404. Sa Joppa si Jesus Nagsasalita kay Judas ng Kerioth at sa ilang mga Hentil.

Setyembre 20, 1944.

Nakikita ko si Jesus sa mas looban ng bakuran ng isang bahay, na katamtaman bagama't hindi maningning. Nagmumukha Siyang pagod-na-pagod. Nakaupo Siya sa isang batong upuan malapit sa isang bubon na may mababang parapet, sa itaas nito kung saan ang isang berdeng balag ay pumoporma ng isang arko. Ang mga bungkos ng ubas ay nagsisimula pa lamang na maporma. Ang mga bulaklak ay maaaring kalalaglag pa lamang kamakailan at ang munting mga ubas ay katulad ng mga butil na patuka sa mga ibon nakabitin sa maliliit na berdeng tangkay. Nakalagay ang kanang siko ni Jesus sa Kanyang kanang tuhod at ang Kanyang baba nasa loob ng uka ng Kanyang kamay. Kung minsan, inilalagay Niya ang Kanyang nakabaluktot na kamay sa gilid ng bubon at ang Kanyang ulo sa ibabaw ng Kanyang kamay, na tila ibig Niyang maging mas komportable: tila ibig Niyang matulog. Ang Kanyang buhok kung gayon ay babagsak tinatakpan ang Kanyang pagod na mukha, na, kapag makikita, ay nagmumukhang maputla at seryoso, napapanabihan ng kulot na pulang medyo olandesang mga buhol.

Ang isang babae ay lumalakad nang paurong at paharap, ang kanyang mga kamay natatakpan ng harina, at dumaraan siya mula sa isang silid ng bahay hanggang sa isang mas maliit na silid sa kabila ng bakuran kung saan maaaring naroroon ang isang pugon. Tinitingnan niya si Jesus sa tuwing dumaraan siya, ngunit hindi niya Siya iniistorbo. Maaaring ngayon ay gabi, sapagkat ang mga sinag ng araw ay hinahapaw ang itaas ng terasa nang pahina-nang-pahina at maya-maya’y nawalang ganap.

Mga isang dosenang mga kalapati ang pababa nang humuhuni sa bakuran para sa huling pagkain. Umiikot sila sa ere sa paligid ni Jesus na tila ibig nilang matiyak kung sino ang estranghero at di-nagtitiwalang ayaw nilang lumapad sa lupa. Si Jesus ay nakalimutan ang Kanyang mga alalahanin at ngumiti, iniunat Niya ang Kanyang isang kamay, ang palad nasa ibabaw, at nagsabi: «Gutom ba kayo? Halikayo» na tila nakikiusap siya sa mga tao. Ang pinakamalakas ang loob ay bumaba sa Kanyang kamay, sinundan ng dalawa pa. Si Jesus ay ngumingiti: «Wala Akong patuka» tugon Niya sa kanilang humuhuning hiling. Pagkatapos tumawag Siya sa malakas na tinig: 

«Babae? Ang iyong mga kalapati ay gutom. Mayroon ka bang kahit anong butil para sa kanila?»

«Oo., Guro. Nasa sako ito sa ilalim ng balkon. Darating ako kaagad.»

«Hindi na bale. Ibibigay Ko ito sa kanila. Gusto Kong ginagawa ito.»

«Hindi sila lalapit sa Inyo. Hindi nila Kayo nakikilala.»

«O! Sila ay nasa Aking mga balikat at sa Aking ulo pati!...»

Si Jesus sa katunayan ay naglalakad na may kakaibang palong: isang kulay-tingga na kalapati, na ang kaninong dibdib ay nagbabalangaw-na-nagbabalangaw na tila ito ay isang mamahaling plaka sa dibdib.

Ang babae ay dumungaw sa pintuan hindi makapaniwala at bumulalas: «O!»

«Kita mo? Ang mga kalapati ay mas mabuti pa kaysa sa mga tao, babae. Nadarama nila kung sino ang nagmamahal sa kanila. Ang mga tao... hindi.»

«Guro, kalimutan Ninyo ang nangyari. Tanging kakaunting mga tao lamang ang napopoot sa Inyo. Ang iba, kung hindi lahat sila nagmamahal sa Inyo, gumagalang man lamang Inyo.»

«O! Hindi Ako mawawalan ng lakas-ng-loob dahil diyan. Ibig Ko lamang ipakita sa iyo na ang mga hayop ay kadalasan mas mabuti pa kaysa sa mga tao.»

Si Jesus ay nabuksan ang sako. Ipinasok Niya ang Kanyang mahabang kamay dito at kumuha ng ilang kulay-gintong mga butil, na Kanyang inilagay sa nakaluping gilid ng Kanyang manta. Isinara Niyang muli ang sako at bumalik sa bakuran, ipinagsasanggalang ang Kanyang Sarili sa mapanghimasok na mga kalapati na ibig na matulungan ang kanilang mga sarili. Iniladlad Niya ang Kanyang manta at ikinalat ang mga butil sa sahig at tumatawa sa kaingayan at pag-aagawan ng matatakaw na ibon. Ang kainan ay maya-maya tapos na. Ang mga kalapati ay umiinom mula sa isang malalim na pinggan malapit sa bubon at tinitingnan ulit si Jesus.

«Lakad na. Wala na Akong iba pa.»

Sila ay lumipad-lipad sa paligid bumababa sa mga balikat ni Jesus at sa mga tuhod pagkatapos bumalik sila sa kanilang mga pugad. Si Jesus ay napalubog muli sa pagninilay-nilay.

Mayroong malakas na pagkatok sa pinto. Ang babae ay nagmadali upang buksan ang pinto. Ito ay ang mga disipulo.

«Halikayo» sabi ni Jesus. «Naibigay ninyo ang pera sa mahihirap?»

«Oo, Guro. Naibigay namin.»

«Sa pinakahuling sentimos? Tandaan na kung ano ang ibinigay sa atin ay hindi para sa atin. Bagkus ito ay kailangan na maibigay sa Karidad. Tayo ay mahirap at tayo ay nabubuhay sa awa ng ibang mga tao. Mamiserable ang apostol na nagsasamantala sa kanyang misyon para sa pantaong mga pakay!»

«At kung isang araw kami ay mawalan ng tinapay at kami ay inaakusahan na lumalabag sa Batas dahil ginagaya namin ang mga pipit, kumakain ng mga butil katulad nila, ano ang gagawin namin?»

«Nagkulang ka na ba ng kahit ano, Judas? Anuman na mahalaga mula nang mapasama ka sa Akin? Bumagsak ka na ba na hapo sa daan?»

«Hindi, Guro.»

«Noong sinabi Ko sa iyo: “Halika” nangako ba Ako sa iyo ng kaginhawahan at mga kayamanan? At nagsasalita sa mga nakikinig sa Akin, nagsabi ba Ako kailanman na bibigyan Ko ang “Aking mga disipulo” ng kita sa Lupa?»

«Hindi, Guro.»

«Bueno, Judas? Bakit ka nagbago nang labis? Hindi mo ba nalalaman, hindi mo ba nababatid na ang iyong kawalang-kasiyahan at ang iyong kawalang-pakialam ay nagpapamighati sa Akin? Hindi mo ba nakikita na ang iyong di-pagkakontento ay naaapektuhan din ang inyong mga kapatid? Bakit, Judas, Aking kaibigan, pinababayaan mo na Ako ngayon, samantalang tinawag ka sa napakadakilang patutunguhan, at pumunta ka sa Aking pagmamahal at sa Aking Liwanag nang may labis na pananabik?»

«Guro, hindi ko Kayo pinababayaan. Ako ang isa na labis na nangangalaga sa Inyo, sa Inyong mga interes, sa Inyong pananagumpay. Ibig kong makita Kayo na nananagumpay kahit saan, maniwala sa akin.»

«Alam Ko. Gusto mo iyan sa pantaong pamamaraan. Iyan ay isang malaking bagay. Ngunit ayaw Ko niyan, Judas, Aking kaibigan... Ako ay naparito para sa isang bagay na napakalayo kaysa sa isang pantaong pananagumpay at sa isang pantaong kaharian... Ako ay hindi naparito upang bigyan ang Aking mga kaibigan ng mga mumo ng isang pantaong pananagumpay. Bagkus naparito Ako upang bigyan kayo ng isang dakila, totoo, masaganang gantimpala, isang gantimpala na hindi na isang gantimpala, dahil ito ay kumpletung-kumpleto: ito ay pakikibahagi sa Aking eternal na Kaharian, ito ay pakikiisa sa mga karapatan ng mga anak ng Diyos... O! Judas! Bakit hindi ka nasisiyahan tungkol sa makalangit na pamanang ito, na kakamtin ng isa sa pamamagitan ng pagrerenunsiya, ngunit wala itong nalalaman ng panghihina?

Halika nang mas malapit sa Akin, Judas. Kita mo? Tayo ay nag-iisa. Ang iba ay nakaintindi na ibig Kong magsalita sa iyo, ang tagapamahagi ng Aking... mga kayamanan, ng mga limos na tinatanggap ng Anak ng Tao, ng Anak ng Diyos upang ibigay sa kanila, sa ngalan ng Diyos at ng Tao, sa tao. At sila ay pumunta sa bahay. Tayo ay nag-iisa, Judas, sa loob ng matamis na oras na ito ng gabi, kung kailan ang ating mga puso ay lumilipad patungo sa ating malalayong tahanan, sa ating mga ina, na tiyak na nag-iisip tungkol sa atin, habang inihahanda nila ang kanilang pangungulilang hapunan, at hinahaplos ng kanilang mga kamay ang lugar kung saan tayo madalas na nauupo sa harapan ng oras ng ito ng Diyos, kung kailan ang Kanyang Kabanalbanalang Kalooban ay kinukuha tayo upang magawa Siyang mamahal sa espiritu at katotohanan.

Ating mga ina! Ang Akin, napakabanal at dalisay, na giliw-na-giliw sa inyong lahat at nagdarasal para sa inyo, mga kaibigan ng Kanyang Jesus... Ang Akin, Na mayroon bagkus ang kapayapaang ito, sa Kanyang kabalisahan ng Kanyang Pagiging-Ina ng Ina ng Kristo: ang malaman na Ako ay napaliligiran ng inyong pagmamahal... Huwag biguin, huwag saktan ang pusong iyan ng isang Ina, Aking mahal na mga kaibigan. Huwag wasakin iyan sa pamamagitan ng kahit na anong kasamaang kilos ninyo! Ang iyong ina, Judas. Ang iyong ina, na noong huling daan natin sa Kerioth ay hindi makapagpigil sa pagpapalà sa Akin at ibig na halikan ang Aking mga paa, sapagkat siya ay masaya na ang kanyang Judas ay nasa Liwanag ng Diyos, at madalas niyang sabihin sa Akin: “O! Guro! Gawin ang aking Judas na banal! Ano ang hinahanap ng isang ina, bagkus ang kabutihan ng kanyang anak? At anong kabutihan ang mas mabuti pa kaysa sa eternal na Kabutihan?” Sa katunayan! At anong kabutihan, Judas, ang mas dakila pa kaysa sa isa kung saan ibig Ko kayong lahat na madala, at nararating ng isa sa pagsunod sa Aking Daan? Ang iyong ina ay isang banal na babae, Judas. Isang totoong anak-na-babae ng Israel. Hindi Ko siya pinahintulutan na halikan ang Aking mga paa. Sapagkat kayo ay Aking mga kaibigan at sapagkat sa loob ng bawat isa ng inyong mga ina, sa bawat mabubuting ina, nakikita Ko ang Akin, Judas. At gusto Kong makita ninyo sa inyong mga ina ang Akin, kasama ang Kanyang nakapanghihilakbot na patutunguhan ng Kapwa-Tagapagtubos, at ibig Ko na huwag ninyong ibigin na patayin Siya sapagkat... sapagkat mararamdaman ninyo na pinapatay ninyo ang inyong sariling mga ina.

Judas, huwag umiyak. Bakit umiyak? Kung wala kang nararamdamang pagkukulang sa loob ng inyong puso tungkol sa iyong ina o sa Akin, bakit iluha ang mga luhang iyan? Halika rito, ipahinga mo ang iyong ulo sa Aking balikat at sabihin sa iyong Kaibigan ang iyong kabalisahan. Nakagawa ka ba ng mali? Sa pakiramdam mo ba makagagawa ka na ng mali? O! huwag kang manatiling nag-iisa! Talunin sa Satanas sa pamamagitan ng tulong Niya Na nagmamahal sa iyo. Ako si Jesus, Judas. Ako si Jesus na nagpapagaling ng mga sakit at nagpapalayas ng mga dimonyo. Ako si Jesus Na nagliligtas... at nagmamahal sa inyo nang labis, na Siya ay nag-aalala nakikita kayong napakahina. Ako si Jesus Na nagtuturo na magpatawad ang pitumpu’t na pitong beses... at walang pagkakamali, Judas, walang pagkakamali, Judas, walang pagkakamali, Judas, na hindi Ko pinatatawad, na hindi Ko pinatatawad, na hindi Ko pinatatawad, kung ang nagsisising nagkasala ay nagsasabi sa Akin: “Jesus, ako ay nagkasala”. Kahit mas kulang pa: Kung sasabihin lamang niya: “Jesus!” At kahit kulang pa: kung Ako ay kanya lamang titingnan nang nangungusap. At ang unang mga pagkakasalang Aking pinatawad, nalalaman mo ba, Aking kaibigan, kung kanino Ko pinatawad ang mga iyon? Ang pinakamasama at ang pinaka-nagsisisi. At nalalaman mo ba ang pinaka-unang mga kasalanan na Aking pinatawad? Ang mga ginawa laban sa Akin.

Judas?... Hindi ka ba makakita ng isang salita na itutugon sa iyong Guro?... Ang iyo bang dalamhati ay napakatindi na nagagawa nitong mamatay ang mga salita sa iyong mga labì? Natatakot ka ba na itatakwil kita? Huwag matakot! Matagal na Akong naghihintay na makausap ka nang ganito, hinahawakan ka sa Aking puso, katulad ng magkakambal sa loob ng isang kuna, ipinanganak ng isang ina, halos isang lamang, dalawang sanggol na nagpapalit-palitan sa pagsuso sa iisang mainit na utong, ang bawat isa natitikman ang laway ng kanyang kapatid sa matamis na gatas ng kanyang ina. Ngayon ay nasa Akin ka na at hindi kita paaalisin hanggang sabihin mo sa Akin na napagaling na kita. Huwag matakot, Judas. Gusto Ko ang iyong pangungumpisal. Ngunit ang iyong mga kasamahan ay iisipin na ito ay isang mapagkaibigan na pag-uusap, sapagkat pagkatapos nito ang ating mga mukha ay magsisinag labis sa nagbibigayan na kapayapaan at pagmamahal. At gagawin Ko silang mas maniwala pa nang lalo, sa paghawak sa iyo nang nakadikit sa Aking dibdib sa hapunan ngayong gabi, isinasawsaw sa pinggan ang Aking sariling tinapay para sa iyo at ibinibigay ito sa iyo katulad sa isang paborito, at ikaw ang magiging una kung kanino Ko ibibigay ang kopa, pagkatapos na makapagbigay ng pasasalamat sa Diyos. Ikaw ang magiging hari ng bangkete, Judas. At ikaw nga ang totoong magiging hari. Ikaw ang magiging Nobya ng Nobyo, o kaluluwa na Aking minamahal, kung ikaw ay magiging malinis at malaya, iniiwan ang iyong alikabok sa Aking nagdadalisay na lapi.

Hindi ka ba magsasalita upang sabihin mo sa Akin ang iyong dalamhati?»

«Nagsalita Kayo nang napakabait sa akin... tungkol sa aking ina... tungkol sa bahay... tungkol sa Inyong pagmamahal... Isang sandali ng kahinaan... Ako ay pagod-na-pagod!... At akala ko ako ay hindi Ninyo minamahal nang ganyan nang matagal-matagal...»

«Hindi. Hindi iyan ganyan. Tanging isang bagay lamang sa sinabi mo ang totoo, at iyan ay na ikaw ay pagod. Ngunit hindi ka pagod ng daan, ng alikabok, ng araw, ng putik, ng mga pulutong, ikaw ay pagod ng sarili mo. Ang iyong kaluluwa ay pagod ng iyong katawan at ng iyong isip. Pagod-na-pagod na iyan ay magtatapos na patay ng nakamamatay na kapaguran. Kaawa-awang kaluluwa, na Aking tinawag sa eternal na kaningningan! Kaawa-awang kaluluwa, na nakaaalam ng Aking pagmamahal para sa iyo at kinagagalitan ka sa pag-alis mo nito mula sa Aking pagmamahal! Kaawa-awang kaluluwa, na kinagagalitan ka nang walang mangyari – katulad na sa kawalang-mangyari hinahaplos kita – sa pagkilos nang palihim sa iyong Guro. Ngunit hindi ikaw ang kumikilos. Siya ito na napopoot sa iyo at sa Akin. Iyan kung bakit sinabi Ko sa iyo: “Huwag manatiling nag-iisa”. Ngayon, makinig. Nalalaman mo na karamihan ng Aking mga gabi ay ginugugol Ko sa pagdarasal. Kung isang araw nararamdaman mo ang tapang ng pagiging isang lalaki at ibig mong maging Akin, pumunta ka sa Akin kapag ang iyong mga kasamahan ay natutulog. Ang mga Bituin, mga bulaklak, mga ibon ay mabubuting marurunong na saksi. At sila ay malihim at maawain. Sila ay nahihintakutan ng krimen na ginagawa sa presensya nila, ngunit hindi sila nagbibigkas ng kahit anong salita upang sabihin sa mga tao: “Ang taong ito ay ang Cain ng kanyang kapatid”. Naintindihan mo ba, Judas?»

«Oo, Guro, naintindihan ko. Ngunit maniwala sa akin: Ako ay pagod lamang at lubos na naantig. Minamahal ko Kayo nang buong puso ko at...»

«O sige. Tama na iyan.»

«Mabibigyan ba Ninyo ako ng isang halik, Guro?»

«Oo, Judas. Bibigyan kita ng isang halik ngayon at marami pa sa hinaharap...»

Si Jesus ay nagbuntung-hininga nang malalim, may dalamhati. Ngunit hinahalikan Niya si Judas sa pisngi. Pagkatapos Kanyang kinuha ang kanyang ulo sa pagitan ng Kanyang mga kamay. At hinahawakan ito nang mahigpit, sa harapan Niya Mismo, mga ilang pulgada lamang mula sa Kanyang mukha, tinititigan siya, pinag-aaralan siya, nilalagos siya nang Kanyang mabatobalaning mga mata. At si Judas, isang kapos-palad na mamiserableng tao, ay hindi man lamang naaapektuhan. Siya ay tila nananatiling walang-pakiramdam habang siya ay pinag-aaralan. Siya lamang ay namutla at isinara ang kanyang mga mata nang isang sandali. At si Jesus ay hinahalikan ang kanyang nakasarang mga talukap-mata, ang kanyang mga labì at pagkatapos ang kanyang puso, iniyuyuko ang Kanyang ulo upang hanapin ang puso ng Kanyang disipulo... at sinabi Niya: «Ayan ka na: upang maalis ang ulap, upang magawa kang maramdaman mo ang kabaitan ni Jesus at mapalakas ang iyong puso.» Pagkatapos hinayaan Niya siyang makaalis at inihakbang ang Kanyang mga paa patungo sa bahay, sinusundan si Judas.

«Nakarating Kayo sa tamang sandali, Guro! Ang lahat ay nakahanda na. Naghihintay lamang kami para sa Inyo» sabi ni Pedro.

«Bueno. Ako ay nagsasalita kay Judas tungkol sa maraming bagay... Tama ba iyon, Judas? Kailangan din nating tingnan ang kaawa-awang matandang lalaki na ang kaninong anak ay napatay.

«Ah!» Si Judas ay sinamantala ang mabuting pagkakataon na makabawing ganap at mailayo ang pagsuspetsa ng iba, kung mayroon man silang kahit anong pagsuspetsa. «Ah! Alam Ninyo, Guro? Kami ay pinatigil ngayong araw ng isang grupo ng mga Hentil kasama ang mga Hudyo ng mga kolonya ng Roma sa Gresya. Nagtanong sila ng marami. Tumugon kami hangga't magagawa namin. Ngunit tiyak na hindi namin sila nakumbinsi. gayunpaman sila ay mabait sa amin at binigyan kami ng labis na pera. Naririto ito, Guro. Marami tayong mabuting magagawa sa pamamagitan niyan.» At si Judas ay naglalabas ng isang malaking lukbutan ng malambot na balat na nagbibigay ng malaplatang tunog nang inilapag sa mesa. Ito ay kasing laki ng ulo ng isang bata.

«Sige, Judas. Ipamamahagi mo ang pera nang walang kinikilingan. Ano ang ibig na malaman ng mga Hentil?»

«Impormasyon tungkol sa hinaharap na buhay... kung ang tao ay may isang kaluluwa at kung ito ay inmortal. Binanggit nila ang mga pangalan ng kanilang mga panginoon. Ngunit... ano ang masasabi namin?»

«Nasabihan sana ninyo silang pumunta.»

«Sinabi namin sa kanila. Baka sila dumating.»

Sila ay nagpapatuloy sa pagkain. Si Judas ay malapit kay Jesus Na nagbibigay sa kanya ng ilang tinapay isinawsaw sa sarsa sa pinggan na may ilang inihaw na karne.

Kumakain sila ng maliliit na maitim na olibo, nang makarinig sila ng isang kumatok sa pinto. At pagkaraan nang kaunti ang maybahay na babae ay pumasok nagsasabing: «Guro, Kayo ay kailangan.»

«Sino sila?»

«Mga estranghero.»

«Ngunit hindi ito posible!», «Ang Guro ay pagod!», «Siya ay lakad nang lakad at nagsasalita buong araw!», Maging ano pa man! Mga Hentil sa loob ng bahay! Ngayon kasalukuyan!» Ang Labindalawa ay nagkakagulo, katulad ng isang bahay-pukyutan na naistorbo.

«Tahimik! Kapayapaan! Hindi Ako namomroblema na makinig sa mga naghahanap sa Akin. Ito ay isang pagpapahingalay para sa Akin.»

«Baka ito ay isang patibong! Sa ganitong oras ng araw!...»

«Hindi. Hindi ito patibong. Maging kalmante at magpahinga. Ako ay nagpahinga habang naghihintay para sa inyo. Pupunta Ako. Hindi Ko hihingin sa inyo na sumama sa Akin... bagama't... bagama't sinasabi Ko sa inyo na ito ay sa mga Hentil na kinakailangan ninyong dalhin ang inyong Judaismo, na walang iba bagkus Kristiyanismo. Maghintay sa Akin dito.»

«Lalakad ba Kayong mag-isa! Hindi! Hindi kailanman!» sabi ni Pedro tumatayo.

«Manatili sa kinaroroonan mo. Lalakad Akong mag-isa.»

Siya ay lumabas. Dumungaw Siya mula sa pintuan. Sa loob ng liwanag ng takipsilim ay maraming lalaki ang naghihintay para sa Kanya.

«Kapayapaan sa inyo. Kailangan ba ninyo Ako?»

«Mabuhay, Guro» tugon ng isang matandang mapangibabaw na lalaki. Nakasuot siya ng isang damit ng Romano na nakikita sa ilalim ng isang maikling bilugan na manta na may pantakip-sa-ulo na ngayon nasa kanyang ulo. «Kami ay nagsalita sa Inyong mga disipulo ngayong araw. Ngunit wala silang masabi sa amin nang labis. Ibig namin na makipagusap sa Inyo.»

«Kayo ba ang mga nagbigay ng malaking pag-aalay? Salamat sa inyo sa katauhan ng mahihirap ng Diyos.» Si Jesus ay hinarap ang maybahay na babae at nagsabi: «Babae, Ako ay lalakad, kasama ang mga taong ito. Sabihin sa Aking mga disipulo na pumunta at tagpuin Ako malapit sa baybayin sapagkat, kung tama Ako, ang mga taong ito ay mga mangangalakal sa sentro ng kalakalan...»

«At mga mandaragat, Guro. Tama Kayo.»

Silang lahat ay umalis nang magkakasama sa pangunahing daan, na maningning sa liwanag ng buwan.

«Nanggaling ba kayo sa malayo?» Si Jesus ay nasa gitna ng grupo at sa tabi Niya ay naroon ang matandang lalaki na nagsalita kanina, isang magandang matandang lalaki na may matalas na Latinong anyo. Sa kabilang dako ay may isa pang maedad na lalaki, na ang mga palatandaan ay malinaw na Judaean. Sa paligid nila ay may dalawa o tatlong payat na tao na may kutis ng olibo, masigla at medyo may-panunuyang mga mata, at pagkatapos ilang matipunong lalaki ng iba't ibang mga edad: mga isang dosenang tao lahat.

«Nanggaling kami sa mga kolonya ng Roma sa Gresya at Asya. Ang ilan sa amin ay mga Hudyo, ang ilan ay mga Hentil... Iyan kung bakit hindi kami nangahas na pumunta... Ngunit kami ay tiniyak na hindi Ninyo kinamumuhian ang mga Hentil... katulad ng ginagawa ng ibang mga tao... Ang mapagmasid na mga Judaean, ang ibig kong sabihin, ang mga taga-Israel, sapagkat sa iba pang mga lugar ang mga Judaean din ay hindi masyadong napakahigpit. Sa katunayan ako, isang Romano, ay nápakasál sa isang Judaean mula sa Lycaonia, samantalang ang maginoong ito, isang Hudyo mula sa Ephesus, ay kasal sa isang babaeng Romano.»

«Wala Akong kinamumuhiang sinuman... Bagkus kailangan nating maging mapagbigay sa mga hindi pa naiisip na: dahil may iisang Tagapaglikha lamang, ang lahat na mga tao ay galing sa iisang dugo

«Nalalaman namin na Kayo ay dakila sa pagitan ng mga pilosopo. At ang Inyong sinasabi ay pinatototohanan an ito. Kayo ay dakila at mabuti.»

«Siya ay mabuti na gumagawa ng mabubuting bagay. Hindi ang nagsasalita nang mabuti.»

«Nagsasalita Kayo nang mabuti at gumagawa ng mabubuting bagay. Kung kaya't Kayo ay mabuti.»

«Ano ang ibig ninyong malaman mula sa Aking?»

«Ngayong araw, patawarin kami, Guro, kung naiinis namin Kayo ng aming pagiging matanóng. Ngunit ito ay isang mabuting pagiging-matanúngin sapagkat hinahanap nito ang Katotohanan nang may pagmamahal... Ngayong araw ibig naming matutunan mula sa Inyong mga disipulo ang katotohanan tungkol sa isang doktrina, na nabanggit na ng mga pilosopo ng Gresya noong unang panahon at na ngayon, ayon sa sinabi sa amin, itinuturo Ninyong muli, ginagawa itong mas malawak at maganda. Si Eunice, ang aking asawa, ay nakipagusap sa ilang mga Judaean na nakapakinig sa Inyo, at kanyang inulit sa akin ang Inyong mga salita. Si Eunice, alam Ninyo ay griyego at may-pinag-aralan at nalalaman niya ang mga salita ng mga marurunong na tao ng kanyang bansa. Nakakita siya ng pagkakahawig sa pagitan ng Inyong mga salita at ng isang dakilang Griyegong pilosopo. At ang Inyong mga salita ay nakarating din sa Ephesus. At dahil pumupunta kami sa daungan na ito, ang iba dahil sa negosyo at ang iba upang ipagdiwang ang ritwal, kami ay naging magkakaibigan at nag-uusap. Ang negosyo ay hindi nakakasagabal sa mga tao sa pag-iisip din ng tungkol sa mas matataas na mga bagay. Pagkatapos na mapunuan ang aming mga tindahan at ang aming mga lunas. May panahon kami na harapin ang aming pagdududa. Sinasabi Ninyo na ang kaluluwa ay eternal. Si Socrates ay nagsabi na ito ay inmortal. Alam ba Ninyo ang mga salita ng Griyegong guro?»

«Hindi. Hindi Ako nag-aral sa mga eskuwelahan ng Roma at Athena. Ngunit sabihin sa Akin. Maiintindihan Ko pa rin kayo. Nalalaman Ko ang kaisipan ng Griyegong pilosopo.»

Si Socrates, salungat sa pinaniniwalaan ng mga Romano, at sa iniisip din ng inyong mga Saduseo, ay nagsasabi at pinaninindigan na ang tao ay may kaluluwa at na ito ay inmortal. Dahil dito sinasabi niya na ang kamatayan ay walang iba bagkus isang pagpapalaya para sa kaluluwa na dumaraan mula sa isang kulungan patungo sa isang malayang lugar, kung saan sasamahan nito ang mga minamahal nito at kung saan matatagpuan niya ang marurunong na tao na ang kaninong karunungan kanyang nalaman, at ang dakilang mga tao, mga bayani, mga makata, at kung saan hindi na ito makakakita ng kawalang-katarungan o kapighatian. Doon sa halip ay may eternal na kaligayahan sa isang mapayapang paninirahan na bukas sa inmortal na mga kaluluwa na mga namuhay sa katarungan. Ano ang masasabi Ninyo, Guro?»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Griyegong guro, bagama't nasa pagkakamali ng isang maling relihiyon, ay sinasabi niya ang katotohanan nagsasabi na ang kaluluwa ay inmortal. Bilang isang naghahanap sa katotohanan at isang mangingibig ng Birtud, napakinggan niya ang Tinig ng di-kilalang Diyos na bumulong sa kalaliman ng kanyang kaluluwa: ang Kataastaasang Ama mula kung Kanino Ako nanggaling upang dalhin ang mga tao sa Katotohanan. Ang tao ay may kaluluwa, Isa, Totoo, Eternal, Maybahay, karapat-dapat ng gantimpala at ng kaparusahan. Ito ay lubos na kanya. Nilikha ng Diyos ito ay nakatalaga sa Kaisipan ng Diyos na bumalik sa Diyos. Kayo, mga Hentil, ay labis ninyong inaasikaso ang kulto ng inyong mga katawan. Ang katawan ng tao ay totoong isang magandang gawa, kung saan naroroon ang tatak ng eternal na Daliri. Labis ninyong hinahangaan ang inyong mga isip; ang isip ng tao ay isang hiyas na nakapaloob sa isang lalagyan ng kanyang ulo mula kung saan pinalalabas nito ang makalangit na mga sinag. Isang dakilang regalo ng Tagapaglikhang Diyos, Na gumawa sa inyo ayon sa Kanyang Kaisipan hinggil sa inyong hitsura, ibig sabihin, isang perpektong gawa ng mga sangkap at mga miyembro, at ibinigay Niya sa inyo ang Kanyang pagkakahawig kasama ang Kanyang Kaisipan at Espiritu. Ngunit ang perpeksiyon ng pagkakahawig ay nasa Espiritu. Sapagkat ang Diyos ay walang mga miyembro o mapurol na laman, katulad na Siya ay hindi nakapailalim sa sensuwalidad o sa panggaganyak ng kasakiman. Bagkus Siya ay kadali-dalisayang Espiritu, Siya ay eternal, perpekto, di-mababago, walang-kapaguran sa pagkilos, patuloy na nananariwa sa Kanyang mga gawain, na Kanyang makaamang ginagamit sa pagtataas na martsa ng Kanyang mga nilikha. Ang espiritu, nilikha sa lahat na mga tao sa pamamagitan ng gayon ding Pinanggagalingan ng kapangyarihan at kagandahang-loob, ay walang pagkakaiba-iba sa orihinal na perpeksiyon, ngunit nalalaman ang marami nito pagkatapos na ito ay mailagay sa katawan. Iisa lamang ang di-nilikha at pinaka-perpektong Espiritu, at ito ay nananatiling laging ganyan. Tatlo ang mga espiritu na nilikhang perpekto at...»

«Kayo ang isa, Guro.»

«Hindi Ako. Sa Aking katawan mayroon Ako ng dibinong Espiritu na hindi nilikha, bagkus pinalitaw ng Ama sa pamamagitan ng kalabisan ng Pagmamahal. At nasa Akin ang kaluluwa na nilikha para sa Akin ng Ama, dahil sa Ako, ngayon, ay ang Tao. isang perpektong kaluluwa na nababagay sa Tao-Diyos. Ngunit Ako ay nagsasalita ng tungkol sa iba pang mga espiritu.»

«Alin, kung gayon?»

«Ng dalawang unang mga magulang mula kung kanino ang lahi ay bumaba; sila ay nilikhang perpekto at pagkatapos kinusa nilang mahulog sa imperpeksiyon. Ang ikatlo, nilikha para sa kasiyahan ng Diyos at ng Sansinukuban, ay napakataas sa mga posibilidad ng isip at pananampalataya ng kasalukuyang mundo upang ipakilala sa inyo. Ang mga espiritu, katulad ng Aking sinasabi, na nilikha ng gayon ding Pinanggagalingan nang may gayon ding antas ng perpeksiyon, ay napapailalim, sa pamamagitan ng kanilang sariling kalooban at merito, sa isang dobleng pagbabagong-anyo.»

«Kung gayon tinatanggap Ninyo ang ikalawang buhay?»

«May iisang buhay lamang. Sa loob nito ang kaluluwa, na orihinal na ginawa sa pagkakahawig sa Diyos, ay dumaraan, sa pamamagitan ng katarungan na matapat na isinabuhay sa lahat ng bagay, patungo sa isang mas perpektong pagkakahawig, sasabihin Ko, patungo sa isang ikalawang paglilikha ng sarili nito mismo, sa pamamagitan nito kung saan ito ay umuunlad patungo sa isang dobleng pagkakahawig sa Tagapaglikha nito, nagiging may kakayahan na taglayin ang kabanalan, na isang perpeksiyon ng katarungan at pagkakahawig ng mga anak sa Ama. Ito ay matatagpuan sa pinagpalang mga kaluluwa, ibig sabihin sa mga kaluluwa na sinasabi ng inyong Socrates na naninirahan sa Hades. Samantalang sasabihin Ko na kapag ang Karunungan ay nabigkas na ang mga salita nito at nalagdaan sila sa pamamagitan ng dugo nito, sila ang magiging pinagpalang mga kaluluwa ng Paraiso, ibig sabihin, ng Kaharian ng Diyos.»

«At nasaan na sila ngayon?»

«Nasa paghihintay.»

«Sa ano?»

«Sa Sakripisyo. Sa kapatawaran. Sa pagpapalaya.»

«Sinasabi nila na ang Mesiyas ay ang magiging Tagapagtubos, at na Kayo ay ganyan... Totoo ba ito?»

«Iyan ay totoo. Ako ito Na nagsasalita sa inyo.»

«Kung gayon, kailangan Ninyong mamatay? Bakit, Guro? Ang mundo ay nasa ganitong pangangailangan ng Liwanag, at gusto Ninyong iwanan ito?»

«Ikaw, isang Griyego, ay tinatanong Ako? Ikaw, na napangingibabawan ng mga salita ni Socrates?»

«Guro, si Socrates ay isang makatarungan na tao. Kayo ay banal. Isipin kung gaano ang Lupa nangangailangan ng kabanalan.»

«Iyan ay maitataas sa ika-sampung libong kapangyarihan para sa bawat kapighatian, bawat sugat at bawat patak ng Aking Dugo.»

«Sa ngalan ni Jove! Hindi kailanman nagkaroon ng isang taong-matiisin na higit pa sa Inyo, dahil hindi lamang Ninyo itinuturo ang panghihiya sa buhay, bagkus inihahanda Ninyo ang Inyong Sarili upang sayangin ito.»

«Hindi Ko kinamumuhian ang buhay. Minamahal Ko ito bilang ang pinaka-may-pakinabang na bagay para mabili ang kaligtasan ng mundo.»

«Ngunit napakabata pa Ninyo, Guro, upang mamatay!»

Ang iyong pilosopo ay nagsasabi na kung ano ang banal ay mahal sa mga diyos, at sinasabi mo na Ako ay banal. Kung Ako ay banal kailangan Kong mithiin ang makabalik sa Kabanalan mula kung Saan Ako nanggaling. Kung gayon hindi kailanman sapat na bata pa upang magkaroon ng mithiing ganyan. Sinasabi rin ni Socrates na siya na banal ay mahal ang paggawa ng mga bagay na kaaya-aya sa mga diyos. Ano pa ang mas kaaya-aya kaysa sa maibalik sa yakap ng Ama ang mga anak na nailigaw ng kasalanan, at mabigyan ng kapayapaan ang tao sa Diyos, ang pinanggagalingan ng lahat ng kayamanan?»

«Sinasabi Ninyo na hindi Ninyo nalalaman ang mga salita ni Socrates. Papaano kung gayon, na nalalaman Ninyo ang mga salitang Inyo pa lamang binigkas?»

«Nalalaman Ko ang lahat. Ang mga kaisipan ng mga tao, kung ito ay mabubuting kaisipan, ay walang iba bagkus ang sinag ng isa ng Aking kaisipan. Kapag ang kaisipan ay hindi mabuti, iyan ay hindi Akin, bagkus nabasa Ko ito sa pagpapalit-palitan ng mga panahon at nalaman Ko, alam Ko at malalaman Ko, noong ito ay binigkas noon, ngayon at bibigkasin. Alam Ko.»

«Panginoon, pumunta Kayo sa Roma, ang liwanag ng mundo. Napaliligiran Kayo ng kapootan dito. Paliligiran Kayo ng pagpipitagan doon.»

«Paliligiran nito ang tao, hindi ang Guro ng sobrenatural. Ako ay naparito para sa sobrenatural. Kailangan na madala Ko ito sa mga anak ng Sambayanan ng Diyos, bagama't sila ang pinaka-matitigas ang ulo laban sa Salita.»

«Kung gayon ang Roma at ang Athena ay hindi Kayo mapapasakanila?»

«Mapapasakanila Ako. Huwag matakot. Mapapasakanila Ako. Ang mga may gusto sa Akin ay mapapasakanila Ako.»

«Ngunit kung sila ay papatayin Kayo...»

«Ang espiritu ay inmortal. Ang espiritu ng bawat tao ay inmortal. Ang Akin ba ay magiging hindi, ang Espiritu ng Anak ng Diyos? Ako ay darating sa pamamagitan ng Aking aktibong Espiritu... Ako ay darating... Nakakakita Ako ng di-mabilang na mga pulutong at mga Bahay na itinayo sa Aking Pangalan... Ako ay nasa lahat na lugar... Magsasalita Ako sa loob ng mga katedral at sa loob ng mga puso... Ang Aking pag-eebanghelyo ay hindi magkakaroon ng pagtigil... Ang Ebanghelyo ay maglalakbay sa buong Mundo... ang lahat na mabubuting tao patutungo sa Akin... at doon... Ako ay dumaraan sa ulo ng Aking multitud ng mga santo at dinadala Ko ito sa Langit. Halikayo sa Katotohanan...»

«O! Panginoon! Ang aming mga kaluluwa ay nababalot sa mga pormularyo at mga pagkakamali. Papaano namin mabubuksan ang mga pintuan sa kanila?»

«Bubuksan Ko ang mga pintuan ng Impiyerno, bubuksan Ko ang mga pintuan ng inyong Hades at ng Aking Limbo. At hindi Ko ba mabubuksan ang inyo? Sabihin: “Gusto ko ito” at katulad ng mga kandado na gawa sa mga pakpak ng mga paruparo sila ay babagsak na tila sila ay pulbos sa pagdaan ng Aking Sinag.»

«Sino ang pupunta sa Ngalan Ninyo?»

«Nakikita mo ba ang lalaking iyon na paparito kasama ang isang lalaki na mahigit lang nang kaunti sa isang binatilyo? Sila ay pupunta sa Roma at sa mundo. At marami pang kasama nila. Na kasing masigasig katulad nila ngayon, para sa Aking pagmamahal na nag-uudyok sa kanila at hindi sa kanila nagbibigay ng kapahingahan ngunit nasa tabi Ko, sila ay pupunta, alang-alang sa mga natubos ng Aking Dugo, upang ipunin kayong lahat at dalhin kayo sa Liwanag. Pedro! Juan! Halikayo. Sa palagay Ko Ako ay nakatapos na at makakasama Ko na kayo. Mayroon pa ba kayong ibang sasabihin sa Akin?»

«Wala nang iba, Guro. Aalis kaming kasama namin ang Inyong mga salita.»

«Sana mabuhay sila sa loob ninyo nang may eternal na mga ugat. Humayo. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

«Mabuhay, Guro.»

At ang bisyon ay nagtatapos...

--------------------

jesus sinasabi

Si Jesus ay nagsasabi rin sa akin: «Pagod ka na ba? Isang matrabahong diktasyon. Isang diktasyon kaysa isang bisyon. Ngunit ang paksa ay ginusto ng ilang mga tao. Sino? Malalaman mo sa Aking Araw. Ngayon makakahayo ka na rin sa kapayapaan.»

Ng sa aking sarili ibig kong idagdag na ang pakikipagusap ni Jesus sa mga Hentil ay nangyari sa lugar sa harapan ng dagat ng isang nasa tabing-dagat na bayan. Sa loob ng liwanag ng buwan makikitang malinaw ng isa ang kalmanteng mga alon na sumasampal sa mga bato ng pangharang-sa-alon ng isang malaking daungan na puno ng mga barko. Hindi ko ito mabanggit kanina sapagkat ang grupo ay laging nagsasalita at kung aking isinalarawan ang lugar mawawala sa akin ang daloy ng pinag-uusapan. Sila ay nagsasalita nang naglalakad nang paparoo’t parito sa tabi ng mahabang abot ng harapan ng dagat malapit sa daungan. Ang lugar ay nangungulila dahil walang mga pasahero at ang mga mandaragat ay lahat nakabalik na sa mga bangka, na ang mapupulang lampara nito ay makikita nagniningning katulad ng mga rubi sa gabi. Hindi ko alam kung anong bayan iyon. Iyon ay tiyak na maganda at mahalaga.¹

 121110

 



¹Ito ay ang bayan ng Joppa, katulad ng binanggit sa katapusan ng Kabanata 403.



Sunod na kabanata