila Ako sa pagiging mamamatay-ng-diyos . Ngunit Ako ay magpapatawad. At sa dahilan na hindi Ko mapatatawad ang di-nagsisising mga mamamatay-ng-diyos, magdarasal pa rin Ako, sa Aking huling paghihirap, sa Ama para sa kanila... dahil sila ay nalasing ng alak ni satanas... Ako ay magpapatawad... At hinihingi Ko sa inyo na magpatawad sa ngalan Ko. At magmahal. Magmahal katulad na Ako ay nagmamahal, katulad na minamahal Ko kayo at mamahalin kayo magpasawalanghanggan.

Paalam. Dumidilim na. Tayo ay magdasal nang magkakasama, pagkatapos kayo ay makalalakad nang pabalik sa inyong mga tahanan na ang mga salita ng Panginoon nasa inyong mga puso, at sila ay sana maging magagandang-hugis ng mga tainga ng butil para sa inyong kagutuman sa hinaharap, kung kailan magmimithi kayong mapakinggan muli ang Kaibigan, ang Guro, inyong Tagapagligtas, at tanging sa pagtataas lamang ng inyong mga kaluluwa sa Langit makikita ninyo Siya Na nagmahal sa inyo nang higit pa kaysa sa Kanyang Sarili Mismo.

Ama namin Na nasa Langit...» at si Jesus, na may nakaunat na mga kamay, katulad ng mahestuwusong maputing krus sa kaligiran ng madilim na pader ng hilagang harapan, ay binibigkas nang dahan-dahan ang Ama Namin.

Pagkatapos Siya ay nagpapalà sa pamamagitan ng pagpapalà ni Moses. Hinahalikan Niya ang mga bata at pinagpapalà silang muli. Siya ay umalis at nagpagawing hilaga, iniikutan ang mga pader ng bayan ng Emmaus, nang hindi na pinapasok ang bayan. Ang biyoletang mga kulay ng dapit-hapon ay unti-unting nilululon ang magiliw na bisyon tungkol kay Jesus, Na lalu’t lalo pang nagpapatuloy patungo sa Kanyang kahahantungan.

Sa loob ng madilim-dilim na bakuran ay naroon ang katahimikan ng nakapamimighating kapayapaan... Halos gawa ng paghihintay. Pagkatapos ang pag-iyak ng maliit na si Michael, katulad ng madaing na pag-ingay ng isang maliit na tupa na nag-iisa, ang sumira sa katahimikan at ang mga luha ay bumukal sa maraming mga mata habang ang maraming mga labì ay inuulit ang inosenteng mga salita ng maliit na bata: «O! Bakit Siya umalis? Bumalik Kayo! Bumalik Kayo!... Panginoon, gawin Siyang bumalik!» At nang si Jesus ay nawalang lubusan, naroon ang malungkot na pagtiyak ng katotohanan: «Si Jesus ay wala na rito!» Walang magawa ang kanyang nanay na paginhawahan ang maliit na Michael, na umiiyak na tila nawala sa kanya ang higit pa sa kanyang nanay, at mula sa mga bisig ng kanyang ina hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa lugar kung saan si Jesus nawala at na ang kanyang mga kamay nakaunat siya ay tumatawag: «Jesus! Jesus!»

... Si Jesus ay naghihintay na makalayu-layo, pagkatapos sinabi Niya: «Pupunta tayo sa Joppa. Ang mga disipulo ay nagtrabaho nang mabuti roon at ang mga tao ay naghihintay sa salita ng Panginoon.»

Walang masyadong kasiglahan para sa mungkahing pagpapalawig pa daan, ngunit sinasabi ni Simon Zealot na ito ay isang mabilis na paglalakbay at sa isang mabuting daan mula sa Joppa hanggang sa mga ari-arian nina Nicodemus at Jose, at si Juan ay masaya na sila ay  mapapagawi sa dagat. At ang iba, nakumbinsi ng gayong konsiderasyon, ay nagtapos sa paglakad nang mas pumapayag sa daan na magdadala sa kanila sa dagat.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ilalagay mo rito ang bisyon ng Setyembre 20, 1944: «Si Jesus at ang mga Hentil sa isang Bayan sa Tabing-dagat”, na iyong lalagyan ng titulo: “Sa Joppa si Jesus Nagsasalita kay Judas Iskariote at sa ilang mga Hentil”, sapagkat ang episodyo ay nangyari doon pagkaraan ng isang araw ng mga himala at pagtuturo.»

101110

 


Sunod na kabanata