405. Sa Ari-arian ni Nicodemus. Ang Parabula Tungkol sa Dalawang Magkapatid na lalaki.

Marso 29, 1946.

Si Jesus ay nakarating doon pagbukang-liwayway, kung kailan ang hangin ay sariwa at malamig. At ang matabang mga bukid ng mabuting si Nicodemus ay magaganda sa maagang sinag-ng-araw. Sila ay magaganda sa kabila na ang mga trigo ay ginapas sa karamihan sa kanila at kung gayon mayroon sila ng pagod na tingin ng mga bukid pagkatapos ng kamatayan ng mga trigo, na sa kulay-gintong mga tambak, o nakakalat sa lupa katulad ng mga labí, naghihintay para madala sa mga giikan. At maraming ibang mga bulaklak ang namatay kasama ng trigo: ang sapirong hugis-tala na mga bulaklak ng trigo, ang mga biyoletang “snapdragon”, ang maliliit na korola ng “scabiouses”, ang pang-isang-araw na kalis ng mga “harebell”, ang ngumingiting masinag na mga korona ng “camomile” at mga margarita, ang ma-niyebeng eskarlatang mga amapola, ang daan-daan na iba pang mga bulaklak, na hugis-tala, sa patulis na mga kumpol, sa masinag na mga korona na dati ngumingiti kung saan naroroon na ngayon ang manilaw-nilaw na tirang mga tuud-tuod. Ngunit ang kirot ng lupa na inalisan ng trigo nito ay pinagiginhawahan ng mga kadahunan ng mga namumungang-punungkahoy, na nagmumukhang lalu’t lalo pang malugod dahil sa mga bungang lumalaki sa kanila na may iba’t ibang kulay sa ibabaw nila kung saan ang mga patak ng hamog, hindi pa natuyo ng araw, ay katulad ng nagniningning na mga brilyante.

Ang mga magbubukid ay abala na sa kanilang mga trabaho. Sila ay masaya sapagkat ang mahirap na trabaho ng panahon ng pag-ani ay halos tapos na. At sila ay umaawit habang naggagapas, at tumatawang masasaya, nagpapabilisan sa paggapas o sa pagtali ng mga tungkos...  May ilang mabubuting-napakakain na mga magbubukid na masasayang nagtatrabaho sa kanilang panginoon. Sa mga gilid ng mga bukid o sa likuran ng mga naggagapas, ay may mga bata, mga balo, matatandang tao, naghihintay na makapanghimalay at sila ay naghihintay nang mapayapa, sapagkat nalalaman nila na mayroong marami para sa lahat, katulad na ito ang kinaugalian, «sa utos ni Nicodemus», katulad ng ipinaliliwanag ng isang balo kay Jesus, Na nagtanong sa kanya.

«Tinitingnan niya upang matiyak na malaking bilang ng mga uhay ang sadyang hindi isinasama sa mga tali ng tungkos, at iniiwan para sa amin» sabi niya. «At hindi kontento sa labis na karidad, pagkatapos na makakuha ng makatarungan na dami ng trigo sa proporsiyon ng binhi, ibibigay niya ang sobra sa amin. O! Hindi niya hinihintay ang Sabbatical na taon upang gawin ito! Bagkus lagi niyang ginagawa iyan upang matulungan ang mahihirap sa pamamagitan ng kanyang ani, at ganyan din ang kanyang ginagawa sa pamamagitan ng kanyang punong-olibo at nga ubasan. Iyan kung bakit ang Diyos ay pinagpapalà siya sa pamamagitan ng magagandang ani. Ang mga pagpapalà ng mahihirap ay katulad ng hamog sa mga binhi at mga bulaklak, at kung gayon ang bawat binhi ay nagkakaroon ng marami at mas marami pang butil at walang bulaklak na nalalaglag bago makakapit ang mga bunga. At ngayong taon ang buong ani ay ibibigay sa amin, sapagkat ang taon na ito ay ang taon ng grasya. Hindi ko alam kung anong grasya ang kanyang tinutukoy. Maliban na lang kung ito ay dahil sa, ayon sa kumakalat sa pagitan namin na mahihirap at sa pagitan ng kanyang masasayang mga katulong... dahil sa siya ay isang lihim na disipulo Niya, Na sinasabing siyang ang Kristo, at ang tinuturo ay ang isa ay kailangan na mahalin ang mahihirap, upang maipakita ang pagmamahal sa Diyos... Baka kilala Ninyo Siya, kung Kayo ay isang kaibigan ni Nicodemus... sapagkat ang magkakaibigan ay pare-parehong tao ang kanilang kinagigiliwan... si Jose ni Arimathea, halimbawa, ay isang dakilang kaibigan ni Nicodemus, at napapabalita na siya rin ay isang kaibigan ng Rabbi... O! ano ba ang aking nasabi! Patawarin sana ako ng Diyos! Napapahamak ko ang dalawang mabubuting panginoon ng aming kapatagan!...» Ang babae ay balisa.

Si Jesus ay ngumingiti at nagtanong: «Bakit, babae?»

«Sapagkat... O! sabihin sa akin, Kayo ba ay isang totoong kaibigan ni Nicodemus at ni Jose, o Kayo ay isa sa mga Sanhedrin, isa sa huwad na mga kaibigan na mananakit sa dalawang mabubuting tao na iyon, kung malalaman nilang tiyak na sila ay mga kaibigan ng Galilean?»

«Huwag mag-alala. Ako ay isang tunay na kaibigan ng dalawang mabubuting taong iyon. Ngunit maraming bagay ang nalalaman mo, babae!. Papaano mo nalaman ang mga ito?»

«O! Nalalaman namin lahat! Ang nasa matataas na lipunan ang kanilang poot; ang nasa mabababang lipunan ang kanilang pagmamahal.  Sapagkat, kahit na kung hindi namin Siya nakikilala, mahal namin ang Kristo, aming mga namamanglaw, na Siya lamang ang nagmamahal at nagtuturo na magmahal. At kami ay nanginginig para sa Kanya...... Ang mga Judaean, mga Pariseo, mga eskriba at mga pari ay napakamasasamâ!... Ngunit naiiskandalo ko Kayo... Patawarin ako. Ang aking dila... ay ang dila ng isang babae at hindi makapanahimik... Ngunit ito ay dahil sila ang dahilan ng lahat ng aming mga kapighatian, ang malalakas na tao na naniniil sa amin nang walang-awa, at napipilit kaming mag-ayuno sa mga araw na hindi pinanunúto ng Batas, bagkus naipapataw ng pangangailangan na makakuha ng pera para maipambayad sa lahat ng mga ikapu na ipinapataw nila, ang mayayaman, sa mahihirap na tao... At ito ay dahil ang lahat ng aming mga pag-asa ay nasa Kaharian ng Rabbi na ito, Na, kung Siya ay napakabuti ngayon na Siya ay inuusig, magiging ano Siya kapag Siya ay hari na?» 

«Ang Kanyang Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito, babae. Siya ay hindi magkakaroon ng mga palasyo o mga sundalo. Hindi Siya magpapataw ng mga pantaong batas. Hindi Siya gagawa ng mga pag-aabuloy ng pera. Bagkus tuturuan Niya ang mga mas nakabubuting tao na gawin ito. At ang mahirap ay hindi makakakita ng dalawa o sampu o sandaan na mga kaibigan sa pagitan ng mayayaman, bagkus ang lahat na naniniwala sa Guro ay pagsasama-samahin nila ang kanilang kayamanan upang matulungan ang kanilang nangangailangan na mga kapatid. Sapagkat magmula ngayon ang inyong kapwa mga nilikha ay hindi na tatawaging “kapwa”, bagkus “kapatid”, sa ngalan ng Panginoon.»

«O!...» Ang babae ay namamangha, nangangarap ng gayong kapanahunan ng pagmamahal. Hinahaplos niya ang kanyang mga anak, ngumingiti, pagkatapos itinataas ang kanyang ulo at nagsasabi: «Kung gayon ako ay Inyong tinitiyak na hindi ko namamasamâ si Nicodemus... nagsasalita sa Inyo? Ginawa ko ito nang napakapadalus-dalos... Ang Inyong mga mata ay napakabait!... Ang Inyong hitsura ay napakamapanatag!... Hindi ko alam... Pakiramdam ko ako ay ligtas katulad na ako ay tila malapit sa isang anghel ng Diyos... Iyan kung bakit ako nagsalita...»

«Wala kang nagawang masama. Matiyak tungkol diyan. Sa kabaligtaran, napuri mo ang Aking kaibigan nang napakataas na papupurihan Ko rin siya, at mapapamahal siya sa Akin nang higit pa... Dito ka ba nakatira?»

«O! hindi, Panginoon, ako ay nanggaling sa isang nayon sa pagitan ng Lydda at Bethdagon. Ngunit kapag ang isa ay nangangailangan ng kaginhawahan, Panginoon, siya ay tatakbo kahit na kung ang daan ay mahaba! Ang mga buwan ng taglamig... ang mga buwan ng kagutuman ay mas mahahaba...»

«At ang eternidad ay mas mahaba pa kaysa sa buhay. Ang mga tao ay kailangan na magkaroon ng para sa kanilang kaluluwa ng gayon ding pangangalaga na mayroon sila para sa kanilang mga katawan, at tumakbo kung saan naroon ang mga salita ng buhay...»

«At iyan ang aking ginagawa sa mga disipulo ng Rabbi Jesus, ang mabuting isa, alam Ninyo? Ang tanging mabuting Rabbi sa napakaraming mga rabbi na mayroon tayo.»

«Ginagawa mo ang tamang bagay, babae» sabi ni Jesus ngumingiti, subalit sumisenyas kay Andres at Santiago ni Zebedeo, na kasama Niya samantalang ang iba ay patungo na sa bahay Nicodemus,  na tumigil sa pagsenyas upang maintindihan ng babae na ang Rabbi Jesus ang nagsasalita sa kanya.

«Siyempre ginagawa ko ang tamang bagay. Ayaw kung magkamali na hindi ko minamahal at pinaniniwalaan Siya... Sinasabi nila na Siya ang Kristo... Hindi ko Siya kilala. Ngunit ibig kong maniwala. Sapagkat sa isip ko ang mga ayaw na tumanggap sa Kanya nang ganyan ay magkakaroon ng problema.»

«At halimbawa kung ang Kanyang mga disipulo ay nagkamali?» tanong ni Jesus tinutukso siya.

«Hindi iyan posible, Panginoon. Napakabuti nila, mapagpakumbaba at mahirap, na isipin na sinusundan nila ang isang tao na hindi banal. Maging ano pa man... nakausap ko ang mga tao na Kanyang napagaling. Huwag makagawa ng kasalanan ng hindi Siya pinaniniwalaan, Panginoon! Mapapahamak Ninyo ang Inyong kaluluwa... Matapos man ang lahat... sa palagay ko kung kami ay lahat nagkakamali at Siya ay hindi ang ipinangakong Hari, Siya ay tiyak na banal at isang kaibigan ng Diyos, kung nagsasalita Siya ng mga salitang iyon at nagpapagaling ng mga kaluluwa at mga katawan... At laging mabuting bagay ang tingalain ang mabubuting tao.»

«Ang sinasabi mo ay totoo. Magpumilit sa iyong pananampalataya... Naririyan na si Nicodemus...»

«Oo, kasama ang mga disipulo ng Rabbi. Sa katunayan sila ay umiikot sa kabukiran nagtuturo ng ebanghelyo sa mga tagagapas. Kahapon din kumain kami ng kanilang tinapay.

Si Nicodemus, na ang kanyang tunika nakalilis, ay papalapit nang hindi napupuna ang Guro at sinasabihan niya ang mga magbubukid na huwag pulutin ang kahit na anong uhay na naputol. «May sapat tayong tinapay para sa ating sarili... Ibigay natin ang regalo ng Diyos sa mga taong wala. At ibigay natin ito sa kanila nang walang kahit na anong pagkatakot. Ang huling pagyeyelo ay maaaring nasira nito ang ating ani. Ngunit ni isang butil ay walang nawala. Ibalik natin ang tinapay ng Diyos sa Kanya sa pagbibigay nito sa Kanyang di-masasayang mga anak. At matitiyak ko sa inyo na ang ani sa susunod na taon ay magiging mas marami pa, sampung beses ang dami, sapagkat iyan ang sinabi Niya, “isang umaapaw na sukat ang ibibigay sa mga nagbibigay”.»

Ang mga magbubukid, magalang at masaya, ay nakikinig sa kanilang panginoon tumatango sa pagsang-ayon

Si Jesus, medyo naitatago ng isang hilera ng mga tikin malapit sa isang partisyon ng kanal, ay sumasang-ayon at ngumingiti. Habang mas lumalapit si Nicodemus sa Kanya, mas lalo Siyang ngumingiti, habang ang kanilang pagkikita at ang sorpresa ng mga disipulo ay ngayon nalalapit na.

Sa katunayan si Nicodemus ay tumalon patawid sa kanal upang makapunta sa iba pang mga bukid... at nanigas sa harapan ni Jesus Na iniuunat ang Kanyang mga kamay patungo sa kanya. Sa wakas nakapanumbalik ang kanyang kapangyarihan ng pagsasalita: «Banal na Guro, papaano nangyari na Kayo ay nariritong kasama ko, pagpalain nawa Kayo?»

«Upang makilala ka, kung may ganyang pangangailangan, sa pamamagitan ng mga salita ng pinaka-sinsirong mga saksi: ang mga taong iyong pinalalabisan ng karidad...»

Si Nicodemus ay nasa kanyang mga tuhod, nakapatirapa sa lupa at ang mga disipulo din, pinangungunahan ni Stephen at ni Jose mula sa Emmaus sa mga bundok, ay nasa kanilang mga tuhod. Ang mga magbubukid at ang abang mga taong naroroon ay naintindihan at lahat sila ay nagpatirapa pinagpipitagan ang Guro, sa pagkamangha.

«Tumayo kayo. Hanggang kani-kanina pa lamang Ako ay ang Taong-dumaraan na nagpapasigla ng kompiyansa...  Ipagpatuloy na tingnan Ako nang ganyan. At mahalin Ako nang wala kahit na anong pagkatakot. Nicodemus, pinadala ko ang sampung apostol na wala rito sa iyong bahay...»

«Nasa labas ako noong gabi upang tingnan na ang tagubilin ay isinasagawa...»

«Oo, ang Diyos ay pinagpapalà ka para sa tagubilin na iyan. Alin na tinig ang nagsabi sa iyo na ang taon na ito, at hindi ang susunod, ang taon ng grasya, halimbawa?»

«... Hindi ko alam... At alam ko... Ako ay hindi isang propeta. Ngunit hindi ako isang tanga. At ang isang liwanag mula sa Langit ay idinagdag sa aking katalinuhan. Aking Guro... ibig ko na ang mahihirap ay kalugdan ang mga regalo ng Diyos, habang ang Diyos ay nasa pagitan pa ang mahihirap... At hindi ako nangahas na makasama Kayo, upang mabigyan ng isang matamis na lasa at nakapagpapabanal na kapangyarihan ang mga aning ito, ang mga taniman ng mga olibo, ang mga ubasan at ang mga lootan, na magiging para sa mahihirap ng anak ng Diyos, sa aking mga kapatid... Ngunit ngayon na Kayo ay naririto na, itaas ang Inyong banal na mga kamay upang pagpalain sila, upang kasama ang pagkain ng katawan, bumaba sana ang kabanalan na lumalabas mula sa Inyo patungo sa mga taong kakain sa kanila.»

«Oo, Nicodemus. Ang iyong mithiin ay isang makatarungan na inaaprobahan ng Langit.» At si Jesus ay ibinubukas ang Kanyang mga kamay upang magbendisyon. 

«O! Sandali lamang! Upang matawag ko ang mga magbubukid» at sa pamamagitan ng isang silbato pumito siya nang tatlong beses at ang matinis na tunog ay kumalat sa kalmanteng ere nagagawa ang mga naggagapas, naghihimalay at mga nag-uusyosong tao na magmadali mula sa kung saan-saan. Isang maliit na pulutong...

Si Jesus ay ibinubukas ang Kanyang mga kamay at nagsasabi: «Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, para sa mithiin ng Kanyang lingkod, harinawang ang grasya ng kalusugan, kapwa ng kaluluwa at ng katawan, ay bumaba sa bawat butil, bawat ubas, olibo at prutas at harinawang ito ay dumami at mapabanal ang mga kakain nito nang may mabuting espiritu, malaya sa kiling-sa-pagkakasala at kapootan, at pumapayag na paglingkuran ang Panginoon sa pagsunod sa Kanyang dibinong perpektong kalooban.»

«Mangyari nawa» tugon nina Nicodemus, Andres, Santiago, Stephen at ng iba pang mga disipulo... «Mangyari nawa» tugon ng mga tao ng pulutong tumatayo, dahil sa sila ay nakaluhod upang m mapagpalà. 

«Patigilin ang pagtatrabaho, Aking kaibigan. Ibig Kong magsalita sa kanila.»

«Isang regalo sa loob ng isang regalo. Salamat sa Inyo sa katauhan nila, Guro!»

Pumunta sila sa loob ng lilim ng isang makapal na taniman ng mga namumungang-punungkahoy at naghihintay para sa pagdating ng sampu na pinadala kanina sa bahay. Sila sa katunayan ay dumating hinihingal at nalulungkot na hindi nila natatagpuan si Nicodemus.

Si Jesus pagkatapos ay nagsimulang magsalita:

«Ang kapayapaan ay sumainyo. Ibig Kong magmungkahi ng isang parabula sa inyong lahat na mga nakatayo ngayon sa paligid Ko, upang ang bawat isa sa inyo ay magamit sa sarili ang itinuturo at ang bahagi na mas angkop sa kanyang sarili. Makinig.

May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Nilapitan niya ang una at nagsabi: “Anak, sumama ka at magtrabaho sa ubasan ng iyong ama ngayong araw”.  Iyon ay isang malaking tanda ng karangalan sa tabi ng ama. Sa katunayan iniisip niya na ang kanyang anak ay may kakayahan na magtrabaho kung saan magpahanggang ngayon ang kanyang ama ay nagtrabaho. Halatang may nakita siya sa kanyang anak ng mabuting kalooban, pagpupursige, kakayahan, karanasan at pagmamahal para sa kanyang magulang. Ngunit ang anak, na ang kaninong isip ay medyo naiistorbo ng makamundong mga bagay at natatakot na mapagkamalang isang katulong – si Satanas ay ginagamit ang ganitong mga imahe upang mailigaw ang mga tao mula sa Kabutihan – kinatatakutan ang panunuya at baka pati ang paghihiganti ng mga kaaway ng kanyang ama, na mga hindi nangangahas na takutin siya ngunit wala ng labis na paggalang para sa anak, ay tumugon: “Hindi ako pupunta. Hindi ako ginaganahan na gawin iyan”. Ang ama kung ayon ay pumunta sa isa pang anak, nagsasabi sa kanya kung ano ang kanya nang nasabi sa una. Ang ikalawang anak ay tumugon: “Oo, ama, pupunta ako kaagad”. Ngunit ano ang nangyari? Ang unang anak, na ang kaninong isip ay tapat, pagkaraan ng unang sandali ng kahinaan sa tukso, isang sandali ng pagrerebelde, ay nagsisisi sa kanyang pang-iinis sa kanyang ama, at nang walang sinasabi ng kahit ano ay pumunta sa ubasan, kung saan siya ay nagtrabaho buong araw hanggang sa kalaliman ng gabi, at pagkatapos umuwi na may kapayapaan sa kanyang puso, bilang nagampanan niya ang kanyang tungkulin. Ang ikalawang anak, sa halip, di-makatotohanan at mahina, ay lumabas, totoo iyan, ngunit sinayang niya ang kanyang panahon sa paglalagalag sa bayan, gumagawa ng mga walang-pakinabang na pagdalaw sa maimpluwensiyang mga tao mula kung kanino umaasa siya na makakakuha siya ng ilang benepisyo. At nagsabi siya sa kanyang sarili, sa kanyang puso: “Ang itay ay matanda na at hindi iiwanan ang bahay. Sasabihin ko sa kanya na ako ay sumunod at siya ay maniniwala sa akin”... Ngunit nang ang gabi ay dumating din para sa kanya at siya ay umuwi, ang kanyang pagod na hitsura ng isang walang-magawang tao, ang kanyang walang-kusot na damit, at ang kanyang walang-katiyakan na pagbati ay nagawa ang ama na bantayan siya at ikumpara siya sa kanyang unang anak. Ang huli, sa katunayan, ay bumalik na pagod, marumi, di-maayos ang damit, ngunit masayahin at sinsiro. Nagmumukha siyang mapagpakumbaba at mabait, na tila ibig niyang magsabi sa kanyang ama, nang walang pagyayabang, na pagkatapos na magawa niya ang lahat ng kanyang tungkulin: “Minamahal ko kayong totoo, labis-labis, na upang magawa kayong masaya nilabanan ko ang tukso”. At ang pagkakaiba ay nagsalita nang malinaw sa matalinong ama, na niyakap ang anak nagsasabing: “Pagpalain ka sana sapagkat naintindihan mo ang pagmamahal!”.

Sa katunayan, ano sa palagay ninyo? Alin sa dalawa ang nagmahal? Tiyak na sasabihin ninyo: “Siya na ginawa ang kalooban ng kanyang ama”. At sino ang gumawa nito?  Ang una ba o ang ikalawang anak?»

«Ang una» tugon ng pulutong sa pamamagitan ng isang pagsang-ayon.

«Oo, ang una. Sa Israel din, at kayo ay nagrereklamo tungkol dito, sa mga mata ng Diyos ay hindi banal ang mga dumadagok sa kanilang mga dibdib nagsasabing: “Panginoon! Panginoon!”, nang hindi talagang pinagsisisihan ang kanilang mga kasalanan sa loob ng kanilang mga puso – sa katunayan ang kanilang mga puso ay patigas na nang patigas – ni hindi rin ang mga banal, na mga nagpapakita ng debotong mga ritwal upang matingnan silang mga santo, samantalang sa kanilang pag-iisa sila ay nagkukulang sa karidad at sa katarungan, ni hindi rin ang mga banal na mga nagrerebelde laban sa Kalooban ng Diyos Na nagpadala sa Akin, at kanilang nilalabanan ito na tila ito ay kalooban ni Satanas, na hindi mapapatawad, sila ang hindi mga banal sa mga mata ng Diyos. Ang mga banal bagkus ay ang mga kumikilala na lahat na ginagawa ng Diyos ay mabuting nagagawa, tinatanggap ang Mensahero ng Diyos at nakikinig sa Kanyang salita upang magawa kung ano ang gusto ng Diyos sa mas mabuti at mas mabuti pang pamamaraan: sila ay banal at mahal sa Kataastaasan. Sasabihin Ko sa inyong totoo: ang mga mangmang at mahihirap na tao, ang mga publikano at mga puta ay makakarating bago ang marami na tinatawag na “mga dalubhasa”, “mga makapangyarihan”, “mga banal”, at papasukin nila ang Kaharian ng Diyos. At ito ay magiging makatarungan. Sapagkat si Juan ay dumating sa Israel upang dalhin ang Israel sa Katarungan at napakarami sa Israel ang hindi sa kanya naniniwala – ang Israel na tinatawag ang sarili na “may pinag-aralan at banal” – ngunit ang mga publikano at mga puta ay naniniwala sa kanya. At Ako ay dumating, at ang mga may-pinag-aralan at ang mga banal ay hindi sa Akin naniniwala, ngunit ang mahihirap at mangmang na mga tao at ang mga makasalanan ay naniniwala sa Akin. At Ako ay gumawa ng mga himala; at hindi rin nila pinaniniwalaan ang mga ito, ni hindi nila pinagsisisihan ang hindi-paniniwala. Sa kabaligtaran, kinapopootan nila Ako at ang mga nagmamahal sa Akin. Bueno, sasabihin Ko: “Pinagpala ang mga makapaniniwala sa Akin at makagagawa ng kalooban ng Diyos, kung Kanino ay may eternal na kaligtasan”. Dagdagan ang inyong pananampalataya at magpursige. Tataglayin ninyo ang Langit, sapagkat nalalaman ninyo kung papaano mahalin ang Katotohanan. Humayo. Harinawang makasama ninyo lagi ang Diyos.»

Pinagpapala Niya sila at pinahahayo at pagkatapos, naglalakad sa tabi ni Nicodemus, Siya ay patungo na sa bahay ng Kanyang disipulo upang makapagpahinga sa loob ng maiinit na oras ng araw na ito.

191110

 



Sunod na kabanata