407. Sa Bahay ni Jose ng Arimathea sa Araw ng Sabbath. Si Juan, Isang Miyembro ng Sanhedrin.

Abril 2, 1946.

Si Jose ng Arimathea ay nagpapahinga sa medyo madilim na silid, sapagkat ang lahat na kurtina ay nakababa bilang proteksiyon sa araw. May katulad ng katahimikan ng patay sa buong kabahayan. Si Jose ay umiidlip sa isang mababang upuan na natatakpan ng mga banig... Isang katulong ang pumasok, nilapitan niya ang kanyang panginoon at hinihipo siya upang gisingin siya. Iminulat ni Jose ang kanyang inaantok na mga mata at tinitingnan nang may-pagtatanong ang kanyang katulong.

«Panginoon, ang inyong kaibigan na si Juan ay naririto...»

«Ang aking kaibigan na si Juan?! Papaano siya naririto kung ang Sabbath ay hindi pa tapos?!»

Si Jose ay bumangon nang may-pagkabigla, nagtataka sa pagdalaw ng isang miyembro ng Sanhedrin sa isang araw ng Sabbath. At siya ay nag-utos: «Papasukin siya kaagad.»

Ang katulong ay lumabas at, habang naghihintay, si Jose ay naglalakad nang nag-iisip pauli-uli sa loob ng medyo madilim na malamig na silid...

«Sumaiyo nawa ang Diyos, Jose!» sabi ni Juan, ang miyembro ng Sanhedrin na nakita na natin sa unang bangkete na inialay kay Jesus sa Arimathea, at sa bahay din ni Lazarus noong nakaraang Paskuwa, laging isang tao na hindi palaban kay Jesus, bagama't hindi isang disipulo.

«At sumaiyo din, Juan! Ngunit... dahil sa alam ko na ikaw ay makatarungan, nagtataka akong makita kita bago ang paglubog-ng-araw...»

«Totoo iyan. Nalabag ko ang batas ng Sabbath. At nagkasala ako nang nalalaman na ako ay nagkakasala. Kung kaya't mabigat ang aking kasalanan... At malaki ang aking magiging sakripisyo na aking kailangang ialay para mapatawad. At napakahalaga ang rason na nagsulsol sa akin na gawin ang kasalanan na ito... Si Jehovah, Na makatarungan, ay magiging mapagbigay sa Kanyang nagkasalang lingkod dahil sa mahalagang motibo na nagtulak sa akin upang magkasala...»

«Minsan hindi ka nagsalita nang katulad niyan. Ang Kataastaasan ay matigas na kahigpitan lamang sa ganang iyo. At perpekto ka noon sapagkat kinatatakutan mo Siya bilang isang di-mahikayat na Diyos...»

«O! perpekto!... Jose, hindi ko kailanman pinagtapat sa iyo ang aking lihim na mga kapintasan... Ngunit ito ay totoo. Hinusgahan ko ang Diyos bilang di-mahikayat. Katulad ng marami sa Israel. Tayo ay tinuruan na tingnan Siya nang ganyan: ang Diyos ng paghihiganti...»

«At nagpatuloy ka sa paniniwalang ganyan kahit pagkatapos na pumunta ang Rabbi upang paalamin ang Kanyang sambayanan tungkol sa totoong Mukha ng Diyos, sa totoong Puso Niya... Ang Mukha, ang Puso ng isang Ama...»

«Totoo iyan. Ngunit... hindi ko Siya napakinggan nang matagal-tagal na magsalita... Ngunit... maaalaala mo, mula noong makita ko Siya sa unang pagkakataon sa bangkete sa loob ng iyong bahay, nagkaroon ako ng saloobin ng... paggalang, kung hindi man ng pagmamahal para sa Rabbi.»

«Totoo iyan... Ngunit para sa pagmamahal na mayroon ako sa iyo ibig kong makarating ka sa saloobin ng pagmamahal para sa Kanya. Ang paggalang ay napakakaunti...»

«Minamahal mo Siya, hindi ba, Jose?»

«Oo, minamahal ko Siya. At sinasabi ko sa iyo, bagama't nalalaman ko na ang Hepe na mga Pari ay kinapopootan ang mga nagmamahal sa Rabbi. Ngunit wala sa iyo ang magbago nang maging palaban...»

«Hindi, wala sa akin iyan... At ibig kong maging katulad mo. Ngunit ako kaya ay magtatagumpay kailanman?»

«Ako ay magdarasal na sana magtagumpay ka. Ito ang iyong magiging eternal na kaligtasan aking mahal na kaibigan...»

Ang isang katahimikan na punó ng pagninilay-nilay ay sumunod...

Pagkaraan si Jose ay nagtanong: «Sinabi mo sa akin na ang isang mahalagang motibo ang nagtulak sa iyo na malabag ang Sabbath. Alin ito? Maaari bang tanungin kita nang hindi nagiging napakamalihim? Sa palagay ko naparito ka upang makakuha ng tulong mula sa iyong kaibigan... At kailangan kong makaalam... upang matulungan ka...» Si Juan ay kinukuskos ang kanyang noo sa pamamagitan ng kanyang kamay, dinidiinan niya ang kanyang malapad na noo, na nagsisimula nang mawalan ng buhok, na madalas na siyang nangyayari sa mga lalaki na nasa ganap na edad, hinahaplos niya ang kanyang abuhing buhok, ang kanyang makapal na kudradong balbas... Pagkatapos kanyang itinaas ang kanyang ulo, tinititigan si Jose nagsasabing: «Oo. Isang mahalagang rason. At isang masakit na rason. At... isang malaking pag-asa...»

«Alin?»

«Jose, makapaniniwala ka ba, na ang aking bahay ay katulad ng isang impiyerno at malapit nang maging hindi isang tahanan... dahil malapit na itong magiba, maikalat, masira, madurog?»

«Ano? Ano ang sinasabi mo? Nahihibang ka ba?»

«Hindi. Hindi ako nahihibang... Gusto ng asawa ko na iwanan ako... Nagtataka ka ba?»

«... Oo... nagtataka ako... sapagkat nalalaman ko na siya ay laging mabuti... at dahil ang iyong pamilya ay tila isang modelong pamilya... ikaw lahat kabaitan... siya lahat birtud...»

Si Juan ay naupo hawak ng kanyang mga kamay ang kanyang ulo...

Si Jose ay nagpapatuloy: «Ngayon... ang... disisyon na ito... Ako... Bueno... Hindi ako makapaniniwala na si Anne a nakagawa ng isang bagay na mali... o ikaw ay nakagawa... Ngunit mas hindi ako maniniwala ng tungkol sa kanya... ganap na deboto sa kanyang tahanan at sa mga anak... Hindi!... Hindi maaaring may pagkakamali sa kanya!...»

«Nakatitiyak ka ba? Talaga bang nakatitiyak ka?»

«O! aking kaawa-awang kaibigan! Wala ako ng mata ng Diyos. Ngunit sa ganang aking paghuhusga, iyan ang aking naiisip...»

«Hindi ba sa palagay mo na si Anna ay naging... taksil...?»

«Si Anna?! Ngunit, aking kaibigan! Nasira ba kaya ng araw ng tag-init ang iyong utak? Naging taksil kasama nino? Hindi siya kailanman umaalis sa bahay, mas gusto niya ang kabukiran kaysa sa bayan. Tumatrabaho siya bilang ang pinakamagaling sa kanyang mga katulong, siya ay walang iba bagkus kababaang-loob, kayumihan, pagmamahal sa iyo at sa mga bata. Ang isang madaling maingganyong babae ay hindi gusto ang ganyang mga bagay. Maniwala sa akin. O! Juan, Saan mo binabasi ang iyong pagsuspetsa? Mula kailan?»

«Lagi na akong nagsususpetsa..

«Lagi? Bueno, ang iyo ay isang sakit!...»

«Oo. At... Jose, ako ay maraming diperensiya. Ngunit ayaw kong ikumpisal ang mga ito sa iyo lamang. Noong makalawang araw ilang mga disipulo at mahihirap na tao ang dumaan sa aking bahay. Sinabi nila na ang Rabbi ay patungo sa iyong bahay. At kahapon... kahapon ay napakamasalimuot ang panahon para sa aking bahay... hanggang sa si Anna ay ginawa ang disisyon na sinabi ko na sa iyo... Noong buong gabi – at anong gabi iyon – ako ay nag-isip nang labis... At narating ko ang kongklusyon na tanging Siya lamang, ang perpektong Rabbi...»

«Dibino, Juan, dibino!»

«... Ayon sa gusto mo... Na tanging Siya lamang ang makapagpapagaling sa akin at makapagsasa-ayos... makapagtatayong muli sa aking bahay, ibinabalik muli si Anna... ang aking mga anak.... ang lahat sa akin...» Ang mamâ ay umiiyak at habang lumuluha siya ay nagpapatuloy: «Sapagkat Siya lamang ang nakakakita at nakapagsasalita ng katotohanan... at paniniwalaan ko Siya... Jose, aking kaibigan, hayaan akong makapanatili rito at maghintay sa Kanya...»

«Ang Guro ay naririto. Siya ay aalis pagkaraan na makalubog ang araw. Lalakad ako at tatawagin ko Siya para sa iyo» at si Jose ay lumabas...

Pagkaraan ng kaunting minuto ang kurtina ay nahawi muli upang maparaan si Jesus... Si Juan ay tumayo at yumukod nang magalang.

«Kapayapaan sa iyo, Juan. Bakit mo Ako hinahanap?»

«Upang sana matulungan Ninyo ako na makakita... at sana mailigtas Ninyo ako. Ako ay lubos na di-masaya. Nagkasala ako sa Diyos at sa aking asawa. At mula sa isang pagkakasala patungo sa isa pa nakarating ako sa punto na malabag ko ang batas ng Sabbath. Patawarin Ninyo ako, Guro.»

«Ang batas ng Sabbath! Isang dakilang banal na batas! At malayo sa Akin ang isipin na tingnan ito na walang importansiya at isang makalumang bagay. Ngunit bakit mo ito inilalagay sa unahan ng unang utos? Ano? Hinihingi mo sa Akin na patawarin ka para sa paglabag sa Sabbath at hindi ka humihingi ng kapatawaran para sa pagkukulang ng karidad at sa pagpapahirap sa isang inosenteng kaluluwa, dinadala sa pagkadismaya at sa pintuan ng pagkakasal ang kaluluwa ang iyong asawa? Mas lalo mo dapat na ipaghirap ang tungkol diyan kaysa sa ano pa man na iba! Ang tungkol sa paninirang-puri sa kanya...»

«Panginoon, nagsalita lamang ako kay Jose tungkol dito, kani-kanina lamang. Wala akong pinagsabihang iba tungkol dito, maniwala sa akin. Ipinaglihim ko nang labis ang tungkol sa aking kapighatian na ang aking mabuting kaibigan na si Jose ay hindi ito nalalaman, at siya ay nagulat nang sinabi ko ito sa kanya. Ngayon sinabi niya ito sa Inyo, upang matulungan ako. Si Jose ay isang makatarungang tao at hindi siya magsasalita sa kanino man tungkol dito.»

«Hindi niya ito binanggit sa Akin. Sinabi lamang niya sa Akin na kailangan mo Ako.»

«O! Papaano Ninyo nalalaman kung gayon?»

«Papaano Ko nalalaman? Katulad na nalalaman ng Diyos ang mga lihim ng mga puso> Sasabihin Ko ba sa iyo ang kalagayan ng iyong puso?»...

Si Jose ay papaalis na sana nang palihim. Ngunit si Juan mismo ay pinigilan siya nagsasabing: «O! Manatili. Ikaw ay aking kaibigan! Dahil ikaw ay isang abay ko sa aking kasal, matutulungan mo ako sa Rabbi!...» at si Jose ay nananatili.

«Kailangan Ko bang sabihin sa iyo? Ibig mo bang matulungan kita na makilala mo ang iyong sarili? O! Huwag matakot! Wala Akong malupit na kamay. Mabubuksan Ko ang mga sugat ngunit hindi Ko ito pinadudugo upang mapagaling ito. Ako ay nakauunawa at maging mapagbigay. At nalalaman Ko ang pagpapagaling at makagamot, maliban na gusto ng isa na mapagaling. At gusto mo ito. Iyan kung bakit mo Ako hinahanap. Maupo rito, sa tabi Ko, sa pagitan ni Jose at sa Akin. Siya ay ang iyong abay sa makalupang kasalan. Ibig Kong maging ang iyong abay sa iyong espirituwal na kasal... O! gugustuhin Ko ito!... Ngayon, makinig sa Akin nang mabuti. At sagutin nang prangko ang lahat na katanungan Ko. Ano ang palagay mo sa kilos ng Diyos Na naglikha sa lalaki at babae, upang sila ay magkaisa? Ito ba ay mabuti o isang masamang bagay?»

«Isang mabuting bagay, Panginoon. Katulad ng lahat na mga bagay na ginawa ng Diyos.»

«Tama ka. Ngayon sabihin sa Akin: kung ang kilos ay mabuti, ano ang dapat na mga konsekwensiya nito?»

«gayon din kabuti, Panginoon. At sila ay mabubuti, bagama't si Satanas ay dumating upang balisahin ang mga ito, sapagkat si Adan ay laging pinagiginhawahan ni Eba, at si Eba pinagiginhawahan ni Adan. At ang kanilang konsolasyon ay mas malalim na nararamdaman kapag nag-iisa, mga napatapon sa Lupa, sinusuportahan ang isa’t isa. Ang materyal na mga konsekwensiya rin ay mabubuti, ibig sabihin, ang kanilang mga anak, na sa pamamagitan nila ang sangkatauhan ay napalalawig, at ang kapangyarihan at kabutihan ng Diyos suminag.»

«Bakit? Alin kapangyarihan at kabutihan?»

«Bueno... ang isang pinaiiral pabor sa mga lalaki. Kung titingin tayong pabalik... oo... may makatarungan na mga kaparusahan, ngunit marami, mas  maraming mabubuting gawa... At ang Tipan na ginawa kay Abraham at pinapanariwa ni Jacob ay walang-hangganang kabutihan.... at hanggang sa kasalukuyang araw. At inuulit ng makatotohanang mga labì: ng mga propeta... hanggang kay Juan...»

«At ng Rabbi, Juan» sabad ni Jose.

«Iyon ay hindi mga labì ng isang propeta... o mga labì ng isang Guro... Iyon ay mas mahigit pa.»

Si Jesus ay ngumingiti nang kaunti sa... may-pagpipigil pa rin na pagtatapat ng pananampalataya ng miyembro ng Sanhedrin, na hindi umaabot sa pagsasabing: «Sila ay mga dibinong mga labì» bagama't naiisip na niya ito.

«Kung gayon nagawa ng Diyos ang tamang bagay sa pagdugtong sa lalaki at babae nang magkasama. Sang-ayon. Ngunit papaano Niya ginusto ang lalaki at babae na maging?» tanong ni Jesus.

«Isang katawan lamang.»

«Sige. Ngayon, ang katawan ba ay maaaring mapoot sa sarili?»

«Hindi.»

«Ang isa bang miyembro ay maaaring mapoot sa isa pang miyembro?»

«Hindi.»

«Ang isa bang miyembro ay makahihiwalay sa isa pang miyembro?»

«Hindi. Ang gangrena lamang, o ketong o isang aksidente ang makapaghihiwalay sa isang miyembro mula sa iba pang bahagi ng katawan.»

«Mabuti. Kung gayon tanging isang kapigha-pighati o masamang bagay lamang ang makapaghihiwalay sa kung ano ang niloob ng Diyos na isang katawan lamang?»

«Ganyan iyan, Guro.»

«Bueno, kung gayon, bagama't kumbinsido ka ng ganyang mga bagay, bakit hindi mo minamahal ang iyong katawan, at kinapopootan mo ito nang labis, na ginagawa mong magkaroon ng gangrena sa pagitan ng isang miyembro at ng isa pa, kung saan ang mas mahinang miyembro, ang napahiyang isa, ay humihiwalay at iniiwan kang mag-isa?»

Si Juan ay itinungo ang kanyang ulo, naging tahimik habang pinaglalaruan ang mga palawit ng kanyang kasuutan.

«Sasabihin Ko sa iyo kung bakit. Sapagkat si Satanas, ang dating tagagambala, ay pumunta sa pagitan mo at ng iyong asawa. Hindi, bagkus, siya ay pumunta sa loob mo, na may walang-kaayusan na pagmamahal para sa iyong asawa. At kapag ang pagmamahal ay walang-kaayusan, ito ay nagiging poot, Juan. Si Satanas ay trinabaho ang iyong mabulas na kahalayan upang magawa kang magkasala. Sapagkat diyan kung saan nagsimula ang iyong pagkakasala. Mula sa isang walang-kaayusan na siyang nagbigay-buhay sa bago at mas malalang mga walang-kaayusan. Sa iyong asawa hindi ka lamang nakakita ng isang mabuting kasa-kasama at isang ina ng inyong mga anak, bagkus isang bagay ng pagpapakasarap. At nagawa niyan ang iyong mga mata na maging katulad ng mga mata ng isang toro, na nakikita ang lahat na nagbago. Nakikita mo ang mga bagay ayon sa nakikita mo sila. Iyan kung papaano mo nakita ang iyong asawa. Isang bagay ng pagpapakasarap para sa iyo, ganyan din ang tingin mo sa kanya para sa iba pang mga tao, kung saan nagmula ang iyong may-lagnat na paninibugho, ang iyong wala-sa-katuwiran na takot, ang iyong makasalanan na arogansiya, na gumawa sa kanya na maging isang natatakot, nakukulong, pinahihirapan, siniraang-puri na babae. Ano naman kung hindi mo siya pinapalo, kung hindi mo siya minumura sa publiko? Ang iyong pagsuspetsa ay isang pamalo, ang iyong pagdududa ay isang paninirang-puri! Sinisiraan mo siya ng puri iniisip na hahantong siya sa punto ng pagiging isang taksil sa iyo. Ano naman kung tinatrato mo siya ayon sa hinihingi ng iyong ranggo? Sa pribado ng inyong pamamahay mas malala pa siya sa isang alipin para sa iyo, dahil sa iyong katulad-sa-isang-hayop na kahalayan, na nagpapababa sa kanya nang hindi niya matagalan, at kanyang ipinaghirap nang tahimik at may-pagsunod, umaasang makumbinsi ka, mapakalma ka, magawa kang mabuti, at nakapagpagalit lamang sa iyo nang lalu’t lalo pa, hanggang sa ang iyong tahanan ay maging isang impiyerno, kung saan ang mga dimonyo ng kahalayan at paninibugho ay umaatungal. Paninibugho! Ano ang maiisip mo na mas nakapaninirang-puri para sa isang asawa kaysa sa paninibugho? Ano ang mas malinaw pang indikasyon ng tungkol sa kalagayan ng isang puso kaysa sa paninibugho? Maaari kang makatiyak na kailanman ito mamugad, tangang katulad nito, wala-sa-katuwiran, walang-pinagbabasihan, matigas-ang-ulo, wala rito kailanman ng pagmamahal para sa kapwa o para sa Diyos.  Bagkus mayroon diyan ng pagkamakasarili. Kailangan na malungkot ka tungkol sa lahat na iyan, hindi ang tungkol sa pagkakalabag sa batas ng Sabbath! At upang mapatawad kailangan na ayusin mo ang kasiraan na nagawa mo...»

«Ngunit si Anna ay ibig nang umalis ngayon... Halikayo at kumbinsihin siya... Kayo lamang ang tanging isa na makapaghuhusga kung siya nga ay totoong inosente, pagkatapos na mapakinggan siyang magsalita, at...»

«Juan! Ibig mong mapagaling ngunit ayaw mong paniwalaan ang Aking sinasabi?»

«Tama Kayo, aking Panginoon. Baguhin ang aking puso. Totoo iyan. Wala akong sapat na batayan na rason upang magsospetsa. Ngunit minamahal ko siya nang labis... may-kahalayan, totoo iyan. Nakita Ninyo ang totoong sitwasyon... Ang lahat ay malabo sa akin...»

«Halika sa Liwanag. Lumabas ka sa umaapoy na kalituhan ng sensuwalidad, na napakatindi. Mahihirapan ka sa una... Ngunit mas lalo kang mahihirapan na mawalan ng isang mabuting asawa at marapatin ang impiyerno, pinagbabayaran ang iyong mga kasalanan ng pagkukulang sa pagmamahal, paninirang-puri at pangangalunya, at ang kanyang pangangalunya din, sapagkat paaalalahanan kita na ang nagtutulak sa isang babae sa diborsiyo, ay inilalagay ang kanyang sarili at siya sa daan ng pangangalunya. Kung malalabanan mo ang iyong dimonyo sa loob ng isang buwan, isang buwan man lamang, pinangangako Ko sa iyo na ang iyong masamang panaginip ay matatapos. Makapangangako ka ba sa Akin?»

«O! Panginoon! Panginoon! Gusto kong mangako... Ngunit ito ay isang apoy... Patayin Ninyo ito, Kayo ay makapangyarihan!...» si Juan ay napaluhod sa harapan ni Jesus at umiiyak na ang kanyang ulo nasa kanyang mga kamay habang siya ay lumuluhod sa sahig.

«Babawasan Ko iyan. Lilimitahan Ko iyan. Babantayan Ko at pipigilan Ko ang dimonyong iyan. Subalit nagkasala ka nang labis, Juan, at kailangan na magtrabaho ka nang ikaw mismo sa iyong panunumbalik. Ang mga taong Aking nadala-muli sa Diyos, ay mga pumunta sa Akin pumapayag na maging bago, malaya...  Nakapagsimula na silang magtrabaho, sa pamamagitan ng kanilang sariling lakas lamang, ang simula ng kanilang katubusan. Katulad nina Mateo, Maria ni Lazarus at marami pang iba. Ikaw ay naparito para lamang malaman kung ang iyong asawa ay nagtataksil at upang matulungan Ko na hindi mawala ang pontanya kung saan ang iyong pagpapakasarap ay umiinom. Lilimitahan Ko ang kapangyarihan ng iyong dimonyo sa loob ng tatlong buwan, hindi isang buwan. Sa loob ng panahon na iyan magnilay-nilay at tumaas. Magpasya na makapagsimula ng bagong buhay bilang isang asawa. Ang pamumuhay ng isang lalaki na niregaluhan ng kaluluwa. Hindi ang pamumuhay ng isang hayop katulad na nadala ka magpahanggang ngayon. At napalakas ng panalangin at ng pagninilay-nilay, ng kapayapaan na Aking ibibigay sa iyo bilang isang regalo sa loob ng tatlong buwan, matutong makibaka at makuha ang eternal na Buhay at makuhang muli ang pagmamahal at kapayapaan ng iyong asawa at ng iyong tahanan. Lakad.»

«Ngunit ano ang aking sasabihin kay Anna? Baka matagpuan ko siya na handa nang umalis... Anong mga salita ang aking sasabihin pagkaraan ng napakaraming mga taon ng... pang-iinsulto, upang kumbinsihin siya na minamahal ko siya at na ayaw ko siyang mawala sa akin? Pakiusap na sumama sa akin...»

«Hindi Ako makasasama. Ngunit iyan ay napakasimple... Maging mapagpakumbaba. Tawagin siya sa isang tabi at ipagtapat mo sa kanya ang iyong paghihirap. Sabihin sa kanya na ikaw ay pumunta sa Akin sapagkat ibig mong mapatawad ng Diyos. At sabihin sa kanya na ikaw ay patawarin niya sapagkat ang kapatawaran ng Diyos ay maibibigay lamang sa iyo kung ito ay pananawagan niya para sa iyo at siya ang una na magbibigay sa iyo nito... O! di-masayang tao! Gaanong kabutihan, gaanong kapayapaan ang iyong sinayang sa pamamagitan ng iyong kahalayan! Gaanong kasamaan ang dinala ng kaligaligan ng mga pandama at ng kawalang-kaayusan ng mga damdamin! Tumaas at humayo na may mapayapang isip. Hindi mo ba naiintindihan na ang iyong asawa, na mabuti at tapat sa iyo, ay ang mas nahihirapan kaysa sa iyo na isipin na kailangan kang iwanan at naghihintay lamang ng isang salita mula sa iyo upang sana masabi niya: “Pinatawad na kita ng lahat”? Makakalakad ka na ngayon, dahil ang araw ay halos nakalubog na. Kung gayon hindi ka nakagagawa ng kahit anong kasalanan sa pagbabalik mo sa iyong bahay... At ang Tagapagligtas ay pinatatawad ka ng iyong kasalanan sa pagpunta mo sa Kanya. Humayo sa kapayapaan. At huwag nang magkasala pa.»

«O! Guro! Guro!... Hindi ako karapat-dapat ng mga ganyang salita!... Guro... Ibig kong... mahalin Kayo magmula ngayon...»

«Oo, siyempre. Lakad at huwag mag-antala. At tandaan ang oras na ito kung kailan Ako ang magiging ang sinisiraang-puri na Inosente.»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin?»

«Wala. Lakad. Paalam» at si Jesus ay umalis iniiwan ang dalawang miyembro ng Sanhedrin naantig at nananabik na husgahan Siyang totoong banal at marunong katulad na Diyos lamang ang maaaring maging ganito.

281110

 



Sunod na kabanata